Chapter 21
Ice knew that some men were vulnerable and stupid. Hindi naman niya inasahan na ang leader ng grupong gusto niyang ubusin ay pinagsamang mahina at tanga dahil tumalikod talaga at inutusan pa siyang magmasahe.
Wala siyang alam tungkol sa ginagawa niya, pero sinubukan niya. Nakaupo siya sa likuran ng lalaki at minamasahe ito. Pagkatapos kasing labasan dahil lang sa walang tigil na pag-grind niya, inantok ito. Ang buong akala niya ay aayain siya nito, pero hindi. Sa susunod na raw kapag ready na siya.
As if.
"Hindi naman po ba kayo nahihirapang kumuha ng pagkain dito kasi medyo marami kayo?" tanong niya para kumuha ng impormasyon.
Mahina itong natawa. "Hindi, kaya huwag kang mag-alala. Hindi ka magugutom dito. Marami naman kaming magsasakang kinukuhanan ng mga pagkain tulad ng gulay at mga karne."
"Buti po meron kayong nakukuhanan," sagot naman niya.
"Sayang hindi kita nadala kanina sa isang parte rito sa kampo. Mahilig ka ba sa aso? Hindi ka puwede roon 'pag mahilig ka sa aso noon as pets," sabi nito sa mababang boses. "Nag-breed kami ng mga aso. Isa sila sa source ng mga karne namin dito."
Nagulat si Ice sa sinabi ng lalaki. Napatigil siya sa pagmasahe sa likuran nito at hindi inasahan iyon.
Of course, she was fond of dogs! Even before the dark world, she owned a beagle and a toy poodle. Her childhood dog was named Ellie. And while living with Ares, they took care of dogs. Dogs were part of her life, and it made her angry knowing these men were eating dogs.
"Bakit?" Patagilid itong tumingin sa kaniya. "Mahilig ka ba sa aso?"
Isang tango ang naging sagot niya bago ipinagpatuloy ang pagmasahe sa likuran nito.
"Hindi na uso 'yan ngayon, e. Wala ring pakialamanan," sabi nito. "Nagugutom na ang mga tao, mas pipiliin pa ba naming maawa sa mga 'yan? Karne rin naman. Bukas, magpapaluto ako para matikman mo."
Napalunok si Ice sa narinig dahil sa galit. Matagal siyang nakatitig sa batok ng lalaking ang laki ng tiwala sa kaniya. Gusto na niya itong patayin, pero hindi pa puwede. Hindi pa oras.
—
Samantalang nasa ikalawang floor na si Lexus at maingat ang bawat paggalaw niya. Siniguro muna niyang mahimbing nang natutulog ang iba. Kumuha rin muna siya ng impormasyon sa kasama niya sa kuwarto bago ito inuna.
Maayos naman ang naging pakikitungo nito sa kaniya, pero hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol kay Ice.
These men openly talked about the group leader wanting to fuck Ice and everyone would afterwards. Harap-harapang sinabi sa kaniya na hindi ligtas ang babae sa lugar na ito at kasama si Ice sa pagpapasa-pasahan kapag pinagsawaan ng leader ng grupo, not minding he was the "cousin" of Ice.
Nabanggit din nito na mayroong apat na babae sa grupo. Dating sampu, naging apat. Ang iba ay nagtangkang tumakas, pero hindi na nakalabas ng kampo. Ang iba ay pinili na lang magpakamatay. Nagtawanan pa ang mga lalaki habang sinasabi iyon. It made him furious.
Habang nasa hagdan, sumandal si Lexus at sandaling huminga. Naamoy niya ang dugo sa kamay at katawan niya. Nanlalagkit na siya, pero tatapusin na niya lahat. Gusto na niyang umalis dito at gusto na niyang itakas si Ice.
He knew that Ice could handle herself, but he was uncomfortable that Ice was inside the room with that man.
Lexus shut his eyes for a second and walked towards a door. Tulad ng ibang kuwarto, madilim ngunit sapat ang liwanag galing sa mga lamparang nasa labas ng gusali para kahit papaano ay makita niya ang mga tao sa loob. Tulad rin ng ibang kuwarto, amoy kulob at halo-halong body odor. Sigurado siyang isa ito sa hindi matatagalan ni Ice.
Unang pinuntahan ni Lexus ang lalaking malapit sa may pinto. Tulad ng ginawa niya sa iba, tinakpan niya ang bibig at basta na lang itong ginilitan at hindi na binigyan ng pagkakataon pang makagalaw. Diniinan niya ang pagtakip sa bibig at ilong hanggang sa hindi na ito gumagalaw.
Nakatitig lang siya sa isa pang lalaking mahimbing na natutulog bago ito nilapitan para ulitin ang ginawa niya. Sa pagkakataong ito, hindi na niya tinakpan ang bibig. Pinanood na lang niya itong gumalaw nang gumalaw. Matagal itong nakatitig sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo mula sa leeg at namukhaan niya ito kahit madilim.
Na-realize niya na ang lalaki ay ang isa sa sumundo sa kanila. Ito ang lalaking nasa kaparehong kabayo ni Ice—ang lalaking humihipo kay Ice.
"Three hundred seventy six," bulong niya habang pinupunasan ang kutsilyo gamit ang kumot ng lalaki.
Since the dark world, the man was his 376th kill.
Muli niyang pinunasan ang kamay bago lumabas para pumasok sa isa pang kuwarto at paulit-ulit lang ang ginawa niya hanggang sa marating niya ang huling floor at sigurado siyang nandito si Ice.
Halos hindi siya nahirapan dahil tulog lahat. It was the plan. May ilang nanlaban, pero mas marami ang hindi na nakagalaw.
Malabo ang naging plano nila ni Ice dahil risky. Walang kasiguraduhan kung kakagatin ba ng mga lalaki ang planong maakit kay Ice at iyon nga ang nangyari. Si Ice mismo ang nag-suggest sa kaniya at naglatag ng mga plano habang nakikinig siya.
He didn't want it at first. He didn't want to use Ice as a pawn, but she was persistent.
Nalungkot siya dahil mayroon siyang nakitang pagkakaiba. Naalala niya kung ano ang reaksiyon ni Ice sa airport noong may mga lalaking sumubok magtangkang gumahasa rito. That Ice was scared and it was different from the Ice he was currently with.
Gusto niya ang tapang. Gusto niya ang Ice na palaban. Gusto niyang hindi nagpapatalo, pero hindi niya gustong nagbago ang pananaw nito sa sarili lalo sa katawan.
Ice knew she had an advantage because she was a female. She knew that men wanted her, and she was using it. Wala namang kaso kay Lexus basta hindi mapapahamak si Ice sa ginagawa. He would help her with any plans she wanted to do.
Ipinagpatuloy ni Lexus ang pagpasok sa mga kuwarto. Naalala niya ang isang kuwartong pinasok niya kanina at nakita ang apat na babaeng mahimbing na natutulog. Hahayaan niyang si Ice ang makipag-usap sa mga ito oras na makalabas na sila.
One last room and Lexus knew Ice was inside. Isa pa, ito lang din ang kuwartong nakikita niyang mayroong liwanag mula sa loob.
At pagbukas na pagbukas niya ng pinto, narinig niya ang boses ni Ice. Mahina itong kumakanta. Napahinto siya sa pagpasok sa kuwarto dahil na-realize niya bigla na may boses si Ice. Maganda itong kumanta. Babaeng-babae. Napangiti siya at sumandal sa pinto.
The song was Miss You Like Crazy by Natalie Cole. Of course, he was familiar.
Hindi kaagad pumasok sa loob ng kuwarto si Lexus. It had been long since he heard the song. For some reasons, he knew the lyrics, too, and he was singing it inside his head. Bigla siyang nakaramdam ng pagkalungkot dahilan para mapayuko siya, pero napawi kaagad iyon dahil sa mga dugong nasa katawan niya.
Who would've thought that one day, listening to music would be this rare? Dati, kahit saan mayroon, pero sa kasalukuyan, halos wala. Katahimikan lang ang bumabalot sa kanila.
Lexus breathed and walked inside the room. Napatitig siya kay Ice na komportableng nakahiga sa kama. Nasa paanan ang ulo at nakapatong ang dalawang binti sa likod ng lalaking katabi.
The man was still alive, he was sure. Nakadapa ito ngunit nakatagilid ang ulo at dilat ang mga mata na patagilid na tumingin sa kaniya.
"Hi." Ice scrunched her nose and smiled. "Done ka na?"
Lexus slowly nodded and squinted. "Ikaw?"
"Done na rin." Ice sat and frowned. "Gusto mong maligo? Meron daw siyang tubig sa bathroom, sabi niya sa 'kin kanina."
Sinilip ni Lexus ang lalaki na gumagalaw ang mata at parang gustong subukang magsalita, pero hindi magawa.
"Ano'ng ginawa mo rito?" Pinindot ni Lexus ang likuran ng lalaki gamit ang dulo ng kutsilyong hawak niya. "Tapos na 'ko."
"Pinagmasahe niya 'ko ng likod 'tapos nagkukuwento siya tungkol sa dog meat. Nabadtrip ako, e." Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "Huwag mo na 'yan siyang patayin. Hayaan na lang natin siya mabulok. Pero paralyzed na siya. Nabugbog sa batok."
Tumayo si Ice at lumapit sa kaniya. "Tara, ligo tayo bago umalis dito. Ang baho mo, e."
Ngunit bago sila tuluyang umalis, muling hinarap ni Ice ang lalaki. Tinanggal nito ang bathrobe at T-Shirt na suot sumunod ang shorts. Sinuklay rin nito ang buhok gamit ang sariling mga daliri at ngumiti bago siya hinila para maligo.
Kinuha ni Lexus ang lampara at ipinasok iyon sa loob ng bathroom. Ibinaba niya iyon sa lamesa at sandaling tinitigan ang sarili.
Wala siyang pang-itaas at nagkaroon ng marka ang arm sling na ginamit niya buong maghapon. Puro dugo ang katawan niya hanggang sa mukha. Nakita rin niyang mayroong naninigas na buhok na sigurado siyang galing din sa dugo. Pawisan siya kahit malamig ang Baguio.
Dinama ni Ice ang tubig mula sa drum. Puno iyon kumpara sa tubig na ipinampaligo sa kaniya. Malamig, sobra, pero tolerable naman niya. Nanginig ang baba niya nang hugasan niya ang sarili lalo sa bandang ibaba dahil nandidiri siya.
Nilingon niya si Lexus. Nakaharap pa rin ito sa salamin.
"Ligo na tayo. Gusto ko na ring umalis dito," aniya sa mababang boses.
Naghubad si Lexus sa harapan niya at ngumiti. Ang laki kumpara sa lalaking kanina lang e umuungol pa dahil sa kaniya.
"Ano'ng nangyari kanina?" Pumasok si Lexus sa shower area at kinuha ang tabo mula kay Ice. "May nangyari ba sa inyo?"
Pinanood ni Ice si Lexus na buhusan ang sarili. Hindi kaagad siya sumagot. Giniginaw siya at mas lalo na nang sumandal siya sa malamig na tiles. Walang sabon kaya panay ang kuskos ni Lexus sa katawan para mawala ang mga dugo.
Ice crossed her arms and waited for Lexus to clean himself. Yumuko siya at nakita ang pamumula ng tubig mula sa katawan ni Lexus at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
She should have been scared about what Lexus could do, but that wasn't the case. She felt safe and free. She was with a killer, and she didn't mind.
Pero habang nakahiga kanina, naisip niya na si Lexus ang isang taong hinding-hindi niya kakalabanin. She would never cross Lexus because that would be stupid. Sa mga bagay na kaya nitong gawin, sa mga nakita niya . . . alam niyang wala itong palalampasin.
"So?" Ibinalik ni Lexus ang tabo sa drum bago humarap sa kaniya. "What happened? May nangyari ba sa inyo?"
"Hindi naman napasok." Kinuha ni Ice ang tabo at binuhusan ang baywang pababa. "But he asked me to grind." Natawa siya. "And he came."
Nakita niya kung paanong nagsalubong ang kilay ni Lexus sa sinabi niya. "Nasarapan ka?"
Nagulat si Ice sa tanong ni Lexus. Natigil ang pagbuhos niya ng malamig na tubig sa katawan dahil sa tanong. Mababa pa ang boses, halos pabulong, at malalim ang pagkakatanong.
At dahil natutuwa siya sa paraan kung paano ito tumingin sa kaniya, tumaas ang balikat niya bilang sagot. Ice even pouted. Ipinagpatuloy niya ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan niya ngunit ikinagulat niya nang biglang lumapit sa kaniya si Lexus.
Ice thought Lexus would kiss her, but instead, he slightly pushed her against the wall and placed his hands around her neck.
"Nasarapan ka?"
She chuckled and mockingly smiled at Lexus, making his choke tighten. "Would never let another man pleasure me," she murmured.
Sa sinabi niya, naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ni Lexus sa leeg niya bago siya hinalikan sa gilid ng labi. "Mag-stay na muna tayo rito bago lumiwanag. Can I nap?"
Tumango si Ice. "Oo. Meron namang sofa. Umalis na lang tayo kapag maliwanag na. Gusto ko na rin munang makausap 'yong mga babae sa ibaba. Nakita mo ba sila?"
"Tulog sila noong pumasok ako sa kuwarto, pero nabanggit sa 'kin n'ong lalaking kasama ko kung ano ang trabaho nila rito," sabi ni Lexus na humarap kay Ice.
Hindi na nagtanong si Ice dahil alam na rin niya. Walang nagsabi sa kaniya, pero nakita niya ang lungkot at pagod sa mga mata ng mga babaeng nakasama niya kahit saglit na oras lang. Nakita niya ang mga pasa sa braso, kiss marks sa may bandang leeg, at halos hindi na nagsisipagsalita.
Nang matapos maligo, naghanap si Lexus ng damit mula sa closet ng lalaki. May nakita siyang garterized shorts at isinuot iyon. May kaiklian kaya tawa nang tawa si Ice.
Pabagsak na nahiga si Lexus sa kama dahil naramdaman niya ang pagod. Sinulyapan niya ang lalaki nang marinig itong umuungol, pero hindi niya pinansin. Sinundan naman niya ng tingin si Ice na isa-isang binubuksan ang drawers at naiinis na wala namang makitang matino.
Biglang naramdaman ni Lexus ang pagod. Ilang pinto ang pinasok niya at ilang floor ang inakyat niya. Gusto na muna niyang magpahinga. Gusto na rin niyang umalis sa lugar na ito.
"Baguio was my comfort zone," biglang sabi ni Ice kaya sinundan niya ulit ito ng tingin. "But after what happened? After Ate Sarah, Kuya Jeff, and Manong Mike's death . . . this would be the last time I'll be here."
Lexus knew that she was punishing herself for their deaths. Hindi nito directly sinasabi sa kaniya, pero iyon ang nakita niya. Ice hadn't mourned yet. Sigurado rin siya sa parteng hindi pa rin nito ipinagluluksa ang mga magulang, nadagdagan pa.
"I guess Ares and my brother were right," Ice bitterly smiled while walking towards Lexus. "Siguro mas okay na manahimik na lang ako sa city. Sa Beta Escarra. Tama sila sa parteng baka may mamatay dahil sa gusto ko, baka may mapahamak."
He extended his arms, asking Ice to lay beside him. Pero pumatong ito sa kaniya. Hindi na siya nakapalag. Inihiga nito ang ulo sa dibdib niya.
"Gusto ko na ring umalis dito, pero puwede ba tayong bumaba sa beach mamaya bago bumalik sa Manila? May malapit here sa Baguio, sa baba." Tumingin si Ice kay Lexus. "Kahit sandali lang."
Tumango si Lexus at hinaplos ang buhok ni Ice. "Sige. Kahit overnight pa, basta hindi na rito. Ang bigat ng pakiramdam dito."
—
Nang lumiwanag na, maingat na tinanggal ni Ice ang pagkakayakap ng braso Lexus sa baywang niya. Mahimbing pa rin itong natutulog at mukhang pagod na pagod dahil nakanganga pa kaya hahayaan muna niya.
Sinilip niya ang lider ng grupo. Buhay pa ito dahil gumagalaw pa ang mga mata kahit na nakapikit. Hindi na ito makagagalaw at mamamatay na sa sariling kama.
Ice remembered how Ares taught her how to paralyze someone if needed, and she did that. Halos baliin pa nga niya ang leeg nito noong nasa likuran siya, pero hindi niya ginawa. She wanted the man to have slow and painful death.
Naisipan ni Ice na bumaba at puntahan ang mga babae. Gusto niyang tingnan kung gising na ang mga ito ngunit pagdating sa first floor, narinig niya ang mga nag-uusap kaya nagpakita siya.
"Labas tayo?" pag-aya niya sa mga ito. "Ayaw ko ng amoy."
Sumunod ang apat na babae sa kaniya. Tahimik ang mga ito. Malalim naman siyang huminga at dinama ang malamig na umaga ng Baguio bago isa-isang tinanong kung ano ang nangyayari sa loob para sa mga babaeng ito.
These women were violated repeatedly by group members. Recently, one woman was killed because she decided to run away. Turns out, the woman was the group leader's favorite.
"Meron pa ba kayong mauuwian?" tanong niya sa apat na babaeng nagulat sa ginawa nila ni Lexus. "Ayaw ko kayong iwanan dito. Meron pa ba kayong family?"
Nagtinginan ang apat na babae.
"Hindi ko alam kung buhay pa sila," sabi ni Remy, isa sa mga babaeng nasa harapan ni Ice. Maganda ito. Morena at kulot ang buhok. "Apat na taon na rin kasi ako rito. H-Hindi ko alam kung nasaan sila."
Four years. Ice breathed and bit her lower lip, thinking about what the woman had gone through for years.
"Puwede kayong sumama sa 'min ni Lexus. I know people who can take you in. Sila rin ang tumulong sa 'min para makarating dito," aniya at nilingon ang entrance ng Manor nang marinig ang kaluskos. "We'll bring you there."
Nakita ni Ice ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ng apat na babae. Magkakahawak ang kamay ng mga ito at sunod-sunod ang pasasalamat.
"Kanina ka pa gising?" tanong ni Lexus na umakbay sa kaniya. "Napahimbing ang tulog ko."
"It's okay." Ngumiti siya at isa-isang ipinakilala ang mga babae.
Kinamayan ni Lexus ang mga babaeng nasa harapan nila at paulit-ulit na nagpasalamat sa ginawa raw nila, but Ice emphasized that it was all Lexus. She wanted to credit him. She wanted them to thank him dahil kung tutuusin, halos wala naman siyang ginawa.
Nakipag-usap na rin muna si Lexus sa mga babae kaya nakakuha si Ice ng pagkakataon na lumayo. Saglit niyang tinitigan ang Manor. The place used to be so beautiful. Weddings were held in the garden. Known personalities often walked around here and enjoy the place.
"Tara na?" Inakbayan siya ni Lexus. "Para makababa na rin tayo rito."
Ngumiti si Ice at patagilid na tiningnan si Lexus. "Meron lang akong isang area na gustong puntahan. Nabanggit sa 'kin kagabi n'ong lalaki na marami silang aso rito. Puwede ba natin silang pakawalan?"
Tumango si Lexus. "Oo naman."
Nilapitan ni Ice ang mga babae at tinanong kung alam ng mga ito kung saan nakakulong ang mga aso at kabayo na kaagad namang itinuro sa kanila.
Lexus was talking to a girl, and Ice had a chance to speak to the eldest woman.
"Bago pa ba magkagulo, magkasama na kayo?" tanong ng babae habang naglalakad sila palayo sa Manor.
"Hindi. Nito lang kami," sagot niya. "May boyfriend ako bago ang gulo, pero naghiwalay na kami kasi masyado siyang mabait. Mas gusto ko ang boyfriend na walang inaatrasan."
Ngumiti ang babae. "Oo nga. Bagay kayo, sobra. Thank you sa ginawa n'yo. Walang naglalakas-loob na kumalaban sa kanila kasi wala rin silang sinasanto. Pumapatay kasi talaga sila. Kapwa nga nila, pinapatay nila, e."
"Wala 'yon. Sana maging maayos din kayo 'pag nakalabas na rito. Wala na rin naman sila. Siniguro muna namin na ubos." Hinawakan niya ang kamay ng babae. "Kung kaya, start na lang kayo ng new life. Alam kong mahihirapan dahil biktima kayo, pero sana makaya n'yo 'yong mga susunod pa."
Tumango ang babae at nagkuwento sa dating buhay. Hindi pala ito nakatapos ng college tulad niya. Education ang kinukuha dahil mahilig sa bata. Doon sila nagkaiba.
Nakarating sila sa kulungan at dinig na dinig ni Ice ang tahulan. Pinabuksan niya ang kulungan. Kilala ng mga aso ang mga babae. Madalas pala rito ang mga babae kapag walang ginagawa sa Manor. Binuksan ang kulungan at lumapit sa kanila ang nasa dalawampung aso.
"Hinahanap talaga sila ng mga tauhan para makain," sabi ng isa habang hinahaplos ang ulo ng mga asong lumapit sa kanila at binuhat ang isang tuta. "Ito, mag-isa na lang siya. May nanay siya kaso . . ." Tumigil ito.
Si Lexus ang kumuha sa tuta at hinaplos ang ulo niyon bago hinalikan sa pisngi. The puppy licked Lexus' cheek who chuckled.
"Kinatay po noong isang araw ang nanay niya kaya mag-isa siya. Natuwa kasi iyong isang namili na ulila na raw iyong tuta," pagkuwento nito.
Nag-iisa lang ang tuta. Ang iba ay malalaki na.
Biglang naalala ni Ice ang pakiramdam kung paano pinatay ang mga magulang niya at inilayo sa kaniya. She was almost the same as the puppy who had no parents and it made her eyes water. Pilit niya iyong itinago sa pamamagitan ng paghaplos sa ulo ng mga aso. Ares would be happy to see these dogs.
"Meron din silang mga kabayo, gusto n'yo rin bang pakawalan?" tanong ng babae. "Nandito po." Itinuro nito ang makeshift stable.
There were a total of twelve fully-grown horses and five foals. Nagkatinginan sila ni Lexus at isa ito sa plano nila na kung sakaling mayroong mga buhay na kabayo, ipakukuha nila sa mga magsasakang tumulong sa kanila.
Ice smiled and took the puppy from Lexus. "Puwede ba natin siyang kunin?"
Tumingin si Lexus sa kaniya at ngumiti. "Gusto ko ring itanong, e. Puwede ba natin siyang ampunin? Isama na lang natin siya."
"Sige. Let's get out of here and never visit again."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top