Chapter 54

Pagdating sa Escarra, inihatid na muna ni Lexus si Ice sa bahay ni Jakob bago siya nagpunta sa opisina nito. Mayroong meeting ngunit kaagad na hininto nang makita siya para makapag-usap silang dalawa.

Pumasok siya sa loob at inobserbahan ang meeting room ni Jakob. Malaki ang kahoy na lamesang mayroong sampung kahoy na upuan. Nasa harapan nila ang glass walls kung saan nakikita ang maglalakad na rangers na nagkukuwentuhan at tawanan.

One thing Lexus observed about Escarra was how everything felt normal, as if nothing was going on outside the high walls of this community. Napansin din niya na madalas nakangiti ang mga tao sa Escarra at parang walang problema.

"Sa tatlong araw na wala kayo ni Jayne, siguro naman ay naayos n'yo na ang problema n'yong dalawa," sabi ni Jakob nang hindi tumitingin sa kaniya at patuloy na nagbabasa ng isang dokumento. "Ano'ng kailangan mo ba't dito ka dumeretso?"

Kumportableng naupo si Lexus sa katapat na upuan ni Jakob kahit hindi naman ito nag-offer. "Ano'ng plano mo kay Abe?"

Walang naging sagot si Jakob ngunit sinalubong nito ang tingin niya. Isa na rin ito sa napag-usapan nila ni Ice at ito mismo ang nagsabi na posibleng nag-iisip pa si Jakob kung ano ang gagawin kay Abe. Malamang din na hindi pa alam kung ano ang posibleng gagawin sa bihag.

"You tell me," Jakob said lowly. "Alam kong ikaw ang mayroong naiisip. Hindi na rin nakagugulat. Malamang na kating-kati ka na."

"Grabe ka naman sa 'kin!" Lexus laughed. Literally. "Pero totoo rin naman. Hindi ako kumportable na nandito ang anak ko 'tapos may mga nakakagalang traydor nang hindi mo nalalaman."

He already knew how to push the button.

"Paano ka nakatutulog knowing na alam mong posibleng may traydor sa lungga mo? Nakakadalawa ka na. Tingin mo ba dalawa lang 'yan?" Sumandal si Lexus at tinitigan si Jakob. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang kampante mo pa rin. After what happened to Anya, hindi ka pa rin ba natuto?"

Nakita ni Lexus ang sama ng tingin ni Jakob at ang lalim ng paghinga nito dahil sa sinabi niya. He was triggering Jakob. He wanted him to get mad or scared at whatever just to make sure he could get the approval.

"Hihintayin mo na naman bang may mangyari kina Anya, Trevor, sa isa pang anak mo, at kay Eve?" Tumaas ang sulok ng labi ni Lexus. "Kasi ako, hindi ako papayag. Tangina, kung kinakailangang patayin ko sa harapan n'yong lahat si Abe, gagawin ko."

"Huwag mo silan—"

"Babanggitin? Bakit hindi? Eh sila ang talo rito?" seryosong sambit ni Lexus. "Ano, maghihintay ka na namang may mangyari bago ka kikilos? O gusto mo ako na? You can preserve your good image. Wala ka namang kailangang gawin. You can be the good guy. Hayaan mong ako ang kumilos."

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Alam ni Lexus na napaisip si Jakob sa sinabi niya. No, it was just about being the good guy in front of everyone. Alam niyang mabait talaga si Jakob at nakikita niya iyon. Mukha itong maangas, pero sigurado siya sa parteng hangga't kaya, hinding-hindi ito magiging tulad niya.

"Gusto mo bang marinig ang plano ko?" Tumayo si Lexus at humarap sa glass walls. "Gusto kong maging kumportable at walang tako ang lugar na 'to, Jakob. Nandito si Ice at Eve. Nandito rin si Anya at Trevor. Sa ibang tao? Wala akong pakialam, pero dahil pamilya kayo ng anak ko . . ." Humarap siya kay Jakob. "Kahit walang approval mo, papatayin si Abe para sa ikatatahimik ko."

Walang naging sagot si Jakob ngunit nakita niya ang reflection nito sa salamin. Hinaplos nito ang sintido at mukhang nag-iisip.

"You have to make a point." Humarap siya kay Jakob. "Hangga't nakikita ng mga traydor sa Escarra na malaya sila, hindi mo napapansin, at wala kang ginagawa, hindi sila titigil. Wala kang dapat gawin dahil kung papayag ka, ako lahat. Just your approval and I'll execute."

"Ano ba ang suggestion mo?" mahinang sambit ni Jakob.

"Execute Abe in front of your Alpha, Beta, Charlie, Delta, and Omega. Makikita nilang seryoso ka at hindi nagbibiro sa puwedeng gumulo sa Escarra. Alam kong ayaw mo ng lugar na may takot, pero hindi 'yan puwede sa mundong 'to, Jakob. Para sa mag-iina mo . . . at para na rin sa mag-ina ko."

Muli, walang naging sagot si Jakob kaya naman binanggit niya ang tungkol kina Victor, Pancho, at Ethan. Ikinagulat nito ang ginawa niya.

"Wala na ang tatlong taong gustong manggulo sa pamilya n'yo," dagdag niya. "Pag-isipan mo ang suggestion ko. Aalis muna 'ko dahil may kailangan akong asikasuhin. Puwede bang makahiram ng motor mo? Bulok 'yong sasakyan na pinahiram sa 'kin ni Victor. Paubos na 'yong gas ko."

Nagsalubong ang kilay ni Jakob habang nakatitig sa kaniya.

"Dali na. Ibabalik ko naman."

Nakangisi si Lexus habang pinahaharurot ang motor na pinahiram sa kaniya ni Jakob. Big bike na naka-solar. Malaki pa kaya ang lakas makaangas. Malamang na kapag nakita ito ni Victor, uusok ang ilong nito o kaya babangon pa sa mula sa hukay dahil isa ito sa kinaiinggitan kay Escarra.

Halos walang ingay na makakukuha ng atensyon. Sobrang swabe lang din ng takbo at halos hindi niya maramdaman ang pag-alog dahil maganda ang shock na nakalagay.

Nang makarating siya sa lungga ni Victor, nakita kaagad niya si Ray na nasa harapan ng gate at sinalubong siya. Tumango ito at nang madaanan niya, sinundan nito ng tingin ang motor na gamit niya.

"Akala ko kung sino," anitong yumuko pa para tingnan ang piyesa ng motor. "Nandito si Nathaniel at Efren. Hinihintay ka namin kahapon pa."

Hindi siya sumagot. Sumandal siya sa motor at inobserbahan ang mga tauhan ni Victor. Nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang iba naman ay nagsipasok sa kanya-kanyang tent ngunit nakasilip.

"Nabalitaan naming lahat kung ano ang ginawa mo. Kumalat na sa iba pang grupo," sabi ni Ray na nakatayo sa tabi niya. "Mabuti na rin. Lalo si Pancho? Putangina. Kamamatay pa lang ni Victor, gustong pumapel."

Patagilid niyang tiningnan si Ray. "Bakit?"

"Parang gusto niyang siya ang papalit kay Victor. Sila ni Ethan. Munggago rin 'yong mga 'yon, eh. Sipsip kay Victor. Ito naman si Victor, gustong-gusto ang atensyon na ibinibigay ng mga 'yon," umiling si Ray at tumuro sa kung saan. "Si Nathaniel."

"Dumating ka na pala," ani Nathaniel na tumango. Katabi nito si Efren, isa rin sa mga kaibigan ni Victor.

Hinarap niya si Efren na inilahad ang kamay sa kaniya. "Pasensya ka na sa mga nangyari. N-Nabanggit sa 'min ni Nathaniel kung ano ang napag-usapan n'yong dalawa. Naging parte ako ng conv—"

"Ayoko nang marinig ang sasabihin mo. Isusunod kita oras na malaman kong tinatalo mo pa rin ako," seryosong sambit niya dahilan kung bakit bahagyang yumuko si Efren. "Isa pang pagkakataon, Efren. Kung hindi isusunod kita."

Tumango si Efren at nanatiling nakatayo sa harapan niya.

"Hinihintay ka ng mga tauhan nina Ethan at Pancho. Sinabi nila sa 'min ang sinabi mo sa kanila tungkol sa kahihinatnan ng grupo," sabi ni Nathaniel. "Naghihintay sila sa magiging instructions mo."

"Pupunta ako sa kanila bukas," sagot ni Lexus at hinarap si Ray. "Alam ng mga tauhan nina Pancho at Ethan ang nangyari sa kanila. Ipinakita ko sa kanila ang ulo at sila mismo ang naglibing ng mga katawan at simula ngayon . . . ako na ang bahala sa kanila."

Naningkit ang mga mata ni Ray. "Ikaw na ang magiging boss nila?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus habang nakapamulsa. "Pinapili ko naman sila. Nasa sa kanila kung gusto nilang umalis, wala akong pakialam. Kung sino ang gustong mag-stay, eh 'di mag-stay. Sa isang kundisyon."

Tahimik ang tatlong lalaking nakatingin sa kaniya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Kundisyon na wala silang ibang grupong susugurin o tatarantaduhin dahil susunod sila kina Ethan at Pancho at hindi ako nagbibiro," aniya habang nakatitig kay Ray. "Hindi ko pa alam kung merong umalis at wala akong pakialam. Kung gusto mo ring sumama sa 'kin, nasa sa 'yo. Hindi ko kayo pipilitin, pero 'wag na 'wag n'yo kong kakalabanin."

Mahinang natawa si Ray. "Ano'ng nangyari? Ang alam ko, ikaw ang nag-iisang kaibigan ni Victor na ayaw magkaroon ng grupo. Ikaw 'yong kilala naming mas gustong mag-isa, pero tangina. Mahigit dalawang daan ang posibleng umanib sa grupong bubuuin mo."

"Nagkaanak ako," malalim na huminga si Lexus at hinarap ang tatlong lalaki. "Ayokong mabuhay ang anak ko sa takot tulad ng ibang tao. 'Tangina. Iyong mga pinaggagawa n'yo noong buhay pa si Victor, hindi na puwede. Kung kinakailangang ubusin ko kayong lahat, matigil lang 'yang kababuyan n'yo, gagawin ko. Sa pagkakataong 'to, ako na ang makakalaban n'yo dahil ayokong lumaki ang anak kong takot sa mundong 'to."

The conversation stopped and Lexus walked away. Ipinalibot niya ang tingin sa lungga ni Victor. Mayroong malaking bahay. It was a gated community where other people lived in their own tents. Walang matinong concrete na bahay hindi tulad sa lungga ni Spike na iba-iba pa ang kwarto.

He knew Victor had treated his group so horribly that some decided to leave. Some survived, some were killed by Victor himself. Kunwari nitong papayagang umalis sa grupo kapag hindi na kaya, pero papaslangin oras na makalabas.

"Kung sakali ba . . ." Tumabi si Ray sa kaniya. "Kung sakali ba, Lexus . . . Matutulungan mo rin kami? Wala kaming ibang source ng pagkain. S-Sanay kaming manguha sa iba. Hindi kami naturuang magtanim o kumayod para sa sarili namin. Kung sakali bang umanib na rin kami sa 'yo, ano'ng aasahan namin?"

"Matuto kayong magtanim o bumuhay ng mga hayop," deretsahang sambit ni Lexus. "Hindi na puwedeng manggugulo kayo ng iba. Ibahin na natin 'to, Ray. Hindi tayo mabubuhay na puro kagaguhan lang. Gawin na lang nating example sina Spike at Victor. Ako . . . muntik pang mawala ang anak ko sa 'kin dahil sa mga nagawa ko rito. Magulo na ang mundo, Ray. 'Wag na nating mas guluhin pa. Nakakapagod na rin kasi."

Hindi na hinintay ni Lexus ang sasabihin ni Ray. Naglakad siya papunta sa bahay ni Victor. Nakapatay ang ilaw at ang dating buhay na buhay na lugar ay tahimik at madilim. Napansin din niya ang pamumuo ng alikabok sa hawakan ng hagdan.

"Na-miss mo ba 'tong lugar na 'to?" Nakasunod si Nathaniel sa kanya.

"Hindi. Sa tuwing nandito ako, may ipapapatay sa 'kin si Victor. Nadadagdagan ang tiyansa kong masunod sa impyerno," sabi niya nang hindi lumilingon at nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa second floor. "Sa tuwing nandito ako, alam kong may gagawin na naman akong hindi maganda."

Dumeretso si Lexus papunta sa balcony na dating tambayan nila. Naroon pa ang mga bote ng alak, papel na ginamit sa marijuana, at pulutang inaamag na. Tumabi sa kaniya si Nathaniel ngunit malayo ang espasyo sa gitna. Nakapamulsa itong nakatingin sa ibaba.

"Kung sakaling itutuloy mo ang grupo mo, susuporta ako. Aanib ako sa 'yo." Tumingin ito sa kaniya. "Magkakaanak na rin ako, Lexus. Naintindihan ko ang sinabi mo kanina. Ayokong matulad kay Spike, Victor, Ethan, at Pancho. A-Ayokong matulad sa mga babaeng nakita natin dito sa lungga ni Victor ang anak ko. A-Ayokong lumaki rin siya sa takot tulad ko."

Hindi siya sumagot dahil wala ito sa plano niya. Grupo nina Ethan at Pancho lang ang nasa isip niya. Naisip niya si Ray ngunit ang buong akala niya, magsasarili itong grupo.

"Si Efren, gusto ring umanib sa 'yo. Ikaw na ang magiging boss namin. Turuan mo kaming mabuhay nang maayos. Na hindi manggugulo sa ibang tao," pakiusap ni Nathaniel. "Turuan mo kami kung paano mabuhay tulad sa Escarra, tulad ng kuwento ni Abe sa 'min. Kung paano mabuhay na hindi takot maubusan ng pagkain, masira ang bahay, o bigla na lang may grupong sasalakay."

Patagilid niyang nilingon si Nathaniel. Seryoso itong nakatitig sa kung saan.

"Ikaw ang malapit sa kanila. Ikaw lang ang makakatulong sa 'min para magbagong buhay na, Lexus. Hindi na puwedeng ganito. Ayokong mamatay na maiiwan ko ang anak ko sa ganito kagulong mundo," tipid na ngumiti si Nathaniel. "Na-realize ko na ang sinabi ni Elias. Hindi ako nakikinig sa kaniya noon kasi ayokong mahirapan, pero tama siya. Hindi magtatagal ang bagay na nakuha mo nang mabilisan."

"Pag-iisipan ko muna," sagot niya. "Si Abe. Papatayin ko si Abe mamaya," aniya na ikinagulat ni Nathaniel. "Public execution na makikita ng ibang tauhan ni Escarra."

Yumuko si Nathaniel at mabagal na tumango. Alam niya mismo na wala na siyang masasabi tungkol dito. Alam niyang hindi niya mapapakiusapan si Lexus at alam niyang mawawala ang tiyansang makatulong ito sa kaniya kung sakali mang humindi pa siya.

Saktong dumating si Ray at inabutan si Lexus ng yosi, pero kaagad siyang tumanggi. Sinabihan niya ito na sabihan ang mga taong natitira mula sa grupo ni Victor tungkol sa plano niya. Kung sino ang aalis, umalis na, pero sabihin din kung ano ang kondisyon niya. Inutusan din niya itong magpadala ng tauhan sa grupo nina Ethan at Pancho para sabihang babalik siya sa susunod na araw. Mayroon lang siyang kailangang unahin sa Escarra.

Ray agreed and gave him Victor's katana. "Sa 'yo na 'to. Hintayin ka namin ulit. Meron pa kaming mga natirang pagkain para sa mga susunod na araw, pero hindi na rin sasapat sa susunod na linggo. A-Ano ang gagawin namin?"

"Pag-usapan natin pagbalik ko." Inilabas ni Lexus ang katana mula sa lalagyan nito. Bagong hasa dahil kumintab pa. "Wala kayong susuguring grupo. Hintayin n'yo ako."




Bago dumilim, nakabalik na si Lexus sa Escarra. Naabutan niya si Jakob sa labas ng bahay nito kausap si na Ares at Lana. Lumabas din si Ice na deretsong nakatingin sa kaniya bago sa katana na nasa likuran niya.

"Tapusin na natin 'to," aniya bago bumaba ng motor. "Nasabihan mo na ba ang mga tauhan mo?"

Isang tango ang naging sagot ni Jakob. "Ikaw na lang ang hinihintay. Paimportante ka masiyado."

Mahinang natawa si Lexus at umiling. Ipinalbot niya ang tingin sa Escarra. Walang taong naglalakad-lakad at binanggit ni Ares na pinapasok ang mga residente na hindi naman dapat makakita. Old people, children, and everyone who didn't wish to witness the execution.

Lahat ng tauhan ay required makita ang mangyayari. Iginiya siya ng mga ito sa likurang bahagi ng Escarra—sa lugar kung saan sila pumasok ni Abe—at naabutan ang mga ranger na nakapalibot dito habang nakaluhod, nakapiring, at nakatali ang kamay sa likod.

Sabay-sabay na lumingon ang mga tauhan ni Jakob pagdating nila. Lahat ay nakatingin sa kaniya, sa katana na nasa likod niya.

"Ikaw ba ang gagawa?" Tumabi si Ice sa kaniya.

"Bakit ka nandito?"

Nakalolokong ngumiti si Ice. "Gusto ko makita."

Umiling siya at mahinang natawa. Iniayos muna niya ang hood sa ulo ni Ice nang walang sinasabi dahil malamig ang gabi at baka sipunin na naman ito tulad kahapon na panay ang singhot.

"Tulog si Eve?"

"Oo, kanina pa," sagot ni Ice. "Saan galing 'yang katana mo?"

"Kay Victor 'to," aniya nang hindi ito nililingon. "Galing ako sa grupo ni Victor. Mamaya na tayo mag-usap. Tapusin ko na muna 'to. Gusto ko nang makita si Eve."

Umatras si Ice ngunit hindi inaalis ang tingin kay Lexus. Suot nito ang itim na T-Shirt na medyo hapit kaya kitang-kita ang laki ng katawan. Naka-ripped dark blue jeans at combat shoes pa. Ang angas. Ang sarap. Ang sarap-sarap.

Literal na napalunok si Ice nang maalala ang nangyari sa kanila. Parang biglang nanginig ang katawan niya at parang may butterflies sa tiyan niya. Naalala niya ang itsura nito habang nakapatong sa kaniya, kung paano siya nakahawak sa magkabilang braso, at paano gumalaw sa ibabaw niya.

"Baka naman matunaw 'yan," pang-aasar ni Ares na tumabi sa kaniya. "Grabeng titig naman 'yan."

Inirapan niya si Ares at ibinalik ang tingin kay Lexus. Nakasukbit sa katawan ang katana. Kausap nito si Jakob na tinanggal ang pagkakapiring sa traydor ng Escarra. Masama itong nakatingin kay Lexus na lumebel dito at saka kinausap.

"Sinabi ko kay Nathaniel na papatayin na kita ngayon," ngumisi si Lexus. "Hindi ako pinigilan. Hinayaan ka na rin. Iniwan ka na sa ere. Literal na ipinagamit mo ang sarili mo at mamamatay ka para sa mga taong wala namang pakialam sa 'yo."

Malalim ang bawat paghinga ni Abe na nakatitig kay Lexus. "Tapusin mo na, Lexus. Magsama-sama na kayong lahat. Mamamatay rin naman kayo. Una-una lang tayo." Hinarap nito si Jakob. "Masyado kang mabait at maluwag, Jakob. Alamin n'yo kung sino ang pinagkakatiwalaan mo dahil kung hindi, mamamatay kayong lahat dito."

Nilingon ni Lexus si Jakob na masamang nakatitig kay Abe. Humarap ito sa mga tauhan. "Pangalawa na 'to at hindi na mauulit sa susunod. Hindi ko gustong humantong tayo sa ganito, pero oras na malaman ko na meron pa . . . mauulit at mauulit lang tayo sa ganito."

Inilabas niya ang katana habang nagsasalita si Jakob. Pinatunog niya iyon sa sahig habang naglalakad palapit kay Abe. Nakikita niya ang pagtaas-baba ng balikat nito habang nakatingin sa katana na gumagawa ng ingay sa paghila niya. Alam niyang kahit sabihin nitong handang mamatay, may takot pa rin.

Abe survived for years only to be executed in front of people he knew. He was left alone by the people he worked for.

Samantalang inobserbahan ni Ice lahat ng tauhan sa Escarra. Kita niya ang lalim sa bawat paghinga. Lahat ay naghihintay sa gagawin ni Lexus. Even Lana and Ares were waiting.

Sa lahat ng taong narito siya, siya pa lang ang nakakita kung paano si Lexus kapag hindi ito nakikipagbiruan. Siya pa lang ang nakakakita kung paano ito pumaslang at kung paano kumitil ng buhay nang hindi man lang kumukurap.

Ice knew that Jakob didn't want this. Hindi ganito ang kuya niya, but for everyone's safety after Marjorie and this man, nakompromiso na rin ito at mas uunahin ang pamilya.

Dinig na dinig nila ang pagtunog ng dulo ng katana na gumagasgas sa semento. Tahimik ang lahat at tanging iyon ang gumagawa ng ingay. Alam din niya na hindi lahat ng tao rito ay nakakita na ng patay o nakakita nang pinapatay. Ice knew that everyone would be as scared of Lexus after this.

A small crept into her lips upon knowing they really would. Naisip niya na dapat lang din naman.

Pasimpleng tumingin sa kaniya si Lexus nang tumigil magsalita si Jakob. Umangat ang kamay nitong hawak ang katana na mas napagkaba sa iba. Hindi naman niya inalis ang titig dito hanggang sa umalis na si Jakob sa gitna dahilan para mabigyan ng pagkakataon si Lexus na gawin na ang dapat gawin.

With a straight face, Lexus swung the katana, and Ice heard a gasp from everyone. Tumalikod sina Lana at Ares, yumuko naman si Jakob. Halos lahat ng tauhang nanonood ay nag-iwas tingin ang iba naman ay tumalikod tulad ni Lana, ang iba ay sumuka.

Ice saw how the traitor's head flew meters away from the body and she was the only one watching every Lexus' move. Tumutulo pa ang dugo mula sa blade ng katana bago pinulot ni Lexus ang ginamit na pangpiring sa traydor at ginamit itong pamunas.

Walang kumilos, walang lumapit, and Ice walked towards the traitor's head.

Dinampot niya ang ulo gamit ang buhok at itinaas iyon bago tumingin kay Lexus. "Clean cut."

Mahinang natawa si Lexus. "Walang mintis."





T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys