Chapter 44
Madilim ang daan na halos wala siyang nakikita kung hindi ang liwanag sa dinaraanan nila at malamig ang simoy ng hangin. Umalis kaagad sila ni Ares matapos niya itong makausap tungkol sa pagpunta sa lungga niya para sa mga asong naiwan niya roon.
"Puwede naman kasing mamayang maliwanag na, eh," reklamo ni Ares na mas binilisan pa ang pagmamaneho. "Wala pa akong matinong tulog dahil galing ako ng Olym—"
"Eh bakit ka sumama kung puro ka lang din naman reklamo?" Patagilid niyang nilingon si Ares. "Ang sabi ko naman 'di ba, kung gusto mo? Pero nagmagaling ka sa harapan ng syota mo."
Gustong matawa ni Lexus nang makita niya ang iritasyon sa mukha ni Ares dahil sa sinabi niya. "Stop calling her that. She's my girlfriend. Ang pangit pakinggan ng syota. She's not my short time. Unlike you and Jayne."
Natahimik siya sa sinabi ni Ares at nilingon ang bintana ng sasakyan. They used Ares' hummer and two dogs were with them just in case.
Pilit na nauupo si Lexus nang maayos dahil hindi siya kumportable. Kanina pa nga kung tutuusin, hindi lang talaga siya makapagreklamo dahil wala siyang choice.
"Putangina 'tong damit mo, ang fitted," aniya habang niluluwagan sa parteng braso. "Hindi ako makakilos nang maayos."
"Gago," singhal ni Ares. "Kasalanan ko bang ganiyan na kalaki ang katawan mo?"
"Hindi, pero putangina. Nakaka-sexy 'tong damit mo." Yumuko siya at nakita ang nakaumbok niyang abs. "Ang lakas makapogi nito kung normal ang mundo, eh."
Natawa si Ares sa sinabi niya na nagpatuloy sa pagmamaneho. Kinamusta nito ang dalawang aso at tinanong kung ano ba ang mga pinapakain niya. Napatingin ito sa kaniya nang banggitin niya ang tungkol sa mga pakalat-kalat na baboy ramo sa iba't ibang lugar na napupuntahan niya lalo sa may race track.
"Pakiramdam ko talaga tinutulungan at sinasamahan mo 'ko ngayon kasi guilty ka sa ginawa n'yo sa 'kin," pagbibiro niya. "Tangina, eh. Nagkausap pa tayo bago ako umalis ng Olympus. Alam mo na ba noon?"
Hindi sumagot si Ares sa tanong niya ngunit nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manebela at nakuha niya ang sagot na hindi niya inaasahan. Naramdaman niya ang galit. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya, pagmamawis ng palad niya, at ang malalim na paghinga. Gusto niyang ipakitang galit siya . . . pero hindi niya puwedeng basta na lang gumawa nang hindi maganda lalo pa at nasa puder ng mga ito ang anak niya.
"Nagkausap na ba kayo ni Ice?" Sandaling tumingin sa kaniya si Ares bago ibinalik ang atensyon madilim na daan.
"Wala akong balak makipag-usap sa kaniya," madiin niyang sagot. "Kung puwede lang sana, 'wag natin siyang pag-usapan. Wala akong gusto o balak na pag-usapan siya dahil si Eve lang ang focus ko ngayon."
Tumango si Ares at mukhang naintindihan nito ang sinabi niya. Ayaw rin muna niyang pag-usapan ang ibang bagay maliban sa anak niya. Ni hindi pa nga masyadong nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyari. Kahit na ilang oras na niyang nabuhat ang anak niya, nahalikan, at narinig umiyak, may mga pagkakataon pa rin na naiisip niyang totoo ang nangyayari at hindi siya nababaliw na isa sa ikinatatakot niya nitong mga nakaraan.
Madilim pa rin pagdating nila sa airport. Kaagad silang dumeretso sa eroplano. Hindi pa man sila nakabababa ng sasakyan, nauna na ang mga aso ni Ares na nagsimulang mag-ikot sa paligid ng eroplano at mayroong inaamoy. Inobserbahan niya ang mga ito at nang matapos, basta na lang naupo ang mga sa may hagdan at tumingin kay Ares.
"Safe," ani Ares na sumunod sa mga aso.
Lexus figured that the dogs sniffed the area to know if someone was with them. Wala rin naman talagang magtatangkang pumasok dito sa lugar niya.
Muling ipinalibot ni Ares ang tingin sa buong lugar at basta na lang sumandal sa hood ng sasakyan habang nakikipaglaro sa mga aso. Kinuha naman ni Lexus ang pagkakataon para umakyat papunta sa loob ng eroplano at pagpasok pa lang, narinig na niya ang kaluskos ng mga asong galing sa kusinang nasa ilalim.
Tuwang-tuwa ang dalawa nang makita siya. Hindi matigil ang pagdila sa kamay niya, pagkawag ng buntot, at paggalaw na halos bumabaluktot pa ang katawan. Umalulong pa nga si Tom Cruise na para bang miss na miss na siya.
Sumalampak sa sahig si Lexus at nag-belly rub sa dalawang aso. Dadalhin niya ang dalawa sa Escarra kaysa walang kasama ang dalawa. Pumayag naman si Ares at isa pa, wala naman itong magagawa. Sasama at sasama siya pabalik sa Escarra kahit na anong mangyari.
Lexus took everything he needed: clothes. Ayaw na niyang manghiram kay Ares. Napakasikip ng mga damit na halos natatakot siyang gumalaw dahil baka mapunit sa sobrang sikip.
Bago tuluyang lumabas ng eroplano, sandaling natigilan si Lexus at tinitigan ang lugar. This place witnessed how he grieved for his child. This place saw how he got really drunk to forget and how he isolated himself for weeks. How he imagined life with his child if it was the normal world and how he wanted to change his ways in case his child was alive.
Usually, nasa pantalon niya ang ultrasound image ng anak niya, pero sa pagkakataong ito wala. Wala na.
—
Ice exhaled and felt the warmth of the morning sunlight against her skin. Nasa balcony siya hawak si Eve at maingat na hinahaplos ang likuran nitong nakabilad sa araw. Itinuro ito sa kaniya ni Anya para daw sa vitamin na kailangan ng anak niya.
Wala pa rin sina Lexus at Ares. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang dalawa dahil wala ring idea si Lana.
For some reasons, Ice started humming that same song from Lexus. Parang paulit-ulit niyang naririnig ang beat ng dating kanta na halos nakalimutan na niya. Surprisingly, she could still sing it.
Nang maramdaman ni Ice na umiinit na ang araw, binihisan na niya si Eve. Sinuklay niya rin ang makapal na buhok ng anak at tinitigan ang mga mata nito.
She carried Eve for nine months, but her daughter was the spitting image of her dad, especially in terms of eye color.
"Ganiyan ka ba kagalit sa 'kin sa naging desisyon ko?" Hinaplos niya ang pisngi ng anak. "Halos patayin mo 'ko during pregnancy 'tapos magiging kamukha ka niya? Galit na galit ka ba talaga sa 'kin?"
Of course, her daughter responded with a yawn as if already tired of her.
Bumaba siya sa living room at naabutan si Trevor na naglalaro sa carpeted floor kasama si Ate Rose. Nagpunta raw sina Anya at Jakob sa pantry para kumuha ng pagkain lalo na at unti-unti na ring naglalakad-lakad si Anya dahil malapit-lapit na rin itong manganak.
Saktong papasok siya ng living room nang bumukas ang main door at nakangiti siyang binati ni Anya. Ipinakita nito sa kaniya ang cookies na galing sa pantry na madalas nilang kinakain nitong mga nakaraan.
"Ang dami nilang ginawa," masayang sabi ni Ice. "Simple cookies lang siya na walang nuts unlike last time kasi hindi pa raw panahon."
"Okay na 'yan," sagot niya at ipinakita si Eve. "Hindi siya umiyak kanina, pero naubos na rin ang milk niya. Sorry, ha. Ito na naman."
Mahinang natawa si Anya at kinuha si Eve mula sa kanya. "Ano ka ba. Okay lang! Natapos na rin akong mag-extract kaninang umaga kasi maaga kaming nagising ni Jakob. Wala pa rin ba sila?"
Umiling siya at tipid na ngumiti. Pumasok na rin ng bahay si Jakob bitbit ang mga almusal nila. Hinalikan na muna nito si Eve sa noo bago siya nilagpasan para ayusin ang mga pagkain nila sa lamesa. Kinuha na rin nito si Trevor para asikasuhin.
One thing Ice observed from Jakob and Anya was how they were as parents. Maalaga ang dalawa kay Trevor at maging si Eve ay nakikinabang. Maasikaso ang kuya niya sa pamilya na ikinatuwa niya. Maasikaso rin si Anya lalo na sa mga bata.
Kung hindi niya alam ang history kung paano naging mag-asawa ang dalawa, iba ang iisipin niya. It wasn't ideal, of course, but seeing her brother this happy, wala na siyang hihilingin pa.
Hinanap niya si Lana kanina, pero nagpunta raw ito sa bahay ng parents na hindi rin namana kalayuan sa bahay nina Jakob. Sakto namang dumating si Delia, isa rin sa may-edad na nakatira sa Escarra at nag-volunteer na minsang tutulong sa kanilang mag-alaga naman kay Eve.
Ice didn't decline the help they needed. Isa pa, naobserbahan niyang natutuwa ang mga ito sa tuwing inaalagaan din ang anak niya.
While eating, the door opened and they immediately heard Ares' voice. Dumeretso ito sa dining area kung nasaan sila kaya sabay-sabay lang napatingin sa gawi ng mga ito. Nagtama ang tingin nila ni Lexus, pero kaagad itong umiwas.
"Saan kayo galing?" Ibinaba ni Jakob ang utensils at patagilid na nilingon sina Ares at Lexus. "Nasa lugar ko kayo, madaling araw, umaalis kayo nang biglaan at walang pasabi."
"Nagpasama si Lexus," sagot ni Ares. "Si Lana?"
Ngunit hindi sinagot ni Jakob ang tanong ni Ares at nilingon si Lexus. Walang sinabing kahit na ano ngunit matalim ang titig.
"Kinuha ko 'yong dalawang aso ko. Kumuha rin ako ng damit ko," sabi ni Lexus.
Tahimik lang na inoobserbahan ni Ice ang pag-uusap ng tatlong lalaki. Hinahalo niya ang lugaw na mayroong itlog bilang almusal. Bukod sa lugaw, mayroong toasted garlic bread na paborito niya at fresh pineapple juice na galing sa kabilang Escarra.
"Okay lang naman dito sa Escarra 'yong dalawang aso ko, 'di ba?" tanong ni Lexus.
Nag-angat ng tingin si Ice. "Nasa labas sila Tom Cruise?"
Patagilid na tumingin si Lexus sa kaniya. Mabilis na mabilis bago sumagot ng "hmm" at alam niyang napansin ni Jakob ang walang ganang pagsagot nito dahil nagsalubong ang kilay.
"Kain," pag-aya ni Ice.
Imbes na sumagot, hinarap ni Lexus si Ares at nakipag-usap ito tungkol sa mga aso. Naramdaman naman ni Ice ang bigat sa dibdib dahil sa inasta ni Lexus. Ayos lang sana kung walang ibang nakakakita, matatanggap niya iyon. Nakita rin kasi niya ang reaksyon ni Anya at Jakob na nagkatinginan at para siyang napahiya.
"Lexus?" Jakob exhaled, making everyone stop talking. "Saan mo balak mag-stay?"
"Dito. Saan pa ba? Nandito ang anak ko, 'di ba?" Lexus answered almost immediately. "Bakit? Saan mo ba ako balak papuntahin?"
Jakob nodded and exhaled. "Kung dito ka mag-stay, ayusin mo 'yang ugali mo. Kapapanganak lang ng kapatid ko. Alam kong gal—"
"Kuya." Ice stopped her brother. "Okay lang."
"Not okay," Jakob responded. "Kung hindi ka niya kayang respetuhin, hindi siya puwede rito sa pamamahay ko. Kung galit siya sa 'yo, 'wag sa harapan ko."
Everyone heard how Lexus chuckled lowly and smiled. "Ano? Ako na naman ba ang mag-a-adjus para sa kaniya?" Umiling ito. "Feelings na naman niya? Anak ko ang pinunta ko ri—"
"You don't know what happened the past months at uulitin ko, nasa bubuong kita," Jakob emphasized. "I won't let you disrespect my sister."
Ice saw how serious Lexus stared at Jakob. Both had a staring contest, at masamang-masama ang tingin ni Jakob. Gustuhin man niyang patigilin ang dalawa, hindi niya magawang magsalita. Hindi rin niya alam kung bakit. Gusto niyang patigilin ang dalawa, gusto niyang paalisin si Lexus, pero hindi niya maibuka man lang ang bibig niya.
"Bakit ako ang sinisisi mo sa paghihirap?" sagot ni Lexus nang muling magsalita si Jakob. "Ginusto naman niya 'yan 'di ba? Bakit sa 'kin ang sisi ngayon dahil galit ako? Hindi ba valid ang galit ko dahil lang hindi siya naging maayos noong nagbubuntis siya?"
Sinasabi lahat ito ni Lexus nang hindi tumitingin sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa utensils. Ramdam niya ang bawat diin sa salitang binibitiwan ni Lexus kaharap ng kapatid niya.
"Kung hindi ako puwede rito sa bahay mo, papayag ka bang dalhin ko sa ibang lugar ang anak ko?" Nakapamulsa si Lexus at bago pa man makasagot si Jakob, mayroon na itong kasunod. "Alam kong hindi kayo papayag, but I won't let my daughter out of my sight ever again."
Everyone was quiet. Lexus gazed at Eve, who Delia was carrying.
"At huwag na huwag mong isisisi sa 'kin ang kasalanan ng kapatid mo," dagdag ni Lexus. "Dahil wala rin kayong alam sa pinagdaanan ko pagkatapos mo akong tarantaduhin," tumingin ito sa kaniya.
Ice stared at Lexus, who left everyone. Narinig nila ang malakas na pagkakasara ng main door. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya, panlalamig ng palad niya, at naging mababaw ang paghinga niya. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya dahil hindi naman dapat ganito.
Sinabi naman ng lahat sa kaniya na kapag nanganak na siya, hindi na siya emosyonal, pero hindi niya maintidihan. Mahigit isang buwan na, pero para pa rin siyang nilulukuban ng kadiliman. Hindi pa rin niya mahanap ang saya, kahit na nasa harapan na niya ang anak niya. Palagi siyang pagod, nag-aalala sa mga bagay na hindi naman dapat, iritable.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama niya sa dining room. Halos lahat ay nakatingin sa kaniya at kahit na hindi na niya malunok ang kinakain, pinilit niya ang sarili para itago sa mga ito ang nararamdamang pagsikip ng dibdib at pag-angat ng sikmura niya.
Ice tried to chanced the topic and made the atmosphere light. Ayaw niyang matanong o kaya ay magkaroon ng conversation tungkol kay Lexus. Ilang buwan na niyang iniiwasan at hangga't kaya niya, susubukan pa rin niya.
Samantalang sumalampak si Lexus sa sidewalk na nasa tapat ng bahay ni Jakob at tinawag ang dalawang asong nakikipaglaro sa mga aso ni Ares. Tuwang-tuwa ang dalawa lalo na at nakalabas ng eroplano na madalas niyang pag-iwanan kapag wala siya.
Lexus chuckled when Cameron Diaz hopped towards him and immediately lay down for a belly rub. Panay rin ang pag-inat nito ng katawan at nakalabas pa ang dila habang nakatingin sa kaniya.
"Magmi-milk lang daw muna si Eve," sabi ni Ares na nakapamulsang nakatayo sa gilid niya. "Puwede mo siyang puntahan mamaya sa may kwarto nila Anya. Sa may kanan lang din ng kwarto ni Ice."
Tumango siya nang hindi tumitingin at ipinagpatuloy ang paghaplos sa tiyan ni Cameron Diaz. Hinanap niya si Tom Cruise na tuwang-tuwang makipaghabulan sa mga aso ni Ares na hinayaan din nitong maglaro.
Naisip niya ang sinabi niya kanina kay Jakob at sa harapan mismo ni Ice. Wala siyang pinagsisisihan sa sinabi niya at wala siyang pakialam kung marinig iyon ni Ice. Kung nasira ang buhay ni Ice sa ilang buwan dahil sa pabubuntis nito sa anak nila, wala siyang pakialam dahil halos masira rin ang ulo niya.
"Hindi ko gusto ang sinabi ni Jakob kanina," pag-aamin niya kay Ares.
"Gets ko kaya wala rin akong sasabihin sa 'yo ngayon," sagot nito. "Kung galit ka, naiintindihan ko. Ako nga mismo nagugulat na kinakausap mo pa ako."
Mahinang natawa si Lexus at tumayo. "Galit din ako sa 'yo kasi isa ka sa nanloko at nagtago sa anak ko," aniya bago ito nilagpasan at pumasok na lang basta sa loob ng bahay.
Naabutan niya sa ibaba ang anak ni Jakob buhat ang may-edad na babaeng nakilala niya kahapon. Kita pa rin niya ang takot sa mukha nito. Lumabas din mula sa kusina ang kanina lang na may buhat sa anak niya. Hawak nito ang mga boteng walang laman.
"Ako na magdadala sa taas," aniya at basta na lang kinuha ang basket sa may edad na babae.
Nang makarating sa dulo ng hagdan, nagtama ang tingin nila ni Ice. Nakasandal ito sa pader malapit sa kwartong sinasabi ni Ares at naririnig din niya ang pag-uusap ng mag-asawa mula sa loob ng kwarto.
Yumuko si Ice at akmang hahakbang, natigilan si Lexus nang marinig ang pangalan niya mula kay Jakob.
"I won't tolerate disrespect from Lexus," sabi ni Jakob. "Kung hindi niya kayang respetuhin ang kapatid ko, paaalisin ko siya."
"Hindi mo mapapaalis basta-basta si Lexus, Jakob," sagot naman ni Anya. "Now that he knows about Eve, sa tingin mo aalis pa 'yan? If you're in the same situation, ano ang gagawin mo? Now, tell me. If you're in his shoes, what would you do?"
"Luckily, I'm not," diin ni Jakob. "Wala akong paki—"
Narinig nila ni Ice ang mahinang pagtawa ni Anya na nagpatigil kay Jakob sa pagsasalita. "Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig mo ngayon. Hindi ko gusto na ganiyan ka mag-isip. You're lucky enough not to be in his shoes, but at least be the man. Pareho nating alam na mali ang ginawa ni Jayne and I understood why tolerated her. Kapatid mo siya, mahal mo siya. Kahit na mali ang naging desisyon niya, tinanggap mo."
Wala silang narinig na sagot mula kay Jakob, pero sandali silang nagkatinginan ni Ice. Nakita niya ang pagsasalubong ng kilay nito at ang muling pagyuko.
"Dahil hindi mo na-experience at wala ka sa lugar niya, you'll invalidate his anger. May karapatang magalit si Lexus, Jakob," seryosong sabi ni Anya. "He wouldn't go through all these threatening and wouldn't risk being inside this place if it weren't for Eve. Wala tayong alam sa kung ano ang nangyari sa kanila. Jayne kept her mouth shut for months and we understood her. But we can't ignore the fact that Lexus is here, too. Sa tingin mo ba kumportable siya na nasa loob ng Escarra? I think not."
Humigpit ang hawak ni Lexus sa basket na hawak niya. Nakikita ng peripheral niya si Ice na nakasandal pa rin sa pader.
"Hindi mo puwedeng sabihin na wala ka sa lugar niya kaya wala kang pakialam. You're invalidating someone else's pain all because you're lucky you didn't experience it," dagdag ni Anya. "Ang disappointing ng mindset mo ngayon, Jakob."
Again, Jakob did not respond.
"I'm on Lexus' side now. I love you. Mahal ko rin si Jayne, pero hindi na tamang ipagkakait n'yo sa tatay ang batang ipinagluksa niya." There was a long pause that Ice and Lexus gazed at each other, waiting for more.
And to Lexus' surprise, Anya spoke.
"Hind ko kayo panonoorin na gawin 'yan sa kaniya. Ako na ang makakalaban mo rito, Jakob. This isn't about the debt. This is about being human."
A subtle smile crept into Lexus' lips. For the first time, someone stood up for him like that. Narinig niya na mayroon pang sinasabi si Jakob, pero paulit-ulit na niyang naririnig ang mga sinabi ni Anya.
"Lexus?" Nag-angat siya nang tingin nang tawagin siya ni Ice. "P-Puwede ba tayong mag-usap?"
Matagal siyang nakatitig sa babaeng dating kinababaliwan niya at pilit niyang hinahanap ang dating pakiramdam . . . pero wala. Galit ang nararamdaman niya. Gusto niya itong layuan at ayaw niya itong makita, pero hindi puwede dahil sa anak niya.
"Bakit? Para saan? Sa karapatan? Hindi na. Hindi ko kailangan ang opinion mo o approval mo," sagot niya. "Hindi ngayon."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top