Chapter 56

Gustong matawa ni Ice habang inaalala ang nangyari buong gabi. Ang akala niya, mayroong magaganap sa kanila ni Lexus dahil halik ito nang halik sa leeg niya, pero hindi. Wala silang ginawa kung hindi magkuwentuhan.

Imbes na sa kwarto, sa living room na sila nakatulog.

Kinuha ni Lexus ang manipis na kutson na nasa guest room at iyon ang nilatag nilang dalawa habang pinag-uusapan ang bahay na ibinigay ng kuya niya.

Ice didn't expect this one. Wala naman silang pinag-usapan ng kuya niya tungkol sa pagtira nila sa Escarra, pero bigla niya ring naalala si Eve. Kahit na mayroong airport si Lexus at mayroon siyang Beta Escarra, mas mabuting dito titira ang anak niya dahil sa environment at normal na pamumuhay na kayang ibigay ng lugar.

Nilingon niya ang pinto nang marinig ang mahinang pagkatatok. Akmang tatayo siya mula sa kama nang pigilan siya ni Lexus at ito ang tumakbo para salubingin kung sino man ang nasa labas.

And it was Elodie, carrying a bowl.

"Good morning, Lexus," Elodie widely smiled. "Dinala ko kasi 'to sa bahay nila Kuya Jakob and sabi nilang dito na raw kayo kaya dito ko na dinala. Nagluto kasi ako ng sopas para sa almusal."

Tumayo si Ice at lumapit sa may pinto. Napatitig si Lexus sa kaniya. "Ilang taon ka na? Mas matanda si Lexus sa 'yo, 'di ba?"

Napansin ni Lexus ang iritasyon sa boses ni Ice pati na rin ang pagtaas ng kaliwang kilay nito habang nakatingin kay Elodie na nawala ang ngiti.

"Kapag mas matanda sa 'yo ang lalaki, dapat kuya ang tawag mo. Si Jakob, tinatawag mong kuya, pero si Lexus... Lexus lang?"

"S-Sorry po," bahagyang yumukod si Elodie. "Sopas po, Ate Ice. Niluto po namin 'yan ni Ate Julia kanina."

Hindi sumagot si Ice at basta na lang tinalikuran si Elodie kaya si Lexus na ang kumuha ng bowl. Humingi siya ng sorry kay Elodie dahil sa ginawa ni Ice, pero deep inside, tawang-tawa siya. Bago ito tuluyang umalis at magpaalam, humingi muna ulit ng sorry kay Ice na hindi naman namansin.

"Sa susunod, 'pag may kakatok... magdamit ka," sabi ni Ice na seryosong nakatitig sa kaniya. "Maka-first name basis, para kayong sobrang close. Ano mo ba 'yon, ha? Oo nga pala. Hindi ko natatanong. Ano kayo?"

Ngumiti si Lexus at naglakad papalapit kay Ice. Ipinalibot niya ang braso sa baywang bago hinalikan sa pisngi papunta sa labi.

"Nagseselos ka ba, lalabs? Gago, hindi bagay," pang-aasar niya. "Wala ka namang dapat ipagselos kay Elodie. Lalabs, parang kapatid lang turing ko sa kaniya. Kailangan niya ng mapagkakatiwalaang tao at alam mong ako 'yon."

Walang sagot si Ice. Inirapan pa nga siya at nagpumilit na humiwalay sa kaniya, pero hindi niya hinayaan. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang at mas inilapit pa sa katawan niya.

"May trauma pa rin kasi Elodie, Lalabs. Medyo hindi maganda 'yong ginawa mo sa kaniya ngayon," sinalubong niya ang tingin nito.

"Eh kasi naman, bakit k—"

Lexus was quick to stop Ice from bantering by kissing her lips. Pinagdikit niya ang noo nilang dalawa bago hinalikan ang tungki ng noo nito.

"Wala kang dapat ipag-alala kay Elodie, pero kung puwede lang sana... let's be a little more careful and understanding? Hindi naging maganda ang sinapit niya kay Victor at alam kong hindi ka interesadong malaman. I don't want you to know, too. Even Jakob spared Anya from knowing the truth," Lexus murmured. "Please. Kailangan ni Elodie ang Escarra. S-She's not really, okay."

Alam ni Ice na seryoso si Lexus at walang halong biro dahil english na. May accent pa kaya naman napaatras na siya at hindi na nakipagtalo pa.

Binalikan niya si Eve na nakahiga pa sa crib. Gising na gising ito at nakataas ang buhok kaya natawa siya. Makapal, malago, at straight ang buhok ng anak niya. Sa tuwing pinagmamasdan niya ito, para siyang nakatitig sa maliit na Lexus.

Bigla rin niyang naalala ang sinabi nito. Imposibleng walang alam si Anya tungkol sa nangyari kay Elodie dahil halos lahat ay sinasabi ng kuya niya... unless it was severe that her brother didn't his wife to stress about it.

Nilingon niya si Lexus na busy sa pagluluto ng almusal. Nag-insist siya na kumuha na lang sila ng luto na sa pantry, pero gusto raw nitong subukan ang electric stove na pinadala ng kuya nuya galing sa Olympus.

Ice chose a heavy breakfast—fried rice na maraming garlic, smoked meat na ginagawa ng mga nasa pantry, sunny side up egg, at coffee. Gusto niya ng proper breakfast sa unang araw nila sa bahay na ito. Balak na rin niyang ayusin ang kwarto para sa kanilang tatlo.

"Lalabs, may naisip pala ako." Lumapit si Lexus sa living room hawak pa ang sandok na ikinangiti niya. "Gusto mo bang sumama sa 'kin mamaya? Pupunta kasi ako sa grupo ni Ethan 'tapos baka puntahan ko na rin ang airport. Nabanggit din sa 'kin ni Jakob kanina na baka kausapin ako ni Austin."

Naningkit ang mga mata ni Ice at napaisip. Kung tutuusin, matagal na rin niyang gustong sabihin kay Lexus na gusto niyang sumama, pero mas nag-focus na rin muna kasi siya sa pag-aasikaso kay Eve.

"Sige, sasama ako. Hindi naman ba magagalit ang mga miyembro mo?" naningkit ang mga mata niya.

"Tss. Ba't sila magagalit? Alam naman nila kung sino ka sa 'kin," ngumisi ito.

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit? Ano bang sinabi mo sa kanila?" nagpameywang siya at kinabahan sa nakalolokong pagngiti ni Lexus.

"Myhouse," malapad itong ngumiti sabay halakhak. "Hindi nila na-gets kaya tawa ako nang tawa noong nasa sasakyan na 'ko. Bahala na sila mag-figure out."

Literal na nalukot ang mukha ni Ice dahil hindi niya ma-gets ang sinasabi ni Lexus. Nagpatuloy ito sa paghahalo ng nilulutong sinangag, pero humahagikgik. Parang gago.

At nang ma-realize niya, kaagad niyang kinuha ang lampin ni Eve at malakas na himapas ang likuran ni Lexus. Tawa pa rin ito nang tawa. Ni hindi ininda ang sakit ng pagkakahampas niya. Lumapit na siya at pinagsusuntok ang braso nito, pero hindi pa rin natitigil sa paghalakhak.

"Nakakadiri ka!"

"Ito naman!" Hinawakan ni Lexus ang pulsuhan niya. "Noong namumugot ako, 'di ka nandidiri, pero dito. Ganyanan tayo, ha."

"Ewan ko sa'yo!" Mahina niyang sinuntok ang tagiliran ni Lexus na tawa pa rin nang tawa. "Huwag na huwag mo 'kong tatawaging ganiyan sa harapan ng iba, ha. Patutulugin talaga kita rito sa sala sinasabi ko sa 'yo."

Imbes na mairita dahil sa pagtawa ni Lexus, binalikan niya si Eve at binuhat ang anak para saglit na lumabas ng bahay. Sinalubong din kaagad siya nina Tom Cruise at Cameron Diaz na nakikipaglaro din sa mga aso nina Jakob at Anya.

Paharap ang pagkakabuhat niya kay Eve. Itinuro iyon sa kaniya ni Delia dahil noong umpisa, hindi niya alam kung paanong bubuhatin nang maayos ang anak niya. Halos iyakan pa niya noong umpisa ang pag-aalaga kay Eve, pero naging malaking tulong si Lexus sa kaniya. Sa tuwing nararamdaman at nakikita ni Lexus na hindi na maayos ang mood niya, kukunin nito si Eve para makapagpahinga siya bago nila susubukan ulit.

Ice started singing for Eve while watching the dogs run around the yard, and she had no idea Lexus was watching from inside the house.

Sa ilang linggong magkasama sila, malaki an ang ipinagbago ni Ice. Madalas na itong nakikipaggaguhan sa kaniya. Madalas na rin itong lumalabas ng bahay na hindi ginagawa noon.

But physically, Ice changed drastically. Nagbabawi na ito sa katawan at medyo nagkakalaman na rin tulad noon—malayo sa unang beses niyang nakita na halos buto't balat. Madalas din niya kasi itong inaayang kumain kahit hindi naman siya nagugutom para lang mayroong makasama.

Madalas na naka-braid hanggang anit ang buhok ni Ice nitong mga nakaraan. She didn't like the length because she was used to longer hair, but asked Delia to braid her hair almost everyday.

Ice glowed over the past few weeks, and Lexus felt relieved. Mas gusto rin niya na madalas silang naggagaguhan at bangayan kaysa noon na pareho silang hindi nagpapansinan at tahimik lang. He promised it won't happen again.

Isa pa, Ice apologized to him. Nagkausap naman na sila at sinubukang ayusin ulit. Lexus still had trust issues regarding Ice but was working on it. He had already told Anya about this, and Anya said it was okay. Normal naman daw na maramdaman niya ang trust issue lalo na at mabigat ang ginawa ni Ice.

Inayos niya ang lamesa bago lumabas. Kaagad na tumakbo papalapit sina Cameron Diaz sa kaniya dahil busy si Tom Cruise na makipaglaro kay Gigi.

"Lalabs, kain na tayo." Tumingala siya kay Ice. "Kausapin ko rin mamaya si Jakob na aalis ako at isasama kita. Si Eve? Okay lang naman siguro siya kay Ate Delia, 'di ba?"

Tumango si Ice. "Oo. Maaga na lang din tayong umalis. Balak mo bang magtagal? Ayoko sanang gabihin masyado. A-Ayokong ma-break 'yong routine natin na ako ang magpapatulog kay Eve kasi baka mamaya, umayaw na naman sa 'kin."

"Hindi. Kakausapin ko lang sila sandali. Ipapakilala ko lang si Austin 'tapos puwede na rin tayong umuwi kaagad. Balak ko rin sanang kunin ang ibang damit ko sa eroplano. Okay lang kaya?"

"Ano ka ba? Sinabihan naman na kita kagabi tungkol diyan," natawa si Ice. "Ipapaayos ko na rin sa iba 'yong mga gamit ni E—"

Umiling si Lexus at tumayo. "Tayong dalawa na lang ang mag-ayos. Simpleng bagay lang naman 'yon, iuutos mo pa sa iba. Ikaw talaga! Kapag kaya mo namang gawin, gawin mo na. Iuutos mo pa, eh."

Naningkit ang mga mata ni Ice at alam ni Lexus na mayroon itong pangmalakasang rebuttal kaya siya na mismo ang pumutol. Inaya na niya itong pumasok sa loob para kumain.



BAGO mananghalian, nakarating na sina Lexus at Ice sa dating lungga ni Victor. Malaki na ang pagbabago dahil pinalinis niya ang lugar. Pinatanggal niya ang mga harang sa palibot pati na rin ang mga trap na alam niyang napalagay sa mga puno, lupa, at kung saan-saan pa.

He also asked everyone to make the place as presentable as possible. Iyong puwedeng tirhan para gawing mukhang normal hindi tulad noon na magulo, maputik, madilim, at makalat.

Wala naman kasing pakialam si Victor noon sa lugar, pero hindi siya ganoon. Kaya nga na-maintain niyang maayos ang itsura ng airport sa loob ng ilang taon.

Gamit nila ang Hummer na sasakyan ni Ice. Nakasunod sa kanila ang isa pang sasakyan sakay sina Austin at Nicholas na nakilala niya mula kina Jakob at Anya. Nakasunod rin sa kanila si Ares na galing pang Olympus para lang makita ang progress ng mga ginagawa nila.

Lexus couldn't do this alone. He asked for everyone's help at malaki ang naitulong ng mga ito sa kaniya dahil hindi naman siya sanay na magkaroon ng ganito kalakung grupo.

"Tara," pag-aya niya kay Ice.

"Dito muna ako. I'll observe first," sabi nito.

Naintindihan ni Lexus. Kahit na halos bumalik naman na ang dating aura ni Ice, may mga pagkakataong hindi pa rin ito kumportableng humarap sa maraming tao. Bilang sagot, hinalikan niya ang gilid ng noo ni Ice.

"Hintayin kita sa labas." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Kung hindi ka kumportable, hintayin mo na lang ako rito."

Tumango si Ice at ngumiti.

Pagbaba ni Lexus, sinalubong siya ni Austin at Nicholas. Tinanong ng dalawa kung puwede bang mag-ikot dahil gustong makita kung maganda ang lupa at patubig para sa plano nila. Sumunod naman si Ares na tumango.

"Kasama mo raw si Jayne?"

Nilingon niya ang kotse. "Oo. Nasa loob pa. Nakita mo 'yong harap? Ang linis na."

"Oo. Hindi na mukhang demonyo ang may-ari," nakalolokong ngumiti si Ares. "Patabas mo rin 'tong ilang puno para medyo lumiwanag dito. Putangina, ang dilim, eh. Parang kampon ang nakatira."

Natawa siya sa sinabi ni Ares. Tumingala siya at nakita ang mga punong humaharang sa liwanag. Isa 'yon sa balak niyang ipagawa sa mga susunod pa, mayroon lang siyang dapat unahin.

Naglakad sila ni Ares para tinginan ang buong lugar nang marinig nila ang pagbukas ng sasakyan. Sabay silang lumingon at nakita si Ice na bumaba. Literal na tumigil si Nathaniel, Efren, at Ray sa pagsasalita nang makitang papalapit na ito sa kanila.

Suot ni Ice ang simpleng flare blue jeans, puting loose sando, at lumang converse na kulay itim. Her short hair was braided to the scalp and in sections, too. Salubong din ang kilay habang ipinalilibot ang tingin sa buong lugar. Tumabi ito sa kanilang dalawa ni Ares.

"Ice." Kinuha niya ang atensyon nito. Pigil na pagil siyang tawagin itong Ice sa harapan ng mga lalaking nagtatrabaho sa kaniya. "This is Nathaniel, Efren, and Ray."

Isang tango ang naging sagot ni Ice.

Kinuha niya rin ang atensyon ng mga lalaki. "Jayne Escarra, pero mas tinatawag namin siyang Ice. Anak siya ng dating Vice President at kapatid siya ni Jakob Escarra." Mahabang katahimikan. "Siya ang madalas kong makakasama rito."

Tumango ang tatlong lalaki na hindi pa rin inaalis ang titig kay Ice.

Ice wasn't at her best self, but she still got the attention of most males inside the group. Even the females were examining Ice.

Pumasok sila sa dating bahay ni Victor para magkausap. Ares and Ice were with them, too. Nathaniel, Efren, and Ray were all talking about each group they were handling.

"Nasunod na rin namin ang utos mo na ilista ang lahat ng pangalan," sabi ni Nathaniel. "Nagsisimula na kaming gumawa noong identification record na sinuggest mo noong nakaraan. Pinapagawa na namin sa grupo ko."

Ice observed everyone and saw how serious Lexus was. Malayong-malayo ito sa nakikipaggaguhan sa kaniya o nakikipaglandian dahil nakikinig talaga ito sa sinasabi ng mga tauhan.

"Meron bang mga umalis?"

Umiling si Efren. "Sa 'kin, wala. Willing silang matuto sa mga gusto n'yong ituro."

"Wala rin sa 'kin," sabi ni Nathaniel. "Nabanggit ko sa kanila na sa susunod, pupunta kayo roon para I-check ang lugar kung saan kami puwedeng kumilos. Natuwa rin sila."

Humarap si Lexus kay Ray. "Sigurado akong merong umalis dito. Matitigas bungo ng mga tao rito, eh."

"Merong 23 na umalis," sabi ni Ray. "Takot daw sila sa 'yo kasi mukhang mas malala ka kay Victor."

"Gago," kaagad na depensa ni Lexus.

Natawa si Ray. "Pero 'yong mga umalis, hindi mga delikado. Hindi na rin daw nila kayang mag-stay sa lugar na dahil sa nangyari sa kanila. Susubukan daw nilang umuwi sa dating probinsya. Naintindihan ko naman kaya hinayaan ko na. Alam naman nila ang rules and consequences, nasa sa kanila na 'yon."

Tumango si Lexus at nilingon si Ice. Nasa balcony ito at seryoso ang mukha nitong nakatingin sa mga tauhan ni Ray na kausap ni Austin kaya nagpaalam na rin muna siya sa mga kausap para lapitan ito.

"Ang serious naman," bulong niya. "Nag-usap kami ni Austin. Sabi niya marunong daw gumawa ng bricks ang mga taga-St. Pierre kaya puwedeng magpatulong para diyan sa mga putik na daan. Sa tingin mo?"

"Good idea. Kasi ang kadiri? Puwede namang mapaayos," sagot ni Ice. "Narinig ko si Austin. Sinabi niya kay Ares na maganda ang lupa at patubig ng lugar na 'to. Tanga-tanga talaga 'yong Victor na 'yon. Hindi marunong."

Ngumiti si Lexus at nag-cross arms. "Thank you sa tip mo noong nakaraan."

"Saan doon? Ang dami no'n, eh," pagbibiro ni Ice.

"Sa lahat. Everyone got the memo. Walang special treatment. Ang sweldo ay base sa bigat at gaan ng trabaho. Napag-usapan na rin namin na magkakaroon ng assessment tulad nang sinabi mo last time. Kung ano ang skill, kung ano ang kayang pag-aralan, doon sila ilalagay. Kung gaano katagal nagtrabaho, iyon ang sweldo. Parang sa Beta Escarra," patagilid na hinarap ni Lexus si Ice. "Ice, natatakot ako."

Naningkit ang mga mata ni Ice at sinalubong ang tingin ni Lexus. Inaya niya itong magpunta sa mas pribadong area ng bahay at dinala siya sa second floor, sa isang bakanteng kwarto.

Maingat na sinara ni Ice ang pinto at doon sumandal si Lexus.

"Saan ka takot?"

"B-Baka hindi ko 'to kayanin?"

Ice subtly smiled and caressed Lexus' right cheek. "Kaya mo at saka nandito naman kaming lahat na tutulungan ka. Hello? Huwag mong ipakikita sa kanilang hindi mo kaya at natatakot ka rito. Kung hindi mo kaya, sabihin mo sa 'kin o kung kanino ka kumportable. Nandito naman kami para sa 'yo at sa grupong 'to."

Lexus looked down and nodded. "Sa listahan, merong 241 na pangalan. Lahat iyon magiging parte ng grupong 'to. P-Parang hindi ko kaya?"

Nagulat si Ice dahil hindi niya inasahang ganoon karami ang puwedeng umanib sa grupo ni Lexus. It would be hard for sure, but Ares and Jakob were open to helping. Nakausap naman na niya ang dalawa.

Ice was about to say something when Lexus wrapped both his arms around her now-smaller frame and hugged her tightly. Halos hindi siya makahiga lalo nang isubsob pa nito ang mukha sa balikat niya.

"Sabi ko noon gusto kong tayong dalawa lang. Naging tatlo tayo dahil kay Eve. . . 'tapos tangina. . . kaya ko ba 'to, Ice?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Ice bilang sagot. "Hindi ko alam, pero kaya naman natin siguro? Sasamahan ka naman namin."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys