Chapter 48
Ice was about to agree to that road trip, but Jakob called Lexus because Elodie was uncontrollable and wanted to run. Walang ibang makapagpakalma kay Elodie kung hindi sina Lexus at Ian. Wala pa si Ian dahil nagpapagaling pa ito at hindi pinapayagan ng mga doctor na bumangon.
Bukod pala kasi sa pagkakabaril sa braso at hita, mayroon din sa tagiliran.
Nag-sorry sa kaniya si Lexus at sinabing babalik kaagad ngunit dumaan na ang maghapon, dumilim na, at halos hatinggabi na, wala pa rin. She felt stupid waiting. Para siyang tanga naghihintay sa wala hanggang sa makatulog na rin ang anak nila, pero wala.
Kinabukasan, nagising si Ice na wala na si Eve sa tabi niya. Maliwanag na rin sa labas. Naramdaman niya ang gutom kaya naman kaagad siyang bumangon. Sa hagdan pa lang, narinig na niya si Ares. Malamang na kalaro nito si Trevor habang buhat ang anak niya.
At hindi siya nagkamali.
Ares was building blocks with Trevor, but was also carrying Eve, who was wide awake. Kung sabagay nga naman. Sa lakas ng boses ni Ares, kahit kapitbahay ay magigising.
Binati siya ni Ares at sinabing nasa labas si Neri kasama si Lana dahil mayroon silang dapat pag-usapan. Matagal na rin niya itong hindi nakikita dahil hindi niya pinatatawag at palaging kay Lana. At kung hindi importante, hindi naman iiwanan ni Neri ang Beta Escarra.
Sandaling kinausap ni Ice si Delia para kumustahin si Eve at itanong na rin kung nasaan si Lexus dahil hindi pa niya ito nakikita. Maaga raw itong umalis at hindi niya alam kung saan nagpunta.
Nang makalabas, naabutan niya si Lana sa labas ng gate habang kalaro ang mga aso ni Ares. Nakita rin niya sina Tom Cruise at Cameron Diaz na nagmamadaling lumapit sa kaniya nang makita siya. Dinala na rin ni Lexus ang mga aso rito sa Escarra kaysa walang makakasama sa eroplano na bihira na ring puntahan ni Lexus nitong mga nakaraan.
"Ate, nagpunta si Commander sa bahay nila daddy," sabi ni Lana. "Samahan kita?"
"Ako na," ani Ares na nasa likuran pala niya. "Iniwan ko muna si Eve kay Ate Delia. Ako na muna ang sasama sa 'yo. May mga kailangan din kasi akong I-address tungkol sa Beta Escarra. Ayos lang? Hindi kita naaabutang gising 'pag andito ako, e."
Hindi na siya nagsalita at nagsimulang maglakad. Nagpaiwan na rin si Lana at pumasok na sa bahay.
"Kumusta ka na?" tanong ni Ares.
Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "Gano'n pa rin. Wala namang bago. Ano 'yong gusto mong sabihin sa 'kin? Ano'ng nangyayari sa Beta?"
"Nabanggit sa 'kin ni Jakob na aware ka na rin sa pagkamatay ni Victor. May nabanggit na ba sa 'yo si Lexus?" tanong ni Ares. "As far as I know, galing siya roon kaninang madaling araw."
Nagulat siya sa sinabi ni Ares, pero hindi niya ipinahalata. "Malay ko. Wala naman kong alam. Hindi naman ako nagtatanong, hindi naman siya nagsasabi. In short, hindi kami nag-uusap."
Nagsalubong ang kilay ni Ares sa mga sinabi ni Ice dahil parang ito na ang pinakamahabang sinabi nito sa kaniya sa loob ng ilang buwan. Ngayon lang din niya ulit ito narinig na mayroong tunog iritasyon sa boses. Gusto niyang mang-asar, pero baka hindi na naman ito makipag-usap kahit na kanino.
Kakaiba ang tono ng boses nito. Para itong Ice months ago na naiirita, nagagalit, at wala sa mood. Halata ring kagigising lang. Suot pa nga ang oversized white shirt at pajama na kulay itim. Nakaipit lang din ang buhok sa bun at naka-house flops.
Saktong nasa labas lang ng bahay ni Tito Alfred si Neri. Mukhang seryosong nag-uusap ang dalawa at sabay na tumingin nang makita siya.
"Ano'ng meron?" tanong ni Ice kay Neri. "Musta ang Beta?"
"Maayos naman, pero nagpunta si Elias kahapon at hinahanap ka. Tinatanong niya kung puwede ka bang makausap," sabi ni Neri. "Sinabi kong hindi ka tumatanggap ng bisita. Nag-iikot daw ngayon sa mga grupo ang mga kaibigang tauhan ni Victor dahil hinahanap ang asawa at anak niya. Nabalitaan mo na ba?"
Nagkrus ang dalawang braso ni Ice. "Na patay na si Victor? Oo. Ano'ng gustong sabihin ni Elias?"
"Warning?" Tumaas ang dalawang balikat ni Neri. "Galit ang mga tauhan ni Victor sa nangyari. Gusto nilang makuha ang asawa ni Victor at iniisa-isa nila lahat ng grupo."
Ice didn't say a word and gazed at Tito Alfred. Sinabi nito kay Neri na walang ibang nakakaalam na nasa kanila ang asawa ni Victor at walang puwedeng ibang makaalam. Jakob, Lexus, and the entire Escarra was protecting the woman.
Seryoso siyang nakatingin kay Tito Alfred habang nag-e-explain ito kay Neri nang mapansin niya sa peripheral niya ang pamilyar na bulto ni Lexus. Hindi siya nagkamali nang makita itong lumabas sa isang bahay kung saan pinatutuloy ang asawa ni Victor. Buhat nito ang sanggol habang kausap si Elodie. Parehong nakangiti at mukhang masayang nagkukuwentuhan.
Ever since Lexus knew about Eve, he never smiled at Ice like that. She never heard him laugh like he was laughing now and how he was excitedly talking to Elodie.
She automatically squeezed her hands to shrug off any unwanted feeling, but the moment she met Lexus' eyes and his smile literally faded, she felt her heart clench, and she didn't even know why.
"Ouch," Ares whispered behind her. "Sakit no'n, ha."
Ice gazed at Ares sideways without a word. He surrendered by putting his hands up, grinning like a devil, but walking backward.
Saglit niyang tiningnan si Lexus na nakatalikod na sa kanila, pero kausap pa rin si Elodie pati na rin ang may-edad na mag-asawang nag-volunteer na patitirahin muna ito sa bahay nila.
What happened was painful for Ice. It pissed her off.
Elodie had a long, straight, and luscious hair. Her skin looked silky and fair. Sa malayuan, halos kitang-kita niya ang pagiging makinis nito dahil sobrang puti. Her body looked healthy, too. She has a young and charming face—almost innocent like Anya. Kahit na nakasuot ito ng pangit na dress dahil mukhang pang matanda, naging maganda pa rin. The dress even looked more expensive now that Elodie was wearing it.
Elodie recently gave birth, too! Sinabi sa kaniya ni Ares na mas matanda lang ng dalawang buwan ang anak nito kay Eve. Nabanggit din sa kaniya nina Jakob ang tungkol sa pinagdaanan nito, pero bakit maganda at maayos pa rin ang itsura?
Ibinalik niya ang atensyon sa sinasabi ni Neri at Alfred. Hindi ligtas ang Beta Escarra kung magkaroon man ng pagkakataong magalit ang mga kaibigan ni Victor. Wala rin naman sinasabi si Lexus sa kaniya, wala rin siyang idea kung ano ang plano ng kuya niya.
Kung sabagay rin naman. Everyone left her out. Wala na siyang idea sa nangyayari sa bawat grupo. Hindi rin pumapayag ang kuya niya na bigyan siya ng task o bigyan ng impormasyon tungkol sa Beta Escarra. Kasalanan din naman kasi niya. She became too happy and she enjoyed so much that she couldn't do her responsibilities properly.
Nang matapos makipag-usap si Neri kay Tito Alfred, inaya niya itong magpunta sa pantry para na rin makapag-usap. Bukod sa pagpunta ni Elias, wala namang ibang problema sa grupo niya na ipinagpapasalamat niya. Ares and Lana were a great help. The two made sure everything was in order.
Hindi naman siya nagtatanong kay Neri tungkol kay Marjorie dahil sina Lana at Ares lang ang nakakalapit dito at ang ibang babae sa Beta Escarra. She would see her soon once she felt okay at baka sa iritasyon niya sa mundo, mabunton niya lahat kay Marjorie.
Pagpasok sa pantry, literal na tumigil sa pagsasalita ang lahat dahil ito ang unang beses na makita siyang naglalakad sa lugar. Her insecurities took over her and confidence was still zero, but a girl's gotta eat.
Deretso siyang nakatingin at hindi nililingon ang mga taong dinaraanan niya. Wala rin namang bumabati sa kaniya at wala rin siyang balak batiin ang mga ito. Bukod sa wala siya sa mood, hindi niya kilala ang mga ito. Her brother owned the place, she used to live here, but didn't mind knowing these people.
Naupo siya at naghintay kay Neri na kumukuha ng pagkain para sa kanila.
Aware siya sa productions ng Beta Escarra na pinalimitahan niya dahil ayaw niyang akuin ng ibang tao lahat ng dapat ay trabaho niya. Gusto na rin niyang bumalik sa trabaho lalo pa ngayon na mas naramdaman niya ang boredom. Hindi rin nakatutulong na nakakasama niya si Lexus sa iisang bubong, pero hindi maayos ang trato nila sa isa't-isa.
"Dinagdagan namin ni Ares ang mga bantay sa labas. Ginawa naming alerto lahat," sabi ni Neri. "Binuksan na rin namin ang electric fences. Walang alam ang mga tao natin sa Beta Escarra tungkol sa nangyayari. Ayaw namin nila Lana na mag-cause ng panic."
Tumango siya at nag-agree. Uminom na rin muna siya ng tubig bago kumportableng sumandal. "Taasan n'yo ang voltage ng electric fences. Just make sure to inform everyone about it. Let them know there's threat. Hindi mo puwedeng gawing bulag ang mga tao sa nangyayari. Para maging alerto rin sila."
"Are you sure?" Neri was hesitant.
"Oo. Inform them about what's happening or what's gonna happen. Hindi puwedeng tayo lang ang may problema. Ano, itatago natin sa kanila 'tapos tayo lang ang mag-iisip kung paano magiging ligtas ang lugar?" seryosong sabi ni Ice. "Let them know about the threats, about Victor's death. Lahat. Huwag n'yo silang I-baby."
Neri nodded and looked down. It had been long since he had a conversation like this with Ice. Palagi kasi itong tatango lang o iiling. Nakikinig lang, pero hindi ganito magsalita.
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Neri, bumalik siya sa bahay para asikasuhin ang sarili niya. For the first time in months, Ice used the bathtub and let herself fully submerge into the cold water. Nilalaro niya ang mga bubble at pinanonood ang foam sa ibabaw ng tubig. Naamoy niya rin ang lavender sa sabon na galing sa St. Pierre.
Naalala niya na noong bago pa lang naasikaso ni Martin ang Hacienda St. Pierre, isa sa ni-request niya ay mabangong sabon na ikinatawa ng lahat. She wasn't kidding. Magulo na nga ang mundo, magiging mabaho pa siya?
She has her priorities. Kahit na magulo ang mundo, dapat malinis at mabango pa rin siya. Dapat maayos pa rin ang ngipin niya. Dapat maganda pa rin ang buhok niya. Iyon na nga lang ang mayroon siya, mawawala pa?
Pero oo. Naiwala niyal lahat iyan noong nagbuntis siya. Even her long luscious locks had to be cut. Her skin became so dry na kapag aksidente niyang nakakamot, nagsusugat. Her body became so weak she could barely walk further than needed.
Ice spent time inside the bathroom and let herself feel the cold water. Muli siyang napatitig sa kahubaran niya at hindi niya gusto ang nakikita niya. Kung dati, kaya niyang maghubad sa harapan ng iba, ngayon kahit sarili niya pinadidirihan niya. Ibinalot niya ang towel sa katawan bago lumabas at ikinagulat nang makita si Lexus na kapapasok lang din kwarto.
Pareho silang natigilan at hindi nakatakas sa paningin niya ang pagtitig nito sa kaniya mula ulo hanggang sa paa.
"Magbibihis muna ako." Humigpit ang pagkakahawak ni Ice sa towel na nakabalot sa katawan niya. "Lumabas ka muna roon. Sasabihin ko na lang kapag puwede ka nang pumasok."
Hindi na niya kailangang ulitin ang sinabi dahil lumabas na rin si Lexus nang walang sinasabi. Kaagad naman siyang lumapit sa pinto para isara iyon. Ni-lock pa nga. Sumandal siya roon at malalim na huminga.
Nagmadali siyang magbihis para na rin makuha niya si Eve. Binuksan niya ang pinto at nakasandal si Lexus sa may pinto. Patagilid itong tumingin sa kaniya.
"Ano'ng balita sa kaibigan mo?" Bungad ni Ice. "Your friends are threatening my group. Ano'ng balak mong gawin?"
"Wala akong alam sa ginagawa at plano nila," sagot ni Lexus. "Aalis din ako ngayon dahil ngayon nila ililibing si Victor. Babalitaan kita 'pag may nakuha akong impo—"
"No need," kaagad na pinutol ni Ice ang sasabihin ni Lexus. "Sabihan mo na lang si Kuya and they will rely everything to Ares and Lana. Wala naman akong magagawa sa sarili kong grupo. Siguraduhin lang ng mga kaibigan mong hindi nila gagalawin ang grupo ko."
Umiling si Lexus. "Hindi mangyayari 'yon."
"Sana," sagot niya bago ito tinalikuran.
Bumaba siya at kinuha si Eve mula kay Delia. Dinala niya ang anak sa garden na nasa likod ng bahay ng kuya niya at naupo sa hammock para subukan itong patulugin. But frustrations gew when Even couldn't even spend a minute with her. Bigla na lang itong iiyak kahit na walang dahilan. Nire-resist ang bote ng gatas at gumagalaw na para bang ayaw nitong magpabuhat sa kaniya.
Eve was stretching her body while crying hysterically. Tumayo na siya para isayaw ito hanggang sa huminto sa pag-iyak, pero hindi pa rin.
"What the heck is your problem?" Ice said in a low voice. "Iyak ka nang iyak. May dede ka na nga, binubuhat ka na nga. Ano pa bang kailangan mo?" She sounded frustrated and it made Eve cry more. "Stop crying!"
Sinubukan pa ni ice na isayaw si Eve tulad ng turo sa kaniya ni Anya at Ate Delia, pero iyak lang ito nang iyak. Hindi rin naman mainit sa lugar nila. Hindi naman naaarawan kaya hindi niya maintindihan.
Bumukas ang pinto ng back door at lumabas si Lexus. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya bago ibinaling ang titig kay Eve.
"Ano'ng nangyari?"
"Wala!" singhal ni Ice. "I don't even know why she's crying. Pinadede mo na, isinayaw mo na, iyak pa rin nang iyak. I don't understand. I d-don't . . ."
Bago pa man niya matuloy ang sasabihin, lumapit na si Lexus sa kaniya at tinanong kung puwede bang kunin si Eve mula sa kaniya.
"Kaya ko, Lexus." Ice harshly tried to make Eve stop.
"Ice."
"Kaya ko nga!" she yelled. "Kaya ko nga kasi!"
But Eve didn't stop. Instead, their daughter cried harder that Lexus didn't bother asking and took Eve from her.
"What the fuck is wrong with you?" Lexus walked backwards. "Kung galit ka sa mundo, sa akin, sa ibang tao, o sa sarili mo, huwag mong idadamay si Eve."
Ice stared at Lexus, who was trying to stop Eve from crying, and in just seconds, their daughter literally stopped.
"You already tried to . . ." Lexus stopped and exhaled. "I won't let you again this time."
Bago pa man makapag-react si Ice, tinalikuran na siya ni Lexus at pumasok na ito sa loob ng bahay. Kumuyom muli ang palad niya. Naramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko niya sa sarili niyang balat. Kinagat niya ang ibabang labi at nalasahan ang dugo mula roon. Pilit din niyang pinakakalma ang sarili niya, pero hindi niya magawa. Gusto niyang sumigaw, pero sobrang kahihiyan na para sa sarili niya.
—
Meanwhile, it was almost midnight when Lexus arrived. Galing siya sa libing ni Victor at naabutan niya si Jakob sa living area kasama sina Ares at Lana. Magre-report siya sa mga nangyari at sa mga naobserbahan niya.
"Wala pa rin silang alam kung nasaan si Elodie," sabi ni Lexus na naupo bakanteng upuan. "Nabanggit sa 'kin nila Ethan na pinahahanap ni Ray. Siya ang namumuno ngayon sa grupo ni Victor. Siya ang right hand ni Victor. Wala silang idea, pero nagtanong na rin sa 'kin si Nathaniel tungkol kay Abe."
Naningkit ang mga mata ni Jakob. "Ano'ng sinabi mo?"
"Sabi ko nandito sa Escarra." Kumportableng sumandal si Lexus. "Sinabi ko sa kaniya na ilang beses kong nakikita, pero hindi naman kami nag-uusap. Sinabi nyang hindi raw nagpapakita si Abe nitong mga nakaraan. Sinigurado sa 'kin kung buhay pa."
Tumango si Jakob. "We'll still keep him busy. Binigyan ko siya ng bagong task sa kasama ang mga kaibigan niya para hindi makahalata. I made sure he won't have a chance to sneak out. Delta team ang mga nakabantay sa bawat sulok. Hindi siya makakalabas."
"Dapat lang dahil oras na malaman ni Ray na nandito si Elodie, isusunod nila ang Escarra. Confident sila ngayon na wala siya rito dahil masiyadong malayo ang Escarra sa grupo ni Victor kaya wala silang idea," sabi ni Lexus. "Mas pinag-iisipan nila ang Beta Escarra, Olympus. Pero lalong-lalo na ang St. Pierre."
Natahimk ang lahat sa sinabi niya. Tumayo siya at nagpaalam na titingnan na muna si Eve, pero sinabi ni Jakob na nasa kwarto nito ang anak niya at malamang na natutulog na sa tabi ni Anya.
"Bakit?" Nagsalubong ang kilay ni Lexus. "Asan si Ice?" Naalala niya ang nangyari kanina bago siya umalis.
Ares, Lana, and Jakob frowned.
"Hindi ba siya nagsabi sa 'yo?" tanong ni Ares.
"Na ano?"
"Umalis siya kanina," ani Jakob. "Sumama pabalik sa Beta Escarra."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top