Chapter 54
Pagkagising na pagkagising ni Jakob, sumilip kaagad siya sa library para tingnan kung natutulog pa si Anya, pero walang tao sa loob. Wala rin ang mga aso. Bumaba siya para tingnan kung nasa kusina ito, pero wala. Si Ate Rose lang ang nandoon at nagwawalis.
"Si Anya po?" tanong niya bago uminom ng tubig. "Kumain na po ba siya?"
Tumango si Ate Rose. "Nasa labas yata sila ni Ares. Sabay silang kumain. Maagang dumating 'yang kaibigan mo, e, kaya sinabayan na ni Anya na kumain ng almusal dahil wala ka pa raw."
Nagsalubong ang kilay ni Jakob dahil wala naman silang usapan ni Ares na pupunta ito.
Pero naisip din niya na kung sabagay nga naman, isang linggo na rin siyang hindi lumalabas. Nagpagaling na rin muna siya sa bugbog na inabot niya sa pagkakasemplang. Isa pa, hindi maayos ang pakiramdam niya nitong mga nakaraan.
Lumabas ng bahay si Jakob para hanapin sina Anya at Ares, pero sa pintuan pa lang, narinig na niya ang tahulan nina Gigi at Lily pati na rin ang tawanan nina Ares at Anya. Nasa may sidewalk ang mga ito hindi kalayuan sa bahay nila.
Nakita niya si Anya na nakaupo sa sidewalk katabi si Willow, ang alpha ni Ares. Nakikipaglaro naman sina Lily at Gigi sa tatlo pang aso.
Jakob heard Anya giggling and it was the first time since they stopped talking. Lily was playing fetch with Ares and whenever the dog would catch the ball, Anya would clap.
Isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita rito simula nang maramdaman niyang mas ayaw nitong makita siya. Hindi niya makalimutang naging reaksyon nito sa pagkakahalik niya. Hindi mawala sa isip niya ang pagduwal ni Anya kaya siya na mismo ang lumayo.
"O, gising ka na pala." Ibinato ni Ares sa kaniya ang bola. "Dumating ako kaninang madaling-araw."
Sinalo ni Jakob ang bola. "Bakit? Wala naman tayong usapang pupunta ka rito?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Ares at naintindihan na niya iyon. Mukhang mayroon silang importanteng pag-uusapan kaya hindi na ulit siya nagtanong. Muli niyang ibinato rito ang bola na ipinahabol naman sa ibang aso nito.
Nilingon niya si Anya na hinahaplos ang tuktok ng ulo ni Willow. Lalapit sana siya at kukumustahin ito nang bigla na lang humarap si Willow at nakataas ang tainga habang nakatingin sa kaniya. Humarap ito kay Anya na para bang hinaharangan ito laban sa kaniya.
Jakob even heard Willow growl, prompting the other three dobermans to be closer to Anya.
"Anong meron sa mga aso mo?" nagtatakang tanong ni Jakob kay Ares.
"Ewan ko," sagot ni Ares at tinawag si Willow. Sandali itong lumingon, pero ibinalik ang tingin kay Jakob. "Gago, bawal mo raw lapitan si Anya. Pangit ka raw kasi."
Dobermans were known to be very protective, lalo na si Willow. Ito ang paborito ni Ares sa apat at halos hindi nila ito mahawakan, pero ikinagulat ni Jakob nang ipatong nito ang ulo sa legs ni Anya na nanatiling nakaupo.
Sandali itong lumingon sa kaniya, pero ibinalik ang atensyon sa mga aso.
Lumapit si Ares kay Anya para ibigay ang bola. "Usap lang kami sandali ni Kobe, ha? Ibato mo lang 'yung bola. Hahanapin at hahabulin nila 'yan."
Nakangiting tumango si Anya na ganoon ang ginawa. Lahat ng aso, maliban kay Willow na hindi umaalis sa tabi ni Anya, ang tumakbo para habulin ang bola. Naglakad naman si Ares papalapit sa kaniya.
Hindi na sila pumasok sa loob ng bahay. Nanatili lang sila sa labas, medyo lumayo lang kay Anya para pag-usapan kung ano man ang balitang bitbit nito.
"Anong meron?" tanong ni Jakob.
"Dadaanan tayo mamaya ni Martin dito kasi pupunta tayo kay Tristan," sabi ni Ares. "May itatanong daw siya sa 'ting importante."
Nagsalubong ang kilay ni Jakob. "Bakit? May problema na naman ba sa gustong pumasok sa kuta niya?"
"Iyan ang isang bagay na hindi mawawala sa lugar ni Tristan." Mahinang natawa si Ares. "Mas magugulat pa 'ko kung magkakaroon ng katahimikan sa lugar niya, e. Mukhang ibang bagay."
"Ano nga?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Ares. "Parang nagbabalak mag-asawa si gago. Sabi ko pag-isipan muna niyang mabuti lalo na't sinabi naman niyang hindi niya kayang mahalin 'yung babae."
"E bakit siya magpapakasal kung hindi naman niya mahal 'yung babae?" tanong ni Jakob.
"Itanong ko kaya kay Anya 'yan?" pagbibiro ni Ares dahilan para sumama ang tingin ni Jakob. "Tanga, joke lang. Mukhang anak ng dating kaibigan ni General Laurier 'yung babae. Namatayan daw ng asawa two years ago. May anak."
Mahinang natawa si Jakob. "E bawal sa lugar niya ang bata, 'di ba?"
"Ewan ko sa kaniya. Sabi niya magpunta raw tayong tatlo, e. Iniisip ko nga na baka kaya tayo pinapupunta kasi kasalan na." Umiling si Ares. "Para lang siyang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo niya. Dami na ngang problema ng lugar niya, magdadagdag pa siya."
Ares wasn't into marriage and kids, too. Alam ni Jakob 'yan kaya ganito ito magsalita na para bang problema ang pagkakaroon ng pamilya. Hindi rin naman niya masisi kaya puro lang kalokohan.
"Kailan tayo pupunta?"
"Mamaya tayo susunduin ni Martin. Sabay-sabay na tayong pumunta roon," sagot ni Ares. "Isama mo kaya si Anya?"
Kaagad na umiling si Jakob. Ang isama si Anya sa lugar ni Tristan ang isa sa huling bagay na gagawin niya. Alam niyang mas ligtas ito sa Escarra kaysa dalhin doon. Isa pa, alam niyang hindi ito magiging komportableng kasama siya at iyon ang ayaw niyang mangyari.
Nagdahilan si Jakob kay Ares.
"Kunwari ka pa, halata namang may LQ." Paatras na naglakad si Ares papalapit kay Anya. "Anya! Kain tayo sa pantry? Parang gusto ko ng cake."
Walang pag-aalinlangang tumayo si Anya at sumunod kay Ares. Nakatingin si Ares sa kaniya, nang-iinis. Susunod sana siya, pero na-realize niyang ayaw nga pala niyang lumapit kay Anya kaya mula sa malayo, wala siyang nagawa kung hindi ang tingnan ang mga itong papalayo sa kaniya.
Instead of sulking, Jakob fixed himself and called Commander Alfred. They talked about him leaving for three days. Ibinilin din niya si Anya rito. Sinabihan din niya si Ate Rose na huwag kalilimutang dalhan ng pagkain si Anya sa library kung sakali mang hindi ito bumaba. Nitong mga nakaraan, napapansin din kasi niyang hindi masyadong kumakain si Anya.
At dahil wala pa naman si Martin, nagbasa muna si Jakob ng ilang papeles galing sa opisina niya. Nakapuwesto siya sa living area. Nasa labas naman si Ares at nakikipaglaro ng basketball sa ilang rangers ng Escarra.
Jakob was in the middle of reading a document when he heard footsteps from the stairs and he wasn't wrong when he saw Anya.
At tulad nang ginagawa niya nitong mga nakaraan, tumayo siya at pumunta sa lugar na hindi siya makikita. Ayaw niyang marinig ulit o makita ang pandidiri nito sa kaniya. Mas mabuting siya na lang ang magtago o lumayo kaysa muling ipamukha sa kaniyang ayaw siyang makita.
It had been almost seven weeks since they stopped talking and he wasn't the same. He couldn't work properly, he didn't want to leave. Kung hindi lang dahil sa hiling ni Tristan, hindi siya aalis.
Tatlong araw pa ang hinihiling ng kaibigan nila. Hindi siya puwedeng tumanggi. Tristan was also one call away whenever Jakob needed him. Bihira din naman itong humiling sa kanila.
Muling lumabas si Jakob mula sa tinataguan niya nang marinig na nakaakyat na ulit si Anya. Nagpatuloy siya sa ginagawa hanggang sa makarating si Martin. Nagpaalam na rin muna si Ares na maliligo dahil pinawisan at pinagpahinga muna si Martin.
Naisipan ni Jakob na huwag nang magdala ng sariling sasakyan.
Habang naghihintay kay Ares, hindi alam ni Jakob kung magpapaalam ba siya kay Anya o ano, pero hindi niya matiis. Tatlong araw siyang mawawala kaya kahit na ano man ang maging reaksyon nito kapag nakita siya, bahala na. Basta gusto niya itong makita.
"Anya?" Kumatok siya, pero tulad noon, walang sagot.
Binuksan ni Jakob at pinto at naabutan si Anya na nakahiga sa sofa habang nagbabasa ng libro. Nagtama ang tingin nila nang ibaba nito ang libro pagbukas niya ng pinto.
"Aalis na muna ako."
Again, no response. No reaction.
"Three days kaming mag-i-stay kina Tristan. Nagbilin naman na 'ko kila commander at Ate Rose. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanila," sabi niya habang nakatitig kay Anya. "Please, eat something. N-Napapansin kong hindi ka masyadong kumakain nitong nakaraan."
Again, nothing.
Jakob breathed. "I love you."
Anya didn't say a word. Instead, she started reading again as if she heard nothing. He accepted the response and closed the door.
Sandali pa siyang sumandal sa pinto hanggang sa marinig ang busina ng sasakyan ni Martin para tawagin siya. Ilang beses pa niyang nilingon sandali ang library dahil gusto muna niyang lapitan si Anya, pero hindi niya ginawa. Paulit-ulit niyang naalala ang nangyari isang linggo na ang nakalipas.
At hindi niya iyon makalilimutan.
—
Three days after staying at Tristan, Jakob decided to stay with Martin for two more days. Nagpunta silang magkaibigan sa falls na nasa likod lang ng hacienda nito.
"We should go to your family's beach house," natawang sabi ni Martin. "Naalala kong we used to go there just to party."
"Sige ba," sagot ni Jakob sa mababang boses. "Sabihan n'yo lang ako kapag hindi kayo masyadong busy."
Tumango si Martin. Nakaupo sila sa isang bato. Pareho silang walang pang-itaas at naka-board shorts lang. Nakakailang talon na rin sila mula sa itaas ng falls at na-miss ni Jakob ang ganitong feeling ng adrenaline rush.
"Akala ko uuwi ka kaagad, e. Hindi ka na nga mapakali roon sa lugar ni Tristan. Akala namin uuwi ka kaagad." Tumingin si Martin sa kaniya. "May problema ba kayo ni Anya?"
Walang naging sagot si Jakob na nakatingin lang sa malinaw na tubig na umaagos sa harapan niya.
"Mukhang meron, ha? Kasi kung wala . . . sasabihin mo naman kaagad," sabi ni Martin. "Napansin din ni Ares noong magpunta siya sa inyo na parang hindi kayo masyadong nagpapansinan ni Anya."
Jakob's jaw clenched and he exhaled. "We're okay, just going through a rough patch. I remember when you all said na I will never have peace of mind when it comes to our relationship because of how we started." He smiled. "That is true."
Martin looked at him without a word.
"Araw-araw akong natatakot na mawawala siya. Araw-araw kong iniisip kung paano akong hindi magkakamali, kung paano ko susubukan maging maayos para sa kaniya," pagpapatuloy ni Jakob. "I don't wanna lose her, Martin. I can't."
"Nagkausap na ba kayo?" tanong ni Martin kay Jakob nang mapansin niyang hindi ito mapakali. "Sinabi ko naman sa 'yo na make the communication a priority. Ayaw mo man ang sasabihin niya, ayaw man niya ang sasabihin mo, you need to be open. 'Yun ang kulang sa inyo, e. Kasi nga . . . may takot."
Nakatingin pa rin si Jakob sa tubig.
"It'll take time, but if you keep talking or just sharing, everything will get better. Kasi nga, open na. Napag-uusapan na," dagdag ni Martin. "I know na hindi ka kiss and tell, but I'd also like to share something."
Nilingon niya si Martin.
"Nalaman ko 'to kay commander. Tinanong ko kasi siya noon kung ano ang secret nila ni Tita Lalaine, kung bakit ang tagal na nila. Just in case I find someone." Martin chuckled. "Sabi niya, intimacy is important and it wasn't just about sex. Emotional, mental, and physical. Tito Alfred said na intimacy is an important part of marriage, a relationship. So I'm not sure if you already have these three, but you need those to have a great relationship."
Yumuko si Jakob dahil wala siyang balak sabihin iyon sa mga kaibigan niya. Akala niya tapos na si Martin, pero muli itong nagsalita.
"Also, malaki ang role kapag pinag-uusapan n'yo ang bagay without delay. Remember na 'yan ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang ko," pagpapatuloy ni Martin. "Hindi kita tinatakot, pero parang ito ang problema n'yo. Takot kang ma-disappoint siya hanggang sa hindi n'yo na mapag-uusapan. You don't know how she feels, you don't communicate, then something will trigger and it'll result to something worse. I've seen it. I grew up with it. Sana hindi mangyari sa inyo. Talk, Jakob. Importante 'yan."
Pag-uusap ang kinatatakutan ni Jakob at alam niya iyon sa sarili niya. Takot siya sa puwedeng sabihin ni Anya kaya mas minabuti niyang iwasan. Hindi niya alam sa parte ni Anya dahil hindi naman niya sinubukan.
"Umuwi ka na. Ihahatid na kita. Talk to your wife. Hindi mo naman matatakasan 'yan. Limang araw ka nang hindi umuuwi. Pag-uwi mo, kausapin mo na," sabi ni Martin. "Wala namang mawawala. Wala na rin naman ngayon at least kung sinubukan mo, malay mo magkaroon ng progress? You'll never know."
And as much as Jakob wanted to stay, Martin said no. Martin wanted him to patch things up with Anya not knowing the severity of what had happened. But Martin was right. Kung patatagalin pa niya, paano sila sa mga susunod pa?
Gabi na dumating si Jakob sa Escarra. Dumiretso na muna siya sa opisina para tingnan kung mayroong mga papeles na kailangan niyang asikasuhin. Nagpunta rin siya kay commander para kumustahin ang Escarra noong wala pa siya, nagpunta rin siya sa garahe, pati sa headquarters.
Hindi niya magawang umuwi dahil parang may takot.
Sa pagkakataong ito, duwag siya. Oo. Tanggap niya.
Jakob finally went home around two in the morning. He took a bath and every movement was slow, an excuse to delay seeing Anya.
Sa harapan ng pinto ng library, matagal siyang nakahawak sa doorknob at iniisip kung papasok ba siya. Gusto na niyang makita si Anya, pero natatakot siyang makita ang reaksyon nito kapag nakita siya.
The almost-vomit moment took a toll on him and he couldn't get over it.
Jakob finally took the courage to finally open the door. Lily and Gigi looked at him and then went back to sleep. Natawa pa siya dahil parang wala lang. Ni hindi siya tinahulan at ipinagpasalamat niya iyon para hindi magising si Anya na mahimbing na natutulog sa sofa yakap ang isang unan. Nakakumot, pero nakalabas ang dalawang paa.
He automatically smiled upon seeing her face again. He missed her for five days, he longed for her for two months, and he didn't know when they'd be able to be okay again.
Imbes na maupo sa sahig at sumandal sa sofa, nahiga si Jakob sa carpeted floor. Nakatitig siya kay Anya at hinawakan ang kamay nitong nakalaylay sa sofa. Kauusapin na niya ito bukas. Gusto na niyang kausapin. Gusto na niyang yakapin.
Kahit sukahan pa siya.
Hindi namalayan ni Jakob na nakatulog siya. Naramdaman niya ang pamamanhid ng braso niya at akmang iaangat iyon nang maramdaman ang bigat. Naramdaman din niya ang init ng katawan ng katabi niya . . . pati na ang kumot na nakabalot sa katawan niya.
Jakob didn't wanna open his eyes. He could smell Anya. He could feel Anya, but he was scared to open his eyes. Maybe it was just a dream, he didn't know.
Until the body beside him moved.
Tumagilid siya at saka lakas loob na idinilat ang mga mata. Nakatalikod sa kaniya si Anya, ginagawang unan ang braso niya, at nakasandal ang likod sa dibdib niya. Iisang kumot ang nakabalot sa kanilang dalawa at dalawang buwan niyang hinintay na muling mangyari ito.
Jakob didn't waste any more time. He buried his face in between Anya's neck and shoulder. Not sure if Anya was just dreaming when this happened, but he didn't care.
He then wrapped his right arm around Anya's waist and when he was about to pull her closer to him, he felt something. Tumigil siya at maingat na ipinasok ang kamay a loob ng T-shirt ni Anya at inilapat ang palad sa ibabang parte ng tiyan nito.
And Jakob knew it wasn't the same as before.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top