Chapter 14

Inside the meeting room, Ice talked to her people about her leaving. Natahimik ang lahat sa lamesa. Even Ares was in the meeting because she asked him to. Nakita niya ang gulat sa mukha nito dahil wala naman siyang nabanggit.

"Mga gaano ka katagal aalis, Ate?" tanong ni Lana na nakaupo sa gilid niya.

Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "I don't know."

Ibinalik niya ang tingin kay Ares na ipinaglandas ang hintuturo sa ibabang labi. Umiling ito at malalim na huminga. "Ako na muna ng bahala rito. I'll come here from time to time," sabi nito at hinarap ang commander ng Beta Escarra. "Let everyone know I'll take over while Ice isn't around."

"Sige, boss. Ipaayos ko ba ang kuwarto mo rito?" tanong Commander Neri.

Isang tango ang naging sagot ni Ares. Sinabihan din nito si Neri na ibigay ang ilang papeles na pending para sa production para ma-oversee at dahil doon, madaling natapos ang meeting. Naiwan sa loob ng kuwarto sina Ice at Ares, pareho silang nakatingin sa kalsada.

"I'll look after your group while you're not around." Nakapamulsa si Ares na nakaharap sa glass walls. "Alam kong hindi na kita mapipigilan. Alam kong matigas ang ulo mo, pero sigurado ka bang magiging maayos ka lang?"

Patagild na nilingon ni Ice si Ares. "Why are you doing this? Hindi mo kailangang gawin 'to. Kaya nila ang sarili nila."

Mahinang natawa si Ares. "Just thank me, no more questions. Kung saan ka pupunta, make sure you're okay at bumalik kang maayos. Wala akong sasabihin kay Jakob. I'll talk Lana not to say anything, too. Just be here in one piece."

"Wala namang gagawing masama sa 'kin 'yon. I'll be fine. Just trust me on th—"

"I'm sorry I wasn't able to give you this." Ares faced her. "Sorry kasi hindi ko naibigay ang gusto mong makagala kung saan. Sorry I priori—"

Hindi na niya pinatapos magsalita si Ares at basta na lang itong tinalikuran. Lumabas siya ng kuwarto at nilagpasan ang mga kalalakihang nag-uusap sa labas ng meeting room. Alam niyang magiging maayos ang Beta Escarra sa kamay ni Neri, pero mas magiging kampante siyang hindi rin ito pababayaan ni Ares.

Neri was one of few people who stayed by their side. He was one of their family's security group. May edad na ito at mayroong anak na lalaking halos kaedad niya. Nasa grupo ito ni Tristan para mag-training pa. Close ito kay Ares dahil isa si Neri sa sumasama sa kanila noon sa tuwing lumalabas silang dalawa.

Bumalik si Ice sa kuwarto at naabutan si Lexus na nakaupo sa sofa at komportableng nanonood ng lumang pelikula. Naupo siya sa tabi nito na kaagad siyang inakbayan.

"Ano? Pinayagan ka ba nila?"

Nilingon niya si Lexus at sinamaan ng tingin. "Tingin mo ba na 'yong meeting na 'yon is for asking permission? No. That meeting was me informing them I'll go."

"Sabagay." Ngumiti si Lexus. "Kailan mo ba balak umalis?"

"Bukas. Pinaayos ko na 'yong camper van sa mga tauhan ko. Sinisiguro na nilang maayos na lahat," aniya habang nakatitig sa pelikula. "G ka ba?"

"Oo nga. Paulit-ulit," singhal ni Lexus. "Iyong sasakyan ko, iiwanan ko ba rito o sa lungga ko na lang? Wala akong tiwala sa mga tauhan mo rito. Baka mamaya—"

Tumayo si Ice. "Wala silang gagawing masama sa sasakyan mo. Alam nilang magkakalintikan kami 'pag ginalaw nila ang hindi dapat. Ano, game bukas?"

Isang tango ang naging sagot ni Lexus. "Game."

Tinalikuran niya si Lexus bago nahiga sa kama. Nakatagilid siya para mapanood pa rin ang pelikula. Malamig ang buong kuwarto niya, madilim din, at sakto lang ang lakas ng movie na ilang beses na rin niyang napanood.

It was a foreign action movie.

Hindi maintindihan ni Ice kung ano ang nararamdaman niya. Masaya dahil sa wakas magagawa na niya ang pinapangarap niya ilang taon na ang nakalipas? Excited kasi makaaalis na siya sa city? Kinakabahan dahil baka kung ano ang mangyari sa kanila sa daan? Natatakot dahil baka hindi na siya makabalik? Hindi siya sigurado.

Naisip din niya ang kuya niya. Naisip din niya si Ares.

. . . pero dahil makasarili siya, mas gusto niyang isipin ang sarili.

Samantaling pasimpleng nilingon ni Lexus si Ice. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang nanonood kaya sigurado siyang gising ito. Alam niyang gusto nitong umalis, ilang beses na ngang sinabi sa kaniya, pero alam din niyang nag-aalangan ito.

He knew he could protect Ice, no doubt about that, but there was worry, too.

Kaya niyang protektahan si Ice, pero paano kung biglang hindi na umandar ang camper van? Paano kung habang nasa kalagitnaan sila, masiraan sila at malayo ang babalikan nila? Ayaw niyang mahirapan ang siyota niya. Kung sa proteksiyon, confident siya, pero hindi nila alam kung ano ang mga madaraanan.

Tumayo siya at tinanggal ang suot na T-shirt. Nahiga siya sa tabi ni Ice at niyakap ito mula sa likuran habang nanonood ng movie. Naghintay siya na baka itulak siya palayo, pero hindi. Sinilip pa nga niya kung natutulog na ba ngunit gising naman.

"Anong oras mo gustong umalis?" Hinalikan niya ang likod ng ulo ni Ice. "Kahit anong oras, game ako."

"Sigur—"

Tumigil sa pagsasalita si Ice at tumingin sa daan palabas ng kuwarto. Napatingin din siya at nakita si Ares na nakatayo. Basta na lang bumangon si Ice at iniwan siya sa kama. Nasa hallway ang dalawa at nariring niya ang usapan.

"Palalagyan ko ng mga pagkain ang camper van mo. Hindi ko alam kung gaano katagal sa inyong dalawa 'yon. Meds will be in the medicine box with first aids. Sa ilalim ng kama, you'll see guns. Hindi puwedeng wala," ani Ares. "Backup na gasoline and extra panels just in case."

Ice didn't say a word but listened to Ares. Tumingin ito kay Lexus na nakahiga sa kama at patagilid lang na nakatingin sa kanila. Liwanag galing sa project lang ang mayroon sila.

"Ikaw ba ang magda-drive? Sana oo. Pangit mag-drive si Ice," sabi ni Ares sa seryosong boses na ikinangiti ni Ice. "Sigurado naman akong hindi ka bobo sa sasakyan."

"I was a—"

"Wala akong pakialam. Ang importante 'yong ngayon," pagputol ni Ares sa sasabihin ni Lexus. "Kung sakali mang maramdaman mong may mali sa sasakyan, turn around immediately. Hindi pa nasusubukan sa long drive ang camper van. We're not sure if it'll work." Ibinalik ni Ares ang tingin kay Ares. "Don't you just wanna use the armoured car? It's safer."

Umiling si Ice. "No bed."

Ares exhaled and shut his eyes. "Fine. Just . . . be careful." He gazed at Lexus. "Take care of her. If something happens—"

"Chill. Bago pa may makahawak diyan, patay na." Tumango si Lexus. "Ako na'ng bahala sa ex mo. Kaya ko na 'yan siya. Ako pa ba?"

Ngumiti si Ice nang makita kung paanong nagsalubong ang kilay ni Ares. Alam niyang naiirita ito kay Lexus lalo sa pananalita. May yabang. She knew that Lexus could protect her. Iyon na lang din ang sinabi niya kay Ares na nagpaalam at sinabing babalik na lang bukas ng hapon.

Humarap siya kay Lexus na nakadapa. "Tulog muna tayo. Tulog tayong maaga para ready na bukas."

"Ikaw ang matulog kasi ikaw ang magda-drive," pang-aasar ni Ice kay Lexus. "Stay here. I'll check the van."



At bago pa man lumiwanag, nasa loob na sila ng camper van. Mabilis ang tibok ng puso ni Ice. Ang tagal niya itong pinangarap. Taon. Ngayon namang paalis na sila, may kaba. Gusto niyang umatras, pero gusto niyang tumuloy.

"Ano, tutuloy ba tayo?" Sumandal si Lexus sa kitchen counter. "Habang nandito pa tayo, magdesisyon ka na. Okay lang ako sa kahit ano."

Hawak ni Lexus ang kutsilyong bagong hasa. Paulit-ulit iyong iniikot ni Lexus sa kamay habang nakatingin sa kaniya. Wala naman siyang sinabi tungkol sa kaba niya sa pag-alis, pero mukhang nahalata nito ang takot niya.

Malalim na huminga si Ice. "Tutuloy."

Isang tango ang naging sagot ni Lexus bago ito dumiretso ng tayo at naglakad papunta sa driver's seat. Sumunod siya at kasabay nang pagbukas ng makina, dumilim ang buong sasakyan dahilan para muli niyang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.

Nagulat siya nang hawakan ni Lexus ang baba niya at pinaharap siya. Nagtama ang tingin nila. Nakangiti ito. Kinindatan pa siya bago maingat na isinuot sa kaniya ang isang pares ng salamin.

"Bakit?"

"Nagtanong ako sa mga tauhan mo kung meron silang night vision glasses. 'Tangina, ang angas. Kumpleto kayo, e." Isinuot ni Lexus ang night vision glasses nito. "Meron akong sarili kaya 'yan ang sa 'yo."

"Para saan?" tanong niya ulit.

Ngumiti si Lexus. "Magpapatay tayo ng ilaw habang nasa daan. Safer. Ganoon ang ginagawa ko para hindi takaw atensyon sa daan lalo na't hindi tayo familiar sa pupuntahan natin. I wanna make sure you'll be safe." Muli itong kumindat. "Ano, tara na?"

Ice nodded and exhaled. The moment the van started moving, she played with her fingers. Nilingon niya rin ang bintana at nakitang nakatingin sa kanila ang mga tauhan, ganoon din sina Lana na kumaway sa kaniya.

Nakasandal naman si Ares sa pader habang nakatingin sa sasakyan nilang umaatras. She shut her eyes and took a deep breath.

Nilingon niya si Lexus na diretsong nakatingin palabas ng rooftop. Dumilim ang paligid, pero lumiwanag ang tingin nila. Ipinikit niya ang mga mata. Ramdam niya ang pag-andar ng sasakyan. Mabagal, lumiko nang ilang beses habang pababa hanggang sa huminto.

Nakita ni Ice ang pagbukas ng malaking bakal na gate.

"May time ka pa para umatras." Patagilid siyang tiningnan ni Lexus.

Umiling siya. "Let's go."

"That's my girl." Lexus chuckled and stepped on the accelerator.

Tumingin siya sa mechanical watch na suot. It was her dad's favorite watch gifted by their mom. Ibinigay ito sa kaniya ng kuya niya bilang alaala sa daddy nila.

It was four in the morning.

Tinanggal niya ang suot na night vision glasses at ipinalibot ang tingin sa buong lugar. Ultimong loob ng van, walang ilaw dahil pinatay ni Lexus ang lahat. Umaandar sila, tahimik dahil halos walang tunog ang sasakyan.

"This is weird," Ice muttered.

"Ang alin? Mag-drive na walang ilaw?" Nilingon siya ni Lexus bago ibinalik ang tingin sa daan. "Sobrang dilim, 'no? Ganito ako mag-drive kapag gabi. Maingay ang kotse ko, pero at least walang ilaw. Hindi nila alam kung saan galing."

Weird sa pakiramdam dahil alam niyang nasa sasakyan siya, umaandar, pero wala siyang makita. It was almost pitch black. The feeling was eerie. She couldn't get used to this. Isinuot niya ang salamin at hinarap si Lexus.

"Tingin mo makakarating tayo sa Baguio?" tanong niya.

Tumaas ang dalawang balikat ni Lexus. "Depende rito sa sasakyan mo. Nakausap ko naman 'yong mekaniko mo. Okay naman 'tong pang-long ride. Kumpleto rin sa gamit. Babagalan ko lang. Pakikiramdaman ko muna kung kaya. Okay lang sa 'yo? Kung gusto mo, matulog ka muna para hindi ka mainip."

"Ayaw ko." Umiling si Ice at ipinagkrus ang braso. Itinaas niya ang paa at diretsong nakatingin sa daan. "Lexus?"

"Bakit?"

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo kaya mo ginagawa 'to o sobrang amazed ka lang sa pussy kaya go ka sa kahit ano'ng gusto ko?" Natawa siya sa sariling tanong.

Ngumiti si Lexus. "Gusto kitang kasama. Natatanggal 'yong boredom, bonus lang 'yang pussy. Pakialam ko sa pussy kung 'yong may-ari ng pussy walang substance?"

"Tanga. Wala nga akong kuwentang kausap," aniya.

"Totoo rin naman." Natawa si Lexus. "Pero ikaw, gusto kitang kasama. Ayos na 'yon. Huwag mo nang itanong kung bakit. Basta ito tayo, papunta sa Baguio."

Ibinalik ni Ice ang tingin sa madilim na daan. Inayos niya ang salaming suot. Yakap niya ang sarili dahil medyo malamig ang aircon ng camper van. Nagulat siya nang biglang kumanta si Lexus.

It was an old song—literally. The song was The Old Songs by David Pomeranz, and she was familiar with it. Palagi niya iyong naririnig sa vinyl records ng daddy niya noon.

Hindi kagandahan ang boses ni Lexus, pero okay na rin iyon para kahit papaano, mabawasan ang katahimikan. Mali-mali pa ang lyrics, pero hindi na siya nagreklamo.

Meanwhile, Lexus gazed at Ice who fell asleep. Aayaw-ayaw pang matulog at sasamahan daw siya sa biyaheng gising, pero wala pang isang oras, nakatulog na. Gets naman niya. Nakakaantok dahil ang bagal ng takbo, pero gusto muna niyang masigurong maayos ang sasakyan.

Kahit sa parte niya, may kaba. Hindi siya pamilyar sa sasakyang gagamitin, pero nakita niya ang mga baril na inilagay ni Ares sa ilalim ng kama. Nakita rin niyang maraming pagkain kaya wala silang poproblemahin ni Ice.

Sinabi sa kaniya ng mekaniko na bukod sa solar powered, with battery pa, at puwedeng gas . . . bulletproofed ang camper van ni Ice.

Nag-suggest daw si Ares na iyong armoured car ang gamitin nila, pero umayaw si Ice. Gusto nito ang camper van para puwede silang huminto kahit saan at magpahinga.

The camper van had a camouflage design. Matalino ang gumawa, iyon ang nasa isip ni Lexus hanggang sa malaman niyang si Ice mismo ang nag-isip ng mga kailangang gawin. Ice also insisted na bukod sa solar, kailangang working ang gasoline. Tama naman.

Wala silang naging interaction ni Ares. Ilang beses silang nagkatinginan, pero hanggang doon lang. Naghintay siyang komprontahin siya, pero wala.

Lexus enjoyed the ride, and the moment the sun peeked, he removed the night vision glasses and admired the sunrise. Napakaganda ng langit sa umaga at dahil mabagal ang takbo ng sasakyan, ipinalibot niya ang tingin sa lugar.

Ang dating expressway ay tinubuan na ng mga damo at halaman. Nasira na ang ilang kalsada. Nabutas na kaya medyo mabato. Mayroong mga lumilipad na plastic, mga nakakalat na basura, at kung ano-ano pa.

Mayroong mga sasakyang nakatigil. Ang iba ay halos wala nang piyesa. Ang iba naman ay naiwang nakabukas.

Hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena dahil madalas naman siyang umaalis at nagpupunta sa kung saan, pero hindi pa rin maialis ang lungkot sa dibdib niya. Nakaka-miss maging masaya. Buti na lang nakilala niya si Ice.

After not seeing Ice for almost two weeks, Lexus realized he wasn't the same person.

Dahil noong hindi pa niya kilala si Ice, wala naman siyang pakialam kung mag-isa lang siya o walang sex. Okay lang naman sa kaniyang walang kausap o kasama. Soloist nga, e.

Ice was good for his body and emotions. Ice made him sane. Ice made him brutal. Naisip niya na maybe the pussy was too good.

Nang masinagan ng araw ang mukha ni Ice, nagising siya. Nilingon niya si Lexus na umiinom ng tubig. Hawak ng kanang kamay nito ang manibela, nasa kaliwa naman ang bote. Patagilid itong tumingin sa kaniya at inabot iyon.

Ice didn't hesitate and immediately drank some water.

"Hindi ka ba nahirapan diyan? Ako nasaktan sa pagkakatulog mo, e," sabi ni Lexus. "Scammer ka. Sabi mo hindi ka inaantok. Apat na oras kang tulog?"

Sa sinabi ni Lexus, kaagad siyang tumingin sa wristwatch na suot at humalakhak. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling mga daliri bago nilingon ang bintana. Medyo masakit ang leeg niya, pero masarap ang tulog niya. Napaupo siya nang maayos nang mayroong makita sa labas.

Nakita kaagad niya ang dating billboard. Sira na ang tolda at nililipad ng hangin. Punit-punit, faded, at marumi. Puro kalawang naman ang mga bakal na tinubuan na ng vines at napalilibutan ng mga damo.

The place used to be full of cars. Now, it was just them and the memories of the past.

"Tingin mo, nasaan na tayo?" Nilingon niya si Lexus.

"Medyo mabilis na 'yong takbo ko simula noong umaraw. Oks na 'tong sasakyan, kayang pang-long drive basta malakas ang sagap ng solar. Sinubukan kong magbagal, okay naman. Sinubukan kong magmabilis, okay na rin," sagot ni Lexus bago itinuro ang sign. "End of expressway."

Napasinghap si Ice. "W-We're in the north now."

Tumango si Lexus at ikinabig ang sasakyan kung saan nakaturo ang dating sign na sinasabing papuntang Baguio.

"Mukhang saglit na lang 'to. Excited ka ba?"

Hindi nakasagot si Ice. Nakatingin lang siya sa dinaraanan nila.

"Saan pala tayo tutuloy? Saan tayo mag–i-stay? May nakuha akong mapa, I'll follow that. Hindi ako masyadong familiar sa Baguio and we both don't know what's waiting for us. Meron ka bang gustong puntahan?" tanong ni Lexus.

"Yes. May bahay kami sa Baguio kaya gusto kong magpunta roon," ani Ice sa mababang boses. "I wanna see our house. It was one of the last vacations I had with my parents. I . . . wanna see it."

Patagilid na nilingon ni Lexus si Ice na nanatiling nakatitig sa daan.

It was why Ares didn't bother to stop Ice from going. She had been begging everyone, including Jakob, to visit Baguio to see their vacation home. But her brother disagreed and asked her to move forward.

She couldn't. She wouldn't.

Tiningan niya si Lexus. "Thank you kasi pumayag ka."

"Tss." Ngumisi si Lexus. "Sabi ko naman sa 'yo. Gamitin mo lang ako. Mag-isip ka na kaagad ng next destination. Kahit saan pa 'yan."

"Wala. For now, gusto ko muna sa bahay ng parents ko."

Ngumiti si Lexus. "Yes, ma'am."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys