Chapter 51

Nang makababa sa sasakyan, inilibot ni Ice ang tingin sa buong airport dahil halos buwan lang ang nagsisilbing liwanag. Pinatay na rin ni Lexus ang sasakyan bago lumabas at tumabi sa kaniya. Pareho silang nakasandal sa trunk at nakatingin sa kawalan.

"Ginamit mo pa ba 'yong mga solar panels?" basag ni Ice sa katahimikan.

Umiling si Lexus. "Pinakabit ko lang naman 'yon para sa 'yo. Kaya noong hindi ka na nagpupunta rito, hindi ko na rin ginamit. Para sa'n pa, 'di ba?"

Hindi nagawang sumagot ni Ice sa sinabi ni Lexus. Imbes na sumagot, naisipan niyang umakyat sa eroplano dahil gusto niyang makita ang loob. Naramdaman niyang nakasunod sa kaniya si Lexus na siyang nagbukas ng pinto para sa kaniya.

Surprisingly, the inside still looked the same except for the bed they used to sleep with.

"Hindi ako makatulog diyan," pag-explain ni Lexus. "Naalala kita, eh. Ang hirap matulog mag-isa riyan kaya gumawa ako sa pinakadulo ng make-shift bed. At least malayo rito."

Walang intensyong magtanong si Ice ngunti hinayaan niyang mag-explain si Lexus. Ikinagulat din niya nang bumukas ang mga ilaw sa loob ng eroplano. Humarap siya kay Lexus na nakatingin sa kaniya.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" nagsalubong ang kilay ni Ice. "Parang miss na miss mo naman ako."

"Totoo naman." Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus. "Hindi ko naman itatanggi 'yan. Hindi ko nga inasahan na makakasama pa ulit kita rito."

Mahinang natawa si Ice sa sinabi ni Lexus. Kahit naman siya, hindi niya inasahang makapupunta pa rin siya sa lugar na ito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Wala na rin sana sa plano niyang dumayo rito, but it was also nice to see the place she longed to visit.

Lumabas siya papunta sa pakpak ng eroplano at basta na lang naupo roon. Medyo maalikabok, halatang matagal na ring hindi napupuntahan. Dumako naman ang tingin niya sa sasakyang nasa baba.

"Asan si Lexus?" tanong niya nang maupo ang taong Lexus sa tabi niya.

"Naiwala ko na, eh," sagot nito sa mababang boses. "Merong pinasugod sa 'kin si Victor kaso hindi ako maayos noong araw na 'yon. Hindi ako nakapalag. Nabaril si Lexus 'tapos kailangan kong iwanan kasi kung hindi baka ako ang Lexus na mabaril noong mga oras na 'yon."

Inayos ni Ice ang pagkakaupo dahil naramdaman niya ang pagsakit ng tahi niya. Dumiretso ang paa niya at ginawa niyang pantukod sa likuran ang parehong kamay habang nakatingin sa kawalan.

"Pinahiram lang sa 'kin ni Victor 'yang sasakyang 'yan. Tutal siya naman daw ang dahilan kung bakit naiwala ko si Lexus, pinahiram niya 'ko ng sasakyan. Kaso mukhang hindi ko na rin maibabalik at saka baka hindi ko na rin magamit kasi limitado na ang gas na meron ako lalo pa ngayon," ngumiti si Lexus. "Giniginaw ka ba?"

Tumango si Ice dahil iyon naman ang totoo. Pumasok si Lexus sa loob ng eroplano at paglabas nito, iniabot sa kaniya ang hoodie na kulay gray. Kaagad niya iyong isinuot at niyakap ang sarili.

"Walang inutos sa 'kin si Victor tungkol sa 'yo, Ice. Bago tayo nagkakilala sa daan, wala akong alam tungkol sa 'yo. Hindi ko rin alam kung bakit. Si Jakob Escarra, kilala ko sa pangalan dahil kay Victor. Kahit kelan, hindi ka nabanggit sa usapan namin noon," pag-explain ni Lexus. "O baka nabanggit ka, pero hindi ko napagtuunan nang pansin. Hindi ko alam. Hindi ko maalala."

Nanatiling tahimik si Ice. Tumingala siya sa buwan.

"Kaya hindi ko maintindihan 'yong sinasabi mo na planado namin ni Victor ang pagkikita natin? Hindi ganoon ang nangyari dahil noong araw na nagkita tayo, nag-iikot ako sa lugar na 'yon baka sakaling may kotse akong makitang merong gas. First time kong mapunta sa area na 'yon dahil malayo naman sa airport at lalo na sa racetrack," mahinang natawa si Lexus. "Tangina. Nagandahan ako sa kotse, eh. Pero mas nagandahan ako sa driver."

Patagilid na nilingon ni Ice si Lexus. Pareho silang natawa.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka sa 'kin. Nasa sa 'yo na 'yon," ani Lexus na humarap sa kadiliman. "Basta alam ko sa sarili kong hindi ako nagsisinungaling sa 'yo sa parteng 'yon. I met you accidentally not because someone asked me to."

"Pero totoong target mo si Tristan noong mga panahong magkasama tayo, tama ba?" may diin sa boses ni Ice. "Na ang plano n'yo ni Victor, pagkatapos ni Tristan, isusunod n'yo ang St. Pierre, tama ba ako?"

Ice wanted Lexus to say it wasn't true, but his expressions were too transparent, confirming what Elias had told her.

"Totoo ba lahat 'yon, Lexus?" malalim ang paghinga ni Ice dahil hindi niya gusto ang expression ng mukha ni Lexus. "Pagkatapos ng St. Pierre, Olympus. . . Hanggang sa maubos n'yo kaming lahat? Ito ba ang plano?"

Lexus nodded. "Iyan ang plano ni Victor, pero na-delay nang na-delay kasi nakilala kita. Bago pa kita nakilala, may plano na siya. Susunod lang naman ako sa iuutos niya. Wala naman akong pakialam kung sino sila, susunod lang ako. Pero tulad nang sinabi mo noon, you kept me busy. Nag-focus ako sa 'yo. You got me."

Hindi inalis ni Ice ang pagkakatingin kay Lexus, pero humigpit ang hawak niya sa loose sleeve ng hoodie.

"Kahit na ginawa mo lang naman 'yon hindi para sa 'kin kung hindi para protektahan ang pamilya mo, hindi ako galit sa 'yo dahil doon. Pero na-hurt ako, ha?" Lexus bitterly laughed. "Akala ko talaga may something tayo, eh. Gamitan lang pala talaga."

Ice rested her chin on top of her knees. Naramdaman niyang medyo kumirot ang sugat niya sa tiyan ngunit kumportable siya sa ganoong posisyon.

"Noong nasa Olympus ako dahil may sakit ako, bumisita si Elias. Kilala mo siya, 'di ba?" Patagilid niyang nilingon si Lexus na tumango. "Magkaibigan din ba kayo?"

Umiling si Lexus. "Hindi. Kilala ko siya sa pangalan, pero hindi ko pa siya nakikita sa personal. Si Nathaniel ang kaibigan niya, 'di ba? Hindi naman namin siya nakakasama, pero isa siya sa nagbibigay ng ayuda kay Victor."

"Oo. Nabanggit niya sa 'kin 'yan noong huling beses na nagkita kami. Noong pinuntahan niya 'ko sa Olympus para pagbantaan tungkol sa 'yo," malalim na huminga si Ice. "Buntis na 'ko noon kay Eve kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Sinabi niya sa 'kin na nakaplano na ang pagsugod n'yo sa kampo ni Tristan. Na balak n'yong pasabugin ang kampo. Na wala na kayong pakialam sa mga nakatira doon."

Kita ni Ice ang pagsasalubong ng kilay ni Lexus.

Alam ni Lexus ang tungkol sa sinasabi ni Ice, pero wala silang napag-usapan ni Victor tungkol sa timeline. Wala rin dapat involvement si Nathaniel dahil hindi naman ito kasama sa mga ganitong plano kaya napapaisip siya kung ano ba ang mayroon.

"Nalaman niya ang tungkol sa 'tin dahil kay Nathaniel. Hindi ko alam kung paano until Jakob told me about that mole inside Escarra na nakita ka sa loob. Then Elias wanted to warn me. Hindi ko lang siya basta supplier sa raw materials para sa solar." Sandali siyang huminto para alalahanin ang lahat. "I had a relationship with Elias. After Ares, I was with Elias."

Biglang naalala ni Lexus ang sinabi ni Ethan tungkol kay Ice at Elias. Now it was making sense. "Mas naniwala ka sa kaniya kaysa tinanong mo sana ako?"

"Unfortunately, mas matagal ko nang kilala si Elias kaya hindi mo 'ko masisisi sa parteng 'to. Wala siyang ginawang masama sa ibang tao. Wala siyang trinaydor na ibang tao," huminto si Ice at malalim na huminga. "Sinabi sa kaniya ni Nathaniel ang mga plano n'yo at pinapaiwas ako sa 'yo. Sinabi rin daw sa kaniya ni Nathaniel na . . . na . . ."

"Na ano?" may lalim sa boses ni Lexus.

"Na planado niyo Victor pati ang pagkikita natin," mapait na natawa si Ice ngunit hindi niya napigilan ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya. "Hindi ko kasi matanggap 'yon. Sa lahat ng narinig ko, sa lahat ng sinabi ni Elias . . . doon ako nasaktan."

Umayos ang pagkakaupo ni Lexus dahil sa sinabi ni Ice lalo nang makita niya ang namumuong luha sa mga mata nito. Pilit niyang iniisip kung ano ang intensyon ni Nathaniel para sabihin kay Elias ang mga ito. Hindi naman kasama si Elias sa kanila at doon niya naisip na malamang ay alam nito ang lahat ng plano noon ni Victor.

"Para akong gago, 'di ba? Pero hindi ko alam kung maiintindihan mo ako." Pinunasan ni Ice ang luha gamit ang likod ng kamay. "Nalaman ko lang ang connection mo kay Victor dahil kay Spike at alam mo kung saan ako nasaktan, Lexus?"

Hindi sumagot si Lexus at nanatiling nakatingin kay Ice habang hinihintay ang sasabihin nito.

"Nagalit ako sa 'yo, pero hindi ko pinahalata. I didn't want you to know about it. Gusto kong protektahan ang pamilya ko. Kilala ko si Victor, eh. Ilang beses na niyang pinupuntirya sina Tristan at Ares. Kami pa ni Ares noong nagkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan," Ice breathed harshly. "Kaya ako nakipag-sex kay Spike. I had sex with Spike out of spite. Hindi lang dahil kay Marjorie . . . kundi dahil galit ako sa 'yo. Bakit kayo magkaibigan? Bakit ka nagpupunta sa kanya? Then I learned from Spike . . . hired killer ka niya. I wanna know . . ."

"Ngayon mo itanong lahat sa 'kin, Ice, sasagutin ko," suminghot si Lexus. "Kahit ano."

Kinagat ni Ice ang ibabang labi. "I think a year before we met, magkasama kami ni Ares sa sasakyan. Papunta kami sa Kampo nang bigla kaming tapunan ng make-shift grenade. Namatay ang dalawang aso ko." Suminghot siya at sunod-sunod ang paghikbi. "I-Ikaw ba ang may gawa noon?"

Marahas na umiling si Lexus. "Hindi ako. Kung ako, maalala ko." Tumigil ito sa pagsasalita. "At kung ako 'yon, wala na kayo ni Ares dito dahil palagi kong sinisigurong walang mabubuhay bawat pinapakisuyo ni Victor sa 'kin."

"Kinausap ko kaagad si Ares pagkatapos nating ma-rescue si Anya," pagpapatuloy ni Ice. "That's when I suggested I'll be with you to keep you away from Victor. Para maging busy ka, para . . . para hindi mo masaktan ang pamilya ko. Gusto ko noon na palagi kitang kasama para walang chance na magkausap kayo, para hindi mo masaktan ang pamilya ko. Ilang beses kitang sinubukang . . ."

"Ice."

Nanginig ang baba ni Ice. "Ilang beses kitang sinubukang patayin, Lexus. Sa tuwing natutulog ka sa tabi ko, pinakikiramdaman muna kita na baka unahan mo na 'ko. Ilang beses kong itinutok ang baril sa sintido mo habang natutulog ka. Ilang beses kong sinubukan . . . pero nakanganga kang matulog? Imbes na kalabitin ko 'yong gantilyo, natatawa ako kasi ang sarap ng tulog mo."

Imbes na matakot, natawa si Lexus. Humalakhak siya dahil sa sinabi ni Ice. "Bakit hindi mo ginawa? Teka, tawang-tawa ako."

"Gago. Papatayin ka na, natawa ka pa!" singhal ni Ice. "Hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. H-Hindi ko kaya."

Walang naging sagot si Lexus na yumuko. Magkasaklop ang parehong kamay nito habang nakapatong sa magkabilang tuhod. Mukhang malalim ang iniisip at panay ang buntong hininga.

"I remembered what my mom told me when I was younger," Ice broke the silence. "Nag-aaral ako sa international school that time, and some were bullying me. Sabi ni Mommy, huwag akong gaganti sa kanila. Instead, I should make them my friend. Keep your friends close and your enemies closer."

Patagilid na tumingin si Lexus sa kaniya. "Kahit kailan, hindi mo 'ko naging kaaway, Ice. Halos ibigay ko ang mundo sa 'yo. Ibibigay ko lahat. Sinabi ko sa 'yo noon na masisira ang ulo ko 'pag nawala ka. Akala mo arte lang 'yon? Hindi, eh. Literal na nasira ang ulo ko noong nawala ka na. Hindi ko na alam. Wala akong direksyon noong nagsimulang magulo ang mundo, pero mas nawala ang direksyon noong nawala kayo ng anak ko."

"Kahit kelan, hindi ka nabanggit ni Victor sa 'kin. Kahit kelan, hindi ka namin napag-usapan. Never akong nagsabi sa kaniya tungkol sa 'yo dahil pinoprotektahan kita sa kanila at pinoprotektahan ko sila mula sa 'kin dahil oras na ikaw na ang kinanti nila, pasensyahan na lang kami," ngumiti si Lexus. "Hindi kita ipagpapalit sa kahit kanino o sino, eh. Sa huli, ikaw ang pipiliin ko. Sa huli, ikaw lang ang gusto ko sanang kasama rito . . . hanggang sa iniwan mo 'ko."

Napansin ni Ice ang malalim at sunod-sunod na paghinga ni Lexus. Sinuklay nito ang buhok gamit ang sariling mga daliri.

"Tangina. Hindi ko alam ang gagawin ko noong sinabi mong umalis na 'ko. Kasi sa mga panahong 'yon, dapat kasama kita, eh. Gusto kitang kasama noong mga oras na 'yon kasi akala ko tinuloy mo. Kasi nawalan din ako," suminghot si Lexus at tumingala. "Gusto kitang makasama noong mga panahong 'yon, Ice. Sinuportahan kita noon kahit na ayaw ko kasi mas pipiliin kita. Mas pinili kita noon."

Bumagsak ang luha sa gilid ng mga mata ni Lexus habang nakatingala. Mahinang natawa si Ice hindi dahil sa pagluha kung hindi dahil sa mga nangyari nitong nakaraan.

"Pero galit ka sa 'kin, 'di ba?" Piniit niya ang ngumiti.

"Galit ako sa 'yo dahil niloko mo 'ko, Ice. Galit ako sa 'yo kasi hindi ko gagawin sa 'yo 'yon. I would never do that," umiling si Lexus. "Kahit pa ngayong sinabi mo sa 'kin na tinutukan mo 'ko ng baril sa ulo, hindi ako galit sa 'yo. Ang hindi ko matanggap at ang ikinagagalit ko . . . tinago mo si Eve sa 'kin. Niloko mo 'ko. Nagluksa ako. Ipinagluksa ko 'yong anak ko, Ice. Araw-araw. Walang araw na hindi ko naisip na hinding-hindi ko makikilala ang anak ko. Kahit mamatay ako, hindi ako mapupunta sa langit dahil sa kagaguhang mga nagawa ko."

Yumuko si Ice at hindi niya kayang tingnan si Lexus sa pagkakataong ito.

"Nagalit ako sa 'yo kasi pinaramdam mo sa 'kin 'yong pagluluksa sa anak na hindi naman dapat," mahinang sambit ni Lexus. "Ice. Sa ginawa mo? Muntik kong pasabugin ang ulo ko kasi hindi ko na gustong hindi ako makatulog dahil masakit dito." Tinuro nito ang sariling dibdib. "Magulo na rito." Tinuro ang ulo at sandaling huminga. "Trinaydor mo 'ko dahil sa sinabi ng iba, tama ba? Dahil sa mga nakarating sa 'yo?"

Hindi sumagot si Ice ngunit sinalubong ang tingin ni Lexus.

"Tatraydorin ko muna ang buong mundo bago ikaw," ani Lexus habang nakatingin sa kaniya. "Sana tandaan mo 'yan."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys