Chapter 12
Napapikit si Garrie nang maalala ang mga sinabi ni Ice sa kaniya tungkol sa sex. Ang dami nitong na-share na experience at bigla siyang nakaramdam ng inggit. Hindi niya inamin kay Ice, pero may parte sa kaniya nakaka-miss naman talaga. Wala siyang ibang pagsasabihan dahil nakakahiya.
Wala si Tristan. Dalawang araw na rin itong hindi umuuwi at nabanggit lang sa kaniya ni Josiah na malamang ay nasa St. Pierre ito dahil nagkaroon ng gulo noong nakaraan. Mukhang mayroong mga rebeldeng nagtangkang sumugod.
Bumukas ang pinto ng kwarto niya at sumilip si Mikay. "Garrie, dumating na si Boss."
Kaagad siyang bumangon para tingnan ang lagay nito. Nakita niya sa pintong nasa labas si Meredith at mukhang kagigising lang. Suot nito ang pantulog na pinatahi nila at yakap din ang teddy bear na galing sa Beta Escarra.
Nilingon niya si Mikay at sinenyasang papasukin ang anak niya sa loob ng kwarto dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. Mikay immediately took action and carried Meredith inside the room.
Sa labas, narinig niyang mayroong komosyon. Lumabas siya at naabutan si Josiah at isa pang lalaking umaalalay kay Tristan na lumabas mula sa likuran ng sasakyang hindi pamilyar sa kaniya. Isa pa, napansin niyang iba rin ang nagmamaneho.
Garrie saw that Tristan was struggling and in pain. His eyes were shut, he was groaning, and both hands were fisted.
Nakatingin sa kaniya si Josiah bago siya dinaanan. Gustuhin man niyang magtanong, busy ang lahat kaya nanatili siyang nakatayo hanggang sa makapasok sa loob ang lahat. Ni hindi alam ni Tristan na naroon siya.
Lumapit sa kaniya ang isang lalaking kasama sa sasakyan at nagpakilala itong tauhan ni Martin sa St. Pierre. Sinabi nitong nagkaroon ng gulo sa lugar at isa si Tristan sa mga humabol sa mga rebeldeng nagtangkang pasukin ang hacienda. The man also mentioned that Tristan and Martin had a face to face with the rebels after trying to enter Martin's house.
Nabanggit din nitong medyo maraming sugat si Tristan.
"Bakit hindi n'yo siya dinala sa Olympus? Bakit dito n'yo siya dinala?" tanong niya. "Mas magagamot siya sa Olympus kung sakali man."
Umiling ito. "Sinabi na rin po namin, pero ayaw niya. Mas gusto raw niyang umuwi rito," seryosong sambit ng lalaki. "Mauuna na rin po kami, Miss Garrie. Kailangan na po naming bumalik sa Hacienda. Dadaan din muna kasi kami kay Miss Ice dahil pinatatawag siya ni Boss Martin."
Pinilit niya ang ngumiti at muling nagpasalamat sa lalaki. Sakto namang pagpasok niya ng bahay, lumabas mula sa basement ang isa sa mga tauhang tumulong kay Tristan.
"Kumusta siya?" tanong niya rito.
"Hindi ko po sigurado, Miss Garrie, pero nasa baba pa po si Josiah. Siya po ang nag-aasikaso kay Boss," sagot nito. "Meron po ba kayong kailangan?"
Tumango siya at inutusan itong magpunta sa pantry para kumuha ng pagkain para kay Tristan. Sinabi rin niyang tawagin ang doctor ng Kampo at dalhin lahat ng puwedeng gamitin sa paglinis ng sugat, pain reliever, o kahit na anong puwede nilang gamitin para kay Tristan.
Malalim na huminga si Garrie nang maiwang mag-isa sa living room. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. She didn't have any medical background, but she knew how to take care of people. She used to look after Mikay's father before he passed.
Nang medyo mahimasmasan, pumasok siya sa kwarto nina Meredith at Mikay. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang anak niya at tinatapik ni Mikay na sinabing huwag na siyang maingay. She mouthed thank you and left the room to go to the basement.
Sa hagdan pa lang, naririnig na niya ang boses ni Tristan. Binanggit nito kay Josiah ang tungkol sa mga tauhan ng kampo na ipadadala sa St. Pierre. Narinig din niyang ilabas ang mga baril na nakatago at dalhin din sa hacienda ang isang tanker galing sa Beta Escarra. Narinig din niya ang pangalang Victor.
Tumigil sa pagsasalita si Tristan nang makita siyang bumababa ng hagdan. Nilingon siya ni Josiah na salubong ang kilay at mukhang nag-aalala rin sa kaibigan.
"What the fuck are you doing here, Margarette?" Tristan groaned as he tried to move. "Matulog ka na... and you're not allowed in here."
But Garrie didn't listen and walked towards Tristan. She saw blood from his gray shirt, mud on his pants and shoes, bruises on his face and knuckles, and even blood splattered all over his arms.
"Margarette," Tristan shut his eyes while holding his lower stomach. "Get the fuck out," he muttered.
Again, Garrie didn't move and gazed at Josiah. Sabay rin nilang nilingon ang hagdan nang marinig ang boses ng dalawang lalaki. It was the doctor and a male nurse that rushed to Tristan.
Maingat na nagtulong ang tatlong lalaki na ipasok si Tristan sa loob ng bathroom. Saglit silang nagkatinginan ni Tristan na sinabing umakyat na siya at matulog na, pero hindi niya ginawa. She remained standing until the bathroom door opened.
This time, Tristan was in less pain, new bathed, cleaned, and was more relaxed. Mayroong bandage sa kamay, sa gilid ng noo, at sa gilid ng tiyan na medyo nahalata sa suot nitong puting T-Shirt.
"I told you to sleep," ani Tristan nang makita siya. "Josiah, can you convert this sofa into a bed? I wanna rest."
Sinunod ni Josiah ang utos ni Tristan. Nagpaalam naman sa kanila ang doctor at nurse na sinabing tawagan sila kung mayroong kailangan at huwag kalilimutan ang pag-inom ng gamot. Rest was also mentioned. Nang umakyat ang mga ito, sumunod siya dahil gusto niyang malaman ang lagay ni Tristan.
"May saplis ng saksak sa tagiliran niya. We we're able to clean the wound and immediately gave him a tetanus shot. Hindi natin sigurado kung may kalawang ba ang pinangsaksak sa kaniya," paliwanag ng doctor. "He needs a lot of rest. Kung puwede lang sana, Miss Garrie, na monitored ang pagkain at hindi siya masyadong gagalaw. Alam kong hindi siya sanay na walang ginagawa, but if we can try. Matigas talaga kasi ang ulo niyang batang 'yan."
Mahinang natawa si Garrie at tumango. Muli siyang nagpasalamat sa may-edad na doctor at ipinakilala nito ang anak na nurse. Nabanggit din na madalas na magpupunta ang nurse na ito para tingnan si Tristan ngunit nakiusap sa kaniya na siya mismo ang umasikaso.
It would be hard, of course. Hindi niya alam ang gagawin.
Nanatili siya sa living room at nag-isip. Hindi puwedeng wala siyang alam and this was the life she chose. Sinabi sa kaniya ni Ice na may mga pagkakataong kailangan niyang mag-adjust o kumilos at matuto dahil sa buhay na mayroon si Tristan. That she was now the wife of a boss. Na hindi na siya basta inaapi o niyuyurakan o inaabuso ng daddy niya. Naalala niya rin ang sinabi ni Ice na puwede na siyang mag-utos, manghingi, at makiusap sa mga tauhan. Kahit ano, ibibigay sa kaniya.
Garrie was in deep thought when Josiah got her attention.
"Nakatulog na siya," sabi nito. "Mukhang malakas ang gamot na ibinigay ni Tito Rick. Matulog ka na rin muna, Miss Garrie. Kami na ang bahala sa kaniya. Kung may kailangan ka, nasa labas lang din ako."
Isang tango ang naging sagot niya. "Gusto mo ba ng kape? Balak ko kasi sanang magtimpla."
"Hindi na, Miss Garrie. Matulog ka na," natawa si Josiah. "Sa labas lang po muna ako."
And she didn't listen. Nagtimpla siya ng dalawang kape para sa kanila ni Josiah. Naabutan niya itong nakatayo sa harapan ng pinto. Inaya niya itong maupo muna sa sofa.
Josiah agreed and there was a safe space between them. Silence overpowered until Garrie asked if this situation was normal.
Sadly, Josiah nodded.
"Mas lapitin lang talaga ng gulo ang St. Pierre at Kampo." Sumimsim ng kape si Josiah. "Lahat silang magkakaibigan, lapitin ng gulo. Ang tatalino kasi! Sabi nga naming mga tauhan, paano kaya ang buhay namin kung wala sila? Tahimik 'yang apat na 'yan... wait... lima pala, kasali pala si Boss Ice."
Yumuko si Garrie at ngumiti.
"Pero seryoso. Paano kami kung wala sila?" ulit na tanong ni Josiah.
Umiling si Garrie. "Paano sila kung wala rin kayo? I think it's a give and take process naman. Hindi rin naman nila magagawa ang meron sila ngayon kung wala kayong tumutulong sa kanila. It's good na may mga napagkakatiwalaan sila, so don't discredit yourselves."
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Josiah. "Oo rin naman, pero kung hindi nila sinimulan 'tong mga 'to, wala rin naman kami. Hindi namin makikita ang potential namin kasi naka-focus na lang kami kung paano kami mabubuhay. Sa tingin mo ba, mararanasan naming matulog nang mahimbing o kumain nang maayos o maranasan ang may ilaw kung hindi dahil sa kanila? They all have the resources and minds to execute."
Naintindihan ni Garrie ang sinasabi ni Josiah kaya hindi na siya nakipagtalo. These people looked up to Tristan and his friends—ganoon din naman siya kung tutuusin. Kahit ang daddy niya, nagkaroon ng sariling lugar dahil mayroon silang napuntahan at mayroon itong mga tauhan.
"Let's face the reality, Miss Garrie. Simula nang magulo ang mundo, ang mga taong may connection, properties, posisyon, pera... kahit na hindi na natin magagamit ang pera dito, malaki pa rin ang impact nito sa ganitong kagulong mundo," umiling si Josiah. "Mabuti na lang maayos ang ugali nitong limang boss."
"Sure ka ba kay Jayne?" pagbibiro ni Garrie. "Kasi ang alam ko..."
Mahinang natawa si Josiah at tumango. "Totoo rin naman..."
—
NAGISING SI Tristan nang maramdaman ang pananakit ng katawan niya. Mukhang wala na ang bisa ng pain reliever na ibinigay sa kaniya at mas lalo niya pang naramdaman ang sakit lalo sa bandang kamao at tagiliran kung saan siya nadaplisan ng saksak.
He tried to stand up but couldn't until a voice filled his ear.
"May kailangan ka?" Garrie walked towards her holding a bottled water. "Inom ka muna ng tubig."
"What are you doing here?" Sinubukan niyang maupo at sumandal sa backrest ng sofabed niya. "Umaga na ba? Puwede mo bang ipatawag si Josiah?"
Umiling si Garrie na ikinagulat ni Tristan. "Hindi puwede, eh. Nagbilin ang doctor na hindi ka raw muna puwedeng magtrabaho kaya sinabihan ko rin si Josiah na siya na muna ang bahala sa Kampo. Sinabi ng doctor na magpahina ka na muna."
"No... I nee—" Tristan stopped talking when Garrie stared at him nonchalantly and took the bottled water. "Margarette, I need to talk to Josiah. Please."
Garrie gave her a nod and left the basement without saying a word. Bumaba ang tingin niya sa gauze na nasa may tiyan niya. Maingat niya iyong hinaplos nang maramdaman ang sakit. Napapikit siya at nakagat ang ibabang labi. It had been long since he had this type of wound and it was so painful.
"Why ikaw ouchy?"
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Meredith. Pagdilat niya, nakaupo ito sa hagdan habang nakalusot ang ulo sa may railings na bakal. Malaki naman ang pagitan kaya hindi ito nahirapan.
A set of curious asian eyes stared at him. Naka-bun ang mahabang buhok nito at nakasuot ng spaghetti strap sando at pajama na kulay asul. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa bakal habang nakatitig sa kaniya.
"What happened sa ouchy mo po?" Meredith frowned. "Are you okay? Mommy is talking to Tito Josiah. Should I call mommy ko?"
Tristan shook his head and shut his eyes. "Go upstairs, Meredith. You're not supposed to be here. You're not allowed to be here."
"Why not?" The little girl asked lowly. "I'm not makulit po. I'm just here, oh. Sit lang ako here. Promise."
He didn't respond and just kept his eyes shut. He also observed that Meredith had never called him Daddy again in the past few days or weeks. Not even Tito or Sir. The little girl was just talking without addressing him.
Nanatili lang siyang nakapikit at hinayaan si Meredith kung nag-stay man. Wala siya sa mood makipagtalo sa kahit na sino. Gusto niyang maalis ang sakit o gusto niyang matulog muna nang walang nararamdaman.
Meanwhile, Garrie just asked for Josiah to get some food for Tristan. Siya na ang bahala sa iba. Gusto niyang sundin ang sinabi ng doctor na magpahinga muna ito at wala munang trabahong gagawin. Josiah understood and even thanked her for taking care of Tristan.
Nang makuha niya ang pagkain at gamot na ipaiinom, bumalik siya sa basement at nagulat nang makita si Meredith na nasa sofa katabi ni Tristan. Hawak nito ang libro at ikinukuwento ang nasa picture dahil hindi pa naman ito nakababasa.
Panic rushed through Garrie and she almost tripped while running downstairs. Ibinaba niya ang basin na mayroong laman sa lamesa at kaagad na nilapitan ang anak.
"Mer, what are you doing here?" Garrie whispered and carried her daughter. "Sabi ko sa 'yo, we're not allowed to be here, right? Ikaw talaga."
She heard Tristan groan. "Let her," he murmured. "Tell me about the donkey, Meredith."
"Okay!" Meredith excitedly got down, took the book, and sat beside Tristan again. "The donkey got the short po and... and... basta the donkey is very makulit."
"Like you," Tristan said.
"Yes," Meredith chuckled. "You know what, the donkey is smiling and has big toof. It's big and yellow and I think he's not brushing."
Nakita ni Meredith na mahinang natawa si Tristan sa sinabi ni Meredith dahil ganoon din siya. Tumalikod siya at inayos ang sopas na iniluto ng mga nasa pantry. Tinanong niya si Tristan kung gusto na ba nitong kumain, pero umiling. Tristan only wanted pain relievers for now, but Garrie insisted to have at least a bite.
Sumunod naman kaagad si Tristan. Saktong pinakakain niya ito nang bumaba si Mikay na halata ang takot sa mukha nang makitang naroon si Meredith. Sinenyasan niya itong kunin muna ang anak niya para makapagpahinga si Tristan. Saglit mang nakipagtalo ang anak niya, pero naintindihan na ouchy nga raw ito kaya aalis na.
Naiwan si Garrie na hinintay matapos kumain si Tristan bago niya ibinigay ang capsule ng pain reliever.
"Sorry about Meredith," Garrie apologized. "Josiah won't come here so if you need anything, just ask me."
"You don't have to," Tristan rested his back and exhaled. "I think my wound needs cleaning. Pupunta ba ang doktor dito o kaya ang nurse?"
Lumapit si Garrie kay Tristan at akmang itataas ang laylayan ng shirt nang hawakan nito ang pulsuhan niya. For some reason, that touch sent millions of voltage that she had to immediately withdraw her hand making Tristan frown.
"Sabi ni doc kanina, i-check ko ang sugat mo," kinakabahang sambit ni Garrie habang nakatitig kay Tristan. "Kung ayaw mong hawakan kita, pakitaas mo na lang 'yang shirt mo so I can report to doc. Wala kasi siya dahil pupunta sa Olympus para makakuha ng next dose mo ng tetanus vaccine. Si Raph naman ang nakabantay sa tauhan mong nasugatan din kahapon."
Malalim na huminga si Tristan at pumikit. Hinayaan niya si Garrie sa gagawin kahit na nahihirapan siya. He didn't wanna see do something to his body. Iba ang epekto nito sa katawan niya. Para siyang napapaso.
Sa bawat kilos, nararamdaman niya ang bigat ng paghinga niya.
"Masakit ba?" Garrie whispered making Tristan look at her. "Sabi ni Doc, hindi sila sigurado kung ano ang tumusok sa 'yo. May idea ka ba?"
Tristan stared at Garrie and shook his head. "I have no idea."
"A-Are you gonna be okay?" Garrie murmured without looking away while fixing his shirt. "Makakatulog ka rin daw pala sa gamot na ibinigay ko sa 'yo. Mabuti 'yan para mas makapagpahinga ka na. Puwe—"
Hindi maintindihan ni Tristan kung ano ang huling sinabi ni Garrie dahil bumigat ang pakiramdam niya. Inantok siya at kusang pumikit ang mga mata niya. Naramdaman niya ang pagbalot ng kumot sa katawan niya pati na rin ang pagtanggal ng buhok na nakaharang sa mga mata niya.
"Please be okay," he heard Garrie say before he completely dozed off.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top