Chapter 7
Ininda ng lalaki ang mga tinamo nitong bugbog. Hindi ito sumagot sa sinabi ni Austin na silang tatlo ang kasama. Malamang na hindi papayag. Mukhang mahigpit nga ang Escarra, tulad ng mga narinig ni Austin.
"Nasaan si Anya?" pabulong na tanong ni Austin. "Kapag pumayag siya, sumama na kayong dalawa sa kaniya."
"Alam mong hindi papayag si Anya na hindi ka kasama," sagot ni Nicholas.
Mahinang natawa si Austin. "Wala na tayong choice. Kung may chance na makapasok kayo, sumunod na kayo. Don't think twice, don't look back. Chance n'yo na 'tong dalawa, lalo si Anya."
Umiling si Nicholas bilang sagot. Lumapit si Austin sa lalaki para kausapin ito at kumustahin ngunit sabay na lumingon ang dalawa at nakatingin sa hagdan.
"Anya," mahinang sambit ni Austin. "Umakyat ka na roon."
Hindi naman nakinig si Anya na nagpatuloy sa pagbaba. Hawak nito ang bote ng tubig at lumapit sa lalaking nabugbog.
"Meron pa po akong natitirang pain reliever," sabi ni Anya na binuksan pa ang natitirang bote ng tubig nila. "Ito po."
Tahimik na nakatingin si Nicholas kay Anya. Alam niyang huling gamot na nila iyon, huling tubig, pero mas pinili pa ring ibigay sa lalaki. Nagtanong pa ito kung nagugutom ba dahil may natira silang kanin at puwedeng buksan ang nag-iisang delata o noodles na lulutuin daw kung gugustuhin.
"Hindi na." Ininom ng lalaki ang pain reliever. "Okay na 'to. Salamat."
Muling sumandal ang lalaki sa sofa at patagilid na nakatingin kay Anya. Kaagad namang hinawakan ni Nicholas ang kamay ng girlfriend niya para ayain sana itong umakyat sa itaas. Delikado lalo na at posibleng bumalik ang mga lalaking umatake kanina.
Tumalikod si Anya nang hawakan ni Nicholas ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Lalabas na rin kasi sana siya kanina nang marinig niya ang putok ng baril dahilan para muli siyang bumalik sa loob ng closet.
Lumabas na lang siya nang marinig na humupa na. Nakita niyang nasa labas pa rin ng bahay ang sasakyan, pero walang tao hanggang sa marinig niya ang boses nina Nicholas at Austin ngunit mayroon pang isang kausap.
"Ilang taon ka na, hija?" tanong ng lalaki. Tumigil sila ni Nicholas sa paghakbang ang nilingon ito. "Kaano-ano mo 'tong dalawa?"
"Boyfriend ko po siya." Nilingon ni Anya si Nicholas at tiningnan si Austin. "Kuya ko po siya. Magkakasama po kami."
Tumang-tango ang lalaki bago ibinalik ang tingin kay Austin. "Thank you sa ginawa mo. Hindi ako puwedeng magdala ng tao sa Escarra, pero dahil sa ginawa n'yong tatlo, susubukan natin. Walang kasiguraduhang tatanggapin kayo, pero susubukan ko. Wala naman kayong balak na masama para sa kahit na sino, hindi ba?"
Ibinalik ng lalaki ang tingin kay Anya.
"Delikado ka rito sa labas. Masyado kayong exposed. Wala ba kayong grupo o lugar na puwedeng puntahan? Dito lang ba talaga kayo?" sunod-sunod na tanong nito. "Alfred ang pangalan ko."
Nag-explain si Austin kung saan sila galing at kung saan sila papunta. Mahinang natawa ang lalaki.
"Totoo naman lahat ng narinig mo, pero marami na rin kasing tao sa Escarra kaya pili na lang ang tinatanggap doon," sabi ni Alfred at umubo. Ininda nito ang sakit ng tagiliran. "Flat ang gulong ng sasakyan ko. Meron akong spare tire sa likod. Marunong ba kayong magpalit?"
Itinaas ni Nicholas ang kamay. "Marunong po ako. Nagtrabaho ako sa isang factory noong nakaraang buwan. Nag-aayos ng mga sirang sasakyan."
"Magkano ang sweldo mo roon?" Nagsalubong ang kilay ni Alfred.
Nahihiya man, sinagot iyon ni Nicholas. "Limang piso kada oras."
Umiling si Alfred. "Tangina talaga, mga mapanlamang."
Nagpaalam muna si Nicholas kay Anya na papalitan ang gulong ng sasakyan sa labas, ganoon din si Austin na nagsabing magbabantay. Kinuha nito ang baril na nakapatong sa sofa at nasa likuran ng lalaki.
Naiwan si Anya kasama si Alfred. Nakita niyang nahihirapan ito at nasasaktan sa tinamong bugbog dahil panay ang inda.
"Ilang taon na po kayo?" tanong ni Anya. "May family pa po ba kayo?"
"Forty-three," sagot ni Alfred. "May asawa't anak ako. Nasa Escarra sila. Ten years old lang ang anak ko noong mangyari 'to. Ngayon dalaga na siya. Medyo problema ko na."
Mahinang natawa si Anya. "Teenager. I think lahat naman po talagang dadaan sa teenage problem. Ganiyan din po ako noon. Medyo naging problema rin po talaga ako ng parents ko kasi naging pasaway po ako."
"Nako oo, palasagot na rin ang anak ko. May mga time kasi na gusto niyang lumabas e hindi naman puwede. Babae pa siya. Hindi basta-basta." Umubo si Alfred. "Ito 'yung mahirap sa sitwasyon ngayon sa Escarra kaya todo bantay sa bawat sulok."
Nagtaka si Anya sa sinabi ni Alfred. Ibig sabihin, maraming teenager sa Escarra? Kung sabagay. Sinabi nga ni Austin na tumatanggap ang grupo ng bata, matanda, at may sakit.
"Kung sakali man, papayag ka bang makapapasok ka roon, pero iiwanan mo ang boyfriend at kuya mo?" biglang sabi ni Alfred na ikinagulat ni Anya. "Sinabi nila sa 'kin na ikaw na lang daw ang papasok sa loob, kahit na iwan na sila. Ayos lang ba sa 'yo 'yun?"
Walang pag-aalinlangang umiling si Anya. "Hindi po, pero you mean po na puwede akong makapasok sa loob?"
"Oo, pero iiwanan mo silang dalawa," seryosong sabi ni Alfred bago pumikit.
Tumingin si Anya sa pinto at napatitig doon. Nagsalubong ang kilay niya at hinintay ang dalawa. Walang nabanggit sa kaniya o ibinulong si Nicholas tungkol doon. Malamang na walang balak sabihin sa kaniya.
"Hindi po ba puwedeng kasama po sila?" tanong ni Anya kay Alfred na kaagad tumingin sa kaniya. "Please po? Kung makakapasok po ako, puwede po bang kasama ko rin sila?" Suminghot siya. "Ayaw ko po sanang ako lang, pero alam ko rin pong pabigat ako sa kanila, pero kung may choice po sanang magkakasama pa rin kami, puwede po ba 'yun?"
Walang naging sagot si Alfred at umiwas pa ito sa kaniya. Muli nitong ininda ang sakit ng katawan habang tahimik na nakaupo si Anya sa unang baitang ng hagdan. Nag-iisip siya sa kung ano ang puwedeng mangyari.
Kung hindi siya papasok sa Escarra, mahihirapan sina Nicholas at Austin sa kaniya. Kahit ano ang piliin niya, parehong mahirap para sa kaniya dahil gusto niyang kasama ang dalawa lalo na si Nicholas.
Nagulat si Anya nang bumukas ang pinto. Lumapit si Nicholas sa kaniya at ngumiti. Nilapitan naman ni Austin si Alfred.
"Ayos na 'yung gulong mo," sabi nito at ibinalik ang baril pati na rin ang susi. "Kaya mo bang mag-drive? Gaano pa ba kalayo ang Escarra dito?"
"Siguro isang oras pa, diretso," sagot ni Alfred.
Tumang-tango si Austin. "Bukas ka na bumiyahe kung ganoon. Ipahinga mo muna 'yan. Kami na muna ang bahalang magbantay ni Nicholas sa sasakyan mo. May mga bala ka pa pala sa sasakyan mo, nakita ko."
Hindi sumagot si Alfred. Sumenyas na rin si Austin kay Nicholas na umakyat na silang dalawa ni Anya para kung ano man ang mangyari sa ibaba, wala na raw silang dalawa. Iyon ang napag-usapan nila habang inaayos ang gulong ng sasakyan kanina.
"Kung sakali bang aalis na tayo ngayon, kaya n'yo bang mag-drive sa dilim?" tanong ni Alfred na nagpatigil sa paghakbang nina Anya at Nicholas. Sabay nila itong nilingon. "Sumama na kayong tatlo sa 'kin. Ako na ang bahala sa inyo." Pinilit nitong tumayo.
Nagkatinginan sina Anya at Nicholas. Sabay nilang nilingon si Austin na bakas ang gulat sa nga mukha.
"Ako na ang bahalang makipag-usap sa head ranger ng Escarra," sabi ni Alfred at nilingon si Anya. "Ano'ng tinapos mo?"
"Hindi po ako naka-graduate. Hanggang second year lang po ako," malungkot na sambit ni Anya. "Bakit po?"
Pinilit ni Alfred ang humakbang ngunit kaagad na sumandal sa pader. Lumapit naman si Austin para alalayan ito. "Wala naman. Bahala na kung saan ka mailalagay roon. Tara na? Ayaw kong maliwanag na saka ako darating sa Escarra. Ayaw kong makita nila ang sitwasyon ko."
Bakas ang gulat sa tatlo dahil hindi nila iyon inasahan. Nagplano na nga sina Nicholas at Austin sa gagawin kung sakali mang makapasok si Anya sa loob ng Escarra. They would camp near the place so they would still be with her.
Nangilid naman ang luha ni Anya sa narinig. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Nicholas na kaagad ring tumingin sa kaniya.
"S-Sigurado po ba kayo?" Hindi mapigilan ni Anya ang magtanong ngunit hindi niya inasahang lalabas din ang hikbi niya.
"Oo." Tumingin si Alfred sa kaniya. "Kung makakaalis na tayo ngayon, mas mabuti para walang ibang makakita sa pagpasok natin."
Hindi na nagdalawang-isip sina Anya at Nicholas. Kaagad silang umakyat para kunin ang mga gamit nila sa kwarto. Nagmamalabis pa rin ang luha ni Anya nang hawakan ni Nicholas ang kamay niya at hinila siya para yakapin. Mahigpit na mahigpit iyon.
"Totoo na ba 'to?" Humikbi si Anya at isinubsob ang mukha sa balikat ni Nicholas. "Makakapasok daw talaga tayo sa grupo nila? Totoo ba 'yun?"
Humiwalay si Nicholas at hinalikan siya sa gilid ng labi. "Oo raw, oo raw. Magiging okay na. Magiging okay na," bulong nito bago tuluyang humiwalay sa kaniya at isa-isang inayos ang mga gamit nila.
Sinabi ni Nicholas na magbihis na si Anya. Same old routine, kailangan pa ring magtago dahil medyo exposed ang sasakyan. Para kasi itong owner-type jeep kaya kailangan pa rin nilang mag-ingat.
Pagbaba nila, naabutan nilang nag-uusap sina Austin at Alfred tungkol sa pag-alis nila.
"Nicholas, sa likod na lang kayo ni Anya," sabi ni Austin habang papalapit sa kanila. "Ako na ang magda-drive. Closed naman sa likod kaya hindi kayo makikita roon. Kaming dalawa na lang ni Alfred sa harapan."
Wala na silang inaksayang oras. Maingat na inalalayan ni Nicholas si Anya na makasakay sa likod. Lahat ng gamit nila, pati ang mga nakuha sa rebelde ay dinala nila.
Nagsimulang umandar ang sasakyan. Bakas ang ngiti sa labi ni Austin.
"Bakit ka ngiting-ngiti?" tanong ni Alfred.
"Hindi ko lang in-expect na makakapag-drive pa ulit ako." Natawa si Austin. "Akala ko, hindi na ako makakahawak ulit ng manibela."
Natawa si Alfred ngunit napaubo ito. "May sasakyan ka ba noon?"
"Oo. Vios lang naman," sagot ni Austin. "Ikaw, Nicholas?"
"BM," tipid na sagot ni Nicholas at hinarap si Anya. "Naalala ko pa 'yung sasakyan ni Anya. Nagamit pa namin 'yun bago nawalan ng gas kaya iniwan na lang namin sa daan."
Nalungkot si Anya nang maalala iyon. Iyon ang panahong kailangan nilang tumakas. May mga taong humahabol sa kanila para sa sasakyan nila. Binato pa nga sila para huminto, pero hindi nagpatinag si Nicholas.
Anya's car was a Honda City. Regalo sa kaniya iyon ng parents niya para na rin sa pagpasok niya sa school.
Silence took over and it was cold. The breeze of air was new to them. Matagal na ang huling beses nilang maramdaman na makasakay sa sasakyan kaya ang pakiramdam na nililipad ang mga buhok nila ng hangin dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Austin ay parang bago sa kanila.
Naramdaman ni Anya ang pag-init ng mga mata niya. Tulad ni Austin, nawala na sa isip niya ang pakiramdam na makasakay ulit sa isang sasakyan. Ni hindi na nila iyon naisip o napag-usapan kahit kailan.
Tinanong ni Austin kung paano nakakukuha ng gas ang mga taga-Escarra ngunit hindi iyon sinagot ni Alfred. Muli silang nabalot ng katahimikan habang binabaybay ang madilim na daan. Medyo rough road, pero para silang nasa expressway. Ganoon ang pakiramdam.
Sumandal si Anya sa katawan ni Nicholas na ipinalibot ang kanang kamay sa katawan niya habang hinahaplos ang kamay niya. Ramdam niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.
Pare-pareho silang walang ideya kung ano ang kahihinatnan sa Escarra, pero bahala na. For months, Nicholas had been searching and trying to find the perfect group for them and hopefully, Escarra would give them the security they needed.
Kumalma ang puso ni Anya nang maisip na hindi na mahihirapan si Nicholas sa kaniya. Iyon ang priority niya. Kahit na alilain siya sa loob ng grupo, gagawin niya . . . maging maayos lang ang lagay nilang tatlo.
"Matulog ka muna," bulong ni Nicholas. "Baka malayo pa tayo."
Umiling si Anya at nilingon si Nicholas. "Ayaw ko. Ang sarap sa feeling ng hangin sa mukha ko. Baka last na 'to kaya susulitin ko."
Ngumiti si Nicholas at tumango. Pareho nilang dinama ang hangin habang inoobserbahan din ang dinaraanan nila. Walang ilaw at tanging sasakyan nila ang nagsisilbing liwanag.
Sinabi ni Alfred na bilisan dapat ni Austin ang pagmamaneho. Mas safe raw iyon kaysa mabagal. Mataas naman ang ilaw kaya kita ang daan. Makikita kaagad kung mayroong nakaharang o may patibong hindi tulad roon sa isang dinaanan ni Alfred na bigla na lang ibinato ang dahilan ng pag-flat ng gulong niya.
"Medyo malapit na tayo," sabi ni Alfred at mayroong itinuro sa diretsong daan. "Ayon ang Escarra."
Mula sa kinaroroonan nila, kitang mayroong mga ilaw sa daanan at mukhang normal lang ang lahat.
"M-May kuryente kayo?" gulat na tanong ni Nicholas.
Mahinang natawa si Alfred ngunit hindi nito sinagot ang tanong ni Nicholas. Nakatingin silang dalawa ni Anya sa bintana habang binaybay ang daan hanggang sa makarating sila sa liwanag.
"Idiretso mo lang. Kilala nila 'tong sasakyan ko," utos ni Alfred kay Austin. "Pahihintuin ka sa may gate, huminto ka lang. Bagalan mo na, gawin mong kwarenta."
Naramdaman nila ang pagbagal ng sasakyan. Maliwanag ang daan.
Humigpit ang hawak ni Anya kay Nicholas nang makita niya ang mga lalaking nakatayo sa bawat poste ng ilaw at mayroong hawak na baril. Nakatingin ang mga ito sa dumaang sasakyan nila.
"Ihinto mo sa gilid." Itinuro ni Alfred ang parang waiting shed na mayroong mga tao na sinunod naman ni Austin.
Tumingin si Austin sa kanila ni Nicholas, halatang kinakabahan tulad nila.
"Si—" Huminto sa pagsalita ang lalaki. "Commander!" Sumaludo ito kay Alfred. "Ayos lang kayo? Ano'ng nangyari?"
"Na-corner." Mahinang natawa si Alfred. "May mga kasama ako. Ako na ang bahala sa kanila. Mag-radio ka sa infirmary. Sabihin mo dadating ako. May tatlo kamo akong kasama."
Tumango ang lalaki at isa-isa silang tiningnan bago sumenyas sa nasa harapan o nasa itaas, hindi nila alam. Narinig nilang nag-radio ito tulad ng utos ni Alfred.
"Angas mo naman, bossing. Alfred tawag ko sa 'yo, commander ka pala rito." Natawa si Austin at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Tingnan mo, oh! Sumasaludo pa sila sa 'yo."
Ngumiti si Anya nang marinig ang tuwa sa boses ni Austin. Madalas kasing mababa lang ang boses nito sa tuwing nakikipag-usap sa kanila. Sa pagkakataong ito, may sigla.
Sumilip sila ni Nicholas sa daan. May mga nakabantay na lalaki sa gate, mayroong malalaking baril at nang tuluyang makapasok, nakita nila ang dalawang malaking tangke. Tangkeng pandigma kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Mukhang tulog na rin ang mga tao. Mabuti na rin. Diretso ka lang. Makikita mo naman 'yung sign ng infirmary, doon tayo didiretso. Pagamot muna ako bago umuwi. Mag-check din muna sila sa inyo. Sasabihin ko na." Tumingin sa kanila si Alfred sa likuran. "Paghuhubarin kayo sa pag-check para makasiguro. Protocol. Babae naman ang para kay Anya. Walang problema."
Tumingin si Anya kay Nicholas na tipid na ngumiti. Ito na. Nasa loob na talaga sila.
Paghinto ng sasakyan, may nag-assist kaagad kay Alfred. Pinaupo kaagad ito sa wheel chair habang mayroon namang tatlong lumapit sa kanila. Dalawang lalaki para kina Nicholas at Austin, isang babae naman kay Anya.
Pinapasok sila sa loob ng infirmary. Naamoy ni Anya ang pamilyar na amoy ng ospital at napapikit siya dahil doon. Malamig din. Mukhang naka-aircon.
Pinapasok siya sa isang kwarto kung saan mayroong kama, upuan, at lamesa.
"Hello!" Malapad ang ngiti ng babaeng parang kaedad lang niya. "Ako si Mary. Nagulat kami no'ng sinabi sa labas na may kasama si commander. Saan kayo nakita ni comm?"
Nag-explain si Anya at ikinuwento niya ang nangyari habang nakatingin sa babae na mayroong inaayos sa kama.
"May bathroom itong kwarto, puwede kang maligo, pero kailangan mong maghubad sa harapan ko ngayon para makita lang kung meron ba kayong weapons. Protocol kasi. 'Wag kang mag-alala, confidential naman," sabi ng babae. "Ano'ng pangalan mo?"
Hindi nakasagot si Anya, pero nakita niyang may hawak itong papel. Nahalata rin nitong nag-aalangan siya.
"Sorry, kailangan kasi natin ng record. Ilalagay rin kasi namin dito kung ano 'yung nakita sa checkup, lahat. Ultimo nunal, birthmarks, kailangan." Ngumiti ito. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Ano ang full name mo?"
"Tanya Aalliyah Ortega."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top