Chapter 41
"Mabuti naman at naisipan mo 'kong bisitahin?" Iniabot ni Victor ang isang bote ng beer kay Lexus na kararating lang. "Akala ko nga patay ka na, eh. 'Tangina mo. Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Tumaas ang balikat niya at basta na lang tinungga ang beer na hawak. Nilingon niya sina Tom Cruise at Cameron Diaz na nahiga sa may hagdan habang naghihintay sa kaniya.
"Isang buwan mo 'kong inindian, eh," natawa si Victor. "Saan ka? Pinuntahan kita sa airport, pero walang tao roon. Tatlong beses akong nagpunta, wala ka. Sa race track ka ba?"
Tumango siya ngunit hindi rin nagsalita dahil oo, halos isang buwan siyang namalagi sa race track.
After that fail mission where he lost his car and got shot, Lexus decided to stay away from everything. Pagkatapos alisin ang bala ng baril sa braso niya at masigurong malinis ang sugat niya, umalis siya. Pinahiram naman siya ni Victor ng sasakyan kaya nadala niya ang dalawang aso.
Victor had no idea where the race track was. Kung tutuusin, si Spike lang ang nakaalam niyon.
"Hindi na namin masugod ang kuta ni Lemuel. 'Tangina, eh. Halos isang kilometro, nilagyan niya ng mga tauhan niya. Takot na takot masugod ulit," ngumisi si Victor at hinarap sina Efren at Pancho—mga kaibigan nito. "Sinubukan nila Ray dahil nga hindi namin mahagilap 'tong si Lexus, hindi umubra."
It was dinner time, and Victor's group ate together while he and his friends drank. Nasa balcony nila sa ng malaking bahay ni Victor sa loob ng isang hindi kalakihang subdivision sa siyudad noong maayos pa ang lahat.
Victor was the son of a killed senator and came from a wealthy family, too. Hindi ito close kila Ice. Kung tutuusin, simula nang mamuhay ang lahat sa bago at magulong mundo, naging magkakaaway ang mga ito dahil mayroong gusto si Victor na hawak ng mga Escarra, Laurier, Montaner, at lalo sa St. Pierre.
Lahat sila ay napalingon nang makita si Elodie na lumabas ng kusina. Tumingin ito sa kanila at bahagyang yumuko, pero hindi nilingon si Victor. Tinanong ni Victor kung gusto na ba nitong kumain, pero iling lang ang naging sagot bago umakyat sa hagdan. Ibinaling naman ni Victor ang atensyon sa kaniya.
"Ang ganda ng katawan mo," sabi nito. "Parang mas lalo kang naging fit kumpara noong nakaraang kita natin. Ano, araw-araw ka bang nagbubuhat?"
"Oo. Wala akong magawa, e," sagot niya at sinuklay ang buhok gamit ang sariling mga daliri. "Gago, may barbero ka ba rito. Parang gusto ko magpa-buzz cut. Ang haba na ng buhok ko."
"Meron. Dito ka ba matutulog? Papuntahin ko siya rito bukas," anito bago hinarap si Pancho. "Gago, may balita ka ba sa ibang grupo? Parang nangangati akong manggago."
Mahinang natawa si Lexus sa sinabi ni Victor at muling hinanap sina Tom Cruise at Cameron Diaz. Ilang beses naman na niyang nadala ang mga aso sa lugar na ito, pero halata niyang hindi pa rin at ease. Marami rin kasing tao at hindi masyadong exposed sa iba ang mga aso niya. Kung tutuusin, siya lang ang nakakasama.
"Sa ngayon, wala akong masyadong balita," sabi ni Pancho. "Ewan ko 'tong si Efren. Ang alam ko galing siya kila Nathaniel noong nakaraang araw. May nabanggit ba sa 'yo? Eh 'di ba may tauhan 'yon na nagtatrabaho sa Escarra?"
Patagilid na nilingon ni Lexus si Pancho nang marinig ang pamilyar na apelyido sa kaniya. Nanatili siyang tahimik. Hindi niya alam na mayroon na naman palang traydor sa loob ng Escarra at naalala si Marjorie.
Kilala niya si Nathaniel. Para din itong si Victor. Galing din sa may kayang pamilya at mayroong sariling grupo. Wala itong napo-produce, pero maganda ang lugar at isa ito sa pinagkukuhanan nila Victor ng pagkain. Nathaniel literally bowed to Victor to avoid conflict. Hindi lang niya inasahan na mayroon itong pinapasok sa loob ng Escarra.
"Ah, oo. Meron siyang nabanggit sa 'kin noong nakaraan," ani Efren na kumuha ng pulutan nilang inihaw na karne ng baboy. "Nabanggit niya na matindi ang naging security sa Escarra nitong nakaraan at maraming doctor galing sa Olympus. Halos araw-araw nga na mayroong dumarating galing daw sa Olympus lalo ang mga doktor."
Nagsalubong ang kilay ni Lexus habang nakikinig.
"Bakit daw?" naningkit ang mga mata ni Victor at alam ni Lexus na nangangalap lang ito ng impormasyon. "Meron bang may sakit sa kanila?"
"Gago, wala. Buntis kasi ulit 'yong asawa ni Jakob," natawa si Ethan. "Ang kapal ng mukha magparami sa mundong 'to, eh. Kapapanganak lang noong kapatid niya last month 'tapos may manganganak na naman sa kanila."
Lexus gazed at Ethan sideways and frowned. He squinted, trying to process what Ethan had said. "Ano'ng sabi mo?"
"Iyong kapatid ni Jakob Escarra," tumungga si Ethan ng beer. "Iyong nakatira sa magkatabing mall 'tapos nagpo-produce ng solar powered vehicles? Nanganak daw sabi ni Nathaniel. May tauhan kasi siya sa loob, taga-observe sa nangyayari sa magkakaibigan."
"N-Nanganak?" mas lalong lumalim ang guhit sa ginta ng kilay ni Lexus. Hindi na niya pinansin ang tungkol kay Nathaniel.
"Oo. Walang nakakaalam kung sino ang tatay. Base sa sinabi ni Nathaniel, ha?" salaysay ni Ethan at natawa. "Pakantot naman 'yon, eh. Nabanggit ni Nathaniel na 'yong supplier ng metal chains, si Elias? Naikama daw 'yon. Naglokohan pa nga na baka siya 'yong tatay."
Humigpit ang hawak ni Lexus sa beer na hawak dahil sa mga naririnig. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang sinabi ni Ethan tungkol sa panganganak ni Ice. Bigla siyang nagbilang. Bumibilis ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman dahil sa mga narinig.
"Kelan siya nganak?" hinarap niya si Ethan. "Sigurado kayo?"
"One month ago? Hindi ako sigurado, eh," sagot ni Ethan. "For sure, hindi si Ares Montaner. Ex-boyfriends sila, 'di ba? At saka may syota na 'yong si Ares, eh. Iyong chix na bet ni Justin?"
Justin was also one of their friends. Wala itong sariling grupo, pero madalas nila itong nakakasama. Nagtatrabaho ito kay Ethan.
"Si Lana? Ganda no'n, eh. Ang angas ng datingan. Akala ko nga noong una, tibo 'yon kasi 'di ba 'yong pormahan saka buhok? Nagulat ako sabi ni Nathaniel, boyfriend na daw si Ares," natawa si Pancho.
Nakayuko si Lexus habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng mga kasama niya. Tungkol kay Lana at Ares na ang pinag-uusapan, pero naiwan siya sa topic tungkol sa panganganak ni Ice. Imposible dahil sigurado naman siyang hindi siya tatraydorin ni Ice lalo tungkol dito. . . But knowing the extent of what Ice could do, a part of him just knew she betrayed him.
"Are you really sure that Ice. . ." He shook his head and faced his friends. "Jayne Escarra . . . gave birth?"
Victor frowned and chuckled. "Na kay Tristan at Margareth na ang topic, naiwan ka kay Jayne Escarra?"
"Oo raw." Tumaas ang dalawang balikat ni Ethan. "Bakit? Gusto mo bang sumunod? Sabagay, kung ikaw baka papayag 'yon. Gandang lalaki mo, for sure bubuka—"
Tumayo si Lexus at hindi na pinatapos ang sasabihin ni Ethan dahil basta na lang niyang ibinato ang bote sa ulo nito. Kita niya ang gulat sa mukha ng tatlong lalaking nasa harapan niya. Kaagad ring hinaplos ni Ethan ang noo nang maramdaman nito ang pagguhit ng sakit kasunod ang pagdaloy ng pulang likido.
"Putangin—" Tumayo si Ethan at akmang susugurin si Lexus nang ilabas niya ang baril na sa likuran niya. Tumaas ang dalawang kamay nito at nagsalubong ang kilay. "Ano bang problema mo?"
"Ano bang problema mo, Lexus?" tanong din ni Pancho na inaalalayan si Ethan. Sumigaw ito at inutusan ang isang tauhan ni Victor na tawagin ang mga tauhan sa clinic. "Lakas ng tama mo, 'tangina mo."
Nilingon niya si Victor na naningkit ang mga matang nakatitig sa kaniya. Umalis siya nang hindi nagpapaalam at basta na lang iniwan ang tatlong lalaki. Sumunod naman sa kaniya ang dalawang aso. Hindi niya alam kung saan siya pupunta ngunit nang makarating sa harapan ng sasakyan niya, napasandal siya roon, napayuko, at humawak sa magkabilang tuhod niya na para bang naroon ang sagot sa mga tanong sa isip niya.
"Beer ulit?" Lumapit si Victor na nakalahad ang kamay at iniaabot sa kaniya ang isang bote ng beer.
Nang hindi niya iyon tanggapin, basta na lang iyong tinungga ni Victor bago muling humarap sa kaniya.
"Ano'ng nangyari sa taas?" Sumandal si Victor sa sasakyan at tumabi sa kaniya. "Gago, laki ng sugat ni Ethan. Bakit parang nararamdaman kong hindi mo nagustuhan ang sinabi niya tungkol kay Jayne Escarra? Magkakilala ba kayo?"
Malalim na huminga si Lexus at nanatiling nakatitig sa lupang nasisinagan ng apoy mula sa mga lamparang nasa paligid. Muli niyang naramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng balat niya lalo sa bandang pisngi pati na rin ang pagpapawis ng palad at noo niya. Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Ethan tungkol sa panganganak ni Ice. Paulit-ulit niyang iniisip kung niloko ba siya dahil kung oo, magkakagaguhan silang dalawa.
"So?" Muling tinungga ni Victor ang beer mula sa bote. "Kilala mo siya?"
Isang tango ang naging sagot niya bago patagilid na nilingon si Victor na mukhang nag-iisip dahil sa sinabi niya.
"Dalawang taon," malalim na huminga si Lexus bago muling yumuko. "Tangina, dalawang taon akong nabaliw sa babaeng 'yon. Dalawang taon kaming magkasama, pero tinapon akong parang wala lang. D-Dalawang taon akong baliw na baliw sa kaniya," pag-aamin niya.
Mahinang natawa si Victor dahil sa sinabi niya. "So, ikaw ang tatay?"
Suminghot siya at deretsong tumayo. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling mga daliri, nagpameywang, at tumingala sa madilim na kalangitan. Mayroong ilang bituin, pero nagtatago ang buwan sa ulap kaya hindi niya ito makita.
"Bago kami maghiwalay, pinalaglag niya," paulit-ulit ang paghinga niya dahil mababaw na parang mayroong nakabara sa lalamunan niya. "Sabi niya, pinalaglag niya." Halos masabunutan niya ang sarili habang iniisip ang mga nangyari. "Tangina, nando'n ako, eh. Sabi niya, pinalaglag niya."
Nakatingin lang si Victor sa kaniya habang siya, halos hindi makahinga nang maayos at hindi siya nagkamali nang maramdaman ang pag-angat ng sikmura niya. Yumuko siya, humawak sa magkabilang tuhod habang sunod-sunod ang pagduwal. Ramdam niya ang sakit sa dibdib, pait, at hapdi ng sikmura niya dahil hindi pa siya kumakain sa maghapon at alak lang ang laman ng tiyan niya.
"Tangina, nagluluksa ako, eh," aniya habang nakayuko. "Ipinagluluksa ko 'yong anak ko simula noong araw na 'yon. Araw-araw, Victor. Araw-araw kong ipinagluluksa 'yong anak ko."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman dahil halo-halo na ang emosyon niya.
Masaya? Masaya dahil buhay ang anak niya?
Lungkot? Lungkot dahil wala siya mga panahong iyon?
Galit? Galit dahil sa panloloko ni Ice sa kaniya?
Hindi niya alam. Paulit-ulit niyang pinakikiramdaman ang sarili kung ano ba ang totoong nararamdaman niya ngunit mas nangibabaw ang galit. Ilang buwan siyang nagluksa, nagalit siya sa sarili niyang hindi niya napigilan, at galit dahil sa ginawa ni Ice sa kaniya.
Sa loob ng ilang buwan, si Ice ang nasa isip niya . . . at sa unang pagkakataon, galit ang nararamdaman niya sa babaeng minsang bumaliw sa kaniya.
Hinarap niya si Victor na naniningkit ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong nito. "Isa lang naman ang way para malaman mo kung buhay nga ang anak mo. Sugurin mo. Ngayong alam mong nasa Escarra siya, puntahan mo. Takutin mo. Imposibleng hindi ka nila kilala."
Tama si Victor. Nakapasok pa nga siya sa loob ng Escarra. Isa pa, naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Anya na kapag dumating ang araw na kailangan niyang tulong, lumapit siya. At ito na ang pagkakataong iyon.
"Ilang tao ko ang kailangan mo?" tanong ni Victor.
"Pahihiramin din kita," sabi ni Pancho na lumapit kasama si Ethan. Nakikinig pala ang dalawa sa kanila. "Gusto mo bang sabihan ko si Nathaniel?"
Tumango si Lexus. "Kailangan kong malaman kung saan ang daan papasok nang hindi dumederetso sa gate?"
"Makakausap naman si Nathaniel. Kelan mo ba balak?" tanong ni Ethan na naglakad palapit sa kaniya. "Gago ka, masakit 'yong ginawa mo, ha? Napaka-brutal mo. Puwede mo naman akong kausapin nang maayos!"
Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ni Ethan.
"Wala naman kasing nakakaalam. Siraulo ka. Naging kayo pala?" singhal ni Ethan at naningkit ang mga mata nito. "Ilang tao ang kailangan mo? Mapapahiram kita kung kailangan."
"Ako rin," ani Pancho.
Itinaas ni Victor ang kanang kamay para sabihin sa kaniya na willing din itong magpahiram ng tao sa kaniya. Alam niyang may kapalit ang pag-offer ng mga ito sa kaniya lalo na at matagal nang gusto ng mga ito ang grupo lungga ni Jakob Escarra. Alam niyang hindi libre, alam niyang malaki ang kabayaran, pero wala na iyon sa isip niya.
Galit kay Ice at sa iba ang nararamdaman niya. Mas nangingibabaw na iyon lalo ang kagustuhang makumpirmang buhay ang anak niya. Wala na siyang pakialam sa mga makakabangga o makakalaban, makita lang niya ang anak niya.
Kung makakabangga niya ang lahat para sa anak niya, gagawin niya . . . kahit na mismong si Ice pa.
—
Kinabukasan, nagpunta si Lexus kay Nathaniel para kausapin ito tungkol sa plano niya. Kita niya ang ngisi sa mukha ng apat na lalaking nasa harapan na tutulong sa kaniya. Alam niyang nag-iisip na ito ng mga kabayaran para sa tulong na ito at gagawin niya kung ano man ang maisip na ipagawa sa kaniya.
Nakilala na rin niya si Abe, ang tauhan ni Nathaniel na nagtatrabaho sa Escarra. Isa ito sa mga tauhan ng Escarra at alam ang mga daan papasok at palabas. Ito ang magtuturo sa kaniya kung saan siya daraan. Malaya rin kasi itong lumalabas dahil sa trabahong pagtulong sa pagbibigay ng relief.
"Ano'ng plano mo?" Tumabi si Abe sa kaniya at inabutan siya ng yosi. "Saan mo gustong dumeretso?"
"Sa bahay ni Jakob," sagot niya. "Sabi mo, roon nakatira si Ice, 'di ba?"
Tumango si Abe at patagilid siyang nilingon. "Tutulungan kita, pero kahit anong mangyari, huwag na huwag mo 'kong ikakanta. Malaki ang tiwala sa 'yo ni Nathaniel kaya kita tutulungan, pero 'wag sanang ikaw ang sisira nga anim na taong sakripisyo ko."
Natawa si Lexus sa sinabi ni Abe bago humithit mula sa yosing hawak. "Wala akong plano. Gusto ko lang makita ang anak ko. Nakita mo na ba siya?"
"Hindi," umiling ito. "Walang nakakakita kay Jayne. Hindi siya lumalabas ng bahay ni Jakob. Wala ring nakakakita sa bata. Ni wala kaming nakikitang sanggol kaya wala kaming alam. Nasa bahay ni Jakob at Anya lahat."
Walang naging sagot si Lexus na deretsong nakatingin sa kawalan. Nag-iiba na rin ang kulay ng langit dahil pagabi na at iyon ang hinihintay nila.
A total of a hundred men would be with him. Victor, Nathaniel, Ethan, and Pancho lent their men to him. Kanya-kanyang sasakyan ang gagamitin nila.
Mayroong sariling motor si Abe pabalik sa Escarra ngunit huminto sila mga dalawang kilometro ang layo para maglakad. Nakasunod sa kanila ang mga kasama nilang susugod. Mayroong ibinigay na walkie-talkie si Abe sa isa sa mga kasama nila. Ito ang magbibigay ng signal kung kailan susugod at kung puwede na.
Abe also told everyone to stay hidden. Masyadong mahigpit ang mga ranger ng Escarra at masyadong mapagmatiyag. Isang pagkakamali, masisira ang plano. Isang taong makita, maaalerto ang lahat.
Alam ni Lexus na maraming alam si Abe sa Escarra. Para itong si Marjorie at hindi niya alam kung ano ang mararamdamang parang maraming traydor sa paligid ng pamilya ni Ice.
Walang ibang naiisip si Lexus kung hindi ang galit niya kay Ice at kung buhay nga ang anak niya.
Dumaan sila ni Abe sa likurang parte ng Escarra. Masukal ang daan, halos wala siyang makita kung hindi matataas na damo, at punong napalilibutan ng baging. Kahit siguro hayop ay hindi daraan dito dahil nakatatakot ang lugar.
"Wala bang bantay rito?" tanong ni Lexus.
"Meron, siyempre. Bawat sulok ng Escarra, maraming bantay. Pero ganitong oras magpapalit ang shift kaya bilisan natin. Meron tayong limang minutong timeframe. Magsasalubong ang mga night shift na galing sa pantry at ang mga day shift na papunta sa pantry bago magpahinga," pag-explain ni Abe. "Bilisan mo."
Inobserbahan ni Lexus si Abe sa harapan ng isang malaking metal na gate. Inilabas nito ang susi at maingat ang bawat paggalaw. Sigurado siyang ilang beses na nitong ginagawa ang ganito lalo pa at alam ang gagawin sa bawat segundo.
Nang mabuksan ang gate, mabilis silang pumasok sa loob. Nakita nila ang limang lalaking nakatalikod palayo sa gate. Inutusan naman siya ni Abe na dumaan sa gilid ng plantbox na mayroong saktong laking saktong maitatago sila.
Mabilis ang bawat hakbang nila ni Abe hanggang sa tumigil sila sa likod ng isang malaking gusali. Nakikita na niya ang parke ng Escarra. Nagtago sila at inobserbahan ang lugar.
Umaga na at nagsisimula nang umingay. Naglalakad na ang ilang ranger at nag-uusap. Ang iba naman ay galing sa daan na sinasabi ni Abe na gawaan ng mga produkto ng Escarra tulad ng solar power. Nakita rin niya ang ilang may-edad na babaeng magwalis sa paligid, mga batang nagtatakbuhan, at mga normal na taong simpleng namumuhay sa lugar.
Itinuro ni Abe ang daan papunta sa bahay nila Jakob. Isang beses lang siyang nakapasok sa lugar—noong na-kidnap si Anya—kaya hindi siya masyadong pamilyar.
"Lexus!" Lumapit sa kaniya si Abe. "Hindi ka puwedeng pumasok sa bahay nila Jakob ngayon. Nakita kong nagpunta sa loob sila Commander at ilang miyembro ng Alpha. Mamaya ka na magpunta. Kailangan ko rin mung magpunta headquarters. Dito ka muna."
Tumalikod si Lexus at sumandal sa pader nang hindi sumasagot. Nilingon niya si Abe na umalis at muling nagpaalam na babalikan siya. Naupo siya roon, nakapatong ang parehong siko sa magkabilang tuhod at inilabas mula sa bulsa ng pantalon niya ang ultrasound image na palagi niyang dala.
Kita na ang paglukot, pamumuti mula sa pagkakatupi, at unti-unti na ring kumukupas. Ang dating itim ay halos kulay gray na. Ang dating mga nakasulat ay wala na . . . at isa ito sa madalas niyang iniisip nitong mga nakaraan.
Lexus exhaled when he realized that the possibility of him meeting his child was close. Inside these walls, his baby might be sleeping.
And still, he couldn't find the right emotions.
Matagal na naghintay si Lexus at hindi na siya mapakali. Madilim na kaya naman hindi na niya nahintay si Abe at nang masigurong walang tao sa lugar, nagmadali siyang tumakbo papunta sa bahay ni Jakob Escarra.
Hindi siya dumaan sa front door na alam niyang mayroong dalawang nakabantay na tauhan. Kung tama siya sa naalala, iyon ang nakita niya noon.
Kita na niya ang bahay at inobserbahan muna ang lugar. Walang tao sa bandang likuran. Napapalibutan ang bahay ng mataas na pader mula sa likurang parte at maingat niya iyong inakyat gamit ang dalawang kutsilyong hawak niya.
Habang umaakyat, madilim ang lugar at naisip niya na masyaong kampante si Jakob sa lugar na ito na walang bantay.
Hanggang sa marating ang tuktok, nakita niya ang fireplace, mga laruan ng bata, at upuan sa likod ng bahay na parang ginawang garden. Ibinalik niya ang tingin sa bahay na nasa harapan niya. Sandali na lang, posibleng makita na niya ang anak niya.
Maingat siyang bumaba at muling inobserbahan ang lugar. Mabagal siyang naglakad habang sinisiguradong walang ibang tao nang makita niya ang teddy bear na nakakalat sa hagdan papasok ng bahay. Dinampot niya iyon at tinitigan. Malamang na sa anak ito nina Jakob at Anya.
Pinihit niya ang door knob at pumasok mula sa backdoor. Walang tao. Tahimik at malamig. Nakabukas ang mga ilaw ngunit walang tao.
Tumingala siya sa hagdan at nagmadaling umakyat nang marinig niya ang dalawang lalaking nag-uusap mula sa main door. Tahimik at maingat ang bawat paghakbang niya. Sa dami ng pinto, hindi niya alam kung saan siya papasok. Huminto siya sa gitna at inobserbahan ilalim ng mga pintuan.
Naningkit ang mga mata niya nang makitang bumukas ang ilaw ng isa at nakita ang anino mula sa loob.
Lexus shut his eyes for a second and inhaled. Lumapit siya sa nasabing pintuan at pinihit ang door knob at pagbukas, nakita niya ang gulat sa mukha ng may-edad na babaeng hawak ang anak nina Jakob at Anya. Bumaba ang tingin nito sa teddy bear na hawak niya bago ibinalik ang titig sa kaniya.
"Asan sila?" tanong niya.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top