Chapter 34
After months of travels together, Lexus and Ice had to stop because the camper van broke. It had to be repaired, and the mechanic mentioned that it may take weeks or even months to be fully functional just to be safe.
Mas napapadalas ang pagtambay nila sa eroplano lalo na at mayroon na ring kuryente.
Hindi alam ni Lexus kung magpapasalamat ba siyang madalas na umuulan nitong mga nakaraan. Bukod sa nakakaipon sila ni Ice ng mga tubig na puwede nilang gamitin, madalas din itong naliligo sa ulan kasama ang mga aso nila.
It was the same old routine. Ice ran with the dogs and sometimes lay on the ground to feel every raindrop. Minsan pa itong kakanta baka raw kasi effective na hindi muna tumigil ang ulan. Minsan naman ay nakahiga lang sa pakpak ng eroplano at hinahayaang damhin ang malamig na bugso ng ulan.
Ares and Lexus once talked about Ice. Nabanggit nito sa kaniya na masayahin si Ice noong normal pa ang mundo. Palagi itong nakangiti at nakatawa. Even the stolen paparazzi photos looked like a photoshoot whenever Ice was around.
And that smiling face became rare during the dark world.
Mahinang natawa si Lexus sa na-realize. Simula nang makasama niya si Ice halos dalawang taon na ang nakalilipas, dark world na rin ang tawag niya sa magulong mundo. Sa halos dalawang taon, umikot ang mundo niya kay Ice at wala siyang pinagsisisihan. Halos hindi na niya nakikita ang ibang kakilala dahil kay Ice. Sa mga panahong iyon, para siyang nagkaroon ng ibang purpose bukod sa tumanaw nang utang na loob sa ibang tao.
Ibinalik niya ang atensyon kay Ice na umakyat na ulit sa pakpak ng eroplano. Sinabihan siya nitong isilong at punasa na ang mga aso. Nagpaalam din ito sa kaniya na maliligo na muna sandali.
Nang masiguro niyang tuyo na ang dalawang aso, sumunod siya kay Ice sa bathroom na kaagad ipinalibot ang dalawang braso sa leeg niya.
Ice crashed her lips into him, and they made out inside the bathroom. They weren't in a rush. The kisses were slow and passionate, and both weren't sure if the kisses would lead to sex.
But yes, after showering, both didn't bother dressing up and went straight to bed and fucked. Lexus was on top, thrusting. Ice's hands held onto the ends of the pillowcase as if it would support her.
She felt how hard Lexus moved inside her. She felt both pain and pleasure with every inward thrust. She even felt the bulge on her lower stomach and didn't mind. Sanay na siya kung tutuusin, pero hindi pa rin niya maiwasang manibago paminsan-minsan.
"Ah!" Ice moaned when Lexus bit her nipple. "Hilig mo gawin 'yan."
Lexus looked at her with a smug face and then smiled widely. Ice was about to say something, but she sneezed. Three times, to be exact, and sniffed. Ilang araw na ring hindi maayos ang pakiramdam niya, saktong naligo pa siya sa ulan.
Ikinagulat niya nang tumigil si Lexus sa paggalaw at hinalikan siya sa pisngi. Hinaplos din nito ang buhok niya. "Matulog ka na muna," anito bago bumangon.
"Ayaw mo na?" tanong ni Ice.
"Gagi, sinisipon ka na nga, sex pa rin nasa isip mo," pagbibiro ni Lexus. "Gusto mo ng tubig?"
Umiling si Ice at bumangon. Isinuot niya ang damit niya. Sumunod siya kay Lexus papunta sa ginawa nitong maliit na kusina sa ilalim ng eroplano at naabutan itong nag-iinit ng tubig gamit ang electric kettle. Naupo siya sa counter at pinanood itong ayusin ang pagkain nilang dalawa.
It was a soup in a mason jar preserved from Escarra. Inilabas din ni Lexus ang dehydrated scrambled egg para iluto pati na rin ang bagong lutong tinapay na dalawa niya kanina.
"Baka pala uuwi ako kaagad bukas," ani Ice. "May kailangan kasi akong ayusin sa factory."
"Sige lang. Dito lang naman ako. Pumunta ka lang 'pag gusto mo," sagot ni Lexus. "Kumusta pala si Marjorie?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "Hindi siya nakakausap nang matino. Sinabihan na 'ko nila Ares na itigil ko na 'yong ginagawa ko," mahina siyang natawa. "Ang lalambot nila, 'no? Wala akong planong itigil kung ano ang ginagawa ko sa kaniya. She'd been paying for what she did to Anya, but that wasn't enough. If she thought she could getaway after months or years, she's wrong."
Patagilid na nilingon ni Lexus si Ice at seryoso ang boses nito. Huling kita niya kay Marjorie, tahimik lang itong nakayuko. Malayo sa dating palabati at palaging nakangiti. Spike's death took a toll on Majorie. Aside from being isolated and no sense of time, Lexus knew how much Majorie loved Spike. At ang pagkamatay ni Spike ay isa lang sa dahilan. Naalala niyang panay ang tanong ni Marjorie sa sarili kung bakit. . . Why did Spike betrayed them by having sex with Ice?
Bumalik ang atensyon ni Lexus kay Ice nang magkuwento ito tungkol kay Trevor na nagsisimula na rin daw magsalita at nagpapahabol na.
"My parents would be so proud of Kuya Jakob," ngumiti si Ice. "Nakita ko kung paano niya alagaan si Anya and Trevor. Aside from his duties as Escarra's boss, hindi niya napapabayaan ang family niya. My mom would be so proud of him. That's for sure."
Iniabot ni Lexus ang bowl na mayroong soup. "For sure naman, sa 'yo rin. Napalago n'yo ni Jakob ang business ng mommy niya kahit na nasa magulong mundo na kayo. You're thriving. You survived this life for years and you're still here. Boss na boss ka pa rin."
Natawa si Ice sa sinabi ni Lexus at hinipan ang mainit na sabay. Panay ang singhot niya dahil mayroon siyang runny nose—malamang dahil sa pagligo sa ulan.
"Uminom ka na kaagad ng gamot bukas pagdating mo sa lungga mo," ani Lexus. "Wala akong gamot dito, eh. Para hindi na 'yan lumala. Masakit pa rin ba ang ulo mo?"
—
Kinabukasan, pagbalik ni Ice sa Beta Escarra, kaagad siyang dumeretso sa infirmary para kumuha ng paracetamol. Masakit ang ulo niya at halos hindi siya makapag-isip nang maayos. Uminom siya nang isang boteng tubig bago pumasok sa meeting room kung saan naghihintay na si Argos, ang supplier nila ng mga bakal.
"Ayos ka lang?" tanong ni Argos na inabutan ulit siya nang bote ng tubig. "Kanina ka pa napapapikit."
"Masakit ang ulo ko," pag-aamin ni Ice. "Wala pa rin ba tayong mahanap na ibang bakal? Nahihirapan pa rin kayo?"
Tumango si Argos. "Sa totoo lang, oo. Gumagawa naman kami ng paraan. Magde-deliver kami kaagad sa mga susunod para sa mga kailangan n'yo, pero alam mong limitado pa rin ang resources na meron tayo."
It was becoming the problem recently. The resources were limited and Ice even wanted to stop the solar panel productions and leave it to Jakob. Nitong mga nakaraan, busy siya sa pag-iisip ng puwedeng ipatrabaho sa mga tauhan niya. She wanted to focus on food production instead.
Muling hinaplos ni Ice ang sintido niya nang maramdaman ang pagguhit nang sakit. Malalim siyang huminga at kaagad na kinuha ang bote ng tubig para tunggain.
"Ice." Kinuha ni Neri ang atensyon niya. "Tapusin na natin 'tong meeting mo. Dadalhin ka muna namin sa Olympus kaysa ganiyan."
"Ok—"
"Ate." It was Lana. "I'll drive you to Olympus after this meeting. Kanina ka pa rin singhot nang singhot at saka nagsuka ka na kanina pagkatapos mong kumain. Baka mamaya na-food poison ka na or stomach allergy ka na naman dahil kung ano-ano ang kinakain n'yo ni Kuya Lex."
Natawa si Ice sa sinabi ni Lana dahil tatlong beses na siyang nagkakaroon ng stomach flu simula nang mag-travel sila ni Lexus. Noong nakaraan ay dahil sa isda. Hindi niya alam kung bakit, pero mahina pala ang tiyan niya sa mga random na pagkain. Kinain din naman ni Lexus, pero walang naging problema.
Hindi na nakapalag si Ice nang dalhin siya ni Lana sa Olympus. Kaagad silang sinalubong ni Ares na itinanong kung ano ba ang nangyayari. Lana explained and Ares immediately asked a nurse to accommodate her.
While inside the room, a doctor asked Ice multiple questions about her recent travels, food histories, and even her menstruation. Tinanong din nito kung sexually active ba siya at sinabi niyang oo dahil iyon naman ang totoo. The doctor even asked about her contraceptive. Napaisip siya dahil nitong mga nakaraan, nawili sila ni Lexus na walang condom. Mayroon naman minsan—kapag sigurado siyang hindi safe.
But regardless of her answers, the doctor suggested a pregnancy test just to be safe. Bago raw magreseta ng gamot para sa nararamdaman niya, mas mabutin matingnang maigi ang lahat.
Someone drew blood and checked her heart rate and even her oxygen levels. They even did a urinalysis. Wala pa naman kasi siyang poop kaya hindi rin natuloy dahil hindi naman siya nadudumi.
Kumportableng nakaupo si Ice sa gilid ng upuan habang hinihintay ang resulta ng test niya. Kumukuyakoy siya at iniisip ang puwede niyang gawin sa mga susunod at kung saan siya pwedeng magpunta. The camper van was still broken and she needed a diversion. Nasanay siyang nasa daan nitong mga nakaraan at umaalis kaya malungkot siyang nasira ang nag-iisang sasakyang puwede niyang gamitin.
Ice already thought about using one of her solar-powered cars, pero nabanggit sa kaniya ni Lexus na mukhang may paparating na bagyo dahil iba ang kulay ng langit at napapadalas ang pag-ulan nitong mga nakaraan.
She knew it was a good thing. Nagagamit nila ang ulan at napapadalas ang pag-iimbak nila nitong mga nakaraan.
"Miss Ice?" Pumasok ang babaeng doktor ng Olympus sa kwarto kung saan siya naghihintay. "Sinisipon pa rin po ba kayo?"
Tumango siya at saktong suminghot. "Naligo rin kasi ako sa ulan kahapon. Medyo masakit din ang ulo ko. Dahil sa sipon?"
Ngumiti ang doctor at tumango. "Possible po, pero meron ding ibang dahilan," sabi nito na lumapit sa kaniya. "Kasi Miss Ice, are you aware that you're currently pregnant?"
"W-What?" Ice tried to process what the doctor said. "I'm . . . what?"
Instead of saying anything, the doctor gave her a positive pregnancy test kit. Two lines. Her heart pounded her hands shook the moment she held on the white stick. Her breathing became heavier each second.
"A-Are you even sure this is accurate? I mean . . ." She sounded in denial, of course. "Hindi naman 'to palaging accurate, 'di ba?"
The doctor nodded. "Yes, Miss Ice. There's a possibility na hindi talaga siya accurate. During the normal world, there's a 1% chance na hindi siya accurate. Pero ngayon since we're just trying to recreate, baka mas malaki ang chance."
Hindi nakasagot si Ice sa sinabi ng doctor. Ibinalik niya ang tingin sa test kit na hawak niya. Naririnig niya ang sinasabi ng doctor na nakalagay sa notes na sexually active siya at mayroong mga pagkakataong hindi sila gumagamit ng proteksyon. It was true, but she couldn't believe it really was happening.
"Pero alam ko naman kung kailan ako safe." Nagsalubong ang kilay ni Ice. "And even though . . . Wait. I know science. I am aware na hindi naman palaging accurate ang calendar method and withdrawal, but . . . fuck. Can we recheck this?"
The doctor nodded. "To be sure, gusto mo bang gamitin na lang natin ang sonogram? Mas makikita rin natin doon if you're really pregnant. Naalala mo ba kung kelan ka huling nag-mens?"
Ice's brows furrowed. Fear started building inside her. She was still in denial, and confirming the pregnancy would be the last thing she wanted. Gusto niyang umatras, pero sa mga nararamdaman niya nitong mga nakaraan, everything made sense.
She was feeling a little off lately. Madalas siyang nahihilo. Madalas na sumasakit ang ulo niya at gusto lang niyang mahiga. Even sex had been a challenge lately. Madalas na hindi sila natatapos ni Lexus dahil sumasakit ang puson niya. She thought it was just premenstrual syndrome. Naramdaman din niyang madalas na umiinit ang temperature ng katawan niya. Plus, she had been craving fish recently.
Bumaba si Ice sa kama at umiling. "Maybe it'll pass. Maybe false-positive?"
"Ayaw mong ma-confirm?" tanong ng doctor. "It'll lessen your overthinking kung meron man o wala. Kung wala, we can give you the right medicine to address what you're feeling. K-Kung meron, we need to do something kasi the first trimester is crucial."
Ice stopped walking and breathed. For the first time, she didn't know what to do.
HUMINTO SI LEXUS sa tapat ng gate ng Beta Escarra. Isang linggo na silang hindi nagkikita ni Ice. Nagkaroon siya ng trabaho ng dalawang araw, pero pagbalik niya sa airport, walang sign na dumating si Ice kaya naisipan niyang bisitahin ito.
Kaagad naman siyang sinalubong ni Neri. Kahit papaano ay nakakausap at nakakabiruan na niya ito, pero madalas pa ring seryoso.
"Wala si Ice. Almost one week na siya sa Olympus kasi nagkasakit," sabi ni Neri. "Puntahan mo na lang siya roon. Walang sinabi si Lana kung kelan babalik si Ice. Mukhang matindi ang sakit, eh. Naggagamot yata."
Nagsalubong ang kilay ni Lexus. "Ang tagal namang gumaling ng sipon no'n. Sige, salamat. Doon na lang ako pupunta."
Pagsakay niya sa kotse, nakita niyang parang nagtaka si Tom Cruise at Cameron Diaz na umatras sila at hindi dumeretso sa loob. Parehong nakatingin ang dalawa sa bintana dahil sanay ang mga itong pumapasok sa Beta Escarra.
Masakit ang katawa ni Lexus dahil galing siya sa isang pakiusap ni Victor. Gusto niyang matulog, pero gusto muna niyang kumustahin si Ice kaya naisipan niya itong puntahan. Sa pagkakataong ito, binilisan niya ang takbo ng sasakyan niya hanggang sa makarating sa Olympus. Hindi rin kasi nagtatagal si Ice sa lugar nito nang walang dahilan kaya may pag-aalala sa parte niya.
Kilala na rin ng mga tauhan ni Ares ang sasakyan niya kaya sa malayo pa lang, binuksan na ng mga ito ang gate para makapasok siya. Nag-park siya at kaagad na pinakawalan ang aso na nagmadaling tumakbo papunta sa malaking open space na napapagitnaan ng mga matataas na building.
Nakita niya si Ares na lumabas ng opisina nitong malapit sa mga kulungan ng mga aso. Nakipaglaro naman sina Tom Cruise at Cameron Diaz sa ilang rescue dogs ng Olympus.
"Si Ice?" kaagad na tanong ni Lexus. "Sabi ni Neri, nandito daw, eh."
"Oo. Parang kakaakyat lang din niya kanina, eh. Nakipaglaro siya kila Willow kanina," sagot ni Ares. "Alam mo naman na kung saan ang kwarto niya. Puntahan mo na lang."
Tumango si Lexus at nilingon muna ang dalawang asong masayang nakikipaglaro sa iba. Sigurado siyang sawang-sawa na ang dalawa sa pagmumukha niya kaya hinayaan na rin muna niya ang mga ito. Dumeretso siya sa sa isang building at sumakay sa elevator. Panay ang hikab niya dahil inaantok siya. Buong magdamag siyang gising at nang matapos ang pakiusap ni Victor kaninang umaga, kaagad siyang umuwi.
Tumingin siya sa orasang nasa loob ng elevator. It was already five in the afternoon. Malamang din na gising si Ice.
Sa tapat ng pinto, ilang beses siyang kumatok. Hindi siya nagsalita o ano hanggang sa marinig niya ang boses ni Ice na sinabing pumasok na siya. Kaagad nagtama ang tingin nila. Nakaupo ito sa sofa, nagbabasa ng libro. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya ngunit kaagad nagsalubong.
"Saan ka galing? Bakit ganiyan itsura mo?" Sinara ni Ice ang libro. "Bakit parang antok na antok ka?"
Tipid na ngumiti si Lexus. "May trinabaho ako nang dalawang araw, e. Ikaw? Kumusta ka? Galing ako sa Beta. Sabi ni Neri nandito ka raw. Ano'ng nangyari sa 'yo?" Hinaplos niya ang noo ni Ice. "Hindi ka na nilalagnat?"
Umiling si Ice. "Ang baho mo, ha. Mag-shower ka nga roon. Amoy lupa ka."
"Grabe ka naman," sagot niya, pero natawa. Totoo rin naman. "Saglit lang. Ligo lang ako saglit. Mabilis lang para hindi naman nakakahiya sa 'yo."
Meanwhile, when Lexus entered the bathroom, panic rushed through her. The realization that Lexus was in here and she was hiding something for almost a week now. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa siya umuuwi sa Beta Escarra o hindi nagpapakita kay Lexus. The morning sickness was becoming severe at alam niyang makakahalata ito.
Dalawa pa lang sila ng doctor na nakakaalam tungkol sa situwasyon niya. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa iba o hindi muna. Hindi niya alam kung sasabihin pa ba niya kay Lexus o hindi na. . . hindi niya alam.
Bigla siyang nahirapang huminga at parang nanikip ang dibdib niya. Tumayo siya at humarap sa glass wall. Humawak siya sa dibdib niya kung nasaan ang puso para pakalamahin ang sarili.
"Inhale. . ." Ice's lips formed at 'o'. "Exhale."
She did that repeatedly until, slowly, she calmed down. Her hands weren't shaking anymore, and her breathing wasn't as shallow. Her heart was still beating fast, and thinking that maybe . . . It was also her hormones that were fucking up with her emotions.
Nanatiling nakatayo si Ice sa harapan ng glass wall nang makita niya ang reflection ni Lexus mula sa salamin. Tinutuyo nito ang buhok. Wala itong pang-itaas at suot lang ang pantalon. Naglalakad ito papalapit sa kaniya at hindi siya nagkamali nang ipalibot nito ang kanang braso sa baywang niya at hinalikan ang balikat niya.
"Ayos ka lang?" tanong nito bago hinalikan ang likod ng ulo niya. "Saan may masakit?"
Ice didn't know how to respond. Instead, she rested her back against Lexus and said nothing.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top