Chapter 45

Itinutulak ni Nicholas ang wheelchair ni Austin habang naglalakad sila sa park ng Escarra. Wala pang mga bata dahil maaga pa kaya naman silang tatlo pa lang ang nandoon.

Masarap sa balat ang init ng araw dahil maaga pa. Iyon ang hinahabol nila tuwing umaga para kay Austin.

"Upo muna tayo," sabi ni Austin na itinuro ang ilalim ng malagong puno. "Okay naman na 'ko. Gusto ko na lang magkuwentuhan."

Hindi kaagad sumunod si Anya dahil tinanggal muna niya ang mga dahong bumagsak sa slide. Malamang na maya-maya lang ay mayroong mga batang magpupunta rito para maglaro. Wala pa rin ang tagalinis dahil masyado pang maaga.

Sumunod si Anya at naupo sa bench katabi ang wheelchair ni Austin. Nanatili namang nakatayo si Nicholas habang nakikipag-usap dito tungkol sa trabaho sa garahe.

"Kumusta naman kayong dalawa?" tanong ni Austin dahilan para magkatinginan sina Anya at Nicholas. "Medyo matagal ko na kasing napapansin na parang may iba, e."

Nanatiling tahimik si Nicholas na nasa gilid lang ni Austin habang nakatingin kay Anya na walang naging sagot dahil nagulat din.

"Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Okay naman kayo, nag-uusap naman kayo sa harapan ko, pero merong kulang. Parang merong mali," pagpapatuloy ni Austin. "Hindi ko alam kung ako lang, pero naiintindihan ko naman na maraming magbabago sa loob ng isang taon. Alam kong private kayong dalawa pagdating sa pinagdadaanan n'yo."

Pasimpleng nagkatinginan sina Anya at Nicholas. Oo, napag-usapan nilang sasabihin na kay Austin tungkol pagsabi rito ng totoo, pero hindi nila napag-usapan kung kailan. Hindi rin kasi alam ni Anya kung kailan ang perfect timing, pero bahala na.

"Naalala ko kasi noon na okay naman tayo 'tapos may tampuhan pala kayo. Sa harapan naming lahat, maayos naman kayo." Malalim na huminga si Austin. "Hindi na 'ko magtatanong. Ayaw ko naman magmukhang nakikialam sa nangyayari sa inyo, pero kung ano man 'yan, sana maayos pa. Hindi kasi ako sanay na parang ang lamig-lamig n'yo sa isa't isa."

Anya looked down and cleared her throat. She wanted to say something, but couldn't. Nicholas observed and saw how Anya scratched the back of her hand. Mukha itong hindi mapakali kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan para mag-iba ang usapan.

Mukhang hindi pa handa, mukhang hindi pa matutuloy.

Nicholas asked Austin various questions and the topic immediately shifted when Austin started asking about Mary. Kung sabagay nga naman, halos ang dalawa ang magkasama sa araw-araw kaya hindi malabo.

"Kaso noong tinanong ko ang doctor, mukhang imposibleng makalabas ako ulit ng Escarra," malungkot na sambit ni Austin. "Sinabi niya sa 'kin na puwede, pero matatagalan kaya baka sa loob muna ako ng Escarra magtrabaho. Grabe. Pangarap ko pa naman sanang maging member ng Alpha Team noong malaman ko ang tungkol doon. Mabuti ikaw, Nicholas, nakapasok ka."

Nakikinig lang si Anya sa pinag-uusapan ng dalawa. Pinakikinggan niya kung ano ba ang ginagawa ng Alpha Team base sa kuwento ni Nicholas. Hindi rin naman kasi siya nagtatanong kay Jakob tungkol doon.

Alpha Team pala ang pinakapinagkakatiwalaan ni Jakob lalo na't si commander ang pinaka-leader ng grupo. Ito ang unang inuutusan kapag may importanteng gagawin sa labas o kukunin sa ibang grupo. Ang mga ito rin ang madalas na kasamang lumalabas ni Jakob kapag may kailangang gawin sa labas.

And by the looks of it, Austin was really looking forward to it. Hindi nga lang posible sa ngayon.

Nang tumunog ang siren na magsisimula na ang trabaho, nagpaalam si Nicholas kung puwede bang mauna na ito dahil may kailangang tapusin sa garahe. Austin and Anya agreed and they both stayed in the park.

"Hindi ka ba naiistorbo sa normal mong ginagawa dahil sa pag-aalaga sa 'kin sa maghapon?" tanong ni Austin. "Baka mamaya mapagalitan ka ni Jakob na hindi ka na nakakapagtrabaho sa kaniya nang maayos."

"Hindi." Natawa si Anya at malalim na huminga. "Kinausap ko naman siya nang maayos at saka mabuti na rin daw lalo na at matagal kitang hinintay na magising. Siyempre excited ako at saka natutuwa kaya ako na nakikita ko ang progress mo."

Tumingin si Austin sa kaniya. "Sinabi sa 'kin ni Mary na araw-araw ka raw nasa infirmary simula nang mangyari 'to sa 'kin. Sa totoo lang, hiyang-hiya ako, Anya. May parte sa 'kin na inisip ko na sana . . . pinabayaan n'yo na lang akong mawala. Nahihiya ako sa lahat ng rosources na nawala dahil sa 'kin. Isang taon 'yun, e."

"Wala naman 'yun. Ang mahalaga naman ngayon, ito ka na. Feeling ko nga bukas, makakalakad ka na ulit, e! Walang sayang, Kuya. Sabi ko nga sa 'yo, gagawin ko ang kahit na ano para maging okay ka lang." Ngumiti si Anya. "Worth it naman ang lahat."

Umalis sila sa park at naglakad-lakad lang habang pinag-uusapan ang ilang pagbabago sa Escarra. Naisipan nilang bumalik sa infirmary nang medyo umiinit na at bago pa man sila makalapit, nakita na ni Anya si Jakob sa entrance at nakapamulsang nakatingin sa kanila.

"Boss," bati ni Austin kay Jakob.

"Good morning," Jakob greeted. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Maayos naman, boss. Sinabi ni doc na malamang, next month puwede na rin akong lumabas. Sana nga . . . ."

Ngumiti si Jakob kay Austin at tumango bago tiningnan si Anya. Isang tipid na ngiti ang isinukli nito bago nagpaalam na papasok na sila sa loob dahil mayroong therapy si Austin.

Ang buong akala ni Anya, nakaalis na si Jakob, pero paglabas niya ng kuwarto ni Austin, naabutan niya itong nakasandal sa pader katabi ang pinto ng kuwarto. Walang kahit na anong salita. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala siya sa kabilang kuwarto.

"Hindi mo pa rin nasabi?" Hinaplos ni Jakob ang pisngi niya.

"Hindi ko pa kaya." Umiling si Anya at tipid na ngumiti. "Nagkausap naman na kami ni Nicholas, okay naman sa kaniya . . . pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan."

Tinalikuran ni Anya si Jakob. Naupo siya sa kama at nag-Indian sit. Sumunod naman si Jakob na naupo rin sa dulo ng kama at patagilid na nakatingin sa kaniya.

"Puwede ba tayong umalis bukas?" pag-aya ni Anya. Hindi rin niya alam kung bakit gustong-gusto niyang lumabas. "Parang gusto ko lang huminga sandali."

"Saan mo gustong magpunta? Kay Martin, it's all green," suggestion ni Jakob. "Or Tristan. May malaking field rin naman siya. Medyo malapit lang ang lugar niya kay Ares. Hindi ka pa nakakapunta roon."

Anya forced a smile and breathed. "Kahit saan. Ikaw na lang ang bahala kung saan mo 'ko dadalhin. B-Basta gusto ko muna sanang lumabas dito kasi parang nasu-suffocate ako."

Isang tango ang naging sagot ni Jakob sa hiling ni Anya. Siya mismo ay napaisip kung saan sila pupunta. Kay Martin? Dahil kung kay Martin, literal na makahihinga si Anya roon dahil sa lugar. Kung kay Ares, pamilyar na si Anya roon at puwede naman siyang humiling sa kaibigan na samahan ulit silang lumabas, kung saan puwede. Kung kay Tristan, puwede rin naman, pero boring doon dahil wala namang ginagawa kung hindi mga armas.

For a moment, Jakob was quietly analyzing what Anya needed.

At dahil busy pa naman si Austin, inaya na muna ni Anya si Jakob na magpunta sa pantry para kumain. Sumama naman ito sa kaniya. Pinag-usapan nila ang tungkol sa trabaho nito, siya naman ay nagkuwento tungkol sa natutuhan niya sa physical therapy ni Austin.

Si Jakob ang kumuha ng pagkain nila. Naupo si Anya at muling ipinalibot ang tingin buong pantry. Magkakasama sa isang malaking lamesa ang grupo ng mga ranger na nagkukuwentuhan. Naalala niya ang sitwasyon niya kaninang umaga kung saan mag-isa siyang nakaupo.

"Sopas ang breakfast nila ngayon." Ibinaba ni Jakob ang bowl na may lamang sopas at isang itlog. "Gusto mo ba ng toasted bread?"

Umiling si Anya at pinunasan ang kutsara't tinidor nila. Naupo si Jakob sa harapan niya na inaayos naman ang inumin nila.

For some reason, Anya smiled because finally, she wasn't alone inside the pantry. She had someone to talk to. Hindi siya sigurado kung dadaldalin ba siya ni Jakob kahit na nasa labas sila, pero ayos lang. Ang mahalaga, may kasama siyang kumain ngayon.

Anya looked down and breathed. She felt calmer than earlier. Kahit hindi sila nag-uusap ni Jakob, ayos na siya na hindi siya mag-isa sa lamesang iyon. Inilabas niya ang libro habang kumakain at nagsimulang magbasa. Malapit na rin kasi siyang matapos.

Jakob, on the other hand, looked at Anya when she started chuckling while reading a book. He subtly smiled knowing Anya didn't lose this hobby. Sa gabi tuwing bago matulog, nagbabasa ito. Minsan nagigising siyang wala na si Anya sa kama dahil nagbabasa sa sofa.

And while Anya was reading, he would make sure that he didn't make any sound or do anything distracting. He did his own thing by observing what needed to be improved inside the pantry while waiting for Anya to finish her soup.

Muli silang naghiwalay pagkatapos kumain. Bumalik na si Anya sa infirmary, bumalik naman si Jakob sa admin office.

Tinulungan ni Anya si Mary na linisin ang kuwarto ni Austin. Nakatulog na ito pagkatapos ng physical therapy kaya wala silang masyadong gagawin. Tumulong na rin muna si Anya sa pag-ayos ng mga bagong gamot na ipinadala galing Olympus para lang pamatay ng oras.

Nang sabihin ni Mary na maayos na ang lahat, nag-decide si Anya umuwi na muna sa bahay ni Jakob para maligo. Naisipan niya rin kasing pumunta sa daycare. Alam niyang mayroong klase at gusto niyang sumali sa book reading kasama ang mga bata. Ayaw lang niyang ma-expose ang mga ito sa kahit na anong sakit lalo na at galing siya sa infirmary.

The kids immediately greeted Anya when they saw her enter the room. Tumayo ang mga ito at tumakbo papalapit sa kaniya. Pare-pareho silang bumagsak sa sahig na mayroong rubber. Ang isa ay nakayakap sa likuran niya, ang isa naman ay humawak sa kamay niya.

Tatlong bata rin ang nag-aagawang makaupo sa hita niya na ikinatawa nila ng teacher ng mga ito.

"Sit down na kayo para mag-storytelling na si Miss Anya." Ibinigay sa kaniya ng teacher ang isang libro. "Quiet lang tayo, okay?"

Anya started reading a book. Iniiba niya ang boses niya depende sa sitwasyon ng binabasa. Minsan pang kunwaring nagugulat o umiiyak. Kapag sinabi sa librong inuubo ang character, magkukunwari din siyang inuubo.

These kids never experienced television or radio so Anya and the teachers tried so hard to act as much as they could to show the emotions to the kids. Minsan, sumasama rin siya sa pag-paint ng kung ano-ano . . . and the kids' imaginations were cute.

Ang mga teacher at mga magulang na volunteer na rin ang gumagawa ng visuals base sa naaalala nilang lahat. They had to draw an airplane to explain to the kids how it worked.

Anya was in the middle of reading when a kid stood up.

"Jakob!" sigaw nito.

Nag-angat ng tingin si Anya nang maktia si Jakob sa pinto. Nakasandal ito sa hamba ng pinto ngunit kaagad na lumuhod nang maglapitan ang mga bata at isa-isang nagpabuhat. Ngumiti si Anya dahil nabuhat nito ang tatlong batang lalaki. Sumakay naman sa binti ang dalawa pa.

The girls stayed, but the youngest child inside Escarra walked towards her and sat on her lap.

Shia was only two years old. Baby na baby pa ito nang makarating siya sa Escarra at anak ito ng isang tagaluto sa pantry. Iniiwanan lang sa daycare para makasalamuha ang ibang bata.

"Read this one." Ibinigay ni Shia sa kaniya ang isang librong may aso sa picture. "Dog. This is dog."

"Very good!" Anya happily said. "Yes. This white dog's name is Snow."

"Snow," Shia murmured. "Snow! Read."

"Shia." It was Jakob. "Say please, baby. Read, please."

Shia frowned and looked at Anya. "Pwease. Pwease."

Anya chuckled and nodded. She started reading the book when Jakob sat in front of her. The kids were still playing with him but asked everyone to listen to her tell the story about this white dog.

Isa-isang pinaupo ni Jakob sa harapan niya ang mga batang lalaki ngunit hindi nakinig. Tumayo si Jakob at naupo hindi malayo sa kaniya. Nakatingin ito sa mga bata at pilit na pinatitigil sa pagsasalita sa malambing na paraan.

"Wait." Pinatigil siyang magbasa ni Jakob bago nito hinarap ang mga bata. "Kapag hindi tayo nag-quiet, hindi na magbabasa si Anya."

"Oo nga." Umarte si Anya na nalulungkot at nagkunwaring iiyak. "Iiyak na lang ako."

Nagsalubong ang kilay ni Jakob at naningkit ang mga mata. "See? Kapag umiyak si Anya, iuuwi ko na lang siya kasi hindi naman kayo nakikinig sa kaniya."

"Edi kami naman ang iiyak," sagot ng batang lalaki.

Mahinang natawa si Jakob, pero kaagad iyong pinigilan dahilan para matawa si Anya. Umiling si Jakob at sumenyas na huwag siyang tatawa dahilan para magseryoso na rin ang mukha niya. Muling kumandong sa kaniya si Shia.

Jakob told the kids about how his mom would scold him for not treating the teacher right. He should always listen to teachers because they teach them for a reason. To learn, to have knowledge, and to be respectful.

Hindi na nakinig si Anya nang bigla na lang ihiga ni Shia ang ulo sa balikat niya. Nakayakap ang braso nito sa leeg niya at mukhang inaantok na. Walang ginawa si Anya kung hindi haplusin ang likuran ng bata hanggang sa maramdaman niyang bumagsak ang kamay nito at mukhang nakatulog na.

Anya excused herself and Jakob looked at her when she stood up. Naupo siya sa sofa para tuluyang patulugin si Shia. Lumapit sa kaniya ang teacher para kunin ito, pero tumanggi siya. Nagpatulong na lang siyang maglagay ng unan sa likuran niya para kahit papaano ay makahiga siya nang maayos.

Tinapik niya ang likuran ng bata habang pinanonood si Jakob na makipaglaro sa iba pang batang nakasalampak sa sahig. Jakob taught the kids to build blocks and called the teachers to assist the kids.

Jakob stood up and walked towards her. Maingat itong naupo sa sofa.

"Wala ka nang trabaho?" tanong niya kay Jakob. "Nakatulog si Kuya Austin kanina kaya maaga akong nagpaalam. Baka babalik na lang ako sa kaniya before dinner para sabay kaming kumain, pero kaunti lang kakainin ko para kain naman tayo after."

Ngumiti si Jakob at hinaplos ang buhok niya gamit ang palad nito bago ibinalik ang tingin sa mga batang naglalaro.

Anya yawned, and he heard it. Their eyes met, and both chuckled.

Hinawakan ni Jakob ang maliit na kamay ni Shia na nakalaylay sa gilid ng braso niya. Umayos naman ng pagkakaupo si Anya at bahagyang naka-slant para mas makatulog si Shia sa dibdib niya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at hinaplos ang likod sabay tapik nang medyo gumalaw ito.

Jakob was looking at Shia before looking at her sideways. A small smile crept into his lips, and he sighed deeply before looking at Shia again.

By the way, Jakob was looking at Shia, Anya observed that Jakob was admiring the small child, especially when he kissed the back of Shia's hand and caressed it with his thumb.

"Jakob," Anya got his attention, who immediately looked at her.

No words, he waited.

"Gusto ko ng baby," Anya said in a low voice, kissing Shia's forehead.

Jakob bit his lower lip and stared at her. "Me, too."






T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys