Chapter 1

Sumandal si Ice sa driver's side ng sasakyan niya habang nakatingin kay Lexus. Hawak na niya ang susi ng kotse nito. Maganda naman talaga, alaga, pero hindi niya iyon kailangan kaya ibinato niya pabalik ang susi.

Halatang nagtakha si Lexus sa ginawa niya.

"What? I don't need your car. Tingin mo magsasayang ako ng oras para maghanap ng gasolina?" Ice shook her head. "No, thanks."

"Grabe naman. Ibinaba ko na nga ang ego ko para magpatalo, 'tapos gaganituhin mo lang ako?" Naningkit ang mga mata ni Lexus habang nakatingin kay Ice. "Ako na rin maghahanap ng gas para sa 'yo. Ano, deal? Alipin mo naman ako. Alipinin mo lang ako."

Pinagkrus ni Ice ang braso niya. "Hindi kita kailangan."

"Alam ko. Halata naman, pero kailanganin mo 'ko, please?" pagmamaktol ni Lexus.

Nagsalubong ang kilay ni Ice dahil sa sinabi ni Lexus. Natawa siya lalo nang magbago ang expression ng mukha nito na para bang nagmamakaawa.

"Ano bang kailangan mo? Matagal mo na ba akong kilala?" Ice was curious. "Bakit parang patay na patay ka na sa 'kin?"

"Ang kapal naman!" natawa si Lexus. "Joke lang, Master. Ngayon lang kita nakita. Bored ako kaya gusto ko ng adventure. Baka game ka. Dali na kasi. Mukha ka naman kasing cool."

Hindi gets ni Ice kung ano ba ang gusto ni Lexus sa kaniya, pero alam niyang gusto nitong makipaglaro. Bored rin naman siya, pero wala siya sa mood ngayon. Gusto niyang umuwi at mahiga. Hindi rin naging maganda ang pag-uusap nila ng kuya niya kanina kaya wala siya sa wisyong makapagbangayan sa lalaking kaharap.

Nanatiling tahimik si Ice at nag-isip. "Get this car if you want it. Wala akong panahon sa 'yo."

"I don't want it," Lexus said with an accent and he sounded serious. "Ano kasing gusto mong gawin ko?"

Umiling si Ice. "Wala. Kung hindi mo kukunin 'tong sasakyan, I'll get going. Pagod ako at sinabi ko sa 'yong wala akong panahon sa 'yo. Isa pa, I don't trust you at all. What are you intentions? Nope, you don't have to respond. Hindi ako interesado."

Binuksan ni Ice ang pinto ng driver's seat at basta na lang pumasok doon. Mula sa loob ng sasakyan, nilingon niya si Lexus na nakatingin pa rin sa kaniya.

"What? Still not over it?" Ice squinted. "I don't trust you."

Lexus smiled. "Where's the fun in that? Wala akong ibang intensyon kung hindi ang malibang. Ilang taon na 'kong bored. Baka naman may ipapagawa ka? Sabi ko nga sa 'yo, ilang ulo ba ang kailangan mo?"

Ice stared at Lexus. "You kill for fun?"

"Hindi naman, pero pag-isipan mo lang. Araw-araw akong maghihintay rito sa Monumento. Same time, same spot." Tumango si Lexus. "Tingin mo?"

Umiling si Ice at pinaandar ang sasakyan. Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Lexus na nakapameywang habang nakatingin sa kaniya.

"Don't follow me." May pagbabanta sa boses niya.

Mahinang tawa lang ang naging sagot ni Lexus. "Wala akong plano," sabi nito na naglakad papunta sa sariling sasakyan at sumandal doon. "Bukas, nandito ako."

Ice didn't say a word and drove fast. Panay ang tingin niya sa side at rearview mirror, pero walang sasakyan sa likuran niya. Imbes na dumaan sa mabilis na ruta, lumiko si Ice papunta sa isang daang alam niya. Mas mabuti iyon para kung sakali mang nakasunod si Lexus, hindi nito malalaman kaagad kung saan siya nakatira.

Nang medyo makalayo, nakampante si Ice na walang nakasunod sa kaniya. Oo nga at wala siyang pakealam sa sarili niya, ayaw niyang ipahamak ang iba dahil sa kapabayaan niya.

While driving, Ice observed the place. She was familiar with the way even before the dark world. The place used to be full of traffic. Busses, cars, motorcycles, name it. Even the tracks in the middle had this old train that was used as a means of transportation by every working individual.

Now, the trains were gone, tracks were rusting, and everything was starting to decay.

This city used to be full of life. Maingay, magulo, maliwanag, at halos hindi natatahimik. Sa araw-araw, milyong tao ang naglalakad. Libong sasakyan ang dumaraan at walang oras na bakante.

Pero ngayon, habang binabaybay niya ang daan na dating tinatawag na EDSA, siya lang ang naroon. Sinusubukan niyang tingnan kung may makikita siyang tao kahit na isa, pero wala. Ang mga saskayang naiwan sa daan, nakakalat pa rin ang ilan. Ang iba naman ay naalis na, malamang na pinagpiraso para sa sariling kapakanan. Ganoon naman ang ginagawa nila.

Ice knew that she was privileged enough to drive around without thinking about anything.

Walang tao sa labas dahil natatakot sa mga posibleng mangyari. Hindi na rin kasi normal ang mundo at ang kapalit niyon ay kaligtasan nilang lahat. Hindi na mapagkakatiwalaan ang mga tao. Kahit siya mismo, walang tiwala sa mga taong nagtatrabaho sa kaniya kaya ni isa, wala siyang naging kaibigan.

She only trusts a few people. Her brother and his friends, Lana—the one assigned to look after her, and some old folks she took in.

Dating nakatira si Ice sa Escarra kasama ang kuya niya, pero hindi sila magkasundo. Masiyadong mabait ang kuya niya, maalaga sa mga taong alam niyang isang mali lang ay iiwanan naman sila.

Ice couldn't stand living with people whom she knew would leave when they could get anything from them anymore.

Sa naisip, madiing inapakan ni Ice ang accelerator ng sasakyan dahil galit siya mundo. Sobra . . . Dahil pakiramdam niya, malaki ang ninakaw sa kaniya. Buhay niya, pamilya niya, lahat.

She missed her old life dahil ngayon, para na lang talaga silang nabubuhay para mamatay.

Alam ni Ice na marami ang naghihirap sa kasalukuyang buhay, pero hindi niya sila hawak. Bakit niya poproblemahin ang ibang taong dapat ay kayang suportahan ang sarili nila?

Sa huling pagkakataon, nilingon ni Ice ang mga building sa paligid na nagsisimula nang masira dahil simula nang magulo ang mundo, walang maintenance. Marumi na nga dahil sa mga water marks, may mga lumot, basag na salamin, at nagsisimula nang mag-crack ang ilang parte ng gusali.

Malalim na huminga si Ice at dumeretso sa gate na nakabukas. Nasa magkabilang gilid ang dalawang tauhan niyang mayroong hawak na malalaking baril bilang proteksyon sa lugar.

Ice flashed her lights to thank Glenn and Butch—the men who were tasked to guard the gate. She immediately parked her car and people inside the compound ran towards her.

Lumapit sa kaniya si Lana. "Ate. Kumusta byahe?"

"Okay naman." Tumaas ang dalawang balikat ni Ice. "Kumusta rito?"

"Wala namang naging problema, Ate. Hindi kayo nagsabay ni Ares?" tanong ni Lana.

Umiling si Ice at naglakad kasabay nito. "Hindi. Nauna na 'ko. Hindi ko matagalan sa Escarra. Medyo hindi rin kasi mganda ang pag-uusap namin ni Kuya at ayokong matulog doon."

Mahinang tawa lang ang naging sagot ni Lana dahil aware naman itong hindi talaga siya nagtatagal sa lugar na iyon.

Ice wanted to be alone, but while trying to be by herself, Commander sent Lana—his only daughter—to guard her. Si Commander lang naman kasi ang mayroong pakialam sa kanila. Ang ibang kaibigan at dating tinulungan ng mga magulang nila, pinagtabuyan silang parang mga hayop dahilan ng galit ni Ice sa knila.

But Lana was still young when she kept following Ice. Ang nangyari, si Ice na mismo ang nagturo kay Lana kung paano ang mabuhay sa labas. Marunong gumamit ng baril si Ice, pero hindi ito street smart tulad niya.

Nagpadala rin sina Jakob at Ares ng mga makakasama niya. Noong una, hindi siya pumayag, pero matigas ang ulo ng kuya at ex-boyfriend niya sa parteng kapag hindi siya pumayag magkaroon ng mga magbabantay sa kaniya, bibitbitin siya pauwi. At alam niyang seryoso ang mga ito.

Isang malaking mall ang naging punterya ni Ice. Nang makita niyang bakante ang dalawang mall na magkaharap, kaagad niyang ipinasara ang isa para maging kaniya.

There were no high walls. Instead, Ice used chain-linked fences. Nakapalibot naman sa lugar ang mga bantay at hindi kung mayroon mang rebeldeng magtatangka, good luck na lang talaga.

The fences could electrocute. May mga warning naman, bahala na kung gusto nilang matusta. 

Her community was known as the Beta Escarra and people inside her group were also survivors they took in. Pero ito katulad ng Escarra na pinamumunuan ng kuya niya. People inside her group worked for her. Everyone was an employee in exchange for shelter and food.

Walang bata at matanda sa loob ng grupo niya. Ipinatatawag niya iyon kina Martin at Jakob kung gugustuhing kuhanin. Iyon ang deal nila.

Katulad ni Jakob, solar power ang naging focus ni Ice. Mayroon siyang knowledge sa business ng mommy nila. Pareho sila ni Jakob na hindi involved sa pulitika tulad ng daddy nila. Mas gusto nila ang kayamanan ng mommy nila.

Jakob was focused on making solar for buildings and homes, while Ice was into cars. Kinuha niya ang ilang engineer sa Escarra nang mapagdesisyonang ito ang gusto niyang gawin. They took cars from abandoned buildings, parking lots, and roads, and turned them into a solar-powered car. May suporta ni Jakob ang lahat, may tulong ni Tristan na maraming alam kung saan kukuha ng mga gamit, at mayroong moral support ni Ares. Iyon ang ginamit niya.

Ginawa niyang maliit na factor ang parking lot ng mall para hiwalay sa mismong tirahan nila.

Ang dating grocery ay ginawa nilang pantry. Ang dating foodcourt ay diner. Maraming bathroom ang mall kaya iyon ang ginagamit nila. Ang mga dating store ay na-convert bilang mga kwarto ng mga tauhan. The entire mall had airconditioner kaya kumportable sila.

"Magpapahinga na muna ako," sabi ni Ice kay Lana. "Ikaw?"

"Sa kwarto lang din muna ako. Wala naman akong gagawin, Ate. Unless meron kang gustong ipagawa?"

Umiling si Ice at hinaplos ang pisngi ni Lana. "Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo akong masiyadong intindihin. Sabihan mo na lang si Ram na kuhanan ako ng food sa diner. Nagugutom ako."

"Ako na," sabi ni Lana. "Ako na ba ang bahala?"

"Utusan mo si Ram, Lana," sabi ni Ice na tinanggal ang pang-itaas niya at basta nahiga. "Mamaya na 'ko maliligo."

Nang makalabas si Lana, pinatay ni Ice ang ilaw ng buong sinehan. Ito ang napili niyang gawing sariling lugar dahil malaki, tahimik, at literal na puwede siyang gumawa ng sarili niyang mundo.

Pinaalis niya ang upuaan sa ibaba at doon inilagay ang pinakamalaking kamang nakuha niya sa furniture shop ng mall. Walang ibang gamit doon kung hindi ang malaking kama sa harapan ng screen na gumagana pa kung gugustuhin niya.

Nakakuha siya ng mga lumang pelikula at pinagana nila Ares ang player kaya naman kung gusto niyang makinig ng music o manood ng movie, puwede. The projectors were fixed by her engineers kaya naman kapag bored siya, wala siyang ginagawa kung hindi manood ng pelikula.

The LED lights of her place was from Ares. Nag-iiba ang kulay niyon depende sa gusto niya o kaya naman sumasabay sa beat ng kantang tumutugtog.

Saint Ares Montaner—son of the deceased President—was her first boyfriend. Naghiwalay sila dalawang taon pagkatapos ng magulong mundo dahil hindi na aligned ang gusto nila sa kasalukuyan. They were together for five years and chose to be friends after breaking up.

It wasn't a bad and messy breakup. It was mutual. They talked about it. They both decided. They were hurt, but it was for the best.

Ice loved Ares when she was still known as Jayne, but the dark world changed everything. Si Ares nga ang nagpangalan sa kaniyang Ice noong panahong nagiging malamig na siya sa kanilang dalawa. Ice rin ang tawag sa kaniya ni Ares kapag trip niyang gumawa nang hindi maganda dahil cold as ice raw siya palagi.

After Ares, Ice had some flings, that was it. Relationships during the dark world was funny for her kaya nga pinagtatawanan niya si Jakob at galit siya sa ginawa nito.

Love and commitment during this world felt scary for Ice. Imagine having to think about someone other than herself? Sarili nga lang niya, napapabayaan pa niya, kukuha pa siya ng taong iintindihin pa niya?

Thanks, but no thanks.


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys