Chapter 67
Jakob alerted Ares about the situation and everyone started working. It was just eight in the evening and it would be a long night, that was for sure. Mas lalo pang sumakit ang tiyan ni Anya at nakasandal na lang ito sa sofa.
He tried so hard to be calm, but couldn't and Anya noticed. Mayroon nang wheelchair na paparating sa unit nila galing sa infirmary para madala na nila si Anya roon. Ramdam ni Jakob ang panginginig ng kamay niya at nang magkatinginan sila ni Anya, malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
Kinuha ni Anya ang walkie-talkie mula sa kaniya at pinatay iyon. Nakayuko si Jakob nang haplusin ni Anya ang pisngi niya.
"Magiging okay lang tayo," sabi ni Anya. "Tingin ka naman sa 'kin."
Pero hindi magawa ni Jakob. Kinailangan pang iangat ni Anya ang mukha niya para lang magtama ang mga mata nila. Malalim ang bawat paghinga ni Jakob at gustuhin man niyang umiwas sa tingin ni Anya, hindi niya magawa.
Anya gave Jakob a warm smile and tiptoed to kiss the side of his lips, but Jakob was quick enough to kiss her lips instead. Their lips moved in sync. Anya wrapped her arm around Jakob's neck while his arm was around her waist.
Jakob was the first to pull away. He rested his forehead against Anya's and shut his eyes.
"Natatakot ako, Tanya," bulong ni Jakob at hinalikan ang gilid ng nooo ng asawa. "Natatakot ako. Aaminin ko, natatakot ako ngayon."
Pumikit si Anya at mas idiniin ang sarili kay Jakob. "Ako rin," sagot niya habang magkadikit pa rin ang noo nila. "Natatakot din ako. Kinakabahan ako sa mangyayari, pero alam ko namang hindi mo kami pababayaan. Basta kung ano ang napag-usapan natin, stick na tayo roon, okay?"
Umiling si Jakob. "Yeah, but we'll survive. We both wanted this, but this is fucking scary, Tanya. P-Please."
"Ano ka ba?" Hinaplos muli ni Anya ang pisngi ni Jakob para kahit papaano ay pakalmahin ito. "Magiging okay lang kami at saka nandoon ka rin naman. May mahahawakan ako. Pagkatapos nito, tatlo na tayo. May baby na tayo."
Walang naging sagot si Jakob ngunit naramdaman ni Anya ang malalim na paghinga nito dahil tumama sa mukha niya ang hanging nanggaling sa ilong nito. Napapikit siya dahil mas lalo siyang kinabahan, pero hindi niya iyon ipahahalata.
Pumikit siya nang maramdaman muli ang pahilab ng tiyan dahilan para humiwalay si Jakob at titigan siya. Kinuha nito ang walkie-talkie mula sa kamay niya at narinig na nakikipag-usap ito, hinahanap kung nasaan ang wheelchair na dadalhin at kung maayos na ba ang lahat sa infirmary.
Anya could still tolerate the pain, but it was heavy. Her tummy was hard to touch and her knees were starting to wobble.
Nang maging busy si Jakob, maingat na naglakad si Anya papunta sa glasswall. Hawak niya ang tiyan, hinahaplos iyon, at bumubulong sa anak sa sinapupunan.
"Excited na rin akong ma-meet ka," bulong niya. "I wanted you, I asked for you . . . I prayed for you. Kahit na hindi ako sigurado kung meron pa bang nakikinig sa 'kin, I prayed for you." Ngumiti siya. "Please, 'wag mo 'kong masyadong pahirapan. Huwag tayong masyadong pahirap sa mga tao sa paligid natin, ha?"
Mula sa reflection ng salamin, nakatingin si Anya kay Jakob na palakad-lakad habang kausap si Ares sa walkie-talkie. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi niya iyon pinakikinggan. Mas naka-focus siya kay Jakob na sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri na hihinto sandali ngunit maglalakad at iikot ulit, pati ang malalim na paghinga nito ay nakikita niya, at ang minsang pagyuko na para bang nasa sahig ang sagot sa kung ano man ang gumugulo sa isipan nito.
Anya breathed and subtly smiled. She felt her tummy ache, it was still bearable, but it was more intense now. She inhaled and exhaled and felt someone caressing her back.
"Nasa elevator na sila." Jakob helped her by holding her hand. "Let me carry you."
Hindi na tumanggi si Anya dahil naramdaman na rin niya ang pangangatog ng tuhod. Nakita niya sa balikat ni Jakob ang backpack na nakahanda kung sakali man. Siya ang nag-ayos niyon dahil nabasa niya sa libro.
Anya rested her head against Jakob's chest when she felt the pain. Her right hand automatically gripped Jakob's shirt and her left hand fisted. She whimpered and inhaled multiple times to calm herself.
Maingat na ibinaba ni Jakob si Anya sa wheelchair at siya mismo ang nagtulak. Pati ang backpack, nasa balikat lang niya habang diretsong nakatingin sa hallway na dinadaanan papunta sa infirmary.
Isang kuwarto ang ipinaayos nila para sa water birth. Nandoon na rin ang ibang kailangan kung sakali mang hindi kayanin. Nagplano sila ng ibang alternative kung sakali mang hindi masunod ang unang plano nilang gawin.
Anya insisted on doing the water birth with the approval of doctors. Nabasa kasi nito sa libro na mas mapadadali ang labor, hindi masyadong masakit, at hindi na kakailanganin ng anesthesia.
Iyon din ang dahilan kung bakit monitored si Anya ng mga doctor para makita kung puwede ba. Buti na lang din at walang naging komplikasyon nitong mga nakaraan.
Pagpasok nila sa nasabing kuwarto, muling bumilis ang tibok ng puso ni Jakob nang makita ang tub na nakuha nila sa isang warehouse na gumagawa ng mga bathtub. Siniguro nilang gumagana iyon at ligtas lalo na at kailangang ma-maintain ang maligamgam na tubig. Inayos din nila iyon na mayroong corners na komportable para kay Anya kung sakali man.
Siya mismo ang nag-asikaso kay Anya. Siya ang nagbuhat, siya ang tumulong sa magtanggal ng damit, at siya na rin mismo ang nagtali ng buhok. Naiwan ang underwear ni Anya, pero pinagsuot niya muna ito ng robe.
Pinahiga na rin muna si Anya sa kama para i-check sa sonogram ang anak nila. Malakas ang heartbeat kaya wala silang naging problema. Pinakiramdaman ng may-edad na midwife and tiyan ng asawa niya at sinabi nitong nakaposisyon na ang anak nila. Base naman sa internal exam, 3cm dilated pa lang si Anya at mukhang matatagalan pa.
The tub's temperature kept running regardless para handa anumang oras.
"Gusto mo munang maglakad?" tanong ng midwife kay Anya. "Maghihintay lang kami rito. Hintayin natin hanggang sa four to five centimeter bago ka puwedeng lumublob sa tub."
Tumingin si Jakob kay Anya na tumango. Isinuot niya muna ang tsinelas dito at maingat na inalalayan. Lumabas sila ng kuwarto. Nandoon sina Ares at ang ilang tauhan, pero nakiusap si Jakob na kung puwedeng umalis muna para hindi mailang si Anya dahil kailangan nilang maglakad para matulungang bumuka ang cervix nito.
Jakob was listening. Every instruction from the midwives and doctors, he would follow.
And Anya observed that even with the smallest detail from the doctors, Jakob would listen. He was very attentive to the instructions and to her. Sa tuwing mararamdaman nitong humihigpit ang pagkakahawak niya, hihinto ito para itanong kung kaya pa ba niya.
Habang naglalakad sila, mabagal. Nakahawak si Jakob sa kamay niya habang nakaalalay ang isa pang kamay nito sa baywang niya.
"A part of me is relieved na ikaw ang daddy ng anak ko," Anya uttered out of nowhere. "At least kung ano man ang maging result, the baby has you."
Jakob stopped and stared at Anya. "We are not talking about this again, Tanya."
Anya smiled warmly and bit her lower lip. "Alam ko naman. Sinasabi ko lang na ang suwerte naming dalawa sa 'yo. Ang swerte niyang ikaw ang daddy niya, suwerte akong ikaw ang partner ko."
Hindi na muling nagsalita si Anya nang mag-iwas ng tingin si Jakob. Naalala niya ang pinag-usapan nila weeks prior to this . . . dahil kinausap sila ng mga doctor na kung sakali mang magkaroon ng problema, isa sa option ang cesarean section.
Naging honest sa kanila ang mga doctor na magiging mahirap dahil walang kasanayan. Ilang taon na ang nakalilipas at sa mga taong iyon, walang successful birth via CS. Mayroong mga sanggol na nakaligtas, pero hindi ang mga ina. Isa iyon sa dahilan kung bakit mayroong takot kay Jakob.
Anya was ready for the possibility, but she was hoping she wouldn't leave Jakob alone. Alam niyang mahihirapan ito kapag wala siya. Alam niyang iiyak ito oras na mayroon na namang mangyaring hindi maganda sa kaniya.
Huminto sila sa paglakad nang muling maramdaman ang sakit ng tiyan niya. Napagdesisyunan nilang bumalik sa kuwarto at muling tiningnan kung bumukas na ba ang cervix niya.
Yup, it did. Six centimeters already.
Ngumiti si Anya dahil mukhang nakikinig ang anak niya. Binigyan na siya ng go signal para lumublob sa tub at nang maramdaman ang maligamgam na tubig, parang kumalma ang buong katawan niya lalo nang tuluyang mailublob ang kalahati ng katawan niya.
Sumandal siya sa foam na nasa gilid ng tub. Nasa gilid niya si Jakob. Maingat nitong binabasa ang tiyan niya habang tahimik lang na nakatingin doon.
At akala nila, sandali na lang dahil 6cm na, pero hindi. Tatlong oras pa ang lumipas at panay na rin ang inda ni Anya, pero nasa 8cm pa lang sila. Kailangan nilang mag-fully 10cm para lumabas ang bata.
Nakita ni Jakob ang hirap mula kay Anya dahil nakatutulog na ito habang nakalublob sa maligamgam na tubig. Tatlong beses na rin itong umahon para maglakad. Ramdam na ni Anya ang sakit. Tumingin si Jakob sa orasan. Almost midnight na rin.
Pagkatapos ma-internal exam, bumalik si Anya sa tub. Nakasandal na ang ulo nito sa gilid ng tub at mukhang inaantok na. Mabagal ang bawat paghinga. Nakikita ni Jakob dahil kahit katiting na pagbabago sa katawan ng asawa, inoobserbahan niya.
"Matagal pa ba?" pabulong na tanong ni Jakob sa doctor. Nakatayo silang dalawa sa dulo ng tub.
Tumingala si Anya at huminga nang malalim.
"Usually, it'll take thirty minutes to two hours from 8cm to 10cm," sagot ng doctor. "Hopefully, sa thirty-minute mark, lumabas na. Kaya pa ni Miss Anya, pero para sana hindi na siya mahirapan."
Bumalik si Jakob sa pagkakaluhod sa gilid ni Anya. Kinuha niya ang bote ng tubig at pinainom ito.
"Thank you." Anya looked at him. "Mukhang matagal pa 'to. Magpahinga ka na muna roon."
Umiling si Jakob at hinalikan ang likurang kamay ni Anya. "Ayos lang ako. Ikaw, kaya mo pa ba?"
"Kaya ko pa." Mahinang natawa si Anya bago pumikit.
Jakob knew that the laughter was fake when Anya immediately frowned. Muli nitong ininda ang sakit at mukhang mas intense dahil humigpit ang hawak ni Anya sa dulo ng tub. Nakita rin niya ang pagbagsak ng luha sa magkabilang mga mata at ang bawat paghagulhol.
Anya changed position and grumbled. May sinasabi ito, pero hindi nila maintindihan. Paulit-ulit itong gumagalaw habang nakalublob ang katawan. Minsang ididiretso ang paa, minsang mag-i-Indian sit.
"Mukhang consistent na 'yung sakit," sabi ng babaeng doctor na nasa gilid ni Jakob. Dinama nito ang tubig kung maligamgam pa rin ba.
Hinaplos ni Jakob ang buhok ni Anya at hinalikan ito sa gilid ng noo. Panay ang inda nito at minsang humahagulhol. Nakakuyom ang dalawang kamao, malalim ang bawat paghinga, at namumuo na rin ang pawis sa noo.
"Puwede kang sumama sa kaniya sa tub kung gusto mo," sabi ng may-edad na babaeng doctor. "Puwede ka sa likuan niya para lang makasandal siya nang maayos."
Jakob didn't think twice. He removed his pants and shirt. Naiwan ang boxer shorts niya at basta na lang lumusong sa loob ng tub. Naramdaman niya ang maligamgam na tubig at halos hanggang dibdib niya iyon nang makaupo na siya.
Pumuwesto siya sa likuran ng asawa na kaagad sumandal sa kaniya. Inihiga ni Anya ang ulo sa balikat niya. Mas naramdaman niya ang paghikbi.
Mula sa ilalim ng tubig, hinahaplos ni Jakob ang tiyan ni Anya. Hawak ni Anya ang isang kamay niya at nasaktan siya nang maramdaman ang pagbaon ng kuko nito sa balat niya, pero hindi niya iyon ininda. Hinayaan niya ang asawa dahil kasabay niyon ay ang sunod-sunod na pag-ungol dahil nasasaktan.
People started moving. Someone was monitoring the heartbeat and the other was checking the centimeters.
"Almost," sabi ng doctor na tumingin kay Anya. "Miss Anya, malapit na. Sunod-sunod na rin ang interval ng contractions mo at mas masakit na ang mga susunod. Kapag hindi mo kaya, sabihan mo na kaagad kami, okay?"
Anya nodded without even looking at the doctor.
To Jakob's surprise, Anya groaned in pain and reluctantly changed her position. Humarap ito sa kaniya. Nakaluhod ito habang nakaharap sa kaniya at nakahawak ang dalawang kamay sa braso niya.
Jakob saw how Anya's chin vibrated as she sobbed. Tears were uncontrollable and to his shock, Anya looked up and shouted. The veins around her neck showed and Jakob was there watching his wife.
Muling ipinatong ni Anya ang noo sa balikat niya. Hinaplos ni Jakob ang likuran nito hanggang sa unti-unting kumalma, pero muling napasigaw sa sakit. Maingat itong bumalik sa dating posisyon kung saan nakasandal ang katawan sa kaniya. Tuloy-tuloy ang pagluha . . . hanggang muli itong humawak sa kamay niya.
He saw how everyone communicated by looking at Anya and he heard them saying that the water broke. Anya kneeled and pushed while the doctors beside them waited. Someone was beside the tub, helping Anya.
Bumalik si Anya sa pagkakasandal sa kaniya. Panay ang paghinga nito nang malalim. Patagilid siyang tiningnan at nginitan dahilan para halikan niya ito sa pisngi at haplusin ang tiyan.
Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang magawa kung hindi ang maging sandalan.
Again, Anya kneeled and groaned. Jakob observed and saw that Anya was looking down. She pushed and two doctors attended his wife.
"The head is out!" The doctor said. "Keep on pushing, Miss Anya."
Sumandal ulit si Anya sa kaniya, pero nakahawak na ang dalawang kamay sa braso niya na para bang doon kumukuha ng lakas. Nilingon ni Jakob ang braso niya. Naramdaman niya ang pagdiin ng katawan ni Anya sa katawan niya kasabay ng paghinga nang malalim at pag-iri.
The doctor instructed Anya to push even more . . . but he was alarmed when her grip loosened and her body relaxed. Sinilip niya ang mukha ni Anya at nakapikit ito na para bang natutulog.
Someone was calling Anya's name and Jakob's heart started beating faster.
"Baby," Jakob whispered against Anya's left ear. "I love you. Almost there," he said.
And Anya gripped his arm again and pushed harder until the doctor beside them immediately moved. Jakob was so focused on Anya that he froze when the doctor put the baby on Anya's chest.
Jakob was still trying to process everything when finally, he heard two voices crying. Anya and their baby. His heart couldn't process everything yet. He didn't cry. No words, he was just behind Anya.
Naramdaman niya ang pagdiin ng katawan ni Anya sa kaniya. Kalmado ang paghinga habang maingat na hinahaplos ang likuran ng anak nilang nakabalot ng towel.
"Sabi sa 'yo . . . kaya natin, e," bulong ni Anya habang nakapikit.
Ngumiti si Jakob at muling hinalikan ang gilid ng noo ni Anya saka lang niya sinilip ang anak nila. Malakas itong umiiyak. Makapal na buhok lang ang nakita niya, pero gumalaw ang kamay nitong nakalapat sa dibdib ng ina.
Jakob caressed their baby's hand which immediately wrapped around his index finger.
"I love you," Jakob whispered.
A doctor took their baby from Anya who had to push again for the placenta. Sinabihan na rin si Jakob na umalis na muna sa tub kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon para magbihis dahil kailangan niyang asikasuhin ang mag-ina niya.
Someone was attending to their baby while the doctors focused on Anya, too.
Sandali niyang nilingon ang mga taong kumikilos para sa mag-ina niya. Sandaling tumigil si Jakob sa may pinto papasok sa banyo para titigan ang asawa niya na nakasandal sa tub habang kinakausap ng mga doctor.
Jakob exhaled. Bigla niyang naalala ang unang araw na nakita niya si Anya.
Paglabas ni Jakob ng bathroom, nilingon niya ang anak niyang umiiyak. Sinabihan siya ng mga doctor na puwede na niya itong buhatin, pero tumanggi muna siya dahil si Anya muna ang nilapitan niya.
Tinanggal na ng nurses ang bra na suot nito kanina dahil basa na. Pinunasan na rin ng mga ito ang katawan ni Anya dahil kailangang ilagay roon ang sanggol, pero napansin niyang hindi pa napupunasan ang mukha nito, ganoon din ang buhok na medyo magulo.
Everyone was focused on their baby and Anya's body because it would be used for feeding. The nurses started cleaning her chest.
On the other hand, Jakob took something inside the backpack he prepared. Kinuha niya ang suklay at saka maingat na tinanggal ang pagkakatali ng buhok ni Anya. Medyo basa iyon kaya nanghingi siya ng towel para maingat na tuyuin.
He carefully brushed and fixed Anya's hair into a bun. Magulo, pero puwede na. Nanghingi siya ng tubig na mayroong alcohol mula sa nurse. Nakalagay iyon sa basin. Kinuha niya rin ang face towel na nasa bag at saka inulublob iyon doon.
Mula sa peripheral, nakikita ni Jakob ang ginagawa ng mga tao sa paligid niya. Naririnig pa rin niya ang iyak ng anak niya, pero naka-focus siya kay Anya. Maingat niyang pinunasan ang mukha nito. Halata ang pagod sa mga mata na namamaga na rin dahil sa matagal na pagluha.
"Boss, puwede n'yo po munang buhatin si baby bago po natin siya ipa-breastfeed kay Miss Anya," sabi ng doctor na may hawak sa anak niya.
Jakob shook his head. "I'll do that later," he said while focusing on Anya.
As much as he wanted to carry their baby, he wanted to make sure that Anya was comfortable first. Before he was a father, he was a husband, and Anya sacrificed a lot for this pregnancy.
Sandaling tinawag si Jakob ng isang doctor para sabihing maayos ang lahat sa sanggol, ganoon din kay Anya, pero kakailangan nito ang pahinga. Mukhang mahihirapan sila sa parteng iyon dahil kailangan nitong padedehin ang anak nila.
Dalawang doctor na lang ang naiwan sa kuwarto. Tumigil na rin sa pag-iyak ang anak nila nang makadede na ito mula kay Anya. Bumalik din siya para naman asikasuhin muli ang asawa.
Kinuha ni Jakob ang puting T-shirt na dala nila para bihisan ang asawa.
Jakob carefully lifted Anya's body to help her dress up. Sa pagod sa panganganak, hindi na ito masyadong sumasagot sa kanilang lahat. Nagtatanong siya kung ano ang nararamdaman, pero iling lang ang naging sagot sa kaniya.
Pagkatapos niyang bihisan si Anya, ililipat na ito sa kuwarto kung saan sila mamamalagi.
Sa huling pagkakataon, pinunasan ni Jakob ang katawan ni Anya. Mula sa mukha pababa sa leeg hanggang sa may braso.
"Jakob?" mahinang sambit ni Anya. Nakapikit pa rin ito at malalim na ang paghinga. "I love you."
Jakob stopped what he was doing and stared at Anya who had even breathing and was already asleep. Naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Anya. Suot nito ang bracelet na ibinigay niya noon.
Nakayuko siya nang maramdaman ang pagtulo ng luha mula sa magkabilang mga mata niya. Nagmarka pa iyon sa jogger pants na suot niya . . . at hindi na niya pinigilan ang sarili.
Kahit kailan, hindi niya inasahang maririnig iyon. Tinanggap na niya sa sarili niyang walang pag-asa dahil sa ginawa niya. Tinanggap na niyang kasama lang niya si Anya dahil wala na itong choice. Tinanggap niya ang lahat dahil sa kagaguhang ginawa niya.
Ipinagpatuloy ni Jakob ang pagpunas sa braso ni Anya habang nagmamalabis ang luha, pero tumigil nang muling mapatitig sa mukha ni Anya. Mahimbing na itong natutulog. Hinalikan niya ito sa pisngi at hinaplos ang buhok.
He didn't know if it was because of exhaustion, but he whispered it back. Again and again and again.
"Boss?" Nilingon niya ang doctor na hawak ang anak nila. "Tulog na rin po siya. Ilalagay ko na po muna siya rito sa crib o bubuhatin n'yo po muna?"
Nilingon na muna ni Jakob si Anya. Maayos na ang lagay nito at sigurado siyang nagpapahinga na. Inayos muna niya ang sarili. Nag-alcohol siya at sinigurong kakayanin niya ang magbuhat ng sanggol. Tinuruan siya ng doctor kung paano.
Pinaupo siya sa sofa na nasa loob ng kuwarto at saka ibinigay ang anak niya sa kaniya. Nagpaalam ang mga doctor at sinabing bibigyan muna siya ng privacy, pero hindi iyon naibigay sa kaniya nang pumasok si Ares.
Lumapit ito sa kaniya at sinilip ang anak nila. Natutulog ito tulad ni Anya.
"Babae ba o lalaki?" tanong ni Ares.
"Lalaki," sagot ni Jakob at hinaplos ang pisngi ng anak.
"Angas, hoy!" pabulong na sigaw ni Ares na ikinangiti ni Jakob lalo ng sumuntok pa ito sa hangin. "Ano'ng pangalan?"
Jakob inhaled the baby's scent. "Trevor."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top