Chapter 73
Dinadama ni Anya ang malamig na simoy ng hangin sa balcony nang maramdaman ang brasong yumakap mula sa likuran niya at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Sumandal siya sa dibdib ni Jakob.
"Nakatulog na?" tanong ni Anya.
"Hmm," sagot ni Jakob at hinalikan naman ang pisngi niya. "Medyo mahirap na ring patulugin si Trevor lately."
Natawa si Anya at ipinikit ang mga mata. "Sabi nina Ate Rose at Ate Dolores, nagsisimula pa lang daw tayo. Sa mga susunod daw mas mahirap na 'yan lalo kapag nagsimula nang maglakad. Ready ka na ba?"
"Oo naman," walang alinlangang sagot ni Jakob. "Excited na nga akong magsimula siyang maglakad, e. I wanna see him running around Escarra, the place we all built for the future. Para sa kaniya naman ang lahat, e."
Nagsalubong ang kilay ni Anya nang marinig mula sa boses ni Jakob ang pangamba. Maingat siyang humarap at hindi siya nagkamali nang makita kung gaano kalamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Bakit?" Hinaplos ni Anya ang pisngi ni Jakob. "Ano'ng gumugulo?"
"Wala naman." Umiling si Jakob at tipid na ngumiti. "May mga pagkakataon pa rin kasi na naiisip kong naging makasarili ba tayong dalawa sa parteng nagkaroon tayo ng anak? The world wasn't ideal for kids. This world is dark, Tanya."
Walang naging sagot si Anya. Hinawakan niya ang kamay ni Jakob at inaya itong maupo sa sofa na nasa balcony. Sinilip na rin muna niya si Trevor na mahimbing na natutulog sa crib nitong palagi nilang dala. Bumalik siya kay Jakob at uupo na sana sa gilid nito, pero hinawakan ang kamay niya para mapaupo nang patagilid sa legs nito mismo.
Anya automatically brushed Jakob's hair. "To be honest, kapag nakatingin ako kay Trevor, naiisip ko rin 'yan. Hindi ko alam na ganiyan din pala ang naiisip mo."
"Araw-araw." Jakob breathed and shook his head. "Takot ako sa araw-araw at isa 'yun sa inaalala ko na paano kung hindi ko maibigay sa kaniya ang maayos na buhay? Naging maramot ba ako o tayo na pinili natin 'to? Pero susubukan ko para sa inyo ni Trevor."
"Hindi mo naman kailangang sarilinin palagi. Ngayong sinabi mo na ganiyan pala ang naiisip mo, sa susunod sabihin mo sa 'kin para mapag-usapan natin." Anya kissed the side of Jakob's lips. "There's no use thinking about it. Trevor's already here. He's already six months. I-enjoy na lang natin, Jakob. At habang ine-enjoy natin, sisiguruhin nating pareho na magiging maayos ang paglaki niya. Na 'yung environment na kalalakihan niya, susubukan nating gawing normal."
Jakob nodded and buried his face onto the hallows of Anya's neck. "I love you," he whispered. "Thank you for always taking care of me and Trevor."
"Mahal kita." Anya kissed Jakob's forehead. "Favorite ko kaya kayong alagaang dalawa. Mabuti nga rin at walang pasaway sa inyong dalawa kaya hindi kayo sakit ng ulo."
"Hindi 'yun mangyayari," sagot ni Jakob at hinalikan ang leeg niya. "Ayaw kong maging mabigat ang kahit na ano para sa 'yo."
"Kaya inaako mo lahat?" Sinalubong ni Anya ang tingin ni Jakob. "Hindi naman kasi kailangan! Partner mo nga 'ko, e. Dapat involved ako!"
Ngumiti si Jakob at malalim na huminga. "Thank you for loving me back."
"Bakit ka nagte-thank you?" Natawa si Anya at pinisil ang ilong ni Jakob. "Para kang sira."
Instead of saying a word, Jakob captured Anya's lips who immediately kissed back. Mas isiniksik pa ni Anya ang katawan kay Jakob na kaagad humiwalay at tinitigan siya.
"I badly wanna make love with you, Tanya," Jakob whispered and looked down
Anya smiled and caressed Jakob's cheek. "Tara? Hindi puwede rito sa balcony, e. Marami kang ranger."
Jakob looked at her. "P-Puwede na ba? Okay na ba sa 'yo?"
"Oo. Kaya nga rin kita inaya rito sa beach, e." Anya traced her index finger into Jakob's chest. "Alam kong matagal mo na ring gusto. Thank you kasi nirespeto mo 'yung space na gusto ko tungkol dito."
"You don't have to thank me about it," Jakob said in a low voice. "But I really miss you. It's been a year since—"
Anya didn't let Jakob finish what he was about to say when she crashed her lips against his. No words, Jakob stood up and carried her towards the room. Once inside, both stopped kissing and checked Trevor who was peacefully sleeping.
They had to be quiet.
Maingat siyang ibinaba ni Jakob sa kama at kinubabawan siya. Matagal itong nakatitig sa kaniya bago siya hinalikan sa pisngi pababa sa labi, hanggang sa leeg ngunit pagdating sa dibdib, tumigil ito at mahinang natawa.
"Bakit?" Bahagyang bumangon si Jakob. "Bakit ka natatawa?"
Nakatingin si Jakob sa dibdib niya. Suot pa niya ang T-shirt na puti at doon lang niya na-realize na nagle-leak ang gatas niya. Walang panahong inaksya si Jakob dahil kaagad itong bumangon at kinuha ang bote ng gatas ni Trevor na walang laman. Iniabot nito sa kaniya iyon bago naupo sa gilid ng kama.
"Okay lang naman na mamaya na." Ngumiti si Anya.
"Sayang," sagot ni Jakob. "Ipunin mo na muna. Kukuha lang ako ng mainit na tubig sa baba para sa towel. Gusto mo ng pagkain?"
Tumango si Anya. "Sige rin."
Tumayo si Jakob at lumapit sa kaniya. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo. Sinilip din nito si Trevor bago lumabas ng kuwarto.
Napatitig si Anya sa pintong nilabasan ni Jakob at napailing. Ramdam niyang gusto nito . . . gustong-gusto, pero hindi nakisama ang gatas niya. Basang-basa nga naman ang T-shirt niya at totoo rin. Sayang ang gatas.
At habang nag-e-extract siya ng milk, nagising si Trevor. Nakasahod ang isang bote sa kabilang dibdib niya, ang isa naman ay naka-latch ang anak niya. Nakaupo naman si Jakob sa tabi niya na nagbabasa ng papeles.
"Hindi na natuloy," pang-aasar ni Anya.
Natawa si Jakob at patagilid siyang tiningnan. "Sa susunod. Hindi na puwedeng hindi. Sakto rin naman na hindi. Wala akong dalang condom."
"Oo nga pala," sagot ni Anya dahil hindi niya iyon naisip. "Gusto mong mag-pills na lang ako?"
Umiling si Jakob nang hindi tumitingin sa kaniya. "You're breastfeeding, babe. No need."
Buong magdamag na ring gising si Trevor at mukhang walang balak matulog. Hindi sila nakamali dahil alas-singko na ng umaga, patulog pa lang ito. Gising na sina Ate Rose at Ate Dolores dahil narinig nila ni Jakob ang pinto sa ibaba.
"Since gising na rin naman sina Ate Rose . . ." Isinara ni Jakob ang hawak na folder. "Iwanan na muna natin si Trevor sa kanila. Gusto mong maglakad? Salubungin natin 'yung sunrise."
Nakita ni Jakob kung paanong nanlaki ang mga mata ni Anya. "Puwede? Gusto ko."
Tumango si Jakob bago dumapa para kausapin ang anak nilang nilalaro ang sariling mga paa na para bang nagpapaalam na lalabas muna sila ni Anya. Gusto rin muna niya itong masolo dahil bihira iyong mangyari simula noong magkaanak silang dalawa.
Buhat ni Jakob si Trevor habang pababa sa hagdan at excited na lumapit sa kanila si Ate Rose para kunin ang anak nila.
"Ate, labas lang muna kami ni Anya. Maglalakad lang po kami. Okay lang po bang iwanan muna namin si Trevor?" Hinalikan ni Jakob ang pisngi ng anak.
"Oo naman. Mag-enjoy kayo. Magluluto na rin kami ng almusal para pagbalik n'yo, kakain na tayo," sabi ni Ate Rose. "Meron ba kayong gustong almusal?"
"Kahit ano po." Nilapitan ni Anya si Trevor at hinalikan ito sa pisngi at nagpasalamat sa dalawang may-edad na.
Paglabas nila ng bahay, naramdaman ni Anya ang lamig ng simoy ng hangin. Suot niya ang simpleng puting T-shirt at jogger pants. Tinanong siya ni Jakob kung gusto ba niyang kumuha ng hoodie na tinanggihan niya dahil iinit na rin naman na mamaya.
Habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan, hinawakan ni Jakob ang kamay ni Anya. Parehong nakataas ang laylayan ng suot nilang pang-ibaba dahil nasa gilid sila at dinadama ang maligamgam na tubig ng dagat.
Hawak naman ng isang kamay ni Jakob ang tsinelas nilang dalawa.
"Feeling ko, meron kang gustong sabihin," basag ni Anya sa katahimikan. "Kanina mo pa ako nililingon, e. Ano ba 'yun? Sabihin mo na 'yan. Tayong dalawa lang naman ang nandito. Wala ka namang dapat itago sa 'kin."
Mahinang natawa si Jakob. "Who would've thought this would even happen? Me and you, doing this?"
"Ayan ka na naman, e. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin makapaniwala?" Sinalubong ni Jakob ang tingin ni Anya. "May takot pa rin ba?"
No response was the response. Jakob even had to look away.
"I'm not going anywhere," Anya said. "Alam kong paulit-ulit mong iniisip na hindi naging maganda ang start natin. You did something unforgivable to some, but I already forgave you."
Jakob looked down and remained quiet. It was still a little dark, but the light peeking was enough for him to see Anya's silhouette.
"Alam mo, ayaw kong malapit sa 'yo noon. Noong bago lang akong nakatira sa bahay mo, kung puwede lang na huwag kitang kausapin, gagawin ko. Kung puwede lang na 'wag tayong magtagpo, kung puwede lang na 'wag ka nang umuwi sa bahay mo." Natawa si Anya. "Imagine, kampante ako noon sa tuwing umaalis ka sa Escarra dahil kahit papaano, makakababa ako."
Mayroong parang sumaksak sa puso ni Jakob nang marinig ang sinabi ni Anya dahil sa ilang taong maayos naman silang dalawa, wala itong sinabi tungkol doon.
"Hanggang sa isang araw, katatapos ko lang umiyak. Nakahiga ako tapos nakatitig sa ko sa ceiling. Naisip ko kung araw-araw bang ganito ang magiging buhay ko?" Humikbi si Anya at humigpit nang humigpit ang hawak sa kamay ni Jakob. "Inisip ko na araw-araw ba akong iiyak? Na bakit ako? Bakit mo ginawa sa 'kin 'yun? Bakit kailangan mong pahirapan 'yung sarili nating dalawa?"
"Nakatulog ako kaiiyak noon." Natawa si Anya at suminghot. "Paggising ko, umiiyak na naman ako, until I realized, ako lang naman din ang makakapagpabago ng buhay ko sa bahay mo. Kung magmumukmok ako, palagi talaga akong iiyak. So I tried to at least be casual with you. That was the plan. Be civil with you . . . until one day, I can't be civil with you anymore. I like the friendship we were having. I started to like the conversation, I don't know."
Nagpatuloy silang naglalakad papunta sa medyo madilim pang parte ng beach dahil wala na ang ilaw na nanggagaling sa beach house. Nagbabago na ang kulay ng kalangitan ngunit hindi pa rin iyon sapat para tuluyan nilang makita ang isa't isa.
"Siguro malaking bagay ang pagbigay mo sa 'kin ng space. 'Yung hindi mo ako pinilit sa kahit na ano. Sinubukan kong labanan kasi hindi 'yun ang gusto ko. My plan was just to be civil and comfortable. I didn't wanna fall in love with you. I only wanted Nicholas. I fought, but the more I did, the more I fell." Anya chuckled. "Naalala kong minsan, nakatingin na lang ako sa 'yo kasi hinahanapan kita ng mali. Iniisip kong ang pangit mo, masama ang ugali mo, mamamatay-tao ka, lahat ng puwedeng negatibo, inisip ko."
"Clearly, it didn't work," Jakob teased Anya.
"It didn't." Anya held onto Jakob's arm and their body was closer this time. "Noong mga panahong 'yun, nauna kitang nakilala sa negative side mo. I met your negative side first. Isinaksak ko sa kokote ko 'yung mali mo. It will never justify what you did to me and Nicholas." Anya breathed. "Hindi kasi talaga tama, Jakob."
Tumigil sa paglakad si Jakob at humarap kay Anya. "Alam ko and I'm really, really, really sorry that I hurt you both. Huli na, but I will forever pay for what I did, alam ko 'yun. Matindi ang naging balik sa 'kin noong akala ko nawala ka. But I really am sorry, Tanya, that I did that to you. I couldn't think of another ways to have you. I was unfair, I was an asshole, I was selfish . . . pero uulitin kong kahit kalaban ko ang mundo o kahit sino, uulitin ko lang ang ginawa ko."
"Then you're not sorry about what you did." Anya cupped Jakob's face. "Huwag kang mag-sorry sa bagay na hindi mo pinagsisisihan. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan at ayaw ko na ring marinig ang salitang sorry. Your sorry won't matter anymore, Jakob. Your sorry is useless, your sorry is long overdue, your sorry won't change what happened. It'll only give you more guilt at lolokohin mo lang ang sarili mo."
Yumuko si Jakob at hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Anya.
"Ilang beses kong tinanong, bakit kita minamahal? Hindi puwede, e. Ayaw ko. Bakit?" sabi Anya. "Paulit-ulit 'yung bakit."
Nakita ni Anya kung paanong gumalaw ang panga ni Jakob habang nakatitig sa kaniya. Ang kaunting liwanag na sumisilip ay sapat para makita niya ang titig at reaksyon ni Jakob sa sinasabi niya.
"Dahil ba naibibigay mo lahat ng kailangan ko? Puwede. Dahil ba kaya mo akong protektahan? Siguro. Dahil ba sumunod ka sa usapang poprotektahan mo sina Nicholas at Austin? Puwede rin. Dahil ba palagi tayong magkasama? Oo, posible." Huminga nang malalim si Anya at umiling. "Lahat ng possibilities, puwede. Dahil ba takot ako sa 'yo? Pero hindi ako takot sa 'yo. Takot ako sa posibleng gawin mo, pero sa 'yo mismo, hindi."
Jakob remained quietly staring at Anya.
"But one thing that made me love you was because you showed me who Jakob was behind closed doors. We knew you as intimidating, unapproachable, scary . . . because you own the place. Kilala ka namin na dapat sundin dahil iyon ang kailangan." Anya's tears fell. "Hindi mahirap mahalin ang Jakob na nakikita ko sa loob ng bahay. Hindi mahirap mahalin ang Jakob na naging makasarili para sa kapakanan ng iba. Hindi mahirap mahalin ang Jakob na mas pinipiling mabuo ang isang community kahit na puwede namang magsarili na lang."
Umiling si Anya at pinunasan ang sariling luha. Narinig niya ang pagsinghot ni Jakob, pero nanatili itong nakayuko.
"Nakita ko kung gaano mo 'ko kamahal, Jakob. Pinilit kong siraan ka sa sarili ko para hindi kita mahalin, pero pinahirapan mo 'ko sa parteng binigyan mo ako ng pagkakataong makita 'yung ayaw mong ipakita sa iba." Inangat ni Anya ang mukha ni Jakob. "Na mahina ka rin. Alam mo kung ano 'yung naisip ko noon?"
"What?" Jakob sniffed.
"Sana nakahanap ka ng ibang kaya kang mahalin. I hoped you found someone sooner than me. Someone who could give you the love that you deserved, someone who wouldn't make you do something selfish and unforgivable." Anya sobbed. "After all your sacrifices for years, you deserved someone who'd be there for you. Iyan ang naisip ko noong mga panahong sinusumpa kita at pinaninindigan kong hindi kita mamahalin."
Pareho silang natawa. Tumingala si Jakob, ganoon din si Anya, pero kay Jakob siya nakatingin.
"I love you now, mas importante ito sa 'kin ngayon. Naalala ko 'yung sinabi mo sa 'kin noon na hindi kita kailangang mahalin." Anya smiled warmly. "Sorry, sinubukan ko. Sorry ang tagal . . . pero hindi pa naman huli, 'di ba? Sa akin pa rin ito, 'di ba?" She pointed out his heart.
Jakob smiled and nodded. "Sa 'yo pa rin," he whispered and leaned to kiss Anya's forehead.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top