Chapter 60

Nagising si Anya at naramdaman ang pagguhit ng sakit sa bandang noo niya. Hinaplos niya iyon at ikinagulat na mayroong pulang likido sa kamay niya. Pilit niyang inalala ang nangyari. Si Marjorie ang huling kasama niya dahil ipinakikita nito sa kaniya ang sasakyang ginagamit kapag lumalabas sa Escarra.

Maingat na bumangon si Anya kahit na medyo nahihilo pa siya. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan, sa backseat kung saan siya huling nakaupo base sa naalala niya.

Maliwanag pa kaya nakita niya ang labas. Hindi siya sigurado, pero parang nasa isang abandonadong lugar siya. Napalilibutan ito ng mataas na pader na gawa sa yerong nangangalawang na. Nakita rin niyang napalilibutan ng barbwire ang paligid.

Yumuko si Anya at hinaplos ang tiyan. Pilit niyang inalala ang nangyari. Naalala niyang kausap niya si Marjorie at pinag-uusapan nila ang sasakyan. Pareho silang nasa loob, nakaupo sa backseat nang hampasin nito nang matigas na bagay ang noo niya. Dalawang beses dahilan para mawalan siya ng malay.

Nanatili siyang nakayuko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Patagilid niyang nilingon ang taong mahinang natawa at pamilyar sa kaniya ang boses.

"Gising ka na pala." Ngumiti si Marjorie. "Tara?"

Bago pa man makasagot, sapilitan siyang hinila ni Marjorie. Inalis nito ang suot niyang tsinelas at basta na lang iyon itinapon kung saan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Ramdam niya ang diin at alam niyang mangingitim iyon kahit na hindi siya pasain.

"Marjorie, sandali," mahinang sambit ni Anya na nagpatigil kay Marjorie sa paghila sa kaniya. "Susunod ako sa 'yo. Maglalakad ako. Huwag mo akong hilahin kasi susunod naman ako. H-Hindi ako pipiglas."

Tumaas ang kilay ni Marjorie, malayo sa pagkakakilala niya rito na palaging nakangiti at maamo ang mukha. Ang Marjorie na kaharap niya ay nakasuot ng simpleng puting sando at maikling ripped shorts. Iba ang pagtitig nito sa kaniya dahil para itong galit at hindi niya alam kung bakit.

Ngunit hindi ito nakinig. Mas naging marahas pa ang paghila nito sa kaniya. Awtomatiko naman siyang humawak sa ibabang parte ng tiyan niya. Hindi naman iyon sumakit, pero parang gusto niyang protektahan ang anak niya.

Tumingala si Anya. Tirik pa rin ang araw, pero may sign palubog na rin ito dahil hapon na. Wala siyang ideya kung anong oras na, pero alam niyang sandali na lang ay magdidilim na.

Pumasok sila sa building na may limang palapag. Madilim sa loob, pero may mga taong lumingon nang makita siya. Naningkit ang mga mata ng mga kalalakihan na nakatingin sa tiyan niya.

"Nasaan tayo?" bulong ni Anya kay Marjorie. "Ano ba ang nangyayari? B-Bakit mo ako dinala rito?"

Walang naging sagot. Nagpatuloy si Marjorie sa paghila sa kaniya at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Bukod pa roon, iniinda niya ang sakit ng ulo at ang malagkit na pisngi niya dahil siguro sa dugong dumaloy sa mukha niya.

Sa bawat floor, naririnig ni Anya ang mga nag-uusap. Halo-halong boses, mapababae o lalaki. Nagtatawanan, nagsisigawan, nagkukuwentuhan, hindi niya alam.

Huminto sila sa rooftop. Ramdam ni Anya ang hingal dahil hindi naman siya sanay umakyat nang ganoon kataas. Muli niyang ipinalibot ang tingin sa lugar. Exposed sa itaas, pero mayroong mga cubicle na walang pinto. Sa bawat isa, mayroong mga lalaking nakaupo. Nakatali ang mga ito at mga nakahubad.

"Marjorie?" pagkuha ni Anya sa atensyon nito. "A-Ano'ng nangyayari?"

Patagilid siyang nilingon ni Marjorie. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Walang reaksyon ang mukha at malayo sa kaibigan niyang nakikipagtawanan at nakikipag-usap nang maayos sa kaniya.

The Marjorie in front of her looked mad and ready to kill her anytime.

Hindi niya ito inalisan ng tingin hanggang sa may lumapit sa kanilang tatlong lalaki. Kaagad na lumapit kay Marjorie ang isa at ipinalibot ang braso sa balikat ng dalaga kasabay ng paghalik sa gilid ng noo.

Tiningnan siya ng lalaking iyon mula ulo hanggang paa bago ngumisi. "Kaya naman pala patay na patay ang boss mo." Mahina itong natawa.

"Bakit?" Masamang tumingin si Marjorie sa lalaking nasa harapan niya. "Nagagandahan ka rin sa kaniya?"

Tumaas ang dalawang balikat ng lalaki. "Magsisinungaling ako kung hindi at kung magagalit ka, wala akong magagawa." Hinalikan nito ang pisngi ni Marjorie. "Ano'ng balak mo sa kaniya? Papatayin mo na ba kaagad?"

Walang sinabing kahit na ano si Marjorie. Nakatingin lang ito sa kaniya, nakapamulsa ang isang kamay habang nakapalibot ang isang braso sa baywang ng lalaking nasa harapan niya.

"Spike, ready na 'yung isang cellar," sabi ng isang lalaking lumapit sa kanila. "Ito ba 'yung asawa ni Escarra? 'Tangina." Nilingon nito si Marjorie. "Puwede ba 'to?"

Masamang tumingin si Marjorie sa lalaki na kaagad umatras. "Akin na 'yang kutsilyo mo. Matalim ba?"

Inilabas ng lalaki ang kutsilyo nitong nasa tagiliran at inabot kay Marjorie. "Bagong hasa."

Mahinang natawa ang lalaking nakaakbay kay Marjorie. "Lalabas muna kami sandali. Iiwanan muna kita rito. Babalik kami kaagad."

Humarap ang lalaki kay Anya. Ikinagulat niyang lumapit ito sa kaniya, hinawakan ang mukha niya, at hinaplos ang baba niya galit ang hinlalaki. Nakangiti ito. Nakalolokong ngiti bago patagilid na nilingon si Marjorie na mas lalong sumama ang tingin sa kaniya. Paatras namang lumayo sa kaniya ang lalaki at lumapit kay Marjorie.

Anya heard the man chuckle and hugged Marjorie. "Niloloko lang kita. Mag-enjoy ka. Alis muna ako." Then winked at her.

Nanatiling nakatayo si Anya habang nakatingin kay Marjorie. Marami siyang gustong itanong, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Mabilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siya, hindi na para sa sarili niya kung hindi sa anak niya. Iba rin ang tingin sa kaniya ng mga lalaking nasa rooftop. Panay ang titig ng mga ito sa kaniya mula ulo hanggang paa, paulit-ulit.

"Sumunod ka sa 'kin," utos ni Marjorie na basta na lang tumalikod at naglakad papunta sa kaliwa. "Bilisan mong maglakad kung ayaw mong kaladkarin kita rito, Anya."

Naramdaman ni Anya ang panginginig ng tuhod dahil hindi siya makagalaw. Ni isang hakbang hindi niya magawa. Gustuhin man niyang sumunod kay Marjorie, hindi niya alam kung bakit para siyang napako sa kinatatayuan niya.

Tumigil sa paglakad si Marjorie at humarap sa kaniya. Kinamot nito ang sariling ulo at halatang iritable sa kaniya. Tinawag nito ang isang lalaking bantay na lumapit sa kanila.

"Ayaw pa kitang saktan ngayon, pero naiirita ako sa 'yo lalo. Hindi ka prinsesa rito, Anya, kaya kapag sinabi kong sumunod ka, susunod ka. Wala ka sa Escarra. Wala ka sa lungga mo, walang Jakob na poprotekta sa 'yo, walang mga taong handang mamamatay para sa 'yo. Kaya please lang, wala kang karapatang umarte rito."

Bago pa man makahakbang si Anya, naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ng lalaki sa braso niya pati sa likuran niya pababa sa baywang. Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong unti-unting bumaba ang hawak sa ibabaw ng pang-upo niya, pero iyon ang nararamdaman niya.

Nadaanan nila ang mga cellar na mayroong mga lalaking nakahubo't hubad. Ikinagulat niya nang mag-angat ng tingin ang isa dahil wala ang kaliwang mata nito. Nakatingin ito sa kaniya, mukhang nangungusap, pero hindi rin magawang magsalita.

Hindi alam ni Anya kung ano ang mayroon sa lugar na ito, pero pilit niyang pinatatag ang loob dahil alam niyang hahanapin siya ni Jakob.

Dinala siya ng lalaki kay Marjorie na huminto sa isang bakanteng cellar. Nakaupo ito sa concrete at inutusan siyang sumalampak sa sahig.

"Anya, isang salita lang, ha? Huwag mo akong lalong inisin dahil nanggigigil na 'ko sa 'yo," seryosong sabi ni Marjorie. Humarap ito sa lalaki. "Hanapan mo 'ko ng box. Bilisan mo."

Nanatiling nakatayo si Anya nang bigla na lang itutok ni Marjorie ang dulo ng matalim na kutsilyo sa tiyan niya. Hinila nito ang damit niya at basta na lang iyon hiniwa habang nakatitig sa kaniya. Walang reaksyon ang mukha, walang kahit na anong salita.

"Sinabi kong sumalampak ka. 'Di ba, 'yan ang paborito mo sa tuwing nagkukuwentuhan tayo?" Ngumisi si Marjorie. "Ngayon, gawin mo kung ayaw mong isaksak ko 'tong kutsilyong 'to diyan sa tiyan mo."

Sira na ang dress niya. Mula sa tiyan hanggang sa dulo, punit na.

Sinunod niya si Marjorie. Maingat siyang sumalampak sa sahig habang nasa likuran niya ito. Maingat nitong tinanggal ang pagkakatirintas ng buhok niya tulad noon. Maingat nitong sinuklay ng sariling mga daliri ang anit niya hanggang sa bigla nitong hilahin ang buhok niya.

Napaigik si Anya sa sakit. "Bakit? A-Ano'ng ginawa ko sa 'yo?"

"Wala naman. Mabait ka naman. Okay ka namang kaibigan. Okay ka namang pakisamahan, pero naiirita ako sa 'yo," sabi ni Marjorie na muling sinuklay ng mga daliri ang buhok niya. "Nakakairita na wala ka namang ginagawa, pero bakit lahat nasa sa 'yo?"

Muling napaigik si Anya nang biglang hilahin ni Marjorie ang buhok niya. Naramdaman niya mismo na mayroong mga nabunot mula sa anit niya dahil sa lakas ng puwersa. Walang siyang naging sagot sa sinabi ni Marjorie dahil siya mismo, napaisip kung mayroon ba siyang ginawang masama para ganituhin siya.

"Naiinis ako na bakit ikaw ang priority? Sobrang dami namin sa Escarra, bakit ikaw lang ang mahalaga roon? Bakit kailangan naming magsakripisyo para sa 'yo? Bakit kailangan naming ibuwis ang buhay namin para makuha ang kailangan mo?" sabi ni Marjorie.

Ikinagulat ni Anya nang maramdaman at marinig ang pagkakaputol ng buhok niya gamit ang kutsilyong hawak ni Marjorie. Sunod-sunod ang pagputol nito sa buhok niya gamit iyon hanggang sa bumagsak na ang ilang hibla sa hawakan niya . . . sa kamay niya.

"What makes your life more important than others? Than us?" Hinila ni Marjorie ang buhok niya at basta na lang pinutol gamit ang kutsilyo. "Gutom na gutom ka sa atensyon. Uhaw na uhaw ka. Gusto mo sa 'yo lahat. Ang sarap ng buhay mo, 'no? Hindi mo kailangang magtrabaho, hindi mo kailangang kumilos, hindi mo kailangang maghirap. Bubukaka ka lang, okay ka na?"

Napalunok si Anya nang maramdaman ang sakit sa bandang tainga niya nang dumampi roon ang dulo ng kutsilyo.

"Ang sarap ng buhay mong natutulog lang. Ang kapal ng mukha mong magbuntis sa panahong 'to tapos kami ang kikilos para sa 'yo? Again, what makes your life more valuable than us? Nasaktan ka sa pag-iwan kay Nicholas? Ang sabihin mo," Hinila ni Marjorie ang buhok niya, "ginusto mo rin naman. Hindi ka na magtatrabaho, hindi ka na mahihirapan. You know what, karma mo 'tong nangyayari sa 'yo ngayon. Sa pagiging makasarili mo, karma mo 'to. Sa pagiging paimportante mo, karma mo 'to. Ibinibigay ko ngayon ang karma mo . . . pati ng asawa mo."

Nakayuko si Anya habang nakatingin sa mga buhok niyang nagkalat sa sahig. Tumulo ang luha niya hindi dahil sa buhok na nawala niya kung hindi dahil sa sakit ng dibdib niya dahil ang mismong nananakit sa kaniya sa likuran ay ang taong pinagkatiwalaan niya.

Anya knew she wasn't perfect. She knew she had bad decisions and said some things, pero hindi niya inasahan na ang taong pinagkatiwalaan niya ang mananakit sa kaniya ngayon.

She shared a lot of things to Marjorie. Nagkamali ba siya roon? Nagtiwala siya dahil akala niya ito na, may kaibigan na siya. Ngunit sa bawat paghila ni Marjorie sa buhok niya, sa bawat pagputol, at sa bawat salitang binitiwan nito, parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya.

Kusang tumigil ang pagtulo ng luha niya. Naririnig niya pa rin ang mga hinaing ni Marjorie, pero wala siyang sagot sa mga sinasabi nito. Masakit dahil para siyang sinasaksak, pero wala siyang mailuha.

Alam ni Marjorie ang naging struggle niya pagkatapos ng mga nangyari dahil naging kaibigan ito sa kaniya. Nakita niya ang suporta, narinig niya mula rito ang mga salitang kailangan niya, naramdaman niya na mahalaga siya, pero hindi niya inasahan ito.

May mga pagdududa dahil normal naman sa taong magduda, pero isinantabi iyon ni Anya dahil alam naman niyang hindi lahat ng tao, mayroong masamang intensyon.

Marjorie also knew how much she loved her hair, how it made her feel beautiful and confident. Sinabi niya na sa tuwing maayos ang buhok niya, kaya niyang humarap sa iba. Sinabi niya na sa tuwing maayos ang buhok niya, nawawala ang nakaraang sakit na naranasan niya.

But Marjorie didn't seem to mind ruining what she had grown and took care of. Parang tuwang-tuwa pa itong sinisira at natutuwa na nawala na sa kaniya ang bagay na minahal niya.

Nag-angat ng tingin si Anya nang maramdamang tapos na si Marjorie sa ginagawang pagputol ng buhok niya. Namanhid bigla ang dibdib ni Anya. Hindi na rin siya magugulat kung bigla na lang isaksak ni Marjorie ang matalim na kutsilyo sa likuran niya. Hindi na siya magtataka dahil na rin sa mga galit na sinabi nito sa kaniya.

Sa ilang buwan, maayos sila . . . biro lang pala lahat.

Nanatiling nakaupo si Anya nang tawagin ni Marjorie ang isang tauhang lalaki. Pinapulot nito lahat ng buhok na pinutol sa kaniya bago sinira ang damit niya mula sa likuran at ibinato sa lalaki.

Anya was naked and the man in front of her squinted while staring at her exposed body. She was still wearing her underwear, but she felt naked. Her head felt lighter because her long hair was taken . . . her body was exposed . . . she was defenseless.

Marahas na hinila ni Marjorie ang kamay niya at basta iyon tinalian. Magkabilang kamay niya, nakatali sa concrete chair na inuupan nito kanina, ganoon din ang paa niya.

Hindi na siya nagsalita o nag-react. Nakatitig na lang siya sa kawalan dahil sa harapan niya, nandoon ang dulo ng rooftop. Bukas na bukas kaya nararamdaman niya ang init ng araw, ganoon din ang mainit na singaw ng hangin.

"Ipadadala ko 'to sa asawa mo." Ngumisi si Marjorie sa kaniya.

"H-Huwag," pagpigil ni Anya.

Mahinang natawa si Marjorie. "Umpisa pa lang 'to ng mga regalo, Anya. Hindi niya birthday, hindi rin naman Pasko, pero good luck sa mga regalong matatanggap ng asawa mo. Umpisahan natin sa buhok mo."



PUMASOK sina Ares, Matin, at Tristan sa headquarters. Sinalubong sila ni Commander Alfred at itinuro nito si Jakob na nakasalampak sa sahig, diretso ang mga paa habang nakasandal sa pader at nakatitig sa kung saan.

Nagkatinginan silang magkakaibigan. Bumiyahe kaagad sila nang malaman ang nangyari.

Nagpadala si Tristan ng mga tao at karagdagang armas. Nagpadala rin ng mga ranger sina Ares at Martin para tumulong sa paghahanap. Inasahan nilang hindi nila makakausap si Jakob dahil malamang na nagpaplano ito para sa paghahanap, pero hindi nila inasahang halos hindi ito makausap.

Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas, pero wala pa rin silang leads. Walang dumarating na kahit na ano. Naghihintay sila dahil kung kailangan ng ransom, ibibigay ni Jakob.

"Jakob, kumain ka na ba?" tanong ni Ares.

Tumingin sa kaniya si Jakob, pero hindi ito nagsalita. Nilingon nila si commander na umiling. Nabanggit din nito na hindi pa ito natutulog. Buong maghapon at magdamag itong nagpaplano kung ano ang gagawin, kung saan maghahanap, at kung sino ang kauusapin.

Hindi nila alam kung saan magsisimula dahil kahit na anong clue, walang ibinigay. Hindi na rin nakita ang babaeng kasama raw ni Anya kaya malakas ang pakiramdam nila na isa ito sa inutusan. Walang kaaway si Jakob, pero aware sila na target silang lahat dahil sa kung ano ang mayroon sila.

Hindi lang nila inasahang si Anya.

Lahat ng ranger sa headquarters ay kaniya-kaniyang nag-uusap tungkol rotation. Nagkakatinginan sina Nicholas at Austin dahil sila mismo, nag-usap na lalabas sila ng Escarra para maghanap. Hindi na sila nakatutulog at hindi sila napapakali.

Austin and Nicholas planned to go out soon.

Nilingon ni Nicholas si Jakob. Nanatili pa rin ito sa posisyong nakasandal sa pader, nakasalampak sa sahig, at nakapikit. Hawak nito ang mapa na mayroong marka kung saan sila nagpunta at saan pa magpupunta.

At ang Jakob na kasama nila ngayon sa loob ng quarters ay malayo sa boss na kilala nilang lahat. Malayo ang matang matapang na nakatingin sa kanila dahil sa pagkakataong ito, malamlam ang mga mata nitong nakikiusap sa kanilang hanapin si Anya.

Ang dating boses na puno ng awtoridad ay kalmadong nagsasalita, at ang dating hindi yumuyuko ay halos hindi na tumitingin sa kanila.

Nagtakbuhan ang lahat nang marinig nila ang paghinto ng sasakyan sa harapan ng headquarters ngunit nanatiling nakaupo si Jakob sa sahig at patagilid na nakatingin sa pinto. Tatayo sana ito ngunit kaagad na huminto nang makita ang mga ranger na mayroong kasamang lalaki na iisa lang ang mata. Marumi ang damit na suot, nadudugo ang paa na malamang ay dahil sa paglakad . . . at mayroong dalang kahon.

Tumayo si Jakob at kaagad na lumapit sa lalaki. Kinuha nito ang kahon.

"Pinabibigay nila." Mababa ang boses ng lalaki. Pinilit nitong lumunok. Kita nila ang pamumutla at pagbabalat ng labi nito. "A-Asawa mo ba 'yung buntis?"

Hindi sumagot si Jakob na nanatiling nakatitig sa lalaki.

"Iligtas mo," sabi ng lalaki. Halos wala itong lakas para magsalita. "Hangga't kaya mo, iligtas mo."

"Alam mo ba kung paano magpunta roon?" tanong ni Jakob.

Umiling ang lalaki. "Gustuhin ko mang alamin, pero wala talaga. Hindi ko alam kung paano. Nakapiring ako habang papunta rito, naka-earphones na malakas ang volume, habang nakasakay sa sasakyan na parang hindi humihinto. Binaba nila ako. Sinabi nilang sundan ko ang mapa . . . dito ako napunta."

Yumuko si Jakob at nakatingin sa kahong hawak nito. Nakatingin lahat ng nasa headquarters. Naghihintay rin kung ano ang laman.

Binuksan ni Jakob ang kahon at ikinagulat nilang lahat nang bigla itong lumuhod at yumuko. Bumagsak mula sa kamay nito ang kahon na mayroong lamang manikang sanggol na puro dugo at nakahiwalay ang ulo sa katawan.

Nakasulat sa loob ng karton ang mga salitang, "Sa susunod, totoo na."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys