Chapter 17

Inobserbahan ni Ice ang lugar na dinaraanan nila nina Jeff at Sarah. Sumama siya kahit na ayaw pumayag ng mga ito papunta sa farm na namimigay ng mga gulay.

Noong una, ayaw pumayag ni Sarah, pero nagpumilit siya. Gusto niyang maglakad sa area at gusto niyang makita ang lugar.

Iniwan niyang natutulog pa si Lexus. It was just eight in the morning, and she woke up earlier than expected. Her whole body was sore from last night, and she smiled when she remembered how they fucked. It was blissful.

Lexus was dominant when it came to bed, and she liked it. She didn't have to ask. He already knew what she needed.

"Jayne?" pagkuha ni Sarah sa atensyon niya. "Medyo malapit na tayo. Hindi ka pa pagod? Medyo malayo rin 'tong nilakad natin, pataas pa."

"No, Ate. Nagwo-workout pa rin naman ako." Ngumiti siya. Pinilit niya ang ngumiti dahil ang totoo, masakit ang pagitan ng hita niya. Sa gitna at magkabilang hita mismo.

Humawak si Ice sa braso ni Sarah tulad noong kabataan niya. Excited na siyang makita ang lugar dahil ibinibida iyon ni Manong Mike noong nakaraan. Nalaman din niya na minsan itong nagtatrabaho roon para magtanim.

"Kumusta na pala si Jakob?" tanong ni Jeff. "Kung sakaling maging maayos ang lahat, sabihin mo sana makabisita rin siya rito."

"Parang malabo." Umiling siya. "Jakob's busy with his wife. He's doing well, pero masungit na. Hindi na siya 'yong Kobe noon na kabiruan natin. He became so serious after the war."

Nawala ang ngiti ni Sarah dahil sa narinig. "Nakakalungkot, ha. Ang kulit-kulit niyang Kobe na 'yan noon, e. Naalala ko pa nga 'pag nag-aaway kayong magkapatid, stressed na stressed sa inyong dalawa si Madam Eva."

Nakagat ni Ice ang ibabang labi dahil sa sinabi ni Sarah. They were so different now. Ni hindi nga sila nag-uusap ni Jakob, magkalayo pa sila. Nag-focus siya sa bawat hakbang niya.

"Buti wala pang anak si Jakob," sabi ni Sarah. "Kung sabagay, sino nga ba namang gustong magkaanak sa panahong 'to. Nakakatakot, 'no? Paano kaya manganganak iyong iba?"

Ice was about to tell Sarah about Ares' hospital, but Jeff said they had already arrived. Nakita kaagad ni Ice ang pila para sa mga nanghihingi ng gulay. Mayroong malaking lamesa at doon naka-display ang mga pechay, repolyo, at kung ano-ano pa.

Nagkukuwentuhan ang lahat. Nagkukumustahan. Siguro nasa labinlima silang nakapila.

She observed that everyone knew each other. Hindi siya sumama sa pila. Nag-observe lang siya sa gilid at natutuwang marinig ang tawanan.

Everyone was trading. One woman gave Sarah a handmade beanie. Another man gave Sarah some carrots. Ibinigay naman ni Jeff sa iba ang nakuha nitong kamote na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Hinanap siya ni Sarah at mukhang aayain siya, pero tumanggi siya. Nagpunta siya sa kabilang parte ng farm at inobserbahan ang lugar. Maaliwalas, maganda ang sinag ng araw, malamig ang simoy ng hangin, at kung alam niyang hindi magulo ang mundo, matutuwa siya sa sitwasyon nila ngayon.

It felt peaceful, but Ice knew better.

Hindi na rin sila nagtagal dahil hindi puwedeng maiwang mag-isang matagal si Manong Mike.

Habang naglalakad at medyo nakalayo na sa farm, narinig nila ang tunog ng horseshoe at hindi sila nagkamali nang makita ang kabayong papalapit sa kanila. Mabilis ang pagtakbo ngunit bumagal nang makita sila. Nakita ni Ice ang takot sa mga mata ng kabayong ito na naglakad papalapit sa kanila.

Tinawag siya ni Sarah at sinabing huwag lalapit, pero marunong siya. Ares used to own horses, too, and she was familiar. Marunong siya kung paano magpakalma dahil itinuro nito iyon sa kaniya.

Ice gently stroked the horse's face, calming it. She shushed, and it worked. The horse bowed and composed.

Napansin nila na walang tali ang kabayo at mukhang bata pa ito. Posibleng nawalay sa ina. Inobserbahan din muna ni Ice ang paligid kung mayroong nakasunod, pero wala.

"Puwede ba natin siyang iuwi, Ate?" tanong niya kay Sarah habang hinahaplos ang mukha ng kabayo. "Baka walang may-ari sa kaniya. Wala naman siyang tali."

"Mukha nga," sabi ni Sarah na lumapit at nilingon si Jeff. "Hal, meron kang tali riyan sa bag, 'di ba?"

Tumango si Jeff at lumapit sa kanila. Napansin ni Ice na panay ang tingin nito sa paligid para siguruhing walang ibang nakasunod sa kabayong lumapit sa kanila. Even Ice observed and there was none.

Kung sakali man, malaki ang maitutulong nito kina Sarah. Iyon kaagad ang naisip niya.

Si Ice na rin mismo ang humawak sa tali ng kabayo. Mabagal ang bawat paglakad nila at nang makarating sa daan papasok sa dati nilang bahay, siniguro muna nilang walang ibang makakikita.

The place wasn't easy to spot. Lalo ngayon na mataas ang mga talahib. Maingat na binuksan ni Jeff ang malaking gate para makapasok ang kabayo at mula sa malayo, nakita kaagad niya si Lexus na nakasandal sa pader ng balcony habang naninigarilyo. Nakapantalon lang ito at walang pang-itaas. Kita niya ang talim ng titig nito sa kaniya. Pumasok ito sa loob ng bahay nang walang sinasabi.

Alam niyang nakita iyon nina Sarah at Jeff kaya sinabihan siyang umakyat na at magpahinga.

Pag-akyat sa hagdan, nakasalubong niya si Manong Mike. Nakangiti ito. "Nag-alala sa 'yo si Lexus. Gusto niyang sumunod, pero sabi ko na mas mabuting hindi at maparito na lang para hindi kayo makakuha ng atensyon."

Ngumiti si Ice at nagpasalamat kay Manong Mike.

Dumiretso siya sa kuwarto at naabutan si Lexus sa balcony. Bumuga ito ng makapal na usok bago humarap nang marinig ang pagsara ng pinto.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" tanong ni Lexus habang papalapit sa kaniya. "Bakit ka ba sumama sa kanila?"

"Ano naman?" Tinanggal ni Ice ang hoodie na suot. "Alam naman nila ang daan. Hindi nman ako tanga na sasama sa kanila kung hindi ako sure sa dadaanan namin."

Umiling si Lexus at patalikod na itinuro ang labas ng balcony. Salubong ang kilay nito. "HIndi mo alam kung ano ang nasa labas, Ice! Hindi ka na naman nag-iisip. Paano kung may madaanan kayong mga militar? May dala ka bang baril?"

"Wala. I didn't nee—"

"Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka pamilyar sa lugar na 'to. Kung sa Manila, kaya mong mag-ikot o mag-drive kahit saan, iba rito. Sa Manila, walang militar, Ice. Sa Manila, protektado ka nina Ares. Dito, hindi. Putangina naman, huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo!"

Nagsalubong ang kilay ni Ice. "Bakit mo 'ko sinisigawan? Wala kang karapatang sigawan ako! Kung mamamatay, edi mamamatay! Kaya ko ang sarili ko. Bago ka dumating sa buhay ko, kaya ko ang sarili ko."

Mahinang natawa si Lexus at dinuro siya. "Wala ka rito kung hindi dahil sa 'kin kaya 'wag na 'wag mong ipamumukha sa 'king kaya mong mag-isa. Sa ayaw at sa gusto mo, you need me." Ibinaba nito ang daliring nakaturo sa kaniya. "Isaksak mo 'yan sa kokote me. You need me."

Bago pa man makasagot si Ice, nilagpasan na siya ni Lexus. Binuksan nito ang pinto at pabagsak na isinara. Nagulat siya sa paninigaw nito sa kaniya dahil iyon ang unang beses.

Totoo rin naman ang sinabi nito, pero hindi siya magpapakumbaba. Wala siyang balak mag-sorry dahil wala naman siyang ginawang masama. Overacting ito at hindi nakatutuwa.



Buong maghapong nasa kuwarto si Ice. Natulog siya pagdating nila at saka nagbasa lang ng librong naiwan niya noon. It was her college textbook for science. Walang interesting, pero gusto lang niyang magpalipas ng oras.

Dumilim na, pero hindi pa rin umaakyat si Lexus. Mukhang tulad niya, nagmamatigas din. Mukhang pareho silang walang planong magpakumbaba at wala siyang pakialam. Wala siyang kasalanan.

Mula sa balcony, nasilip kanina ni Ice ang kabayo. Inaasikaso ito ni Manong Mike at tuwang-tuwang sinusuklay pa ang buhok.

They used to own a horse here. Malamang na isa iyon sa mga kinuha noong m,agkagulo na ang lahat. Ice understood the needs of people. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ang nagsimula ng gulo.

"Ice?"

She gazed at her door and saw Sarah.

"Kain na tayo. Nasa baba na rin si Lexus." Ngumiti ito. "Nagluto kami ng chopseuy galing sa mga gulay na nakuha natin kanina."

Tumango siya at kaagad na sumunod. Pagbaba pa lang, nagtama na ang tingin nila ni Lexus. Umiwas ito at hindi siya sigurado kung umirap pa nga. Edi inirapan din niya.

Pabagsak na naupo si Ice sa dining chair. Katabi niya si Lexus na kumakain na at humihigop ng sabaw. Mukhang galing ito sa camper van, hindi siya sigurado.

Samantalang nagkatinginan sina Sarah, Mike, at Jeff dahil sa inaasta ng dalawang nasa harapan nila. Narinig din nila ang bangayan kanina at ikinagulat nila iyon dahil hindi naman ganoon magsalita si Jayne. Isa pa, kahit kailan ay hindi nila narinig na nakipagsigawan ito noon kay Ares.

Ngayon habang nasa harapan nila, halos gagawin lahat mag-iwasan lang. Gustong matawa ni Sarah dahil parehong salubong ang kilay. Ni siko hindi nagdidikit. Ramdam nila ang katahimikan at pagkakaiba dahil nakita naman nila kung paano magkuwentuhan ang dalawa at malayong-malayo sa kasalukuyan.

Napalingon si Ice nang bigla na lang tumayo si Lexus at nagpasalamat para sa dinner bago umalis. Malamang na didiretso na naman ito sa camper van, hindi siya sigurado. Tumulong naman muna siya sa pagligpit ng pinagkainan.

Sumama siya kay Sarah sa likod ng bahay para maghugas ng pinggan. Nakita niya roon ang mga drum ng tubig na iniigib sa isang bukal na medyo malayo sa lugar nila kaya araw-araw na umaalis si Jeff.

Water became one of the major problems of the people. Mabuti na lang din at madalas na umuulan sa hapon kaya nakapag-iipon ang mga tao para sa tubig. Pinakukuluan na lang para mayroong mainom.

Alam ni Ice kung gaano siya ka-privilege dahil halos mag-swimming pa siya sa tubig kung gugustuhin niya.

"Jayne, ako na rito."

"No, Ate. I like it here," aniya habang pinanonood itong maghugas dahil ayaw siyang patulungin. "Baka hindi rin kami magtagal dito, Ate. Kung sakali ba, gusto n'yong sumama na lang sa 'min sa Manila?"

Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Sarah. Natigilan ito sa ginagawa.

"Puwede na tayong bumalik sa Manila. Puwede kayong sumama sa 'min. Puwede kayo sa grupo ko o kay Ares, o kay Kuya Jakob o kay Martin! Bagay kayo kina Martin!" natutuwang sabi ni Ice. "Okay kaming lahat sa Manila, Ate. Naging maayos kami. Lahat kami may grupo, kaniya-kaniya lang. Alam mo bang may ospital si Ares? Nakakatawa, 'di ba? 'Di naman doctor, pero nag-ospital."

Ngumiti si Sarah. "Sumunod rin naman pala siya sa yapak ng pamilya ng mommy niya. Ayaw-ayaw pa niya, e. Tatanungin, ko muna sina Jeff at Tatay kung gusto nilang sumama. Kung ako lang, gusto ko, siyempre."

Natuwa siya sa narinig dahil iyon na talaga ang plano niya at hindi na niya iyon patatagalin. Sa nalaman niyang sitwasyon sa Baguio, gusto niyang itakas ang tatlo sa ganitong buhay at dadalhin niya ang mga ito kung saan ko,mportable.

Ice realized that this was her family aside from Jakob and his best friends. Kahit maiwan na ang dating bahay nila, masiguro lang niyang ligtas ang mga ito. She didn't want anything to happen to her family ever again. She promised to make the lives of these people lighter . . . lalo na si Manong Mike.

Bago umakyat sa kuwarto, nagpunta muna si Ice sa camper van para maglinis ng katawan. Wala si Lexus. Malamang na nasa kuwarto na ito para matulog.

Binuksan ni Ice ang lalagyan ng mga baril na ipinadala ni Ares sa kanila. Hindi na siya nagulat na marami iyon lalo na ang bala. Nakita rin niya ang baseball bat ni Lexus na nakahilera sa mga iyon.

Samantalang komportableng nakahiga si Lexus sa kama at hinihintay si Ice. Gusto niya itong makausap dahil narinig niya ang sinabi nito kay Sarah. Wala siyang problema roon, pero aayain na niya itong umalis sa lalong madaling panahon.

For some reasons, he wasn't comfortable with the area. Marami na siyang nakasalamuhang tao, pero tama ang sinabi sa kaniya ni Manong Mike. Hindi nila alam kung ano ang nasa isip ng mga sundalong posible nilang makaharap.

He wanted to tell Ice that it would be better if they could leave as early as tomorrow.

Bumukas ang pinto at magsasalita sana siya nang irapan siya ni Ice. Lumapit ito sa kama at basta na lang kinuha ang dalawang unan at kumot bago naglakad papunta sa sofa.

Nag-observe lang siya kung ano ang gagawin nito nang ayusin ang higaan at basta na lang nahiga. Hawak nito ang science textbook na binabasa. Suot nito ang simpleng hoodie at pajama.

Sinuklay ni Lexus ang sariling buhok gamit ang mga daliri. Malamig ang Baguio, sobra ngayon dahil medyo umaambon pa, pero umiinit ang ulo niya. Hindi niya gusto ang katahimikan nilang dalawa at mas lalong hindi niya gustong si Ice na nga ang may kasalanan, hindi pa magpakumbaba.

Dapat hindi na siya nagugulat. Alam ni Lexus iyan sa sarili niya, pero nakaiinit ng ulo.

Ice, on the other hand, was aware of Lexus' presence. Alam niyang nakatingin ito sa kaniya at hinihintay niya itong mag-sorry. Hinihintay niya itong maunang magpakumbaba dahil wala siyang balak gawin iyon.

Imbes na pagtuunan ng pansin si Lexus, nag-isip ng plano si Ice tungkol sa pag-alis kasama sina Sarah, Manong Mike, at Jeff. Alam niyang hindi bagay ang tatlo sa Beta Escarra. Posibleng magpunta ang mga ito kina Ares at mas malaki ang tiyansang piliin si Jakob. Mas gusto na niya iyon. At least puwede niyang puntahan kahit na kailan.

Naisip din niya ang kabayong nakuha nila. Kung sakali man, ibibigay niya ito sa mga magsasakang nakita niya kaninang namimigay ng mga gulay. Malaki ang maitutulong ng mga iyon.

Ice was in deep thought when Lexus stood beside the sofa, looking at her with darkened eyes. Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong ipangko at naglakad papalapit sa kama.

"Ano ba'ng ginagawa m—"

Hindi na natapos ni Ice ang sasabihin nang bigla siyang ibalibag ni Lexus sa kama. Naramdaman niya ang spring sa likuran niya. Malambot ang kama, pero dahil sa lakas nang pagkakabagsak niya, halos tumalbog ang katawan niya.

Lexus pointed his finger on her. "Diyan ka matutulog." He combed his hair using his fingertips. "Ang arte-arte mo! Ikaw ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang gumaniyan? Ano, hindi mo 'ko kauusapin? Ikaw ang umalis nang hindi nagsabi 'tapos ikaw ang galit?"

Nagulat si Ice at ilang beses na napakurap habang nakatitig kay Lexus. Muli itong tumingin sa kaniya at dinuro siya.

"Ang tigas-tigas ng ulo mo. Hindi ka marunong makinig!" singhal ni Lexus at umiling. "And you have the nerve to get mad at me? You're ignoring me?"

Hindi inalis niya inalis ang tingin kay Lexus. Kahit na sino, kahit na sina Ares o Jakob, never siyang dinuro. Never din niyang naranasang maihagis sa kama. Tahimik lang siyang nakatitig kay Lexus at hinahayaan itong magalit sa kaniya.

She liked the dominance. She liked how he was scolding her. She liked how the veins on his neck showed as he showed her how pissed he was.

Nagpameywang si Lexus sa harapan niya. Nakapantalon lang ulit ito at walang pantaas. Mukhang napagod na kasesermon na hindi naman niya pinakikinggan nang pabagsak itong nahiga sa kama.

Ice didn't say a word. Umayos siya ng higa at tinalikuran si Lexus. Tumingin siya sa bintana at saka pinatay ang kandilang nasa bedside table niya.

The windows were covered with thick curtains. Inayos iyon ni Lexus kahapon para daw hindi makitang mayroong tao. Kahit na sabihing liblib ang lugar, mayroon at mayroong dadayo.

Pumikit siya kahit hindi pa siya inaantok nang ipalibot ni Lexus ang braso sa baywang niya at hinila siya papalapit sa katawan nito tulad ng ginawa kagabi. She didn't protest. She was just waiting for him to do it.

"Ilang unan ang kailangan mo para makatulog?" Mababa ang boses ni Lexus. "Simula noong tabi tayong matulog, napansin kong gusto mong sumisiksik."

Nakagat ni Ice ang ibabang labi dahil sa sinabi ni Lexus. "At least six pillow," sagot niya dahil totoo, gusto niyang masikip ang kama. She didn't want to feel any space.

Walang naging sagot si Lexus. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap nito, pero hindi niya nagawa nang mas higpitan ni Lexus ang pagyakap sa kaniya mula sa likuran. Naramdaman niya ang init ng katawan nito.

"Matulog ka na. Huwag ka nang umarte," bulong nito. "Ako, inaantok na 'ko. Huwag kang aalis bukas nang hindi ako ginigising."

Unti-unting kumalma ang paghinga ni Ice at naramdaman niya ang pagkaantok. Mas isiniksik niya ang katawan kay Lexus na mas niyakap pa siya nang mahigit. Masyado silang magkadikit na halos nararamdaman niya ang init ng paghinga nito sa batok niya.

The warmth was comforting. She liked sleeping like this. She then faced Lexus who immediately kissed her lips which she gladly accepted.

It wasn't sloppy or needy. The kisses were slow, with tongues and Lexus gripping a handful of her hair.

LEXUS brushed Ice's hair while she slept peacefully. Malalim na ang tulog nito. Siya naman, kagigising lang niya. Inayos niya ang kumot nilang dalawa para takpan ang kahubaran nila.

They fucked again last night. The weather made them crave more.

Hindi siya sigurado kung anong oras na, pero madilim pa ang buong kuwarto. Halos wala siyang makita. Ni hindi niya makita ang mukha ni Ice na nakaharap sa kaniya at bahagyang nakasubsob ang mukha sa leeg niya.

Maaga pa kaya gusto niyang subukang matulog ulit ngunit naalerto nang marinig ang paghalinghing ng kabayo. Bukod pa roon, narinig niya pagtunog ng bakal ng gate.

Pumikit siya at pilit pinakiramdaman ang lugar. Hindi siya nagkamali nang muling marinig ang pag-iingay ng kabayo kasunod ng kaluskos mula sa ibaba. Narinig niya ang bawat yabag kaya maingat siyang bumangon. Sumilip siya sa bintana at nakita ang anino ng isang lalaking humahaplos sa kabayong panay ang paggalaw.

Nagmadali siyang isuot ang pantalon habang nakatingin pa rin sa bintana. Lumapit naman ang isa pang lalaki na mukhang galing sa loob ng bahay at kinausap ang lalaking nakahawak sa kabayo.

Kita niya ang malaking baril sa likuran.

Sumunod pang lumabas ang dalawang lalaki. Pilit niyang sinubukang pakinggan kung maririnig niya ang pinag-uusapan, pero masyadong malayo.

Hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan si Ice para gisingin. Kaagad nagsalubong ang kilay nito kaya tinakpan niya ang bibig at sinenyasang huwag maingay.

"May mga lalaki sa labas." Kinuha ni Lexus ang T-shirt ni Ice. "Magbihis ka na. Bababa ako, huwag na huwag kang lalabas dito."

"Pero . . . ."

"Dito ka lang," bulong ni Lexus at itinuro ang closet. "Kapag may narinig kang gulo, magtago ka riyan."

Umiling si Ice. "Paano sina Ate?"

"Ako ang bahala sa kanila," ani Lexus. "Sumunod ka." 




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys