Chapter 51
"Anya . . . ."
Napasandal si Anya sa bookshelf na nasa likuran niya. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya at parang babagsak siya dahil sa panginginig ng katawan lalo na ang tuhod niya.
"Hindi ka pa ba naging kuntento noon na sumama na 'ko sa 'yo para pagbantaan mo si Nicholas, Jakob? Sumama na ako, 'di ba? Bakit kailangan mo pang gawin 'yun? Bakit kailangan mong pasamain lalo ang tingin ng iba sa 'yo?" Humikbi si Anya. "Gusto kitang ipagtanggol sa kanilang lahat, pero paano kita ipagtatanggol kung wala akong alam? Kung kaya mo palang gawin 'yun?"
Gustuhin mang lumapit ni Jakob kay Anya, hindi niya magawa dahil sa tuwing susubukan niyang humakbang, lumalayo si Anya sa kaniya.
"Please lang, 'wag kang lalapit sa 'kin." Nanginig ang baba ni Anya habang nakatingin kay Jakob. "Nandidiri ako sa 'yo ngayon. Hindi kita kayang tingnan, hindi ko kayang lumapit sa 'yo. Please, kung meron kang kaunting awa at respeto sa 'kin, lumayo ka muna sa 'kin, Jakob. Please."
Jakob stepped back upon hearing Anya beg. She kept on whispering please and he was just there standing.
"Lumabas ka muna rito at kung puwede lang sana, 'wag ka munang papasok. Nakikiusap ako sa 'yo." Anya sobbed. "Please lumayo muna kayong lahat sa 'kin dahil baka hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nakikiusap ako. Lumayo muna kayong lahat sa 'kin."
Hindi man sang-ayon, lumabas si Jakob ng library. Isinara niya ang pinto ngunit mula sa labas, naririnig niya ang malakas na pag-iyak ni Anya. Gusto niyang bumalik sa loob ngunit mukhang palalalain lang niya ang sitwasyon.
Everything was already going smoothly between them and Jakob wasn't ready for this one.
"Boss." It was Erick standing by the stairs. "Si Nicholas po, nasa labas. Gusto raw niyang makausap si Miss Anya. Papasukin po ba namin siya?"
Without thinking, Jakob nodded. He looked down and didn't say a word. He listened to Anya's wails and as much as he wanted to go inside, he didn't.
Narinig niya ang yabag sa hagdan at nagtama ang tingin nila ni Nicholas. Hindi siya nagsalita. Lumapit ito sa kaniya at nakatingin sa pinto habang pareho nilang pinakikinggan ang hagulhol ni Anya.
"Maybe you can stop her," Jakob murmured. "Hindi ako makalapit sa kaniya. At least . . . try to stop her. Please."
It was so hard for Jakob to say that. He didn't want to, but he had to. Hindi niya kayang marinig ang boses ni Anya mula sa loob. Maybe Nicholas could really stop Anya, he didn't know.
He opened the door and let Nicholas in. He was behind him. Anya was on the floor.
Nakita niya kung paanong mag-angat ng tingin si Anya at tumingin kay Nicholas. Nakita niya kung paanong magmalabis ang luha nito habang nakatingin sa dating kasintahan. Nakita niya kung paanong sinubukan ni Anya ang tumayo, pero hindi nagawa.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Anya. "Nicholas, bakit?"
"S-Sorry." Lumapit si Nicholas kay Anya. "Sorry sa mga nasabi ni Kuya Austin. Hindi ko inasahan. Hindi ko napigilan."
Nasa likuran si Jakob, nakatingin kay Anya. Nasaktan siya sa kung paanong hinayaan ni Anya na makalapit si Nicholas. Lumuhod ito at lumebel kay Anya.
"G-Ganoon din ba ang tingin mo sa 'kin?" Humikbi si Anya habang nakatingin kay Nicholas. Nakita ni Jakob kung paanong nangungusap ang mga mata nito. "Kasi . . . okay lang sa 'kin na ganoon ang tingin nilang lahat, pero hindi ko matanggap na . . . kayo rin. Hindi ko kaya. Hindi ganoon. Hindi iyon ang totoo . . . hindi ko matanggap."
Umiling si Nicholas at hinaplos ang pisngi ni Anya. Huminga nang malalim si Jakob at naramdaman niya ang kirot sa dibdib nang bigla na lang yakapin ni Anya si Nicholas. Nakasubsob ang mukha nito sa balikat, nakapalibot ang dalawang braso batok ni Nicholas, habang walang tigil sa paghagulhol.
Parang may kumurot sa puso niya, pero hindi niya magawang lumabas. Napako siya sa kinatatayuan, pinanonood kung paanong nakakuyom ang dalawang kamay ni Anya sa damit ni Nicholas na para bang doon kumukuha ng lakas.
"Hindi ganoon." Hinaplos ni Nicholas ang likuran ni Anya. "Hindi ako puwedeng magsalita para kay Kuya Austin, pero hindi ganoon, Anya. Sorry kasi humantong tayo sa ganito."
Nag-angat ng tingin si Anya at hinarap si Nicholas. Panay ang iling nito. "No. Ako ang dapat mag-sorry. Everyone's right. Sinaktan kita. Iniwan kita. Sorry kasi nag-decide akong mag-isa. Sorry kasi humantong tayo sa ganito . . . sorry kung sa tingin n'yo sarili ko ang iniisip ko . . . ."
Umiling si Nicholas. "Hindi ko iniisip na makasarili ka, Anya. Sana lang kinausap mo ako noon, pero tapos na rin kasi tayo sa sitwasyong 'yun. Pareho na tayong nakausad. Naiintindihan ko si Kuya sa parteng bago sa kaniya at nagulat siya, pero hindi ako agree sa mga sinabi niya."
"Sorry kasi hindi ko siya napigilan," sabi ni Nicholas habang nakatitig kay Anya. "Sorry kasi inisip ko noon na iwanan ka na lang dito. Sorry kasi naging makasarili rin ako. Sorry na hindi ko inalam kung ano ang totoong sitwasyon mo."
Nakatitig si Jakob sa mukha ni Anya. Nagmamalabis pa rin ang luha nito habang nakatingin kay Nicholas.
"Sorry kasi hindi ako nakapag-thank you. Naging makasarili rin ako sa parteng mas dinama ko 'yung sakit na naramdaman ko noon, pero hindi ko makita ang parteng para din naman pala sa 'kin 'yun," pagpapatuloy ni Nicholas. "Hindi mo kailangang palaging isipin ang ibang tao, Anya. Hindi ako, hindi si Kuya Austin, o si Jakob. Sa pagkakataong ito, maging makasarili ka sa totoong gusto mo, Anya. Okay lang kaming lahat . . . ikaw? Okay ka lang ba?"
Umiling si Anya. "H-Hindi ako okay ngayon. Masakit dito." Itinuro nito ang puso. "Masakit na masakit."
Inalalayan ni Nicholas na tumayo si Anya para ayain ito sa sofa. Nanatili si Jakob na nakatingin sa dalawa. Ni daanan siya ng tingin, hindi ginawa ni Anya. Naupo ang dalawa sa sofa. Naging tahimik ang buong library.
Nakaupo lang si Nicholas. Nakaupo rin si Anya, pero nakataas ang paa sa sofa. Nakapatong ang baba nito sa sariling mga tuhod at mahina pa ring humahagulhol, pero hindi na katulad kanina.
Lumabas si Jakob ng kuwarto dahil hindi niya matagalan ang sitwasyon sa loob. Sumandal siya sa pader at iniisip ang kinabukasan.
Dahil sa nangyari, may posibilidad na umalis si Anya sa puder niya.
"Boss." Lumabas ng library si Nicholas. "Nakatulog si Anya."
Tumango si Jakob at tinalikuran ito. Mabagal ang bawat hakbang nya papunta sa kuwarto nila para kumuha ng unan at kumot. Paulit-ulit na nagre-replay sa tainga niya ang pag-iyak ni Anya at kung ano ang nararamdaman nito.
Pagbalik sa library, naabutan niya si Nicholas na isinasara ang mga bintana. Humarap ito sa kaniya at nagtama ang tingin nila.
Si Jakob na mismo ang nag-ayos sa pagkakahiga ni Anya. Nilagyan niya ito ng unan at kinumutan.
"What did Austin say for Anya to react like this?" Jakob asked Nicholas. "At 'wag kang magsisinungaling."
Lumabas sila ng library at nagpunta sa rooftop para mag-usap. Nicholas told everything and Jakob listened. He was hurt . . . not for himself, but for Anya.
Alam niya kung gaano nito kamahal si Austin kaya nasaktan sa mga sinabi nito.
Without second thought, Jakob paid Austin a visit. Mary was also there and it looked like the two were also talking. Nicholas was also with him.
"Alam kong galit ka sa 'kin, pero hindi mo kailangang idamay sa galit mo na si Anya," sabi ni Jakob sa mababang boses. "I never laid my hands on her and I never will. Alam ko ang ginawa ko at wala siyang kasalanan."
Tahimik na nakatingin sa kaniya sina Austin at Mary.
"Isa lang ang naging pagkakamali ni Anya," seryosong sabi ni Jakob. "Base sa mga sinabi mo, masasabi kong mali siya ng desisyong bigyan ka ng pagkakataon. Anya had no second thoughts about begging me to save you. Naiintindihan ko kung ako ang pinagsalitaan mo. Wala akong pakialam sa iniisip mo tungkol sa 'kin, but Anya's a different case."
"I love her . . . so much and I am warning you," Jakob said in a low voice. "Tutal you're fully aware of what I can do and how I abuse my power, I am telling you now that this is your first and last warning. If you'll keep on hurting her or if you ever hurt her again, you're free to leave. If that's what you want, go ahead."
Austin remained unmoving.
"Just please . . . don't hurt her again. Hate me all you want, just not her," pag-uulit ni Jakob. "I love her, if that's the assurance you need and I am willing to hurt anyone to protect her. Kindly remember that."
—
Isang linggo na ang nakalipas, pero hindi pa rin magawang kausapin ni Jakob si Anya. Gusto niya, pero hindi niya alam kung paano. Sa tuwing susubukan niya, pinangungunahan siya ng takot.
Nakaupo si Jakob sa sofa habang binabasa ang papeles na ipinadala sa kaniya ng secretary niya. Isang linggo na rin siyang hindi lumalabas ng bahay. Hindi siya umaalis, baka sakaling mayroong kailangan si Anya, makalapit kaagad siya.
"Boss, pinatatanong pala ni commander kung makaka-attend ka raw po ba sa meeting mamayang hapon?"
Umiling si Jakob. "Pakisabi sa kaniya na pumunta na lang siya rito at siya na ang mag-explain sa 'kin. I can't leave."
Tumango ang secretary niya at nagpaalam. Nakiusap din si Jakob sa isang ranger na magpadala ng pagkain sa bahay niya para kung sakali mang nagugutom si Anya, mayroon itong makukuha sa kusina.
Isang linggo na ring natutulog si Anya sa library. Kahit mismong si Ate Rose, hindi kinakausap ni Anya. Nakalalapit ito para maglinis sa library, pero hindi nakakausap. At dahil hindi nakapapasok si Jakob sa library kapag gising si Anya, nagtatanong na lang siya kay Ate Rose tungkol dito.
Nilingon ni Jakob ang hagdan nang marinig ang yabag. Diretsong bumaba si Anya, ni hindi tumingin sa sala. Sumunod si Jakob para sabihing mayroong pagkain sa lamesa.
"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Jakob. "Magpapaluto ako sa pantry."
Walang naging sagot mula kay Anya na binuksan ang containers na nasa lamesa. Kumuha ito ng pinggan at bowl. Nagsalin ng kanin at sabaw, kumuha rin ng fried chicken. Kinuha rin ang isang bote ng tubig pati na rin ang cookies na nasa isa pang container. Lahat iyon ginawa nito nang hindi tumitingin sa kaniya . . . na para bang hindi siya nag-e-exist.
Jakob sighed when Anya left him alone inside the kitchen. He could hear her footsteps.
Wala siyang nagawa kung hindi ang sumandal sa kitchen counter habang iniisip kung ano na naman ang mangyayari kinabukasan.
Buong maghapong nag-stay si Jakob sa sala. Hindi rin niya hinayaang walang pagkain sa lamesa at sa tuwing bumababa si Anya, hindi na niya ito masyadong pinapansin o kinukulit dahil baka mas lalo lang itong magalit sa kaniya.
Kinagabihan, nagpakuha ulit si Jakob ng pagkain sa pantry. Dalawang beses siyang kumatok sa library, pero tulad noong simula, walang sagot mula kay Anya kaya binuksan niya ang pinto.
Naabutan niya si Anya na nakaupo sa carpeted floor at nakasandal sa sofa. Nakasuot ito ng hindi na gumaganang headset habang seryosong nagbabasa ng libro. Nakaipit ang buhok nito at nakasuot ng simpleng T-shirt at pajama. Alam niyang alam ni Anya na nasa pinto siya, pero hindi ito lumingon sa kanya.
As much as Jakob wanted to get her attention, he didn't. He carefully shut the door and breathed. Sumandal siya sa pader malapit sa pinto habang iniisip kung ano naman ang gagawin kinabukasan.
He missed Anya. He missed talking to her. He missed sleeping beside her.
Kahit iyong talking na lang, okay na sa kaniya. He wouldn't mind not touching her as Anya wouldn't even look at him. Iyon ang hinahanap niya. Iyon ang gusto niya kahit na magalit ito sa kaniya.
Jakob wouldn't mind if Anya would shout or hurt him, but he also knew that that wasn't Anya.
Muling bumaba si Jakob sa kusina para kumaing mag-isa. For weeks, he knew what it finally felt like to eat with someone and now, he was alone. He didn't even bother opening the lights.
Ni hindi nga niya malunok kung ano ang kinakain niya.
The entire night, Jakob made himself busy by reading papers from the factory and managing the orders. He started making new plans for the future, plans to enhance Escarra's walls, and even thinking of a new ways to plant more crops. Hindi naman niya iyon ginagawa noon, pero dahil wala siyang magawa, iyon ang pinagtuunan niya ng pansin.
Kung sa ibang pagkakataon, umalis siya ng Escarra. Hindi nga niya magawang lumabas ng bahay, aalis pa ng Escarra?
Hindi namalayan ni Jakob na madaling-araw na. Ilang araw na rin siyang walang tulog dahil hindi na siya makatulog nang wala si Anya sa tabi niya. Ilang beses niyang sinubukan, pero hindi niya magawa.
Jakob decided to jog. He ran around Escarra and let himself feel tired. He showered afterward and laid on the bed, but the room felt empty.
Bumangon siya para pumunta sa library. Hindi siya sigurado kung gising pa ba si Anya, pero sa ilang gabi namang nagpupunta siya roon at alas-tres ng madaling-araw, mahimbing itong natutulog.
Sinuklay ni Jakob ang buhok gamit ang sarili niyang mga daliri bago tuluyang binuksan ang pinto ng library. Mabuti na lang din ay pinalagyan na niya ito ng aircon simula noong tumira si Anya sa bahay niya. Maayos ang loob at siniguro niyang mayroong sofa na puwede nitong gamitin sa tuwing nagbabasa.
Mayroong guest rooms ang buong bahay niya, pero alam din niyang mas komportable si Anya sa library kaya hinayaan na niya ito.
Hindi siya nagkamali nang makitang mahimbing na itong natutulog sa sofa. Anya was in a fetal position, hugging a pillow, and was covered in the duvet. The book she was reading was under her pillow, too.
It was dark, but the light coming from one of the bookshelves was enough to illuminate the room.
Jakob stood there staring at Anya. Nagagawa lang niya ito kapag natutulog na. Isang linggo . . . ganito ang sitwasyon niya. He leaned to kiss the side of Anya's forehead. His lips barely even touched her. He was scared she might wake up.
Maingat na naupo si Jakob sa sahig na mayroong carpet. Nandoon din ang ilan pang librong nakakalat, ang puzzle na binubuo ni Anya, at ang baso ng tubig. Nandoon din ang pinggan na mayroong dulo ng tinapay, ang balat ng apples na puro kagat, at bowl ng mushroom soup, pero hindi kinain ang mushroom.
Mahinang natawa si Jakob habang pinagmamasdan ang buong kuwarto. It was a real mess. Nakakalat kasi ang ilang libro sa sahig. Hindi niya alam kung bakit.
Sumandal siya sa sofa kung saan natutulog si Anya at patagilid itong tinitigan. Strands of hair were covering her face and as much as he wanted to remove it, he didn't. Baka magising si Anya sa gagawin niya.
Dahil nakalaylay ang kamay ni Anya sa sofa, nakita niya ang bracelet na ibinigay niya rito. It was a relief that she didn't remove it. Kahit iyon man lang.
"I miss you," Jakob murmured while staring at Anya. "I'm really sorry. I'm really, really, really sorry."
Kung sa ibang pagkakataon, malamang na magkatabi sila. Mahimbing itong natutulog sa gilid niya o kaya ginagawa pang unan ang braso niya.
Yumuko si Jakob nang maalala na halos daanan lang siya ng tingin ni Anya. Hindi nagtatama ang mga mata nila, hindi ito tumitingin sa kaniya.
Jakob knew because he was paying attention. Whenever Anya was around, he would look at her. Susundan niya ito ng tingin, baka sakaling tumingin din sa kaniya.
. . . ngunit sa isang linggo, wala.
Nanatili si Jakob sa posisyong nakaupo sa sahig, nakasandal sa sofa habang nasa likod si Anya, nakapatong ang isang siko sa tuhod, habang iniisip kung paano na naman siya kinabukasan.
He gazed at Anya and breathed.. "Please, don't leave me," he whispered.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top