Chapter 35
Madilim at malamig ang buong kwarto ngunit sapat ang init ng katawan ni Lexus na nasa likod ni Ice para maging kumportable ang buong magdamag. Hindi niya magawang matulog. Nakatitig siya sa glass walls na dilim lang at patak ng ulan ang nakikita niya habang mahimbing namang natutulog si Lexus sa likod niya.
Nagigitgit siya ng mga unan at ni Lexus na nakayakap sa likuran niya. She never complained about Lexus hugging her from behind while sleeping. She like the warmth, too. Halos hindi niya kailanganin ang mga unan kapag katabi niya ito.
Malalim ang iniisip niya. Nagtanong na si Lexus sa kaniya nang mapansin nitong hindi siya masiyadong kumakain. Nagugutom siya, pero hindi makakain nang maayos dahil natatakot siyang magsuka. Umaangat ang sikmura niya kahit na anong kainin niya dahilan para mahirapan siya.
It wasn't just a simple morning sickness. It was a whole-day sickness, and the pregnancy wasn't good for her body.
Ice shut her eyes and tried to sleep. Naramdaman niya ang paggalaw ni Lexus sa likuran niya. Inayos nito ang kumot nilang dalawa bago muling yumakap sa kaniya. Nasa baywang nito ang braso, nakasubsob ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg niya, at nakadikit ang isang binti sa kaniya.
And it was another day.
Pagkagising niya, wala na siyang katabi. Maliwanag na rin at wala nang ulan. Mukhang tanghali na na ipinagpasalamat niyang nakatulog siya nang maayos dahil nitong nakaraan, isang rason kung bakit masakit ang ulo niya ay dahil kulang siya mismo sa tulog. But for some reasons, she slept comfortably the whole night.
Maingat siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Mabigat ang pakiramdam niya at masakit ang ulo niya. Naramdaman din niya angpagkalam ng sikmura niya sa gutom.
Bago tuluyang lumabas ng kwarto para muling harapin si Lexus, tinitigan ni Ice ang sarili sa salamin. Visible ang dark circles at ang dry skin niyang nagkaroon ng patches. Napansin din niya na parang walang buhay ang buhok niya.
Ice sighed loudly and fixed her hair. She tied it in a bun before heading outside. Sakto namang lumabas si Lexus mula sa kusina at hawak nito ang dalawang pinggan. Ngumiti ito ngunit nagsalubong kaagad ang kilay nang matitigan siya.
Ibinaba nito ang mga pinggan sa lamesa bago lumapit sa kaniya. Hinaplos ang noo niya, leeg, at pisngi.
"You look visibly unwell," Lexus said in a low voice. "Ano bang nararamdaman mo? Kahapon mo pa rin ako hindi kinakausap masiyado, eh. Nasabi ba ng mga doctor kung ano ang sakit mo? Bakit parang ang tagal mong gumaling ngayon? Sabi ko kasi sa 'yo, huwag kang maligo sa ulan, e."
If it were a different scenario, she would be offended and argue with Lexus. Nakaka-offend kaya na indirectly sinabihan siyang haggard. Instead of responding, she sat down and checked the meals.
Sinabi ni Lexus na galing ang mga pagkain sa pantry at ipinadala lang ni Ares. Ipinainit lang nito para makakain na rin sila ng almusal para kung mayroon daw siyang iinuming gamot, ready na anytime.
Fried rice, fried pork, scrambled egg, at egg soup ang nakahandang almusal nila. Mayroon ding orange juice na ipinagmalaki ni Lexus na nakita raw nito at pinanood kung paano I-juice dahil sobrang fresh at galing sa mismong taniman ng Olympus.
Ice subtly smiled, but she didn't respond again.
Samantalang hindi alam ni Lexus kung magsasalita pa ba siya o mananahimik na lang dahil mismong si Ice, hindi siya masiyadong kinakausap. Mukhang wala talaga sa mood at mayroong dinadamdam. Nakayuko lang ito habang kumakain at seryosong naka-focus sa pinggan na para bang mayroong puzzle na hindi masagutan.
Kahit kaninang madaling araw, naramdaman niya ang pagiging uneasy ni Ice dahil habang natutulog, panay ang galaw nito na parang nananaginip nang masama. Panay ang siksik nito sa kaniya at dumating sa puntong inalis na ni Lexus lahat ng unan para sa kaniya na lang dumikit si Ice.
"After mo kumain, bumalik ka na lang muna sa kama o gusto mong magpunta sa clinic para matingnan ka ulit?" suggestion ni Lexus. "Buong magdamag, hindi ka naman uminit, pero parang hindi ka mapakali."
Tipid na ngumiti si Ice. "Wala naman kasi akong sakit. Hindi lang talaga maayos ang pakiramdam ko," sagot nito sa mababang boses. "Kasama mo ba 'yong dalawang aso?"
"Oo. Naiwan sila sa grounds. Nakikipaglaro sila sa mga aso ni Ares," natawa si Lexus. "Ang lungkot nga nila kanina ka—"
"Lexus, may problema ako," pagputol ni Ice sa sasabihin ni Lexus. Ibinaba pa nito ang kutsara at tinidor bago tumingin sa kaniya. "Buntis ako."
Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ni Lexus at napatitig kay Ice. Malamlam ang mga mata nito na nangingitim pa ang ilalim. Kagabi pa niya napapansin ang biglang pagpayat. Malamig din ang pakikitungo sa kaniya, hindi sumasagot sa kalokohan niya . . . at alam niyang nagsuka ito kagabi na inakala pa niyang stomach flu na naman ang sakit tulad noong nakaraan.
"Dapat checkup lang ako last week kasi hindi maayos ang pakiramdam ko," yumuko si Ice at nilaro ang pagkain gamit ang tinidor. "Pag-check nila sa pregnancy test, nag-positive. Siyempre, in denial ako, eh."
Nanatiling tahimik si Lexus na nakatingin kay Ice. Ibinaba niya ang kutsara't tinidor. Kumportable siyang sumandal sa upuan at naghintay ng mga sasabihin ni Ice.
"Bakit nga ba ako magugulat, eh sex tayo nang sex?" mahina itong natawa. "After two days, pumayag akong magpa-ultrasound."
Nilingon nito ang sala. Tumayo ito at kinuha ang librong kahapon lang ay binabasa nito. Binuklat hanggang sa huminto sa isang pahina bago naglakad papalapit sa kaniya at iniabot ang papel na mayroong kulay itim na print.
"Hindi pa siya masiyadong buo. Makikita mo 'yang parang itim na malaki, that's the sac? I don't know." Naupo si Ice at malalim na huminga. "Isang linggo ko na ring pinag-iisipan and I already decided to terminate."
Sinalubong ni Lexus ang tingin ni Ice. Suminghot ito at kinagat ang ibabang labi.
"We're not ready for this. Hindi tayo naging maingat. Nagtiwala tayo sa katawan natin," tipid itong ngumiti. "At hindi ko kaya 'to. Isang doktor pa lang ang nakakaalam, wala pa rin akong pinagsasabihan . . . ikaw pa lang."
Hindi mahanap ni Lexus ang tamang salita. Hawak niya ang puting papel at nakatitig sa maliit na bilog. Tama naman si Ice, halos parang dugo pa lang ito o hindi niya alam. Hindi naman siya nakinig sa biology noon.
"Maliit na maliit pa dahil four weeks pa lang. Nakausap ko ang doctor and it's the perfect time to terminate para hindi magkaroon ng complication," pagpapatuloy ni Ice. "The abortion will be easy kaya nag-decide ako na bukas ko gagawin. Buti na lang din, nagpunta ka. At least we're both aware now and hindi na ako mahihirapang magtago."
Tumango si Lexus at tipid na ngumiti. "Sa 'kin na lang 'to, ha?" aniya bago itinago ang papel sa sa bulsa ng pantalong suot niya. "Dapat pala kumain ka nang marami, eh. Para at least meron kang energy bukas sa termination."
For some reason, Ice was shocked by Lexus' reaction. Nagpatuloy ito sa pagkain. Nagsandok pa ng sinangag at nakayukong kumakain. Kumuha pa ito ng soup mula sa electric stove. Tinanong din siya kung gusto niya. Walang reaksyon ang mukha. Walang kahit na anong salita.
At dahil walang masyadong ganang kumain si Ice, nag-excuse na siya para pumasok sa bathroom dahil gusto niyang maligo. She was feeling hot and uncomfortable. Her body felt so tired and she didn't want to move that much. Pinag-iisipan niya kung sasabihin ba niya sa kuya niya ang tungkol dito o itatago na lang at sasabihan ang mga doktor.
Hindi pa niya nasasabi sa doktor ang tungkol sa desisyon niya dahil pinag-isipan niya muna iyon.
Meanwhile, Lexus walked towards the open grounds to give Tom Cruise and Cameron Diaz some leftover food. Lumapit sa kaniya si Ares.
"May sugat si Tom Cruise sa may paa. Dadalhin ko siya mamaya sa vet, ha?" sabi nito na pinanood ang mga aso niyang tumakbo. "Kumusta si Ice? Kumain na ba?"
"Oo, kakatapos lang din naming mag-breakfast," casual na sagot ni Lexus na para bang wala siyang nalaman. "Meron ba kayong popcorn dito? Parang bigla akong nag-crave? Ang ganda kasi ng view sa kwarto ni Ice. Para akong nanonood ng apocalypse movie."
Natawa si Ares sa sinabi niya. "Manghingi ka sa pantry. Sila ang nagluluto kasi corn kernels lang 'yon na galing sa St. Pierre. Ice like it with salt."
Tumango siya at nagpasalamat. Dumeretso kaagad siya sa pantry para magpaluto ng popcorn. At kahit na madalas na siya sa Olympus, hindi pa rin nawawala ang patagilid na tingin sa kaniya ng ibang tauhan ni Ares. Madalas na iniiwasan siya ng mga ito o hindi naman kaya ay dadaanan lang ng tingin. Wala siyang ginawang masama ngunit aware kasi ang mga ito na tagalabas naman talaga siya.
Nakapasok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalong suot nang maramdaman ang papel. Hindi niya iyon magawang ilabas. Saglit lang niyang tinitigan kanina at hindi siya sigurado kung kaya niya ulit.
Maingat niyang hinaplos ang papel mula sa bulsa ng pantalon nang biglang nag-sink in sa kaniya na hindi lang iyon basta papel. It was the ultrasound print of his child—whom he never thought he would even have!
Lexus looked down and frowned. Ice's words kept repeating inside his head. The pregnancy, the termination. Bago pa man lumalalim ang lahat, tinawag na siya at ibinigay ang paperbag na mayroong lamang popcorn. Amoy na amoy niya ang butter sa loob. Gusto niyang dumukot, pero pinigilan niya ang sarili niya hanggang sa makarating ulit siya sa kwarto.
Naabutan niya si Ice na nakasalampak sa carpet at nakasandal sa sofa na iniharap sa glass walls. Malamang na nagbabasa na naman ito ng libro.
"Akala ko umalis ka na," sabi ni Ice sa mababang boses na hindi tumitingin sa kaniya. "Popcorn?"
Naupo si Lexus sa tabi ni Ice, pero nasa gitna nilang dalawa ang paperbag na may popcorn. Nakita niyang ngumiti si Ice nang matikman ito. Sunod-sunod ang pagkuha habang naka-focus sa librong binabasa.
"H-Hindi naman ba delikado ang procedure?" tanong niya.
Natigilan si Ice sa tanong ni Lexus at patagilid niya itong tiningnan. Nakatitig ito sa kung saan—sa glass walls kung saan kita nila ang mga building na nasira na, basag na salamin, at daanang nilalamon na rin ng kalikasan.
"Tingin ko, hindi naman," deretsong sagot ni Ice.
Tumango si Lexus bilang sagot. Dumukot ito ng popcorn at sumandal sa sofa tulad niya.
"Napadalas kasi tayo nitong nakaraan, eh," mahinang natawa si Lexus. "Sana pala binalot ko na lang kaysa ganito. Kelan mo pala napag-isipan na . . ."
"Since the day I found out about it," ani Ice. "Hindi kasi natin kaya. Hindi ako ready at sigurado akong hindi ka rin ready. Wala ka ngang maayos na bahay. Soloist ka at ayaw mong natatali. Ayoko rin namang magkaroon ng responsibilidad. Sa buhay na 'to, hindi siguro. Mali lang nating dalawa na nakampante tayo."
Yumuko si Lexus at tinitigan ang pantalong suot niya. May point naman si Ice. Pantalon nga niya, ilang taon na niyang suot. Kumukupas na at halos nagkakabutas na ang laylayan, magkakaanak pa siya.
"Ano sa tingin mo? What's your take?" Ice asked casually.
Lexus was actually shocked that Ice even bothered asking him. "Mukhang wala naman na 'kong say, eh. Nakapag-decide ka naman na. Nasabi mo naman na sa 'kin ang plano mo, hindi ko na babaliin 'yan. Alangan namang pilitin kitang buhayin 'yan . . . Eh katawan mo 'yan."
Ice stared at him sideways.
"Siyempre, your body, your rules. Ikaw naman ang mahihirapan at wala akong magiging ambag sa pabubuntis mo na 'yan," mapait na ngumiti si Lexus dahil parang pinipiga ang puso niya sa mga salitang sinasabi niya. "As much as I don't want . . ." Tumigil siya at nakagat ang ibabang labi. "Tama ka rin naman. Magulo ang buhay ko, hindi ligtas ang magiging anak ko rito sa mundong 'to."
Lexus gazed at Ice sideways and saw her lips curled into a small smile before looking away. Sa pagkakataong ito, nakatitig na siya sa side profile ni Ice. For some reason, he started imagining what their kid would look like just in case they were in the normal world.
For the first time in years, Lexus felt resentment against the world. Malamang na kung hindi ganito ang buhay nila, kung hindi siya naging mamamatay-tao, kung may maayos siyang bahay, magandang food source, at matinong desisyon sa buhay, malamang na mahahawakan niya ang anak nila ni Ice.
He wanted to protest. He wanted to tell Ice to continue with the pregnancy, but how? Kilala niya si Ice. Malamang na ilalatag nito sa kaniya lahat ng pagkukulang, pagkakamali, at wala sa kaniya. May katotohanan iyon kaya mas masakit.
Kaysa tuluyang masaktan at mapaisip sa mga posibilidad na hindi naman mangyayari, nagkuwento si Lexus tungkol sa dalawang aso. Tawa nang tawa si Ice nang mabanggit niya ang tungkol sa pakikipaglaro ni Tom Cruise sa mga Dobermans ni Ares dahil malaki naman ang aso nila, pero nagmukha itong tuta sa tabi ng apat na malalaking aso.
Lexus wanted to shrug off the feeling and move forward. He didn't want to get attached to having a child. He didn't want to. Wala sa plano, pero ang marinig na mayroong buhay na galing sa kaniya at mawawala rin kinabukasan ay nagpapabigat sa kaniya.
They changed the topic and tried hard not to talk about the situation until Ice fell asleep.
Nakatulog na ito sa sofa yakap ang isang unan. Kinuha naman niya ang kumot galing sa kwarto. Kumuha pa siya ng dalawa pang unan at inilagay sa pagitan ng legs at likod. Pinatay rin muna niya ang ilaw. Magdi-dinner na dapat sila, pero hindi na kinaya ang antok.
Lumebel si Lexus sa mukha ni Ice at tinitigan ito. Napansin niya ang pagnipis ng buhok dahil halos nakikita na niya ang anit. Napansin din niya ang pababalat ng labi, ang pagiging halata ng collarbones at isang linggo pa lang silang hindi nagkikita, napansin kaagad niya ang pagbawas ng timbang.
Maybe the pregnancy wasn't really good on Ice. Naaapektuhan na rin kasi ang pisikal nito at malamang pati ang mental at emosyonal.
He caressed Ice's forehead and kissed her temple before standing up. Madilim ang buong kwarto. Nakaharap siya sa glasswall na ultimo reflection, hindi niya nakikita. Wala rin siyang makita sa labas dahil madilim.
Surprisingly, the moon showed tonight, and Lexus looked up.
Ice called the moon Luna and the sun as Sol.
For Lexus, Ice was both his Sol and Luna. . . but today, after finding out about the decision, both dimmed. Parehong nawala ang ningning. Biglang nawalan ng kulay ang paligid.
Muling inilabas ni Lexus ang papel na nasa bulsa niya. Wala siyang makita dahil madilim. Literal na naramdaman niya ang lamig at kadiliman. Literal na nawala ang kulay ng paligid. Literal na nawalan ng buhay ang daigdig.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top