Chapter 39
It had been six months since the termination, and Lexus had made himself busy after Victor had literally summoned him. Ang dami nitong naging pakisuyo at hinayaan niyang utusan siya para kahit papaano, hindi siya mag-isa at mag-isip ng kung ano man.
Victor wanted to take over a group that had been preserving foods. Nabanggit nito na nag-training sa Escarra at St. Pierre ang mga nasa grupong ito kaya maganda ang pamamalakad pagdating sa pagpe-preserve ng pagkain.
Pagkain ang isa sa problema ni Victor dahil hindi naman masyadong maganda ang lugar nito para bumuhay ng mga halaman at mga hayop. Hindi maganda ang patubig kaya naman nanggugulo sa ibang grupo na mayroon para makakuha ng mga kailangan.
The group assigned to him wasn't easy to take. Masiyadong matapang ang lider ng grupo. Hindi ito nakuha sa usapang gusto ni Victor kaya naman inutusan siyang tapusin na lang.
Habang naglakad papasok sa gate ng grupo, nakatutok na sa kaniya ang mga pana ng mga tauhan ni Miguel—ang lider ng grupo. Mas matanda ito sa kanila ni Victor. Ilang beses na rin niya itong nakilala dahil madalas siyang sinasama ni Victor sa pakikipag-usap sa ibang grupo.
At dahil madalas siya sa lugar, pinapasok siya ng mga tauhan ni Miguel. Dumeretso kaagad siya sa lugar kung saan ito namamalagi bilang grupo. Para itong opisina na puwedeng puntahan ng nasasakupan nito.
"Ano na naman, Lexus?" pabalang na sabi ni Miguel pagpasok niya. "Nasabi ko na kay Victor na hindi na ako makikipag negotiate sa kaniya. Bakit nandito ka na naman?"
Naupo si Lexus sa visitor's chair at tinitigan si Miguel. Wala siyang sinabign kahit na ano.
"Bakit? Pinapunta ka na ba niya rito para. . ." Huminto ito at mahinang natawa. "Bakit ba sunod ka nang sunod sa kaniya? Kung tutuusin, ikaw mismo kaya mong pabagsakin si Victor. Kaya mo rin naman bumuo ng sarili mong grupo, baka mas malakas pa. Bak—"
"Hindi ako interesado sa sariling grupo," sagot ni Lexus. "Hindi pa rin ba ang magiging sagot mo? Kasi hindi ako aalis dito na hindi ang sagot mo," aniya sa mababang boses. "Wala ako sa mood pumugot ng ulo ngayon, Miguel. Mag-oo ka na lang."
Mahinang natawa si Miguel dahil sa sinabi niya. "Seryoso ba tayo rito?"
"Mukha ba 'kong nagbibiro?" balik na tanong niya. "Miguel, masyado na 'kong maraming kasalanan. Huwag ka nang dumagdag. You'll give 60% of what you're producing and we're good to go. Hindi kailangang humantong sa parteng si Victor na ang hahawak sa grupo mo 'pag hindi ka pa nag-agree."
"Ganyan siya kadesperado?" tumango-tango si Miguel. "Magugutom ang grupo ko 'pag pumayag ako sa gusto niya, Lexus."
Malalim na huminga si Lexus. "Mamamatay ka 'pag hindi ka pumayag sa gusto niya. 60% and we're good. Uubusin niya kayo at alam mong seryoso ako."
"Alam ko." Ipinaglandas ni Miguel ang hinlalaki sa labi. "Gagawin niya sa 'kin ang ginawa niya kay Andres?"
Tumango si Lexus. "Oo. Kaya nga 'wag mo nang dagdagan ang kasalanan ko. 60% of your produce and we're good. Hindi naman siguro magugutom ang grupo mo sa 40% at alam kong kaya mo pa ring ma-sustain. Hindi na natutuwa si Victor sa 'yo na ilang beses na siyang nagpupunta rito at ito na ang huli."
Bahagyang yumuko si Miguel at nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito dahil sa sinabi niya. Lexus had enough. He wouldn't dare ask again. Gusto na niyang magpahinga sa lungga niya dahil sa halos dalawang buwan, wala siyang tigil sa pagtatrabaho kay Victor.
"Baki–" Tumigil si Miguel sa sasabihin nang ilabas ni Lexus ang maliit na kutsilyo mula sa bulsa niya. "Itutuloy mo ba? Wala ka na talagang ibang magawa, Lexus? Bakit ba panay ang himod mo kay V–"
Hindi na naituloy ni Miguel ang sasabihin nang basta na lang binato ni Lexus ang kutsilyo sa may dibdib nito. Kita niya ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatitig sa kaniya tulad ng iba. Gulat, sakit, at galit—iyan ang madalas na titig sa kaniya ng mga dinadalaw niya.
And what pained Lexus was that he couldn't feel any pitty from these men. Wala siyang pakialam sa mga maiiwang grupo, pamilya, o asawa man kung mayroon. Sa tuwing nakatitig siya sa mukha ng mga ito habang nahihirapang huminga at sinusubukan pang lumaban, wala siyang maramdaman.
. . . hanggang sa siya na lang mag-isa, paulit-ulit niyang makikita ang bawat titig sa kaniya.
Miguel held on to his chest and struggled to breathe while Lexus lit a cigar given by Victor. Hindi lang yosi ang nagagamit niya nitong mga nakaraan dahil sa mismong lugar ng kaibigan niya, talamak ang mga dahong ipinagbabawal noong normal pa ang mundo. He would use it to make himself feel better after each "mission" from Victor.
Or when he just wanted to relax.
Lexus heard Miguel struggle to breathe, and that prompted him to shoot one of his guns. Victor's men were outside the village and were instructed to go inside once they heard the gunshot to finish the job. Wala siyang alam sa ibang plano ni Victor para sa lugar. Ginawa lang niya ang pakiusap sa kaniya dahil siya lang ang mayroong sikmura. Siya lang ang hindi takot . . . dahil para saan pa?
He knew he had nothing to lose.
He knew he had lost everything the moment he agreed to terminate his child.
It had been months, and he was still grieving for someone he hadn't even met. Months later, he had no plans on moving forward. Months later, he was breathing but barely living.
Lexus took the final blow by decapitating Miguel. Naririnig niya ang sigawan ng mga tauhan ni Victor sa labas ng opisina. Naririnig niyang pinalilinya ang mga tao, ang mga nasasakupan ni Miguel.
Maliit lang ang grupo kung tutuusin, pero gusto ni Victor ang grupong ito kaya wala rin siyang magagawa. Sa pagkakaalam niya, nasa halos tatlumpu lang ang mga tao rito, pero lahat ay marunong sa food preservation na gusto ni Victor.
Hawak ang ulo ni Miguel, lumabas siya ng opisina at sabay-sabay niyang narinig ang pagsinghap ng mga taong nakaluhod sa harapan ng mga tauhan ni Victor. Some cried, some shouted, and he didn't mind walking around with a head on his hand.
Kinausap niya sandali si Ray, ang isa sa mataas na tauhan ni Victor para sabihing aalis na siya at mauuna na sa kuta ni Victor.
Hindi niya nilingon ang mga taong nakaluhod dahil ayaw niyang mas madagdagan pa ang kunsensyang dinadala niya. Sa bawat ulong nahahawakan niya, unti-unting tumitigas lalo ang puso niya.
Inilagay niya sa karton ang ulo ni Miguel bago sumakay sa sasakyan niya papunta sa kuta ni Victor. Mabilis ang naging takbo niya at nang makarating sa mismong bahay ng kaibigan niya, kaagad nitong inilabas ang alak at inabutan siya habang nakatitig sa mukha ni Miguel.
"Iba ka talaga," ani Victor na tinapik ang balikat niya. "Gusto mo ng babae?"
Umiling siya. "Hindi ako nalilibugan," sagot niya. "May ipapagawa ka pa ba? Uuwi muna 'ko. Baka naghihintay na 'yong mga aso ko."
Mahinang natawa si Victor. "Mag-stay ka na munang magdamag. Mag-bonding muna tayo dahil baka hindi ka na naman magpakita sa 'kin sa mga susunod pa."
"Bakit? Wala ka bang gagaguhin sa mga susunod?" Tinungga niya ang beer habang nakatingin kay Victor.
"Wala pa," ngumisi ito at naupo sa sofa. "Pupuntahan naman kita 'pag may nahanap akong bago. Sa ngayon, 'yang grupo ni Miguel ang aasikasuhin ko. Gagawin kong business sa ibang kakilala natin 'yong mga kaya nilang gawin."
Walang naging sagot si Lexus at hindi rin siya nagtanong. Mas gusto niya na wala siyang alam sa ibang ginagawa ng kaibigan niya tulad kay Spike.
Mas gusto rin niyang nababaling sa iba ang atensyon ni Victor dahil minsan nitong nabanggit sa kaniya na gustong sugurin ang Escarra, Kampo ni Tristan, at ang St. Pierre. Hindi siya handa para doon. . . Kaya kung may ibang bagay na makakukuha sa atensyon ni Victor, mas iyon ang gusto niyang gawin.
Naupo si Lexus sa pang-isahang sofa at sakto namang bumaba mula sa hagdan si Elodie, ang asawa ni Victor. Ngumiti ito at bahagyang tumango bago sila nalagpasan. Ni hindi nito nilingon si Victor at basta na lang dinaanan. Sinundan naman ito ng tingin ng kaibigan niyang walang sinabing kahit na ano.
Victor forced Elodie to be his wife. Nakuha raw nito ang idea sa kapatid ni Ice dahil nabalitaan nito iyon kay Marjorie na madalas nandito sa kuta ni Victor dahil sa isang kaibigan.
But it was a different case.
Lexus saw how Anya loved Jakob. Sa tuwing naaalala niyang unang itinanong ni Anya kung kumusta si Jakob bago masigurong maayos na ang lahat. Unlike Elodie who wouldn't even look at Victor.
Nang maubos ang beer, tumayo na si Lexus at nag-stretch. Itinuro niya kay Victor ang karton laman ang ulo ni Miguel bago nagpaalam. Hindi na niya pinakinggan ang sasabihin pa nito at basta na lang lumabas ng bahay.
Mag-uumaga na rin at nagbabago na ang kulay ng langit. Sigurado siyang naghihintay na rin ang mga aso niyang nasa loob ng eroplano dahil ganoon ang ginagawa niya sa tuwing mayroon siyang misyon para hindi delikado sa labas. Madalas na nasa ilalim ng eroplano ang mga ito, sa may kusina para naroon lang ang mga pagkain.
He left his dogs for two days, and now, he was home, and both dogs rushed to him. Walang tigil ang mga ito sa pagdila sa pisngi niya. Pareho at sabay pang humiga para sa belly rubs. Hindi rin tumigil sa pagkawag ang mga buntot na ikinatawa niya.
The dogs became his companion for six months. Minsan siyang nagpupunta kay Victor kapag ipinatatawag siya ngunit mas madalas siya sa eroplano o hindi kaya sa race track.
Lexus decided to take a bath to sleep. Antok at pagod siya sa dalawang araw kaya magbabawi siya nang tulog.
Paglabas ng banyo, natigilan siya sa pagtuyo ng buhok dahil mukhang hindi nakikisama ang panahon. Malakas ang kulog sa labas at pagsilip niya, umaambon. Dumilim din lalo ang paligid kahit na umaga pa lang dahil sa nagbabadyang ulan. Mabuti na lang din at nakauwi na siya.
He never slept in the same room again. Gumawa siya ng bago. Mas makapal ang kutson at nasa gitna lang ng eroplano. Tinanggal niya ang dating mga upuan at inayos ang buong eroplano bilang malaking bahay na makagagalaw siya nang maayos.
Bago mahiga, isinuot niya ang earplugs para makatulog siya. Ayaw niya sa ulan. Ayaw niyang naririnig ang ulan. Ayaw niyang malaman na umuulan.
—
IT WAS RAINING, and Ice was outside the balcony, watching every drop. She was on her sixth month, and it had been hard recently. Halos hindi siya makatulog at makakain. Hindi rin niya alam kung bakit, pero parang nire-reject siya ng katawan niya.
Sinabi sa kaniya nina Anya at Garrie na magiging maayos naman ang lahat pagkatapos ng first trimester, pero hindi. Second trimester na, hindi pa rin maayos ang pkairamdam niya.
The doctors were looking after her: weight loss, hair loss, dry skin, no appetite, and pain. These were the effects of pregnancy on her.
Ice caressed her belly. "You hated me that much?" she whispered to her baby. "I know I didn't want you. I know I hurt you and your dad, but can you make me feel a little better over the next three months?"
Medyo malakas ang ulan. Tanghaling tapat, madilim ang buong lugar at bigla niyang naalala ang dalawang asong madalas niyang kalaro sa tuwing naliligo siya sa ulan. Kung paano siya hahabulin lalo ni Tom Cruise na halos siya na rin ang nagpalaki.
She missed the dogs so much.
She missed Lexus, too.
"Ice?" Sumilip si Anya sa sliding door. "Nagluto sila ng ginataang munggo. Gusto ba? Ipagsasandok kita."
Tumango si Ice at nagpasalamat kay Anya. Malaki ang naging tulong nito sa kaniya habang nakatira sa bahay ng kuya niya dahil ito ang madalas niyang kausap. Bukod sa nakakalaro niya si Trevor sa tuwing gising ito, mayroon din siyang kakuwentuhan.
At habang mas nakikilala niya si Anya, mas naiintindihan niya ang naging desisyon ng kuya niya.
Anya was very caring and positive. Sa tuwing kausap niya ito, parang naiintindihan niya kung paano ba ang pagiging ina. Buntis din ito kasabay niya kaya naman mas nakaka-relate sila sa isa't-isa, pero nakakatampo pa rin na ang ganda-ganda nito samantalang siya, mukhang malapit nang maging bangkay.
Iniabot ni Anya ang bowl na mayroong ginataang monggo pati na rin ang tumbler na mayroong tubig.
"Okay lang ba sa 'yong mag-stay muna ako rito?" tanong ni Anya.
"Yeah," ngumiti siya. "Tulog ba si Trevor?"
"Hindi. Sinama siya ni Jakob sa office, eh. Dumating yata si Ares kaya nagputna sila roon. Nakatulog ka ba kagabi? Narinig ko kasi na parang bumukas 'yong pinto mo."
Mahinang natawa si Ice habang hinahalo ang mainit na pagkain. "Nagutom kasi ako kaya kumuha ako ng fruits sa baba. Ganoon ka rin ba? Like out of nowhere, nagugutom lalo na 'pag madaling araw na?"
"Oo, madalas. Ang gawin mo, maglagay ka ng snack mo sa room. Ganoon kasi ginagawa ni Jakob sa 'kin," ngumiti si Anya. "At saka 'pag may gusto kang kainin, sabihan mo kami para kukuha kami sa pantry. Try mo kumain nang marami. Nag-aalala rin si Jakob sa 'yo kasi nga . . . ang payat mo raw."
Bumaba ang tingin ni Ice sa sarili niya dahil may katotohanan iyon. Ni hindi niya magawang tumingin sa salamin dahil ayaw niyang makita ang itsura niya. Dahil sa pagpayat niya, halos lumubog ang pisngi niya at lumabas ang collarbones. Sa tuwing nakahubad siya, nakikta niya ang buto sa bandang likod niya.
"Maybe it's good that Lexus can't see me like this," Ice chuckled bitterly. "Baka asarin pa 'ko noon na buto't balat 'tapos saktong nagmukhang matanda ako. Gandang-ganda pa naman sa 'kin 'yon."
She saw how Anya's brows furrowed and shook her head. "Ikaw talaga. But you see, baby daddies aren't actually judgmental. And if Lexus lov—"
"Stop," Ice immediately cut Anya off. "H-He doesn't see me like that," she chuckled. "We don't see each other like that."
Thankfully, Anya just nodded with a subtle smile. She didn't feel the need to explain about their relationship. No love was mentioned; we were enjoying each other's company.
Iniba ni Ice ang usapan at nagtanong kay Anya tungkol sa pagiging mommy. "Like, nahirapan ka ba?"
"To be honest," umiling si Anya at ngumiti. "Hindi. Malaki kasi ang naging tulong ni Jakob. Pati na rin nila Manang Dolores. Noong umpisa, medyo nahirapan ako. Umiyak nga ako, 'di ba? Kasi hirap na hirap ako kay Trevor noon. Iyak siya nang iyak 'tapos hindi pa nakikisama 'yong milk ko that time. Buti na lang din nakisama ang katawan ko noon. Malaking help si Jakob sa 'kin."
For a moment, Ice felt envious. . . again.
Natigil ang pag-uusap nila nang makarinig sila ng katok. It was Ares. May hawak pa itong potato chips para sa kanila, pero nagpaalam si Anya na titingnan muna si Trevor na kararating lang din daw.
Ares sat beside her and opened the bag of chips.
"How's Beta?" Ice asked without hesitation. "How's everyone?"
"Okay naman silang lahat doon. Binisita ko si Marjorie kahapon. You really fucked up her mind, Ice. Halos hindi na siya makausap. She's just nodding, shaking her head, and just doing whatever they asked her to do. Para siyang naging bata," sabi ni Ares. "You could've handled her appro—"
"I could've killed her," she said in a low voice. "Nagtatrabaho pa rin ba siya?"
"Still folding the clothes, and Lana's overseeing her. Like your rule. No man's allowed to be near her," ani Ares. "Also, I have news."
Patagilid niya itong tiningnan, pero hindi siya sumagot.
"Remember Miguel? Iyong dating taga-St. Pierre na bumuo ng sarili niyang grupo at tinuruan nila Martin at Jakob sa preservation? He was killed last night," Ares uttered. "Guess who killed him."
Ice looked at Ares, waiting. "W-Who?" she asked, even though she already had an idea.
"Your lover," Ares sniffed. "Fourth group leader eliminated by Lexus for Victor. Hindi na 'ko magugulat kung susunod na kami."
"He would never," Ice shook her head. "I know he wouldn't dare."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top