Chapter 2
Inaayos ni Ice ang sasakyang gagamitin niya nang lumapit si Lana. Bitbit nito ang backpack at susi ng motor na gagamitin. Nagpaalam kasi ito sa kaniya na uuwi muna sa Escarra para bisitahin ang ina.
"Matagal ka ba roon?" tanong ni Ice. "Don't worry about anything. Magbakasyon ka muna roon."
Ngumiti si Ice at tumango. "I don't know, Ate. Kapag na-bore ako, I'll be back. Baka sa isang araw rin kaagad."
Natawa si Ice dahil pareho silang hindi nakatatagal sa Escarra. Bukod kasi sa nasa parang probinsyang wala man lang saya, wala silang magawa hindi tulad sa Beta na mayroong mga laruan sa loob ng mall. Nagagamit pa rin nila iyon. Isa pa, puwede silang lumabas nang walang inaalala.
"Mag-iingat ka," paalala ni Ice kay Lana. "Kasama mo ba si Brad o ikaw lang mag-isa?"
"Sasama raw po siya, Ate, kaya may kasabay ako. Nami-miss na raw niya ang boyfriend niya," ngumiti si Lana.
Ice chuckled. "Pakisabi, love wins."
Tumango si Lana at tuluyang nagpaalam sa kaniya. Bago umalis, nagsabi rin siya sa mga tauhan niyang mag-iikot lang siya at babalik sa gabi. Kung sakali mang hindi siya nakabalik, dumiretso sa Olympus. Hindi pa niya sigurado.
Walang kasiguraduhan kung saan pupunta si Ice. Gusto lang talaga niyang gumala dahil nabuburyo siya sa Beta. Katatapos lang niyang makipag-usap sa dating mayamang interesado sa sasakyang ginagawa nila kapalit niyon ang bakal na materyales na kailangan niya.
The old man was a former businessman who produced and sold steel. Kailangan niya iyon.
Naisipan ni Ice na magpunta sa bay area. Malapit iyon kay Ares at ang pinakamabilis na daan para sa lugar niya ay sa dating EDSA papunta sa Monumento. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Lexus dalawang linggo na ang nakalilipas. Awtomatikong tumingin siya sa orasan at halos kapareho iyon ng oras na napag-usapan nila.
It would be funny if he would see Lexus. Ang tanga naman nito.
Ice casually drove around the empty road while blasting Imagine Dragons. Bigla niyang naisip kung naka-survive kaya ang mga ito? Aba sana at ang swerte ng mga kasama dahil araw-araw nilang maririnig ang boses nito.
She was tapping the steering wheel while singing Demons. It was one of her favorite songs dahil parang dine-describe nito ang sarili niya. Putangina, eh. Sakto ang title sa kaniya.
"Don't get too close; it's dark inside... it's wh—"
Tumigil sa pagkanta si Ice nang may maaninag mula sa malayo. Hindi siya puwedeng magkamali. The car was familiar and she wasn't wrong when Lexus stood up from the hood facing her way.
Ice slowed down and she was in disbelief. Huminto siya sa harapan ng sasakyan ni Lexus. Kinuha niya ang baril na nasa passenger's side at inilagay iyon sa tagiliran bago lumabas ng sasakyan. Nakapameywang siyang naglakad papalapit kay Lexus na nakangiti.
"Grabe, ha? Took you two weeks to come here?" Lexus bit his lower lip. "Good to see you again, Master."
"Hindi ako nagpunta rito para sa 'yo. Dadaan lang ako," seryosong sagot ni Ice. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Alam mo ang ganda mo, pero bakit parang medyo bobo ka?" nagsalubong ang kilay ni Lexus.
Naningkit ang mga mata ni Ice. "Ayusin mo 'yang pananalita mo sa harapan ko kundi pasasabugin ko 'yang ulo mo."
"Joke lang!" natawa si Lexus. "Araw-araw akong nandito, hindi ka man lang dumating? Grabe ka."
"Sinabi ko bang pupunta ako?" Pinagkrus ni Ice ang dalawang braso. "At saka bakit ka ba naghihintay? Sino'ng tangang maghihintay sa walang kasiguraduhan?"
"Ako." Kinagat ni Lexus ang ibabang labi habang nakangiti.
Natahimik si Ice sa sinabi ni Lexus. Sumandal siya sa sarili niyang sasakyan habang pinagmamasdan ang lalaking nakatayo malayo sa kaniya. Hawak nito ang susi ng sasakyan na iniikot-ikot sa hintuturo.
"Ano ba talagang gusto mo?" seryosong tanong ni Ice. "Kasi seriously, wala akong ipagagawa sa 'yo. Marami akong tauhang kikilos para sa gusto ko. What's your deal? Did someone ask you to kill me? Di—"
"Bakit, meron bang nagtatangka sa buhay mo?" pagputol ni Lexus sa sasabihin niya. Tumigil din ang pag-ikot ng susi sa daliri nito. "Sino ba? Unahan na natin. Tara."
Seryoso ang pagkakasabi ni Lexus at hindi mabasa ni Ice kung nagbibiro ba ito o totoo na ang sinasabi. Salubong pa ang kilay, naniningkit ang mga matang nakatitig sa kaniya, at malalim pang huminga. Maniniwala na sana siya kung hindi lang sumilay ang munting ngiti sa labi nito.
Sandaling napaisip si Ice habang nakatingin kay Lexus. Nagsimula siyang ma-curious sa kung ano ang gusto nitong gawin.
"Saang grupo ka?" Ice asked.
"Wala. Soloist ako. Ayokong sumama sa mga grupong 'yan. Imagine, may kaagaw pa 'ko sa pagkain? Hindi siguro," Lexus snorted. "Mas tahimik 'pag mag-isa lang. Walang ibang iniintindi. Sarili ko lang. At least 'pag may nahuli akong manok, sa 'kin lang 'yon."
Walang naging reaksyon si Ice, pero gusto niyang matawa. Minsan niyang naging rason iyon. Minsan niyang sinabi iyon sa kuya niya na binalewala dahil mas gustong tumulong sa iba. It was what Ice imagined. Being alone with no one to look after. Iyon bang magagawa niya kung ano ang gusto niya nang walang ibang iniisip.
"So, wala kang kasama?" Nagpameywang si Ice. "No wife? Girlfriend?"
"Ito naman, fishing!" pang-aasar ni Lexus, pero walang naging reaksyon si Ice. "Wala. Wala nga akong pamilya rito, eh. Naiwan sila sa UK."
Hindi manhid si Ice para hindi mapansin ang pagbabago ng mukha ni Lexus pagkasabi niyon, pero kaagad na ngumiti at mukhang mayroon na nanaman kalokohang sasabihin sa kainya.
"Wala akong girlfriend, pero balak kong magkaroon soon." Tumaas ang dalawang kilay ni Lexus habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw, may boyfriend ka? Para at least alam ko kung may patutunguhan ba 'tong paghihintay ko."
Tumaas ang kanang kilay ni Ice dahil sa sinabi ni Lexus. "So you want to be my boyfriend?" tanong niya. Siyempre hindi siya seryoso, pero gusto niyang sakyan kung hanggang saan ang kagaguhan ng lalaking kaharap.
"Oo. What if maging magsyota na lang tayo tutal katapusan naman na ng mundo?"
"Okay," Ice responded without even thinking. Tumaas pa ang dalawang balikat niya.
Nakita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ni Lexus sa sagot niya. Nagsalubong pa nga ang kilay nito na mukhang hindi rin inasahan ang sagot niya.
"Ano, nagulat ka? Ano, boyfriend na ba kita? Tutal makulit ka at bored rin naman ako and you have a point. It's the end of the world, why not be your girlfriend. Willing ka bang ipag-drive ako kung saan ko gusto? Since you're willing do things for me, are you willing to drive me to nowhere now?"
Nagsalubong ang kilay ni Lexus. "Seryoso ka ba?"
"Oh, bakit parang gulat ka ngayon? Ang angas mo kanina, 'di ba?" ngumisi si Ice.
"Saan mo ba gustong magpunta? Tara," tumango si Lexus. "Kahit saan mo gustong pumunta. Bored na bored na 'ko. Ibigay mo na rin sa 'kin 'to."
Imbes na sumagot, naglakad si Ice papunta sa harapan ng Monumento. Nakatingala siya habang pinagmamasdan ang paglamon ng kalikasan sa buong lugar. Mataas na ang mga halaman, puro na lumot ang dating matayog na estatwa sa gitna ng pabilog na daan, at halos hindi na niya maaninag ang mukha ng mga nakaukit dahil nagkakaroon na ng vines. Sumunod sa kaniya si Lexus. Nakatayo itong hindi kalayuan sa kaniya.
"Dalawang linggo ko na rin 'yang tinititigan," sabi ni Lexus na bumasag sa katahimikan. "Hindi ako masyadong pamilyar sa kaniya kaya hindi ko alam kung ano ang dating itsura niya. Even this place. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to."
"Hindi rin ako palaging dumaraan dito noon." Nanatiling nakatingin si Ice sa lugar. "Pero kahit papaano, mayroon akong idea. Ang alam ko, hindi nauubusan ng tao rito noon. This place was like the center of other cities around the metro." Tinuro niya ang dating train station. "People used to line up to ride that train. At dahil babaaan siya, maraming tao."
Walang naging sagot si Lexus na nakatingin kay Ice. Nililipad ng medyo malakas na hangin ang mahabang buhok nito.
"Seryoso ka ba sa parteng gusto mong gumala?" tanong ni Lexus. "May alam akong lugar na pwede nating puntahan. Walang tao. Magiging sa 'yo ang mundo."
Mahinang natawa si Ice. "Don't tell me dadalhin mo ako sa mall na mayroong globe sa gitna? Please lang."
"What? No," umiling si Lexus. "Gusto mo bang sumakay sa eroplano? Hindi tayo aandar at lilipad. Tatambay lang. Ano?"
"You mean the airport?" gulat na tanong ni Ice. "Paano ka nakapasok doon eh off-limits doon? As far as I know, no one's allowed to be there."
Nagsalubong ang kilay ni Lexus. "That was years ago. Tingin mo ba magtatagal roong magbantay ang mga wala namang bayad. Those people chose to leave 'cos they had to live. Wala naman silang mapapala sa airport na 'yon."
Hindi sumagot si Ice dahil napaisip siya. Wala na rin siyang alam tungkol sa lugar na iyon. Wala na rin namang sinasabi si Ares sa kaniya dahil ito ang huling nagpunta roon para tingnan kung ano ang mayroon, pero itinaboy dahil mga tauhan lang ng airport ang puwede.
"Maraming eroplano roon. Abandonado. Iyong iba pinasabog. Iyong iba naman, hindi natuluyan. Pakpak lang, ganoon. May iba namang sinira lang 'yong makina." Patagilid na tumingin si Lexus kay Ice. "Tara nga. Ipapakita ko sa 'yo."
Ice stared at Lexus and thought about why was she even considering the offer. Gusto niyang sumama, pero hindi niya ito pinagkakatiwalaan, pero gusto niyang sumama.
"Convoy?" Ice firmly asked. "For the record, wala pa rin akong tiwala sa 'yo. Sasama lang ako dahil gusto kong makita nang malapitan ang mga eroplano."
"Makita lang? Sabi ko nga sa 'yo kahit sakyan mo pa, eh," Lexus snickered. "Hindi mo 'ko kailangang pagkatiwalaan. Wala rin naman akong tiwala sa 'yo, eh. Alam kong isang mali ko lang, pasasabugin mo ang ulo ko gamit 'yang baril sa shorts mo."
Ice scoffed.
"Natakot ba ako?" mayabang na tanong ni Lexus. "Hindi. Kasi hindi naman ako takot mamatay, madam. Ano, arats?"
Hindi na sumagot si Ice. Basta na lang siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan. Binuksan niya ang bintana at muling pinagmasdan ang lugar. Nakita niya ang lumilipad na piraso ng magazine o diyaryo, hindi siya sigurado. Bigla nyang naalala ang mga panahong laman ng balita ang mga magulang nila, ganoon din sila mismo ni Ares dahil kinaiinisan sila ng taong bayan.
Ice shook her head and stepped on the accelerator. Binusinahan din niya si Lexus na sumagot gamit ang sariling busina bago umandar. Sumunod siya at sumenyas. Wala siyang balak makipagkarera dahil gusto lang niyang maging kalmado ang pagmamaneho niya.
Masyadong agaw pansin ang sasakyan ni Lexus dahil gumagawa iyon nang ingay hindi tulad sa kaniya na halos walang naririnig. Maganda rin ang sikat ng araw kaya mas malakas ang hatak ng sasakyan niya.
Sa Beta Escarra, bukod sa mga solar powered na mga sasakyan, hindi puwedeng mawala ang mga sasakyang kailangan ng gasolina. Mayroon silang kinukuhanan. It was hidden, pero malakas ang pakiramdam niyang kilala ito ni Lexus dahil hindi na ganoon kadaling maghanap ng gasolina para ibalandra nito ang sasakyan.
Humahampas sa mukha ni Ice ang hangin habang binabaybay nila ang daan papunta sa dating airport. Ito rin ang unang beses niyang makaraan sa lugar na pinupuntahan ni Lexus dahil iba ang nakasanayan nyang daan.
Sa bilis nilang magmaneho, nakarating sila sa airport. Pumasok sila sa likurang bahagi ng dating airport at bumungad kaagad sa kanila ang magulong lugar. Ang dating runway na medyo lubak na dahil sa mga umusling damo. Naroon pa rin ang mga sunod at pira-pirasong mga eroplano. Mga eroplanong nasa dating runway at nakasubsob at kung ano-ano pa.
Bumilis ang tibok ng puso ni Ice dahil sa nakita. Galit ang naramdaman niya dahil sa nangyari sa kanilang lahat. Bigla niyang naalala ang daddy niya.
Ice was a daddy's girl. Bata pa lang siya, exposed na siya sa publiko dahil sinasama siya ng daddy niya kung saan ito magpunta. Naalala rin niyang nakasakay siya sa helicopter dahil sa daddy niya habang pareho silang nakatingin sa baba.
. . . at pakiramdam niya, ninakaw sa kaniya ang daddy niya dahil sa pangyayaring walang kasagutan.
Huminto si Lexus sa isang malaking eroplano. The logo was from a middle eastern airline. Kilala ito noong panahong maayos pa ang lahat dahil sa magandang serbisyo, eroplano, at mahal na ticket. Bumaba si Ice na sinalubong ni Lexus.
"Dito ako tumatambay," sabi ni Lexus habang nakatingala sa eroplano. "Ang ganda sa loob niyan lalo sa business at first class. Nakakatulog nga ako riyan noon, eh."
"Dito ka ba nakatira?" sagot ni Ice habang ipinalilibot ang tingin sa buong lugar. "Wala bang ibang nagpupunta rito? Rebelde, ganoon?"
Umiling si Lexus habang nakatingin sa kanya. "Tara sa taas. Maganda 'to kasi nakaharap sa runway. Feeling ko noong nagulo ang mundo, pa-take-off na 'to kaso hindi natuloy."
Tumingala si Ice sa malaking eroplanong nasa harapan niya. May point si Lexus dahil nakabukas ang pinto nito at naka-fix pa ang hagdaan paakyat. Sa paligid, mayroong mga maletang nakabukas at walang laman, mga folder na parang mayroon pang mga papel, carts, at kung ano-ano pa.
Samantalang pasimpleng nilingon ni Lexus si Ice. Salubong ang kilay nito. Hindi siya sigurado kung natuwa ba sa pagdala niya rito o ano. Napakaseryoso ng mukha, parang galit. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit.
Ripped maong short at black tanktop. Lumalabas din ang strap ng itim na bra nito sa gilid ng maluwag na tanktop na suot. Suot nito ang kwintas na mayroong letter J sa pendant at singsing na mayroong pulang bato sa gitna.
Napakatapang ng mukha nito, pero rock.
Humarap si Ice sa kaniya at nagtama ang tingin nila. Nagsalubong ang kilay nito dahil nakangiti siya.
"Akyat na tayo. Dalhin kita sa langit," aniya.
Ang buong akala ni Lexus, magagalit si Ice sa biro niya, pero hindi. Tumaas ang sulok ng labi nito bago siya nilagpasan.
"So, ano'ng gagawin natin dito?" tanong ni Ice habang paakyat sa hagdan.
"Ano bang gusto mo?" balik na tanong ni Lexus habang paakyat sila.
Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "Let's see."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top