Chapter 24
Nang makuha ni Lexus ang mga gamit sa lungga ni Ice, dumeretso kaagad siya sa airport para tingnan kung kumusta ang sarili niyang lugar. Matagal niya itong naiwan kaya hindi na siya magugulat kung magulo o maraming nagbago.
But surprisingly, everything was still in order. Walang nagbago, walang kapasok, at walang nasira dahil sa bagyo.
Habang nakahiga, nag-iisip si Lexus kung mayroon ba siyang puwedeng puntahan o gawin dahil bored siya, pero wala kaya naisipan niyang bisitahin na lang si Spike. Matagal na rin silang hindi nagkita at sigurado siyang magagalit ito sa kaniya.
Nagplano rin siyang doon na muna matutulog dahil wala naman si Ice. Wala siyang mapupuntahang iba. Sigurado rin naman siyang hindi siya pupuntahan ni Ice sa ngayon dahil busy ito. Bigla siyang napaisip sa kung ano na kaya ang nangyayari. Hindi niya nagawang magtanong tungkol sa kidnapping at alam niyang magkakagulo.
Ang na-kidnap ay hindi naman simpleng taong sinusubukang mag-survive. The abducted was the wife of one of the biggest group leader existing. Hindi naman siya tanga para hindi makilala si Jakob Escarra. His other friend was fussing over him.
Lexus knew Jakob but not Ice.
At nang makilala ito, roon niya nalaman na mailap ito at hindi nakikipag-usap sa iba hindi tulad ni Jakob na humaharap talaga sa ibang leader ng ibang grupo kung kinakailangan.
He unconsciously smiled and shook his head the moment he remembered how Ice would get mad whenever he would tell her about her life. Totoo rin naman kasi talaga. Napakasarap ng buhay nito, pero tama rin naman. Hindi niya kargo ang ibang tao. Pareho lang naman sila kaya hindi niya alam kung bakit ba niya iyon palaging ipinaaalala kay Ice.
Binaybay ni Lexus ang daan papunta sa lungga ni Spike. Hindi naman ito kalayuan sa siyudad, pero tago. Nasa isang parte ito ng probinsya, sa medyo dulo kaya hindi gaanong puntahan.
His friend Spike found an abandoned resort. It wasn't near the beach. The pool area was empty, but it had a perfect accommodation for his own group. Hindi ito katulad ng ibang grupo na tumutulong sa iba o nagpapapasok para may matirhan.
Spike's group was the opposite. Para itong grupo na na-encounter nina ni Ice sa Baguio na nangunguha ng pagkain at resources ng iba, nananakit kapag hindi gusto ang nangyayari o tumatanggi sa gusto, at walang pakialam sa ibang tao.
Hindi niya gusto ang ginagawa ng kaibigan niya kaya mas madalas na hindi niya inaalam kung ano ba ang mga ginagawa nito. Naniniwala rin kasi siya sa kasabihang "the less you know, the better" at "not my issue, not my problem". Kaya nga siya nagsosolo.
Isa pa, matalik niyang kaibigan si Spike bago pa magulo ang mundo at nagkausap na sila sa parteng aware ito na may mga bagay siyang hindi gusto, pero hindi siya makikialam bilang parte ng pagkakaibigan nila. Kaya never siyang nagtanong unless ito mismo ang magsasabi sa kaniya.
Pagdating sa lungga ni Spike, kaagad siyang sinalubong ng kaibigan at inutusan ang isang lalaki na magpaluto ng pagkain para sa kanila. Dumiretso sila sa floor kung saan ito namamalagi.
Hindi tulad sa grupo ni Ice, walang kuryente ang lugar na ito, pero hindi mainit dahil napaliligiran ng mga puno. Maganda rin ang water supply galing sa mga bukal kaya ito ang napili ng kaibigan niya.
"Bakit ngayon ka lang nagpunta rito?" Pinaupo siya ni Spike sa sofa katabi ang malaking kama. "Ang dami kong gustong ikuwento sa 'yo, e. Pinapuntahan kita sa airport, wala ka naman doon."
"Busy ako, e," sagot niya at sinindihan ang yosing ibinato sa kaniya. "Nag-ikot lang ako," pagsisinungaling niya.
Mahinang natawa si Spike. Sumandal ito sa office table at bumuga ng usok. "Ang daming nangyari nitong mga nakaraan. Galing ako kay Victor last week. Tinatanong niya kung nasaan ka. Wala akong masagot kasi hindi ko rin naman alam," sabi nito. "May bago ka bang trabaho sa kaniya?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus. "Hindi ko alam. Puntahan ko siya bukas pagkagaling ko rito."
Magsasalita sana si Spike nang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking mayroong dalang pinggan ng inihaw na baboy at nilagang patatas. Kumuha siya at basta na lang iyong kinain dahil hindi pa rin siya nagdi-dinner at almusal.
"Saang grupo ka na naman nanggago?" tanong niya habang ipinakikita ang karne ng baboy. "Sabi ko sa 'yo magnakaw ka nang buhay 'tapos palakihin at parahimin mo."
"Kaya naman na nila 'yon." Pabagsak na naupo si Spike sa tabi niya. "Pahihirapan ko pa 'yong sarili ko, e meron naman kaming makukuhanan? Ano pa'ng silbi nila."
Umiling si Lexus at nagpatuloy sa pagkain habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa kakulangan ng pagkain nitong mga nakaraan. Nalaman ni Lexus na nag-alisan na rin ang ilang maliliit na grupong hinuhuthutan ni Spike kaya nagpapahanap ito ng bago.
"Hindi rin nakakatulong na natuluyan na si Marjorie." Natawa si Spike at sumandal sa sofa. "Kung hindi ko lang din talaga 'yon mahal, e."
"Bakit? Ano'ng nangyari?" Nilingon niya ang kaibigan.
Siyempre kilala niya si Marjorie. Magkasintahan na ang dalawa bago pa man magulo ang mundo. Maayos naman ito noong nasa normal na mundo pa rin sila, pero may pagka-insecure at isa iyon sa naging issue ng dati niyang girlfriend.
Marjorie was a model, too. Hindi naman maitatangging may itsura rin naman, medyo may attitude lang. Naalala niya ang sinasabi ng ex-girlfriend niyang madalas na kasama ni Marjorie noon. Mabait ito sa harapan ng iba, pero puro inggit at paninira ang lumalabas sa bibig kapag nakatalikod na.
Alam niyang taga Escarra si Marjorie. Alam niyang ito ang ginagamit ni Spike para makakuha ng mga gamot, pagkain, at doon din nila nakukuha ang condoms. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kapatid ni Ice. Magtatanong sana siya, pero biglang tumayo si Spike.
"Wala na. Hindi na tayo makakapuslit ng mga gamit galing sa grupo niya. Siraulo, e. K-in-idnap ba naman 'yong asawa ni Jakob Escarra dahil lang naiirita siya?" Umiling si Spike at nagsindi ng yosi. "Sabi ko nga sa kaniya, inuna niya 'yong galit niya. Feeling ko rin, may inggit na, e." Natawa pa ito.
Hindi nagsalita si Lexus. Gusto niyang marinig ang lahat ng sasabihin at ikukuwento ni Spike. Hindi niya inasahan ito. Ni wala sa isip niyang ang kaibigan niya ang may hawak sa na-kidnap na asawa ng kapatid ni Ice.
"Inggitera din kasi talaga 'tong si Marj, e."
"Ano naman ang ikakainggit niya? Hindi ba siya natakot sa ginawa niya?" tanong niya.
"Maganda kasi 'yong babae." Umiling si Spike. "Kahit ako nagandahan, e. Nagalit pa nga sa 'kin si Marjorie noong sinabi ko na maganda 'yong babae. Maganda naman talaga. Gusto mong makita?"
Naningkit ang mga mata ni Lexus at tumango. Hindi na nagdalawang-isip si Spike na ayain siya papunta sa rooftop ng resort building at mula sa hagdan, naamoy kaagad niya ang iba't ibang amoy. Masangsang, malansa, at sigurado siyang marumi.
Ilang beses na rin siyang nakaakyat sa lugar na ito.
"Ang dami mo na namang ginagago," aniya nang makita ang mga taong nasa kaniya-kaniyang kulungan. Wala namang harang, pero lahat ay nakakadena sa paa at ang iba naman ay sa kamay. "Ano ba'ng kasalanan nitong mga 'to sa 'yo?"
Nadaanan niya ang mga lalaking walang kamay o hindi kaya ay putol ang daliri. Mayroong bandage na halos natutuyo na ang dulo at halatang hindi nalilinisan. Mayroon din silang nadaanang walang mga mata. Ang rason ni Spike? Tumangging ibigay ang kalabaw na ginagamit as means of transportation.
Malalim na huminga si Lexus at tinitigan ang kaibigan niya. Kung hindi niya ito kaibigan, malamang na matagal na rin niya itong tinapos dahil sa kalokohang hindi naman dapat ginagawa.
Patagilid niyang nilingon ang mga lalaking nakatali. Walang babae dahil selosa rin ang kasintahan ni Spike. Sigurado siyang malaking issue iyon.
Dumiretso sila hanggang sa marating ang dulo ng rooftop. Tumigil sila sa tapat ng kulungan ng babaeng nakatali ang kamay, nakasalampak sa malamig, marumi, at nilulumot na sahig. Maikli ang buhok nito na hindi man lang ginupit nang maayos at nakasuot lang ng panty at bra.
"Putangina mo, Spike." Nilingon niya ang kaibigan. "Gago ka. Buntis 'to, e."
"Ganda, 'no?" sabi ni Spike na nag-cross arms. "Sabi sa 'yo, e. Gets ko kung bakit inggit na inggit si Marjorie. Bawal kong hawakan 'yan. Papatayin na raw niya kapag hinawakan ko."
Hindi sumagot si Lexus sa sinabi ni Spike. Nakatitig sa kaniya ang babae at namumuo ang luha sa mga mata nito. Malalim ang bawat paghinga at pilit na tinatakpan ang katawan, pero hindi magawa.
Totoo ang sinabi ni Spike. Napakaganda ng mukha nito. Napakaputi at makinis. Kitang-kita ang pasa sa pisngi at gilid ng labi dahil sa kaputian at hindi rin nakatutulong na nasisinagan ito ng araw. Malamlam ang mga matang parang nangungusap habang nakatitig sa kaniya.
"Ganito ka na ba kagago?" Humithit si Lexus mula sa yosi. "Pati buntis, ginagago mo na? Tangina mo, masiyado kang nagpapagamit sa girlfriend mong praning."
Natawa si Spike. "Gago, madalas nga 'ko rito sa umaga kasi tinititigan ko 'yang asawa ni Escarra. Noong isang araw, napagkuwentuhan namin nina Victor 'yong ginawa niya para makuha 'tong babae, e. Maniniwala ka bang inagaw lang ni Escarra 'tong babae sa iba?"
"Ano?"
"Ang kuwento ni Marj, may ibang boyfriend 'to. Kapapasok lang din daw 'tapos biglang nagustuhan ni Escarra, ginawang asawa," salaysay ni Spike. "Kaya nga ako pumayag sa gusto ni Marj ngayon. Para maranasan ni Jakob ang maagawan."
Malalim na huminga si Lexus habang nakatingin sa babae. Bumaba ang titig niya sa tiyan nito bago ibinalik ang tingin kay Spike.
"Sabi ko nga kay Benedict, 'pag nanganak na 'yan, ibibigay ko kay Jakob 'yong anak niya, pero papawian ko 'tong nanay." Ngumisi ito at hinawakan ang chain na nakapalibot sa kamay ng babae. "Tutal ayaw namang magkaanak ni Marjorie, ito na lang. Mukhang breeder naman, e. Imagine, sa gulo ng mundong 'to, nagpabuntis."
Hindi na nagbukas ng topic si Lexus tungkol sa sitwasyon dahil hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig ng kaibigan niya. Isa pa, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa impormasyong nalaman niya dahil inaalala niya si Ice.
Wala siyang pakialam kay Spike, sa babae, kay Jakob, o sa kahit na sino. Si Ice ang iniisip niya sa pagkakataong ito. Alam niyang may posibilidad na malaman nito kung sino ang dumukot sa asawa ni Jakob at alam niyang magiging involved si Ice.
Pagpasok sa kuwarto, muling naupo si Lexus. Inabutan siya ni Spike ng beer at sigurado siyang galing ito sa Escarra.
"Hindi ka ba natatakot? Alam mo kung gaano kalakas 'yang magkakaibigang 'yan? Hindi nga 'yan mapabagsak ni Victor, 'di ba?" aniya habang nakatingin sa kaibigan.
Natawa si Spike at ipinagdikit ang bote nilang dalawa para mag-cheers. "Chill lang naman. Wala namang nakakaalam ng lugar na 'to at walang nakakaalam kung nasaan 'yan. Panigurado ngayon na naghahanap na naman sila."
Walang naging sagot si Lexus na iniikot ang boteng hawak.
"Mabaliw-baliw siguro si Jakob." Humalakhak si Spike. "Nakipagkita nga sa 'min 'yan sa freeway, e. Hinampas ko ng golf club, hindi nagpatinag. Binugbog na nga ng mga tao ko, wala pa rin. 'Tangina, e."
Patagilid niyang tiningnan si Spike na natatawa habang ikinukuwento ang ginawa at alam niya sa sarili niyang hindi na magtatagal ang buhay nito oras na mahanap na ang lugar na ito.
"Basta sinasabi ko sa 'yo, hindi ko gusto 'tong ginagawa mo," aniya. "Alam mong hindi ko gusto kapag babae ang tinatarantado."
"Alam ko. Labas ka naman dito." Sumandal si Spike at pumikit. "Gusto mong mag-relax? Merong mga babaeng bagong pasok dito. Pumayag silang maging alam mo na basta raw makakain na lang sila. Gusto mo?"
Umiling siya. "Ayaw ko." Tiningnan niya ang kaibigan. "Wala namang kasalanan sa inyo 'yong babae. Bakit hindi si Jakob Escarra ang tirahin n'yo?"
"E kay Marjorie 'yan, bahala siya riyan," komportableng sabi ni Spike. "Saka ayos 'yan. Win-win naman sa part namin ni Marjorie. Galit siya kay Anya, marami akong gustong makuha sa Escarra. Kumbaga . . . pawn 'yang babae 'yan. Siya ang magiging way para makuha ko ang gusto ko, masaya pa ang girlfriend ko."
Lexus looked down, shook his head, and was in disbelief. "Nakakatawa kayong dalawa. Ganiyan ba kayo kahina?" Tumingin si Spike dahil sa sinabi niya. "Ganiyan kayo kahina na kailangan n'yo pa ng pawn?"
—
Nag-decide si Lexus na mag-stay muna sa lungga ni Spike. Ilang beses na niyang pinupuntahan ang babae sa rooftop at iniisip kung ano ba ang pumasok sa utak ng best friend niya dahil hindi ito simpleng kidnapping.
Lexus knew that everyone was looking for this woman. Naalala niya ang narinig na sinabi ng ilang tauhang nakausap ni Ice na marami ang nag-iikot para lang mahanap ito. Nakita rin niya ang itsura ng kapatid ni Ice na nagpabugbog mahanap lang ang asawa at ang sinabi ni Ares na magiging busy si Ice panigurado para matulungan ang nakatatandang kapatid.
Pasilip pa lang ang araw nang muling maisipan ni Lexus na bumangon para magtungo sa rooftop. Bitbit niya ang isang bote ng tubig at yosi para salubungin ang umaga sa itaas.
Nang marinig ng mga bihag ng grupo ni Lexus na mayroong tao, sabay-sabay na tumunog ang chains at ang mahihinang boses na nanghihingi ng tubig. Ang iba ay nagmamakaawang patayin na lang o hindi kaya ay pakawalan. Alin lang sa dalawa.
Dumiretso siya sa pinakadulong kulungan kung nasaan ang babaeng sinabi ni Marjorie na Anya ang pangalan. Patagilid itong nakahiga sa malamig na semento at nakatalikod sa kaniya. Kita niya ang linya ng buto sa likuran.
Marjorie arrived last night and checked on the woman. Pinakain ito ng kanin na walang ulam at tubig. Iyon lang. Nabanggit na rin sa kaniya ng isang tauhan na bihirang pakainin ang babae kaya malaki na ang ipinayat.
"Lexus," bati ng isang lalaking nakatambay rin sa rooftop. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Ipinakita niya ang kaha ng yosi at bote ng tubig. "Magyoyosi. Baka alis na rin ako mamaya. Ikaw? Bantay ka rito?"
"Oo, ako ang naka-assign ngayon." Humarap ito sa kulungan ng nag-iisang babaeng bihag. "Naaawa na kami riyan sa babaeng 'yan. Natatakot na rin kami sa posibleng mangyari kapag nalaman ng asawa kung nasaan 'yan."
Tahimik na nagyosi si Lexus habang nakatingin sa babae.
"Narinig namin sa ibang grupo na nag-iikot ang mga taga-Escarra, Olympus, at Kampo Laurier. Nakita rin ng ibang kasama namin 'yong malalaking sasakyan noong isang araw. Hindi lang isang grupo ang nag-iikot para mahanap 'yan," sabi ng tauhan ni Spike. "Sinabi na namin kay boss, pero hayaan lang daw namin. Wala naman daw nakakaalam ng lugar na 'to."
"Totoo rin naman," sagot niya. "Kung hindi alam ang daan papunta rito o hindi tagarito, walang makakapunta rito."
May katotohanan iyon dahil inayos talaga ni Spike na magmukhang dead end ang daan papunta sa lungga nito at mayroong ilang shortcuts na sikretong daraanan. Magaling magtago si Spike—he would give it to his best friend.
"Si Marjorie talaga ang magpapahamak kay boss," sabi ng lalaking kasama niya. "Pinag-uusapan na naming lahat 'yong gagawin naming pagtakas 'pag natunton na 'tong lugar na 'to. The moment na dinala ni Marjorie 'yang asawa ni Escarra dito, alam na naming hindi na kami magtatagal."
Ipinagkrus ni Lexus ang dalawang braso dahil iyon din ang naisip niya nang makita niya si Anya. Sa ugali pa lang ni Ice, alam niyang mauubos itong grupong ito . . . at alam niyang posibleng dumating ang oras na isa si Ice sa makakalaban ni Spike.
Marjorie would be Spike's downfall, Lexus already knew that. Noon pa man. Linta ito. Kung saan ito makikinabang ay nandoon at hindi puwedeng pagkatiwalaan. The bitch would literally drop everything to save herself.
Malalim na huminga si Lexus nang gumalaw ang babae at maingat na bumangon. Humarap ito sa kaniya at nagtama ang tingin nila. Napansin niya ang pamumutla ng labi nito at pinipilit na lumunok habang nakatingin sa hawak niyang bote ng tubig.
Iniabot niya ang bote sa tauhan ni Spike at inutusan itong painumin ang babae bago tumalikod para umalis. Hindi na rin siya magpapaalam kay Spike.
"Aalis ka na?"
Nilingon niya ang nagsalita. It was Marjorie standing in front of an empty pool, drinking coffee.
"Oo. Tulog pa ba si Spike?"
"Oo. Ingat ka," anito na tinanguan siya.
Mahinang natawa si Lexus. "Kayo ang mag-ingat. Natatakot na ang mga tauhan ni Spike dahil sa ginawa mo."
Ngumisi si Marjorie, pero walang sinabi.
"Kapag binalikan ka ng mga Escarra, tingnan natin kung makangiti ka pa," aniya bago pumasok sa sasakyan at hindi na ito binigyan ng pagkakataong magsalita.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top