Chapter 75

Ipinalibot ni Anya ang tingin sa buong lugar pagbaba niya ng sasakyan. Nasa walled compound sila at ito ang nakuhang lupa ni Jakob na itinatanong niya kung puwedeng gawing extension ng Escarra.

Ang buong akala niya, hindi pumayag si Jakob dahil dalawang linggo na simula nang mapag-usapan nila ang tungkol doon at ni minsan, hindi ito nagbukas ng topic o conversation. Akala niya, hindi ito pumapayag.

"Nakausap ko na ang mga architect at engineer tungkol sa lugar na 'to. I will extended the place until there." Itinuro nito ang matataas na puno. "Since we don't have laws and we don't have ways to know who owns this and that, I am acquiring this land for Escarra version two point zero."

Natawa si Anya sa sinabi ni Jakob. "Akala ko hindi ka pumayag. Ang tagal mo naman kasing hindi nagbukas ng topic tungkol dito."

"I was thinking about it. I was planning inside my head," sabi ni Jakob na hinawakan ang kamay niya. "Pinatingnan ko na rin kay Martin at sa mga farmer niya kung maganda ang lugar. Maganda raw ang patubig kaya puwede ang farming at fish pond. Willing tumulong si Martin sa pagsisimula at training."

Sumunod si Anya kay Jakob na itinuturo sa kaniya ang posibleng pagtayuan ng residence na katulad sa Escarra. Hanggang third floor daw ang naging plano ng engineer, pero magkakaroon muna ng pansamantalang pabahay habang ginagawa pa iyon.

Itinuro din ni Jakob ang lugar kung saan maglalagay ng patubig, kung saan ilalagay ang fish pond, at ang gagawing barn para sa mga hayop na aalagaan. Malawak din ang palayan at iyon ang magiging focus ni Jakob dahil base raw sa naging research nila sa lugar, dating tinataniman ng mais at palay ang buong lugar.

Medyo mainit sa gitnang parte dahil walang mga puno at isa iyon sa gagawin sa buong paligid.

"What do you think?" Niyakap siya ni Jakob sa likuran. "This will be Escarra version two point zero. 'Yun na rin ang nilagay ni architect sa inaayos nilang plano para sa lugar."

"Maganda 'to." Humiwalay si Anya at humarap kay Jakob. "Thank you sa pag-consider sa gusto kong mangyari. Thank you for reconsidering this. Thank you for opening your home."

"Our home." Nagsalubong ang kilay ni Jakob. "But here's the thing. Ang gagawin natin dito, tulad ng ginagawa ni Ice. Everyone should work to live. We will give them shelter and we'll support them, but they should work for it. Nothing will be permanent here. Lahat tayo kikilos. Is that okay with you?"

Tumango si Anya at ngumiti. "Alam mo sa totoo lang, people outside will do anything for this. Parang kami noon. Kahit siguro paglinisin kami o pasisirin sa dagat para sa pagkain, gagawin namin for the sake of shelter, food, and safety. We'll literally do anything to survive."

Nakatitig si Jakob kay Anya nang bigla na lang bumagsak ang luha nito na para bang may naalala. Ganoon madalas sa tuwing napag-uusapan nila ang nakaraan kung saan hirap na hirap ang lahat sa labas.

And Anya was the main reason Jakob reconsidered this. Ayaw sana niya dahil may takot pa rin sa parte niya, pero araw-araw niyang nakikita na malalim na nag-iisip si Anya at alam niyang isa ito sa dahilan.

"Alam mo, simula noong tumira ako sa Escarra, palagi kong iniisip ang mga kasama namin dati na namatay dahil sa buhay na meron kami," sabi ni Anya. "May mga pagkakataon noon na naglalakad ako sa Escarra. Hindi mo pa ako asawa, iniisip ko noon na sana, meron akong superpower. Superpower na makapasok sa isip mo para bigyan ka ng idea sa kung ano ang nangyayari sa labas."

Ngumiti si Anya ngunit nagsunod-sunod ang pagbagsak ng luha nito.

"Kasi sobrang hirap, Jakob," hagulhol ni Anya. "Sobrang hirap kaya nagpapasalamat akong na-consider mo 'tong plano. Alam kong hindi magiging madali 'to sa 'yo. Maraming resources na magagamit, maraming sacrifices, pero thank you."

Jakob nodded and pulled Anya for a hug. He buried his face into the hollows of her neck and caressed her back. Gusto rin niyang magpasalamat sa pagbukas nito sa mga mata niya tungkol sa totoong nangyayari sa labas.

"Ikaw na ang makipag-usap kina Austin at Nicholas tungkol dito," sabi ni Jakob bago humiwalay sa pagkakayakap kay Anya. "Wala pang nakakaalam sa planong 'to bukod kay commander, sa mga engineer at architect na tatrabaho rito, at sa mga kaibigan ko. Ikaw na ang makipag-usap kung papayag sila."

Tumango si Anya. "Pero gusto kong nandoon ka. Gusto kong involved ka sa conversation. Ako ang magsasabi sa kanila, pero nandoon ka. Dalawa tayo."

Jakob agreed and held Anya's hand. They walked around the area and showed Anya the plan. Ipinakita rin niya ang patubig na gagamitin para sa buong lugar. Nag-suggest din si Anya na ang itatanim lang na mga puno ay iyong mapakikinabangan.

Anya had a lot of suggestions and Jakob was taking note. It was their project, mainly Anya's. He was executing her plans. He wanted Anya to decide. She was the boss this time.


——


Anya and Jakob were walking hand in hand. They were on their way to the dinner with Nicholas and Austin. Hindi nila kasama sina Mary at Celine dahil gusto sana nina Jakob at Anya na kausapin muna ang dalawa.

Mary and Celine went to their house to play with Trevor instead.

Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakahanda na ang niluto ni Austin na pagkain para sa kanila. Simpleng kanin at adobong baboy iyon na may patatas. Ibinaba naman ni Nicholas ang hiniwang pakwan at inaya silang dalawang maupo.

Umikot ang tingin ni Jakob sa loob ng bahay. Well-maintained iyon at malinis. Kahit na hindi ganoon kalaki, komportable ang pakiramdam pagpasok sa loob.

"Paaalisin n'yo na ba kami kaya may ganitong dinner?" biro ni Austin nang makaupo sila. "Sana sinama n'yo si Trevor dito. Mas gusto namin siyang makita kaysa sa inyong dalawa."

Natawa si Anya, pero nanatiling seryoso si Jakob. Napansin niya ang tingin nina Austin at Nicholas na nawala ang ngiti nang mapansing hindi nakikipagbiruan ang asawa niya. Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan niya ang kamay nito.

"Grabe naman sa aalis, pero parang ganoon na nga." Natawa si Anya.

Tumigil si Nicholas sa pagsandok ng ulam. Napatitig naman sa kaniya si Austin na mabagal na ibinaba ang basong hawak. Bakas sa mukha ng dalawa ang gulat lalo nang tumingin ang mga ito kay Jakob na seryoso siyang nilingon.

Ngumiti si Anya at komportableng sumandal sa inuupuan. "Half true dahil meron sana kaming ipapakiusap sa inyo."

Ibinaba ni Jakob ang utensils na hawak at sumandal tulad niya. Seryosong nakatingin at naghihintay sina Nicholas at Austin na pareho pang magkasalubong ang kilay. Sa ilalim ng lamesa, muling hinawakan ni Anya ang kamay ni Jakob para humingi ng suporta dahil hindi rin niya alam kung ano ang tamang salitang gagamitin.

"Merong lupang nakuha si Jakob hindi naman kalayuan dito," bungad ni Anya. "Napag-usapan naming dalawa na gawin 'yong lugar na parang Escarra. Actually, tinawag ko siyang Escarra 2.0 dahil parang extension lang nitong lugar. Medyo dumadami kasi ang survivor sa city at nakikiusap kung puwede ba silang papasukin nina Ares."

Nagkatinginan sina Nicholas at Austin.

"Magsisimula na ang construction bukas. Nililinis na siya simula kanina. Bukas naman magsisimula na sila sa pader. Maglalagay na rin ng barracks para sa mga trabahador para mapadali. Aware naman kayong ayaw na naming magpapasok dito sa loob, pero naaawa kami sa ibang tao," pagpapatuloy ni Anya. "At dahil wala kaming ibang mapagkatiwalaang tatao sa extension ng Escarra, kayo sana ang gusto ko."

Nagsalubong ang kilay ni Austin. "Pinaaalis n'yo na ba kami rito sa Escarra?"

Mahinang natawa si Anya. "Parang ganoon na nga. Kayo kasi ang nakakaalam tungkol sa buhay sa labas. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa. Alam kong matutulungan n'yo sila. Alam n'yo kung paano ang buhay sa labas, kung sino ang may kailangan ng tulong, at kung sino ang dapat papasukin. K-Kayo lang ang gusto ko."

"Only if you'll agree," sabat ni Jakob. "Kung hindi, wala naman kaming magagawa. Kayo ang first choice at gusto ko 'yong parteng may idea kayo sa mga taong puwedeng pumasok sa loob. I want us to be careful."

Nanatiling tahimik ang dalawa. Hinayaan na ni Anya si Jakob na magsalita.

"Kung papayag kayo, I will send Mary to Olympus for training. Kailangan ng bagong lugar na iyon ang nurses. Magpapadala rin naman ako ng doctor galing kay Ares, pero kailangan din ng nurse at si Mary sana 'yun," sabi ni Jakob na nakatingin kay Austin. "Ikaw, you'll train under me and my friends about leadership kasi ikaw ang mamamahala sa Escarra extension."

"Teka." Umiling si Austin. "Baka hindi ko kaya."

Hindi sinagot ni Jakob ang sinabi ni Austin. Nilingon nito si Nicholas. "You and Celine will be training with Commander Alfred. You'll be the one to manage the rangers who will be assigned there voluntarily. Kung sakali mang papayag kayo, magsisimula tayo bukas."

Nagkatinginan sina Austin at Nicholas. Alam ni Anya na si Austin ang magtatanong ng kung ano-ano at hindi siya nagkamali nang tanungin nito kung ano ba ang magiging trabaho.

"Kung sakali mang merong makausap sina Ares, Tristan, o kahit sina Ice na naghahanap ng grupo, kayo ang mag-aasikaso sa kanila. Kung ano ang ginagawa natin dito sa Escarra, same process. Aside from that, you might be able to search for other survivors, too. You will make sure that everyone's okay, everything's in order, and it'll be your priority to help people."

Tipid na ngumiti si Anya habang pinakikinggan si Jakob.

"You will make sure that the people are safe. That's your main goal," pagpapatuloy ni Jakob.

Malalim na huminga si Austin. "P-Pero bakit kami?"

"Kasi alam n'yo . . . kung gaano kahirap ang buhay sa labas. Alam n'yo kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi. Alam n'yo kung paano kumausap ng ibang tao, alam n'yo kung ano ang kailangan, at kung paano tutulong," sabi ni Anya sa mababang boses. "Alam n'yo kung paano ang buhay sa labas kaya alam n'yo kung paano ang gagawin. Alam n'yo na rin kung paano ang buhay sa loob ng Escarra, kung ano ang possible na gawin to keep everything in order . . . kaya kayo ang perfect fit."

"Sigurado ba kayo sa gusto n'yo?" tanong ni Nicholas na nilingon si Jakob. "Sigurado ka bang kami ang gusto mong tumira doon?"

"Anya trusts you both," sagot naman ni Jakob. "At sa ilang taong nakatrabaho ko kayong dalawa, alam kong kaya n'yo. Tama si Anya sa parteng alam n'yo kung ano ang buhay sa labas. Iyan ang advantage n'yo sa iba."

Walang nagsalita, kahit si Anya na nakatingin lang kay Jakob habang iniisa-isa nito ang mga plano tulad ng kung ano ang gagawin sa extension. Nagkakabiruan pa na para silang mag-uumpisa sa iba dahil hindi naman marunong magtanim ang mga ito.

"Hindi naman kayo ang gagawa, we'll train people," sabi ni Jakob. "Our timeline is in three to six months, you'll be able to move in. Kumpleto pa rin naman. Lahat ng kailangan ng extension, manggagaling dito sa main. Kayo mismo ang titingin kung ano ang kailangan para ma-provide. If you'll agree, we have a lot of time to talk about it."

Patagilid na nakatingin si Anya kay Jakob at naghihintay kung mayroon pa. Alam niyang marami pa, pero gusto muna nitong siguruhing pumapayag sina Austin at Nicholas.

"If you're still questioning why I wanted you to manage the extension," nilingon ni Jakob si Anya, "I trust you enough to leave my wife and son behind whenever I'm not around. I hope that answers your doubts and questions."

Hindi inasahan ni Anya na sasabihin iyon ni Jakob. Ni hindi niya naisip iyon at alam niyang malaking bagay iyon sa asawa niya. Ngayon niya na-realize na sa tuwing umaalis ito ng Escarra, nagpupunta sina Nicholas at Austin sa bahay nila kasama ang mga partner nito.

"Sige." Tumango si Austin. "Pero kauusapin ko muna si Mary. Pag-uusapan muna naming dalawa kung ano ang magiging desisyon namin. Thankful ako na na-consider n'yo ako para dito, pero kauusapin ko muna si Mary."

"Ako rin," sabi ni Nicholas. "Tatanungin ko muna si Celine kung komportable siya sa idea. Pag-uusapan na rin muna namin. Walang problema sa 'kin kung makakatulong naman tayo sa labas. Actually, ang ganda ng idea."

"Tama," sagot ni Austin.

"Pero tatanungin ko muna si Celine." Tumingin si Nicholas kay Anya. "Thank you sa pag-consider mo sa 'min. Salamat sa inyong dalawa kasi naisip n'yong buksan ulit ang Escarra. Hindi man dito, pero marami kayong matutulungan."

Tumayo si Jakob. "Tayong matutulungan. Kung sakaling papayag kayo, marami kayong matutulungan. Backup na lang kami, pero kayo na ang bahala," sabi nito at nilingon si Anya. "Pupunta muna ako sa office. You guys should talk about this thoroughly. You don't need to respond right away. Maraming time. You guys can think about it. You should think about it."

Tumayo si Austin at tumango. "Maraming salamat."

Tumango si Jakob at nagpaalam sa kanila. Nakapamulsa itong lumabas ng bahay.

Ibinalik ni Anya ang tingin sa dalawang lalaking nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Jakob. Seryoso ang mukha ng dalawa na nagkatinginan pa bago humarap sa kaniya.

"Akala naming lahat, nagsara na talaga ang Escarra," sabi ni Austin. "Naging usap-usapan nitong mga nakaraan 'yung pagpunta nina Boss Tristan at Boss Ares. Nabanggit ng ibang ranger nila na ang dami raw ngayong nasa harapan ng mga gate nilang nanghihingi ng tulong."

"Oo nga raw. Kahit sa St. Pierre," sabi ni Nicholas. "Unexpected 'to lalo na at vocal si Boss Jakob na ayaw na niyang magpapasok at tumulong."

Ngumiti si Anya. "Ayaw niya rin talaga. May takot pa rin kasi sa kaniya, sa amin, after Marjorie, pero hindi kasi ako puwedeng maging makasarili. Hindi puwedeng emosyon ko lang 'yung paiiralin ko."

"Pero valid ang nararamdaman mo," Nicholas firmly said.

"Pero hanggang kailan? Dahil sa emosyon ko, maraming madadamay. Hindi naman lahat ng tao, ganoon ang intensyon. Hindi na iyon mauulit dahil meron namang boundaries, but that doesn't mean we're closing the doors fully." Anya smiled. "Medyo kailangan ko lang din tulungan si Jakob na intindihin ang sitwasyon nang hindi ini-invalidate ang nararamdaman niya, ayaw rin kasi talaga."

"Susuporta kami sa Escarra, pero alam kong mamahalin n'yo ang lugar na 'yun. Malaki ang tiwala ko sa inyo, ganoon din si Jakob. Gusto ko nga 'yung assurance ng tiwala niya, e."

"Ikaw pa ba, e iniyakan ka nga." Natawa si Austin.

"Inagaw pa kamo," pabirong sabi ni Nicholas na ikinatawa nilang tatlo.

Ngumiti si Anya. "Excited ako sa magiging lugar na 'yun. Alam kong hindi n'yo pababayaan ang mga tao roon. Alam kong malaking responsibility ito kung sakali lang tanggapin n'yo, pero alam ko rin na ito ang gusto n'yong gawin."

Austin agreed. Helping people was Austin and Nicholas' what ifs at hindi nila iyon magawa sa loob ng Escarra dahil na rin isinara ni Jakob ang lugar para sa iba. Hindi na rin nakalalabas ang ibang ranger para sa relief operations dahil matagal na iyong natigil. Ngayon, malaking opportunity ang extension.

Ngumiti si Austin. "Pagkatapos ng nangyari sa 'yo, inasahan na namin na magiging matigas si Jakob at hindi na mangyayari ito. Gusto ko 'yung plano. Maraming matutulungan, Anya. So ano, doon na ba namin itutuloy ang story namin?"

"Oo. Magiging inyo rin ang lugar na 'yun. Isa lang ang hiling ko."

Nagkatinginan sina Austin at Nicholas.

"Kahit ano, Anya." Nicholas nodded.

Anya's tears became uncontrollable. "Don't betray Jakob, please?" She wiped her tears and smiled. "P-Please, don't betray me."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys