Chapter 69
Isang buwan na sila sa Escarra at halos hindi mahawakan nina Jakob at Anya si Trevor dahil tuwang-tuwa sina Ate Rose at Ate Dolores sa anak nila. Kaunting iyak lang, bubuhatin kaagad na ikinatatawa nilang mag-asawa.
Anya settled as soon as they got home. Jakob saw that. Malaking bagay rin kasi na kilala ni Anya ang mga tao sa paligid at nakapaglalakad ito tuwing umaga.
Jakob was also back to working. Ang dami niyang pending na trabaho, pero nag-e-enjoy rin siya. Na-miss niya ang magtrabaho dahil simula rin nang mangyari ang kidnapping, napabayaan na niya iyon kaya naman malaki ang pasasalamat niya kay Commander Alfred na siyang umasikaso sa lahat.
Focused naman si Anya kay Trevor. Malaki ang naging tulong ni Ate Dolores para makapag-produce ng breastmilk si Anya. Araw-araw nitong minamasahe ang likuran niya at nilulutuan pa siya ng sabaw.
Olympus was great. The doctors were perfectly looking after them, but Anya longed for maternal care. Wala na nga ang mommy niya kaya kailangan niya sina Ate Rose at Ate Dolores.
Kapag gising si Trevor, madalas na bumibisita silang mag-ina kay Jakob. Tulad ngayon, nakaupo siya sa sofa habang nakatingin kay Jakob na isinasayaw ang anak nila. Katatapos lang din kasi ng meeting nito kaya nagtagpo ang oras nila.
"Nakatulog ka na ba?" tanong ni Jakob kay Anya.
"Hindi pa. Naglinis kasi ako ng room natin kanina. Sina Ate Rose at Ate Dolores muna ang nag-alaga sa kaniya," sagot ni Anya. "Sabay tayong mag-lunch later?"
Tumango si Jakob at naupo sa tabi ni Anya. Hinalikan nito ang gilid ng noo niya bago ibinalik ang atensyon kay Trevor na dilat na dilat at mukhang nakikipag-usap sa kanila. Napakaliit pa nito lalo na kapag siya ang may buhat kaya ingat na ingat siya.
Lumapit si Anya sa kaniya at inihiga ang ulo sa balikat niya habang pareho nilang kinakausap ang anak. Anya was holding their son's hand and asking if he already wanted milk.
Their baby smiled, making both chuckle.
"Isang araw, meron nang tatakbo rito sa office mo," sabi ni Anya habang nakatingin kay Trevor. "Baka sa susunod, susulatan na niya lahat ng papers mo kasi hindi mo na siya pinapansin."
"What?" Jakob frowned. "That won't happen. Kung gusto niya, isama ko pa siya sa meetings, e. Kung puwede lang na palagi ko rin kayong kasama, e. Kaso inaagaw na siya sa 'tin nina Ate Rose."
Natawa si Anya dahil may katotohanan naman iyon. Nakita na rin ng ibang tao sa Escarra ang anak nila dahil noong unang linggo pagdating nila, nagpakain ng lunch si Jakob para i-welcome si Trevor.
It was fun and Anya couldn't forget how everyone was happy for them, but she was so uncomfortable that she had to leave early. Hindi niya alam kung totoo bang masaya ang lahat sa kanila ni Jakob dahil naalala niya ang mga sinabi ni Marjorie sa kaniya. It was done, it already happened, but the words were still inside her mind.
Madalas na kapag nakatingin siya kay Trevor, iyon din ang naiisip niya.
"Natahimik ka na naman." Jakob leaned forward to kiss her cheeks, but Anya kissed his lips instead. "Bigla ko palang naisip na kapag medyo malaki na siya, parang gusto kong magpunta tayong tatlo sa beach."
Nanlaki ang mga mata ni Anya at gustong matawa ni Jakob. Dalawang beses pa lang ding nakapupunta roon kaya biglang naisip ni Jakob na puwede niya ulit dalhin ang mag-ina niya sa susunod.
"Puwede bang magtagal tayo roon like mga one week?" Anya begged. "Please? Buntis pa ako noong huli, e. Gusto kong mag-swimming ngayon kasi medyo confident na ako sa katawan ko ulit."
"Oo naman. Kahit isang buwan pa, e." Jakob smiled widely. "Gusto mo 'pag six months na si Trevor para medyo malaki na siya?"
Anya nodded. "Sige. I'm looking forward. Gusto ko talaga kaso nahihiya lang din akong magsabi sa 'yo kasi medyo busy ka nitong mga nakaraan. Pero dahil ikaw na ang nagsabi, go na go ako!"
Ngumiti si Jakob habang nakatingin kay Anya na masayang nagkukuwento tungkol sa paghilot ni Ate Dolores. Nagluto rin pala ito ng beef steak na nakahiligan ni Anya nitong mga nakaraan.
Tumayo si Anya at humarap kay Jakob. Nakasandal ito sa lamesa dahilan para maningkit ang mga mata ni Jakob, pero kaagad na umiwas. He had been restraining himself from touching his wife.
The last sex they had was before the kidnapping and they couldn't do it after giving birth. Jakob was scared he might hurt Anya after giving birth while Anya was still struggling with confidence.
Her body changed so much that she started becoming insecure about it.
Anya and Jakob were talking about the recent Escarra projects when Ace entered the office to inform them that Tristan, Garrie, and Meredith arrived. Na-excite si Anya dahil magkakaroon na naman siya ng kakuwentuhan, pero nagtaka naman si Jakob dahil wala silang usapan ni Tristan.
Imbes na papuntahin ang mag-anak sa opisina, pinadiretso ni Jakob ang mga ito sa bahay nila. Sabay silang naglakad ni Anya pabalik sa bahay. Siya ang nagtutulak ng stroller habang katabi niyang naglalakad ang asawa niya.
Jakob subtly smiled when he gazed at Anya who was looking straight, but became curious when he smiled. Anya asked, he shook his head.
"Ano nga?" Mahina siyang hinampas ni Anya sa braso. "Ano ba 'yang pumapasok sa isip mo?"
"Wala naman. May mga pagkakataon pa rin na hindi ako makapaniwala na meron na tayong baby." Ngumiti si Jakob. "A dream I had for years. A dream I already buried."
Ngumiti si Anya at hinawakan ang kamay ni Jakob na kaagad namang ipinagsaklop iyon. Hinalikan pa nito ang likod ng kamay niya at nagpatuloy sa pagtulak ng stroller gamit ang isang kamay.
Mula sa malayo, nakita nila ang sasakyan ni Tristan na naka-park sa tapat mismo ng bahay nila. Nakatayo at nakasandal doon si Tristan habang kausap si Garrie. Samantalang tumakbo naman papunta sa park si Meredith na anak ng dalawa.
Anya was excited to bond with Garrie again. Kung tutuusin, kauuwi lang nito sa kampo noong nakaraang linggo. Sobrang dami niyang natutuhan mula sa pagpapadede, pagpapaligo ng sanggol, pagpapatulog, at kung paano na rin pagsabayin ang pag-aasikaso kina Trevor at Jakob.
Jakob wasn't needy, but Anya wanted to take care of him as well. Bago siya naging nanay, asawa muna siya. Ganoon din ang rason ni Jakob kaya priority pa rin nila ang isa't isa.
"What brings you here?" bungad ni Jakob kay Tristan.
Hindi iyon nagustuhan ni Anya kaya naman hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito na kaagad tumingin sa kaniya. Jakob understood what he meant.
Nag-hi si Garrie kay Jakob bago lumapit sa kaniya. "Nako, sorry kasi nandito ulit kami, ha? Iyak kasi nang iyak si Mer, halos isang linggo na rin kasi gusto niyang bumalik dito. Niloloko ko nga na rito na siya tumira. Aba, gumugusto!" Yumakap ito sa kaniya.
"Uy, okay nga at least meron ulit akong kausap!" Niyakap niya pabalik si Garrie. "Tara sa loob. Kumain na ba kayo? Magpapakuha ako ng meryenda."
"Actually, oo. Nagbaon naman kami, pero go lang naman kung may pagkain ulit. Tawagin ko lang sandali si Mer," sabi ni Garrie na nagpaalam sa kaniya.
Sumunod si Anya kina Jakob at Tristan na pumasok sa loob ng bahay. Mukhang seryosong nag-uusap ang dalawa. Nakisuyo na rin muna si Anya kay Erick na magsabi sa pantry na mayroong bisita si Jakob kaya kung puwede ay magpadala ng pagkain.
Dinaanan ni Anya ang living room kung saan nag-uusap sina Jakob at Tristan. Buhat ni Jakob si Trevor at isinasayaw ito dahil mukhang matutulog na. Dumiretso naman siya sa kusina para ayusin ang gagamitin nila sa pagkain.
Nang matapos balak sana niyang kunin si Trevor para mas makapag-usap ang magkaibigan, pero narinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
"How many?" narinig niyang tanong ni Jakob.
"Five," sagot naman ni Tristan. "Tatlong babae. May-edad na 'yung isa. Dalawang lalaki. Isang bata. Around six years old. They're family. Galing daw sila sa probinsya at naglakad papunta sa city. They're trying to seek groups lalo na at matanda na 'yung isang kasama nila."
Walang narinig na sagot si Anya mula kay Jakob. Nakasandal siya sa pader na hindi makikita ng dalawa.
"Jakob, just like old times. Sa 'yo ko ibabagsak ang mga survivor na nare-rescue namin," sabi ni Tristan. "Martin can't accept now. Hindi pa rin kasi tapos 'yung pinagagawa niyang residence."
"Ayaw ko." May diin sa boses ni Jakob. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? I won't be taking survivors anymore. I won't risk Anya and Trevor's life again. Ayaw ko nang may bagong papasok dito sa Escarra and my decision is final."
Naramdaman ni Anya ang lungkot dahil sa sinabi ni Jakob. Nanatili siyang nakatago at nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
Tristan was asking Jakob to reconsider, but Jakob kept on saying no.
"I was just trying to keep my family safe, Tristan. I hope you'll understand. I had enough. Anya had enough. Ayaw ko nang maulit ang nangyari. I can't just trust anybody anymore after Marjorie happened. She was part of my most trusted for fu—" Jakob stopped, maybe because of Trevor. "I'm sorry, but I'm gonna have to pass. Kung gusto mo, sa 'yo na lang o kausapin mo si Ares. Pero dito sa Escarra? Hindi."
Akmang magsasalita si Tristan ngunit hindi iyon itinuloy nang makita siyang pumasok sa loob ng living room. Ngumiti ito at kinumusta siya. Binati rin nito na ang bilis lumaki ni Trevor dahil nagkalaman na rin ito kumpara noong ipanganak niya.
"By the way, Garrie and Mer wanted to stay here for another week." Tumingin si Tristan kay Jakob. "Okay lang ba? Meredith enjoyed your park and playschool."
"Oo naman, walang problema. Ipaaayos ko kay Ate Rose 'yung guestroom para doon na lang ulit sila," sabi ni Jakob at tumingin kay Anya. "Mabuti rin para merong kausap si Anya kapag nasa trabaho ako."
Tumango si Anya. "Oo nga, e. Mabuti rin na nag-e-enjoy si Mer dito saka ang dami niyang kalaro!" Nilingon niya si Jakob. "Kunin ko muna si Trevor. Nagpakuha na rin ako ng pagkain sa pantry para sa meryenda nila. Patutulugin ko muna siya. If ever man na dumating si Garrie, sabihin mo puwede siyang pumasok sa room, ha?"
Tumango si Jakob at hinalikan muna sa noo si Trevor bago ibinigay sa kaniya. Nagpaalam na rin muna si Anya kay Tristan at sinabing dito na magpalipas ng gabi bago bumalik sa city kinabukasan. Hindi na ito tumanggi dahil hindi naman talaga makatatanggi sa kaniya.
Samantalang pag-akyat ni Anya, ipinagpatuloy nina Jakob at Tristan ang pinag-uusapan.
"I hope you'll understand where I'm coming from," ani Jakob na naupo sa sofa. "Hindi ko naman gustong ipagdamot ang Escarra sa kahit na sino, pero pagkatapos ng mga nangyari, ayaw ko na. Taong pinatuloy ko nga sa pamamahay ko, tinraydor ang asawa ko, ibang tao pa kaya?"
"Jakob, not everyone's like Marjorie or anyone who betrayed you." Huminga nang malalim si Tristan. "Hindi lahat 'yun ang intensyon kaya sila papasok sa buhay mo. Pero hindi na kita pipilitin. Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling, but I hope someday you'll open Escarra again. Para sa mga taong may kailangan."
Diretsong nakatingin si Jakob sa glasswall na mayroong makapal na kurtina. Umiling siya. "I don't know. Anya changed after what happened. Aloof na siya noon sa mga tao sa Escarra, pero she still gets to smile at them. Nakakausap pa rin niya ang ibang taong nandito, but after Marjorie, she wouldn't talk to anybody aside from Ate Rose, Ate Dolores, Nicholas, Austin, and their partners. The rest, wala na."
"She's not talking to me about it, but I know Anya didn't want to associate with anyone after what happened. Basag na basag ang tiwala niya sa ibang tao. She was once the sunshine, but Marjorie took that away from Anya," malungkot na sabi ni Jakob. "Is it bad that I wanna keep it that way? I want her to stay away from people. I know na hindi lahat tulad ni Marjorie, but I don't want other people taking advantage of her again."
And as much as Tristan wanted to try harder, he knew also understood Jakob because he would do the same. But he was also sad that Jakob lost something after what happened.
————
Kinagabihan, tulad ng naging routine, si Jakob ang naglinis at nag-ayos para makatulog. Hindi nila ito katabi sa kama dahil natatakot si Jakob na madaganan ang anak nila kaya nagpagawa ito ng crib na konektado sa kama at katabi si Anya.
Si Jakob ang nagpupunas, nagpapalit ng diaper, ng damit, at sinisigurong maayos ang lahat bago ibigay kay Anya para sa breastfeeding.
Sa lamesang katabi ni Anya, nandoon ang isang baso ng mainit na gatas para sa kaniya. Hindi naman mahirap patulugin si Trevor basta dumedede sa kaniya. Iyon ang ipinagpapasalamat nila ni Jakob. Naging challenge noong umpisa, pero naturuan silang dalawa ng mga nasa paligid nila kaya naging magaan.
"What's going on?" Jakob asked when he noticed that Anya was staring at him. "Ano'ng iniisip mo?"
Anya bit her lower lip. "Guilty ako kasi narinig ko 'yung pinag-usapan ninyo ni Tristan kanina."
"Tungkol saan?" Jakob frowned and continued cleaning Trevor. "About taking in new people?"
"Oo." Anya nodded. "Hindi na ba magbabago ang isip mo tungkol doon? I overheard and I know na firm ka na sa desisyon mo, pero hindi na mababago 'yun?"
Jakob shook his head without even looking at Anya. "Babe, it's non-negotiable," he said while focusing on Trevor. "I won't make the same mistake again."
Pinanood ni Anya ang pagsuot ni Jakob ng onesie kay Trevor. Naalala niya ang araw na hirap na hirap itong isuot sa ulo ng anak nila ang mga damit dahil natatakot na masaktan ito. Kung paanong tanong nang tanong si Jakob sa kaniya kung tama ba ang ginagawa, kung hindi ba mahihirapang huminga si Trevor, at kung safe ba talaga.
"Hindi naman lahat ng tao tulad ni Marjo—" lakas loob na sabi ni Anya. Napalunok siya nang sabihin ang pangalang iyon at kaagad na tumingin si Jakob sa kaniya. "Hindi ko pa rin pala kayang sabihin ang pangalan niya." Natawa siya, pero pilit. "P-Para pa rin akong sinasakal sa tuwing maalala ko ang pangalan niya."
Malalim na huminga si Jakob at binuhat si Trevor para isayaw ang anak nilang umiyak. Lumapit ito sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"That's the reason why I don't want to associate with new people for now. Alam kong gusto mo para makatulong, but you'll be anxious. You and I both. We'll be scared knowing na may bagong tao rito sa Escarra. Hindi ako magiging okay at kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong ikaw rin."
Ngumiti si Anya at tumango. "Pero kawawa naman 'yung bata at 'yung lola. Sila ang iniisip ko."
Jakob's face softened and Anya knew that Jakob felt the same, but he shook his head. "Bahala na si Tristan sa kanila. I'm not sure what he'll do, but . . . I don't wanna take a risk. Maliit pa ang anak ko at sana maintindihan nilang lahat 'yun."
Maingat na kinuha ni Anya si Trevor mula kay Jakob. Hinalikan nito ang pisngi niya pati ang labi na kaagad niyang tinugon. Pumuwesto siya para ayusin ang pagdede ni Trevor. Tinanggal niya ang pagkakabotones ng sleepwear na suot niya at inihiga ang anak malapit sa dibdib niya na nagsimulang sumuso.
"Thank you," Jakob murmured while staring at her.
"Para saan?" Anya confusedly asked.
"For understanding the situation. I needed that. Minsan hindi ko na rin alam kung tama pa ba ang mga desisyon ko. It feels like my decisions were messed up, but thank you for always talking to me about it." He breathed. "But this time, I'm sorry . . . my decision is firm about new rescues."
Anya smiled and caressed Jakob's cheek. "Naiintindihan ko naman, pero sana hindi mo makalimutan kung sino ka dahil sa mga nangyari nitong nakaraan. Sa susunod sana buksan mo ulit 'to." She pointed out his chest where his heart was. "Ayaw kong maiwalan mo 'yung Jakob na minahal ko . . . pero iintindihin ko pa rin ang desisyon mo. Nandito lang kami."
Jakob shut his eyes and breathed. "I love you," he murmured. "So much, Tanya."
Anya kissed the side of his lips and whispered, but Jakob only heard the word "you".
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top