Chapter 59

Hindi masyadong maganda ang pakiramdam ni Anya kaya naman mas minabuti niyang mag-stay sa loob ng bahay. Nasa sala siya at nakahiga sa sofa habang nagbabasa ng libro. Ikatlong araw na ito kaya naman nag-aalala rin si Jakob sa kaniya.

Mabilis siyang nakatatapos ng libro nitong mga nakaraan dahil wala siyang ginagawa. Mas madalas siyang inaantok at natutulog.

"Miss Anya?" Sumilip si Erick sa sala. "Nasa labas po sina Nicholas, Austin, Mary, at Celine. Puwede raw po ba silang pumasok? May dala silang mga pagkain?"

Maingat na bumangon si Anya at tumango. "Sige lang. Papunthin mo na lang sila rito sa sala. Thank you."

Tumango si Erick at nagpaalam. Inayos ni Anya ang sarili. Nakabagsak ang mahabang buhok niya. Sinuklay lang iyon gamit ang sariling mga daliri para magmukha naman siyang disente sa harapan ng mga ito.

Naunang sumilip si Austin. Ipinakita nito sa kaniya ang lalagyan na may lamang mga prutas. "Hello! Sure ka bang okay lang na nandito kami?"

"Oo naman. Sabi ko naman sa inyo, punta lang kayo rito anytime para may kausap din ako." Ngumiti si Anya. "Tara dito. Umuulan pa ba?"

"Medyo," sagot ni Austin na basta na lang sumalampak sa carpet. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti si Anya at tumango. "Oo, medyo mabigat pa rin. Hindi naman ako nilalagnat sabi ng doctor, pero dahil siguro sa sipon ko. Water therapy lang ako. Ayaw ko rin kasing uminom ng gamot."

Naupo naman si Mary sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya na para bang pinakikiramdaman kung mainit ba siya o ano. Sumunod na pumasok sa living room sina Nicholas at Celine. Medyo naiilang pa rin si Celine sa kaniya at naiintindihan niya iyon.

Panay ang kumusta ng mga ito sa kaniya. Simula rin kasi nang magkabati sila ni Austin, napadadalas ang lunch out niya kasama ang mga ito. Minsan niya rin itong iniimbitahan sa bahay ni Jakob para doon kumain.

Kinumusta ni Anya ang trabaho ng mga ito, pero muling bumalik ang topic sa pagbubuntis niya dahil interesado si Austin. Nag-aalala rin kasi ito sa kaniya kaya panay ang tanong kung komportable ba siya.

"Excited na 'ko, pero kinakabahan din. Nabasa ko kasi na masakit ang manganak, pero kaya ko naman siguro." Naningkit ang mga mata ni Anya habang nakangiti. "Alam kong kaya ko, pero siyempre hindi pa rin natin alam kung ano ang mangyayari."

Namayani ang katahimikan dahil sa sinabi ni Anya. Nakatitig sa kaniya sina Austin at Nicholas. Yumuko naman si Celine. Ngumiti naman si Mary. Palaging positive ang aura nito kapag kasama siya.

"Magagaling ang mga doctor galing Olympus," sabi ni Mary. "Lahat sila kinakabahan, pero nagbabasa talaga sila. Iyon ang napansin ko sa kanila. At saka hindi ka namin pababayaan."

Napatitig si Anya kay Mary dahil sa sinabi nito. It felt like an assurance that she was in the right hands and that she would be okay. Not sure if it was the hormones, but Anya started sobbing . . . again. Nag-panic pa si Mary dahil pinaiyak niya ang buntis, pero sa huli, pare-pareho silang natawa.

Walang trabaho ang mga ito kaya pinuntahan siya. Busy naman si Jakob sa sariling trabaho kaya wala siyang kasama. Hindi naman ito nagkukulang sa kaniya dahil pagkatapos ng trabaho, uuwi na ito sa kaniya. Sabay pa rin naman silang kumakain ng almusal, tanghalian, at hapunan.

"Mga damit ni baby, nakapagpatahi ka na?" tanong ni Celine. "Ano pala ang gusto mo, girl o boy?"

"Actually, kahit ano, e," sabi niya bago sumubo ng melong mayroong gatas na palaging ibinibigay sa kaniya ni Celine. "Wala naman akong preference sa gender. Ang mahalaga sa 'kin, healthy siya paglabas. Iyon lang."

Nag-agree ang apat sa kaniya. Excited ang mga ito. Nagsabi si Austin na siya na ang official tito at ninong. Napag-usapan din na balak ng mga itong magpunta sa mga abandonadong malls para maghanap ng mga gamit para sa baby.

At kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ni Anya dahil may nakakausap siya. Sandali niyang nakalimutan ang sama ng pakiramdam niya dahil na rin wala silang tigil katatawa.

Kinabukasan naman, maagang nagpaalam si Jakob sa kaniya dahil mayroon daw itong kailangang puntahan. Sinabihan na siya na posibleng gabi na ito makauuwi. Napadadalas iyon nitong mga nakaraan, pero naiintindihan niya.

Jakob wanted to finish his projects very soon to focus on her and the baby. Humingi naman ito ng pasensya, pero mas mabuti na iyon para sa mga susunod na buwan na mas kailangan niya ng kasama, hindi na aalis si Jakob sa tabi niya.

Suminghot si Anya nang maramdaman ang pagtulo ng sipon. Medyo gumagaan na rin ang pakiramdam niya kaya naisipan niyang maglakad at magpaaraw hangga't maaga pa. Wala na ring ulan hindi katulad kahapon na malakas ang buhos nito.

Dahil nga maagang umalis si Jakob, sina Austin ang nakasama niyang mag-almusal sa pantry. Marami siyang nakain dahil nadaan ang lahat sa kuwento. Nagpaalam ang mga ito nang muling tumunog ang siren para magsimula na sa trabaho. Samantalang naiwan si Anya sa pantry para lang magbasa ng libro.

Ayaw niyang mag-stay sa bahay dahil baka kung ano na naman ang maramdaman niya.

"Anya?" Malapad na ngumiti si Marjorie.

"Marjorie!" Anya happily exclaimed. "Hello! Akala ko nasa labas ka ulit, e."

Umiling si Marjorie at naupo sa tabi niya. "Mamayang hapon pa. Okay ka na ba? Kinain mo ba 'yung sopas na dinala ko kahapon? Sorry, hindi na 'ko nagtagal, ha? May mga pinagawa kasi kahapon, e."

"Walang problema. Lumabas ba kayo kahapon?" tanong ni Anya. "Kumusta pala sa labas?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Marjorie. "Ganoon pa rin naman. Worse pa nitong mga nakaraan kasi parang nagkakagulo. Nagkakaroon ng mga riot sa labas. Sumusugod sila sa mga grupo kaya 'yun ang tinatrabaho nina boss."

"Oo nga, e. Sobrang busy rin talaga siya lately. Halos hindi na 'yun natutulog." Huminga nang malalim si Anya. "Halos pagod na pagod yata kayo nitong mga nakaraan."

"Wala 'yun. Sanay na rin naman kami sa trabaho, medyo mas naging mahigpit lang recently," sagot ni Marjorie. "Madalas na nasa labas ang Beta at Delta Team. Madalas kaming mag-rounds lately."

Nagsalubong ang kilay ni Anya dahil nalungkot siya. "Basta mag-iingat kayo palagi. Unahin n'yo palagi ang sarili n'yo. Kung alam n'yong magulo at madedehado kayo, walang masama sa pag-atras. Ang mahalaga, makauwi kayong maayos."

"Sana nga, kaso kailangan naming maghigpit ngayon." Ngumiti si Marjorie. "Para walang makapasok dito sa Escarra. Para safe ang buntis!" Humagikgik ito. "Tapos ka na bang kumain? Gusto mo bang maglakad-lakad muna?"

"Ikaw, hindi ka kakain?" tanong ni Anya. "Kain ka muna ng breakfast, saka na tayo maglakad. Punta tayo sa daycare mamaya, gusto mo? Nakapasok ka na ba roon?"

Umiling si Marjorie. "Puwede ba? Hindi ko pa rin nata-try, e."

"Puwede! Ano'ng gusto mong breakfast? Ipaluto natin. Kahit ano." Ngumiti si Anya.

Nakita ni Anya ang gulat sa mukha ni Marjorie dahil sa offer niya. Hindi na rin ito nag-alinlangan. Siya na mismo ang lumapit sa cook ng pantry para sabihin kung ano ang gustong kainin ni Marjorie na para bang siya ang gustong kumain niyon.

Bumalik siya sa lamesa at muli nilang pinag-usapan ang tungkol sa trabaho. Majorie also started braiding her hair again. Maingat ang bawat paghaplos nito sa buhok niya. Ni hindi niya ramdam sa anit ang bawat paghila dahil maingat ito.

Dumating ang pagkain nila at kahit na busog pa, nakikain si Anya kay Marjorie para hindi ito mailang. Sa halos dalawang buwan nilang pagsasama, halos lahat yata ng tungkol sa personal na buhay niya noon, naikuwento na niya.

Anya longed for someone who would listen to her thoughts and would also tell her about hers. A female friend who understood her female struggle and someone who was also looking forward to her pregnancy.

Majorie always cheered her, too. Palagi nitong sinasabi sa kaniya na magiging okay lang ang lahat na nagpapagaan sa loob niya. It felt good and Anya couldn't be happier.

Pagkatapos kumain, inaya siya ni Marjorie na maglakad-lakad. Malaki na rin ang tiyan niya at noong nag-estimate sila ng buwan ni Jakob, sigurado silang nasa limang buwan na ang dinadala niya.

Hindi naman siya nahihirapan sa paglakad dahil hindi rin naman masyadong mabigat ang tiyan niya, pero mas mabuti na ring nag-iingat siya. Hindi siya puwedeng mag-early labor kaya hangga't maaari, maingat na maingat siya . . . lalo si Jakob sa kaniya.

Dress na lang din ang madalas niyang isinusuot dahil komportable iyon para sa kaniya. Tulad ngayon, naisipan niyang isuot ang bagong tahing dress na mayroong spaghetti strap. Hanggang tuhod iyon, pero medyo umaangat sa bandang harapan dahil sa tiyan niya.

Nilingon niya si Marjorie na nakasuot ng T-shirt na puti at cargo pants. Minsan na nitong nabanggit sa kaniya na mahilig din noon mag-dress, pero hindi na puwede ngayon ngunit pinakusapan niya ang mananahi sa Escarra na kung puwede ay tahian ng dresses si Marjorie na puwedeng isuot kapag walang trabaho.

Niregaluhan din niya ito ng sapatos kaya minsan silang nag-dress up sa bahay at isa iyon sa mga paborito niyang ginawa nila.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa headquarters dahil gusto siyang i-tour ni Marjorie. Hindi pa siya totally nakapapasok sa loob kaya sumama siya.

Wala pa naman si Jakob kaya mag-e-enjoy na muna siya.


Nakalubog na ang araw nang makarating si Jakob sa Escarra. Bago umuwi, dumiretso na muna sila ni commander sa armory para isa-isang tingnan ang mga bagong armas na bitbit niya galing kay Tristan. Marami-rami iyon dahil kailangan niyang magdagdag.

Gustuhin man niyang umuwi kay Anya, kailangan muna niyang tapusin ito para makapagpahinga na siya. Naisip niyang kinabukasan, hindi muna siya magtatrabaho para makabawi sa asawa niya.

"Sige na, Jakob," sabi ni commander. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na muna kay Anya. Baka hinahanap ka na rin noon."

Mahinang natawa si Jakob. "Ayos lang, Tito."

"Hindi. Sige na. Alam mo ba noong buntis si Lalaine, kung puwede lang na hindi ako umalis sa tabi niya, ginawa ko," pagkuwento ni commander. "Hindi mo kasi mamamalayan na lumalaki na pala ang tiyan niya hanggang sa magugulat ka na lang, manganganak na siya. I-enjoy n'yong dalawa ang pagbubuntis. Masyado ka na ring overworked nitong mga nakaraan. Kami na rito."

Tumanggi man, pinaalis na siya ni Commander Alfred. Dumaan na rin muna siya sa pantry para kumuha ng dinner nila ni Anya. Hindi siya sigurado kung kumain na ba ito, pero para sigurado at para na rin hindi na nila kailangang lumabas.

Ramdam ni Jakob ang pananakit ng katawan niya dahil maghapon silang nakatayo at halos lahat ng baril na ibinigay ni Tristan sa kaniya, sinubukan niya. The impact and the weight made his body sore.

Habang papalapit siya sa bahay, napansin niyang nakapatay pa ang mga ilaw. Nagsalubong ang kilay niya dahil madilim na at madalas na sa malayo pa lang, nakikita na niyang nakabukas ang ilaw sa sala.

"Good evening, boss," bati ni Lucas.

"Bakit nakapatay ang mga ilaw?" tanong ni Jakob. "Nasa loob na ba si Anya?"

Nagkatinginan ang dalawang ranger na nakabantay sa pinto niya. "Hindi naman po siya lumabas simula nang magpalit ng shift. Wala rin naman pong sinabi sina Erick kanina."

Tumango si Jakob. Pumasok siya sa loob ng bahay. Naramdaman niya ang lamig at katahimikan.

"Anya," pagtawag niya. "Anya? Kumain ka na ba ng dinner?"

Sinilip ni Jakob ang back door para i-check kung nasa fire pit ba si Anya, pero walang tao roon. Nandoon sina Gigi at Lily na kaagad lumapit sa kaniya kaya hinaplos muna niya ang ulo ng dalawa bago ipinalibot ang tingin sa lugar. Nakapatay nga rin ang ilaw at walang apoy. Umakyat siya sa kuwarto nila, pero nakapatay rin ang ilaw at walang tao. Sunod niyang pinuntahan ang library, pero wala rin.

Nagmadaling bumaba si Jakob at lumabas ng bahay. "Wala si Anya rito," sabi niya. "Lucas, puntahan mo sina Ate Rose at Ate Dolores. Itanong mo kung nasaan si Anya. Pupunta lang ako sandali kina Austin."

Walang inaksayang panahon si Jakob. Lakad-takbo siyang nagpunta sa bahay nina Austin at Nicholas. Sigurado siyang nandoon ito. Hindi puwedeng wala dahil wala namang ibang pupuntahan si Anya.

Jakob knocked harshly, calling for Austin and NIcholas' names. Celine opened the door and immediately greeted him.

"Nandito ba si Anya?" tanong niya.

Lumabas mula sa kusina si Nicholas, galing naman sa kuwarto sina Mary at Austin. Pare-parehong nakatingin sa kaniya at mukhang nagtataka.

"Wala siya rito. Kaninang umaga pa ang huling kita namin sa kaniya kasi sabay kaming kumain," sabi ni Austin. "Bakit? Wala sa bahay mo?"

Umiling si Jakob at kaagad na tumakbo papunta sa infirmary. Mayroon siyang nakasasalubong na mga ranger na nagtataka kung bakit. Narinig niya mula sa likuran na mayroon siyang kasunod. Hindi niya iyon nilingon. Dumiretso siya sa infirmary.

"Nandito ba si Anya?" tanong niya kaagad sa nurse na sumalubong sa kaniya.

Sabay-sabay na umiling an tatlong nurse at isang doctor.

"Wala, boss. Hindi naman siya nagpunta rito," sagot ng doctor ni Anya na bakas din ang pagtataka sa mukha.

Nakapameywang na napatitig si Jakob sa lalaking kausap dahil naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso. Mula sa likuran, narinig niya ang boses ni Austin na nakikiusap sa mga ranger ng Escarra na tumulong sa paghahanap kay Anya. Narinig din niya si Nicholas na inulit ang pag-utos. Sumagot si commander, sumagot ang iba pa.

"Boss, si Marjorie daw ang huling kasama ni Anya," sabi ni Austin. "Pinapuntahan ko na sa residence niya."

Tumango si Jakob at lumabas ng infirmary. Nakita niya ang mga ranger na nagtatakbuhan. Naririnig niya mula sa walkie-talkie ni Austin ang mga ranger sa bawat sulok ng Escarra.

"Park, negative."

"Daycare, negative."

"Garage, negative."

"Main office, negative."

Kinuha ni Jakob kay Austin ang walkie-talkie. "Kay Ate Rose at kay Ate Dolores?"

"Boss, Lucas ito. Negative. Huling kita raw nila kay Miss Anya, tanghali."

Mas lalong kumabog ang dibdib ni Jakob.

"Boss, wala si Marjorie sa residence," sabi ng isang ranger mula sa radio.

"Boss, lumabas daw ng Escarra si Marjorie. Alas-tres ng hapon at hanggang ngayon, wala pa ang sasakyan niya," sabi ng isa pa. "Nakita raw siyang kasama si Miss Anya rito sa HQ."

Huminga nang malalim si Jakob at pilit pinakalma ang sarili. Inutusan niyang lumabas ang ilang ranger para tingnan kung makasasalubong ng mga ito ang sasakyang ginamit ni Marjorie. Patuloy pa rin niyang ipinahahanap sa iba si Anya sa loob ng Escarra.

Isang oras, wala silang nakita.

Gustong lumabas ni Jakob para siya mismo ang sasalubong sa sasakyan kung sakali man, pero hindi rin niya magawang lumabas dahil naghihintay siya sa loob ng Escarra. Napaisip siya kung bakit lalabas si Anya kung sakali man.

Alam niyang hindi iyon gagawin ni Anya nang hindi siya kasama.

Panay ang tunog ng walkie-talkie na hawak ni Jakob dahil halos lahat, nare-report sa kaniya. Lahat ng bahay sa loob ng Escarra, natanong na. Halos lahat nasa bahay dahil nag-aalala. Halos lahat ay naghihintay, pero si Jakob mismo, hindi alam kung saan ba siya maghihintay.

Dalawang oras, wala pa rin.

Narinig niya mula sa walkie-talkie na pabalik na ang ilang pinalabas niya. Nanggaling na ang mga ito sa St. Pierre, pero wala rin. Hindi raw nagpunta roon si Marjorie. Kahit anong halughog nila sa buong Escarra, wala si Anya.

Sumandal si Jakob sa pader. Nasa loob siya ng headquarters kasama si commander, ang Alpha Team. Nandoon sina Nicholas, Celine, Austin, at Mary. Pare-pareho silang naghihintay.

"Boss, nandito na ang Delta," sabi ng isang ranger mula sa walkie-talkie. "Meron daw silang nakita sa gitna ng daan. Papasok na po sila sa loob. Sa HQ na raw po didiretso." 

Nagmamadali siyang lumabas ng HQ para salubungin ang nasabing sasakyan. Sumunod sa kaniya ang lahat hanggang sa huminto sa harapan niya ang isang armored car.

Lumabas doon si Joseph, ang leader ng Delta hawak-hawak ang lalaking nakayuko. Nakatali ang mga kamay nito, maruming-marumi, at sira-sira ang damit. Nakapaa rin ito at halos nangingitim ang katawan dahil mukhang hindi nalilinisan.

Kita rin nila ang ilang dugo sa damit nito.

"Sino 'to?" tanong ni Jakob kay Joseph. "Anong meron?"

"Nakita namin siya sa gitna ng daan habang pabalik kami rito. May hawak siyang lampara at hawak niya 'to." Ipinakita ni Joseph ang plywood na may pangalan ni Anya. "Nakasabit sa katawan niya."

TRIGGER WARNING

Lumapit si Jakob at hinila ang damit ng lalaki ngunit ikinagulat niya nang makitang wala itong mga mata. Hindi pa naghihilom ang sugat . . . pero walang mga mata. Nabitiwan niya ito at napaatras.

"I-Inutusan lang akong tumayo," nauutal na sabi ng lalaki. Tumitingala ito at yumuyuko na para bang sinusubukang may maainag. "May kahong pinahawak sa 'kin bukod sa plywood. May kahon."

Ibinigay sa kaniya ng isang tauhan ang kahong sinasabi ng lalaki.

"Wala akong alam. Please, patayin n'yo na lang ako. Hindi ko na kaya. Nakikusap ako sa inyo, hindi ko na kaya," pakiusap ng lalaki na basta na lang lumuhod. "Please. Huwag n'yo na 'kong ibabalik sa kanila. P-Patayin n'yo na lang ako."

Humigpit ang hawak ni Jakob sa kahong hawak habang nakatingin sa lalaki. Kinuha sa kaniya ni commander ang kahon. Mabigat na ang bawat paghinga ni Jakob.

"Narinig kong pinag-uusapan nila kung saan daw ilalagay ang babae. Buntis na babae. Narinig ko kung paano siya sigawan, kung paano siya pagsalitaan," pagpapatuloy ng lalaki. "Jakob? Sino si Jakob."

"Ako," sagot niya.

"Narinig kong sinabi nila ang pangalan mo. Magugusutuhan mo raw ang regalo," sabi nito. "Nasa kahon. Iyon daw ang regalo."

Sa narinig, dali-daling binuksan ni commander ang kahon.

"Jakob."

Patagilid na nilingon ni Jakob si commander. Hawak nito ang dress ni Anya na puro dugo . . . at ang plastic na puro ginupit na buhok.

Sa nakita, parang nakarinig ng static si Jakob. Naririnig niya ang mga sinasabi ng mga nasa paligid niya, ang pag-utos ni commander na kumilos at pumasok sa headquarters, pati na ang paulit-ulit na pagsasalita ng lalaking nasa harapanan niya.

Muli nya itong tiningnan. "Kilala mo ba kung sino ang gumawa niyan sa 'yo? Alam mo ba kung saan ang grupo . . . grupo . . ." hindi matuloy ni Jakob ang sasabihin. "Tangina."

Natahimik ang lahat sa pagsasalita.

"Saan ko makikita ang asawa ko?"

Umiling ang lalaki. "H-Hindi ko alam dahil lahat kaming napunta sa lugar na 'yun, bulag na. Binulag na."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys