Chapter 68
Nagising si Anya at wala siyang katabi. Tumingin siya sa orasan at alas-sais pa lang naman ng umaga, pero malamang na nasa rooftop na ang mag-ama niya para magpaaraw.
Kahit hindi niya gusto, bumangon siya para puntahan ang dalawa. Wala pa siyang matinong tulog dahil magdamag ding gising ang anak nila. Kasama niya si Jakob, pero siya mismo ang frustrated dahil nahihirapan siya sa kasalukuyang sitwasyon.
It had been two weeks and it was getting harder each day.
Pagbukas ng elevator, nakita kaagad niya si Jakob na nasa gitna ng rooftop kung saan maganda ang sikat ng araw. Sa dalawang linggo, hindi naman ito nagkulang sa kanila ng anak nila. Si Jakob mostly ang kumikilos.
Ultimong pagpalit ng diaper, hindi niya inasahang gagawin nito. Pati pagpapaligo, nasubukan na dahil nagpaturo sa nurses na unang umasikaso sa anak nila.
Jakob was staring at nowhere when two arms wrapped around his waist. Patagilid na nakayakap si Anya sa kaniya. Nakatingin din ito sa kung saan. Nakakuha siya ng pagkakataon para halikan ang tuktok ng ulo nito.
"Good morning," he greeted. "Nagugutom ka na ba? Paarawan ko lang sandali si Trevor 'tapos bababa na tayo. May gusto ka bang breakfast?"
Anya shook her head and looked up. Their eyes met and Jakob saw how droopy Anya's eyes were. Mukhang kagagaling lang ulit nito sa iyak.
"Gusto ko nang bumalik sa Escarra," sabi ni Anya sa kaniya. "Please? Balik na tayo. Okay naman si Trevor. Okay naman ako . . . m-mas nahihirapan ako rito."
Tumango si Jakob at muling hinalikan ang noo ni Anya. "Sige. Sige, babalik na tayo sa Escarra."
"Thank you," sabi ni Anya bago humarap sa kanila ni Trevor.
Hinalikan nito ang pisngi at noo ng anak nila bago tumingala sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng labi. Jakob wanted more. He kissed Anya's lips and she immediately kissed back. He rested his forehead against her when she pulled away to kiss his cheeks again.
Naglakad-lakad ito sa rooftop habang nagpapaaraw rin.
Naging mahirap para sa kanilang tatlo, lalo kay Anya. Sa dalawang linggo, wala itong ginawa kung hindi ang mag-focus sa anak nila, pero frustrated dahil medyo nahihirapan sa breastfeeding. Hindi rin nakatutulong na mukhang nagkakaroon ng relapse si Anya dahil sa mga nangyari sa kidnapping.
Sa tuwing nakatutulog ito, bigla na lang iiyak at babangon. Ayaw sabihin sa kaniya kung bakit, pero ganoon na rin kasi ang naging sitwasyon nila bago pa man lumabas si Trevor.
Jakob observed the past two weeks that Anya was in a very low mood. Ni hindi ito masyadong ngumingiti. Hirap itong matulog. Madalas din itong umiiyak. Madalas itong nagpa-panic lalo kapag umiiyak si Trevor habang nagdedede dahil pakiramdam ni Anya, walang lumalabas na gatas.
Anya felt worthless and guilty that she couldn't feed their son when everything was enough. Hindi alam ni Jakob kung paano i-explain kay Anya. The doctors even told them that Trevor was in the right weight, meaning the milk was enough.
Nakausap na rin niya si Ares na babalik na sila sa Escarra sa makalawa. Ayaw na niyang pilitin na mag-isang buwan pa sila sa Olympus. Kailangan niyang isipin si Anya lalo na at nakiusap na rin ito sa kaniya.
Na-inform na rin ang mga taga-Escarra sa pagdating nila. Mabuti na lang din at tapos na ang pagpapaayos niya sa bahay nila. Nalinis na rin daw nina Ate Rose at Ate Dolores ang bahay. Darating na rin bukas ang Alpha Team na makakasama nila sa pagbiyahe pabalik ng Escarra.
Nasabihan na rin siya ng doctor ni Anya na mayroon itong mga sintomas ng postpartum depression kaya naman kailangan na nila iyong agapan.
Pagbalik sa unit, kinuha ni Anya si Trevor mula sa kaniya para padedehin. Habang pinanonood ang mag-ina niya, awtomatikong napangiti si Jakob lalo nang maingat na haplusin ni Anya ang buhok ni Trevor at halikan ito sa noo.
Komportableng sumandal si Anya sa sofa at pinadede ang anak nila. Nakiusap naman si Jakob sa tauhang nakabantay sa unit nila para magpakuha ng almusal.
Tumabi siya kay Anya at inakbayan ito. Pareho silang nakatingin kay Trevor na sumususo sa ina. Dilat ang mga mata nitong nakatingin kay Anya. Tiningnan naman niya si Anya na nakangiti rin sa anak nila bago sa kaniya.
Jakob wanted to ask Anya if she was feeling okay, but he knew she would lie about it so he only observed.
Dumating ang almusal nila at sakto namang nakatulog na rin si Trevor. Sinubukan itong ibaba ni Anya, pero paggalaw pa lang, umiyak na ang anak nila dahil ayaw humiwalay sa ina.
He volunteered to take care of Trevor while Anya ate her breakfast and she agreed. Nasa iisang lamesa sila at sabay na kumakain. Buhat ni Jakob si Trevor, tahimik namang nakayuko si Anya habang humihigop ng sabaw.
Pagkatapos kumain, nagpaalam sa kaniya si Anya na maliligo na muna ito kaya siya na muna ang nag-alaga kay Trevor. Nakatayo siya sa harapan ng glasswall habang nakatingin sa kawalan nang mayroong kumatok.
It was Tristan and Ares. Itinanong ng mga ito kung puwede bang pumasok.
"Aalis na raw kayo sa isang araw?" tanong ni Tristan.
"Oo. Gusto nang bumalik ni Anya sa Escarra. Medyo nahihirapan na rin kasi siya rito. Naho-homesick na rin," sabi ni Jakob na tumingin kay Trevor. "I need to prioritize her mental health now."
Tristan agreed. "After all that happened, please do so. Sasama na lang din siguro kami. Baka pumunta kami kina Martin. We might stay there for a week, too."
Jakob nodded and didn't say a word. Hinehele niya si Trevor na nagigising dahil naririnig ang mga nag-uusap. Sinilip ito ng mga kaibigan niya.
"Kamukhang-kamukha mo, sira," sabi ni Ares. "Pero sana kaugali ni Anya."
"Ang kapal ng buhok," sabi naman ni Tristan. "Mas maganda kung kaugali ni Jakob para maranasan niya paano siya i-babysit noong mga panahong wala pang Anya."
Nag-agree naman si Ares. "Ay, oo. Kung paano niya tayo pinahirapan sa mga desisyon niyang hindi mabali. Sa mga opinion niyang mahirap kalabanin, at sa pagiging boring niyang tao."
Natawa si Tristan at napangiti naman si Jakob.
"Buti na lang din dumating si Anya. Jakob loosened up. He became easier to be with," Tristan said truthfully. "No offense meant, Kobe. Ang hirap mong pakibagayan before Anya."
Totoo rin naman. He was stiff as fuck. He cared about people, but he was cold . . . not until Anya broke the ice.
Nang tuluyang makatulog si Trevor, pumasok si Jakob sa loob ng kuwarto at nakitang mahimbing na ulit na natutulog si Anya. Mabuti rin dahil gising silang dalawa sa magdamag. Siya mismo, inaantok, pero kaya pa niyang labanan.
Bumalik siya sa sala para makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya. Pinag-usapan nila ang tungkol sa nangyaring kidnapping kay Anya.
He killed Spike and he had no regrets. Marjorie was with Ice. Wala siyang ideya sa ginawa ng kapatid niya rito at wala na siyang pakialam. Jakob wanted to execute everyone from Spike's group, but Anya talked him out of it.
Nagpadala silang magkakaibigan ng mga tauhan sa lugar na iyon. Anya convinced him to utilize the place. Maganda ang patubig. Tiningnan din ni Martin na maganda iyon for farming. They tried to find the owner. Doon nila na-discover na isa ang mga may-ari sa naging bihag ni Spike.
There were around fifty men and women that were previously working with Spike. Lahat iyon ginawa nilang tauhan. Mahigpit ang naging pamamahala lalo na at si Tristan ang nagpupunta roon.
Aside from farming, Tristan made everyone work for him.
Ang mga dating naging bihag ay dinala sa hacienda ni Martin para turuan sa puwedeng maging trabaho kahit na bulag na ang iba at wala namang kamay ang iba. Wala pang alam si Jakob sa parteng iyon dahil hindi pa niya napupuntahan.
He was too focused on his own family for now.
Nang magpaalam sina Tristan at Ares, sinilip niya ang mag-ina niya. Mula sa pinto, naririnig niyang umiiyak si Trevor. Sumilip siya at wala si Anya sa kama. Parang sinaksak ang dibdib niya nang makita itong nakasalampak sa sahig at nakasubsob ang mukha sa sariling tuhod, mukhang umiiyak.
Jakob wanted to talk to Anya, but his words wouldn't matter for now. Tumigil na rin sa pag-iyak si Trevor.
Maingat na isinara ni Jakob ang pinto at kinausap mula sa walkie-talkie si Tristan. He needed help . . . Anya needed help.
ANYA WAS staring at the glasswalls while thinking about alot. Sa sobrang dami, parang nag-pile up at nahihirapan siyang i-process lahat. Akala niya okay na siya, pero hindi pala. Masaya siya kay Jakob at Trevor, pero nahihirapan siya sa adjustment nila.
Naririnig niya ang pag-iyak ni Trevor. Mukhang nagising na naman pagkatapos niyang magpadede. Naiisip na naman niya na baka kulang ang gatas na lumalabas sa kaniya kaya ganito ang anak nila.
Nakasandal siya sa kama at nakapatong ang baba niya sa sariling mga tuhod habang malalim na iniisip kung paano sila kinabukasan.
Ganito siya noon, pero nagbago nang maging komportable ang lahat. Ngayon, nararamdaman ulit niya ang lahat. Mas matindi pa ang naging takot dahil gabi-gabi niyang naalala ang nangyari sa kaniya sa kidnapping. Iniisip niya na paano kung maulit iyon, paano kung si Trevor ang kunin sa kanila? Baka hindi na niya kayanin.
Nilingon ni Anya ang pinto nang marinig ang mahinang pagkatok. Sinabi niyang puwedeng pumasok kung sino man iyon kaya bumukas ang pinto.
An unfamiliar woman smiled at her and asked if she could enter the room. Anya responded with a nod.
"Hello." Kumaway ang babae. "Okay lang ba talagang nandito ako? Narinig ko kasing umiiyak si baby. Baka kailangan mo ng tulong?"
Hindi sumagot si Anya na nakatingin sa mukha ng babae. Medyo payat ito kumpara sa sa kaniya. Mahaba ang diretsong buhok na hanggang baywang dahilan para mainggit siya. Medyo humahaba na rin ang buhok niya, pero napakatagal. Singkit ito at parang palaging nakangiti.
"I'm Garrie, Tristan's wife. Sorry kung nagprisinta na 'kong pumasok, ha?" sabi nito na lumapit sa kama. "Ang pogi naman ng baby na 'to. Puwede ko ba siyang buhatin? Mukhang inaantok na rin siya, e."
"Sige lang po," sagot ni Anya na humarap kay Garrie, pero nanatiling nakasalampak.
Sa pagbuhat ni Garrie kay Trevor, nakita ni Anya kung paano huminto sa pag-iyak ang anak niya. Nakita niya na expert si Garrie sa pagbuhat, ganoon din sa paghele. Maingat ang bawat paggalaw at nakangiti sa anak niya.
"Ang guwapo naman." Garrie smiled and looked at Anya. "Kilala na kita sa pangalan kasi ilang beses ka na ring nabanggit ni Tristan sa 'kin. It's nice to finally meet you. Sinama niya kasi talaga ako rito . . . kasi nabanggit daw ni Jakob na nahihirapan ka."
Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Bigla niyang naisip si Jakob at nakaramdam siya ng hiya dahil doon.
Nahalata ni Garrie mula sa reaksyon ni Anya na hindi ito komportable sa sinabi niya. Bigla siyang kinabahan at napaisip kung anong approach ang gagawin niya lalo nang isubsob ni Anya ang mukha sa sariling tuhod at mahinang humagulhol.
Garrie breathed and walked towards Anya. She carefully sat down beside her. Both of them were facing the glasswalls and could see the ruins of the next building. Hawak pa rin niya ang sanggol na mahimbing nang natutulog.
"Anya? I'm sorry," bulong ni Garrie. "I didn't mean to make you cry. Hala, sorry."
Umiling si Anya at nag-angat ng tingin. "Hindi po. Nahihiya kasi ako, pero nahihirapan po talaga ako. Natatakot kasi ako. Gustong-gusto kong maging mommy kaya nga sinabi ko kay Jakob. Gusto kong magkaanak, gusto kong maging nanay."
Ngumiti si Garrie habang nakatingin kay Anya. "Ganiyan din ako noon. Hiniling ko rin talaga sa unang partner ko na magkaanak."
Nanlaki ang mga mata ni Anya.
"I have a five-year old daughter kaso nawala ang first partner ko. Conceived rin si Mer during the new world at sobrang gulo talaga noon," pagkuwento ni Garrie. "After giving birth, takot na takot din ako. I had depression, but my partner and those people around me helped me get through it."
Hindi sumagot si Anya. Nakatingin lang siya kay Garrie habang nakapatong lang ang baba niya sa sariling tuhod. Minsan niyang tinitingnan si Trevor na mahimbing na natutulog.
"Valid ang nararamdaman mong takot, Anya, don't worry." Garrie smiled warmly. "And your husband can see you. Nakikita niya ang struggles mo recently and he asked me for help. Natawa nga ako kasi ano ba ang maitutulong ko sa 'yo? To be honest, hindi ko rin alam, e. But Jakob told me na may experience na raw kasi ako sa pagiging mommy so baka magkaintindihan tayo."
Anya's tears started rolling down her face. "Natatakot kasi ako if I'm still a good mother or wife. Hindi ko alam. I feel so lost and scared and recently, hindi ko alam ang gagawin ko."
Garrie was intently listening to her.
"Sobrang fussy ni Trevor. I don't know if he's hungry. Sa gabi, gising siya. He's so fragile. What if nagpapabigat lang ako kay Jakob? What if he's pissed that I'm being like this? What if magalit siya kasi iyak ako nang iyak?" Suminghot si Anya. "Guilty ako for not being enough for both of them. Nalulungkot akong hindi ko maibigay ang needs ni Trevor, guilty ako na hindi ko na nakakausap si Jakob."
Hinawakan ni Garrie ang kamay niya. "Sige lang, Anya. Ilabas mo lang 'yan. Mahirap kapag nag-pile up ang emotions. Mas okay na kahit papaano, iiyak mo. Alam kong may mga bagay kang hindi masasabi kay Jakob and normal lang 'yun, pero kailangan mong may masabihan. 'Yung taong komportable ka."
"Feeling ko kasi, hindi niya ako maiintindihan." Suminghot si Anya.
Garrie nodded. "It's a girl thing men couldn't understand no matter how much they love us. Alam kong maiintindihan ka ni Jakob, pero may mga pagkakataon kasi na girl talk ang need mo. Isa pa, I feel like na parang suffocated ka?"
Ipinalibot ni Garrie ang tingin sa kuwarto. "This room is comfortable, but this isn't your home. Nasabi mo na rin ba kay Jakob na gusto mo nang umuwi sa bahay n'yo?"
Nagulat si Anya sa sinabi ni Garrie. Tumango siya.
"I knew it. Mahirap kasi talaga maging komportable kapag hindi mo lugar lalo ngayon na parang hinahanap mo 'yung suporta ng mga taong kilala mo talaga." Ngumiti si Garrie at muling hinawakan ang kamay ni Anya. "Don't feel bad. Valid ang nararamdaman mo. Open up to Jakob. Sabihin mo sa kaniya kung ano ang nagpapabigat. Hindi mo kailangang akuin lahat. Your husband surely understands na may mga bagay kang hindi magagawa sa kaniya ngayon dahil may baby."
Humikbi si Anya at hinawakan ang kamay ni Garrie.
"If crying will make you feel better, iyak ka lang. It won't make you less of a mom or a wife. Crying is a normal response to pain, frustration, sadness, and even happiness. Mas gagaan din if you'll feel all the emotions instead of masking them," pagpapatuloy ni Garrie. "I can help you with mom things. Gusto mo ba? I can ask Tristan na mag-stay ako sa Escarra for you! Gusto ko rin para makalabas ako sa camp. Meredith will be happy, too! I heard from Leonor na meron kayong park."
"Leonor?" Anya frowned.
Ngumiti si Garrie. "Martin's girlfriend. Nasa Escarra siya with Martin noong hinahanap kayo. Ayaw kasi siyang iniiwanan ni Martin na mag-isa."
Pinunansan ni Anya ang luha niya. "Napapadede ko ba siya nang maayos? Baka kasi walang lumalabas na milk galing sa 'kin. Baka nagugutom siya kasi hindi enough ang meron ako."
"See this?" Ipinakita ni Garrie ang legs ni Trevor. "May laman na siya. I bet when you gave birth, maliit ito. Sabi ni Jakob, regular naman ang check ng weight ni baby. Normal naman and nag-gain siya. Sometimes babies are just cry babies. Your scent and cuddles are enough. Minsan hindi sila nagugutom, gusto lang nila ng warmth mo."
Anya understood. Marami siyang naging tanong kay Garrie tungkol sa parenting at pag-aalalaga ng baby. Itinuro din nito kung paano niya mapaparami ang milk production at kung paano ang tamang pag-extract ng milk.
It was painful, but Garrie told her that she would get used to it. Maganda rin daw na mayroong naka-save na milk for Trevor para kapag natutulog siya, Jakob could just feed their son.
Nagpaalam na rin si Garrie sa kaniya. Hindi nila namalayan na napatagal na ang kuwentuhan nilang dalawa. Kung hindi pa kumatok si Tristan para sabihing naghahanap na ang anak ni Garrie, hindi pa ito aalis.
Nakahiga si Anya at pinagmamasdan si Trevor. Mahimbing itong natutulog. At kahit sa pagtulog, kamukha ito ni Jakob. It was like they made a smaller version, a clone.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jakob bitbit ang tray ng pagkain. Mayroong sabaw at kanin. Mayroon ding fresh milk, mga prutas, at tinapay. Hindi raw kasi alam kung ano ang gusto niyang kainin kaya dinala kung ano ang puwede.
Anya stared at Jakob as he was fixing the food on the table inside the room.
"Jakob?"
Jakob faced her. "Yes?"
Pinalapit niya si Jakob sa kaniya na kaagad lumuhod sa harapan niya. Nakakuha siya ng pagkakataon na halikan ang tuktok ng ulo nito habang ang dalawang kamay nito ay nasa edge ng kama.
"Sorry lately. Sorry kasi iyak ako nang iyak. Sorry kasi I wasn't communicating." Humikbi si Anya. Nakatingin sa kaniya si Jakob. "Sorry kasi neglected kita."
Jakob chuckled and shook his head. "No worries. Naiintindihan ko naman. Mas okay rin na nagpapahinga ka nitong mga nakaraan. Uuwi na rin tayo sa isang araw. Excited ka na ba?"
Tumango si Anya.
Ngumiti si Jakob at hinalikan ang pisngi niya. Inalis nito ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya at saka hinaplos ang pisngi niya. Malamlam ang mga mata ni Jakob na nakatitig sa kaniya. Malalim na huminga bago humiwalay at tumayo.
Sa pagkakataong iyon, nakakuha si Anya ng pagkakataon para tumayo at hawakan ang kamay ni Jakob. Ipinaharap niya ito sa kaniya at basta na lang niyakap. Inihiga niya ang ulo sa dibdib nito kaya narinig niya ang pagtibok ng puso.
Nilingon naman ni Jakob ang glasswall para makita ang reflection nila ni Anya. Ngumiti siya at hinaplos ang likuran nito.
Anya wasn't vocal. She only said those three words once and it was okay. The hug was enough . . . she was enough.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top