Chapter 47

Trigger Warning: Mentions of rape—read at your own risk

Ice faced Austin and asked again. Instead of answering her question, Jakob asked them both inside his office. Inutusan na rin muna nito sina Mary, Celine, at Nicholas na dalhin ang mga ito sa infirmary.

Nakita niyang sumunod si Lexus na hindi binibitawan ng babae. Mas naramdaman niya ang paglubog ng kuko niya sa mga palad niya habang nakatingin sa dalawa.

"Ice."

Dahil sa pagtawag ng kuya niya, lumingon si Lexus na humarap sa kanila. Nagtama ang mga mata nila ngunit siya na mismo ang umiwas. Sumunod siya kina Jakob at Austin sa meeting room. Sumunod na rin si Tito Alfred. Naupo si Ice sa gitnang upuan. Ni hindi niya alam kung bakit ba siya sumunod, pero hindi maayos ang pakiramdam niya. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang pagyakap ng babae kay Lexus.

"Sino 'yon, Austin?" tanong ni Tito Alfred. "Bakit dito mo sila dinala?"

Nagsimulang magkuwento si Austin. "Noong pabalik na kami kaninang madaling araw, narinig namin sa daan na mayroong umiiyak na baby. Huminto kami. Ayaw tigilan nina Celine at Nicholas ang paghahanap. Nakita namin sila sa isang abandonadong bahay. Iyak nang iyak 'yong baby."

Seryosong nakaupo si Ice at hinihintay ang mga sasabihin ni Austin. Gusto pa niyang marinig ang sasabihin nito para makilala ang babae at kung bakit ito kilala ni Lexus.

"Iyong lalaki ang nakausap namin," dagdag ni Austin. "Hindi kasi namin makausap 'yong babae. Nakatulala lang kanina. Puro dugo. Nilinisan na nga 'yon ni Mary."

"Bakit siya puro dugo? Ano'ng nangyari?" tanong ni Jakob.

Malalim na huminga si Austin. "Jakob, asawa siya ni Victor."

Napaatras si Jakob at napaawang ang bibig. "Bakit dito mo siya dinala? May problema pa nga tayo kay Lexus dahil umaaligid pa ang mga kaibigan niyan 'tapos nagdala ka pa n—"

"Sandali." Tumaas ang dalawang kamay ni Austin. "Patay na si Victor."











Naramdaman ni Lexus ang higpit ng hawak ni Elodie sa kaniya at halos ayaw humiwalay. Lumapit sa kaniya ang ilang tauhan ni Jakob at nakiusap siya kung puwedeng huwag muna at siya na muna ang bahala.

"Elodie." Sinubukan niya itong ilayo sa kaniya ngunit mas humigpit lang lalo ang pagkakayakap sa kaniya. "Dadalhin ka muna nila sa infirmary. Kailangan ka kasi nila linisan pati si baby. Kai—"

"Huwag mo 'kong iiwan dito. Ikaw lang ang kilala ko rito. Please," humagulhol si Elodie at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. "P-Please. Please. Please."

Hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari dahil wala pang nagsasalita ngunit oras na malaman ni Victor na nandito ang mag-ina nito, malamang na hindi magdadalawang isip si Victor na sumugod. Isa pa, mabilis kakalat ang balita lalo na at mayroong traydor sa lugar na ito.

At sa pagkakataong ito, mas inalala niya si Eve.

"Lexus, dadalhin namin siya sa infirmary," sabi ni Celine na lumapit sa kaniya ngunit nagpumiglas si Elodie at mas humigpit pa ang pagkakahawak sa damit niya.

"Sasama ako," sabi niya at bahagyang humiwalay kay Elodie. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. "Sasamahan kita sa infirmary," ngumiti siya. "I'll be with you, okay?"

Sunod-sunod ang pagtango ni Elodie habang nagmamalabis ang luha. Panay rin ang hagulhol nito kaya ngumiti siya para kahit papaano ay maging magaan ang lahat. Kahit na siya mismo ay kinakabahan sa situwasyon dahil maaaring sumugod rito si Victor.

Nag-angat ng tingin si Lexus para sana hanapin si Jakob ngunit si Ice ang nakita niya. Nakatayo ito sa may pinto ng office building ni Jakob at seryoso itong nakatingin sa kaniya bago tiningnan si Elodie. Bumalik ulit ang tingin sa kaniya.

Lexus didn't know why, but he felt the urge to explain himself. Gusto niyang tanggalin ang pagkakahawak ni Elodie sa kaniya. Gusto niyang lapitan si Ice. Gusto niyang makipag-usap kahit na hindi naman dapat. Sa paraan ng tingin ni Ice sa kaniya pati na rin kay Elodie, parang napako siya sa kinatatayuan. Hindi naman mukhang galit, pero malamig na malamig.

Bago pa man siya makapag-isip, tumalikod na ito at naglakad papunta sa daan pauwi. Mabagal ang bawat paglakad at deretsong nakatingin sa dinaraanan ngunit napansin niya ang kamay nitong nakakuyom.

"Tara na," pag-aya ni Nicholas na tinuro ang sasakyan. "Mukhang kilala ka naman niya. Samahan mo na muna siya. Ayaw niyang magpahawak sa 'min."

Sandaling ibinaling ni Lexus ang atensyon kay Elodie na yumuko na ngunit panay pa rin ang hikbi. Tinuro ni Nicholas ang sasakyan kung saan sila sasakay at bago pa man makapasok sa loob, hinanap ng mga mata niya si Ice, pero wala na.

Pagdating sa infirmary, walang tao sa labas na ipinagpapasalamat niya dahil kahit papaano, naging kumportableng maglakad si Elodie. Si Mary ang may hawak sa baby, inaalalayan naman ni Nicholas at Celine si Ian na sugatan sa may braso at hita, malamang mula sa tama ng baril.

Wala pa rin siyang alam sa nangyayari, pero gusto niyang makausap si Jakob kaya sinabihan niya si Nicholas.

Sa loob ng infirmary, nagwawala si Elodie kaya naman kaagad itong tinurukan nang pampatulog. Mabilis iyong umepekto dahil kaagad na itong nakatulog. Kinausap din siya ni Mary na ipapasok muna si Elodie sa isang kwarto para malinisan.

Sumandal siya sa pader at yumuko habang iniisip ang posibleng maging epekto ng nangyari.

Saktong dumating si Jakob at nilagpasan siya. Nilapitan nito si Ian na nililinisan ang mga sugat. Panay ang inda nito sa sakit, pero seryosong nakikipag-usap. Lumapit siya at nang makita siya nito, nagsalubong ang kilay nito.

"Patay na si Victor," seryosong sabi ni Ian habang nakatitig sa kaniya. "Pinatay siya ni Elodie. Patay na si Victor."

Napaatras si Lexus sa narinig at nanlaki ang mga mata niya. Victor was literally untouchable. Sigurado siya na siya lang ang makapapatay kay Victor kung kinakailangan.

"Ano'ng nangyari?" Si Jakob ang nagtanong. "Mag-asawa sila, 'di ba?"

Mahinang natawa si Ian. "Ikaw ang may kasalanan. Ginaya ka ni Vict– aray!" ininda nito ang pagtahi sa sugat. "Nabalitaan niya ang ginawa mo para makuha mo ang asawa mo at ganoon ang ginawa niya. Ang kaibahan lang . . ."

Huminto sa pagsasalita si Ian at pumikit. Nasaktan ito sa pagkakatahi ng sugat kahit na mayroong pain reliever.

"Kaibihan lang, ginagahasa niya si Elodie. Sapilitan, literal na pilitan," pagpapatuloy ni Ian. "Kaninang madaling araw." Muli itong malalim na huminga dahil sa sakit. "Nangyari na naman. Pinasuso ni Elodie ang anak nila, pero muntik ihagis ni Victor dahil gusto niyang galawin si Elodie."

Lexus fisted after hearing what Ian said. Marami pa itong sinasabi ngunit halos hindi na niya marinig. Paatras siyang lumabas ng cubicle at sumandal sa pader habang nakayuko.

Kapapanganak lang ni Elodie four months ago. Halos kaedaran lang ni Eve ang anak nito at hindi niya inasahang ganoon ang gagawin ni Victor. He knew what Victor did to Elodie, but didn't expect he would violate her like that and even endanger the life his daughter.

Lumabas si Jakob mula sa cubicle at tinanong kung gusto ba muna niyang mag-stay. Tumanggi siya at sumabay sa paglabas. Huminga siya nang malalim lalo nang masinagan ng araw ang balat niya.

"Ano'ng balak mo sa kanila?" tanong niya kay Jakob na nakatayo sa tabi niya. "Kung itatanong mo, hindi ko sila masiyadong kilala. Wala kaming interaction ni Elodie kaya nagulat akong ganoon ang reaksyon niya noong makita niya 'ko. Nakikita ko siya sa bahay ni Victor, minsang binabati. Si Ian, ang alam ko, siya ang utusang magdala ng pagkain ni Elodie sa kwarto."

Hindi sumagot si Jakob at nakapamulsa lang itong nakatingin sa kawalan. Salubong ang kilay at mukhang malalim ang iniisip.

"Totoo ang sinabi ni Ian. Kalat na kalat ang ginawa mo kay Anya dahil kay Marjorie. They knew what you did to have her," Lexus looked down. "At totoo rin ang sinabi ni Ian na ikaw ang naging inspiration ni Victor. But unlike you and Anya, Elodie didn't want him."

Again, Jakob didn't respond and walked away.

Pagdating sa office ni Jakob, sinabihan si Lexus na umuwi sa bahay sina Anya kasama ang anak niya. Naabutan niya ang mga ito sa living room kaya kinuha muna niya ang anak niya mula kay Delia at iniakyat sa kwarto ni Ice.

Ice wasn't inside the room, and Lexus didn't mind. He didn't even ask Anya and Delia. Sanay naman na siya at malamang ay nasa library ito o kung saan man.

While staring at Eve, he remembered what Ian told them about Victor's daughter. Hindi niya inasahan na kayang gawin iyon ng kaibigan niya . . . O dating kaibigan. Malamang na ipatatawag na naman siya nina Ethan dahil dito.





Kinabukasan, habang pinatutulog at pinadede ni Lexus si Eve, kumatok sa kwarto niya si Jakob para sabihing gising na si Elodie at gusto raw siyang makausap. Tumango siya at sinabing susunod na lang sa infirmary. Gising din naman si Ice kaya iiwanan na muna niya ang anak nila.

Lumabas si Ice mula sa bathroom. "Iwanan mo na siya riyan sa kama," sabi nito at nilagpasan siya para kumuha ng damit ni Eve sa closet. "Ako na ang bahala sa kaniya."

Kagabi pa ito hindi tumitingin sa kaniya. Nung mga nakaraan, madalas na nagtatama ang mga mata nila dahil nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya, pero hindi kagabi o kaninang umaga. Hindi nag-offer ng almusal, hindi rin tinanong kung gising ba ang anak nila sa magdamag, o nagtanong man lang tungkol sa nangyari kahapon. Alam niyang alam na ni Ice ang tungkol sa pagkamatay ni Victor.

Nagpaalam siya kay Ice at tumango ito nang hindi tumitingin sa kaniya. He didn't want to ask or argue because there was no reason to.

Sa infirmary, dinala siya ni Jakob sa isang kwarto. Naabutan niyang buhat ni Elodie ang anak na mahimbing na natutulog. Tumingin ito sa kaniya at tumaas ang sulok ng labi ngunit malamlam ang mga mata.

"Ano'ng pangalan niya?" Bungad niya kay Elodie dahil hindi niya alam kung paano bubuksan ang conversation.

"Clara." Hinalikan ni Elodie ang noo ng anak. "Okay lang ba kami rito? H-Hindi ba nila kami mahahanap? K-Kasi papatayin nila Ray si Ian. Hindi puwede, Lexus. H-Hindi ko na kakayanin."

Pinilit ni Lexus ang ngumiti. Alam niyang naririnig nila ni Jakob ang nangyayari sa loob. Usapan nilang walang puwedeng ilihim. Kailangan nilang marinig ang lahat para alam din kung paano kikilos.

"Hindi sila makakapasok dito," paniniguro niya. "Ano ba ang nangyari? Kung ayaw mo munang pag-usapan, ayos lang."

Suminghot si Elodie at muling hinaplos ang ulo ng anak. "W-Wala bang ibang makakaalam? Ayokong makulong. A-Ayokong mamatay. Paano na si Clara. Pa—"

"Shh." Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama ni Elodie. "Wala," pagsisinungaling niya. "Gusto kong malaman kasi pupunta ako mamaya sa lungga ni Victor. Kailangan kong malaman kung ano ang plano nila roon."

Inoserbahan niya ang bawat kilos ni Elodie. Nanginginig ang kamay nito. Hindi mapakali na parang palaging alerto at nakatingin sa pinto. May mga pagkakataong nakikita niya ang panginginig ng baba, ang pagsuklay sa sariling buhok ngunit titigil sa tuwing makikita ang mukha ng anak.

"Clara will be okay here," he assured. "Kapag okay ka na, ipapakilala ko rin sa 'yo ang baby ko. Nandito siya and she's living a good life. Sa umaga, nakasakay siya sa stroller and we're walking around the area."

"T-Totoo?" Elodie's brows furrowed. "H-Hindi nila sasaktan ang baby ko?"

Lexus shook his head. "These people love babies!"

A subtle smile crept into Elodie's lips.

"Ano'ng ginawa ni Victor sa 'yo?" he asked hesitantly. "Kailangan naming malama—"

"After n'yong umalis kahapon," Elodie looked down. "Pumasok siya sa kwarto ko tulad noon. Sinabi ko sa kaniya na sandali lang, tatapusin ko munang pag-milk si Clara, pero hindi siya nakinig. Kinuha niya si Clara and . . . and . . . basta na lang niya ibinaba ibinaba sa gilid ng kama. She's just a baby and Victor took her harshly and . . ."

Tinitigan ni Lexus si Elodie na panay ang yakap sa anak.

"Hinayaan ko na siya sa gagawin niya kasi baka si Clara ang saktan niya. I don't want her to feel the pain I went through. I . . . I don't want her to live like this," nanginig ang baba ni Elodie. "Pinilit niya ako at habang ginagalaw niya 'ko, naalala ko lahat ng pambaboy niya sa 'kin. Even your friends! Your friends. Ginawa akong panregalo ni Victor sa mga kaibigan n'yo!"

Lexus was taken aback by what Elodie said.

"Binaboy nila ako. Binaboy ako ni Victor. Paulit-ulit-ulit kahit na anong pakiusap ko!" Elodie wailed. "Pero hindi ako papayag na pati ang baby ko. Mamamatay na lang kaming dalawa . . . Pero hindi puwedeng maramdaman ni Clara ang naramdaman ko."

Tumayo si Lexus at yumuko. He didn't know. Kung alam lang niya, gumawa siya nang paraan. He asked his friends. He was aware about how Victor got Elodie, but didn't know it was this much. Alam niyang hindi mahal ni Elodie si Victor . . . pero hindi niya inasahan na pati ang ibang kaibigan nila.

Compared to them, Elodie was younger.

"Sa kalasingan niya, hindi niya alam na may knife sa may pantalon niya. I took it," Elodie's eyes turned into anger. "Kinuha ko 'yon kasi naririnig ko si Clara na umiiyak. I wanna check my baby, but he wouldn't let me. Sinabi ko sa kaniya na ako na. Pararausin ko siya. Umibabaw ako sa kaniya. Ngiting-ngiti siya. Napakababoy niya. Tuwang-tuwa siya sa kababuyan niya."

Lexus breathed and gazed at Jakob sideways. Nakatago ito sa may pinto ngunit nagtama ang tingin nila.

"I was on top of him, moving. Pinanood ko kung paano siya pumikit. Kung paano siya nasasarapan sa kababuyan niya . . . And when I got the chance," Elodie inhaled harshly. "I buried his own knife on his chest. Paulit-ulit-ulit. Hindi ko na alam kung ilang beses, kung saan tatama, o kung paano ko siya mapapatay. I-I just want to keep my baby safe."

He heard everything and tried to process all the information and faced Elodie. He assured their safety and told her everything would be okay, even though he knew it wasn't easy.

Nagmadaling lumabas si Lexus ng infirmary at dali-daling dumeresto sa lugar na mayroong lupa para magsuka. Umangat ang sikmura niya dahil sa mga narinig.

Hindi siya mabuting tao. Mamamatay tao siya, pero kinamumuhian niya ang mga mapagsamantala sa mga babae. He didn't know. His friends protected themselves from him by not exposing this one. Kung alam lang niya, hindi hahantong sa ganito.

Bumalik si Lexus sa bahay nina Jakob at kaagad na dumeretso kung nasaan si Eve. Mula sa pinto, tinitigan niya ang anak. Babae ang anak niya at dahil sa mga narinig, mas nakaramdam siya ng takot para sa hinaharap. Hindi puwedeng ganito lang. Hindi puwedeng ganoon ang maging buhay ng anak niya.

Dumating si Ice galing sa kusina bitbit ang ipinanit na gatas ng anak nila. Hindi ulit siya tiningnan at basta na lang siyang dinaanan.

Naalala rin niya ang mga pinagdaanan nito mula sa ibang lalaki. Malupit ang mundo para sa mga babaeng walang laban. Some men would take advantage and women were forced to shut their mouths. Some were asked to marry their rapists, some were forced to carry the child of their abusers. At walang pinipiling edad.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ice na hindi tumitingin sa kaniya.

"Hindi," pag-aamin ni Lexus. "Roadtrip ulit. Please?"







T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys