Chapter 61

Note: Kung nabasa na ito, stop commenting to spoil the story. I am deleting. Be considerate naman? If you already know the story, good for you, but others don't. Let them enjoy it like the first time. Please? Thank you.

Halos dalawang linggo na ngunit wala pa rin silang idea kung nasaan si Anya. Wala na ring nagpadala ulit ng sinasabing regalo para kay Jakob na mas lalong naging dahilan ng takot nilang lahat. Nakikita nila na mas nagiging desperado na rin si Jakob dahil nagpadagdag na ito ng tauhan para sumubok maghanap.

Ang inasahan nila, palagi itong galit o nakasigaw dahil sa araw-araw, walang naging progress.

Mali . . . dahil ang Jakob na kaharap nilang lahat ngayon ay kalmadong nakatingin sa mapa. Binilugan nito ang isang abandonadong building na katatapos lang nilang tingnan. Nilinyahan nito ang bagong rutang idadagdag na babantayan at kalmadong kinakausap si commander para sabihing kung puwede ay magpadala pa ng mga tauhan sa city area.

Ares volunteered to have his men check the entire city perimeter. Ganoon din si Tristan. Aalis muna ang mga ito para magpunta sa kaniya-kaniyang grupo at makasama sa paghahanap.

"Mas natatakot akong ganiyan si Jakob," bulong ni Ares kay Tristan. "Nakausap ko si Tito Alfred. Nag-aalala na rin kasi siya kay Jakob kasi hindi pa natutulog. Nagsabi pa raw na sasama sa pag-iikot mamayang gabi. Sinabihan siya ni Tito na 'wag nang sasama, pero hindi raw sumagot si Jakob."

Walang naging sagot si Tristan na lumapit sa lamesa kung saan nakatutok si Jakob sa malaking mapa. Sumenyas siya sa ibang nandoon na umalis na muna dahil gusto sana niya itong makausap. Naiwan doon si commander, sumunod naman sina Martin at Ares sa kaniya.

"Jakob." Kinuha ni Tristan ang atensyon ni Jakob. Sandali itong tumingin, pero kaagad na ibinalik ang atensyon sa mapa. "Matulog ka na muna. Kami na muna ang bahala rito. Mamayang madaling-araw, babalik kami ni Ares sa city. Maghahanap kami roon."

Nanatiling tahimik si Jakob na nagsulat sa papel para sa susunod na plano.

"Kung magkakasakit ka, hindi mo magagawa nang maayos 'tong plano. Ano, magiging inutil at imbalido ka sa mga susunod?" diretsong sabi ni Tristan. "Matulog ka na muna. Magpahinga ka na muna para bukas, mas makapag-isip ka nang maayos."

"Oo nga," sabi ni Ares na tumabi kay Jakob. "Tingnan mo nga. Mali na ang spelling mo ng highway. Kulang ng H, tanga. Ano 'yan, higway? Hindi ka na okay. Itulog mo na muna 'yan para maging tama na ang spelling mo mamaya."

Ibinaba ni Jakob ang ballpen at patagilid na tiningnan si Ares. "Hindi ako nakikipagbiruan ngayon, Ares. Please lang, ilugar mo muna. Wala ako sa mood dahil gusto ko nang makita si Anya," sabi nito sa mababang boses. "Kailangan ko nang makita si Anya."

Napaatras si Ares dahil seryoso at mababa ang boses ni Jakob. Alam niya sa sarili na kapag mas lalo niya itong inasar, baka mabugbog siya. Hindi puwede dahil maghahanap pa sila.

Pinagpahinga na rin muna ni Jakob sina commander at ang mga ranger na naka-duty buong maghapon. Maraming nag-iikot mula sa night duty at iyon ang mga nakakausap niya sa walkie-talkie. Nagre-report ang mga ito na walang nakikita.

Halos ilang kilometro na ang napuntahan ng mga tauhan nila. Lahat ng abandonadong building at bahay na malapit sa kanila, pinuntahan nila para lang mahanap ang kuta ng mga posibleng dumukot kay Anya.

Hindi magawang magpahinga ni Jakob dahil iniisip niya si Anya. Isa pa, minsan niyang sinubukang ipikit ang mga mata niya, pero paulit-ulit niyang nakikita ang manikang sanggol na ipinadala sa kaniya.

Araw-araw siyang takot na may matanggap na bagong kahon dahil hindi niya kakayanin kapag totoo na ang natanggap niya o kung ano mang parte ng katawan ni Anya. Hindi niya kakayanin. Alam niya iyon sa sarili niya.

NAGISING si Ares nang maramdaman ang pagtapik. Si Martin iyon para sabihing lumabas ng Escarra si Jakob at walang sinabing kahit na ano. Palihim lang itong pinasundan ni Martin para masabi sa kanila kung ano ang mayroon.

"Pagkabasa niya ng message na nasa kahon, umalis kaagad. Ginamit niya ang motor niya," sabi ni Alfred na hawak ang kahong sinasabi nito. "Martin, may sumusunod sa kaniya?"

"Meron, Tito Alfred," sagot ni Martin. "Five kilometers away na raw sila at hindi pa humihinto."

Tumango si Alfred. "Sige. Pinahanda ko na rin ang Alpha Team. Kami na ang susunod sa kaniya."

"Sasama kami," sabi ni Tristan na lumapit sa kanila. "Ano ba ang nasa kahon ngayon?"

Huminga nang malalim si Tito Alfred at ibinaba sa lamesa ang kahon. Nagkatinginan silang magkakaibigan at naintindihan nila kung bakit umalis si Jakob nang hindi nagsasabi sa kanila. Nakalagay mismo sa instruction ang lugar na pupuntahan nito at nakatusok ang papel na iyon sa puso ng baboy na puro pa dugo.

Kinuha ni Ares ang sulat at binasa, "Escarra, billboard sa expressway. Wala kang isasama dahil kung hindi, sa susunod . . . totoo na." Tumingin siya sa mga kasama. "Ano'ng gagawin natin? Pupunta ba tayo?"

Pare-pareho silang natahimik dahil alam nilang mas mapapahamak si Anya kapag kumilos sila. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Tahimik  silang nakatingin sa karton at iniisip kung susunod ba sila o hindi.

Tumalikod si Martin at pumasok sa isang meeting room. Nakikita nilang lahat na nakikipag-usap ito sa walkie-talkie na hawak. Sinusuklay nito ang sariling buhok gamit ang mga daliri bago sumandal sa lamesang nasa likuran. Lumabas ito at ibinaba ang walkie-talkie sa lamesa.

"Inutusan ko na ang mga tauhan kong sumunod lang kay Jakob," basag ni Martin sa katahimikan. "Sinabihan ko sila na walang gagawin hanggang sa kailangan na nilang kumilos. Mabilis daw ang patakbo ni Jakob."

Sa sinabing iyon ni Martin, kinuha ni Ares ang mga baril. Nakasunod ang mga asong papalabas ng headquarters nang tanungin ni Tristan kung saan ito pupunta.

"Susunod. Hindi puwedeng nandito lang tayo. Paano kung dalihin na nila si Jakob?" sabi ni Ares. "Hindi ako maghihintay rito. Kung kaya n'yong nandito lang, ako hindi."

Kaagad na sumunod sina Martin at Tristan. Sandali pa silang nakipag-usap kay Ares na hindi sila puwedeng magpadalos-dalos. Hindi puwedeng pati sila, mawala sa tamang pag-iisip sa panahong ito dahil nakikita nilang hindi na nila maaasahan si Jakob. Ni hindi na nga nila ito makausap nang maayos.

"Martin." Boses ito mula sa walkie-talkie. "Huminto na si Jakob. Nandito na rin kami. Hindi kami makalapit. Medyo malayo kami, pero nakikita namin ang nangyayari dahil may liwanag galing sa mga sasakyan nila. Nasa gitna sila ng daan."

"A-Ano'ng nangyayari?" tanong ni Tristan.

Matagal bago mayroong sumagot sa kabilang linya. Naghihintay silang lahat sa labas ng headquarters. Tahimik ang buong paligid at pare-pareho silang nakaabang.

"Ano'ng nangyayari?" Inagaw ni Ares ang walkie-talkie mula kay Martin.

"May nakatutok na baril sa ulo ni Jakob," sabi ng nasa kabilang linya. "Nakaluhod siya sa harapan ng lalaking may hawak na golf club—" Tumigil ito sa pagsasalita at narinig nila ang singhap. "Hinampas siya ng golf club sa tagiliran at sa balikat . . . pati sa likuran."

Patuloy nilang pinakinggan ang sinasabi ng head ranger ni Martin tungkol sa kung ano ang kasalukuyang nakikita nito. Kung paano binugbog si Jakob at kung paano basta na lang iniwang mag-isa sa madilim na kalsada. Kinuha pa ang motor, ganoon din ang T-shirt na suot nito na malamang ay ipakikita naman kay Anya.

Balak nilang sumunod, pero hindi na nagawa dahil mismong team na ni Martin ang kumuha at nag-uwi kay Jakob. Naghintay sila sa labas ng headquarters hanggang sa huminto ang pamilyar na sasakyan ng grupo ni Martin.

Bumaba ang apat na kalalakihan ngunit nanatili si Jakob sa loob ng sasakyan. Nakayuko lang ito at mukhang walang planong bumaba kaya sinundo ni Ares na ikinagulat ang sitwasyon ng kaibigan. Inalalayan niya itong bumaba ng sasakyan. Sumunod naman sa kaniya.

Lahat ng taong nasa labas ng headquarters ay nagulat sa sitwasyon ni Jakob. Wala itong pang-itaas kaya nakita nila ang mga sugat at pasang natamo dahil sa paghampas ng golf club. Puro dugo ang mukha nito dahil pagkakabugbog. Putok ang kilay, maga at naniningkit ang kaliwang mata dahil sa pagkakahampas, at nangingitim ang pisngi. Putok din ang labi nito at dumudugo pa ang ilong.

Nakayuko si Jakob nang bigla itong lumuhod. "T-Tulungan n'yo naman ako."

Walang nagsalita kahit na ang mga kaibigan ni Jakob. Nasa pinto ng HQ sina Austin at Nicholas habang nakatingin kay Jakob. Kararating lang din nila galing sa labas nang malamang lumabas si Jakob ng Escarra.

Nakakuyom ang dalawang kamao ni Jakob habang nakapatong sa sariling hita. Nakayuko ito habang bumubulong at ikinagulat nila nang bigla itong humagulhol habang isa-isang nakatingin sa kanila.

"Please," Jakob murmured and tears fell on each side of his face. "Tulungan n'yo ako. Nakikiusap ako sa inyong lahat ngayon. Ibalik n'yo si Anya rito. P-Please. G-Gagawin ko kahit ano, ibibigay ko kahit ano . . . ibalik niyo lang siya sa 'kin."

Nagkatinginan ang lahat dahil napakalayo ng Jakob na ito sa kilala nila. Panay ang hagulhol nito at nakayukong sumalampak sa sahig na para bang walang pakialam kung lahat ng tao nakatingin. Panay ang pakiusap nito sa kanila nang bigla na lang itong bumagsak at kinapa ang dart sa tagiliran.

Sabay-sabay nag-angat ng baril ang lahat nang marinig nila ang mahinang pagtawa ng babae.

"Chill. Tranq lang 'yan para makatulog na," sabi ng babaeng papalapit kay Jakob at basta na lang tinanggal ang dart. "Nakakairita na kasi 'yung iyak? Hindi bagay."

"Stand down," utos ni commander. Ipinatawag na rin nito ang mga nasa infirmary para dalhin doon si Jakob. Inutos na linisin ang mga sugat at lagyan ng IV fluids dahil sigurado siyang aabutin nang ilang araw bago ito magigising.

"How many days?" Tristan asked.

The woman squinted and gazed at Ares, asking. "So? Kayo may gawa nito. Ilang araw?"

"Three days max. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan," sabi ni Ares.

Mahinang natawa si Ice. "Ano, panonoorin n'yo lang siyang ganiyan? Sabi ni commander ni hindi pa natutulog at hindi pa kumakain. Papatayin n'yo rin ba?"

"Ilang beses na namin siyang sinab—"

Ice tsked. "Knowing Jakob, makikinig ba talaga sa inyo 'yan? Para naman kayong mga hindi kaibigan. Ang tagal n'yo nang magkakasama, tingin n'yo makikinig 'yan? Kung hindi n'yo pa 'yan patutulugin, luluwa na lang mata niyan."

Bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila, tinalikuran na sila ni Ice at naglakad papunta sa daan ng infirmary. Tahimik na sumunod ang magkakaibigan. Isa-isa namang inutusan ni commander ang mga ranger na bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho. Lumapit na rin ang mga tauhan mismo ni Ice kay Commander Alfred para makipag-usap.

Sa infirmary, panay ang tanong ni Ice tungkol sa nangyayari.

"Almost two weeks and no leads? Walang hinihingi? Hindi kidnap for ransom?" Ipinagkrus ni Ice ang dalawang braso. "Ano'ng gusto ng mga tanga? Makipag-hide and seek tayo? Sino ba ang kumuha nang magilitan na?"

Mahinang natawa si Ares. "Member ng Beta Team. Kinaibigan daw si Anya 'tapos noong makuha na ang tiwala, ayon."

"Wow, mapagsamantala ang putangina. Huwag lang niyang hilingin na ako ang makaharap niya dahil babalatan ko 'yung mukha niya tapos ipakakain ko sa kaniya," sabi ni Ice.

"Tangina ang brutal," nandidiring sabi ni Ares. "Magagalit si Jakob sa 'yo lalo sa ginawa mo sa kaniya. Ayaw niyang matulog. Team puyat kami nitong mga nakaraan, pero siya literal na team walang tulog. Lagot ka paggising niya dahil baka bago mo pa mapakain sa kidnapper ni Anya 'yung balat ng mukha niya, ikaw na muna ang babalatan nang buhay ni Jakob."

Umirap si Ice na ikinatawa nilang tatlo.

And Ice wasn't kidding when Ares said three days because it literally took three days before Jakob woke up. Kita ang pagtataka at panghihina sa mukha nito nang magising. Ininda rin ang mga bugbog na natamo at akmang aalisin ang mga nakaturok sa katawan nang pigilan ni Ice gamit din ang golf club na hawak nito.

"Subukan mong alisin 'yan, ihahampas ko ulit 'to sa bungo mo 'tapos matutulog ka ulit nang matagal," pagbabanta ni Ice. "Hi, Jakob."

Nakatayo lang si Ares sa pintuan at nakatingin sa dalawa.

"Ano'ng ginawa mo?" Mababa ang boses ni Jakob ngunit may diin. "Bakit ako nandito? May dumating bang bagong kahon? Ilang araw na 'kong nandito?"

"Relax." Mahinang natawa si Ice. "Nandito ka kasi binaril kita ng tranq kasi ang pangit mong umiyak. Nandito ka kasi ang dami mong bugbog. Weak. Walang dumating na kahon at tatlong araw ka nang nandito. Magiging six days kapag hindi ka tumino."

Malalim na huminga si Jakob. "What the fuck are you doing here? Umalis ka na dahil baka mapatay kita sa ginawa mo."

"Grabe naman sa mapatay? Parang walang pinagsamahan? For the record, mahal na mahal mo ako." Ngumisi si Ice. "Bago dumating si Anya sa buhay mo, ako ang babaeng mahal mo kaya mag-thank you ka."

Jakob scoffed and rested his arm above his forehead. Ares was just watching. It was really entertaining to watch Ice taunt Jakob.

"Nagpadala ako ng mga tauhan kong puwedeng tumulong sa 'yo. Uso naman kasing humingi ng help?" Ice smiled sweetly and blinked multiple times as if trying to be cute. "Right?"

"Shut up," Jakob murmured.

"Sige, ngayon ka pa maging ganiyan." Tumayo si Ice. "Wala kang karapatang tumanggi sa ngayon kung gusto mong maiuwi pa ang asawa mo. Nakausap ko ang mga delivery guy nila at kahit ako, natatakot for you. Ayaw kong dumating ang araw na ulo na ng asawa mo ang ibalik sa 'yo."

"Ice!" paninita ni Ares. "What the fuck?"

Ice snorted. "Reality check." She gazed at Jakob. "Okay lang naman siguro sa 'yong sa bahay mo muna ako tutuloy habang nandito ako, right? Wala kang magagawa."

Nanatiling nakapikit si Jakob kahit na narinig na niya ang pagsara ng pinto. Naiwan sa loob ng kuwarto si Ares na lumapit sa kaniya. Itinanong nito kung ano ang nararamdaman niya, pero hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakapikit habang nakapatong pa rin ang sariling braso sa noo niya.

"Sa tatlong araw, wala kaming nakita. Hindi na rin namin alam kung saan pa kami maghahanap. Iyan ang totoo. Malakas ang ulan kahapon kaya hindi kami makalabas. Kumuha na rin ako ng report galing kay Tristan, pero halos lahat ng abandoned building sa city, wala. We'll search more," Ares said.

Jakob couldn't help it and he sobbed. Sa ilang araw na wala siyang balita kay Anya, parang sasabog ang ulo niya. Wala siyang idea kung buhay pa ba ang asawa niya, kung maayos ba ang mag-ina niya, at kung makikita pa ba niya ang mga ito pagkatapos ng pambubugbog sa kaniya.

"Where's—"

"Here." Ibinigay ni Ares sa kaniya ang bracelet ni Anya na ibinigay ng lalaking humampas sa kaniya ng golf club. "Magpagaling ka na at magpahinga muna. Lalabas tayo soon. Dumating na 'yung truck galing kay Tristan. Mas marami na tayong makalalabas nang sabay-sabay."

Humigpit ang hawak ni Jakob sa bracelet ni Anya at nilingon si Ares. "Tinanong ko sila kung ano ang gusto nila. Ibibigay ko lahat . . . lahat, Ares. Kahit ano'ng hilingin nila, ibibigay ko, pero wala silang hinihinging kahit na ano. Hindi ko alam kung bakit . . . kung bakit si Anya. Wala silang hinihingi. Ano ang gagawin ko? Wala akong maisip. Hindi gumagana ang isip ko dahil kahit na ano naman, susubukan kong ibigay sa kanila . . . pero ngayong wala silang gusto, paano ko pa makukuha ang asawa ko?"

Tahimik na nakatingin si Ares sa kaniya.

"Paano ko pa makukuha ang mag-ina ko kung wala silang kapalit?"


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys