Chapter 57

Isang linggo simula nang makilala ni Anya si Marjorie, palagi siyang excited na magpunta sa pantry. Sabay pa rin naman silang kumakain ni Jakob, pero madalas na kaunti lang ang kinakain niya para may rason para kumain ulit siya.

At sa tuwing dadating siya sa pantry, nandoon na si Marjorie na naghihintay sa kaniya. Mabuti na lang din at panghapon ang trabaho nito kaya mayroon silang panahon para magkuwentuhan.

What Anya liked about Marjorie was how she would treat her normally and how they would talk about the past. Halos pareho sila ng interest sa bagay-bagay at napag-usapan nila na kung magkakilala man sila na maayos pa ang lahat, magkakasundo sila.

Nauna lang nang isang taon si Marjorie sa kaniya. Dati itong nasa grupo ni Martin, pero inilipat sa Escarra nang kailangan ng mga babaeng ranger.

"Hindi ka naman nahihirapan sa pagbubuntis mo?" tanong ni Marjorie. Tinatanggal nito ang balat ng dalandan. "Nagbasa kasi ako noong nakaraan sa library tungkol sa pregnancy."

Hinaplos ni Anya ang tiyan niya. Medyo lumaki ito simula nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis niya. Madalas pa rin siyang nagsusuot ng mga maluluwag na damit dahil medyo wala siyang confidence nitong mga nakaraan.

"So far, hindi pa naman ako nahihirapan. Looking back, parang mas nahirapan ako sa earlier months kasi nagsusuka ako, pero hindi ko pa naman alam na buntis ako that time." Natawa si Anya. "Ni hindi ko napansin 'yung symptoms, e. Nakakatawa."

"Normal naman siguro 'yun," sabi ni Marjorie na inabot ang orange sa kaniya. "At least ngayon, maaagapan mo na. Isang araw 'yan, hindi mo na namamalayang lumalaki na."

Dahil sa sinabi ni Marjorie, awtomatikong napangiti si Anya dahil excited na siyang maramdaman ang paglaki ng tiyan niya. Alam niyang excited na rin si Jakob dahil sa tuwing magkasama sila at mayroong pagkakataon, nakahawak lang ito sa tiyan niya, lalo sa pagtulog.

"Alam ko ring natatakot si Jakob sa pagbubuntis ko," pag-share ni Anya kay Marjorie. "Natatakot siyang magkaroon ng complication. Feeling ko naman, hindi. Naiintindihan ko naman ang takot niya, pero parang dahil doon, ako rin kinakabahan na."

Ngumiti si Marjorie. "To be honest rin naman, hindi mo kasi siya masisisi, e. Noon pa lang na kumpleto ang mga gamit, hindi maiwasan ang complications kaya hindi mo rin masisisi si boss," sabi nito.

Sinuklay ni Anya ang buhok gamit ang sariling mga daliri. "Naiintindihan ko rin talaga. As much as possible, sinusubukan kong i-explain sa kaniya na magiging okay lang kami ni baby. Sana maging okay lang kami. Ayaw ko ring mag-alala si Jakob, e. Sa dami ng alalahanin niya rito sa Escarra, ayaw ko na ring dumagdag."

"Ikaw naman ang priority rito. 'Yun ang sinabi ni boss sa 'ming lahat. Safety and well-being mo ang priority naming lahat ngayon kaya wala ka ring dapat ipag-alala. Hindi rin naman namin masisi si boss. Basta 'wag kang masyadong mag-alala." Ngumiti si Marjorie sa kaniya. "Tinutulungan naman naming lahat si boss ngayon para mas mapagaan ang lahat sa kaniya. Alam naman namin na ikaw ang priority niya."

Napanatag ang loob ni Anya dahil sa sinabi ni Marjorie. Gusto rin niyang magpahinga si Jakob dahil napadadalas ang meeting nitong mga nakaraan. Wala naman siyang alam dahil gustuhin man niyang magtanong, ayaw niyang maging pakialamera.

"Wala ka pang trabaho?" tanong ni Anya kay Marjorie paglabas nila ng pantry.

"Wala pa naman, Anya. Bakit?" Huminto si Marjorie sa paglakad. "May gusto kang ipagawa?"

Nahihiyang tumango si Anya at hinaplos niya ang buhok niya. "Oo sana. Marunong ka bang mag-braid? Medyo naiinitan kasi ako nitong mga nakaraan, pero ayaw kong pagupitan 'tong buhok ko. Kung marunong ka sana, ipapasuyo ko lang?"

"Oo naman, walang problema. Kahit araw-araw pa, e," sabi ni Marjorie. "Ang ganda nga ng buhok mo. Pinahahaba mo ba talaga siya?"

Sabay na naglakad sina Anya at Marjorie papunta sa bahay para doon ayusin ang buhok niya. Mabagal ang bawat hakbang. Isa ito sa gusto ni Anya noon pa, ang magkaroon ng makakakuwentuhan habang naglalakad.

"Oo, pinahaba ko talaga siya. Gusto ko talaga para madaling ayusan. Noong college ako, itong buhok ko talaga ang parang asset ko? Kahit hindi ako mag-makeup, okay lang, basta gusto kong maayos ang buhok ko," pagkuwento ni Anya.

"Totoo rin. Ang lakas din kasi talagang makaganda kapag maayos ang buhok, e. Kaming mga ranger kasi hindi puwede. Kailangan din talaga na naka-tight ponytail kami para just in case na may mangyari man o may trabaho, walang nakaharang sa mukha namin," sabi ni Marjorie. "Pero siyempre kung may chance, gusto ko rin talaga na nakabagsak lang ang buhok ko."

Nalungkot si Anya sa sinabi ni Marjorie. Kung tutuusin, kahit na naka-tight ponytail ito, maganda ang mukha nito. Medyo mataray ang features, pero mukhang masiyahin. Palagi itong nakangiti sa tuwing nag-uusap at nagkukuwentuhan sila.

Nang makarating sa bahay ni Jakob, hinarang ni Erick si Marjorie na ikinagulat ni Anya.

"Miss Anya, hindi po tayo puwedeng magpapasok basta-basta rito," sabi ni Erick habang nakatingin sa kaniya. "Rules po."

Humakbang paatras si Marjorie at yumuko. Naramdaman ni Anya ang pagsikip ng dibdib niya dahil sa nangyari at nakita. Hinarap niya si Erick at nagsalubong ang kilay niya dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.

"Ako naman ang kasama niya, Erick," mahinahong sabi ni Anya. "I'll vouch for Marjorie and ako na rin ang magsasabi kay Jakob mamaya. Friends naman kaming dalawa kaya 'wag kang mag-alala. Sa living room lang kami."

Nakita ni Anya na hindi sigurado si Erick kung papapasukin ba nito si Marjorie. Alam niya na hindi puwedeng basta-bastang pumasok ang kahit na sino bahay nila. Madalas nga na kaibigan lang ni Jakob, sina Ate Rose at Ate Dolores, at ang Alpha Team.

"Ako na ang bahalang magsabi kay Jakob mamaya. Hindi rin naman kami magtatagal, Erick. Ibe-braid lang niya ang buhok ko." Hinaplos ni Anya ang buhok at ipinakita kay Erick. "Naiinitan na rin kasi ako. Please?"

Malalim na huminga si Erick at tumango. Gumilid ito para makadaan na rin si Marjorie kaya pinasunod niya ito sa kaniya sa loob ng bahay.

Anya saw how Marjorie's eyes roamed around the house. Kaagad nitong itinuro sa kaniya ang bookshelf sa living room pati na rin ang board games na naka-display. Nakita niya ang tuwa sa mga mata nito lalo nang isa-isang buklatin ang mga librong nandoon.

"Sorry, na-excite ako. Wala kasi akong time magbasa. Hindi rin naman ako mahilig magbasa, pero seeing books again, iba pala sa pakiramdam." Muling ipinalibot ni Marjorie ang tingin sa bahay ni Jakob. "Grabe pala 'tong bahay ni boss. Parang hindi mo mararamdaman na magulo sa labas. Parang kapag nandito ka, normal lang lahat."

"Oo, totoo rin." Nag-agree si Anya. "Sandali lang, ha? Kukuha lang ako ng suklay at ponytail sa taas. Please, make yourself at home."

Umakyat si Anya ng hagdan, pero hindi pa siya nakararating sa gitna, tumigil siya at nilingon si Marjorie na nagbabasa ng libro habang nakatayo. Malalim siyang huminga at ngumiti.

"Marjorie?" pagkuha niya sa atensyon nito na kaagad namang tumingin sa kaniya at isinara ang libro. "Tara sa taas. May ipakikita ako sa 'yo."

Anya saw that Marjorie was hesitant, but she made sure it was okay. Dumiretso sila sa library at niluwagan ang pinto para ipakita iyon kay Marjorie na ilang beses nagtanong kung okay lang ba talaga. Alam din kasi ng mga taga-Escarra na pribadong tao si Jakob.

"Okay lang. Hindi ka naman iba." Malapad na ngumiti si Anya at naunang pumasok. "Kapag wala si Jakob, dito ako nakatambay. Just in case sa na hindi ako lumabas o gusto mo akong puntahan, nandito lang ako sa library. Dito talaga ako nag-i-stay."

"H-Hindi ba magagalit si boss na nandito ako?" Nanatiling nakatayo si Marjorie. "Baka kasi ikaw ang pagalitan niya. Okay lang naman ako sa sala. B-Baka kasi bawal."

Umiling si Anya at malapad na ngumiti. "Wala namang problema. Friend naman kita kaya okay lang 'yun kay Jakob. Mabait naman 'yun at saka hindi siya magagalit. I got you."

Nakita niya na kahit mukhang nahihiya at naiilang, pumasok si Marjorie. Muli nitong inobserbahan ang lugar. Natuwa naman siya dahil sa unang pagkakataon, bukod kay Jakob, may ibang tao siyang kasama sa library. Dinala niya ang bagong kaibigan sa bawat shelf para ipakita ang mga collection pati na ang ilang librong kasalukuyan niyang binabasa.

Parehong nakaupo sina Anya at Marjorie sa carpeted floor habang inaayos nito ang buhok niya. Tinitirintas nito hanggang sa anit at nakaparte sa dalawa ang buhok niya. Para siyang bata at natutuwa siya dahil napakagaan ng kamay ni Marjorie lalo kapag sinusuklay ang buhok niya.

"Medyo nahirapan ako sa adjustment ko noon dito kay Jakob, pero naging mabait naman siya sa 'kin," pagkuwento ni Anya. "Kaso lang, hindi talaga ako nakalabas kasi nga nahihiya ako sa iba."

"Huwag mo silang isipin! Ang mahalaga naman, ikaw ang nandito. Masaya ka, maganda ang buhay mo, at kahit naman mag-isip sila nang masama against you, 'wag mo silang alalahanin. You deserve this life. Hindi mo deserve ang mapag-isipan ng hindi maganda," sabi ni Marjorie sa likod niya. "Wala ka namang ginagawang masama sa kanila, e."

Anya felt relieved. A part of her wanted to hear those words. Nasasabi naman sa kaniya ni Jakob ito, pero iba pala ang validation mula sa kaibigan. Ang sarap pakinggan na mayroon palang taong nakikinig at nakakasama niya. She was really longing for this kind of conversation.

Pagkatapos ayusin ni Marjorie ang buhok niya, napag-usapan din nila ang ilan sa personal na bagay tungkol sa buhay nila.

"May boyfriend ka ba?" tanong ni Anya kay Marjorie.

Tumango si Marjorie. Yumuko ito at ngumiti. "Meron, pero hindi siya tagarito sa Escarra. Taga-ibang grupo siya. Bihira lang din kaming magkita, e, pero okay lang. May kaniya-kaniya naman kasi kaming ginagawa," ani Marjorie. "Kayo ni boss, kumusta naman ang relationship n'yo? Alam mo, sa totoo lang, ha? Natatakot ako sa kaniya. Buti . . . okay siya sa 'yo?"

"Wala namang problema kay Jakob. Mabait naman siya, e. Nami-misinterpret lang din talaga siya ng iba, pero mabait si Jakob." Ngumiti si Anya.

Ngumiti si Marjorie. "Sabagay. Mabait din naman talaga siya sa iba, hindi nga lang palabati. Sa totoo lang din hindi naman namin nagustuhan ang ginawa niya sa 'yo. Sobrang unfair sa part mo at ni Nicholas, pero wala kasing magagawa, e. Boss siya," pagpapatuloy nito. "Pero ang mahalaga naman ngayon, okay na kayo. Magkaka-baby na kayo."

Awtomatikong hinaplos ni Anya ang tiyan niya. Muli niyang naramdaman ang umbok at alam niya sa sarili na sa lahat ng nangyari sa kaniya simula nang magbago mundo, ito ang hindi niya pinagsisisihan.



Halos buong maghapong busy si Jakob dahil sa dami ng kailangan niyang ayusin lalo na sa mga order na armas galing kay Tristan. Ipinagpapasalamat niyang hindi nila nagamit ang mga baril na mayroon sila nitong mga nakaraan, pero hindi siya puwedeng palaging kampante.

Sa main door pa lang, nakita na kaagad niya si Anya na nasa fire pit, pero dumiretso siya sa kuwarto para maligo. Marami siyang nakasalamuhang tao sa maghapon at sinabihan din siya ng mga doctor na kailangang alagaan ang immune system ni Anya.

After taking a bath, Jakob went straight to Anya who was busy with her book. The fire was illuminating Anya's face and he couldn't help but admire her. Naka-braid ang buhok nito kaya naman mas lalo itong nagmukhang bata.

He opened the door and Anya immediately gazed at him. She widely smiled, closed her book, and waved. "Hello. Akala ko hindi ka pa makakauwi, e. Naligo ka na?"

"Oo. Medyo marami akong nakasama ngayon. Nagpunta ka raw sa office kanina sabi ni Tom? Sorry, nasa meeting ako," sabi niya habang naglalakad papalapit kay Anya.

Hinalikan ni Jakob ang tuktok ng ulo ni Anya bago naupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang naka-braid na buhok nito.

"Bagay sa 'yo," sabi ni Jakob bago inilapat ang kamay sa tiyan ni Anya. "Marami ka bang kinain ngayon? Hindi ka ba nahirapan sa maghapon?"

Umiling si Anya. "Hindi naman. Nagkuwentuhan lang kami ni Marjorie kanina kasi wala naman daw siyang gagawin kaya nagpunta kami sa library. Okay lang ba? Pinapasok ko siya kanina rito sa bahay. Sa library kami nag-stay 'tapos siya rin ang nag-braid ng buhok ko."

"Oo naman, walang problema," sagot ni Jakob.

Alam ni Jakob na nasa bahay niya si Marjorie dahil kaagad siyang pinuntahan ni Karl para sabihing mayroong pinapasok si Anya sa loob ng bahay nila. Sinabi niyang ayos lang, si Anya naman ang mayroong gusto. Ipinatawag din niya si Marjorie para kausapin na kapag walang gagawin sa maghapon bilang Beta Team, samahan lang si Anya.

Jakob was just listening to Anya talk about her day. Nakita niya kung gaano ito kasaya sa tuwing ikinukuwento ang tungkol sa mga ginawa sa maghapon kasama si Marjorie.

"Ikaw, kumusta meetings mo? Pagod ka?"

Jakob smiled and shook his head. He wrapped his left arm around Anya's waist and asked her to sit on his lap which she immediately did. He asked questions about how her body was changing and kissed her lips which made her stop.

Anya kissed back and held onto Jakob's arm.

"Na-miss kita," Jakob said against Anya's lips.

"Ako rin," Anya murmured and pressed her lips against Jakob who wrapped both his arms around her waist. "Sama ako bukas sa office, ha? Kahit sa sofa lang ako. Ayaw kong mag-isa rito, e. Ayaw ko rin namang abalahin lagi si Marjorie."

Anya brushed Jakob's hair using her fingertips when he lightly kissed her neck. She looked up and saw how clear the sky was. From her cheeks to her jaw, Jakob was now kissing the center of her chest while lightly pulling her towards his body.

And since she was sitting on his lap, Anya felt how hard Jakob was and he slightly moved her body to grind on his member. Anya felt a tingle in between her while doing that . . . so she didn't stop.

"Tanya," Jakob groaned against her neck.

"Gusto ko," Anya whispered and started grinding slowly. "Ah!" she moaned when her cl-t throbbed from dry humping. "Jakob."

Mas idiniin pa ni Anya ang sarili habang mabagal na gumagalaw sa ibabaw ni Jakob. Nakatitig ito sa kaniya habang magkadikit ang noo nilang dalawa. Nakahawak si Jakob sa baywang niya habang iginigiya ang baywang niya sa maingat na paggalaw.

"Careful, Tanya," Jakob whispered and kissed her lips before pulling away to rest his back against the bench they were on.

Anya held onto Jakob's shoulders as she moved faster. They were fully clothed. Her thin underwear was against Jakob's thick jogger pants, but she could feel how hard he was. She could feel it throbbing. She felt how hot it was.

Jakob wasn't moving, not even touching her. Nakababa ang dalawang kamay nito sa gilid habang pinanonood ang paggalaw niya. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Jakob na naningkit nang mas ipagdiinan pa niya ang sarili at mas binilisan ang paggalaw.

"Ah!" Anya looked up and shut her eyes. She moaned and moved faster. She was near, she could feel something inside her. Humigpit na rin ang pagkakahawak niya sa balikat ni Jakob at halos malukot na ang T-shirt na suot nito. "Jakob," bulong niya.

Nanatiling nakatitig sa kaniya si Jakob na walang sinasabing kahit na ano. Mabigat na rin ang bawat paghinga nito. Hindi pa rin siya hinahawakan.

It was frustrating Anya and it made her move harder and faster. She never thought dry humping was also this good, but something was missing.

Anya felt that she was about to orgasm. Her toes curled, her grip tightened, and her breathing became ragged. She looked up and stared at the clear sky while still moving. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Jakob, pero hinawakan nito ang batok niya at ipinagdikit ang noo nilang dalawa.

Jakob kissed the side of her lips and gripped her right leg. Sinasalubong na nito ang bawat paggalaw niya.

"Jakob—ah!" Anya moaned, shut her eyes, and felt her body convulse as she reached her peak. Inihiga niya ang ulo sa balikat ni Jakob na kaagad sinuklay ang buhok niya.

"Okay ka na?" tanong ni Jakob.

Nag-angat ng tingin is Anya at umiling. "Gusto ko pa."


T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys