Chapter 52
Jakob was in the living room with his friends for another meeting. As much as he could, he was acting normal, as if nothing happened. Wala siyang panahon para sa pang-aasar ni Ares o lecturing words nina Martin at Tristan. He just wanted this day to be over.
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga atake nitong mga nakaraan. Napadadalas ang pagsubok na pumasok ng mga rebelde sa grupo nina Martin at Tristan.
Pinaalalahanan na rin si Jakob na posibleng maging next target siya kaya pinaplano nila kung paano mas magiging mahigpit ang bawat sulok ng Escarra.
Sabay-sabay nilang nilingon ang hagdan nang marinig ang yabag. Pababa si Anya at nakatingin sa kanila. Inasahan na ni Jakob na dadaanan lang sila, pero nagkamali siya nang pumasok ito sa living area para batiin ang mga kaibigan niya.
"Kumain na ba kayo?" Anya smiled widely. "Pupunta kasi ako ng pantry, baka may gusto kayo?"
"Sama ako!" Tumayo si Ares at nilingon sila. "Meryenda muna tayo sa pantry. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko. Pili na lang tayo roon."
Ngumiti si Anya at kausap sina Ares at Martin. Sabay-sabay na naglakad ang mga ito habang pinagkukuwentuhan ang mga aso ni Ares na nakasunod rin sa kanila. Nasa likuran naman sila ni Tristan na tahimik lang na nakasunod sa mga ito.
Jakob already expected that he might explain the silence to his friends, but surprisingly, Anya was acting normal in front of his friends. Tumabi pa nga ito sa kaniya nang makaupo na sila at makapag-order ng pagkain.
It had been almost three weeks since Anya stopped talking to him. Araw-araw pa rin niyang sinusubukan, pero walang naging progress. He still tried, but Anya was distant. Sa library pa rin natutulog, hindi na lumalabas ng bahay, at kumakain palaging mag-isa.
Pinunasan ni Jakob ang utensils na gagamitin ni Anya at nagpasalamat ito nang hindi tumitingin sa kaniya. Nakikipagkuwentuhan lang ito kina Ares at Martin.
"Ano'ng gusto mong drinks?" tanong ni Jakob.
Nakatingin lang si Anya sa pinggan. "Water lang," sagot nito nang hindi siya nililingon.
It was better than nothing.
Naging normal ang pakikitungo ni Anya sa kaniya kaya sinamantala niya iyon. Siya na rin ang kumuha ng dessert na kakainin nito pati ng kung ano ang gustong maging meryenda mamayang hapon.
Pagdating sa bahay, nagpaalam na si Anya sa kanila. Iniwan na silang lahat sa sala. Tinawag nito ang dalawang aso nila papunta sa library. Ang mga ito rin ang madalas na kasama ni Anya simula noong hindi na siya nito kinausap.
"Kumusta pala 'yung dalawang aso?" tanong ni Ares.
"Katabing matulog ni Anya," sagot niya. Hindi niya sinabing sa library. "Lalo si Lily. Clingy kay Anya."
Mahinang natawa si Ares. "Nabanggit nga niya. Hindi raw humihiwalay si Lily sa kaniya simula noong makuha n'yo, e. Edi wala kang puwesto sa kama?"
Ngiti lang ang naging sagot ni Jakob. Wala talaga. Tatlong linggo na nga niyang hindi nakatatabi, tatlong linggo na niyang hindi nakakausap, at tatlong linggo na niyang hindi nahahawakan.
Halos madaling-araw na rin silang natapos sa ginagawa. Nagpaalam na sa kaniya ang mga ito dahil bibiyahe pa pabalik sa kaniya-kaniyang lugar. Jakob offered for his friends to spend the night, but everyone said no. Marami pa raw kailangang asikasuhin at mas gustong bumiyahe sa gabi.
Jakob freshened up before checking Anya. Kaagad na tumayo si Lily nang makita siya. Nakita niyang mahimbing na natutulog si Gigi sa gilid ng sofa kung saan natutulog din si Anya.
Tulad ng naging routine niya, naupo siya sa carpeted floor. Kaagad na kumandong sa kaniya si Lily at mahimbing na natulog.
These dogs became Anya's companion for weeks. Nasa labas ang mga ito dati. Sa may fire pit, pero pinapasok ni Anya sa loob ng bahay at isinama sa library. Sa umaga, lumalabas ang tatlo para maglaro sa fire pit bago muling papasok sa loob ng bahay. Ganoon ang naging routine.
Nilingon niya si Anya at tinitigan. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang galit nito sa kaniya. Gusto na niya itong makausap. Ilang beses na rin niyang sinubukan, pero ni tingin ay hindi nito ginagawa sa kaniya.
Wala rin itong nakakausap na iba. Austin tried talking to Anya, but she refused. Nicholas tried, too . . . but Anya said no.
Ate Rose knew that something was going on between them, but chose not to ask. It was Between Anya and Jakob.
—
Another week passed. It had been a month and still, Jakob couldn't talk to Anya. Sa loob din ng isang buwan, hindi siya lumalabas ng Escarra. Mas madalas siyang nasa bahay at sa sala nagtatrabaho. Nagpupunta pa rin naman siya sa office niya, pero bihira.
Muling bumisita ang mga kaibigan niya. Saktong mayroong barbeque session mamayang gabi ang mga ranger ng Escarra. Kailangan niyang magpunta. Hindi man niya gustong makisalamuha sa iba, kailangan niyang gawin dahil boss siya.
It was six in the evening and Jakob wanted to go home. Baka magpaluto na rin siya ng barbeque para kay Anya at ipadadala na lang.
His friends asked if Anya would come and he said no. He lied that Anya wasn't feeling well when in reality, he didn't get a response when he asked.
Nakita niya sina Nicholas at Austin kasama ang ibang miyembro ng Alpha Team. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito. Hindi pa ulit sila nagkakausap tungkol kay Anya.
"O, akala ko hindi makakapunta si Anya?" sabi ni Ares na nakatayo sa harapan ni Jakob.
Sinundan niya kung saan ito nakatingin at nakita si Anya na papalapit sa kanila. Nakangiti ito at kumaway sa kanila. Hindi siya sigurado kung sa kaniya o kay Ares na nasa harapan niya.
Anya looked different. Kung noon ay madalas itong naka-dress sa tuwing lumalabas ng bahay o kaya ay nakaayos ang buhok, malayo ang Anya na papalapit sa kanila ngayon.
She was wearing a plain white T-shirt paired with skinny jeans and a slipper. Nakabagsak lang din ang mahabang buhok nito na nakahati sa gitna. Jakob knew Anya so well that he noticed her eyes. Mukha itong bagong gising, pero parang inaantok pa.
Kumuha si Jakob ng juice, pero hindi niya nilapitan si Anya. Hindi dahil ayaw niya kung hindi dahil baka hindi nito gustong lumapit siya. Nakatingin lang siya hanggang si Anya na ang lumapit sa kanilang magkakaibigan.
Iniabot ni Jakob ang juice kay Anya na tumingin sa kaniya at nagpasalamat. Ngumiti ito bago bumati sa mga kaibigan niya. Naupo pa ito sa tabi niya at masayang nakipagkuwentuhan sa kanila.
"Akala ko hindi ka pupunta," mahinang sabi ni Jakob.
"Wala naman akong gagawin." Ngumiti si Anya at tinungga ang juice mula basong hawak.
Patagilid na nakatingin si Jakob kay Anya. Sumasali ito sa kuwentuhan nilang magkakaibigan. Nagtatawanan pa sila habang nagkukuwento si Ares tungkol sa kung paano sila noong college.
Tumingin si Anya sa kaniya at umiling habang nakangiti. Hindi alam ni Jakob kung ngingiti ba siya, pero ayaw niyang sayangin ang pagkakataon. Inaya niya si Anya na magpunta sa barbeque area para kumuha ng pagkain. Ikinagulat niyang sumunod si Anya sa kaniya at sa tuwing mayroong lalapit sa kanilang dalawa para makipag-usap sandali, hihinto si Anya at masaya ring makikipagkuwentuhan sa mga ito.
Samantalang sandaling iniwan ni Anya si Jakob nang lapitan na ito ni commander. Naramdaman na rin kasi niya ang gutom at naamoy ang barbeque na niluluto hindi kalayuan kung nasaan siya. Nakita niya ang iba't ibang putaheng nakahain.
"Ano'ng gusto mo, Miss Anya?" tanong ng isang ranger na nakatoka sa pag-iihaw. Ipinakita nito sa kaniya ang karneng nasa stick. "Ilan po?"
"Tatlo sana." Malapad na ngumiti si Anya. "Gusto ko rin nito." Iniabot niya ang leeg ng manok at wings na nakatusok din sa stick.
Tumango ang lalaking nasa ihawan at kinuha ang mga ibinigay niya. Ipinalibot niya ang tingin sa buong lugar. Nadaanan ng tingin niya sina Nicholas at Austin. Hindi siya sigurado kung nakita na ba siya ng mga ito.
Habang hinihintay ang iniihaw, lumapit si Anya sa lamesa kung nasaan ang mga prutas na nakahiwa. Tinitingnan niya kung ano ang puwedeng kainin nang magtama ang tingin nila ni Celine. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kaniya.
Hindi alam ni Celine kung ngingiti ba siya o babatiin si Anya habang nakatingin sa kaniya. Wala naman kasi silang proper interaction kaya ikinagulat niya nang ngumiti si Anya at tinanong kung masarap ba ang melon na nasa pinggan niya.
"Oo, masarap siya." Ngumiti si Celine. "Gusto mo, igawa kita? Masarap 'to kapag nilagyan ng condensed and powdered milk. Nanghingi ako kanina sa pantry."
Nagsalubong ang kilay ni Anya habang nakatingin kay Celine. "Sige, please? Hindi ko pa siya na-try, pero parang nga."
Tumango si Celine at kumuha ng isang pinggan. "Buti pala nakapunta ka rito, Miss Anya."
"A-Anya lang, please," sabi ni Anya sa mababang boses. "Anya lang."
"A-Anya," nahihiyang sabi ni Celine. "Hinahanap ka nina commander kay boss kanina kaso sabi niya nakatulog ka raw at medyo masama ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?"
Anya nodded without a word. She took another bowl for cucumber and mango. Lumapit sa kaniya si Celine at ibinigay ang isang bowl na mayroong melon, condensed milk, at powdered milk.
"Thank you." Anya smiled and looked at Celine.
Sa unang pagkakataon, natitigan niya ito. Celine had a charming, happy face. Parang palagi itong nakangiti. At kapag nakangiti, Mahigpit na nakaipit ang buhok nito at kahit na simpleng T-shirt at cargo pants ang suot, dalang-dala dahil ang lakas ng dating. Celine was in between boyish and feminine.
Samantalang ito ang unang pagkakataong natitigan ni Celine si Anya. Matagal na siyang nagagandahan kay Anya, pero hindi naman niya inakalang may igaganda pa ito sa malapitan. Habang tinititigan, mas gumaganda. No wonder nagkakalokohan noon sa quarters nila na suwerte si Nicholas at hindi makapaniwalang kapatid si Austin.
Tama rin ang sinabi ng ibang lalaking ranger na nakausap nila simula noong mapakasalan ito ng boss nila. Si Anya ang babaeng hindi kailangang magpapansin para mapansin. Kahit na nakaupo ito sa pinakasulok, makikita at makikita
"Ang sarap nga." Ngumiti si Anya kay Celine. "Thank you, ha?"
"Kung gusto mo pa, sabihin mo lang. Marami raw silang nakuhang melon noong nakaraan. Andoon lang ako." Itinuro ni Celine ang lugar kung nasaan din sila ni Nicholas. "Tawagin mo lang ako kung sakali man."
Anya nodded and said goodbye. Lumapit naman si Jakob para kunin ang hawak ni Anya.
Again, Anya acted normally. Nakikita ni Jakob na nakatingin sina Nicholas at Austin ngunit hindi magawang lumapit dahil hindi naman tinitingnan ni Anya.
"Ang dami naman niyan!" bati ni Ares sa mga ibinabang pinggan ni Jakob sa lamesa nila. "Anya, masarap 'yung inihaw na atay. Dapat i-try mo!"
Umiling si Anya. "Ayaw ko no'n, e. Gusto ko 'tong barbeque. Ang sarap ng timpla nila."
"Oo. Sabi ko nga lahat ng magagaling magluto, nandito yata sa Escarra. Ang sasarap ng pagkain n'yo rito, e," sabi ni Ares. "Teka, kailan ka ba babalik sa Olympus, Anya? Kapag pupunta ka roon, sabihan n'yo ako, ha? Ayaw kong pupunta ka roon na hindi masarap ang mga pagkain."
Natawa si Anya na ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sa St. Pierre ka naman magpunta. Mas malapit ka roon, e," singit ni Martin. "Punta tayo isang bundok doon na may falls. Maganda roon. Kung gusto mong mag-hiking, ha?"
"Uy, oo nga! Good idea 'yan, ha?" natutuwang sabat ni Ares. "Tara, Jakob. Dalhin natin si Anya sa area ng St. Pierre na pinupuntahan natin para tumambay. Picnic tayo roon!"
Tumingin si Jakob kay Anya. Patagilid itong tumingin sa kaniya. Hindi siya sumagot sa mga sinasabi ng kaibigan niya.
"Oo ba," sagot ni Anya sa mababang boses. "Try natin sa mga susunod."
Jakob knew that Anya was uncomfortable around him. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para maging komportable ito sa pagkain habang masayang nakikipagkuwentuhan kina Martin at Ares. Busy naman si Tristan na kausap si commander tungkol sa ilang order na armas para sa mga ranger nila.
Lumapit naman si Jakob sa ilang ranger na nakaatas sa night duty para itanong kung kumusta nitong mga nakaraan lalo na at mayroong nakikitang umaaligid sa Escarra. Isa iyon sa inaalala niya. Isa iyon sa ginagawan nila ng paraan.
Tumigil sa pagsasalita ang kaharap ni Jakob at nakatingin sa likuran niya. Tumalikod siya at nakita si Anya na nakatayo sa likuran niya.
"It's okay. Magpapaalam lang ako," sabi ni Anya sa kausap niya bago tumingin sa kaniya. "Mauuna na akong umuwi. Medyo hindi okay ang pakiramdam ko."
"Sasamahan na kita," sabi ni Jakob. Hinarap niya ang kausap kanina para magpaalam at bukas na lang silang mag-usap.
Umiling naman si Anya nang makaharap siya. "Ayos lang naman. Mag-stay ka na muna rito. Nandito pa rin ang mga kaibigan mo. Maaga pa rin naman."
"Uuwi na rin ako," sagot ni Jakob na lumapit kay Anya. Hinawakan niya ang kamay nito.
Jakob already expected Anya to pull away from him, but didn't. Sabay silang naglakad papunta sa mga kaibigan niya para magpaalam, ganoon din sa iba pang nasa barbeque party.
They left the party and walked hand in hand.
"Ano'ng masakit sa 'yo?" tanong niya kay Anya.
"Wala. Gusto ko lang talagang umuwi," sagot ni Anya sa mababang boses. "Puwede ka namang mag-stay pa roon. Okay na ako sa bahay."
Walang naging sagot si Jakob. Ipinagpasalamat niyang mabagal ang bawat hakbang ni Anya dahil kahit papaano, nagkaroon siya ng pagkakataong makasama at mahawakan ito.
May ilan pa silang nakasasalubong at lahat iyon, binabati sila. Anya would also say hi and would sometimes stop to talk to them, too.
Hanggang sa makarating sila sa compound,, hawak ni Jakob ang kamay ni Anya. Bumati ito sa dalawang ranger na nasa pintuan nito nila at sinabing magpunta muna sa barbeque party para makakain.
Jakob opened the door and entered the house. Anya was behind him.
. . . and the moment Jakob closed the door, Anya let go of his hand. Naglakad ito papunta sa hagdan at naiwan siyang nakatayo sa may pinto, nakatitig sa likuran nito.
"Anya," tawag niya pero hindi ito lumingon. "Anya, please, look at me."
Tumigil sa paghakbang si Anya at humarap sa kaniya. "May kailangan ka?"
"K-Kailan mo ako kauusapin ulit?" Jakob said in a low voice. "Puwede bang mag-usap tayo?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Anya. "Ano ang kondisyon mo this time? Ano ang magiging kapalit? Kapag ba hindi ako pumayag, meron kang gagawin o meron kang babantaan?"
Walang naging sagot si Jakob sa sinabi ni Anya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita ipapahiya sa mga tao rito sa Escarra o sa mga kaibigan mo. Magkukunwari akong maayos ang lahat sa harapan nila. Puwede mo akong hawakan, kausapin, o kahit anong gusto mong gawin kapag kaharap sila, pero kapag tayong dalawa lang . . ." seryosong nakatingin si Anya sa kaniya, ". . . kapag tayong dalawa lang, puwede bang 'wag mo akong kauusapin? Puwede bang lumayo ka sa 'kin?"
"Hindi ko alam kung kaya mong ibigay 'yan, pero sana huwag kang gumawa pa ng mga bagay na magiging dahilan para mas lalo kitang ayawan," pagpapatuloy ni Anya.
Yumuko si Jakob at hindi nakapagsalita.
"Hindi kita ipahihiya sa iba. Iyan ang masisiguro mo sa 'kin," sabi ni Anya. "Pero sana kapag nandito sa loob, bigyan mo ako ng kalayaan. Palagi mong sinasabing mahal mo 'ko. Ngayon mo patunayan 'yan, Jakob."
"Anya."
"Kung talagang mahal mo 'ko, lumayo ka muna sa 'kin dahil sa tuwing nakikita kita . . ." Anya paused. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko . . . dahil parang nagsisisi akong ibinigay ko ang sarili ko sa 'yo."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top