Chapter 55

Nanatili si Jakob sa ganoong posisyon, pero nakatitig siya sa kung saan habang pinakikiramdaman ang nakaumbok sa tiyan ni Anya. Sa dalawang buwan niya itong hindi nahahawakan, sigurado siyang mayroong pagbabago.

Hindi niya puwedeng sabihing tumaba si Anya dahil halatang medyo nabawasan ito ng timbang lalo sa may bandang pisngi. Imposible namang busog lang dahil buong magdamag naman itong tulog.

Mabilis ang tibok ng puso ni Jakob habang iniisip ang posibilidad na buntis si Anya at kung alam nito ang sitwasyon, bakit hindi sinabi sa kaniya?

Mabigat ang bawat paghinga niya habang iniisip na mahigit dalawang buwan na simula nang huling may mangyari sa kanila. Nagsimula siyang magbilang. Kung sakali man na buntis nga si Anya, it was either the baby was already ten weeks or more.

Jakob gulped. He shrugged the thought. Hindi pa naman confirmed.

Binitiwan ni Jakob ang tiyan ni Anya at dumiretso ng higa. Mahimbing pa rin itong natutulog sa tabi niya ngunit hindi maalis sa isip niya ang nakapa. Gusto sana niyang gisingin si Anya, pero baka lalong magalit sa kaniya.

Natawa siya sa naisip. Ipinatong niya ang sariling braso sa noo habang iniisip kung paano niya iniwasan si Anya nitong mga nakaraan.

Sumeryoso si Jakob nang maramdamang gumalaw si Anya. Bigla itong humarap sa kaniya at ipinalibot ang braso sa dibdib niya kasunod ang legs sa hita niya. Mas sumiksik pa ito sa katawan niya.

Jakob smiled and immediately kissed Anya's forehead while brushing her hair using his fingertips. He shut his eyes while his lips were against Anya.

"I missed you," Jakob whispered and pulled Anya closer to him.

Hindi gumalaw si Jakob at hinayaan si Anya na matulog sa tabi niya. Tumagal pa sila nang halos isang oras bago tuluyang dumiretso ng higa si Anya. Ramdam ni Jakob ang pangangawit sa likod dahil matigas ang sahig at ang braso niyang ginawang unan, pero hindi siya nagrereklamo.

Basta na lang bumangon si Anya na ikinagulat ni Jakob. Nanatili siyang nakahiga at nakatingin dito.

"Good morning." Jakob smiled.

Anya stared at him. "Puwede ka bang kumuha ng pagkain sa pantry? Nagugutom na ako, sobra."

"Sige. Ano'ng gusto mo?" Bumangon si Jakob at inalis ang kumot na nakabalot sa legs niya. "Gusto mo bang sa pantry na lang tayo kumain para mas makapili ka ng pagkain?"

Naningkit ang mga mata ni Anya habang nakatingin sa kaniya. Mukha itong nag-iisip, malayo sa dati na parang gusto na kaagad siyang itaboy. Medyo matagal pa bago ito sumagot at tumango.

They both fixed themselves first. Naghilamos, nag-toothbrush, at pareho silang nasa bathroom na ginagawa iyon.

Naninibago si Jakob, pero hindi siya nagre-react. Ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Nagpalit din si Anya ng damit. Pajama at puting T-shirt lang ulit na pinarisan na rin ng tsinelas. Samantalang naka-jogger pants naman si Jakob at itim na T-shirt.

Sabay silang naglakad, pero hindi magkadikit. Nakasunod sa kanila sina Gigi at Lily na minsang nilalaro din ng mga ranger simula nang dumating ang mga ito sa Escarra.

It was nine in the morning and the pantry was packed. It took them long to find a space which was cleared when other rangers saw them. Nagsabi si Anya na huwag na, pero mapilit ang mga ito.

Anya chose fried rice, scrambled eggs, fried bangus, sausage, and chicken soup. Kumuha rin ito ng pancakes na mayroong whipped cream, mango slices, at nuts. Nakisuyo rin ito ng powdered milk at mainit na kanin.

"Nag-dinner ka kagabi?" tanong ni Jakob nang makaupo si Anya.

"Oo. Nagpakuha ako ng mainit na rice na may tutong at saka powdered milk. Nanghingi rin ako ng white sugar," pagpapatuloy ni Anya.

Ngumiti si Jakob. "Ano'ng gusto mong kainin mamayang lunch?"

Tumigil sa pagnguya si Anya habang nakatingin sa kaniya. Mukhang nag-iisip ito at hindi siya nagkamali nang isa-isang sinabi sa kaniya ang gustong kainin tulad ng pritong bangus ulit, pero puro belly part lang kasi gustong kainin ang tiyan.

Jakob nodded and kept everything in mind.

Simple lang ang pagkain niya. Fried rice at fried fish, hindi tulad ni Anya na ang daming pagkain sa lamesa. He expected that she would also ask for some dessert, but didn't.

Sa pantry, nakita rin ni Jakob sina Nicholas at Austin. Panay ang tingin ng mga ito kay Anya, pero hindi magawang lumapit. Ang alam niya, hindi pa rin nagkakausap ang mga ito.

At nang palabas na sila, basta na lang dinaanan ni Anya ang mga ito. Ni hindi nilingon. Tinanguan naman ni Jakob ang mga ito na yumuko naman sa kaniya.

Habang nasa labas ng pantry, yumuko si Anya at binigyan ng tig-isang pancake sina Lily at Gigi bago sabay-sabay na naglakad ang tatlo. Jakob was behind Anya, watching her walk.

Nang makarating naman sa bahay, akala niya ay didiretsto na ito sa library, pero lumabas ito sa back door at naupo sa fire pit. Muling sumunod si Jakob at nakapamulsang nakatingin kay Anya na nakaupo sa ilalim ng puno na mayroong hammock.

"Kumusta ka last five days?" Jakob asked.

Anya looked at him. "Okay lang. Ikaw? Akala ko ba three days ka lang mawawala? Bakit tumagal ka nang five days?"

Nagulat si Jakob sa sinabi ni Anya, pero hindi siya nagpahalata. "Nag-stay na rin muna ako kay Martin."

"Bakit?" muling tanong ni Anya.

"Wala naman. Tumambay lang muna ako roon," sabi ni Jakob. "Huminga muna ako. Para na rin hindi muna kita maistorbo rito. Para hindi mo muna ako makita."

Nagsalubong ang kilay ni Anya habang nakatingin sa kaniya. Walang naging sagot, basta na lang itong nahiga. Ipinikit nito ang mga mata kaya nakakuha si Jakob na muling tingnan ang tiyan ni Anya. Hindi halata sa suot na damit, pero gusto niyang makasiguro.

Lumuhod si Jakob sa gilid ni Anya at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa tiyan. Kaagad na tumingin sa kaniya si Anya, salubong ang kilay.

"Ano'ng mga nararamdaman mo lately?" tanong ni Jakob. "Bukod sa galit ka sa 'kin, may iba ka bang nararamdaman?"

"Bakit mo natanong 'yan?" kita ang pagtataka sa mukha ni Anya. "Ano ba ang gusto mong malaman?"

Maingat na inalis ni Jakob ang kamay ni Anya at inangat ang T-shirt na suot nito.

"A-Ano'ng ginagawa mo, Jakob?" Mababa ang boses ni Anya habang nakatingin sa kaniya. "Ano'ng problema mo?"

Umling si Jakob. "Wala, pero kasi kanina noong niyakap kita, may naramdaman ako rito." Itinuro niya ang ibabang parte ng tiyan ni Anya. "Hindi ako sigurado, pero . . . are you . . . pregnant?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Anya. Walang naging sagot, pero maingat nitong hinaplos ang puson habang nakatingin sa kaniya. Doon nakita ni Jakob ang gulat sa mata ni Anya. Kung paanong nanlaki iyon bago tiningnan ang sariling tiyan.

"Gusto mo bang magpunta tayo sandali sa infirmary? G-Gusto ko lang ma-confirm. G-Gusto ko lang masigurong okay ka," pakiusap ni Jakob. "Please?"

Walang naging sagot si Anya. Basta na lang itong bumangon at umupo sa hammock. Nakatingin ito sa kaniya.

"Pero hindi talaga okay ang pakiramdam ko lately. Palaging mabigat ang pakiramdam ko. Akala ko dahil sa sipon at ubo ko nitong nakaraan. Hindi ako nilalagnat, pero gusto ko lang mahiga," sabi ni Anya habang nakatingin sa kaniya. "Napapadalas din ang pagsuka ko, akala ko dahil sa . . . sakit ng ulo o pati na rin sa anxieties . . . pero mukhang hindi nga."

Tipid na ngumiti si Jakob at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ni Anya na kaagad nitong tinanggap kaya ipinagsaklop niya iyon. Nagdesisyon silang pumunta sa infirmary para makumpirma.

Pagdating doon, kaagad silang pinapasok sa private room. Pumasok ang doctor na naka-duty at sinabing iba ang bilis ng heartbeat ni Anya. Nag-explain din si Anya sa mga nararamdaman niya nitong nakaraan, pero wala silang proper tool para matingnan kung kumpirmado bang buntis ito. Wala silang ultrasound. Isa iyon sa mga bagay na wala sila.

Jakob called Commander Alfred and gave instructions. It was an urgent task. Alam niyang medyo matatagalan, pero maghihintay sila.



NICHOLAS was in the front seat of the car with Ace who was driving. Dalawang sasakyan lang silang umalis ng Escarra dahil sa utos ni commander. Importante at kailangan nilang magmadali.

Wala silang idea kung ano ang mayroon. Ibinigay lang ni commander ang listahan sa kanila at pinagmadali na silang umalis.

Ang mahigit dalawang oras na biyahe ay nakuha nila nang mas mabilis pa. Kaagad silang pinapasok sa Olympus nang makita sila. Pinadiretso sila sa main infirmary nang ipakita nila ang listahan.

Naunang bumaba si Celine, sumunod naman si Nicholas. Iniabot ni Benjie ang listahan kay Celine.

"Ikaw na lang ang kumuha. Pambabae 'tong kailangan, e." Mahinang natawa si Benjie. "Punta lang muna kami sa pantry. Kuha kami ng pagkain. Nagutom ako bigla."

Pumayag si Celine at lumapit sa kaniya. Hawak nito ang isang papel at binuklat iyon para basahin. Dahil sa sinabi ni Benjie, na pambabae ang kailangang kunin, napaisip sila ni Celine. Sigurado silang para iyon kay Anya dahil hindi magmamamadali si Jakob nang ganito kung hindi naman dahil sa asawa.

Pareho nilang binasa isa-isa ang nasa papel.

Pregnancy test kits, vitamins for pregnant women, and a note asking for a doctor with experience in childbirth. Wala kasi sila noon sa Escarra dahil walang nagbubuntis. Nagkakaroon lang sila ng bata galing sa ibang grupo, pero sa mismong Escarra, wala.

Hindi nilingon ni Celine si Nicholas. May tiwala naman siya, pero takot siyang makita ang reaksyon nito. Nagpaalam siyang papasok sa loob, nagsabi naman si Nicholas na maghihintay na lang sa labas.

Pumasok din sa loob ng infirmary si Ares na kaagad kinuha ang listahan. Narinig ni Celine ang mahinang pagtawa ni Ares bago inutusan ang lahat ng tao sa loob para kunin ang nasa listahan. Ipinatawag din ang isang doctor na dating OB-GYNE at dalawang mas batang doctor na tine-train para pasamahin sa kanila.

"Okay na?" tanong ni Nicholas nang makalabas si Celine bitbit ang bag. "Kumpleto na?"

"Oo. May ipadadala rin si Boss Ares na tatlong doctor. May sariling sasakyan naman ang mga 'yun kaya walang problema sa 'tin," sagot ni Celine. "Mukhang buntis si Anya."

Tumango-tango si Nicholas. "Mag-asawa naman sila at kaya naman nila kaya walang kaso," sabi nito bago tumalikod. "Tara na. Baka hinihintay na nila 'to."



Kahihintay sa kit na ipinakuha nila sa Olympus, nakatulog si Anya. Nasa infirmary pa rin sila. Nakasandal si Jakob sa pader habang nakatingin kay Anya dahil base sa symptoms at signs ni Anya, malaki ang posibilidad.

Halo ang naramdaman ni Jakob. Masaya? Kinakabahan? Takot? Hindi niya alam.

Mas nangibabaw ang takot niya para kay Anya dahil sa stress na inabot nito sa kanila nitong nakaraang buwan. Ni hindi nga siya kinausap.

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang doctor para sabihing wala pa ang grupong nautusan niya. Napabangon naman si Anya nang marinig ang muling pagsara ng pinto.

"Puwede bang sa bahay na lang natin hintayin? Gusto kong mahiga nang maayos. Hindi ako makatulog nang maayos dito," sabi ni Anya sa mababang boses. Halatang inaantok ito at nakahawak sa ulo.

"Sure kang ayaw mong mag-stay rito?" Tumayo si Jakob at hinaplos ang pisngi ni Anya.

Anya shook her head and sniffed. Jakob didn't ask anything. He intertwined their hands together and left the room. Sinabihan na lang din niya ang mga tao sa infirmary na gusto munang umuwi ni Anya at kung sakali mang dumating ang mga pinakisuyuan niya.

Pagdating sa bahay, dumiretso sa sofa si Anya at basta na lang nahiga. Sumunod naman si Jakob na naupo sa sahig habang nakatingin kay Anya.

"Galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong ni Jakob. Kahit na natatakot siya sa sagot, gusto niyang malaman. Hawak niya ang kamay ni Anya.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko," sagot ni Anya. Halos pabulong lang ang pagkakasabi nito. "Naiinis na rin ako sa sarili ko na bakit ba hindi ko kayang magalit sa isang tao? Na kaunting sorry lang nila, kaunting pagpapakita lang nila ulit ng mabuti sa 'kin, nagiging okay na 'ko?"

Hindi nakasagot si Jakob. Nanatili siyang nakatitig kay Anya.

"Hindi ko alam kung ano, e. Hindi ko alam kung galit pa ba ako sa pagbabanta mo kay Nicholas, kung galit ba ako na kailangan mo pang gawin 'yun, kung galit ba akong wala akong alam . . . kasi paano kita ipagtatanggol kung ako mismo, hindi alam ang bagay na 'yan?" Suminghot si Anya. "Ito na naman, e. Ayaw ko nang umiyak. Iyak na nga ako nang iyak noong isang araw kasi wala akong kasama rito sa bahay!"

Nagsalubong ang kilay ni Jakob.

"Sabi mo three lang, inabot ka nang limang araw." Pinunasan ni Anya ang luha sa pisngi gamit ang likod ng kamay. "Alam ko namang hindi kita pinapansin, pero iiwanan mo talaga ako nang ganoon katagal? Kaya mo talagang hindi ako makita nang ganoon katagal?"

Hindi alam ni Jakob kung ano ang isasagot dahil nagulat siya, nanibago . . . lalo nang magsimulang umiyak si Anya. Paulit-ulit nitong sinasabing iniwan niya itong mag-isa . . . e halos hindi nga siya nagpapakita. Ni hindi nga siya tinitingnan.

"Akala ko kasi ayaw mong nandito ako. Hindi mo nga ako tinitingnan," sagot ni Jakob sa mababang boses. "Kaya ako na muna ang lumayo."

"Kahit na. At least alam kong nandito ka." Humikbi si Anya. "At alam kong nandito ka lang sa bahay. Hindi ako nag-aalala na nasa labas ka. P-Paano ako kapag hindi ka na bumalik? Mag-isa lang ako rito? Paano ako kung . . . ano'ng gagawin ko kung wala ka?"

"Shh." Tumayo si Jakob at hinalikan ang pisngi ni Anya na walang tigil sa paghikbi. "Sorry. Sorry."

Mas ikinagulat ni Jakob nang ipalibot ni Anya ang dalawang braso sa batok niya at mahigpit siyang niyakap. Nanatili itong nakahiga. "Dito ka lang. Dito ka na lang."

Jakob sighed and positioned to hug Anya. Takot na takot syang bumalik galing kay Martin. Kung hindi pa siya inihatid ng kaibigan niya, hindi siya uuwi. Natatakot siya na sa limang araw, nakapagdesisyon na si Anya na umalis o iwanan siya. Ayaw niyang marinig iyon . . . ngunit hindi niya inaasahan ang sinabi ni Anya ngayon.

Sa ganoong posisyon, naabutan sila ni commander. Sabay na tumingin sina Jakob at Anya sa mga pumasok sa bahay. Pareho nilang inayos ang sarili dahil bukod kay commander, nandoon ang doctor na ipinadala ni Ares.

Iniabot nito sa kaniya ang kit. Susubukan muna nila iyon kung gumagana dahil ginawa lang iyon sa Olympus . . . at kapag hindi, sa dugo na sila magbabase.

"Sundin mo lang daw ang instructions," sabi ni Jakob kay Anya. "Dito lang kami sa labas."

Tumango si Anya at pumasok sa loob ng bathroom. Sinunod niyang kailangan niyang umihi sa cup bago ilulublob ang strip na ibinigay sa kaniya. Tatlong strip ang susubukan nila at kapag may dalawang linyang lumabas, buntis siya.

Habang naghihintay ng resulta, tumagilid si Anya at tiningnan ang puson niya. Hindi naman malaki. Hindi nga niya nararamdaman kung ano ang naramdaman ni Jakob. Hindi niya alam kung paano nito nahalata, pero siya mismo, hindi niya makita.

Bumalik siya sa strips na hinihintay niya at nakita ang resulta. Sandaling napatitig si Anya sa salamin. Napaupo siya sa bowl . . . at hindi alam ang mararamdaman.

"Jakob?" pagtawag niya. "Jakob? Pasok ka muna rito, please?"

Nanatiling nakaupo si Anya sa nakasarang bowl. Bumukas ang pinto at diretsong nakatingin sa kaniya si Jakob. Lumuhod ito sa harapan niya at tiningnan ang hawak niya. Matagal na matagal.

"Kaya please . . ." Anya said in a low voice. "Dito ka na lang muna. Huwag mo muna akong iiwanan ulit."

Jakob nodded and pressed his forehead against Anya. "Hindi na ulit."



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys