Chapter 78
Tumango si Anya nang mag-hello sa kaniya si Ares at basta na lang nitong kinuha si Trevor mula kay Jakob na nagsalubong ang kilay. Ni hindi ito nagsalita. Dumiretso kaagad sa anak nila na para bang hindi interesado sa kanilang dalawa.
Simula nang maipanganak si Trevor, ito na ang priority ni Ares at nilalaro ang anak nila. Hindi na ito nakikipag-inuman kay Jakob kapag nagpupunta sila sa Olympus o kapag nagpupunta ito sa Escarra.
Nasa likuran si Anya at nakasunod kina Jakob at Ares na pinag-uusapan ang tungkol sa mga survivor na pansamantalang hawak ni Ares, pero nasa ibang building na ipinaayos nito. Sa tabi lang iyon ng Olympus.
Jakob was asking Ares what was happening to the city. Sa ngayon, si Ares muna ang umaasikaso sa mga taong nakita at dumating galing sa ibang lugar. Tumutulong sina Martin at Jakob para sa pagkain. Nagpadala naman si Tristan ng mga tauhan para magbantay sa lugar.
Nagpaalam si Anya na mauuna nang pumunta sa unit kung saan sila namamalagi. Kasama nito si Ate Rose na aayusin na rin muna ang mga gamit ni Trevor.
Dumiretso naman sina Jakob at Ares sa opisina nito kasama si Trevor na tahimik habang buhat ni Ares.
"Kumusta ka nitong mga nakaraan?" tanong ni Ares. "Hindi mo na 'ko binibisita, ha? Nakakatampo naman. Nagkaroon lang ng asawa't anak, nakalimot sa bestfriend? Tama ba 'yan?"
Tawa lang ang naging sagot ni Jakob habang nakatingin kay Trevor na nilalaro ang teether na palagi nilang dala. Nagsisimula na rin kasi itong magngipin kaya medyo nahihirapan na si Anya.
"Ang laki-laki na ni Trevor," sabi ni Ares. "Ang sarap nang may baby, pero parang hindi ko makita ang sarili ko na magkakaanak. Parang hindi ko kayang maging tatay."
"Ako rin naman noon. Gusto ko noon, pero hindi ko alam kung paano at hindi ko ma-imagine ang sarili ko na may anak sa mundong 'to. Pero ngayon," ngumiti si Jakob habang nakatingin kay Trevor, "alam namin ni Anya na si Trevor ang gusto naming dalawa."
Ngumiti si Ares. "Halata nga, e. Ang saya-saya n'yo kayang tingnang tatlo. Ako, gusto kong mag-asawa, pero anak, baka hindi. Hindi ko kaya."
"Iba-iba naman tayo ng gusto," sagot ni Jakob. "Basta kung saan ka komportable, roon tayo. At saka mukhang masaya ka naman sa mga aso mo kaya sige lang. Ang mahalaga naman ngayon, 'yung happiness na lang din natin. Mag-asawa ka na kasi."
Ares shook his head and rolled his eyes. "Ayaw nga sa 'kin, 'di ba? Diring-diri, e."
"Marami namang babae," Jakob teased Ares.
"Wala kang karapatang sabihin sa 'kin 'yan," Ares snickered.
Jakob laughed. "Alam ko naman. 'Wag mo na lang gayahin. Alam mo na ngang mali, e. Huwag mo na lang gawin."
"Hindi talaga!" Ares sounded firm. "Kaya nga hindi ko na rin kinukulit. Siyempre gusto ko pa rin siya, pero kung ayaw niya . . . hmmm . . ."
Umiling si Jakob at natawa sa sinabi ni Ares.
"What if? Si Anya nga na-inlove sa 'yo, e. Mas loveable naman ako kaysa sa 'yo kaya may possibility!" Parang nakaisip si Ares ng kung ano. "Pero joke lang. Baka barilin niya pa ako, e."
Nag-agree si Jakob dahil iyon ang totoo. Nagsabi rin siya kay Ares tungkol sa pagpunta nila ni Anya sa hideout. Nag-volunteer pa itong mag-aalaga sa anak nila kaya mukhang sa penthouse matutulog sina Trevor at Ate Rose.
Paglabas nila sa office ni Ares, naabutan nila si Anya na naglalakad kasama si Mary. Nasa Olympus ito, dalawang buwan na rin ang nakalipas para mag-training kasama ang ilang doctor. Nilapitan ni Jakob ang dalawa.
"Boss," bati ni Mary kay Jakob.
"Kumusta ka rito?" tanong ni Jakob. "Nagpaalam sa 'kin si Austin kahapon na magpupunta raw siya rito bukas. May tinatapos lang sila sandali sa Escarra."
"Okay naman po ako rito. Marami rin akong natutuhan at saka nag-e-enjoy ako sa training," sabi ni Mary na hinarap si Anya. "Nakaka-miss din sa Escarra, pero natutuwa ako sa mga bagong experience. Nagpunta kami kahapon doon sa temporary shelter. Medyo maraming bata at may tatlong buntis kaya 'yun ang pinag-aaralan namin now. Meron kaming nakilalang midwife noon doon. Sabi ni Boss Ares, dadalhin siya rito sa susunod na araw para sa training. Magagamit din kasi siya."
Tumango si Anya at ngumiti. "Mabuti naman. Basta kung sino 'yung puwedeng maka-help sa 'tin, i-maximize natin lahat. We need experienced people para sa bagong Escarra."
"Yes. Nakausap ko na rin sina Nicholas at Austin. Pupuntahan nila ang temporary shelter para itanong kung may skilled workers na puwedeng makatulong sa bagong Escarra para mas mapabilis na," sabi ni Jakob. "Just let us know if you have anything, Mary."
Mary nodded and thanked them both. Iniwanan na rin muna ni Jakob sina Anya para makapag-usap ang dalawa. Muli niyang nilapitan sina Ares at Trevor na parehong nakasalampak sa damuhan habang nakikipaglaro sa mga aso ni Ares.
"Okay na 'yung hideout mo. Malinis naman 'yun," sabi ni Ares. "Kahit magtagal kayong mag-asawa ro'n para matagal din sa 'kin si Trevor. Ako na ang bahala sa anak n'yo."
Jakob nodded. Kung si Anya, sina Nicholas at Austin ang mapagkakatiwalaan sa anak nila, si Jakob naman ay ang tatlo niyang kaibigan lalo si Ares.
He knew that Ares would even die for Trevor. He just knew that.
—
It was a little hard for Anya to leave Trevor, but she also wanted to give all her time to Jakob this time. Ito rin ang unang beses niyang matutulog sa magdamag na wala ang anak, pero minsan lang naman kaya hinayaan na rin niya si Jakob sa request nito sa kaniya.
Nag-motor sila papunta sa hideout galing sa Olympus. Malapit lang naman iyon, pero nag-enjoy si Anya dahil malayo ang dinaanan nila. Paikot-ikot sila sa city area at ni isang tao, wala silang nakita.
Pagdating pa lang nila sa hideout, sinalubong na kaagad sila ng mga tauhang nagbabantay roon. Mayroon nang kuwarto ang mga ranger doon, pero sa floor kung nasaan ang private space ni Jakob, wala kahit isa. Iilan lang din ang puwedeng umakyat doon.
Dumiretso si Anya sa balcony habang inaayos ni Jakob ang mga gamit na dala nila tulad ng extra unan at pagkain.
Tulad noon, tahimik pa rin ang lugar. Madalas niyang iniisip kung dadating kaya ang panahong babalik sa dati ang siyudad. Maingay, buhay, at puwedeng mabuhay nang normal. Ilang taon na ang nakalipas, pero walang gumagawa ng paraan. Walang umaaksyon dahil kahit mismong sina Ares at Jakob, walang plano sa labas ng kaniya-kaniyang grupo.
Nobody wanted to be associated with being a leader outside their own groups, nobody wanted politics and rulings outside.
"Ang lalim ng iniisip mo," sabi ni Jakob na yumakap sa likuran ni Anya. "Parang na-miss ko bigla si Trevor."
"Ako rin." Sumandal si Anya sa dibdib ni Jakob. "Pero minsan lang naman 'to kaya sulitin na natin."
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Jakob sa baywang niya pati na rin ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. Nakaharap sila sa kawalan, sa harapan ng mga building na nagsisimula na ring rumupok. Kung noon, mayroon pang mga basag na salamin, ngayon wala na dahil na rin sa epekto ng bagyo nitong nakaraan.
It was almost five in the afternoon and they were facing the sunset. Imbes na tumambay sa loob ng kuwarto, nagpunta sila sa rooftop. Dinala ni Jakob ang pagkaing nakuha nito sa pantry ng Olympus.
Fried chicken, white rice, corn soup, and vegetable salad. Iyon ang kasalukyan nilang kinakain habang hinihintay ang paglubog ng araw.
"Tingin mo ba na kung nasa normal na mundo tayo, may possibility kaya na mag-cross ang landas nating dalawa?" It was a random question from Anya.
"To be honest, no. Alam kong hindi. Ilang beses ko na rin 'yang inisip, pero hindi talaga," Jakob responded. "Para kasi talaga tayong nasa dulo't dulo. I'm from the south, you're from the north. Literally and I think figuratively?"
Mahinang natawa si Anya at tumango. "And to think na nasa library lang din naman talaga ako before or sa condo, hindi talaga magkakaroon ng chance. Siguro nakita na kita sa TV, hindi ko lang maalala dahil sa news, but that's it."
"Yeah." Malalim na huminga si Jakob. "And we both have different lives. You're a very private person, I am well-known publicly. Naalala ko noon na laging nakakabit sa parents namin ang names namin. Palaging nakatingin ang mga tao sa 'min. We couldn't enjoy college that much. We wanted to, but sometimes news ruins everything."
Tahimik na nakikinig si Anya kay Jakob na nakayuko habang hinahalo ang sabaw na kumukulo mula sa portable stove na dala nila.
"'Yung gusto lang naming mag-party nina Ares, pero maraming nasasabi ang ibang tao. We wanted to enjoy our lives as teenagers, as college students. We wanted to be normal, but couldn't. Lalo si Ares, kaming dalawa," dagdag ni Jakob. "We couldn't party without rumors na we're doing drugs. We couldn't go out with someone without them saying na puro kami babae, pariwara kami, sinisira namin ang pangalan ng family namin. We didn't have a normal life all because of our parents."
"Ice became rebellious because of it. Kaya nga sila nagkasundo ni Ares noon, e. Palagi silang tumatakas, nagpupunta sa kung saan, at sila ang naging problema ng mga magulang namin. May pagkakataon pang pinasundo na sila ng PSG dahil ang daming media." Umiling si Jakob. "Pagdating sa bahay, galit na galit ang dad ni Ares sa kaniya. Napagsabihan din si Ice, but not much. My parents understood Ice."
Natawa si Anya sa personality ng dalawang iyon, hindi malabong mangyari ang ikinukuwento ni Jakob. Base sa pagkakakilala niya kay Ares, halata naman kasi talagang happy go lucky ito. Pagdating naman kay Ice, ayaw na lang din magsalita ni Anya dahil mismong si Jakob, sumasakit ang ulo.
"But I love Jayne so much," pagpapatuloy ni Jakob. "Kahit masakit 'yun sa ulo at palagi niya kaming hindi sinusunod, May mga pagkakataong ako mismo ang nagpoprotekta sa kapatid ko. May mga pagkakataong ako ang nagiging front sa kalokohan niya para hindi na siya mapagalitan."
Nagsalubong ang kilay ni Anya. "What do you mean?"
"Minsan kinakausap ko 'yung mga guard ni Daddy na sabihin sa kanilang ako 'yung dumating last night para hindi mapagalitan si Jayne. I'll act as if I was the one drunk or ako 'yung nag-aya kay Jayne para ako ang mapagalitan. We might not look close, but I'll do anything for my sister, too."
Anya was staring at Jakob who subtly smiled while talking about his sister. Nagkuwento pa ito tungkol sa childhood ng dalawa na oo, madalas magbangayan. And based on Anya's observation, Ice loved Jakob, too.
Alam niya kung ano ang ginawa nito para lang mailigtas siya. Ice told her about it, but promised her not to tell Jakob. Baka raw kasi sumabog ang ulo, kawawa naman.
Both enjoyed their dinner while talking about the second family of the Philippines. Hindi alam ni Anya na ganoon pala ang politika, no wonder why Jakob and his friends had some sort of trauma.
Isa pa, ang pagpasok sa pulitika kung bakit ulila ang magkakaibigan. They didn't want to make the same mistake. Ni hindi nga nila alam kung mayroon pa bang natitirang gustong umubos sa kung sino man ang magtangkang magkaroon ulit ng pulitika.
Gustuhin man nilang bumalik sa normal ang lahat, walang nagtatangka dahil walang ideya sa nangyari kahit na ilang taon na ang nakalipas. Nakatatakot na baka kung sakaling may sumubok na muling gumawa ng gobyerno, mayroong nakaabang para muling sirain iyon. Hindi nila alam. Ayaw nilang alamin.
"Maraming nawala sa nangyari, but one thing I'm thankful about everything was that I met you," Jakob said in a low voice. "Kung hindi ka dumating, I think this present is a different story. I don't know what could've happened, but I know this isn't it. Everything's a blessing in disguise."
Anya frowned but laughed. "I can actually imagine our life kung sakali mang hindi nagulo ang lahat. Maybe you're married to someone na nasa elite, someone political, too. Maybe you're having the best time of your life. Before this ba, may girlfriend ka?"
Nagkatitigan sina Anya at Jakob dahil never nilang napag-usapan ang tungkol doon. Umiling si Jakob at naningkit ang mga mata na para bang mayroong naalala.
"I was already four months single before the dark world." Jakob breathed. "And oo, she's from the elite. To be honest, hindi ko alam kung nasaan na siya even before this happened. Parang six months lang naman naging kami. Jayne didn't like her."
"Bakit daw?" tanong ni Anya at uminom ng tubig.
Tumaas ang dalawang balikat ni Jakob. "I don't know, but we broke up mainly because of time. Magkaiba kami ng time sa school and we had no time to even see each other. You? Before Nicholas?"
"Nagkaroon ako ng high school boyfriend, pero iyon na ang huli bago si Nicholas." Natawa si Anya. "Puppy love lang and hindi ko rin alam kung naka-survive ba siya. Huling kita naman namin was high school pa. But maybe if the dark world didn't happen, nasa ibang bansa ako with my family."
Nakatitig lang si Jakob kay Anya lalo nang bigla itong suminghot at pasimpleng pinunasan ang luhang bumagsak.
"May mga araw pa rin na iniisip kung kumusta na sila. Kung buhay pa ba sila, kung naka-survive ba sila tulad ko? Kung alam lang nila . . ." Anya started sobbing. ". . . kung alam lang nilang may apo na sila sa 'kin, kung may way lang to let them know I am okay, gagawin ko. I wanted to let them know I am okay. We're okay here."
Lumapit si Jakob kay Anya at inakbayan ito. Pareho pa rin silang nakaharap sa palubog na araw. Hinayaan niyang umiyak si Anya dahil sa tagal na magkasama sila, hindi na nila nabuksan ang kahit na ano tungkol sa pamilya nila.
"I wasn't a daddy's girl or a mommy's girl. Actually, gusto talaga nilang mag-aral ako sa ibang bansa... kung nasaan sila, pero ayaw ko. Pakiramdam ko kasi noon, makukulong ako kapag kasama ko na sila. I kinda wanted that freedom." Anya sniffed. "A month before the dark world, my mom asked me to come visit them since meron akong two-week vacation, but I refused. Mas pinili kong mag-stay sa Pilipinas. Tinamad akong mag-travel, ayaw kong sumakay ng plane kasi ang tagal ng biyahe, at wala ako sa mood na umalis. Kung alam ko lang na huli na 'yun, I should've at least visited them one last time."
Jakob kissed Anya's forehead. He didn't say a word. He just listened to Anya's regrets.
"Before the dark world, one year ko na silang hindi nakikita noon. Nag-uusap lang kami via video call. Minsan hindi ko pa nasasagot ang tawag nila dahil busy ako. Kung alam ko lang." Anya sobbed. "Now, I only hope na they're okay. Marami akong regrets, but I can't turn back the time. I am happy now. I have you and Trevor now."
"I am, too," Jakob whispered against Anya's forehead. "By the way, may nabasa ako sa isang book ni Daddy sa library noong isang araw. I memorized it."
Patagilid na humarap si Jakob kay Anya. "Ano 'yun?"
Jakob breathed and bit his lower lip. "A marriage vow."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top