Chapter 20
Nang makapasok sa loob ng Camp John Hay, napansin kaagad ni Ice kung gaano kagulo ang lugar. Ang dating maayos, malinis, at tourist attraction, nagmukhang gubat dahil sa matataas na damo. Sira-sira na rin ang ilang gusali sa loob tulad ng mga restaurant at bilihan ng mga pasalubong.
"Malayo pa po ba tayo, sir?" tanong niya. Bahagya siyang lumingon nang maramdaman niya ang paghaplos nito sa braso niya. "Masakit na po kasi 'tong baywang ko."
"Ito ba?" Hinaplos ng lalaki ang baywang niya at mahinang natawa. "Hindi bale, malapit naman na tayo. Makakapagpahinga ka na rin."
Tumango siya at ngumiti bago muling inobserbahan ang lugar. Tiningnan niya kung mayroon bang mga bantay sa bawat sulok, pero wala. Tanging mga kabayong pagala-gala ang nakikita niya at nabanggit ng lalaking na pag-aari iyon ng grupo. Hindi siya sumagot. Hinayaan niya itong ituro sa kaniya ang bawat lugar.
The horses were used as means of transportation. Araw-araw daw mayroong lumalabas para makakuha ng pagkain kaya hindi raw niya iyon aalalahanin. Galing daw ang mga pagkain sa mga kalapit na farm.
The man also mentioned dog meats. Isa raw iyon sa bumubuhay sa grupo na ikinagalit niya lalo. The group were hunting dogs and breeding some for consumption. It made her want to throw up.
Sigurado siyang kapag narinig ito ni Ares, mauubos ang lugar na ito.
Naramdaman niya ang pag-init ng mukha niya sa galit kaya tinitigan na lang niya si Lexus na patuloy pa rin sa pag-arte tulad niya. Nakatabingi ang katawan nito sa kabayo, mukhang mayroong iniinda. Kung wala lang silang ibang kasama, nasakal na niya ang lalaking nasa likod niya dahil kanina pa kumikiskis ang katigasan nito sa likuran niya.
She wanted to cut his dick and bury it in his own mouth.
Mula sa malayo, nakita ni Ice ang The Manor. It was a well-known hotel in Camp John Hay at ilang beses na rin siyang nag-stay roon kasama sina Ares. The place used to be so beautiful, but it now looked nauseating to look at. Halos nabubulok na ang hotel buildings at mayroong mga nakasabit na damit sa bawat bintana na kapareho ng suot ng mga lalaki.
Ang dating grounds na pinaggaganapan ng mga kasal ay maputik at marumi na.
Kahit hindi pa sila tuluyang nakalalapit, kakaiba na ang amoy. Amoy nabubulok na laman, mapanghi, at amoy dumi. Nakasusuka.
Habang papalapit sila sa mismong building, lumabas ng manor ang isang lalaki. Nakasuot ito ng puting sandong may karumihan, six pocket pants na kapareho ng iba, at may nakapalibot na pana sa katawan. Diretso ang tingin nito sa kaniya.
Nang tuluyan itong lumapit at hinawakan ang tali ng kabayong sinasakyan niya, narinig niya ang malalim na paghinga ng lalaking nasa likuran niya.
The man's aura screamed authority and superiority. Na halos lahat ay lumingon nang lumabas ito ng manor. Hindi na pumalag ang lalaking nasa likuran niya nang tulungan siyang bumaba ng lalaking nasa harapan.
"Ako na ang bahala," sabi nito sa lalaking tumulong sa kaniya. "Patingnan n'yo kay doc ang lalaking kasama niya. Ako na ang bahala sa kaniya."
Walang naging sagot ang lalaking kanina lang ay bumubulong ng mga puwede nilang gawin sa lugar. Na kung gusto raw niya ay sabay silang kumain o kaya ay mag-horseback riding ulit kapag hindi na masakit ang balakang niya.
Lahat iyon, nawalang parang bula dahil sa paghawak sa kaniya ngayon ng isa pang lalaki. Tinanong nito kung ano nangyari sa kanila ni Lexus.
Nilingon niya ang lalaki para magkunwaring magpapasalamat. Kumaway siya, pero nakita niya ang iritasyon sa mukha nito at nagkaroon ng kumpulan ang ilan pang lalaki habang nakatingin sa kanila.
Pagpasok sa loob ng manor, naamoy kaagad niya ang hindi kaaya-ayang amoy. Amoy kulob, amoy lalaki, at body odor na nagsama-sama. Gusto niyang maduwal, pero hindi puwede. Isa pa, nawala ang atensyon niya roon nang haplusin ng lalaking kasama niya ang likuran niya at dumampi ang daliri nito malapit sa may dibdib niya.
The man was tall, but not as tall as Lexus. Moreno ito at semi-kalbo. Maganda ang katawan, mukhang batak na batak. Kung tutuusin, may itsura, pero hindi pasok sa standards niya. Napansin niyang mukhang bata pa ito, mga nasa late thirties, hindi siya sigurado.
"Ano ba'ng nangyari sa inyo?" tanong nito habang naglalakad sila sa madilim na hallway.
"Galing po kasi kami sa baba," aniya sa mahinhin at mababang boses. "Tapos po sinabi sa 'min na mayroon daw tulong kaya sumama kami sa isang grupo. May mga pagkain daw po sila. Sumama kami kasi nagugutom na po kami."
Tumango-tango ito. Hindi siya alam kung saan sila papunta.
Nagkunwari siyang may inaalala at hindi nakapagsalita. Suminghot siya dahilan para patigilin siyang magkuwento ngunit patuloy pa rin sa paghaplos sa likuran niya. Hindi na ulit ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa dulong pinto ng dating hotel. Binuksan nito ang pinto at sabay-sabay na tumingin sa kanila ang apat na babae.
"Paliguan n'yo siya," utos ng lalaking nasa tabi niya. "Pagkatapos, dalhin n'yo sa kainan."
Lumapit ang isang babae at tumango. Hinawakan nito ang braso niya, pero hindi nagsalita. Nagpaalam naman ang lalaki at sinabing magkita na lang sila mamaya sa kainan.
Dinala siya ng babae sa bathroom. Walang ilaw, pero sapat naman ang liwanag na nanggagaling sa kuwartong nakabukas. Sinabihan siya nitong maghubad ng damit na kaagad niyang ginawa at saka siya inaya sa mismong shower area.
"Malamig ang tubig, kaya mo ba?" tanong nito.
Tango ang naging sagot ni Ice habang inoobserbahan ang babae. Hindi ito tumitingin sa kaniya, halatang umiiwas. Salubong din ang kilay, hindi siya sigurado.
Nagulat siya sa pagbuhos ng tubig dahil sobrang lamig. Tuloy-tuloy ang pagkuskos nito sa katawan niya gamit ang bimpo kasunod niyon ay pagkuha nito ng bote na kaagad niyang naamoy. Maasim.
"P-Para saan po?" Tiningnan ni Ice ang hawak na bote ng babae. "Bakit po may amoy?"
"Suka, para hindi ka masyadong mabaho. Suka na may tubig naman ito. Utos 'yan dito sa 'min para . . ." Tumigil ito at malalim na huminga. "Para hindi kami mabaho. Wala naman kaming sabon kaya suka ginamit namin."
Hindi nakapagsalita si Ice.
"Hindi namin alam kung effective, pero ito ang sinabi ni Manang Luz. Binababad raw kasi noon sa suka ang paa para hindi mamaho. E kung makakatulong, maganda. Kung hindi, edi hindi," sabi nito na maingat siyang pinaliguan kahit na sinabi niyang siya na lang.
Natapos ang pagligo at iniabot sa kaniya ang puting T-Shirt, walang iba. Ni walang panty dahil iyon lang daw ang iniabot ng tauhan sa kanila.
Ice wanted to talk to these women, but couldn't. Ni hindi nga tumitingin sa kaniya at mukhang hindi maganda ang kinahihinatnan dito sa lugar.
Sa mga nakita pa lang niyang lalaki, sigurado siyang mayroong hindi magandang nangyayari dito.
Habang nakaupo sa kama, tumingin sa kaniya ang isa pang babae. Nakagat nito ang ibabang labi bago nilingon ang mga kasama. Nagkakatinginan ang mga ito, parang nag-uusap ang mga mata, hindi siya sigurado.
"Napintas," sabi ng isang mayroong peklat sa pisngi. "Napintas isu na." Maganda siya.
At may lungkot sa boses ng mga ito. Alam niya ang ibig sabihin ng salitang iyon dahil madalas niyang naririnig noon sa ibang tao. Nagpatuloy rin sa pag-uusap ang mga babae. Halos pabulong at sinasabing makinis siya, maputi, at ang ikinagulat niya . . . sinabing makapagpapahinga siguro sila.
The shirt was oversized, but her nipples were noticeable. Hindi siya nagkamali dahil pagpasok sa loob ng kainan, nagtinginan lahat sa gawi niya. Hinanap kaagad niya si Lexus na nakaupo sa gilid habang kumakain.
Bukod sa halata ang nipples niya sa suot na puting T-Shirt, wala rin siyang suot na panty sa loob. Halos hanggang tuhod ang suot niya, sapat para matakpan ang dapat matakpan.
Dumiretso siya sa lamesa kung nasaan si Lexus at nagpanggap na kinakumusta ito. Nakasuot ito ng arm sling dahil sa "masakit" na braso. Ipinakita rin nito ang paa na mayroong foot brace kahit na hindi naman pilay.
Ice wanted to smile. Ganap na ganap si Lexus dahil napaniwala nito ang kung sino mang umasikaso na mayroon talagang masakit o may pilay, hindi siya sigurado.
The plan was in motion and was going well. Kung ano ang pinag-usapan nila at na-visualize, iyon ang nangyayayri.
Mayroon na lang silang isa pang hinihintay. Kapag nangyari na ito, walang matitira kinabukasan.
Samantalang ipinalibot ni Lexus ang tingin sa kainan. Halos lahat ng mga kalalakihang miyembro ng grupong ito ay nandoon para kumain ng tanghalian. If he wasn't wrong, there were a total of forty-two men inside this manor. He started calculating and planning.
Nabanggit sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kanila ni Ice na saktong babalik na sa manor ang lahat ngayong gabi.
Kinakausap siya ni Ice at napansin niya ang damit na suot nito. Masyadong manipis dahil bakat na bakat ang nipples at iyon ang napansin niya.
At nang lumapit sa kanila ang isang lalaki para sabihing ipinatatawag ito ng leader para maupo sa sariling lamesa at doon kumain, yumuko si Lexus at lihim na napangiti. Based on what was happening, the plans were on the right track.
Nakita ni Lexus ang kunwaring pag-aalangan ni Ice na sumama, pero pinilit ng lalaki dahil nag-insist daw ang leader ng grupo. Inobserbahan niya ito na pasimpleng tiningnan ang katawan ni Ice mula ulo hanggang sa paa.
Hindi naman niya masisisi.
Isa pa, nakilala ng mga lalaking ito si Ice na gusgusin at madungis at malaki ang ipinagbago nang mapaliguan. Hindi lang niya gusto ang amoy dahil maasim. Hindi niya alam kung bakit, pero amoy panluto. Aasarin niya ito kapag nagkasama na ulit sila. Parang puwedeng adobo. Maasim na madalas mayroong toyo.
Pinaupo ng leader si Ice sa tabi nito at inutusan ang isang lalaki na kuhanan ito ng pagkain.
Lexus looked down when he realized how fucked up this place would be. Masyadong naniniwala ang lahat sa pag-arte ni Ice. Masyadong mahinhin, mabait, at inosente. Malayo sa kilala niya.
—
NASA LABAS ng The Manor si Ice at naramdaman niya ang lamig. Katatapos lang nilang mag-usap ni Lexus. Walang topic tungkol sa plano dahil mayroon silang ibang kasama, pero tungkol sa braso nitong mayroong sling.
Ang alam pala ng mga tao rito, pinilay siya ng isang miyembro ng kunwaring grupong pinanggalingan nila para iligtas siya sa masamang pagtatangka.
Katatapos lang nilang kumain. Malamig ang gabi dahil umulan kaninang hapon.
Ipinalibot niya ang tingin sa buong lugar. Kung tutuusin, maganda at tahimik, pero nasakop ng mga halang ang bituka. Alam niyang kumukuha lang ng tiyempo ang mga ito sa kaniya. Sigurado siya roon.
"Gusto mo na bang matulog?" Nagsalita ang lalaki sa likuran niya at sigurado siyang si Renzo—ang leader ng grupo—ang nasa likod niya. "Gusto mo bang dalhin na kita sa tutulugan mo?"
Humarap siya at sinalubong ang tingin nito. Titig na titig, malalim ang bawat paghinga.
"Puwede po, pero pwede ko po ba munang puntahan ang pinsan ko? Gusto ko lang po sanang makita kung maayos lang siya. Please po?" aniya sa mababa at may lambing na boses.
"Oo naman." Tumango ito at iniabot sa kaniya ang isang bathrobe. "Nakita ito ng isang tauhan ko sa storage. Isuot mo na muna hangga't wala kang damit. Magpapahanap tayo bukas."
Ice nodded and happily wore the robe. Sinamahan din siya ni Renzo sa third floor kung saan daw matutulog si Lexus at pagpasok niya sa kuwarto, nakita kaagad niya ang isang pang lalaki na kasama sa pagkuha sa kanila.
Ang dating eleganteng kuwarto ay nagmukhang boarding house na hindi naaalagaan. Magulo, marumi, at natutuklap na ang mga pintura. Mayroong dalawang kama—tig-isa si Lexus at ang isa pa.
The entire hotel could fill a lot of people.
"Kuya, okay ka lang ba rito?" Naupo siya sa gilid ng kama ni Lexus at hinaplos ang braso nitong mayroong arm sling. "Kapag may masakit sa 'yo, sabihin mo, ha? Ihahatid na raw ako ni sir sa magiging kuwarto ko."
Tumango si Lexus at nagkunwari namang nasasaktan. "Sige lang, magpahinga ka na rin. Mabait naman sila rito sa 'kin." Tumingin ito kay Renzo. "Magiging maayos lang po ba ang tutulugan niya?"
"Oo," sagot ni Renzo na ipinagkrus ang dalawang braso.
Malapad na ngumiti si Ice at hinaplos muli ang braso ni Lexus. "Pahinga ka na, ha?" Yumakap pa siya at bumulong, "I'll see you later."
Tuluyang nagpaalam si Ice kay Lexus pati na sa mga kasama nito. Sumunod siya kay Renzo na hawak ang lampara papunta sa hagdan at dumiretso sa pinakadulong pinto ng fourth floor.
Pagpasok sa loob ng kuwarto, dating kitchen ang makikita, pero walang kahit na anong kitchen appliances. Malinis naman ang kuwarto, wala siyang masabi. Inaya siya ni Renzo papasok sa loob at hindi siya nagkamali. Inobserbahan niya ang lugar.
Mayroong mga nakasabit na damit panlalaki. Kuwarto ito ni Renzo at halos triple lang laki kumpara sa tutulugan ni Lexus.
"Dito ka po natutulog?" Nilingon niya si Renzo na tumango. "Dito rin po ako matutulog?"
"Oo, kasi wala pang malinis na kuwarto para sa 'yo," sabi nito na hinaplos ang likuran niya. "Palalabhan ko muna 'yong mga bedsheet na nakita nila sa storage para sa 'yo."
"Sige po." Tipid siyang ngumiti at inilagay ang dalawang kamay sa likuran para magkunwaring curious sa buong kuwarto. She wanted to show the man that she was vulnerable and innocent. She wanted him to think he could do anything to her just because she didn't know things.
Ganiyan naman ang mga tao. Kapag mukhang tatanga-tanga at walang alam, pagsasalamantalahan.
Nakita ni Ice ang daan papunta sa balcony. Natatakpan iyon ng manipis na kurtina at nang makalabas, sinalubong siya ng malamig na hangin at kadiliman. Mayroong mga lampara sa paligid, pero iilan lang. Walang tao sa ibaba, mukhang nasa kuwarto na lahat.
Naramdaman niya ang presensiya ng lalaki sa likuran niya at hindi siya nagkamali nang tumabi ito sa kaniya.
"Wala po bang nagbabantay sa labas?" Pinanginig niya ang boses para magkunwaring takot.
"Wala. Wala namang magtatangkang pumasok dito. Alam naman ng mga tagalabas na hindi kami mabait." Mahina itong natawa at tumingin sa kaniya. "Pero siyempre, mabait kami sa mga mabait sa 'min."
Inosenteng ngumiti si Ice bilang sagot at ibinalik ang tingin sa kawalan. Hindi siya sigurado kung ano ang gagawin sa kaniya ng lalaki sa kuwartong ito, pero nakahanda siya sa kahit na ano.
"Marami po ba kayong kagrupo na nag-iikot tulad po n'ong mga tumulong sa 'min?" tanong ni Ice.
Umiling ito. "Tuwing ika-apat na araw, bawal lumabas kaya dapat uuwi silang lahat. Pero sabi ng mga tauhan ko, meron daw apat na hindi pa umuuwi. Baka nag-stroll lang. Uuwi rin 'yon bukas."
Tumango si Ice kahit na alam at kilala niya ang apat na iyon. Hindi na siya muling nagtanong. Tama ang sinabi sa kaniya ng lalaking itinira nila na mahahalatang kulang ang grupo kapag mayroong nawala dahil tuwing ika-apat na araw, kailangang kumpleto ang lahat.
"Matulog ka na. Bukas ng umaga, gusto mo bang mag-ikot? Puwede tayong magpunta sa dating park o sa dating mall. Baka sakaling may mahanap tayong damit o sa ibang lugar na mayroong mga tao," sabi nito.
Nagsalubong ang kilay ni Ice. "Talaga po? May makukuhanan tayo ng mga damit ko? Meron po kayong kilala?"
"Oo." Tumaas ang balikat nito. "Marami akong kakilala na puwedeng magbigay ng damit sa 'yo. Isang sabi ko lang," pagmamayabang nito.
Naningkit ang mga mata ni Ice at tumango. Pumasok siya sa loob ng kuwarto at nasa likuran niya ang lalaki. Inayos nito ang unan sa nag-iisang malaking kama. Naupo ito at tinapik ang space para sa kaniya. Hindi siya pumalag at naupo bago yumuko.
"W-Wala ka naman pong gagawing masama sa 'kin, 'di ba?" Nanginginig ang boses niya. "K-Kasi po . . . ."
"Ano ba ang ginawa sa 'yo sa pinanggalingan mo?" Nahiga ito at nakatingin sa kaniya.
Nakababa ang buhok niya kaya paniguradong hindi nito nakikita ang mukha niya. Suminghot siya para magkunwaring naluluha. Nilaro niya ang sariling mga kuko at pinanginig ang mga kamay habang tahimik na nakatitig sa puting bedsheet. She wanted the man to think she was trying to remember what happened.
"Masakit po kasi 'yong ginawa nila sa 'kin." Suminghot siya. "Ilang beses po nila akong . . ." Huminto siya. "Masakit po 'yong ginawa nila."
Walang naging sagot mula sa lalaki.
Inalis ni Ice ang buhok niyang nakaharang at tinitigan ito. Patagilid na nakatingin sa kaniya. "Ganoon po ba ang gagawin mo sa 'kin?"
"Hindi." Tumingin ito sa kisame. "Hindi naman dapat masakit iyon."
"Po?" Ikinagulat ni Ice ang sagot ng lalaki.
Kahit maganda at maayos ang pakikitungo nito sa kaniya sa maghapon, alam niyang hindi ito matinong tao. Gago nga ang nasasakupan, siyempre, mayroong pinanggagalingan.
Pero hindi niya inasahan ang sagot nito sa kaniya. It made her blood boil even more.
"Masakit talaga kapag pinipilit. Gusto mo bang subukan na hindi masakit? Hindi ka ba nag-enjoy sa ginawa nila?" casual na tanong ng lalaki. "Kasi imbes na masakit, puwede nating pasarapin. Iyong hindi ka iiyak. Hindi ka manlalaban at hindi ka masasaktan."
Muling suminghot si Ice at pinunasan ang luha niya sa pisngi. "Puwede po ba 'yon? Bakit po 'yong ginawa nila, masakit?"
"Kasi nga, pinilit ka," sabi nito na ngumiti. "Gusto mong i-try na hindi ka masasaktan? Masarap naman kasi dapat 'yon kung marunong ang kasama mo. Turuan kita, gusto mo?"
"Paano po?" Inipit ni Ice ang buhok sa likod ng tainga niya habang inoobserbahan ang lalaki.
Nakukuha na niya ang gusto niya. Ito ang nasa plano nila ni Lexus. To charm and seduce the leader when everyone else was resting. To make the group leader fall into her hands while Lexus did his own thing. To distract the group leader using her.
. . . and he fell into her own little trap.
"Halika rito." Itinuro nito ang hinaharap. "Upo ka rito."
"Ayaw ko po. Mabigat po ako." Umiling si Ice at malamlam ang mga matang nakatitig sa lalaki.
"Hindi 'yan. Kaya kita." Tinapik nito ang katigasan. "Upo ka rito. Subukan mo lang."
Maingat na tumayo si Ice at sinunod ang utos ng lalaki. Paharap siyang naupo at kaagad niyang naramdaman ang tela ng pantalon.
"Ayaw ko po. Masakit po 'yong pantalon mo."
"Angat ka," utos nito na ginawa niya at nagmamadali pang tanggalin ang butones at zipper ng pantalon bago iyon ibinaba. Natira ang brief. "Ayan, upo ka."
Muling naupo si Ice at mas naramdaman niyang tinigasan na ito. Bumagsak muli ang buhok niya sa mukha niya kaya nakakuha siya ng pagkakataon para palihim na ngumisi lalo nang maramdaman ang paghawak nito sa magkabilang baywang niya at maingat siyang iginalaw.
"Ayan. Gumalaw ka, atras-abante," sabi nito. "Idiin mo lang 'tapos gumalaw ka."
Ganoon ang ginawa niya. She ground slowly while the man gasped, and his chest moved as he breathed deeply.
"Ayan, ganiyan." Pumikit ito. "Igalaw mo lang."
"Bakit po ganito?" Idiniin ni Ice ang sarili. "Bakit po nakakakiliti?"
Ngumiti ang lalaki. "Ituloy mo lang."
Tumango si Ice at ngumiti. Nakatitig siya sa lalaki. Nararamdaman niya ang katigasan nito sa kaniya. Nakasuot siya ng short galing sa mga babaeng umasikaso sa kaniya kanina dahil nanghingi talaga siya. Ang pangit kaya sa feeling na walang panty.
Narinig niya ang paghalinghing ng lalaki sa ginagawa niya na ikinangiti niya. Malamang sa malamang, makatutulog ito mamaya. At gusto niya itong asarin. Huminto siya dahilan para dumilat ito.
"Bakit ka huminto?" tanong nito. "Ituloy mo lang."
"Nakikiliti po ako," reklamo niya. Mababa pa rin ang boses.
"Ituloy mo lang," pakiusap nito.
Ngumiti si Ice at tumango. Napaisip siya na ang suwerte naman nito. Mamamatay na lang, masasarapan pa.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top