Chapter 5

Ang buong akala ni Anya, nananaginip lang siya ngunit nang imulat niya ang mga mata at nakitang nasa edge nga siya ng balcony, hindi panaginip ang pagtayo at paglakad niya.

Ramdam niya sa yakap ni Nicholas ang takot lalo na sa lalim ng paghinga nito. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya habang hinahaplos ang likuran niya.

"Please," bulong ni Nicholas. "Please, 'wag."

Humiwalay si Anya kay Nicholas. Nakita niya si Austin na nakatayo sa pintuan, nakatingin sa kanilang dalawa. Nahiya siya sa nangyari. Nalungkot siya sa reaksyon ni Nicholas lalo nang tumitig ito sa kaniya at mahinang humagulhol.

"Anya, please, 'wag ganito." Suminghot si Nicholas at umiling.

"Sorry." Anya cupped Nicholas' face and shook her head. "Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam 'yung nangyari."

Ipinatong ni Nicholas ang noo sa kaniya bago ulit siya mahigpit na niyakap. Anya hugged Nicholas back and caressed the back of his head. Pumikit siya habang hinahayaan ang sariling umiyak kasabay ni Nicholas.

Nang magkusa na itong humiwalay sa kaniya, kinuha ni Anya ang pagkakataon para halikan ang gilid ng labi ni Nicholas bago pinunasan ang luha nito. Paulit-ulit ang paghingi niya ng sorry. Paulit-ulit din ang pag-iling nitong huwag ulit gagawin iyon.

Alam ni Nicholas na hindi na sila magiging maayos pagkatapos ng mga nangyari nitong nakaraan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gustuhin man niyang umalis sa lugar para mailayo si Anya dahil mukhang nagiging trigger nito ang nangyari kay Faith, wala silang ibang mapupuntahan.

Nagpaalam si Anya sa kanila ni Austin na maliligo sandali. Nag-offer siyang sasamahan ito hanggang sa pinto dahil natatakot siya sa posibleng maisip, pero sinabi nitong magiging maayos lang ang lahat.

Anya had a dream, that was what she said, and he didn't know if it was true or if she couldn't bear everything.

"Ano'ng plano mo?" tanong ni Austin.

"Hindi ko alam. Mukhang nati-trigger siya sa lugar, sa mga nangyari . . . hindi ko alam," sagot ni Nicholas. "Ano'ng gagawin ko? Mas lalo akong hindi makakatulog kung ganito. Ano'ng . . . ano'ng gagawin ko? Hindi ko alam kung ano."

"Hindi ko rin alam." Umiling si Austin at iniabot ang bote ng tubig kay Nicholas. "Uminom ka muna. Pakalmahin mo muna ang sarili mo. Hintayin mo siya 'tapos saka kayo mag-usap. Lalabas na rin muna siguro ako. Mas maganda kung mag-usap kayo para malinaw. Hindi puwedeng ikaw lang ang nag-iisip. Dapat alam mo rin kung ano ang gusto ni Anya."

Seryosong napatitig si Nicholas sa sinabi ni Austin. Alam niyang marami itong dinadamdam at itinatago. Aksidente rin niyang nakita ang picture ng isang babae sa wallet nito nang ipakita sa kaniya ang ilang isang libong nakuha sa isang rebelde. Hindi niya magawang magtanong, pero graduation picture iyon ng babae. Posibleng dating girlfriend, hindi siya sigurado.

Umalis muna si Austin tulad ng sinabi nito sa kaniya. Nag-stay si Nicholas sa balcony. Tiningnan niya kung gaano kataas mula sa ibaba. Noon, wala namang problema dahil hindi naman siya nalulula, pero sa pagkakataong ito, malakas na kumabog ang dibdib niya dahilan para umatras siya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Anya. Hawak nito ang maliit na basket kung saan nakalagay ang mga sabon, maliit na towel, at toothbrush nila.

"Paubos na 'yung toothpaste natin." Ngumiti si Anya. "Tingin mo, makakahanap pa tayo?"

"Maghahanap tayo." Naglakad palapit si Nicholas at hinawakan ang kamay ni Anya. "May problema ba tayo? Alam kong hindi maayos ang mga nangyari nitong nakaraan, pero kung may mali, kausapin mo naman ako. Hindi 'yung tulad kanina na—"

Pinilit ni Anya ang ngumiti. "Walang problema, mahal. Nanaginip ako. Napanaginipan ko si Faith. Bago siya tumalon, napanaginipan ko siya, pero hindi ko expected na . . . na totoong naglakad ako. Hindi ko gagawin 'yun. Ayaw ko."

Matagal na nakatitig si Nicholas sa kaniya. Ipinalibot niya ang dalawang braso sa leeg nito at hinalikan sa pisngi.

"Hindi ko gagawin 'yun. I won't do that," Anya assured. "Pero hindi ko na alam. Nananaginip ako. Nakakatulog ako nang maayos, pero paulit-ulit kong naririnig and nakikita 'yung nangyayari. Hindi ko alam kung paano ko kalilimutan."

Nakahawak ang dalawang kamay ni Nicholas sa baywang ni Anya at pinakikinggan ang sinasabi nito.

"Gusto mo bang umalis dito? After what happened, alam kong mangyayari ulit 'to," pagpapatuloy ni Nicholas. "Gusto mo bang umalis na rito? I think this place is triggering you."

Nagsalubong ang kilay ni Anya dahil sa sinabi ni Nicholas. Alam niyang hindi magiging madali ang pag-alis nila sa lugar. The place was perfect for them to stay, it was safe, it wasn't the best, but it was better that the outside. She immediately shook her head and shrugged the thought.

"Hindi tayo puwedeng umalis dito, mahal." Umiling si Anya habang hinahaplos ang pisngi ni Nicholas. "Wala tayong pupuntahan. Wala tayong ibang titirhan. Matagal nating hinanap 'tong lugar na 'to at safe rito. Hindi puwedeng dahil sa panaginip ko, dahil sa akin, aalis tayo."

Nilingon ni Nicholas ang balcony. May point si Anya, pero pagkatapos ng nangyari, alam niyang hindi siya matatahimik at mapapakali.

"Susubukan nating maghanap ng grupo. That's the best way we can both live normal despite all of this. Hindi ako makakatulog dito, mahal. Hindi ako mapakali na . . . baka maulit 'to," pagsusumamo ni Nicholas habang umiiling. "Pag-isipan mong mabuti. Pag-usapan ulit natin."

Anya knew that after what happened, Nicholas wouldn't let this go and she was right. Nicholas tried to talk her out again about leaving the place. It had been almost four days. Hindi na naulit ang sleepwalking niya, pero paulit-ulit pa rin siyang nananaginip nang masama at sa tuwing magigising siya, gising si Nicholas na nakatingin sa kaniya.

But today was different. Nicholas unconsciously fell asleep. Malamang dahil na rin sa sobrang antok. Nakaupo lang si Anya sa gilid ng kama, hinahaplos ang buhok ni Nicholas.

"Anya, puwede ba tayong mag-usap?" pag-aya ni Austin sa kaniya sa balcony. "May sasabihin lang ako sandali."

Tahimik na sumandal si Anya sa pader habang nakatingin kay Austin na nakatitig naman sa kawalan. Hindi na niya magawang tumingin sa ibaba. Nagkaroon siya ng takot sa tuwing naaalala pa rin si Faith.

Katahimikan ang bumalot sa kanila. Hinihintay niya si Austin na magsalita. Umalis ito kahapon at kararating lang kaninang tanghalian. Wala silang ideya ni Nicholas kung saan ito nagpunta. Malalim itong huminga bago humarap sa kaniya.

"Nicholas was eager to leave the place," Austin said without stuttering. "Hinihintay lang niya ang desisyon mo, pero gusto na niyang umalis dito. Sinubukan kong maghanap ng ibang building na tumatanggap ng mga tao, 'yung malapit lang dito, pero wala."

Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Yumuko siya at tinitigan ang sahig na para bang naroon ang sagot.

"Nakakuha ako ng relief kanina sa dumaang truck na namimigay ng mga pagkain sa mga nasa kalsada." Itinuro ni Austin ang bag nito. "Tinago ko kasi iilan lang din kaming nakakuha. Pasimple kong tinanong 'yung isang nagbigay sa 'kin kung tagasaan sila."

Nagsalubong ang kilay ni Anya at patuloy na pinakinggan ang sinasabi ni Austin. Halos pabulong ang pagkakasabi nito.

"Sa 'yo ko unang sasabihin para makapagdesisyon ka. Sinabi niya sa 'kin na nasa further north area sila. Parang mga dalawang oras pa ang layo roon sa unang lugar kung saan tayo nagkakilala," pagpapatuloy ni Austin. "Sinabi niyang tumatanggap naman daw, pero mahigpit at hindi sigurado."

"Meron daw po bang requirements?" tanong ni Anya.

Tumango si Austin. "Priority ang mga bata, matanda, at may sakit. Walang qualified sa 'tin, pero kung sakali man, puwede siguro nating subukan o gumawa ng paraan. Hindi ko alam kung tama ba 'yung gagawin natin kung sakali mang makapag-decide ka na. Pag-usapan n'yo ni Nicholas."

Hindi nakasagot si Anya. Ipinalibot niya ang tingin sa lugar kung nasaan sila. Magaspang ang pader dahil hindi naman natapos ang building. Walang harang ang balcony, walang bintana kaya madalas silang nilalamok at umaanggi kapag umuulan, maalikabok kapag hindi nalilinisan, at masyado silang exposed sa kahit na ano.

Naalala niyang natakot sila ni Nicholas dahil mayroong mga namatay sa building nila at naalala nila ang symptoms ng dengue noon. Walang nagawa dahil wala namang ospital. Limitado rin ang tubig dahil marami silang gumagamit.

The place was okay, ideal to stay in when there was no other choice.

"Ikaw, Kuya. Kung gusto mo, i-try mo para hindi ka na rin mahirapan. Sa skills mo, alam kong qualified ka sa mga ganoon." Ngumiti si Anya. Nanatili namang seryosong nakatingin si Austin sa kaniya. "Para hindi ka na rin mahirapan sa 'min."

Matagal na nakatitig si Austin sa kaniya. Matagal na matagal.

"Naalala ko sa 'yo 'yung bunsong kapatid ko." Ngumiti si Austin. "Noong unang beses kitang makita, siya talaga ang naalala ko. Pareho kayo ng mata at saka ng height. Kaibahan lang, kalog si Hannah. Ikaw kasi tahimik."

Anya remained silent. Austin was always quiet around her. Madalas na kay Nicholas lang ito nakikipag-usap at minsan pang umiiwas sa kaniya. Buong akala niya dahil ayaw nito sa kaniya . . . dahil nga pabigat siya.

"Parang mas bata lang siya sa 'yo nang isang taon, pero halos pareho lang kayo," pagpapatuloy ni Austin. "She died even before this happened. Minsan nga kapag naiisip ko siya, a part of me was thankful she didn't get to experience this. Naiisip ko na mahihirapan ang kapatid ko rito kaya parang mas mabuti na rin palang napaaga siya."

Nalungkot si Anya sa narinig. Tumingin siya sa kawalan. Maganda ang sikat ng araw, medyo mainit din sa pakiramdam. Naisip din niyang magtanong kung ano ang ikinamatay nito, pero hindi niya magawa.

"Kung okay lang sa 'yo, kung saan kayo ni Nicholas, doon ako. Pero kung gusto mong umalis ako, aalis ako," sabi ni Austin. "Para ko kayong kapatid, Anya. Basta kung saan kayo, doon na lang ako. Kung okay lang sa inyo."

"Kuya." Mababa ang boses ni Anya at ngumiti. "Nahihiya ako sa 'yo kasi sobrang pabigat ko nitong mga nakaraan. Nakita ko rin na comfy sa 'yo si Nicholas kaya walang problema sa 'kin. Kung sa tingin mo may chance tayo sa grupong sinasabi mo, okay lang sa 'kin." Tumingin siya kay Nicholas. "Ayaw ko na rin siyang mahirapan. G-Grabe na rin 'yung hirap niya sa 'kin."

Bumagsak ang pinipigilang luha ni Anya. Naalala niya ang umpisa—kung saan nagkakilala sila ni Nicholas at simula rin noon, hindi na siya nito pinabayaan.

Muling nagpaalam si Austin na pupunta sa sarili nitong space ilang floor lang ang layo sa kanila. Mayroon itong sariling tulugan, pero mas gustong makisalo sa pagkain sa kanila ni Nicholas. Nakaramdam siya ng lungkot knowing na naaalala pala nito ang kapatid sa kaniya.

Anya wanted a big brother. She had a big sister, but they weren't close because of huge age difference. May-edad na rin kasi ang mga magulang niya nang maipanganak siya.

Sa naisip, muli niyang inalala kung kumusta ang pamilya niya, kung buhay pa ba ang mga ito, at tulad niyang nahihirapan sa araw-araw.

Nahiga si Anya sa tabi ni Nicholas at mukhang naramdaman nito ang paglubog ng kama. Kaagad itong yumakap sa kaniya at hinalikan ang gilid ng noo niya. Hindi siya nagsalita o gumalaw. Hinayaan pa niyang matulog si Nicholas dahil malamang na mamayang madaling-araw, gising na naman ito kapag siya naman ang tulog.



Nagising si Nicholas nang marinig ang pagtunog ng kaldero. Tumingin sa kaniya si Anya at ngumiti. Nilingon naman niya ang kalangitan. Madilim na. Mukhang napahimbing siya ng tulog.

Wala silang ideya kung anong oras na. Wala silang relo kaya dumedepende na lang sila sa liwanag at kadiliman. Mahirap dahil hindi rin nila alam kung anong buwan at araw na. Nagbabase lang sila sa dino-drawing na stick ni Anya sa notebook nila.

Nakita niyang nagluluto si Anya. Nilapitan niya ito na inabutan naman kaagad siya ng tubig.

"Nakakuha ulit si Kuya Austin ng mga pagkain kanina." Ipinakita sa kaniya ni Anya ang isang bar ng chocolate. "Nakita rin niya 'to. Expired na siya six months ago, pero I think may extension date pa naman." Tumawa ito. "Na-miss ko 'to, sobra."

Naupo si Nicholas sa tabi ni Anya. Binuksan nito ang chocolate at sinabing hinintay siyang magising para sabay nila iyong kainin.

"Mahal, okay na akong umalis dito kung okay lang sa 'yo. May sinabi si Kuya Austin sa 'kin kanina. 'Yung tungkol sa grupo na posibleng tumanggap. Medyo malayo raw ang lalakarin natin, pero susubukan. Kung gusto mong pumunta, if you want us to try, I'm okay with it."

Hindi nakasagot si Nicholas. Napatitig siya kay Anya.

"Natatakot ako, but I want you to have that peace of mind, Nicholas. Ayaw kong ako palagi ang iniisip mo lalo ngayon. Alam kong hindi ka mapakali dahil sa nangyari noong nakaraan. We can leave this place and start a new one if you're okay with it." Anya held his hand. "Kung saan tayo magiging maayos, doon na lang tayo. We both know that we don't know what's gonna happen next and ayaw kong magkaroon ng regrets sa mga natitirang araw natin. We both know na hindi natin alam ang bukas, but I'd rather risk it with you than do nothing."

"Sigurado ka ba?" nauutal na sagot ni Nicholas. "Ayaw ko ring gagawin mo 'to dahil lang gusto ko. Alam kong naging safe place mo 'tong lugar na 'to."

"Not anymore," malungkot na sabi ni Anya. "Hindi na siya safe place para sa 'kin kasi . . . hindi na mawala sa isip ko. And I know na as long as hindi ako okay, hindi ka rin magiging okay. We don't have much choice, Nicholas. This is survival and I wanna survive with you."

Mahigpit na hinawakan ni Nicholas ang kamay ni Anya at hindi alam ang sasabihin.

"We don't know kung hanggang kailan na lang tayo and I want to live the remaining days, weeks, months, or please . . . I wanna have more years with you." Anya sniffed. "Takot na tayo sa araw-araw and what if we try? We'll never know naman until we try, right?"

Tumango si Nicholas. "Kakayanin mo ba? Kung sakali man, malayo ang lalakarin natin. Alam kong mahihirapan ka."

"Part naman 'yun, right?" Anya sounded positive. "I'll try, mahal. I'll try for us. I want you to be able to sleep better."

Nicholas didn't say a word. He encircled his arm around Anya and pulled her closer to kiss her forehead. Pareho silang takot, pero susubukan nila. Tama si Anya sa parteng hindi nila sigurado ang mga susunod pa, pero hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan nila kung hindi rin nila susubukan.

Survival.

They would do anything to survive.

Nicholas talked to Austin about the plan. Nagpunta ito sa kwarto nila at pinag-usapan nilang tatlo ang gagawin. Wala silang dadalhin bukod sa mga importanteng gamit tulad ng damit pamalit, tubig, at mga pandepensa para sa sarili nila. Kung puwedeng walang masyadong dala, gagawin nila dahil mas ligtas iyon—hindi takaw-nakaw.

Umalis sila noong madaling-araw. Tulog ang lahat. Sa isang tao na lang sila nagpaalam at sinabing hindi na sila babalik para hindi na ito mag-expect sa kanila. Maraming tanong si Ver, isa sa mga guardiya kapag gabi. Sinabi na lang ni Nicholas na hindi na puwede para kay Anya ang lugar at naintinidhan nito iyon.

Maayos na nagpaalam sina Anya at Nicholas. Nagpasalamat din sa mga ito.

Ipinasuot ni Austin kay Anya ang hoodie. Malaki iyon at makapal. Doble ang suot niya para hindi halatang babae siya. Muli niyang itinago ang buhok at nagsuot ng bonet. Isinuot din niya ang pantakip sa mukha at tanging mata lang niya ang nakalabas.

Nasa gitna si Anya ng dalawang lalaki. Tahimik silang naglalakad. Maliliit na bag lang ang dala, tubig, at kaunting pagkain; sapat na para sa buong araw na paglalakad nila.

"Sigurado na ba kayong dalawa?" tanong ni Austin bago pa sila makalayo sa building.

Parehong nilingon nina Anya at Nicholas ang naging tahanan nila sa loob nang ilang buwan. Nagkatinginan sila at tumango. Nakita ni Nicholas sa mga mata ni Anya ang ngiti.

"Bahala na," bulong ni Anya.

Tumango si Nicholas. "Bahala na."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys