Chapter 37

Mula sa reflection ng glass wall, nakita ni Ice ang paglabas ni Lexus. Nanatili naman siyang nakaupo sa pang-isahang sofa at inayos pa ang comforter hanggang sa matakpan ang kalakahing katawa niya.

For some reason, the room became so cold that it was hard for her to bear. The entire room felt empty. The sight outside became darker, and her feelings became heavier.

Isa ito sa hindi kasama sa plano. Dapat hindi siya maaapektuhan sa pag-alis ni Lexus. Dati naman, sa tuwing maghihiwalay sila o hindi magkikita kahit pa umabot ng ilang linggo, wala lang sa kaniya. . . Pero iba sa pagkakataong ito.

Maybe it was the guilt? She didn't know.

She didn't want to know.

Tinanggal niya ang pagkakatali sa buhok niya at sinuklay iyon gamit ang mga daliri niya para bumagsak. Gusto na rin niyang mahiga dahil parang napakahaba ng araw. Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya bukas kaya bahala na.

Pero hindi niya rin maintindihan kung bakit parang hindi siya makagalaw. Gusto niyang tumayo, ngunit nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa reflection niya sa glass wall hanggang sa makita niyang bumukas ang pinto.

Her heart skipped a beat until she realized it was Ares.

"Disappointed?" Ares teased. "Umalis na siya. Nagkausap kami sandali sa labas. Naiwan din muna ang sasakyan niya kasi ayaw mag-start. Babalikan na lang daw niya."

Ice nodded. "The dogs?"

"Sumama sa kaniya, eh. Gusto sana muna niyang iwan, pero sumunod sa kaniya hanggang sa gate kaya sinama na lang niya," Ares crossed his arms. "So, got any plans?"

She sighed heavily and considered whether she had one, but nothing came out. She shook her head in response without even looking at Ares. She didn't want to hear any more questions. Kilala niya rin si Ares. Alam niyang lalapagan siya nito ng mga tanong o sagot sa mga hindi na dapat pinag-uusapan.

"What have you done?" Ares started.

"Ares." Ice breathed and shook her head. "I don't wanna talk about thi—"

"You don't?" Ares chuckled. "We all know that Lexus is dangerous. Kaya nga kahit hindi ko siya gusto, kinaibigan ko 'yang kinakasama mo, 'di ba? Para hindi ako taluhin? Para hindi madamay ang Olympus?"

Nanatiling nakayuko si Ice habang hinahayaang magsalita si Ares.

"What have you done?" Ares exhaled. "Remember what we talked about with Jakob, Tristan, and Martin? We shouldn't cross Lexus. Pinagsabihan ka na namin. Sabi mo okay lang kayo. We didn't mind that you fucked him."

Ice glared at Ares.

"Don't look at me like that. Sa pagkakataong 'to, wala kang karapatang magalit sa 'kin," Ares muttered. "Nandito si Austin at sinabi niyang darating sina Anya at Jakob bukas ng umaga. You should tell them what you did."

DINIG na dinig ni Lexus ang tunog ng baseball bat niyang gumagasgas sa kalsadang dinaraanan niya. Naririnig din niya ang paghaharutan nina Tom Cruise at Cameron Diaz, pero nanatili siyang deretsong nakatitig sa dinaraanan niya. Kita niya ang mga halatang nagsulputan sa daan, mga nakakalat na batong bumagsak mula sa mga building na nagsisimula na ring masira, basag na salamin, at mga plastic na lumilipad.

Nagsisimula na ring magbago ang kulay ng kalangitan dahil umaga na.

Hindi na nga maayos ang magdamag, hindi pa nakisama ang sasakyan niyang ayaw bumukas. Gustuhin man niyang pumunta sa race track, hindi pa siya pinagbigyan.

Sa bawat hakbang, mas nararamdaman niya ang bigat. Hindi naman bago sa kaniya ang iwanan si Ice. May mga linggo na hindi sila nagkikita, pero ngayong pabalik siya sa airport, parang mas naramdaman niya ang pag-iisa.

Mahinang natawa si Lexus nang mayroong ma-realize.

"Tangina, eh," bulong niya sa sarili habang mabagal na naglalakad. "Sa huli pala, ako lang talaga ang bubuo ng istoryang ko rito."

Tumigil siya sa paglalakad nang marinig ang harutan nina Tom Cruise at Cameron Diaz. Inilawan niya ang dalawang asong sabay na naglalakad habang parehong nakakagat sa lubid na kanina pa nilalaro. Hindi niya alam kung saan galing, pero hinayaan niya dahil nagkakaharutan ang dalawa.

Imbes na magpatuloy sa paglakad, naupo muna siya sa sidewalk at pinanood ang dalawa. Natatawa siya dahil minsan pang magkakapikunan ang dalawa na magkakagatan, pero babalik din naman sa paglalaro. Kapag umaalis ang isa, susunod ang isa pa at parang tinatawag na bumalik sa pinaglalaruan nila.

It was dawn, and the sun was almost up. It would be another day, but extra different. He just lost his kid and Ice in just one day.

Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang araw niya nang hindi naiisip ang dalawang taon bigla na lang nawala sa kaniya. Gusto na lang niyang makarating sa airport para makapagpahinga. Wala pa siyang maayos na tulog at iyon ang gagawin niya sa mga susunod na araw pa.

May kalayuan ang airport mula sa kung nasaan siya kaya nagsimula na ulit siyang maglakad. Humihinto siya paminsan-minsan sa tuwing nakikita niyang hinihingal na rin ang mga aso niya. Nagmamasid siya sa lugar para masigurong walang tatarantado sa kaniya dahil hindi niya alam kung ano ang puwede niyang magawa.

Wala siya sa mood at kung sino man ang haharang sa kaniya, baka hindi niya matantiya.

Tanghali na sila nakarating sa airport. Kita ni Lexus ang pagod sa dalawang aso kahit na patigil-tigil naman ang paglakad nila. Naramdaman din niya ang pananakit ng mga paa niya at ang kagustuhang mahiga.

Upon entering the plane, Lexus felt heaviness and started feeling unwanted loneliness. Para siyang bumalik sa mga panahong nagsisimula pa lang magulo ang mundo at naisip na hindi na ulit siya makababalik sa pamilya niya.

Inayos na muna ni Lexus ang eroplano. Tinanggal niya ang pagkakasaksak ng mga gamit pati na rin ng mga ilaw. Itinago niya ang mga gamit na naiwan ni Ice tulad ng damit nito, tuwalya, shampoo, at isang combat shoes na palaging bitbit kung saan man sila nagpupunta.

Pagbaba niya sa kusina, nakita niya ang plastic ng beef jerky na kinakain ni Ice bago ito umalis. Naroon din ang basong ginamit nito at ang iba pang stock galing sa mismong grupo.

Humawak si Lexus sa counter habang nakayuko.

He got used to Ice and knew it would be harder to move forward. Kung noon, wala naman siyang pakialam sa iba, iba sa pagkakataong ito. Halos dalawang taong umikot ang mundo niya kay Ice at habang iniisip ang mga sinasabi nito, na-realize niya na oo nga . . . Simula nang magkakilala sila, hindi na siya masyadong nagpupunta kay Victor. Hindi na niya nagagawa ang ilang pakiusap nito sa kaniya at malamang na sa tuwing nasa gala sila ni Ice, hinahanap siya ni Victor, pero wala siya.

Lexus made himself busy for Ice. He gave Ice everything. He killed for her, too.

He lost his best friend for her.

He lost his baby for her.

Bago mahiga, siniguro na muna ni Lexus na maayos ang pagkain ng mga aso niya. Balak sana niyang iwanan ang dalawa sa Olympus pansamantala lalo na at walang ang kotse niya, pero nagpumilit sumama ang mga ito sa kaniya.

Imbes na matulog sa dating area ng eroplano, kinuha ni Lexus ang isang unan at inayos ang isa pang first class space ng eroplano para doon matulog.

He wouldn't dare sleep where Ice stayed with him.

Isa na lang ang hiling niya. Huwag sanang umulan. Huwag ngayon. Huwag bukas. Huwag muna sa mga susunod pa.

HAPON NA nagising si Ice at pagkatapos maligo, dumeretso kaagad siya sa rooftop ng building. Hindi niya nagawang magpaaraw sa maghapon dahil natulog siya. Hindi siya sigurado kung nasa Olympus na ba si Jakob at Anya. Kung sakali man, mamaya na niya haharapin ang dalawa.

Ice looked up, shut her eyes, and inhaled the fresh air breeze. Hindi na masakit sa balat ang sinag ng araw.

Hinaplos niya ang tiyan niya nang maramdaman ang gutom. Tubig pa lang ang laman ng tiyan niya. Mamaya na siya kakain kapag medyo nahimasmasan na. Medyo iniinda pa rin kasi niya ang sakit ng ulo.

"Water?" Ares stood beside her. "Kumain ka na ba?"

She shook her head. "Maybe later. Dumating na ba sila?"

Ares nodded. "They were asking 'bout you. Sabi ko natutulog ka yata, but I asked people to prepare dinner for us later. Sa unit ko na lang."

"D-Did you tell Kuya?"

"No." Ares sneered. "It's not my story to tell. But are you planning to tell him about your situation? About Lexus?"

Ice nodded and breathed. She stared at nowhere. "I have a favor."

"What?"

"Can you kindly look after Beta Escarra while I go through this? Plano kong mag-stay sa Escarra. I'm planning to live there until I give birth."

Walang naging sagot si Ares sa sinabi niya kaya nilingon niya ito na deretsong nakatingin sa kawalan. Humarap ito sa kaniya, salubong ang kilay at malalim na huminga.

"What have you done, Ice?" Ares said in a low voice. "What you did to Lexus . . . is inhumane. Ayoko sa ginawa mo and I'm glad I am not him. Hindi ko alam kung anong rason mo dahil ilang beses kitang tinanong kagabi, hindi mo sinasabi. But still . . ."

"Please." Ice licked her lower lip. "Don't make it harder."

Ares chuckled. "Sa totoo lang, ikaw lang naman ang nagpapahirap sa situwasyon mo and hindi na 'ko magugulat once Lexus finds out about you not going through termination at niloko mo siya."

Ice looked down and didn't say a word. She turned around, leaving Ares behind. Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa maisipan niyang dumeretso sa kwarto kung nasaan si Anya. Gusto rin niyang makita si Trevor kung sakali man.

Inside the elevator, Ice stared at herself in the mirror and saw how tired her eyes were. Hindi niya alam kung bakit siya umiyak bago matulog. Maybe it was the pregnancy hormones? Baka. Naging iyakin siya na hindi naman dapat.

It was so hard for her to sleep, too. The bed felt huge, and she hated the feeling. The six pillows weren't enough. Something was really wrong.

Dalawang beses siyang kumatok sa unit kung saan tumutuloy ang kuya niya at pagbukas, sinalubong siya ni Anya na buhat si Trevor na nagmamadaling sumama sa kaniya.

Ice's mood instantly lit up upon seeing Trevor, who showered her with kisses and tightly hugged her. Yumakap din sa kaniya si Anya at inaya siyang magpunta sa living area.

"Kumain ka na ba? Nag-aya si Ares ng dinner mamaya. Natuwa nga kami ni Jakob noong sinabi niyang andito ka raw," ani Anya na sumalampak sa carpet. "Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi bumisita sa Escarra, ha? Saan kayo nagpunta ni Lexus?"

Sunod-sunod ang tanong ni Anya at hindi alam ni Ice kung ano ang una niyang sasagutin. Mabuti na lang din at nagsimulang ipakita ni Trevor ang mga laruang kahoy tulad ng motor, kotse, at robot na inukit gamit ang mga kahoy. Ang galing ng pagkakagawa.

"Si Kuya?" tanong niya.

"Hindi ako sure, eh. Sabi niya kasi bababa siya sandali. Baka nagpunta kay Ares?" Tumaas ang dalawang balikat ni Anya. "Ang alam ko, bibisita rin dito si Tristan."

Tumango siya bilang sagot at ibinalik ang tingin kay Trevor. Tuwang-tuwa siya sa pamangkin niya dahil nagsisimula na itong makipag-usap sa kaniya. Panay ang halik nito sa pisngi niya. Minsain din itong uupo sa hita niya o kaya ay paharap pa nga.

"How's Escarra?"

"Okay naman kami. Medyo maraming rescue sa kabila kaya 'yon ang inaasikaso nila Jakob ngayon. Nagsisimula na rin silang mag-training para sa canning, planting, and sa fisheries na sinisimulan nila Nicholas," salaysay ni Anya. "Minsan punta kayo ni Lexus doon. Medyo dumadami na rin 'yong mga isda kaya nagsisimula na silang gumawa ng sardinas. Sobrang galing."

Ngumiti si Ice at tumango. Hinayaan niyang magkuwento si Anya tungkol sa bagong lugar na inaasikaso ng kuya niya at mukhang naka-focus iyon sa mga pagkain. Doon din dinadala ang mga bagong rescue na galing daw sa mga kalakip na probinsya dahil ayaw nang magpapasok ng kuya niya sa Main Escarra.

Nagpatuloy sila ni Trevor sa paglalaro hanggang sa pumasok na si Jakob sa unit para sunduin sila dahil kakain na raw sila. Tristan, Garrie, and Meredith were also present.

She already knew Garrie. Magkakakilala na sila noong maayos pa ang mundo. Nasa iisang circle lang sila noon.

Dumeretso sila sa malaking dining area ng penthouse unit ni Ares. Lumapit kaagad sa kaniya si Garrie at mahigpit siyang niyakap.

"Na-miss kita, ha?" Humiwalay ito at tumitig sa kaniya. "Okay ka lang ba? Parang may sakit ka."

Nilingon niya ang kuya niyang tumingin sa kaniya dahil sa sinabi ni Garrie. Buhat nito si Trevor at nakatayong katabi ni Anya.

"Napansin ko rin. Are you okay?" Jakob squinted. "Pumayat ka pa."

Tumingin siya kay Ares na ibinaba ang pinggan na mayroong inihaw na karne ng baboy. Sumunod naman si Tristan hawak ang bowl na mayroong mashed potato.

Imbes na sumagot, naupo si Ice sa tabi ni Garrie. Hinaplos niya ang mahabang buhok ni Meredith.

"So, kumusta na ang first baby ko?" Ice kissed Mer's forehead. "Na-miss kita, ha! Hindi na tayo nagkikita, eh."

"Eh paano simula noong nag-travel ka, hindi ka na bumibisita sa 'min sa Kampo," sagot ni Garrie. "Samantalang dati, natutulog ka pa roon! Masiyado kang nag-e-enjoy, ha."

Hindi hinarap ni Ice si Garrie at nagpatuloy sa paghaplos sa buhok ni Meredith.

These people knew her so well that even her dry and lifeless hair became a topic. Nakayuko lang siyang kumakain. Isa pa, sinita rin siya ni Tristan sa pagiging tahimik niya.

"Hindi ako sanay na ganiyan ka, eh," nagsalubong ang kilay ni Tristan. "Bakit? Broken hearted ka ba? Huling ganiyan ka . . . Noong nag-break kayo ni Ares, e."

Mahinang natawa si Jakob at Garrie sa sinabi ni Tristan. Nanatili namang tahimik si Ares na tumingin sa kaniya at mukhang naghihintay kung magsasalita ba siya.

Ice was about to drink water when Tristan snatched her glass and gave her a newly opened beer. "Meat and beer kind of person ka, 'di ba? Bakit ka nagtutubig ngayon?"

"Tristan." Ice breathed. "Wala ako sa mood today."

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Jakob asked, frowning. "Jayne?"

Hindi siya sumagot. Wala siyang balak.

"Asan pala si Lexus? Akala ko nandito siya? Nakita ko 'yong kotse niya sa parking," dagdag nito. "Umalis ba ulit?"

Samantalang napansin ni Anya na hindi mapakali si Ice. Panay ang galaw nito sa upuan at madalas na tumitingin kay Ares. Kanina pa niya ito inoobserbahan—sa kwarto pa lang dahil sa tuwing magtatanong siya, hindi ito sasagot.

"Jayne. May nangyari ba?" Ibinaba ni Jakob ang basong hawak at patagilid na nilingon si Ares. "Ano'ng nangyari?" tanong nito sa kaibigan.

Anya and Garrie gazed at each other when Ice breathed heavily and continuously. Panay ang tingin nito sa kanilang lahat at mas naalarma sila nang makita ang pamumuo ng pawis sa noo nito.

Garrie thought . . . This wasn't the Ice she knew. Something must have really bothered her.

"Jayne!" Jakob got Ice's attention. "What's happening?"

Ice tried to calm herself and faced Jakob with a straight face. "I'm pregnant and . . . I told Lexus that I had an abortion and told him to leave."

"W-What?" Tristan and Jakob uttered in sync.

"What the f—"

"Jakob." Pagpigil ni Anya sa sasabihin ni Jakob. "Nandito si Mer and Trevor. Please."

Garrie then stood up, took Trevor from Anya, and asked Meredith to enter the guest room so everyone could talk.

"What the fuck, Jayne?" Jakob exhaled. "What have you done?"

Ice chuckled and sniffed. "I had enough of those questions today, Kuya. Obviously, I am pregnant, and I tricked him into thinking I terminated. Sinabi ko na rin sa kaniya na kilala ko si Victor and th—"

"What?" Jakob stood up. "What the hell did you do? It's you being selfish again. Hindi mo na naman iniisip ang ibang tao. Saril—"

"Jakob." Anya stood up and held Jakob's arm. "Please. Buntis ang kapatid mo."

"No, Anya. Sh—"

"Please," Anya murmured. "Pasok ka muna sa kwarto ni Ares. Hinga ka muna. Hindi ka puwedeng makipag-usap sa kaniya nang ganito. Please, Jakob."

Ice saw how his brother stared at Anya, walked toward the main door, and left. Ares and Tristan followed his brother and she was left alone with Anya. Lumabas din si Garrie mula sa kwarto at inabutan siya ng tubig.

Hindi niya namalayan na nagmamalabis ang luha niya. Mahina siyang natawa nang lumapit sa kaniya si Anya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Bakit ba ako umiiyak? Ganito ba kayo noong buntis? Nakakaiyak ba talaga 'pag buntis?" Sunod-sunod ang paghikbi ni Ice. "Ayoko nito, eh. Ayokong magbuntis. Ayoko 'tong ituloy . . . Hindi ako handa. Natatakot akong maging nanay . . . natatakot ako para sa kaniya."

Pinisil ni Anya ang kamay niya. "Iyak ka lang. Mas mahirap 'pag kinimkim mo 'yan."

"Sa true lang," sagot naman ni Garrie na naupo rin sa tabi niya. Pinagitnaan siya ng dalawa. "Ilabas mo ngayon. Huwag mong pansinin 'yang kuya mo."

"Hayaan mo si Jakob. Ang importante ngayon, ikaw," sabi ni Anya na pinunasan ang pisngi nya. "Alam mo, normal 'yang takot mo. Ganiyan din naman ako noong nalaman kong buntis ako kay Trevor. Kasi ang gulo, eh."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ice dahil sa sinabi ni Anya.

"Kung ano ang magiging desisyon mo, susuportahan kita. Hindi ko alam kung ano ang rason mo kung bakit mo ginawa 'yon kay Lexus, pero mali kasi," pag-aamin ni Anya. "Kung ayaw mong ituloy, maiintindihan kita. Kung gusto mo at natatakot ka, nandito kami. Hindi ka pababayaan ng kuya mo, Ice."

Ice faced Anya. Bigla siyang nahiya dahil para siyang batang humahagulhol sa harapan ni Anya at Garrie.

"Hindi ako sanay na umiiyak ka," pagbibiro ni Garrie na pinunasan ang sariling luha. "Parang ang hirap makitang nagkakaganyan ka, Jayne! Hindi ako sanay!"

"Ako rin," ngumiti si Anya. "But iyak ka lang. May ginawa bang mali si Lexus sa 'yo para maging ganiyan ang desisyon mo?"

Ice looked down and didn't respond. That was the thing. Lexus gave her everything, and yet . . . she betrayed him.




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys