Chapter 66

Two months passed and Jakob was worried about Anya. Day by day, he could see how she was starting to struggle with the pregnancy. Mabuti na lang din at nasa Olympus sila para mas monitored si Anya lalo na at may pagkakataong sumasakit ang tiyan nito.

Galing siya sa meeting kasama ang mga kaibigan niya at naiwan si Anya sa unit. Pagbalik niya, naabutan niya itong nakaupo sa pang-isahang sofa at nagbabasa ng libro habang hinahaplos ang tiyan.

It was a routine. Minsan, siya ang nagbabasa. May boses para marinig ng anak nila.

Nag-stay muna si Jakob sa pintuan habang pinakikinggan si Anya. Hindi lang basta nagbabasa. May emosyon pa at kung paanong sinasabi ng characters ang linya, ganoon din si Anya. Kapag natutuwa, masaya ang boses nito. Kapag malungkot, malungkot din.

And Jakob knew that Anya would be a great mother.

Ibinaba niya ang dalang pagkain sa lamesa at nilapitan si Anya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito na kaagad tumingala para ngumiti sa kaniya.

All the anxieties and fear immediately eased upon seeing Anya smile. Dumiretso siya sa harapan ni Anya at lumuhod. Kaagad naman nitong itinabi ang librong hawak at masaya siyang kinumusta.

Sandaling nawala ang ngiti ni Jakob habang nakatingin kay Anya.

He knew about all the pain and anxieties she went through and it pained him to know that Anya decided not to trust anyone again. After what Marjorie did, Anya closed the doors.

Yumuko si Jakob at hinalikan ang tiyan ni Anya. Naramdaman niya ang pagsuklay nito sa buhok niya kaya napapikit siya.

Ever since everything happened, they found comfort in each other. Inside the room, it was just them. May mga pagkakataon bigla na lang silang tatahimik at mayroong isa sa kanila ang luluha.

Jakob also stopped keeping his tears and every time he would remember those days when Anya wasn't with him, he would hug her closer. He knew he couldn't do it again.

"Kailan mo pala balak bumisita sa Escarra?" tanong ni Anya habang sinusuklay ang buhok ni Jakob. "Okay lang naman ako rito kung sakali. Kahit bisita ka lang muna, kumustahin mo silang lahat doon 'tapos balik ka rito sa 'kin."

"Meron namang nagpupunta para mag-report," sagot ni Jakob na tumingin kay Anya. "Naiintindihan naman nila. Alam naman nina commander kaya sila na muna ang bahala. Ayaw ko ring iwanan kang mag-isa."

Nawala ang ngiti sa labi ni Anya dahil sa sinabi ni Jakob.

"Nananaginip ka pa rin ba nang masama?" Tumayo si Jakob at naupo sa sofa katabi si Anya. "Kagabi kasi umiiyak ka na naman habang natutulog."

Ipinalibot ni Jakob ang braso sa balikat ni Anya at hinaplos iyon. Inihiga naman kaagad ni Anya ang ulo sa balikat ni Jakob. Ramdam niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.

"Hindi ko rin maalala kung ano 'yung panaginip ko, e. Nagulat na lang ako na ginigising mo 'ko kasi umiiyak na naman pala ako," mahinang sambit ni Anya. Umiling ito. "Pinipilit ko ring alalahanin, pero wala, e. Malalim ang tulog ko, pero parang naririnig ko pa rin ang nasa paligid ko."

Hinayaan ni Jakob si Anya na magkuwento. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya maiwanang mag-isa si Anya dahil bigla itong nagigising sa madaling-araw at humahagulhol.

Hindi niya masisi. After everything, the effects were manifesting to her body.

"Sandali na lang, lalabas na si baby." Hinaplos ni Anya ang tiyan. "Excited ako na kinakabahan. Sana hindi ako masyadong mahirapan sa panganganak. Sana chill lang para labas kaagad."

Bumaba ang kamay ni Jakob sa tiyan ni Anya dahil araw-araw niyang kinakausap ito na kung puwede lang sana ay huwag pahirapan ang asawa niya.

"Basta ang priority ko ngayon, maging safe kayong dalawa. Pinaaayos ko 'yung bahay sa Escarra. Pinatitibag ko 'yung pader sa kuwarto natin papunta sa isang guestroom para doon ang nursery. Ginagawa na rin ngayon ang mga pader," sabi ni Jakob.

Humiwalay si Anya at hinarap si Jakob na nakatingin sa kaniya. "Anong pader?"

"Pinatataasan ko. Kahapon pala nagkausap kaming magkakaibigan. Nag-decide ako na hindi na ako tatanggap ng mga rescue. Hindi na ulit ako magpapapasok sa Escarra. Wala nang bago. Kung sino ang nakatira sa loob, iyon na iyon," seryosong sabi ni Jakob. "Pagkatapos ng mga nangyari, hindi na ako magbabaka sakali ulit. Wala nang papasok sa Escarra."

Yumuko si Anya dahil nakaramdam siya ng pagkakonsensya, pero hindi rin niya ito masisi. Humawak ang kamay ni Jakob sa tiyan niya.

"Hindi na mauulit ang nangyari, Tanya. Hindi na ulit ako papayag na masaktan ka nila." Umiling si Jakob.

Mahinang natawa si Anya. "Huli na si Marjorie, Jakob. Ayaw ko nang masaktan ulit. Ayaw ko nang maulit na itatanong ko na naman sa sarili ko kung bakit. Na iisipin ko na naman na ako ang may pagkukulang . . . na iisipin ko na naman kung bakit ako na naman."

Nakatitig sa kaniya si Jakob. Pareho silang yumuko nang tumulo ang luha niya sa kamay nitong nasa tiyan niya pa rin.

"Hindi na ulit kasi masakit dito." Itinuro ni Anya ang sariling puso. "Ayaw ko na ulit maramdaman 'yung sikip sa dibdib at saka 'yung feeling na masusuka ako kasi nasaktan ako? Tayo na lang."

"Tanya."

Suminghot si Anya at ngumiti. "Sa pagsara mo sa Escarra, pagsara din 'yun sa posibilidad na maulit pa ang nangyari dahil hinding-hindi na ulit lalapit sa iba. Hindi ko na rin hahayaan ang kahit sino na lumapit sa 'kin. Ayaw ko na silang bigyan ng opportunity para wasakin ulit ako. A-Ayaw ko na."

Jakob nodded and wiped Anya's tears using his fingertips.

. . . and he wouldn't let that happen again. Never again.





And because Jakob was around, Anya's pregnancy was bearable and they were enjoying each day with her bump. Sa tuwing umaga, naglalakad sila sa Olympus. Nakilala na rin ni Anya ang mga nagtatanim ng mga gulay at prutas para sa supply ng lugar.

Sa kabilang parte naman ay mayroong kasalukuyang construction. Walang idea si Anya kung ano ang ginagawa roon, pero mukhang alam ni Jakob. Sasabihin naman sa kaniya kung puwede kaya hindi na rin siya nagtatanong tungkol doon.

Mula sa malayo, nakita kaagad nila si Ares na nakikipaglaro sa mga aso nito. Nakasalampak naman sa damuhan si Lana at napaliligiran ng iba pang aso ni Ares.

Nilingon ni Anya si Jakob na nakahawak sa kamay niya. Mabagal siyang maglakad, pero sumasabay ito sa kaniya. Suot nito ang puting T-shirt at jogger pants. Sa posisyon nilang dalawa, nakakuha siya ng pagkakataon para pagmasdan ang braso nitong puro tattoo.

"Bakit?" Nilingon siya ni Jakob. "May nararamdaman ka ba?"

"Wala." Hinaplos ni Anya ang tiyan niya. "Lately, hindi na siya sumasakit. Mukhang nakikisama. More than a month na lang din naman, lalabas na siya. Gusto ko na ring bumalik sa Escarra."

"I'm planning to stay here for another month." Pataglid na tumingin si Jakob sa kaniya. "Gusto kong bago tayo bumalik sa Escarra, sigurado akong maayos kayong dalawa. Ginagawa pa rin naman ang bahay natin doon at mga pader, dito na rin muna tayo."

Huminto si Anya sa paglakad. "Paano ang responsibilidad mo roon? Magiging okay lang naman kaming dalawa, for sure. Ikaw pa rin ang boss sa Escarra, Jakob. Mas komportable rin kasi ako roon."

"One month after giving birth, okay na ba 'yun?" tanong ni Jakob. "After a month, babalik na tayo."

Pumayag si Anya. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Jakob sa kamay niya. Diretso na itong nakatingin kina Ares at Lana na nagbabangayan na naman. Hindi na bago. Sanay na sila kung tutuusin.

Anya became friends with Lana. Hindi sila magkapareho ng interest, pero gusto niya ang pagiging kalmado nito. Lana was a bit boyish, but it suited her so well. Maikli ang buhok nito at mas matangkad sa kaniya. Manly rin gumalaw, pero napakaganda at napakaamo ng mukha.

"Nag-aaway na naman kayong dalawa," iritableng sabi ni Jakob. "Ang taas tumalon ni Stark, Ares. Ang galing." Nilapitan nito ang kaibigan kaya naiwan siya sa gilid ni Lana.

Kinuha ni Lana ang isang upuan para sa kaniya. Tumanggi pa siya, pero hindi ito nagpatinag. Bumalik ito sa pagkakasalampak. Lumapit si Willow sa kanila na nagpa-belly rub kay Lana.

"Kayo na ba ni Ares?" tanong ni Anya.


Nilingon siya ni Lana. Nagsalubong ang kilay nito. Hindi siya sigurado kung na-offend ba sa tanong niya, pero nilingon nito si Ares na kausap si Jakob. Nagtatawanan ang dalawa at nagbibiruan. Muling tumingin si Lana sa kaniya.

"Kadiri."

Anya bit her lower lip and smiled. The smile turned into laughter when Lana laughed, too. Jakob and Ares looked confused but didn't ask why they were laughing.

Nalaman niyang kay Ice nakatira si Lana kaya kapag walang ginagawa, nagpupunta ito sa Olympus para makipaggaguhan kay Ares. Lana was Ice's main person. Right hand person, most trusted, and protector.

At dahil busy naman daw si Ice nitong mga nakaraan, madalas na walang ginagawa si Lana kaya nakikipaglaro na lang ito sa mga aso ni Ares kahit na nabibwisit sa mismong mukha ni Ares.

Komportableng sumandal si Anya at pinanood sina Jakob at Ares na makipaglaro sa mga aso. Pinakawalan din ang mga nakakulong kaya nagtakbuhan lahat sa field na ikinatuwa niya.

Lily and Gigi were also here. Ipinadala ito ni Jakob simula noong mapag-usapan nilang dito muna sila sa Olympus. Sa tuwing umaga, pinupuntahan nila ang mga ito na kasama rin ang ibang asong rescue nina Ares.

Ngumiti si Anya nang marinig ang halakhak ni Jakob.

Sa tuwing binabalikan niya ang mga panahong unang beses niya itong nakilala at nakasama, malayo na sa kung ano ngayong magkasama sila. Ni hindi nga ito ngumingiti noon. Sobrang mahal. Sobrang bihira. Halos hindi rin niya naririnig ang boses nito noon. Matagal silang magkasama sa iisang bubong, pero halos hindi niya maramdaman ang presensya nito . . . dahil siguro nakikiramdam din sa kaniya.

. . . but it was different this time.



————



Everyone was just waiting. Anytime, puwede nang manganak si Anya kaya inayos na lahat ni Jakob. Bihira na siyang lumabas ng Olympus at nakausap na rin niya ang mga nasa Escarra na hindi siya makabibisita sa mga susunod.

May kaba sa dibdib ni Jakob at malaking bagay kapag inaaya siya ni Ares na lumabas. Tulad ngayon, nasa dati silang mall kung saan din nakatira si Ice. Natatawa pa rin silang lahat sa pinili nitong lugar.

Ice chose one of the biggest malls in the city. May sarili itong grupo, pero hindi kasinlaki ng Escarra. May mga empleyado dahil pareho silang naka-focus sa paggawa ng solar. Mas malaki lang ang kay Jakob dahil panggusali. His sister, on the other hand, focused on electric vehicles. At iyon ang ginagamit nilang lahat.

One difference between Jakob and Ice, Ice treated her people as employees. They work for her, they pay them. She didn't like attachment, unlike Jakob, he cared for people.

Fuels were almost gone. Mayroon pa ring natitira, but Jakob and Ice found a way to make transport possible by using what they had. Iyon ang dahilan kung bakit sila nirerespeto ng ilang grupo. At iyon ang dahilan kung bakit thriving ang bawat lugar kung nasaan sila.

The former mall was converted into a sanctuary. Ang dating mga shop ay ginawang kuwarto. Ang dating foodcourt ay pantry. Ang dating department store ay ginawang production area ng mga ipinagagawa ni Ice. Ang dating supermarket ay food storage.

Dumiretso sina Jakob at Ares sa dating cinema kung saan naglalagi si Ice. Isa iyon sa pinakamagandang ginawa ng kapatid niya.

Ice converted the old cinema into her own personal space. Kumpleto ang mga gamit para hindi na kailangang lumabas. Ice even tried to make the whole cinema work, but couldn't. In the end, Ice gave up. Wala naman kasi itong hilig manood kahit noon pa.

"Let's go!" Bumangon si Ice mula sa kama nang makita sila ni Ares. "My scavengers found more baby stuff. You'll like them, for sure."

Sumunod sina Jakob at Ares kay Ice papunta sa dating puwesto na nagbebenta ng mga damit pambata. Ipinalibot ni Jakob ang tingin. Maraming mga damit. Naka-hanger pa ang iba at sinabi ni Ice na puwede na niyang kunin, kailangan lang labhan.

"Pinapunta ko sa abandoned mall 'yung tauhan ko. I asked them to get all the baby stuff na puwede pa and they got me five strollers. Ano'ng gagawin ko riyan?" Ice chuckled. "Puwede mong dalhin sa bawat grupo para sa tuwing pupunta kayo ni Anya, merong naka-ready."

Natawa si Ares. "Sa totoo lang."

Dumiretso si Ice sa dulo at ipinakita sa kaniya ang napakaraming kahon. "I got you tons of diapers, too. Hindi ko na pina-unload lahat sa sasakyan, but this is too much for your baby. Baka kahit may barkada na siya, puwede pa rin siyang mag-diaper sa dami nito."

Tawang-tawa si Ares sa sinabi ng kapatid niya, pero itong box na nakikita niya sa loob ng dating store ay sasapat na hanggang magtatlong taon ang anak nila ni Anya. Nang sabihin ni Ice sa kaniya na mayroon pang isang truck, ikinagulat niya iyon.

Bukod sa sandamukal na diapers, ipinakita rin sa kaniya ni Ice ang baby bottles at ilan pang gamit ng sanggol.

"Excited na rin ako," sabi ni Ice na naupo sa counter hawak ang puting onesie. "I never thought I'd see a newborn again. Grabe. Parang feeling ko maiiyak ako."

Sumandal si Jakob sa isang lamesa at kinuha rin ang isang onesie na mayroong designs na elephant print. Araw-araw siyang takot nitong mga nakaraan dahil base sa mga symptom ni Anya, anytime, puwede na itong manganak.

"Thanks for letting me borrow Lana," sabi ni Jakob kay Ice.

"Wala 'yun." Tiningnan naman ni Ice si Ares. "Binibwisit mo pa rin ba? Nagkuwento 'yun sa 'kin noong isang araw. Iritang-irita na siya. Sabi sa 'yo, chill ka lang, e. Ikalma ang tite."

"Jayne," paninita ni Jakob.

Tumalikod siya nang maggaguhan ang dalawa na para bang walang ilang taong naging relasyon. Naisip ni Jakob na mas mabuti ngang naging magkaibigan na lang. Parang hindi niya kakayanin kapag naging mag-asawa ang dalawa. Baka pati siya, mabaliw na.

Inikot ni Jakob ang buong store. Dinampot niya ang medyas na pambata. Para siyang nagbe-baby shopping. It wasn't what he pictured when he was younger. It wasn't better because of the situation, but it felt different knowing the mother of his child was the one he loved the most.

Napuno ang sasakyang dala nila. Hindi muna kinuha ni Jakob lahat ng diapers. Unti-unti na lang niya iyong ipadadala sa Olympus o sa Escarra na. Puwede iyong magamit kung sakali mang magkakaroon ulit ng sanggol sa Escarra.

Pagdating ni Jakob sa unit, mahimbing nang natutulog si Anya. Hawak niya ang kahong puro damit ng sanggol dahil gusto niya iyong ipakita sa asawa. Mayroong mga natahing damit para sa anak nila, pero excited si Jakob sa mga kakaibang print na nakuha niya.

May mga animal print, moon, at kung ano-ano pa.

Jakob fixed himself and after taking a bath, he stared at himself in the mirror. Worriness was visible in his eyes. He couldn't lose Anya. He even stopped reading about pregnancy and birth to ease himself, but it didn't help.

Anya decided to try water birth. Base naman sa observation ng mga doctor, makakaya ni Anya kaya mayroong nakahanda sa infirmary kung sakali mang mag-labor na ang asawa niya. Naghanda rin ang ibang doctor kung sakali mang hindi kayanin at iyong ang kinatatakutan ni Jakob.

Some were former surgeons, but it had been long since they had a cesarean section case. Tinapat siya ng mga ito na hindi confident kung sakali man, pero susubukan.

Jakob had to manage his expectations. He would have to accept any results just in case.

Paglabas ni Jakob ng banyo, nagulat siyang nakatayo si Anya sa pinto sapo ang tiyan. Nakatingin ito sa kaniya. Magulo ang buhok nito at parang mayroong iniinda.

"Are you okay?" Jakob walked towards Anya.

Anya shook her head. "Nagle-labor na yata ako, Jakob? Medyo masakit na siya. Tolerable ko pa naman, pero—a!" she flinched. "Ito na yata?"

Jakob was staring at Anya who just chuckled, but the pain was visible. His heart pounded, but he tried to be composed and held Anya's hand.

"Can you walk?" he asked.

"Oo, kaya ko pa. Nagugutom nga ako, e." She laughed, but stopped. "Okay ka lang ba?"

"No," Jakob truthfully answered. "I'm scared, Tanya."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys