Chapter 38

Ramdam ni Lexus ang init ng araw, ang pamumuo ng pawis niya, ang hinga, at sakit ng katawan habang tumatakbo. Naging routine na niyang mag-jogging. Walang oras, basta kapag trip niya lang.

It had been three months, and things weren't the same—except for his body. Because of bulking, he became ripped in a short time. He decided to work out and strengthen his body.

It worked. Mas naramdaman niya ang paglaki ng katawan niya lalo sa parteng braso, likod, at dibdib. Abs started forming, too.

For the past months, he had been hunting. Madalas siyang nagpupunta sa race track at doon tumatambay. Nadiskobre niyang mayroong wild boar na pagalagala at hindi niya alam kung saan galing ang mga ito.

The boars became his source of meat. Ilang beses din siyang naka-encounter ang mga pagala-galang kulay pink na baboy. Naaawa man siya, pero kailangan nilang kumain ng mga aso niya.

Nang matapos tumakbo, dumeretso siya sa eroplano kung saan naghihintay ang dalawang aso niya. Natawa siya nang biglang tumayo ang mga ito at sinalubong niya. Dati kasi sumasama pa sa pagtakbo niya, pero nadala yata dahil hindi na naulit pa.

Nagmadaling kumuha si Lexus ng pagkain ng mga aso. Sumilong sila sa ilalim ng pakpak ng eroplano habang nakatingin siya sa kawalan. Medyo mataas na ang mga damo sa gitnang parte ng aiport dahil hindi na niya iyon napagtuunan nang pansin. Kung dati, naglalaan siya ng panahon para matabas iyon, ngayon hindi. Bigla niyang naalala ang airport sa likuran.

They had a pending project that weren't able to complete. Tumayo siya at naglakad papunta sa dating airport na tatlong buwan na rin niyang hindi napupuntahan.

Nakita kaagad niya ang sofa at coffee table na nakalagay sa gitna. Galing iyon sa mall na ginawang lungga ni Ice at dinala sa airport para puwede nilang tambayan. Naroon din ang CD player na hindi nila nagamit, stuffed toys na nakalagay pa sa mga plastic, at doll house na nakalagay pa sa box.

The doll house was for Ice na naisipang buuin kapag walang ginagawa. Nakita rin niya ang kahon ng Lego na para naman daw sa kaniya.

Lexus roamed around the old airport and it was very dusty. Malinis naman sana dahil wala na ang dating mga nakakalat na inalis nila ni Ice, pero maalikabok at nag-accumulate na rin ang mga sapot kung saan-saan. Ang dating makinis at malinis na glass walls ay puro bakat ng tubig mula sa pag-anggi ng ulan noong nakaraang linggo. Mayroon ding basang parte mula sa tubig na naipon.

Hindi niya alam kung ano ang naisipan nila ni Ice noon para ayusin 'tong lugar na ito. Nag-oo lang naman siya dahil bakit naman hindi? Pareho naman silang walang ginagawa.

Ngunit sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Ice tungkol sa pagsama nito sa kaniya, pag-aya sa kung saan, at gawin ang mga bagay na hindi naman dapat . . . para lang ilayo siya kay Victor.

Simula nang magkahiwalay sila ni Ice, hindi rin naman siya nagpunta kay Victor. Kung sa ibang pagkakataon, baka kay Spike pa ngunit wala na rin ito sa kaniya.

Three days after leaving Olympus, pinadala ni Ares ang sasakyan niya sa airport. Napaayos na at mayroong gas para sa kaniya. Nabanggit din nito na alam na ni Jakob ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Ice at ito mismo ang nagpaayos ng sasakyan niya bilang pasasalamat pa rin sa pagligtas kay Anya.

Hindi naman na niya iyon naiisip, pero nagpasalamat pa rin siya.

Sa tatlong buwan, wala siyang balita kay Ice. Isa pa, iniiwasan niyang gumawi sa parteng iyon ng siyudad. Madalas siyang nasa airport o hindi kaya ay sa race track na mas madalas niyang puntahan.

Umakyat si Lexus sa second floor ng dating airport. Hindi na sila nakaabot ni Ice sa paglilinis dito dahil napadalas na rin ang pag-alis nila. Kung hindi pa nasira ang camper van, baka nasa daan pa rin sila.

Mula sa malayo, nakita niya ang nakakalat na manika. Nasa sahig ito at marumi na. Pinulot niya iyon at nagulat na buo pa, marumi lang. Maalikabok, nangingitim na ang skintone, at mayroong sapot ang buhok. Maingat niyang pinagpag at tinitigan.

For months, Lexus had been thinking about his unborn child. Babae kaya o lalaki? Kung natuloy ang pagbubuntis ni Ice, malamang na malaki na ang tiyan nito. Kung hindi siya mali, nasa four months na.

He gulped and shook his head to shrug the thought. Sa tuwing naiisip niya ang anak, naalala niya ang kantang sinabi sa kaniya ni Ice nang mamatay ang mga magulang.

It was Tears in Heaven—maybe it was really for grieving? Naalala niya ang back story ng kanta. Malamang nga at mukhang mas fitting pa sa kaniya dahil anak din ang nawala sa kaniya.

As much as he didn't want to get attached to the thought of his unborn child, he couldn't. Akala niya kaya niyang kalimutan. Bigla niyang na-realize na may punto si Ice sa parteng mas mabuting hindi na sila magkita pagkatapos ng nangyari. It wouldn't be the same. Baka siya na rin mismo ang lumayo kung sakali man dahil hindi na niya kayang tingnan si Ice.

Isa pa, galit siya sa sarili niya na hindi siya nagsalita. Galit siya sa sarili niyang hindi man lang niyang iniligtas ang anak niya. Galit siya sa sarili niyang hindi niya binigyan ang sarili niya ng pagkakataong magdesisyon dahil anak din naman niya iyon.

Paglabas ng gusali, tumingin si Lexus sa langit. Kulay asul at mayroong kaunting ulap na dumaraan. Maganda rin ang sinag ng araw, medyo mainit lang ang paligid ngayon.

Kinanta ng isip niya ang lyric ng nasabing kanta. "Would you know my name, if I saw you in heaven?"

Lexus immediately stopped and looked down. "Mukhang hindi naman talaga tayo magkikita," he murmured as he crashed a loose dried leaf and it made a sound. "Sa dami ng kagaguhan ko, sa baba ako mapupunta . . . sure 'yan."

Naabutan niya ang dalawang asong busog na busog. Sumunod rin ang dalawa sa kaniya paakyat sa eroplano dahil gusto rin niyang maligo.

Simula nang maghiwalay sila ni Ice, hindi na niya binuksan ang mga solar power ng eroplano. Mas gusto niyang madilim. Mas nakatutulog siya. Si Ice lang din naman ang dahilan kung bakit siya nanghingi ng solar panels para hindi ito mahirapan kapag nasa lungga niya. Kaya ngayong wala na, para saan pa?

Lexus frowned and bit his lower lip. He had been mad at himself for the past months. Kasama na rin dito ang parteng kahit wala na si Ice, parang kay Ice pa rin umiikot ang mundo niya. Parang kahit wala na ito, iniisip pa rin niya ang approval. Kahit na dinispatcha siya na parang wala lang, gusto pa rin niyang ma-please si Ice.

Yumuko siya at hinaplos ang batok. Sinuklay niya ang sariling buhok na humantong sa mahinang pagsabunot. He felt frustrated that 24/7, Ice was still in his mind. Gusto na niya itong kalimutan, pero paulit-ulit siyang bumabalik sa umpisa.

Ice's power against him was so strong he couldn't even dare fight.



BUMUKAS ang pinto ng kwarto ni Ice dahilan para ibaba niya ang librong binabasa. It was Jakob with a bowl of sliced apple, orange juice, and a slice of cake. Dumeretso ito sa kama niya at naupo. Hinaplos pa nga ang noo niya dahilan para ikatawa niya.

"I'm okay," aniya na kinuha ang cake.

"Hindi ka raw bumaba sabi ni Manang Dolores. Kumain ka na ba?" tanong ni Jakob.

Umiling siya bilang sagot. "Wala pa akong gana. Kagigising ko lang din. Sabay na lang ako sa inyong mag-dinner ni Anya. Ayokong kumain mag-isa. Kararating mo lang din ba?"

Tumango si Jakob. "Oo. Si Anya, natutulog pa sila ni Trevor. Saan mo ba gustong mag-dinner? Dito na lang sa bahay o sa pantry? May gusto ka ba para mapaluto ko?"

Sandaling napaisip si Ice dahil mayroon siyang kine-crave nitong mga nakaraan. "Gusto ko ng corn na mayroong sabaw 'tapos may ampalaya leaves."

Nagsalubong ang kilay ni Jakob at ngumiti. "Naalala ko 'yan. Iyan ang niluluto nila Ate Sarah sa Baguio noon, 'di ba? Sige, titignan ko kung may corn sa pantry 'tapos iyon ang ipapaluto ko."

"Thank you. Dito na lang tayo kumain sa bahay. Ayoko sa pantry. Tinitingnan nila ako, eh. Ang haggard ko, hindi nakakaganda. Hindi nakaka-Jayne Escarra," natawa siya. "Thank you sa cake. Puwedeng one pa?"

Jakob nodded and left the room. Nagsabi rin ito na tatawagin na lang siya kung sakali mang kakain na rin sila. Madalas na kumakain lang siya sa tuwing kasabay ang mag-asawa dahil ayaw niyang kumaing mag-isa.

Tatlong buwan na rin simula nang manirahan siya sa Escarra. Noong una, hindi siya sanay. Masyadong maliwanag, maingay ang mga tao, at madalas siyang nagigising dahil tumatama ang sinag ng araw sa mga mata niya. Nasanay siyang matulog sa madilim, tahimik, at kulob na lugar at malaking pagbabago ang magising sa lugar na ito.

Nang mabanggit niya kay Jakob na uuwi siya sa Escarra, kaagad na ipinalinis at ipinaayos ni Anya ang dati niyang kwarto. It was her teenage room before college. Siniguro nito na magiging malinis ang lahat. Ipinaayos naman ni Jakob ang aircon, ilaw, at pinagawan siya nang bagong kama.

For almost two years, she became used to Lexus' place na siniguro naman nitong walang araw na makapapasok sa kwarto dahil iyon ang ni-request niya. Sanay rin siyang gumising na posibleng magkita sila . . . kaya sa tatlong buwan na wala siyang naging purpose araw-araw, malaking pagbabago iyon sa kaniya.

After eating her snacks, Ice decided to take a bath. Inside the shower, she stared at herself in the bathroom mirror. Kita niya ang kalahating katawan niya. Lumaki ang dibdib niya at sinabi sa kaniya nina Anya at Garrie na normal iyon sa pagbubuntis. Lumalaki na rin ang tiyan niya. Hindi na siya mukhang busog lang tulad noong mga nakaraan dahil halata na ang pagbubuntis niya.

But one thing was for sure.

Pregnancy hated her so much. Naging manipis ang buhok niya dahil sa hairfall. Nangitim ang leeg niya at kili-kili niya lalong lalo na rin ang eyebags. Hindi rin niya matanggap ang malaking pimple sa may panga, ang pamumula ng gilid ng ilong niya, at ang pag-dry ng lips niya kahit na fully hydrated naman siya.

Isa pa, malaki ang ipinayat niya. Sapat naman ang kinakain niya, pero hindi niya rin maintindihan kung bakit ba ang pangit-pangit niya.

Unlike Anya, who glowed so much during the pregnancy.

Habang nasa banyo at tinutuyo ang buhok, nakatingin lang siya sa salamin nang marinig ang bukas ng main door. Kaagad na ngumit si Anya nang makita siya at tinanong kung kumusta na siya.

"Hindi okay," pag-aamin ni Ice. "Bakit ikaw, ang ganda mo noong buntis? Bakit ako, ganito? Mukha akong tanga."

Mahinang natawa si Anya, pero kaagad iyong pinigilan. "You're being too hard on yourself. Hindi lang talaga pare-pareho ang pregnancy."

"Kasi naman!" reklamo ni Ice. "Tinanggap ko na nga kasi baka galit talaga sa 'kin 'tong anak ko dahil sa ginawa ko sa kaniya at sa tatay niya. Nasa tiyan pa lang, may attitude na."

"Mana sa 'yo." Si Jakob iyon na pumasok sa kwarto niya. "Magpaaraw ka nga kasi. Masiyado kang nagkukulong dito. Magpaaraw ka sa umaga. Ang putla mo, sobra at saka sinabihan ka na ng mga doctor na kailangan mo ng vitamin D. Nabasa ko 'yan kahapon. Possible raw na magkaroon ng skin asthma ang baby 'pag walang vitamins ang mommy."

Nakita ni Ice kung paano ngumiti si Anya dahil sa sinabi ng kuya niya. "Kung gusto mo, sumama ka sa 'min ni Trevor every morning sa balcony sa likod kasi maganda ang araw or if you're comfortable to go out, mas maganda sa park. Fresh air na rin."

"I'll think about it," ngumiti siya. "Kakain na ba tayo? Bigla akong nagutom. Napaluto mo ba 'yong gusto kong soup, Kuya?"

Tumango si Jakob at inakbayan si Anya. "Nagpaluto na rin ako ng fried chicken. Inagawan mo 'ko kahapon, eh."

Sabay na natawa sina Anya at Ice sa sinabi ni Jakob dahil may katotohanan naman iyon. For days, she had been craving a lot of food and was thankful that her brother's wife was there to support her and her brother would get things for her.

Ice was thankful that she wasn't alone.



INAYOS ni Lexus ang karne ng baboy at nilagyan iyon ng asin dahil gusto niyang mag-ihaw sa labas ng eroplano. Madilim na rin sa labas kaya nagparingas na siya ng pang-ihaw at ng bonfire para sa kanila ng mga aso niya.

Bago lumabas, kinuha muna ni Lexus ang T-Shirt niya sa kwarto at habang nakaharap sa salamin, dumako ang tingin nya sa ultrasound copy na ibinigay ni Ice sa kaniya.

He kept it and placed it in front of the mirror. Yes, he was grieving. Yes, he hated the feeling. . . and yes, he hated what he lost . . . but this would be that one thing he wouldn't forget. Kahit na puti lang ang nakikita niya sa ultrasound image, ayos na iyon sa kaniya.

Lexus had no plans on moving on about his lost child. Kahit araw-araw pa niyang maisip, pero madalas niya ring gustong kalimutan kasi sumisikip ang dibdib niya.

Sa tuwing mag-isa siya, nagiging pagkakataon iyon para makapag-isip siya tungkol sa anak niya. Kung maayos ang mundo, hindi ito mawawala. Kung maayos ang mundo, hindi sila magkikita ni Ice. Kung maayos ang mundo . . . hindi siya masasaktan.

Habang iniihaw ang mga karne, nasa tabi niya ang dalawang aso at naghihintay. Katabi rin niyang matulog ang dalawa at hindi siya iniiwan na ipinagpapasalamat niya. At least kahit walang Ice, dalawa naman ang kasama niya. Hindi pa siya binibigyan ng sakit ng ulo, hindi siya sinusungitan, at hindi siya iiwanan.

Isa na lang din ang beer na mayroon siya. Inuunti niya iyon at ayaw niyang magpakalasing kaya sa isang linggo, madalas na isa.

Lexus was enjoying his food when he saw a light from a far. Sigurado siyang kotse iyon at bigla na lang pumasok sa malaking gate ng airport. Kaagad niyang pinaakyat ang dalawang aso sa eroplano bago inapakan ang bonfire para mamatay. Sumunod siya sa mga aso para kunin ang baseball bat niya. Kinuha rin niya baril at inilagay iyon sa likuran ng pantalon niya bago sumilip sa may bintana.

Tatlong sasakyan ang papalapit sa eroplano niya. Walang kahit na anong ilaw na nakabukas, pero sigurado siyang makikita ng mga ito ang iniihaw niya. Gutom pa naman siya 'tapos ngayon pa darating.

Instead of staying inside, he ensured the dogs were safe before heading out. Narinig niya ang paghinto ng mga sasakyan sa harapan ng eroplano kaya lumabas siya habang nakatutok ang baril sa kung sino man.

He breathed after realizing it was Victor.

"Pahingi, ha." Kinuha nito ang tinidor at tinusok ang isang karne na walang sabing kinagat. "Ano, wala ka pa rin bang balak na puntahan ako na ako pa mismo ang hahanap sa 'yo?" sabi nito na nakatingala sa kaniya. "Putangina ka, eh. Kumusta ka na?"

Mahinang natawa is Lexus at bumaba para harapin si Victor. "Busy lang."

"Saan ka busy? Ang tagal mo na 'kong hindi pinupuntahan, eh. Nagpapapunta ako rito ng mga tauhan ko, wala raw tao. Busy ka ba ngayon?" Itinaas ni Victor ang kanang kamay para sa fistbump. "Ano?"

Umiling siya at nakipag-fist bump dito. "Hindi naman. Hindi ako nakakapunta kasi sira 'yong sasakyan ko noong nakaraan," excuse niya. "Bakit, may ipapatrabaho ka ba?"

Tumango si Victor at ngumiti. "Marami. Game ka ba?"

Sandaling napaisip si Lexus. "May tanong muna ako. Naniniwala ka ba sa heaven?"

"Gago?"

"I mean . . . kapag may namatay, sa langit ba talaga pupunta?" naningkit ang mga mata niya. "Ano?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Victor. "Hindi ko alam. Gago, hindi ka naman tatanggapin doon," natawa ito. "Sa dami ng ginawa natin, hindi tayo makakapasa roon."

Tama naman. Tumango siya. "Ano na naman bang ipapagawa mo? Kaninong grupo na naman?"

"Basta," ngumisi si Victor. "Malaking grupo. Plano ko na ring guluhin 'yong grupong pumatay kay Spike. Tingin mo?"




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys