Chapter 46

After three knocks, the door finally opened. It was Jakob, frowning. Anya was behind her husband and was looking at Lexus, too. Mukhang nagtatakha ang dalawa dahil never siyang kumatok sa mga ito.

"Gustong lumabas ni Ice ng Escarra," pambungad niya. "Iyak nang iyak, nakikiusap kung puwede ko ba siyang dalhin kahit saan. Payag ka ba?" Hinarap niya si Jakob. "Pagbibigyan ko lang sandali hanggang sa makatulog."

Hindi pa man nakakasagot si Jakob, lumapit na si Anya sa asawa at hinawakan ito sa braso. "Okay lang ba siya?"

"Mukhang hindi," seryosong sagot ni Lexus. "Puwede bang sa inyo muna si Eve? Sandali lang kami."

Nakatingin si Lexus sa mag-asawa na nagkatinginan bago muling ibinalik ang atensyon sa kaniya. Malalim na huminga si Jakob, ngumiti naman si Anya.

"May sasama sa inyo sa likuran," sabi ni Jakob. "Saan mo balak dalhin?"

Umiling siya. "Hindi ko alam. Bahala na," sagot niya. "Tungkol sa kasama, sige lang. Walang problema."

Nang makuha niya ang confirmation mula sa mag-asawa, kaagad siyang bumalik sa kwarto ni Ice. Nakasalampak ito sa carpeted floor at nakasandal sa kama. Naabutan din nina Anya at Jakob ang itsura ni Ice na nakatungo yakap din ang sarili.

Lexus didn't want to do this. Ni ayaw nga sana niyang magkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang, pero nakaramdam siya ng awa nang makita at marinig ang paghagulhol nito.

Lumebel siya kay Ice at hinarap ito. "Tara na." Iniabot niya ang jacket na ibinigay ni Anya galing sa closet ni Ice. "Hindi tayo puwedeng magtagal dahil kay Eve."

Meanwhile, Jakob and Anya observed how the two communicate without words. Kahit na labag sa loob ni Jakob ang pagpayag na umalis ang dalawa, pumayag siya. Tama si Anya. May posibilidad na kahit papaano ay bumalik sa dati si Ice dahil kay Lexus.

They knew the connection between the two, which was evident before everything happened.

Jakob and Anya also knew Lexus had a significant role in Ice's life. Nakita rin naman ni Anya na kahit na galit si Lexus kay Ice, hindi rin nito matiis. Maybe this trip would open both their eyes to the situation, and they could possibly talk about it.

Naunang lumabas ng bahay si Lexus at naabutan si Jakob sa tapat ng bahay nito. Sa hindi kalayuan, mayroong isa pang sasakyan.

"Ito ang gagamitin n'yong sasakyan." Ibinigay ni Jakob ang susi sa kaniya. "Mas safe. Bulletproof and full charged. Kung puwede lang sana, huwag kayong masyadong lalayo."

"Wala akong balak." Nilapitan ni Lexus ang modifed hummer na kulay itim. "Gusto ko ring bumalik kaagad for Eve. Pagbibigyan ko lang ang kapatid mo."

Tumango si Jakob. "Kami na ni Anya ang bahala kay Eve. Ikaw na muna ang bahala kay Ice."

Patagilid naman niyang tiningnan si Jakob nang may ma-realize. "Ikaw na lang kaya mag-roadtrip sa kapatid mo? Ako na lang ang mag-aalaga sa ana—"

"Ayokong umalis ng Escarra," sagot ni Jakob. "Gising din si Trevor. Mahihirapan si Anya. Tulog pa ang mga tumutulong sa 'ming mag-alaga sa mga bata. Hindi ako puwede. Basta umuwi na lang kayo kaagad 'pag maayos na siya."

Sasagot pa sana siya, pero lumabas ng pinto si Ice. Suot nito ang jacket at jogger pants na may kaluwagan. Nakatakip din ng hood ng jacket ang ulo at halos hindi nila makita ni Jakob ang mukha.

Lexus exhaled and walked towards the driver's seat. Sobrang ganda ng sasakyan na ito at parang win-win na rin sa kaniya dahil pangarap niyang makapagmaneho nito, hindi lang nabibigyan ng pagkakataon. Tiningnan niya sa side mirror ang isa pang hummer na susunod sa kanila ni Ice.

Patagilid niyang tiningnan ang pagsakay ni Ice. Ni hindi nito magawang iangat ang paa dahil mataas ang sasakyan. Nakita niya ang hirap habang sinusubukang makasakay hanggang sa patagilid na itong binuhat ni Jakob para lang matulungan. Si Jakob na rin ang nagsuot ng seatbelt at inayos pa ang aircon para hindi nakatapat kay Ice.

"Mag-ingat kayo," ani Jakob nang magtama ang tingin nila. "Bumalik kayo kaagad." Isinara nito ang pinto ng sasakyan.

Patagilid na lumingon si Ice gawi niya. Hindi niya masyadong naaaninag ang mukha nito dahil natatakpan ng hoodie. Malalim siyang huminga at pilit pa ring hinahanap ang pagkabaliw niya sa babaeng kasama, pero wala.

"Isa lang ang hiling ko, Ice," seryosong sambit ni Lexus at pinaandar na ang sasakyan. "Huwag mo 'kong kakausapin. Wala akong balak sabihin sa 'yo at lalong wala akong balak makipag-usap. Please lang."

"Sige," sagot ni Ice sa mababang boses. "Saglit lang naman. Kahit isang ikot lang. K-Kailangan ko lang sandaling huminga."

Sa huling sinabi ni Ice, wala nang naging sagot si Lexus. Naramdaman na rin niya ang pagbilis ng sasakyan. Wala naman siyang nakikita sa labas. Wala rin siyang marinig, but it was okay. The night was comforting her and the moment they were outside Escarra, a familiar feeling kicked in.

Her, in a passenger's seat, enjoying the darkness with Lexus talking about nonsense or just them singing. Halos makalimutan na rin niya ang ilang roadtrips nila ni Lexus noon dahil simula nang manganak, para siyang nagkaroon ng problema sa pag-aalala ng ibang bagay.

Kumportable siyang nakasandal sa upuan at nakahawak sa seatbelt. Nakikita niya sa side mirror ang sasakyang nakasunod sa kanila. It was the Beta team of Escarra and was asked to follow them wherever they go.

Wala namang balak magtagal si Ice. Ito rin ang unang paglabas niya sa Escarra simula nang magbuntis siya. Ni hindi na rin niya alam kung ano na ang itsura sa labas sa loob ng ilang buwan. Sa Beta Escarra, nagtatanong lang siya kina Ares na siyang namumuno at araw-araw iyong pinutahan at kay Lana na madalas na ring naroon.

The ride was silent and dark. The only thing that illuminated was the controls inside the car. Kahit na nakabukas ang ilaw sa labas, wala rin naman silang makita kung hindi kalsada sa ibaba. But then again . . . it was making her calmer.

"Can I turn on the stereo? Sumasakit ang tenga ko," sabi niya habang nakatingin kay Lexus. "Kahit mahina lang."

She didn't have to wait for a response. Using the steering wheel, Lexus turned on the stereo, and a familiar old song immediately played. Mukhang naiwan lang din na naka-play ang tugtog mula sa player dahil halos chorus na ang lyrics.

"I can't believe that I'm the fool again. I thought this love would never end. How was I to know? You never told me. I can't believe that I'm the fool again." It was Fool Again by Westlife.

The song played, and finally, the silence was cut off. Ice rested her head and inhaled multiple times when Lexus cursed.

"Mukhang uulan pa ya–" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil biglang kumulog nang malakas. "Ayan na."

Napansin ni Ice ang iritasyon mula sa boses ni Lexus na unti-unting bumabagal ang sasakyan lalo nang unti-unting magkaroon ng pagpatak ng ulan. Mas napansin din niya ang pagiging balagbag ni Lexus sa pagmamaneho lalo sa paghinto.

"Tangina, lumakas pa," ani Lexus na iginilid ang sasakyan. "Ayokong mag-drive habang umuulan. Magpatila na muna tayo."

Walang naging sagot si Ice at inobserbahan si Lexus. Tumigil din ang sasakyan sa likuran nila at hindi nagtagal, mayroong kumatok para itanong kung mayroon bang problema kaya sila huminto. Nag-explain naman si Lexus na hindi siya kumportableng magmaneho habang umuulan lalo at gabi at kung puwede silang magpatila sandali lalo na at medyo malayo na sila sa Escarra.

Nagtanong sa kaniya ang tauhan ng Kuya niya kung ayos lang ba at tango lang ang naging sagot niya.

Deretsong nakatingin si Ice sa kadiliman at sa malalaking patak ng ulan sa windshield ng sasakyan nang makita ng peripheral niyang may inilabas si Lexus mula sa bulsa. It was a small black pouch with zipper and it was almost worn out.

Inilbas nito mula sa pouch ang maliit na plastic. Hindi niya maaninag kung ano dahil madilim ang sasakyan hanggang sa isinuot iyon ni Lexus sa tainga. If she was right, those were plugs.

Ice observed, and Lexus was tapping the steering wheel. Nakasandal din ang ulo nito sa headrest at nakapikit. Napansin niyang madalas itong gumagalaw, halatang hindi kumportable. Minsan itong didilat, titingnan ang pag-ulan, bago muling yuyuko o pipikit.

Medyo malakas ang bawat patak ng ulan. Hindi naman nila ito inasahan ngunit ang hindi maintindihan ni Ice ay kung bakit nagkakaganito si Lexus. Samantalang dati, kahit gaano kalakas ang ulan at malamang na kahit bumaha pa, tutuloy sila.

The rain was pouring, and Lexus wasn't subtle about his irritation.

"We can ask someone to drive us back," Ice said lowly, and it wasn't enough for Lexus to hear it. "Lexus."

Again, nothing.

Instead of saying another word, Ice lightly tapped Lexus' shoulders, who immediately gazed at her, frowning. Tinuro niya ang earplugs na suot nito na kaagad tinanggal at tinanong kung ano ba ang problema niya.

That made Ice smile. "We can ask someone to drive us back. Kung hindi ka kumpo—"

"Patilain lang natin sandali," sabi nito na ibabalik sana ang earplugs ngunit pinigilan niya. "Ano na naman, Ice?"

"What's with the plugs?" Kinapalan na niya ang mukha sa pagtatanong. "Hindi ko maalala kung bakit o ganiyan ka ba noon, pero . . . bakit?"

Long silence until Lexus exhaled. "Hindi mo maalala?" he chuckled bitterly. "O hindi ka lang talaga interesado or you're not even aware or not even observing?"

"I . . ."

"I hated the sound of rain," Lexus uttered. "Ever since your threw me as if I was nothing, I started to hate the sound of rain. Kasi naalala kita," he said truthfully. "Naalala kita kaya naiirita ako sa tuwing umuulan dahil ayaw na kitang maalala."

Her eyes widened after hearing what Lexus said, and she looked down. Nagulat siya dahil hindi niya inasahan na ganito ang naging epekto kay Lexus sa ginawa niya. Hindi niya inasahan na simpleng ulan, ganito ang magiging reaksyon ni Lexus.

Sinubukang itaas ni Ice ang dalawang paa niya sa upuan para sana yakapin ang sarili, pero hindi niya magawa dahil madalas pa ring kumikirot ang tahi niya. Wala siyang ibang magawa dahil hindi niya rin kayang tingnan si Lexus pagkatapos nang sinabi nito. Nakikita rin naman ng peripheral niya na nakapikit ito at nakatingala.

Halos hindi niya naririnig ang tunog ng ulan dahil sa bulletproofed car, pero malamang na iba ang pandinig ni Lexus kumpara sa kaniya. Or maybe, everything was psychological.

Maingat na inayos ni Ice ang upuan para maihiga nang kaunti dahil sumasakit na ang likod, balakang, at tahi niya. Mukhang napansin siya ni Lexus dahil saglit itong tumingin sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa kadiliman.

Meanwhile, Lexus tried so hard not to look at Ice. Mali na ngang sinamahan niya ito, mas mali pang magkasama sila habang umuulan. Gusto na niyang umalis at bumalik sa Escarra, pero hindi nakikisama ang ulan.

At sa tuwing umuulan, palaging kinakanta ng isip niya ang isang kanta tungkol din sa Ulan. It was an old OPM song he heard years ago and it was fitting.

He tapped the steering wheel and sang the song inside his head. "Iniwan mo akong nag-iisa. Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan . . ."

Mahina siyang natawa. Hindi naman umuulan noong naghiwalay na sila ni Ice, pero parang ganoon na rin. Sa tuwing umuulan, si Ice ang naalala niya dahil nakikita niya ang mukha nitong tuwang-tuwa sa tuwing umuulan.

'Tangina. Humiling pa nga siya na sana ay huwag na munang tumigil ang ulan para hindi niya ito makitang malungkot.

Nang bahagyang tumila ang ulan, napansin niyang nag-iiba na ang kulay ng langit. Patagilid siyang nakaharap sa bintana at pinanonood ang bawat pagpatak ng ulan sa salamin ng sasakyan. Tinanggal na rin niya ang earbuds at nilingon si Ice para sana sabihing babalik na sila sa Escarra ngunit nakatulog na ito.

Lexus signaled to the car behind him that they were driving back to Escarra.

Patagilid niyang nilingon si Ice na mahimbing na natutulog. Yakap nito ang sarili. Nakatagilid ito at nakaharap sa kaniya kaya kalahati lang ng mukha ang nasisinagan nang kaunting ilaw.

He immediately looked away. He didn't want to fool himself again. Ayaw na niya ulit magmukhang tanga, maiwang mag-isa, at hindi makausad. He didn't want to put himself in the same situation the past months.

Ayaw man niyang aminin sa sarili niya; Ice broke him, and he thought he wouldn't be able to get back up again. Mabuti na lang at mayroong Eve. Si Eve na lang ang mayroon siya sa mundong ito at hinding-hindi niya hahayaang mawalay ito sa kaniya.

Pagdating sa Escarra, maliwanag na rin at nakaabang na si Jakob sa harapan ng bahay nito. Kaagad siyang huminto at bumaba. Sinabi niya kay Jakob na tulog si Ice at ito na rin ang nagbuhat sa kapatid papasok sa bahay.

Sumandal si Lexus sa pader na nasa pagitan ng kwarto nina Jakob at Ice. Narinig niya ang boses ni Trevor at mukhang gising na rin.

"Si Eve?" tanong niya kay Jakob nang makalabas ito ng kwarto ni Ice. "Gising ba siya? Puwede kong makita?"

"Gising. Pinapadede ni Anya," sagot ni Jakob na naglakad papunta sa kwarto. "Where do you think you're going?" Pagpigil nito nang makitang papalapit siya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Sa anak ko? Hello?"

"She's feeding," Jakob said in a serious voice. "Ibibigay ko siya sa 'yo mamaya."

"Patingin lang ako sandali."

"Ano? Dumedede nga!" singhal ni Jakob sa kaniya.

"Eh ano naman?"

Nanlaki ang mga mata ni Jakob sa sagot niya. "Anong ano naman? Dumedede ang anak mo sa asawa ko 'tapos gusto mong tingnan? Siraulo ka ba?"

"Hindi ko naman titingnan si Anya, eh," depensa niya.

Umiling si Jakob. "Kahit na. Gago."

Natawa si Lexus sa reaksyon at iritasyon ni Jakob. Bigla rin niyang na-realize na kung siya rin naman ang nasa kaparehong posisyon, baka masakal at mapatay pa niya. Mabait pa nga si Jakob kung tutuusin.

Itinaas niya ang dalawang kamay at patalikod na naglakad. Pumasok na rin muna siya sa kwarto ni Ice para maligo bago man lang niya hawakan ang anak niya. Madilim ang buong kwarto dahil nakasara lahat ng bintana ngunit naka-dim ang LED lights sa ilalim ng kama. It was on a darker shade of purple.

Alam ni Lexus na nasaktan niya si Ice sa sinabi niya kanina, pero wala rin naman siyang balak magsinungaling o itago ang totoo. It was true.

He became messier without her.



Halos tanghali na rin nagising si Ice at walang tao sa bahay. Kahit na sina Delia at Rose ay malamang na nasa labas. Mayroon namang mga naiwang pagkain para sa kaniya ngunit tulad noon, kumakain lang siyang mag-isa dahil wala ang mga kasama niya.

She then wondered where Lexus and Eve were. Madalas naman na nasa loob lang ng bahay ang dalawa o nasa kwarto pa nga niya sa tuwing magigising siya.

Bigla din niyang naalala ang nangyari sa sasakyan, ang mga sinabi ni Lexus, at ang kirot sa dibdib. Sinubukan din niyang alalahanin kung mga pag-ulan noong mga panahong magkahiwalay sila.

The rain and thunderstorm became her comfort during her pregnancy. Palagi niyang iniisip noon na sana ay madalas na umulan at tuwang-tuwa pa siya na parang palagi siyang napagbibigyan. She even loved to stay in the balcony where she could watch every raindrop and hear the rainshowers clearly. . . not knowing Lexus had to suffer like that.

Ice sniffed and tried to let go of the thought. She continued eating and planned to fix herself. It was her turn to look after Eve.

At habang kumakain ng brunch, nagulat si Ice nang marinig ang malakas na alarm ng Escarra na binubuksan lang kapag mayroong aatake o mayroong papasok sa loob na posibleng high risk. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang ma-realize na nasa labas ang lahat lalo na ang anak niya. Alam naman niyang hindi pabayaaan ng kuya niya si Eve lalong-lalo na ni Lexus kung magkakasama ang mga ito.

Nagmadali siyang lumabas. Sabay na napatingin sa kaniya sina Erick at Noah na nagbabantay sa bahay ng kuya niya. Alerto ang lahat. Narinig niya ang mga radio, nakita niya ang mga ranger na nagtatakbuhan papunta sa headquarters ng Escarra.

Malamang na magkasama sina Jakob, Anya, at ang mga bata kaya pupuntahan niya ang mga ito opisina ng kuya niya para sa anak niya.

Hindi siya nagkamali nang makita si Jakob labas ng opisina at nagsalubong ang kilay nang makita siya. Hindi na rin niya pinansin ang mga matang nakatingin sa kaniya na halatang nagulat nang lumabas siya.

"Si Eve?" nagmamadali siyang lumakad papalapit sa kuya niya.

"Nasa loob ng office. Pumasok ka muna roon," utos nito.

Akmang magpoprotesta si Ice at magtatanong tungkol sa kung ano ba ang nangyayari, dumating ang tatlong sasakyan galing sa kabilang Escarra na minamaneho ni Nicholas. Katabi nito sa front seat si Celine. Nakabukas ang mga bintana at nakatingin sa kanila ng kuya niya.

Mayroong iilang ranger sa palibot. Mga nasa pito at naghihintay rin sa kung ano ang mangyayari. Ang iba naman ay pinabalik sa kaniya-kaniyang quarters. Ang iba naman ay inasikaso ang mga civilian na masamahan sa kanya-kanyang bahay hanggang sa maging maayos na ang lahat.

Huminto ang tatlong sasakyan malapit sa opisina ng kuya niya at naunang bumaba si Austin mula sa isa pang sasakyan at lumapit kay Jakob. Tumingin ito sa kaniya at bahagyang tumango bago ibinalik ang atensyon sa kuya niya.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo 'to, pero ito lang ang choice na meron kami. Mas ligtas dito sa Escarra kaysa sa 'min. Hindi pa namin puwedeng ipakita 'to sa mga baguhan," paliwanag ni Austin.

"Ano bang nangyari?" Nagsalubong ang kilay ni Jakob.

Inobserbahan ni Ice ang nangyayari nang bumaba si Mary—ang partner ni Austin—mula sa isang sasakyan hawak ang isang puting telang puro mantsa ng dugo. Lumapit naman kaagad si Celine at inalalayan ang isang babaeng duguan.

Ice asked Austin who the woman was, but she heard Lexus' familiar voice calling someone's name before she could even say a word.

"Elodie." Lexus walked slowly toward the woman wearing a nightie, but was also covered by Austin's ranger jacket. "Ano'ng nangyari?"

The woman said nothing, but sobbing loudly as she walked towards Lexus and hugged him tightly. Nakita ni Ice na halos malukot ang suot na T-Shirt ni Lexus dahil sa pagkakahawak ng babae at kung paano sapuhin ni Lexus ang mukha nito para punasan. Naririnig niyang kinakausap nito ang babae sa mababang boses at hindi umaalis sa pagkakayakap.

And Ice felt her heart beating faster, her hands clenched, and her nails scratching her palm.

"Who is she?" she asked Austin. "Sino 'yan?"





T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys