Chapter 26

Pagkatapos marinig ni Ice ang sinabi ni Lexus, literal na napanganga siya at nanginig ang baba niya. Hindi niya rin alam kung bakit. Sunod niyang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa galit dahilan para bunutin niya ang baril na nasa belt niya at itinutok iyon kay Lexus.

Walang naging reaksiyon, ni hindi man lang pumalag. Kung sabagay nga, bakit pa? Ni pumatay nga hindi ito natatakot, matutukan pa ng baril?

Naramdaman din niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya dahil naalala niya ang sitwasyon ng kuya niya. And the man she was sleeping with knew Anya's location. All this time, after having sex, Lexus knew about Anya's whereabouts.

"Kasabwat ka ba?" Malalim ang paghinga ni Ice. "Ginamit mo ba 'ko para dito?"

"'Tangina. Hindi, 'no. Ang babaw," mahinahong sagot ni Lexus na para bang walang baril na nakatutok. "Mag-e-explain ako. Hindi ko kilala si Anya. Ni hindi ko nga alam na may asawa ang kuya mo, 'di ba? Ni hindi ko pa nakikita ng personal ang kuya mo, noong magpunta lang tayo sa lugar niya."

Nanatiling tahimik si Ice ngunit hindi ibinababa ang pagkakatutok ng baril kay Lexus. Nanginginig siya, alam niya iyon. Gumagalaw ang baril sa kamay niya dahil sa panginginig. Ramdam din niya ang tibok ng puso niya at halos naririnig niya iyon sa tainga niya. Sunod-sunod pa ang pagdaloy ng luha niya sa magkabilang pisngi.

"Nagpunta ako sa lungga ni Spike. Siya 'yong kaibigan kong sinasabi ko sa 'yo na kasama ko noong maayos pa ang mundo. Sa kaniya ko kinuha ang condoms na meron ako dahil . . ." Huminto si Lexus at malalim na huminga. "Dahil 'yong girlfriend niya, nagtatrabaho sa Escarra. Alam ko na noong bago pa lang tayo, pero hindi ko alam na hahantong sa ganito."

"W-What do you mean na alam mo na noong bago pa lang tayo? Y-You mean to say na you knew there was an insider at hindi mo sinabi sa 'kin?" May galit sa boses ni Ice na nanatiling nakatutok ang baril kay Lexus.

Umiling si Lexus at nagpameywang. Ni hindi ito bothered sa baril na nakatutok. Chill na nakatayo at nakatitig sa mukha ni Ice. Samantalang si Ice, nanginginig sa galit.

"My mistake," Lexus murmured. "Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito si Marjorie. I didn't mind because I also benefited from the beer, cigars, condoms, and foods we hadn't eaten in a while. Hindi ko alam na hahantong sa ganito. Hindi ko naman inasahan na sobrang baliw naman pala noong babaeng 'yon. Hindi naman kasi kami close. Hindi ko gusto 'yon, e."

Walang naging sagot si Ice sa sinabi ni Lexus dahil hindi pa totally nagpa-process sa isip niya lahat ng sinabi nito. Nag-iinit ang pisngi niya sa galit. Pinagpapawisan ang kamay niya at mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Gusto niyang kumalma, pero hindi niya magawa.

Ice tried to breathe normally but couldn't. Her breathing was shallow, and she was having a hard time. To her shock, Lexus walked slowly towards her.

"Huwag kang lalapit sa 'kin," aniya na itinapat ang baril kay Lexus. "Please."

Pero hindi tumigil si Lexus sa paglakad papalapit sa kaniya at huminto sa harapan niya. Nakatutok ang dulo ng baril sa dibdib nito kung nasaan ang puso dahilan para mas manginig ang kamay niya. Dikit na dikit ang dulo ng baril na halos lumubog ang balat nito.

"Hindi nila ako kasabwat," ani Lexus habang nakatitig kay Ice. Ramdam niya ang lamig ng metal na baril na nakatutok sa dibdib niya. "Dinala ako ni Spike sa kulungan niya at hindi ko gugustuhing mapunta ka roon. Sabi mo, willing kang makipagpalit kay Anya. Hindi ako papayag dahil hindi maganda ang lagay niya."

Lexus explained what he saw, and Ice sobbed.

"Hindi ko gustong balikan n'yo si Spike dahil best friend ko siya, pero hindi ko gusto ang ginagawa niya. I was supposed to give you clues. The place is hard to find. Very remote, pero ayaw kong galit ka," sabi ni Lexus na hindi inaalis ang tingin kay Ice.

Ikinagulat ni Ice nang hawakan ni Lexus ang dalawang kamay niya at bahagyang yumuko para itutok ang baril sa noo nito. Ngumiti pa at saka kinindatan siya.

"I will never betray you," Lexus assured. "Pull the trigger if you think I'll betray you. Kalabitin mo, wala akong pakialam." Mas idiniin nito ang baril sa noo. "Betraying you will be the last thing I'll do. Tutulungan kitang makuha ang asawa ng kuya mo. In one condition."

Unti-unting ibinaba ni Ice ang kamay kaya nakakuha si Lexus ng pagkakataon para kunin ang baril mula sa rito. Ibinaba niya iyon sa bedside table bago muling hinarap si Ice na nagtanong kung ano ang kapalit.

"Rest," Lexus said in a low voice and caressed Ice's cheek. "Matulog ka muna. It's only two in the morning at kapag sumikat na ang araw, aalis tayo kaagad. Deal? Mag-stay tayo rito sa lungga mo hanggang mag-umaga. Kailangan nating gumawa ng plano dahil sigurado akong kilala ka ni Marjorie. May plano ka ba?"

After hearing what Lexus said, Ice calmed. She shut her eyes and breathed and felt Lexus' warm hand on her right cheek. Kahit papaano, kumalma siya. Sandaling nawala ang galit. Sinalubong niya ang tingin ni Lexus.

"I wanna know more 'bout your best friend." Ice rested her head against Lexus' palm. "Tell me more about the place and kung ano ang itsura ni Anya ngayon. Marjorie should wish na we'd never cross paths dahil ako mismo ang—"

Ice stopped talking when Lexus captured her lips. "Mamaya na 'yan. Matulog ka na muna."

Pero hindi na nagawang matulog ni Ice dahil naging interesado siyang malaman kung sino si Spike. Napaisip siya na no wonder, magkaibigan ang dalawa dahil parehong mayroong kagaguhan. If it weren't for Anya, Ice thought that maybe, she could also be friends with Spike.

The way Lexus talked about Spike, sigurado si Ice na maganda ang naging samahan ng dalawa at matalik na magkaibigan. Alam din niya na ang pagsabi ni Lexus sa kaniya tungkol kay Spike . . . it was a betrayal of friendship and sacrifice on Lexus' part.

Nag-usap sila na dadaan muna sila sa airport para tingnan ang lugar dahil ilang araw na ring hindi nakababalik si Lexus. Isa pa, kukuha siya ng damit na gagamitin sa mga susunod na araw.

Samantalang malalim ang iniisip ni Lexus, pero hindi niya iyon ipinahahalata kay Ice. Alam niyang malaki ang magiging kasalanan niya kay Spike, pero hindi rin niya puwedeng balewalain na mali ang ginawa nito.

Isa pa, hindi niya matiis si Ice.

Habang binabaybay ang daan papunta sa airport, nagulat siya nang makita ang pamilyar na motor ni Spike na papalapit sa kaniya. Nilingon niya si Ice na nagsalubong ang kilay at tumingin din sa kaniya. Kinuha nito ang baril mula sa suot na belt na ikinangiti niya.

"Tingin ko umaayon ang pagkakataon sa 'yo," aniya kay Ice. "Si Spike 'yan. Mukhang balak akong puntahan. Diretso tayo sa airport. Susunod 'yan."

Inilabas ni Lexus ang kamay at sumenyas kay Spike na dumiretso lang sa airport. Pasimple rin niyang nililingon si Ice at alam niyang hindi ito mapakali. Itinago nito ang baril sa gilid ng upuan ng sasakyan dahil mukhang magbabago ang plano.

Ang unang plano ay didiretso sila sa lungga ni Spike at susubukan niya itong kausapin. Nakiusap siya kay Ice na kung puwede ay huwag sasaktan o gagalawin si Spike. Ibibigay niya si Marjorie, pero hindi si Spike. Ice agreed to the first plan. Alam din ni Lexus na hindi siya pahihirapan ng mga tauhan ni Ice dahil kahit ang mga ito, ayaw madamay dahil sa takot sa grupo ng kapatid ni Ice.

Pagdating sa airport, naunang bumaba si Lexus ngunit nakita niyang sumilip si Spike sa loob bago ibinalik ang tingin sa kaniya. Ngumiti ito.

"Mayroon ka bang hindi sinasabi sa 'kin?" Mahinang sinuntok ni Spike ang dibdib ni Lexus. "Gago, may chix ka?"

Natawa si Lexus. "Girlfriend ko 'yan. Siyempre ni-lowkey ko muna kaya hindi ko pinapakilala sa 'yo. Papunta dapat kami sa 'yo ngayon kasi ipapakilala ko na."

Bago pa man makasagot si Spike, lumabas ng sasakyan si Ice. Kitang-kita ni Lexus kung paanong patagilid na tumingin ang best friend niya at tinitigan nito si Ice mula ulo hanggang paa. Sumandal siya sa hood ng sasakyan niya habang inoobserbahan ang dalawa.

Kung tutuusin, simple lang ang suot nit Ice. Puting tanktop, maong na shorts, at combat shoes. Nakabagsak din ang mahabang buhok nito na nililipad pa ng malakas na hangin.

"Hello." Lumapit si Ice kay Lexus, pero nakatingin kay Spike. "Siya 'yong best friend mo?"

Tumango si Lexus na humaplos sa baywang ni Ice. Mas sumiksik naman si Ice sa kaniya bago tinanggap ang nakalahad na kamay ni Spike dahil nagpapakilala ito.

"It's nice to meet you." Ngumiti si Spike.

"Likewise." Nakipagkamay si Ice. "I'm Willa."

Patagilid na tiningnan ni Lexus si Ice dahil ang akala niya, Ice ang gagamitin nitong pagpapakilala. Hindi siya nag-react o nagsalita at inobserbahan ang dalawa na nagkukumustahan.

"Saan ka pala galing?" sabat ni Lexus.

Tumingin sa kaniya si Spike. "Kay Victor. Binisita ko si Marj. Hindi pa raw kasi siya uuwi. Mukhang nag-e-enjoy pa roon."

May kung anong gigil na naramdaman si Ice sa sinabi ni Spike, pero nanatili siyang nakangiti at nagkunwaring interesado sa sinasabi nito. Ang kapal ng mukhang mag-enjoy samantalang may naaagrabyado.

Kausap ni Lexus si Spike, pero napapansin niyang madalas siyang nililingon ng lalaki. Mula ulo hanggang sa paa ang pagtitig nito sa kaniya at minsang magtatagal ang tingin sa mukha. It was subtle, especially when Lexus wasn't looking.

Tinanong siya ni Spike kung saang grupo siya at binanggit niya ang grupo ng isang customer nila sa mga solar powered vehicles na nagpo-produce naman ng mga bakal galing sa ilang kalakal na natitira.

At dahil sa paraan kung paano tumingin sa kaniya ang lalaking kaharap, nakaisip ng ibang paraan si Ice para makuha si Anya. Isa pa, ayaw niyang maging kaibigan ito ni Lexus. Naalala niya kung paano itong makiusap sa kaniya na huwag papatayin ang kaibigan, pero ngayon . . . nakadepende na iyon kung paano ang magiging trato sa kaniya at bahala na ang kuya niya kung sakali mang magkagulo na.

"Saan kayo nag-stay?" Itinuro ni Spike ang eroplano ni Lexus. "Dito ba?"

"Saan pa ba?" sagot naman ni Lexus. "Dito lang naman kami puwede."

Mahinang natawa si Spike. "Sabi ko naman kasi sa 'yong puwede naman sa resort," anito bago tumingin kay Ice. "Puwede naman siya roon. Bibigyan ko naman siya ng private area niya, pero ayaw pa rin. Kumbinsihin mo para doon na lang kayong dalawa."

Malapad na ngumiti si Ice at mas lumapit kay Lexus. Nagkatinginan sila at parehong ngumiti. Their eyes talked and Lexus knew Ice had a new plan.

Hindi na nagulat si Lexus nang ayain sila ni Spike papunta sa resort para mag-dinner at doon na raw sila mag-stay hanggang kinabukasan. Pabor iyon para sa kanila ni Ice. At least hindi na sila mahihirapan sa pagpasok, pero hindi niya alam kung ano ang bagong plano ng babaeng kasama niya.

But one thing was sure. He noticed that Ice was getting Spike's attention and it was clearly working. May iritasyon siyang naramdaman, pero para sa plano, sasakyan niya kung ano ang trip ni Ice.

Lexus thought about one thing, though. He hoped that Spike would keep his buttons closed. They had a deal not to touch the women they were with. Sana lang tumupad ito sa usapan nila kahit na si Ice pa ang mag-initiate.

"What's with the name?" Biglang naalala ni Lexus ang pagpapakilala ni Ice kay Spike.

Patagilid na ngumiti si Ice at mahinang natawa. "Jayne Willa Escarra."

Nagsalubong ang kilay ni Lexus at ngumiti. "Seryoso?"

"Oo. Kaya nga natawa ako noong malaman ko 'yong real name mo. Halos magkalapit. William. Willa." Ice shook her head. "Mas tinatawag ako ng mommy ko noon na Willa. She loved my name."

Lexus agreed. "Bagay sa 'yo. Ano pala ang plano mo? Hindi na uubra 'yong una. Mabuti rin na wala si Marjori sa resort. Mas madali dahil walang nakakakilala sa 'yo."

"Your best friend wants to get into my pants," Ice said without bluffing and saw Lexus' eyes narrow and he was visibly pissed. "And there's a possibility that he'll make a move, and once he does, I'll let him."

Madiin na tinapakan ni Lexus ang accelerator ng sasakyan at naramdaman ni Ice ang pagbilis nila. Patagilid siyang nilingon ni Lexus. "You'll let him?"

"If it'll be the way to get Anya back, I would," she said without stuttering and rested her back. "Just hoping your bro code's too strong against me." She smiled widely.

Alam ni Ice na nairita si Lexus sa sinabi niya lalo nang mas tapakan nito ang accelerator at hindi na muling nagsalita. She knew she pushed the button by mentioning about the bro code.

And Lexus, on the other hand, hoped that Spike wouldn't dare touch Ice. For years, they survived that bro code. Sana hindi ngayon o sa mga susunod pang masusubukan dahil hindi niya alam kung ano ang magagawa niya.

Just by thinking how Spike would touch Ice, hindi na siya mapakali.

Pagdating sa resort ni Spike, kaagad na ipinalibot ni Ice ang tingin sa lugar. Sa daan pa lang, napapaisip na siya kung napuntahan na ba ng grupo nina Ares, Tristan, at Jakob itong area na ito. Pero naisip din niya na malabong mahanap si Anya rito.

The place was too remote. Kung tutuusin, madaraanan ang dating south expressway bago sila lumiko papunta sa isang daan na pinalilibutan ng mga mataas na talahib at mga nakaharang na sirang sasakyan. The area looked abandoned, not until they entered a gate.

Kung wala ang mga malalaking puno na mayroong baging sa lugar, hindi niya aakalaing mayroong resort na malapit sa batis. Nabanggit din ni Lexus na tinanggal ni Spike lahat ng ads, posters, at karatula na mayroong ganitong nakatagong resort. Mayroon ding ilang shortcuts in case na kailangang tumakbo.

Tumaas ang kilay ni Ice nang makita kung gaano kaganda ang lugar. In all fairness, the place was well-thought off. Na-maintain ang pagiging resort ng lugar, pero binulungan siya ni Lexus na huwag magpapalinlang dahil ang rooftop ng four-storey hotel ay lugar kung nasaan si Anya.

"Magpapaluto ako ng karne." Lumapit sa kanila si Spike. "Sinabi ng tauhan kong meron kaming bagong kuhang karne ng baboy. Nakakakain ka ba ng meats?"

Umiling si Ice at ngumiti. "Hindi, e. Sa grupo kasi namin mas nakakain ang mga gulay na natatanim lang."

Tumango si Spike. "Sige. Magpapaihaw ako para sa inyong dalawa. Tara, lakad muna tayo. Maaga pa naman," sabi nito sa kanilang dalawa, pero kay Ice lang nakatingin. "Ikot muna tayo. There's a lot to see here."

Ngumiti si Ice at humawak sa braso ni Lexus habang naglalakad. From time to time, she would notice Spike looking at her. At sa tuwing mahuhuli niya ito, idinidikit niya lalo ang katawan kay Lexus na humahawak din sa kaniya. She felt that Lexus was being territorial and she was liking it. Napapansin din kasi niyang sumusunod ang tingin ni Spike sa kung nasaan ang kamay ni Lexus.

Pumuwesto sila sa isang parte ng resort na mayroong kubo at lamesa para kumain. Dinala sa kanila ng mga tauhan ang inihaw na karne ng baboy at limang bote ng beer na sigurado siyang galing sa Escarra.

Tristan and Martin's partnership produced this liquor.

"Ang galing. Meron kayong beer?" Kinuha ni Ice ang isang bote. "Saan kayo kumukuha? Meron pa pala nito?"

"Meron lang kaming kinukuhanan," sagot ni Spike na tumingin kay Lexus at ngumiti. "Umiinom ka ba ng beer?"

Naningkit ang mga mata ni Ice at kunwaring nag-isip bago tumango. "Noon kaso matagal na ring hindi. Parang simula noong magkagulo, hindi na."

Walang naging sagot si Spike na binuksan ang isang bote ng beer at iniabot sa kaniya. Nakangiti ito at komportableng sumandal habang nakatitig sa kaniya. Alam niyang nakita iyon ni Lexus na humarap sa legs niya at hinila siya papalapit.

Ice looked down and saw Lexus' thumb caressing her thighs. Ibinalik naman niya ang tingin kay Spike na nakatingin sa kamay ni Lexus bago sa kaniya. Malalim itong huminga at inabot sa kaniya ang tinidor na mayroong karne ng baboy.

"Kain ka." Tumango si Spike. "And bottoms up."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys