Chapter 42
Halata ang gulat sa mukha ng may-edad na babae ngunit naging matapang ito sa parteng umatras ito palayo sa kaniya habang buhat ang batang lalaki. Kamukhang-kamukha ito ni Jakob Escarra at hindi maipagkakailang anak nito ang bata.
"Asan si Anya?" tanong niya sa may-edad na babae. "Si Jakob?"
Umiling ito at patuloy sa pag-atras. Walang naging sagot. Nakita rin niya ang paghigpit ng hawak nito sa bata na mukhang kagigising lang.
Isinara niya ang pinto at ipinakita ang teddy bear sa batang lalaki. Nakatingin ito sa kaniya at sa hindi inaasahang pagkakataon, ipinusisyon nito ang dalawang kamay na magpapabuhat sa kaniya.
And he took the chance. The old woman hesitated, and they stared down. He took out his folding knife, prompting the old woman to give the kid to him. No more words, but Lexus saw fear. Iyon naman ang gusto niya. Binuhat niya ang bata at ibinigay rito ang teddy bear na hawak niya.
"Kamukhang-kamukha mo ang tatay mo, pero parang nakuha mo ang mata ng mommy mo."
Hindi niya makakalimutan ang mga mata ni Anya lalo nang ilang beses niya itong nakita sa kulungan ni Spike. Matang parang nangungusap, siguro dahil kagigising lang nito.
Bukod sa teddy bear, pilit din nitong inaabot ang folding knife na hawak niya na kaagad rin niyang ibinigay. Patagilid niyang nilingon ang matanda na nakikiusap na huwag niyang ibigay dahil baka masugatan at huwag sana niyang saktan.
Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ng matanda, malamang dahil sa takot.
At wala siyang maramdamang awa. Hinayaan niya ang bata na laruin ang teddy bear na ibinigay niya habang hawak ang folding knife niya. Paminsan-minsan niya itong tinititigan at naisip na kung buhay man talaga ang anak niya, malamang na nandito lang din sa bahay ito.
Trevor smiled at him and showed him the teddy bear. Bigla niyang naisip si Spike na isa rin sa ipinagluksa niya. Oo, galit siya sa kaibigan niya dahil sa ginawa nito kay Ice, pero hindi mawawala ang ilang taong pinagsamahan nila na nagawa niyang itapon para sa babaeng lumoko rin sa kaniya.
Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang maramdaman kay Ice kung hindi galit. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na nagkita sila.
"Totoo bang buntis ulit si Anya?" tanong niya sa may-edad na babae.
Tumango ito at nagsalubong ang tingin nila. Nakita niya ang pagdaloy ng luha nito sa magkabilang mga mata bago ibinalik ang tingin kay Trevor na ipinakikita naman sa kaniya ang folding knife.
Akmang hahawakan nito ang patalim ngunit naagapan niya para hindi masugatan. Wala siyang intensyong saktan ang bata, pero magkakamatayan sila ni Jakob Escarra kung sakali mang hindi nito ipakita sa kaniya si Ice at ang anak niya, kung buhay nga.
"Ano'ng oras babalik sina Anya at Jakob?" Hinarap niya ang matanda. "Matagal pa ba sila?"
"B-Baka pauwi na ri—" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang marinig nila ang yabang papalapit sa pinto at ang boses ni Anya.
"Ate Rose?" Palakas nang palakas ang boses nito. "Ate, kanina pa ba gising si Trevor?"
Inutusan niya ang matandang sumagot ngunit halata ang nginig sa boses nito. Akmang magsasalita, pero hindi natulog nang makita nila ang pagpihit ng door knob, pagbukas ng pinto, at ang gulat sa mukha ni Anya nang makita siya.
"L-Lexus," mahinang sambit nito. "Lexus, ano—"
"Isa mo 'yang pinto," utos niya at hinalikan ang noo ni Trevor. "Ang laki na nito, ha? Pati 'yan." Tinuro niya ang tiyan nito. "Babae ba?"
Umiling si Anya at mabagal na naglakad papalapit sa kaniya.
"Huwag kang lalapit," ani Lexus sa kalmadong boses. "Doon kayong dalawa sa sofa. Kasama mo na ba si Jakob? Bakit mo iniiwanan 'tong batang 'to na siya lang ang kasama? Kaya ba niyang protektahan 'tong batang 'to?"
Hindi nakasagot si Anya sa sinabi niya. Nakatingin ito sa kutsilyong hawak ni Trevor bago maingat na naupo. Nakita niya ang hirap dahil sa laki ng tiyan at mukhang malapit na itong manganak.
"Anya?" Mabilis na nilingon ni Lexus ang pinto nang marinig ang boses ni Jakob at mukhag papalapit ito sa kanila. "Ready na 'yung pagkain sa baba. Tulog ba si Trev?"
Hindi siya sumagot, ganoon din si Anya at ang matanda. Pare-pareho silang nakatingin sa pinto nang bumukas iyon at dumeretso ang tingin nito sa asawa bago sa kaniya. Kita niya ang gulat sa mga mata nito at ang paghigpit ng hawak sa doorknob.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Ibaba mo si Trevor," utos nito sa kaniya. "Paano ka nakapasok dito?"
Mahina siyang natawa. Ngumisi siya at umiling. Tiningnan niya si Anya, ang matandang babae, at si Trevor bago ibinalik ang tingin kay jakob.
"Hindi mo ba alam na ang daling pasukin ng lungga mo?" Hinarap niya si Trevor at hinaplos ang pisngi. "Right, Trevor? Kanina pa nga kami naglalaro dito, ang tagal n'yong dumating. Iniiwanan mo talagang mag-isa ang anak mo rito kasama 'tong matandang nag-aalaga?" Tinuro niya ang matandang katabi ni Anya na panay nag hagulhol. "Kaya naman pala na-kidnap si Anya."
Nakatingin siya kay Anya na salubong ang kilay.
"Lexus, bakit na nandito? A-Ano'ng kailangan mo?" Kita niya kung paanong nanginig ang baba ni Anya nang gumalaw si Trevor at ipinakikita sa kanila ang folding knife na hawak nito. "Puwede mo bang kunin kay Trevor ang kutsilyo mo?"
Hindi niya sinunod ang gusto ni Anya. Hinayaan niyang laruin ni Trevor ang folding knife.
"May utang ka sa 'kin, Anya," sinalubong niya ang tingin nito sa kaniya. "Maniningil ako ngayon. Ngayon ko kailangan ang bayad sa ginawa ko sa 'yo noon, sa pagtraydor sa kaibigan ko. Ngayon ako maniningil."
Sinundan niya ang pagtitig nito kay Jakob na masama ang tingin sa kaniya. Sigurado siyang nag-iisip ito ng plano para makuha ang anak nito sa kaniya.
"Bitiwan mo ang anak ko, Lexus. Hindi ako nakikipagbiruan," pagbabanta ni Lexus.
Natawa siya sa sinabi nito. "Mukha ba akong nakikipagbiruan?" Ibinalik niya ang tingin kay Anya. "Ayaw kong may ibang madamay, Anya. Hindi n'yo ako kilala at wala akong balak magpakilala, pero nandito ang itinatago n'yo sa 'kin."
Totoo naman. Kilala lang siya ng mga ito base sa gusto niya at ni Ice. Hindi rin naman sila masyadong nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap dahil ayaw sa kaniya ni Jakob at hindi naman ito sekreto sa kanilang lahat.
"Hindi ko ibibigay ang gusto mo," seryosong sabi ni Jakob.
"Alam ko," aniya. "Kahit naman umayaw ka, gagawin ko pa rin ang gusto ko. Kahit na humindi ka, makukuha ko ang kailangan ko. Naniningil ako, pero kung hindi kayo magbabayad . . . marami ang madadama—"
Natigil siya dahil narinig niya ang pagtawag ng isang lalaki at mukhang papalapit ito sa kanila.
"Boss! Boss, pinatatawag po kayo ni commander kasi—" Bumukas ang pinto at napatitig ito sa kaniya. Halata ang gulat lalo nang makita ang hawak ng bata.
"Ano'ng nangyayari?" Patagilid na tumingin si Jakob sa kaniya. "Ano'ng ginawa mo?"
Umiling siya at natawa. "Wala pa sa ngayon, pero meron kapag hindi mo ibinigay ang gusto ko."
Ibinalik ni Jakob ang tingin sa lalaking nasa harapan ng pinto. Nakuha niya ang baril nito sa gilid ng pantalon. "May mga tao po sa labas ng gate. Marami. Maraming-mara—"
"One hundred," sabat niya. "One hundred, to be exact." Isinara niya ang folding knife na hawak ni Trevor.
Mas lalong lumalim ang guhit na nasa pagitan ng kilay ni Jakob at panay ang paglunok habang nakatingin sa kaniya. Narinig din niya ang pag-iyak ng matandang nasa kwarto na pilit inaalo ni Anya, pero nakatingin pa rin sa anak na buhat niya.
"Walang madadamay kung ibibigay n'yo ang gusto ko." Hinaplos niya ang likod ni Trevor na hawak pa rin ang folding knife na biglang bumukas. "Wala akong idadamay."
Nakita niya ang pagpigil ni Jakob sa tauhan nitong akmang ilalabas ang baril dahil sa paglabas ng kutsilyong hawak ni Trevor.
"Ano'ng gusto mo, Lex?" mahinahong tanong ni Anya.
Tumingin siya kay Anya. "Gusto kong makita si Ice at ang anak ko . . . kung hindi n'yo ibibigay 'yun, magkakamatayan tayo ngayon."
Nilingon nito si Jakob na akmang magsasalita, pero inunahan na niya.
"At alam n'yong hindi ako nagbibiro."
These people knew what he could do. After what happened to Spike's group and his break with Ice, it was no secret that he was behind the killings of every group leader Victor asked him to eliminate.
Wala sa plano niya ang saktan si Trevor ngunit gusto niyang hayaan sina Anya at Jakob na isiping kaya niya. Gusto niyang iparamdam sa mga ito ang takot at sakit na naramdaman niya noong sinabi ni Ice na ipalalaglag ang anak niya.
"Lexus, puwede ba tayong mag-usap?" It was Anya, who stood up. Pinigilan ito ni Jakob, pero umiling at ngumiti. "Mag-uusap lang kami. May utang naman talaga ako kay Lexus." Humarap ito sa kaniya. "Please. May tiwala ako sa 'yo, pero 'wag nating idamay ang buong Escarra."
"Anya, no," Jakob commanded.
Lexus saw how Anya smiled at Jakob, saying everything would be alright. At hindi niya maintindhan kung bakit magaan ang loob niya kay Anya kahit noong unang beses pa lang silang nagkita. Nakatingin ito sa kaniya, naghihintay ng isasagot niya.
"Please?" Anya said in a low voice. "Sino bang gusto mong makausap? Ako o si Jakob?"
"Ikaw," he answered quickly.
Anya nodded and gave him a warm smile. "Sige, mag-uusap tayo. Saan mo gusto? Dito o sa balcony? Meron kaming balcony na walang ibang makakakita sa 'tin kung sakali man na gusto mo ng privacy."
Jakob protested, but Anya was persistent.
Lumapit na si Anya sa kaniya at kinuha ang folding knife mula kay Trevor at ibinalik sa kaniya. Nakatingin lang siya sa mukha nito. "Puwede ko ba munang kuhanin si Trevor? Ibibigay ko lang siya kay Jakob 'tapos mag-uusap tayo."
Nagsalubong ang kilay ni Lexus habang nakatitig kay Anya. "Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan kita."
"Naiintindihan ko naman," mahinang natawa si Anya. "Pero may utang ako sa 'yo. Tama ka sa parteng may utang ako sa 'yo."
"Anya," pagkuha ni Jakob sa atensyon ng asawa. Sabay nilang nilingon si Jakob. "Please."
Anya smiled at Jakob. "Mag-uusap lang kami. Nandito na, Jakob. Hindi na natin 'to puwedeng pigilan. Sa pagkakataong ito, mamimili ka kung si Ice o ang buong Escarra," humarap ito sa kaniya. "Hindi naman susugod ang mga taong kasama mo, 'di ba?"
Umiling siya. "Hindi . . . kapag nakuha ko na ang gusto ko, aalis sila 'pag sinabi ko."
"Sige. Puwede ko na bang kunin si Trevor? Meron kaming library dito, puwede tayong mag-usap doon. Tayong dalawa lang," paniniguro ni Anya. "You can trust me on this."
Wala siyang balak saktan si Anya. Wala ito sa plano niya kaya iniisip niya na sana ay huwag gumawa nang mali si Jakob, kahit na anong mangyari. Dahil sa galit niya, hindi niya alam kung ano ang magawa niya dahil kanina pa nagdidilim ang paningin niya.
Maingat na kinuha ni Anya si Trevor mula sa kaniya. Lumapit ang matanda at kinuha ang bata na nagmadaling lumapit kay Jakob. Inasahan niyang gagawa ito ng bagay na pagsisisihan tulad ng pagtutok ng baril na nasa likuran nito dahil wala na ang bata sa kaniya, pero hindi ganoon ang nangyari.
Anya faced him, literally covering him with her body. Nakaharap ito kay Jakob. "Mauna na kayong mag-dinner ni Manang Rose. Aakyat lang kami sandali."
Lexus saw hesitation in Jakob's reaction. The old woman and the ranger were still outside the door, too, waiting. . . until Jakob nodded.
"Sumunod ka kaagad," anito kay Anya bago tumingin sa kaniya. "Please lang, huwag si Anya."
Hindi siya sumagot. Itinago niya ang folding knife sa gilid ng pantalon niya at tiningnan si Anya na humarap sa kaniya. Si Jakob na ang may buhat kay Trevor na nagpaalam sa kanila. Inaya na rin nito ang matandang babae na halata pa rin ang pag-aalala kay Anya.
"Tara?" pag-aya ni Anya. "Sa third floor, naroon ang library namin. Gusto mo bang doon mag-usap?"
"Sige," sagot niya sa mababang boses. "Kung saan ka kumportable."
Tumango si Anya at tumalikod. Sumunod siya papunta sa third floor. Madilim ang daan kaya halos wala siyang makita hanggang sa marating nila ang isang kwarto. Naunang pumasok si Anya na binuksan ang pinto.
Madilim ang kwarto, pero naaamoy niya ang lumang mga libro. Nang buksan ni Anya ang ilaw, bumungad sa kaniya ang literal na library. Maraming libro, mayroong mahabang sofa, malaking lamesa, at board games sa coffee table.
"Upo ka muna," sabi ni Anya na naunang naupo sa mahabang sofa. "How are you the past month?"
Lexus looked around and breathed. He didn't even look at Anya. "Miserable. Grieving . . ." He stopped. "I grieved."
No response. He gazed at Anya, who was staring at him. Brows furrowed, eyes downturned, subtle lower lip biting.
"Ipinagluksa ko ang anak ko," dagdag niya. Naupo na rin siya sa pang-isahang sofa. "Anya, isang tanong at isang sagot," suminghot siya at sinuklay ang buhok gamit ang sariling daliri. "I-Is my kid alive?"
Hindi sumagot si Anya, pero nakita niya ang pamumuo ng luha sa magkabilang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakapatong sa sariling mga hita. Nilalaro ng isang kuko ang isa pa.
"Anya," Lexus exhaled and shut his eyes. "Please. I wanna know if my kid's alive."
He heard a sniffle, and the moment their eyes met, Anya nodded lowly. "She's alive."
"Daughter," he sighed.
Again, he let out a loud sigh and rested his back on the sofa while staring at Anya. Tears started streaming down her face. Wala siyang sinabing kahit na ano, pero tumayo siya at naglakad papunta sa bintanang natatakpan ng makapal na kurtina. Muli niyang sinuklay ang buhok bago tumingala na para bang nasa kisame ang makapagpapakalma sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko," sabi niya sa mababang boses ngunit sapat para marinig ni Anya. "But Anya, I'm so angry right now and I'm still processing every information."
Anya nodded and wiped her tears. "Valid. If you're mad, then be angry. No one will force you not to feel that. Naiintindihan ko ang galit mo ngayon. Unfairness, b-betrayal, and grief that resulted in desperation. I fully understand, Lexus."
He didn't say a word but inhaled deeply.
"They're okay, pero meron sana akong isang request," ani Anya. "Kung sakali mang magharap na kayo ni Ice, please . . . if you can, just don't say a word for now. She's not the same Ice you met. Pregnancy wasn't really good to her and—"
Hindi na pinatapos ni Lexus ang sasabihin ni Anya dahil ayaw niyang marinig ang tungkol kay Ice.
"Wala akong pakialam kay Ice ngayon, Anya," pag-aamin niya. "Anak ko lang ang gusto kong makita. Kung ano ang pinagdaanan ni Ice, wala akong pakialam dahil pinili niya 'yan. Kung ano man ang nangyari sa kaniya, hindi ako interesado. Gusto ko lang makita ang anak ko."
What Lexus said actually confused Anya dahil kanina lang, sinabi nito sa kanila ni Jakob na gusto nitong makita sina Ice at ang bata. Sinubukan niyang alalahanin ang sinabi nito. The exact words were "Gusto kong makita si Ice at ang anak ko" and now, he only wanted to see the baby.
Mula sa bulsa ng pantalon, inilabas ni Lexus ang ultrasound print na palagi niyang dala. Ipinakita niya ito kay Anya. "I was worried this would wear off soon. Kumukupas na siya and this is the only thing I have about that baby. Anya told me she had aborted the baby. I took care of her. I understood her. . . I did everything for her . . ."
Anya saw and heard frustration and agony. Lexus walked in circles while telling her about all the things he did for Ice, pulled his hair, and breathed heavily each second. She understood distress and heartache.
"What did I even do to deserve this, ha?" Lexus faced Anya. "Paulit-ulit kong iniisip kung may nagawa ba akong mali kay Ice. Sa ibang tao, para sa kaniya . . . oo, pero sa kaniya mismo? Fuck."
Pinunasan ni Anya ang luha sa magkaibilang pisngi habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitiwan ni Lexus. Ang nangyari sa Baguio, kay Spike, sa abortion.
"Why didn't you protest? Why didn't you tell her about wanting to keep the baby?" Anya stood up and walked towards Lexus. "If you wanted to keep the baby, why did you let her go through the termination?"
Lexus looked down. "Cos I didn't want to disappoint her. I didn't want to lose her. I didn't want to make her go through something . . . something she didn't like. Hindi na niya ako tinanong. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon . . . and I didn't wanna lose her."
Anya then realized Lexus' decisions were based on Ice's wants and needs.
"I had no idea about what happened. She never opened up about you. We never talked about you," Anya forced a smile. "But before giving birth, sinabihan niya si Jakob na kung sakali mang ikamatay niya ang operation, sabi—"
"Operation?" Lexus stepped back. "W-What do you mean operation?"
"She gave birth via ce—" Anya stopped talking when someone knocked.
Sabay silang tumingin sa pintuan nang sumilip si Lana na nagulat nang makita si Lexus. Halos mapako ito sa kinatatayuan, humigpit ang pagkakahawak sa doorknob, at napanganga nang makita huling taong inaasahan nilang makita.
"Hi, Lana," ngumiti si Anya. "Ano 'yon?"
"Ate . . ." Nakita niya Lexus ang hesitasyon sa mukha ni Lana ngunit sinabihan ni Anya na sabihin kung ano ang kailangan. "K-Kasi umiiyak si baby. Wala na rin kasi 'yong milk na iniwan mo."
Patagilid na tumingin si Lexus kay Anya na nakangiti at tumango. "Sige, bababa ako. Gising ba si Ice?"
"Tulog, Ate," sagot ni Lana na tumingin kay Lexus. "Nakatulog ulit siya kanina."
Tumango si Anya. "Sige, Lana. Susunod ako sa kwarto ni Ice."
Paatras na lumabas ng kwarto si Lana at isinara ang pinto. Naiwan silang dalawa ni Anya. Tinitigan niya ito na bumagsak ang luha sa pisngi at patagilid na tumingin sa kaniya.
"I am breaking the rules and wishes for you," Anya said lowly. "Kasi naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo. You didn't have to grieve. I don't want you to grieve kasi wala namang dapat ipagluksa. What she did was wrong at alam kong pag-aawayan namin ni Jakob 'to. But I don't want you questioning yourself because of what others did to you. Again, your anger is valid. Your pain and your actions are valid. . . As much as I don't want to say it, it's valid. Just please, don't hurt my family."
Walang naging sagot si Lexus sa sinabi ni Anya. Lumabas siya ng kwarto at naramdaman niyang nakasunod ito sa kaniya.
Mula sa hagdan, narinig niya ang pag-iyak ng isang sanggol. Hindi bata . . . kung hindi sanggol. Humigpit ang hawak niya sa railing ng hagdan. Napahinto siya sa gitna at nilagpasan siya ni Anya. Sumunod siya, mabagal ang bawat paghakbang.
Tumigil siya nang makita ang nakabukas na pinto kung saan nanggaling ang pag-iyak ng sanggol. For months, he grieved. He imagined what could be the sound of his baby's cries, what the baby looked like, and how tiny the baby would be.
"Kuya." It was Lana standing in front of the door. "Tawag ka ni Ate Anya."
Lexus nodded to Lana and walked toward the room. He took a peek and saw Anya carrying a baby with a full head of hair and a white headband with a ribbon. He felt his knees wobble and wanted to pinch himself to wake up from this dream.
He leaned by the door jamb, staring at the baby.
"What's her name?" Lexus murmured.
"Eve," Lana responded. "Ate Ice named her Eve after Tita Eveanna, her mom."
He bit his lower lip and kept replaying his daughter's name inside his head. Again and again and again.
"Do you wanna carry her?" Anya asked.
Lexus shook his head and crossed his arms. "I don't know how to."
Anya and Lana chuckled.
"I'll show you," Anya offered. "But first, clean yourself up. Medyo amoy lupa ka."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top