Chapter 71
It was almost six in the morning and Jakob was still sleeping. Late na rin kasi itong dumating galing sa factory kaya nang masimulang mag-ingay si Trevor, lumabas na sila.
Isinakay niya sa stroller ang anak nila. Nakasikat na rin ang araw at kukunin niya iyong opportunity para makapaglakad sa Escarra. Balak niyang magpunta sa park para mapaarawan din ang anak.
Malaking bagay kay Anya na good baby si Trevor. Ni hindi rin ito iyakin. Mabuti rin at naging sapat ang breastmilk niya kaya hindi nila inalala ni Jakob ang tungkol sa gatas ng anak nila. Isa iyon sa pinag-usapan nila noon, kung paano at saan sila kukuha.
Escarra was already busy at six in the morning. Pauwi na ang mga night ranger at nagsisimula namang magtrabaho ang mga ranger na magtatrabaho sa maghapon. Nagsisimula na ring lumabas ang ilang truck na magde-deliver ng orders sa city. Busy na rin ang mga tagaluto sa pantry, ang mga tagalinis sa daanan, at iba pang trabaho tulad sa laundry, main office, at kung saan pa.
Anya smiled knowing this community was thriving after everything. Sa ilang taon, wala pa ring nakaaalam kung ano ang nangyari at pinili na lang ng mga taong mag-move on, tulad nila ni Jakob. Hindi na nila napag-uusapan ang nakaraan. Wala na. Hindi na rin naman iyon maibabalik. Kung ano man ang naging dahilan, wala na rin silang interes na malaman pa iyon.
Hindi na nila maibabalik ang mga nawala at hindi na rin maibabalik ang nakaraan. Kung magiging stuck sila sa nakaraan, kawawa ang kasalukuyan, at walang patutunguhan ang hinaharap.
Samantalang naglalakad sina Nicholas at Celine papunta sa opisina nang makita nila si Anya na naglalakad, tulak-tulak ang stroller ng sanggol, at mukhang pupunta sa parke.
Simula rin nang dumating sina Anya sa Escarra, hindi pa sila nagkakausap ni Nicholas. Oo, bumisita tulad nila Austin, pero hindi nagkaroon ng pagkakataong magkausap dahil na rin naging busy ito sa anak.
"Kumustahin natin siya?" Nilingon ni Nicholas kay Celine.
Ngumiti naman si Celine. "Ikaw na lang muna, saka na ako. May urgent na pinatatapos sa 'kin si commander, e. Ikuha ba kita ng kape sa pantry?"
"Okay lang sa 'yo?" tanong ni Nicholas.
"Oo naman. Para namang iba." Natawa si Celine. "Sa office lang ako, pero dadaan muna ako ng kape sa pantry."
Tumango si Nicholas at hinalikan ang pisngi ni Celine bago nagpaalam na pupunta sa park kung nasaan si Anya. Mula sa malayo, nakita kaagad niya itong nakaluhod at tinatanggal ang buckles ng stroller ni Trevor.
Ang laki na rin ng ipinagbago nito simula nang dumating sa Escarra dahil malaki ang ipinayat at parang hindi natutulog. Ngayon, mukhang masaya si Anya dahilan para ngumiti si Nicholas.
"Ang laki na niyan, ha?" Lumapit siya at tiningnan si Trevor na gising na gising. "Ipinagmamalaki ni Kuya Austin na binuhat niya raw si Trevor last week, e. Puwedeng ako rin?"
"Good morning!" masayang bati ni Anya kay Nicholas. "Oo naman. Sandali, tatanggalin ko lang 'tong damit niya 'tapos itapat mo siya sa arawan. Tutal nandito ka na rin, ikaw na ang magpaaraw sa kaniya."
"Oo ba!" excited na sambit ni Nicholas. "Parang kailan lang, buntis na buntis ka, e. Ngayon ito na. Hindi ka naman niya pinahihirapan sa gabi? Sabi kasi ni Mary noong isang araw, may mga baby raw na hindi nagpapatulog ng parents sa gabi, e."
Natawa si Anya habang inaalis ang damit ni Trevor. Iniwan niya ang diapers nito na kapapalit lang naman niya kaya wala pang laman. Tinanggal din niya ang medyas nito para mas mapaarawan nila.
"Wala naman akong naging problema sa pagtulog at saka mas madalas na si Jakob ang nag-aasikaso kay Trevor sa gabi." Binuhat ni Anya si Trevor at maingat na ibinigay kay Nicholas. "Doon tayo sa may swing. Mas maganda ang araw doon."
Naunang maglakad si Nicholas habang buhat si Trevor. Tinupi na muna ni Anya nang maayos ang mga damit ng anak bago sumunod kay Nicholas na naupo sa isang swing, ganoon din ang ginawa ni Anya.
Nabalot sila ng katahimikan. Tanging tunog ng chains ng swing ang nagsisilbing ingay sa parke. Wala pa ring mga bata dahil masyado pang maaga.
"Kumusta ka na pala? Hindi na tayo nagkausap ulit simula noong dumating kayo rito, e," pagbasag ni Nicholas sa katahimikan, pero nanatiling nakatingin kay Trevor. "Kung ayaw mong sagutin, okay lang, ha?"
Walang naging sagot si Anya na inihilig ang ulo sa chain ng swing. Nakatingin siya kay Trevor na naningkit ang mga mata dahil sa sinag ng araw.
"Halata kasi ang pag-iwas mo sa lahat. Alam naming lahat na hindi ka komportableng maraming tao. Kinukamusta ka sa 'kin ng mga taga-laundry, pero wala rin akong maisagot sa kanila," pagpapatuloy ni Nicholas. "Alam kong matindi ang nangyari, pero nandito kami para sa 'yo . . . at naiintindihan din namin ang space na kailangan mo."
Sinalubong ni Anya ang tingin ni Nicholas. "Kayo ni Kuya Austin, okay lang, pero ang iba? Takot na ako sa kanila. Natatakot akong maulit, e. Nasaktan ako sa ginawa ni Marjorie sa 'kin, Nicholas. Sa tuwing naalala ko lahat, paulit-ulit kong kinaaawaan ang sarili ko."
Nanatili namang tahimik si Nicholas na nakatingin kay Anya.
"Ganoon ba ako katanga? Ganoon ba ako kadesperada? Ganoon ba ako kamanhid? Ganoon ba ako kauhaw sa kaibigan para hindi makita 'yung intensyon?" sunod-sunod na tanong ni Anya. Mahina siyang natawa. "Pinatuloy ko siya, sinabi ko lahat sa kaniya, pero halos patayin niya ako. Inilaglag niya ako sa lahat. Pinagkatiwala ko 'yung mga importanteng bagay tungkol sa sarili ko, pero ginamit niya lahat 'yun para sirain ako."
"Alam mo kung saan ako nasaktan?" Suminghot si Anya. "Nasaktan ako sa parteng alam niya ang kahinaan at pinagdadaanan ko, pero ginawa niya 'yong advantage para sirain ako. Naniwala ako sa tulong na ibinigay niya, sa suporta, sa mga salitang kaya ko naman, kakayanin ko, pero lahat pala 'yun hindi totoo."
"Kaya hindi n'yo ako masising ayaw ko na muna." Ngumiti si Anya. "Kayo na lang muna."
Nagsalubong ang tingin ni Nicholas habang nakatitig kay Anya na pinunasan ang luha. Tumingala ito bago siya muling nilingon.
"Nakikiusap ako sa inyo." Anya wiped her tears using the back of her hand. "P-Please don't betray me. Tama na muna, please."
"Alam mong hindi mangyayari 'yan," Nicholas responded in a low voice. "Iyan ang bagay na hindi ko, namin gagawin."
Anya bitterly smiled. "Gusto kong paniwalaan 'yan at gusto kong magtiwala sa inyo, pero natatakot ako. Let's face it. Sometimes, situations will make us do something. But I am and will trust that you won't. Huwag na tayong mag-promise. Minsan na ring nasira ang promise, Nicholas. Isa 'to sa bagay na hindi puwede."
"Alam ko." Natawa si Nicholas. "Promises are meant to be broken lalo kapag hindi na aligned ang mga sitwasyon. S-Sana rin hindi tayo makagawa ng bagay na ikasasakit nating lahat. Sa mundong ginagalawan natin, mahirap panindigan ang promises."
Dahil sa sinabing iyon ni Nicholas, biglang naalala ni Anya ang nakaraan lalo sa parte kung paano sila. Malalim siyang huminga at hinarap si Nicholas.
"Bigla kong naalala noong tayong dalawa pa lang ang magkasama. Ikaw ang lumalabas para may makain tayo 'tapos ako, walang ginagawa kung hindi maghintay. Naalala mo ba noong sinugod ng mga rebelde 'yung condo na tinirhan natin noon?" Yumuko si Anya.
"Oo naman. Naalala ko rin na doon tayo unang nag-promise na walang bibitiw, walang iwanan." Huminto si Nicholas. "Na tayo lang hanggang sa huli."
Habang sinasabi iyon ni Nicholas, nakatingin lang ito kay Trevor. Nakita ni Anya na hinahaplos nito ang likuran ng anak niya gamit ang hinlalaki. Ngumiti rin si Nicholas nang kusutin ni Trevor ang mga mata at humikab.
"Alam kong matagal na, alam kong nakausad na tayong dalawa, pero gusto ko pa ring humingi ng sorry kasi nasaktan kita," sabi ni Anya habang nakatingin kay Nicholas. "Sorry kasi ako ang unang hindi tumupad sa pangako, sorry kasi iniwan kitang mag-isa, sorry kasi naging makasarili ako . . . sorry kasi sinukuan ko noon ang tayo."
Umiling si Nicholas. "Alam mo bang dahil sa nangyari sa 'tin, bigla kong naisip na everything happens for a reason? Masakit noon. Mahirap tanggapin noon. Mahirap makausad noon. 'Yung pakiramdam na katapusan na nga ng mundo, mawawala ka pa sa 'kin? Ganoon ang pakirmadam noon." Tumingin ito sa kawalan.
"Pero kung hindi rin naman nangyari ang lahat, wala kang Trevor. Wala kang Jakob." Ngumiti si Nicholas at muling tumingin sak aniya. "Walang kami ni Celine. Kung hindi tayo nagkahiwalay, ganito pa rin ba tayo kasaya?"
Anya shook her head as a response because it was true.
"Masaya tayong dalawa noon, pero walang katahimikan. Masaya tayong magkasama, pero gutom tayo, Anya. Masaya tayo, pero nakakatakot na halos araw-araw, puwedeng magbago ang lahat," pagpapatuloy ni Nicholas. "Masaya tayo, mahal natin ang isa't isa . . . pero sa mundong ginagalawan natin, hindi na 'yun sapat."
Nanatiling nakatingin si Anya kay Nicholas na minsang nakatingin sa kawalan, minsan sa kaniya, minsan naman kay Trevor, bago muling titingin sa kaniya.
"We had a good time. We shared laughters, tears, and love." Anya smiled at Nicholas. "Mahal ko si Jakob, Nicholas, pero alam ko rin sa sarili kong malaki ang space mo rito." Itinuro niya ang dibdib kung nasaan ang puso. "It's . . . something I won't even change. Alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Hindi man tulad noon, pero hindi mawawala ang pagmamahal na mayroon ako para sa 'yo."
Nakita ni Anya ang pagbasak ng luha ni Nicholas sa kamay ni Trevor, pero kaagad iyong pinunasan gamit ang sariling daliri.
"Ako rin, pero hindi na tulad noon. Mahal pa rin, pero mas mahal ko siya. At nagpapasalamat din ako sa parteng naiwan natin ang isa't isa dahil napunta tayo sa taong mas kailangan natin, mas kailangan tayo . . . at magiging buhay pala natin," ani Nicholas.
"We had a great time, we had a great love . . . but we found greater time, we found the greatest love." Anya breathed and looked around. "This place . . . separated us from what we both wanted, but gave us more."
"Oo." Nicholas chuckled. "Masaya akong masaya ka sa buhay mo ngayon. Gusto mo ng baby kaya ito na si Trevor. Ang tagal noon bago ko tinanggap na kayang ibigay ni boss lahat sa 'yo. Kahit ano. 'Yun ang nagbigay sa 'kin ng acceptance and peace of mind, na kaya ka niyang protektahan, kaya niyang ibigay ang normal at magaang buhay na hindi mo na kailangang tumakbo ulit. But everything's more than that."
Ngumiti si Anya at mahinang natawa. "And you're free from me. Not in a negative way, ha? What I mean is libre kang gawin ang kahit na ano dahil hindi mo na ako kailangang isipin. Pareho naman nating alam na pabigat talaga ako sa 'yo noon. Kung tutuusin mas magiging maayos ka noon kung mag-isa ka. Walang ibang inaalala, solo mo pa 'yung isang hiwa ng karneng ibinigay noong may relief. Naalala kong kinagatan mo lang 'tapos binigay mo na sa 'kin."
Pareho silang natawa nang maalala iyon. Ang mahinang tawa ay naging halakhak.
"'Yung nahuli kitang nakatingin sa meat na kinakagat ko kasi gusto mo pa, pero ayaw mong kunin sa 'kin. Paulit-ulit mo pang sinasabing okay lang, sa 'kin na lang, pero nahuli kitang nakatitig doon." Ngumiti si Anya ngunit naramdaman ang pagbasak ng likido sa magkabilang pisngi niya. "Hindi ko makalimutan 'yun, Nicholas. At isa 'yun sa dahilan kung bakit mas pinili ko na rin ang buhay na meron tayo ngayon kahit na nagkalayo tayo noon. Ayaw kong maulit na hindi ka na natutulog para lang siguruhing okay ako. Na kahit may sakit ka noon, ako pa rin ang iniisip mo. Na kahit nagugutom ka, ibibigay mo ang huling kagat at huling lagok galing sa tubig na meron tayo."
Yumuko si Nicholas at nakatingin lang ito kay Trevor.
"Kung bibigyan ako ng chance? Paulit-ulit kong pipiliin 'tong buhay natin ngayon kahit pa masaktan din kita nang paulit-ulit," pag-amin ni Anya. "Para hindi na mahirap, Nicholas. Para hindi na takot. Para hindi na nakakapagod."
Tumayo si Nicholas nang gumalaw si Trevor at mukhang paiyak na. Mahina nitong isinayaw ang anak niya. Ito rin ang unang pagkakataong nakita niya si Nicholas na mayroong buhat na sanggol. Oo, nakikipaglaro ito sa mga bata sa Escarra, pero ni minsan hindi niya inisip na makikita niya itong buhat ang anak niya.
"Alam mo," Anya smiled, "noong magkasama pa tayo, palagi kong ini-imagine na magkakaanak tayo. Na what if nasa normal na mundo tayo? Magkakaanak kaya tayo?"
"Ako rin naman." Nicholas gazed at her. "Kung normal ang mundo noon at magkasama tayo, for sure. Isa 'yun sa iniisip ko noon, e. Na paano kung nasa normal na mundo tayo. Magpapakasal kaya tayo? Maayos kaya tayo?" He looked and smiled at Trevor. "Magkakaanak kaya tayo? A family, something like it."
Silence dominated them again. Tunog ng bakal mula sa swing ang nagsilbing ingay, ang mga sasakyang dumadaan, ilang rangers na nagkukuwentuhan habang naglalakad, at ang pagbahing ni Trevor na ikinatawa nilang dalawa.
"Pero at ease na ako ngayon na alam kong nasa kaniya ka na. Nahirapan akong tanggapin, pero ngayong nakita ko kung ano ang kaya niyang isakripisyo para sa 'yo, alam kong magiging maayos lang ang lahat sa 'yo," sabi ni Nicholas na nilingon siya. "Nasaktan tayo, Anya, pero mas napabuti 'to, e. You're Anya with Jakob . . . and I am Nicholas with Celine."
Huminga nang malalim si Anya at ngumiti. "We loved each other, Nicholas. I loved you and I still do . . . that won't fade."
Nicholas agreed.
"Pero hindi na sa 'tin ang istoryang 'to. Hindi ka na sa 'kin, hindi na ako sa 'yo," pagpapatuloy ni Anya. "Hindi na sa 'tin ang mundo dahil sa kanila na tayo."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top