Chapter 29

Nang masiguro ni Lexus na wala na sina Ice at Spike, kaagad niyang ibinalik si Marjorie sa kwarto nila ni Ice. Idiniretso niya ito sa bathroom at tinanggal ang telang nakatakip sa bibig. Wala itong reaksyon, pero tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa magkabilang mga mata.

He was silent, but he didn't feel any remorse.

Alam niya kung gaano kamahal ni Marjorie si Spike na sinunod nito ang suggestion ng kasintahan na pumasok sa isang malaking grupo para makinabang sa mga resources. Iyon ang ginawa ni Marjorie. Alam ni Lexus na hindi naging madali ang lahat. Marjorie used to be a model and then became a ranger just to gain the trust, resources, and power in Escarra. She did everything because Spike asked her to.

Ibinalik niya ang tela sa bibig ni Marjorie at iniwan ito sa bathroom. Ni-lock din muna niya ang kwarto bago lumabas at nagkunwaring kararating lang sa resort. Nakita kaagad niya sina Ice at Spike na naglalakad papunta isang gazebo galing sa kusinang nasa likod ng hotel.

Kahit may galit, pinilit ni Lexus ang ngumiti at magkunwaring walang nangyari. Inakbayan niya si Ice at hinalikan ito sa pisngi bago hinarap si Spike na para bang walang nangyaring kagaguhan. Normal itong nakikipag-usap sa kaniya at ikinukuwento ang tungkol sa pagpunta sa paligid ng resort para ipasyal si Ice dahil na-bore. Gusto niyang matawa, pero pinigilan niya ang sarili. Masaya siyang sumasagot at nakikipagkuwentuhan, pero habang nakatingin sa kaibigan, wala na ang tuwa sa tuwing nakakausap niya ito.

Meanwhile, Ice observed Lexus and Spike the entire day. Both were talking casually. Pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa mga naging trabaho ni Lexus nitong mga nakaraan. Wala siyang idea kung ano iyon dahil hindi naman siya nagtatanong.

Ice saw how Spike talked to Lexus as if he didn't fuck her.

Uminom siya ng tubig dahil nararamdaman niyang iba ang tingin ni Lexus sa kaniya. Alam niyang mayroong galit dahil sa nangyari, pero hindi siya nagsisisi. Matindi na ang galit niya kay Spike at Marjorie and she wanted to break them so bad. But she also knew that Lexus felt guilty about betraying Spike and didn't want him to lalo na at alam niya ang posibleng kainatnan ni Spike oras na makaharap nito ang kuya niya.

Buong maghapon silang magkakasama, pero mas naunang magpaalam si Ice sa magkaibigan. Hindi niya matagalang hindi siya tinitingnan o pinapansin ni Lexus. Hindi pa nga ito naupong katabi niya. Maybe breaking that friendship was too much, but she did it for Lexus. Ayaw niyang madamay ito sa galit ng kuya niya. Isa pa, wala siyang pakialam.

Parehong nakahiga sina Ice at Lexus habang naghihintay nang tamang oras. Walang nagsasalita. May kaba rin sa dibdib ni Ice kung magagawa ba nila ang plano, pero bahala na. Hindi sila nagkausap ni Ares, pero nag-rely siya ng message mula kay Lexus na huwag munang sasabihin sa kuya niya ang lahat para walang false hope. Gusto niyang malaman ni Jakob ang lahat kapag nakuha na nila mismo si Anya para tapos na.

Tumunog ang relong suot ni Ice. Nagkatinginan sila ni Lexus na kaagad bumangon at isinuot ang T-Shirt na hinubad nito kanina. Sinunod ang hoodie na kulay itim na mayroong tatak ng sikat na brand noon. Isa-isa na ring inilagay ang mga kutsilyo at baril sa belt. Bumangon din siya at inayos ang buhok niya. Inipit lang niya iyon sa bun para hindi maging sagabal kung mayroon mang mangyari.

"Ares." Itinapat ni Ice ang long-range walkie-talkie sa bibig niya at bumulong. "My timer's up. Lasing na lasing si Spike kaya we're good to go. His right hand tho. I think siya ang nagbabantay sa taas."

"Sige. We're ready. Nandito kami. Fifty meters away, waiting," sagot ni Ares. "Jayne, take care."

"Yes, Sir," Ice smirked and chuckled. "Ingat din kayo."

Nilingon niya si Lexus na nakatingin sa kaniya, pero kaagad na umiwas. Wala man lang reaksyon. Kanina pa siya hindi pinapansin, eh 'di hindi rin niya papansin. Nilagpasan pa nga siya.

Sinilip na muna ni Ice si Marjorie at nasilaw ito sa flashlight na itinutok niya. Ngumiti siya at nagpaalam na kukunin na nila si Anya at na mag-ready kung ano man ang maging desisyon ng kuya niya. Siya mismo, walang idea. She knew that her brother could be forgiving, but this was a different case.

Ice knew that Anya was Jakob's life now and he would literally give up everything. Naalala niya ang sinabi ni Lexus na kuwento ni Spike. Si Spike pala mismo ang humampas ng golf club sa kuya niya and the asshole was planning to negotiate.

Jakob giving up Escarra in exchange for Anya . . . And she knew that his brother might agree.

Sumunod siya kay Lexus na papunta sa rooftop at habang nasa hagdan, nakarinig sila ng mga boses. Mga lalaking nagsasalita at sumisigaw na huwag at babaeng tumitili.

Lumungon sa kaniya si Lexus at nagmadaling tumakbo paakyat. Ganoon din si Ice na inilabas ang maliit na baril na palagi niyang dala. Dinaanan niya ang mga taong nakakulong. Halos masuka siya sa amoy. Halo-halong amoy na hindi niya maintindihan.

Nagmadali siyang lumapit kung saan nakakulong si Anya at nakita ang lalaking sumasakal sa asawa ng kuya niya. Kaagad itong hinila ni Lexus dahilan para mapahiwalay sa selda at hindi na nagdalawang isip si Ice na kalabitin ang gantilyo ng baril na hawak niya. Paulit-ulit-ulit hanggang sa hindi na gumagalaw ang lalaking nakilala niya.

It was Spike's right hand. Tama siya na ito ang nagbabantay at hindi niya gusto ang ugali nito dahil balasubas magsalita. Isang beses pa lang niya itong nakikita, pero gusto na niyang dispatchahin dahil pangit na nga, pangit pa ugali.

Paulit-ulit hanggang sa makita niya ang mga dugo sa kulay berde nitong T-Shirt. Sinipa niya ang hita nito dahil wala lang, trip niya lang, bago lumapit sa selda.

Karga ni Lexus si Anya at kaagad na nagbago ang itsura niya nang maamoy ito. Pinilit niya ang sarili na huwag mag-make face lalo nang pandilatan siya ni Lexus dahil malamang, naaamoy na rin.

"Hello!" pagpapakilala ni Ice, pero sigurado siyang halos hindi na siya naririnig. Nangangalo-mata na rin kasi ito at parang hirap na hirap na. Nakita rin niyang namumuti na ang labi, nagbabalat pa nga sa dryness, at ang tigas na ng buhok.

"Anya?" Pagkuha niya ulit sa atensyon nito na pinilit ang dumilat. "Te, ambaho mo na."

Mahinang natawa si Anya bago inihilig ang ulo sa balikat ni Lexus na natawa dahil sa sinabi niya. "Ito hindi man lang nagpigil."

"Eh kasi!" reklamo ni Ice ngunit kaagad na natigil ang sasabihin niya nang marinig ang tahulan ng mga aso sa ibaba.

Sumilip si Ice at nakita ang Hummer ni Ares kasunod ng pagbaba ng apat na aso. Sumunod si Ares at tumingala, pero malamang na hindi siya nakita dahil wala naman silang liwanag maliban sa mga flashlight na dala ng mga tauhan ni Ares.

Humarap si Ice kay Lexus na buhat pa rin si Anya. Kita niya ang pagod sa mukha ng asawa ng kuya niya. Napakarumi nito at sobrang baho, pero sumenyas na sa kaniya si Lexus na huwag nang magre-react lalo nang maramdaman na ang panginginig ng katawan ni Anya.

Naunang dumating sa itaas ang mga aso ni Ares na panay ang amoy kay Anya. Hinaplos naman ni Ice ang ulo ni Willow na kaagad dumamba.

"Mabaho pa siya." Lumuhod si Ice para lumebel kay Willow. "Na-miss kita, Willow!"

"Ano ba 'yan. Katunog pa ng pangalan mo," pagbibiro ni Lexus.

"Sa kaniya naman talaga galing ang pangalan ni Willow," sagot ni Ares na basta na lang itinulak si Spike sa sahig.

Nakatingin ito sa kanila at mukhang nagtatakha. Halatang kagigising lang at mayroon pang tama mula sa alak na ininom kagabi kasama si Lexus. Halatang gulat sa nangyari lalo nang tumingin mismo kay Ice.

Isa-isang dinala ng mga tauhan ni Ares ang mga naiwan pang tauhan ni Spike. Napailing si Ares sa nakita. Mga taong kalbo, bulag, walang kamay, walang daliri, at ang iba ay butot-balat na. Isa-isang inilawan ni Ares at nakita ni Ice na malalim ang bawat paghinga nito sa nakikita.

"Hello." Naningkit ang mga mata ni Ice habang nakatingin kay Spike. "Gulat ka, 'no?"

Walang naging sagot mula kay Spike na nakatitig sa kaniya.

"Proper introduction," Ice smiled widely and offered a handshake. "Ay sorry, hindi mo na pala ako mahahawakan ulit kasi nakaposas ka ngayon. By the way, I'm Jayne."

Spike squinted without a word and gazed at Lexus, who was still carrying Anya. Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa matalik na kaibigan.

"Jayne Escarra." Ice exhaled. "Kapatid ko 'yong asawa niyang babaeng gusto mong anakan. Kapatid ko 'yong hinampas mo ng golf club."

Nagulat si Lexus nang iabot ni Ares ang golf club ni Spike na nakatago sa kwarto nito. Wala rin ito sa usapan nila, pero hindi na rin niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ice ngayon. Tulad nga ng sinasabi niya, malaki ang ipinagbago nito simula nang may mangyaring hindi maganda sa Baguio. Ultimo ngiti sa mga mata ni Ice, nawala. Para na itong palaging galit, palaging mayroong binabalak, at palaging gustong maghiganti.

Lexus didn't want that, but he wouldn't invalidate Ice, too.

Hindi na siya nagulat nang itaas ni Ice ang golf club at akmang ihahampas iyon kay Spike nang tumigil dahil ipinasok sa rooftop si Marjorie. Diretso itong nakatingin kay Spike. Magang-maga ang mga mata dahil simula nang mapanood nila ang pagtataksil ng kasintahan, hindi na ito tumigil sa pag-iyak.

"Nice." Ice swang the golf club. "At least makikita ni Marjorie." Sabay hampas kay Spike.

Isa, dalawa, tatlong beses.

"This one's for Anya." Isang hampas. "This one's for my brother." Isa pang hampas. "And this one..." Huminga nang malalim si Ice at nilingon si Lexus. "This one's for Lexus. For breaking the bro code by fucking me." Isang malakas na hampas dahilan para magdugo ang pisngi ni Spike.

Nakita ni Lexus kung paanong nagsalubong ang kilay ni Ares sa sinabi ni Ice ngunit nanatili siyang tahimik. Dumating ang isang tauhan ni Ares—kilala niya ito—at lumapit sa kaniya para kunin si Anya. Nabigatan siya dahil buntis, pero binuhat ito na na para bang wala lang dahil malaki ang katawan.

Pasimple niyang tiningnan ang sariling braso. Parang halos kalahati lang ng braso ni Tristan ang kanya. Mukhang batak na batak sa pagbubuhat. Putangina.

Kinuha ni Ares ang golf club kay Ice dahil baka hindi na nito tigilan si Spike. Baka isunod pa nga si Marjorie na halos nakatulala na lang at hindi na nagsasalita. Lexus knew that seeing Spike having someone was torture.

Nagtama ang tingin ni Lexus at Spike. Itinanong ni Spike kung bakit at simple ang naging sagot ni Lexus.

"I told you to keep your hands to yourself," Lexus uttered calmly. "Ilang beses kitang pinagsabihan, but you still touched her and even fucked her."

Ice was standing beside Lexus.

"Hindi ka nakinig sa 'kin," he chuckled. "Hindi mo pinakinggan 'yong pakiusap kong huwag mong hahawakan."

Hinila na si Spike at Marjorie ng mga tauhan ni Ares para itali sa mga pinaglagyan ng mga bihag kasama ang sariling grupo. Lahat ng naging biktima ay tinutulungan ng mga tauhan ni Ares at isa-isang ibinababa para maisakay sa malaking truck na mayroong medical team.

Marjorie and Spike were both placed in the same cell. Magulo ang buhok ni Marjorie at hindi tumitingin sa kasintahan. Ice and Lexus observed.

"Yosi." Iniabot ni Ice ang isang kahon kay Lexus bago tumalikod at sumilip sa ibaba.

Nakita niyang isasakay na sa isang van si Anya. Naroon na rin si Ares para alalayan ang mga tauhan, pero sinabing hihintayin sila ni Lexus para makasabay sa pagbalik sa Olympus. Magpapatawag na rin daw ito nang susundo sa kuya niya sa Escarra.

Tinanggap ni Lexus ang yosi na iniabot niya at ginamit ang yosi niya bilang pansindi. Pagbalik sa kaniya, matagal niya itong tinitigan at halos mamula ang dulo ng yosi dahil sa pagkakahithit. She knew she crossed the line, but she couldn't feel any remorse. Instead, she was relieved that Spike was out of Lexus' life.

"Still mad at me?" Ice puffed a smoke and looked at nowhere.

Lexus snickered. "Hinding-hindi ako magagalit sa 'yo."

"Hindi ako naniniwala," Ice chuckled in a low voice. "My brother might kill your best friend after this."

She gazed at Lexus, who shrugged and blew a smoke and said nothing.





Sumakay sina Lexus at Ice sa sasakyan kung nasaan si Anya. Nakakumot ito at kaagad na sinaksakan ng dextrose. Nakapikit ito, pero gising at panay ang haplos sa tiyan. Nakita rin ni Ice ang tumulong luha sa gilid ng mga mata.

Inobserbahan niya ang asawa ng kuya niya. Ito ang unang beses niya itong matitigan. Kahit na marumi ang mukha dahil sa putik, dugo, at kung saan man galing, kita niya ang maamo at magandang mukha nito. Pero na-realize niya na kahit anong ganda ng isang babae, kung mabaho, parang nakaka-turn off pa rin.

Tinapik siya ni Lexus na ikinagulat niya at sinimangutan siya dahil nakita nito ang pag-make face niya dahil mabaho naman talaga.

"Anya." Kinuha ni Ice ang atensyon nito na dumilat at tumingin sa kaniya. "Okay lang ba sa 'yo na buksan ko 'yong bintana? Ang baho mo kasi."

Nanghihina ito, pero natawa at tumango. Sinimangutan naman siya ulit ni Lexus dahil sa sinabi niya. Tumingin naman sa kaniya ang mga doktor na tauhan ni Ares dahil wala siyang pakialam. Binuksan niya ang bintana dahil hindi niya matagalan ang amoy.

Amoy pawis, malansa dahil sa dugo, at amoy ng hindi talaga naliligo. Given naman dahil ilang linggo na itong walang ligo.

"Pagdating sa Olympus, linisan niyo muna siya, ha?" Utos niya sa mga tauhan. "Kung kinakailangang paliguan n'yo, gawin n'yo. Baka ma-turn off si Kuya kasi ang baho mo talaga, 'Te. Sa totoo lang tayo, ha? Amoy putok ka, ang lansa-lansa mo pa. Medyo mapanghi ka rin."

Ngumiti si Anya dahil sinabi ni Ice. "Kumusta na si Jakob?" mahina ang boses at suminghot kasunod ang pagbasak ng mga luha. "O-Okay lang ba siya?"

Napasandal si Ice sa sinabi ni Anya dahil hindi niya iyon inasahan. She knew how the relationship started. Ares told her everything. Tungkol kay Anya na hindi naman talaga gusto ang kuya niya. Kay Anya na mayroong ibang mahal. Anya na hindi naman pinapansin ang kuya niya. Na hindi ito kinakausap . . . Kaya hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanila.

"Hindi okay si kuya," pag-aamin niya. "But you'll see him soon."

"Hmm," Anya smiled and breathed. "Buti naman."

Bago pa man siya makasagot, tuluyan na rin itong nakatulog. Nabalot nang katahimikan ang buong sasakyan. Katabi niya si Lexus na nakatingala at nakasandal ang ulo habang nakapikit. Ni hindi ito dumidikit sa kaniya.

Ramdam niyang mabilis ang takbo ng sasakyan. Hindi siya nagkamali dahil saglit lang ay nakarating sila sa Olympus at kaagad silang sinalubong ng mga tauhan ni Ares para kay Anya. Hinayaan na nila ang mga ito dahil wala naman silang maitutulong na dalawa kaya inaya niya itong maupo muna sa hagdan na nasa labas ng building.

It was Lexus' first time inside Olympus. Wala namang naging pagtutol si Ares dahil mukhang nakuha na rin ang tiwala. Nabanggit na rin nito na papunta na sina Jakob, Tristan, at Martin. May takot sa kung ano ang magiging reaksyon ng kuya niya, pero nakahanda naman siya sa kahit na ano.

"Bukas n'yo na lang puntahan si Tom Cruise," natawa si Ares dahil pinagtatawanan pa rin nito ang pangalan ng aso nila. "Nag-e-enjoy siya rito. Na-train na rin siya mag-potty. Puwede n'yo na ring utusang mag-sit."

Mahinang pagtawa lang ang naging sagot ni Lexus habang nakatingin sa apat na aso ni Ares na nakahiga sa damuhang nasa harapan nila.

Nagkatinginan sina Ares at Ice dahil sa katahimikan ni Lexus. Pinag-usapan na rin nila ang resort. Naroon ang ilang tauhan ni Ares at Tristan para magbantay hanggang sa makapagdesisyon na si Jakob sa gagawin. Wala silang idea at malamang na kapag nakita nito at nalaman kung ano ang naging sitwasyon ng asawa, they knew they had to face to worst.

Mayamaya ay pinatawag na sila papunta kay Anya. Nasa loob ito ng kwarto na mayroong glass window kaya nakikita nila ito mula sa labas. Inaasikaso ng mga doctor at nurses. Mayroong mga nakakabit na kung ano tulad ng IV fluid dahil dehydrated. Maayos na ring ang itsura at kita na ang kaputian dahil nalinis na. Mayroon din itong parenteral para padaanin ang pagkain pansamantala.

Naalala niya ang amoy. Halos masuka talaga siya, sobra.

Samantalang sumandal muna si Lexus sa pader habang pinanonood ang ginagawa ng mga doctor kay Anya. Busy naman si Ice at Ares na pinag-uusapan ang tungkol sa grupo ni Ice. Alam niyang nag-iisip si Ice dahil panay ang tingin nito sa kaniya, pero wala naman siyang balak sabihin.

Spike chose this path, and Lexus knew he had no control over the anger of these people. Sa tindi ng dinanas ni Anya—na muntik pang magahasa ni Gerald na kanang kamay ni Spike. Habang nakatingin din siya kay Anya mula sa glass window, alam na niya ang kahihinatnan ng kaibigan niya.

Nilingon niya ang mga taong parating. Mabibigat ang bawat hakbang at nagmamadaling lumapit sa kanila. Nag-explain si Ares sa kuya ni Ice kung ano ang mga ginawa para sa asawa. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siyang hindi siya napapansin o maiinis na hindi siya pinapansin. Malaki kaya ang role niya sa pagkakataong ito!

Lexus heard how the siblings bantered and it made him smile. Naisip niya na sa mundong magulo, mabuti pa si Ice mayroong pamilyang masasandalan. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Lexus ang pag-iisa dahil ang nag-iisang taong tinuring niyang pamilya ay nawala na sa kaniya.

He looked down and smiled bitterly. He had betrayed the only family he had for a woman and had been betrayed by her using the same woman. Matindi ang naging balik sa kaniya, pero wala siyang pagsising naramdaman. Spike was wrong in the first place.

Ibinalik ni Lexus ang tingin kay Anya at masaya siyang nasa maayos na itong lagay. Bigla siyang na-excite na makita ang sanggol na dinadala nito kapag naipanganak na. Hindi niya alam kung kailan ang huling beses na makakikita siya ng baby.

Iyon ay kung mabibigyan siya ng pagkakataong makita ito ulit.

"Alis na muna tayo rito," pag-aya ni Ice sa kaniya. "Gusto ko nang maligo. Gusto ka na ring matulog."

Isang tango ang naging sagot niya. Patagilid muna niyang tiningnan ang kuya ni Ice na nakatitig sa kaniya. Salubong ang kilay at mukhang hindi masayang makita siya. Hindi na rin niya nagawang magpakilala dahil hinawakan na siya ni Ice para makaalis.

Ang buong akala niya, lalabas sila ng Olympus, pero dumiretso sila sa isang elevator. Sa pagkakataong ito, naramdaman niya na para lang siyang nasa normal na mundo. Maliwanag ang buong hallway. May mga naglalakad na nakasuot nang malinis at disenteng damit. Malamig na nanggagaling sa aircondition at ngayon ay elevator. Kahit habang nakatingin sa kwarto ni Anya, parang mayroong sariling mundo ang lugar na ito.

Malayong-malayo sa buhay sa labas na ilang taon na rin nilang pinagtitiisan.

Lexus had no energy to argue or joke around. He was tired. For the first time in years, he felt tired. Sumunod na lang siya kay Ice at habang nasa loob ng elevator, nakatingin siya sa numero.

5 . . . 6 . . . 7 . . . 8.

Huminto sila sa ikawalong palapag ng gusali. Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Ice. Sumunod siya kay Ice na tumigil sa pinakadulong pinto ng floor. Kinuha nito mula sa bulsa ang susi at saka pumasok nang hindi siya nililingon.

Again, Lexus had no energy to argue. He entered the room, and Ice was waiting for him. Salubong ang kilay nito habang nakasandal sa kitchen counter at nakatitig sa kaniya.

"Still mad at me?" Ice asked.

Lexus walked towards Ice and kissed the side of her lips without saying a word.

"Lexus. Galit ka pa rin ba?" Ice asked again. Their faces were inches apart. "Ano?"

"Malalaman mong galit ako sa 'yo 'pag hindi na kita tinitingnan, Ice. Nakatingin ako sa 'yo ngayon. That answers your question," Lexus chuckled. "Bukas na natin pag-usapan lahat."

Ice didn't say a word and stared at Lexus, who rested his forehead against hers and shut his eyes for a minute before asking her inside the bathroom.




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys