Chapter 41

Nilingon ni Jakob si Anya na nakaupo sa tabi niya. Nakayuko ito at panay ang patunog nito ng mga daliri simula pa nang makaalis sila sa Olympus. Halos isang oras na rin ang nakalilipas at nasa daan pa rin sila.

"Pumayag ba si Ares tungkol kay Lily?" tanong ni Anya at alam ni Jakob na nililibang lang nito ang sarili. "Hindi ko na napagtuunan ng pansin kanina, pero . . . pumayag ba siya?"

Tumango si Jakob. "Yup."

Tipid na ngumiti si Anya at nilingon ang bintana habang paulit-ulit pa ring pinatutunog ang mga daliri. Rinig na rinig niya iyon at imbes na manahimik, kinuha niya ang kamay ni Anya na kaagad tumingin sa kaniya. Nagulat siya nang bigla na lang itong humikbi at humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.

Inihiga ni Anya ang ulo nito sa balikat niya habang siya naman ay diretsong tumingin sa dinadaanan nila. Nagsalubong ang tingin nila ni Lana sa rear view mirror. Ito ang nagmamaneho ng sinasakyan nila habang pinagigitnaan sila ng sasakyan ni Ares na nasa harapan at Martin na nasa likuran.

Si Tristan naman ang nasa huli. Ganoon palagi ang formation nila kahit noon pa.

Samantalang sinubukan ni Anya na patahanin ang sarili, pero hindi niya magawa. Mabilis ang tibok ng puso niya at kung puwede lang niyang madaliin ang mga sasakyan, ginawa na niya. Gustong-gusto na niyang makita si Austin. Gusto na niya itong makausap.

Nanatili siya sa posisyong nakahiga ang ulo niya sa balikat ni Jakob. Ipinikit niya ang mga mata at paulit-ulit na humihinga nang malalim, tulad ng itinuro ni Jakob na teknik sa kaniya.

Anya held onto Jakob's hand as she tried to calm herself, but it wasn't working. Jakob wasn't saying anything. Isa pa ito sa dahilan kung bakit nag-iisip siya. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan nilang lahat at kung paano niya ipaliliwanag kay Austin ang tungkol sa kanila ni Jakob.

Nanatiling nakapikit si Anya. Naramdaman na rin niya ang pananakit ng ulo dahil sa kaiiyak. Kung ano man ang mangyari, bahala na.

Inabot pa sila nang isang oras sa daan bago nakarating sa Escarra. Habang papasok sa gate, hindi na mapakali si Anya. Nabalot ng katahimikan ang sasakyan dahil hindi rin naman nagsasalita si Lana, ganoon din naman si Jakob na nakatingin lang sa bintana habang nakapatong ang siko nito roon.

Mabilis ang patakbo ng mga sasakyan at nang huminto sila sa harapan ng infirmary, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Anya. Akmang bababa na si Jakob nang hawakan niya ang kamay nito.

"Lana?" pagkuha ni Anya sa atensyon nito na kaagad tumingin sa kaniya. "Okay lang bang . . . iwanan mo muna kami rito?"

Tumango si Lana at hindi na nagsalita. Basta na lang itong lumabas ng sasakyan. TIningnan niya si Jakob na salubong ang kilay na nakatitig sa kaniya.

"Thank you." Anya's chin vibrated. "Thank you for keeping Austin alive. Thank you kasi hindi mo siya pinabayaan. T-Thank you kasi kahit gising na siya, nagpadala ka pa rin ng mga doctor na titingin sa kaniya."

Jakob, on the other hand, was staring at Anya, waiting for more words she would say. He was also already expecting something. A part of him knew that he would be able to hear those words sooner or later and he wasn't prepared.

He was not ready because he didn't want to even prepare himself for that request. He looked down and saw his hand with fingernail marks from Anya. Again, he waited but there was none.

Alam niya kung ano ang ginagawa niya at alam din niyang hindi dapat nagpapasalamat si Anya sa kaniya. It was all her and he was hoping she'd realize that.

Jakob knew what he did. Everything . . . so hearing and seeing Anya thanking him was off. It didn't feel right. He felt suffocated.

"Tara na, baka hinihintay ka na rin niya," sabi ni Jakob na naunang bumaba ng sasakyan.

Kaagad siyang nilapitan ni Alfred. Lumapit naman sa kanila si Anya na nakipagkamay rito at nagpasalamat sa pagpapatawag sa kanila. Nagtanong din si Anya tungkol sa lagay ni Austin, pero wala pa rin itong alam dahil puro lang mga doctor at nurse ang nasa loob.

Jakob was asking questions. Tristan, Ares, and Martin walked towards them, too. Ares mentioned that a group of doctors were already inside the infirmary checking on Austin and no one was still allowed to go inside.

Ipinalibot ni Anya ang tingin sa infirmary. Mayroong ilang ranger na nasa labas at nagbabantay, pero walang masyadong tao ngunit naramdaman niyang mayroong nakatingin sa kaniya.

Hindi siya nagkamali nang makita si Nicholas na nakaupo sa ilalim ng puno, sa bench malapit sa infirmary, na nakatingin sa kaniya. Bahagya itong tumango nang makita siya.

"Jakob?" pagkuha ni Anya sa atensyon ni Jakob. Tumigil ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at humarap sa kaniya. "P-Puwede ko bang puntahan sandali si Nicholas?"

Patagilid nitong nilingon si Nicholas bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Sure. Tatawagin ko na lang kayong dalawa kung sakali mang puwede nang pumasok sa loob."

"Thank you," pasasalamat ni Anya bago iniwan si Jakob kasama ang mga kaibigan nito.

Mabagal ang bawat paglakad niya papunta kay Nicholas. Ni hindi niya magawang tumingin sa ilang taong nasa labas ng infirmary. Tumayo naman si Nicholas nang makitang papalapit siya ay sinalubong na siya nito sa gitnang parte na mayroon pa ring lilim.

"Kanina pa raw ba siya gising? Wala pa silang sinasabi sa 'kin," tanong ni Anya kay Nicholas.

"Nakausap ko kanina si Mary. Umaga raw, noong tumunog ang siren para sa breakfast," sagot ni Nicholas. "Hindi pa rin ako nakakapasok sa loob. Hindi nila ako pinayagan. Ano ba ang sabi nina boss?"

Umiling si Anya at nilingon si Jakob na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. "Wala pa rin siyang alam, e. Sabi lang ni commandar, bawal pa rin silang pumasok, pero nagpadala si Ares ng iba pang doctor na puwedeng tumulong kung sakali man."

Tumango si Nicholas. "Mabuti naman. Ang tibay rin nitong si Kuya, e. Inabot nang isang taon ang tulog. Malamang sa malamang, magugulat 'yun na ganoon na pala katagal. Kahit ako nagugulat kapag nare-realize ko, e. Ganoon na pala katagal."

"Masyado niyang sinulit ang pagtulog." Natawa si Anya.

Walang naging sagot si Nicholas at diretsong nakatingin sa infirmary. Samantalang si Anya, palihim niya itong inobserbahan.

Malaki na ang ipinagbago ni Nicholas physically kumpara noong mga panahong magkasama sila. Nicholas gained some muscles and he was fit. He also tanned. Wala na rin kasi siyang balita rito kaya hindi niya alam kung lumalabas ba ito ng Escarra o ano.

Anya chose not to get involved with Nicholas anymore even with small talks. Sa tuwing mayroong pagkakataong magkita sila sa loob ng Escarra, ngingitian na lang niya ito at hanggang doon na lang. Wala na rin namang dahilan para mag-usap sila.

Isa pa, Nicholas was already involved with someone. Nabalitaan niya iyon mula sa mga taong nakatrabaho niya noon sa laundry.

Wala namang sinabing hindi maganda ang mga ito, bukod sa naaawa kay Nicholas dahil sa nangyari. Na si Nicholas ang naging biktima, na si Nicholas ang nakaaawa. Totoo rin naman. Iyon din naman talaga ang iniisip ni Anya dahil iniwan niyang mag-isa si Nicholas.

Anya was in deep thought about Nicholas when she heard a familiar voice. It was Jakob walking towards them. He saw how Jakob gave Nicholas a nod before facing her.

"Puwede na raw pumasok sa loob, pero may gusto raw sabihin ang mga doctor," sabi ni Jakob. "You two should come meet him. Mary said Austin's asking for the both of you."

Nilingon ni Anya si Nicholas na bahagyang tumango habang nakatingin kay Jakob. Sabay-sabay silang naglakad papunta sa infirmary. Sinalubong sila ng isang doctor at tinanong kung puwede ba silang makausap sa isang private room.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso kasunod ang pakiramdam na parang namamawis ang palad niya, pero malamig ang pakiramdam.

Iginiya sila sa isang kuwarto. Mayroon pang dalawang doctor na naghihintay sa kanila. Pare-parehong tumayo ang mga ito nang makita si Jakob. Nilingon sila ni Nicholas at tinanong kung sila ang pamilya. Mary was also there explaining to the doctors what she observed the moment Austin woke up.

"Dahil limited lang ang resources natin, we really can't figure out what happened to him. Okay ang vitals niya ngayon. His breathing, heart rate, everything is normal. Magkakaroon lang tayo ng problema sa muscles niya dahil matagal siyang nakaratay. He wouldn't be able to walk, eat normally, and his speech is still slurred. We all wish we could say more, pero wala talaga kaming idea sa nangyari sa kaniya," paliwanag ng isang doctor.

"P-Pero bakit po kaya umabot nang isang taon?" tanong ni Anya. "Nakakausap po ba siya?"

Tumango ang doctor. "Oo. Nagre-respond siya sa 'min. He's trying, too."

"So, what are your suggestions? Since hindi naman natin malaman kung ano ang nangyari kung bakit umabot nang isang taon, let's just focus on what's next. What should we do? Ano ang napag-usapan n'yong mga doctor?" Si Jakob iyon na seryosong nakatingin sa mga doctor.

Kinuha ng doctor ang isang notebook mula sa isa pang doctor. "Base sa observation namin, kailangan muna natin siyang i-confine. Hindi natin alam kung kaya na ba niyang kumaing mag-isa kaya uuntiin natin. Ito ang una. We'll still feed him through a tube. We'll observe him."

Tahimik lang silang nakikinig. Seryosong nakatitig si Anya sa doctor habang paminsan-minsan namang nililingon ni Jakob si Anya. Nicholas, on the other hand, focused on what the doctor was saying, too.

"A group of doctors will be observing his well-being. He might need some therapies, too. Mabuti rin na nagkaroon ng physical therapy during his state kaya kahit papaano, hindi hirap ang muscles niya. He'll still be able to walk, pero mahihirapan siya dahil sa tagal niyang nakahiga," pagpapatuloy ng doctor. "Magiging challenge n'yo rin na i-explain sa kaniya ang mga nangyari sa loob ng isang taon. This is the most challenging, I think? Letting him know about what happened."

"A-Ano po ang kailangan naming gawin?" tanong ni Anya.

"Kung sakali mang mayroong malaking pagbabago mula sa araw na naging unconscious siya, kailangang unti-untiin. Hindi ideal sa case ni Austin na biglain sa lahat ng nangyari. Maraming nangyari sa loob ng isang taon at hindi natin puwedeng ibagsak sa kaniya lahat," sabi ng doctor. "A news might stress him out and trigger something, hindi natin alam. W-We might have to take it slow when it comes to something that might affect his emotional well-being."

Dahil sa narinig, nagkatinginan sina Nicholas at Anya dahil alam nila na isang major change ang nangyari sa kanila. Their situation was entirely different from what it was a year ago.

"What if . . ." Anya faced the doctor. "What if meron po talagang major changes from what Kuya Austin knew? Ano po ang kailangang gawin?"

"I would suggest na gradually o kaya naman kung tingin natin okay na siya, saka natin sasabihin sa kaniya. Wala tayong idea ano ang nangyayari at mangyayari. Susubukan namin, pero hindi kami magpa-promise. Limitado rin kasi talaga ang meron kami," dagdag ng doctor. "Ang main priority natin ngayon ay matulungan siyang maka-recover at maiwasan ang stress hangga't maaari para hindi tayo mahirapan sa physical recovery niya."

Tumango si Anya. "Thank you po."

Nagpaalam sa kanila ang mga doctor. Naiwan sa loob ng kuwarto sina Anya, Nicholas, at Jakob na pare-parehong binalot ng katahimikan. Walang nagsasalita at ultimo paghinga nila, naririnig nila.

"Ano'ng gagawin natin?" basag ni Anya sa katahimikan at naupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa dalawang lalaking sabay na tumingin sa kaniya. "P-Paano natin sasabihin kay Kuya ang sitwasyon ngayon?"

Anya was looking at Jakob who was just standing near the door. His brows were furrowed and she saw how his jaw tightened before he nodded. Jakob gazed at Nicholas and the two stared at each other.

"Are you with someone right now?" Jakob asked Nicholas.

Nicholas didn't respond.

Jakob looked at Anya. "Do you have something in mind? I do, but I want to hear you first."

Umiling si Anya dahil iyon naman ang totoo. Ni hindi siya makatayo nang matagal dahil sa mga narinig niya. Nilingon niya si Nicholas na nakatingin sa kaniya, parang naghihintay rin kung mayroon ba siyang sasabihin.

"Ikaw? May naiisip ka ba?" tanong ni Anya kay Nicholas.

Iling din ang naging sagot ni Nicholas.

Pare-pareho nilang nilingon ang pinto nang makarinig ng katok. Pumasok doon si Mary at isa-isa silang tiningnan. Salubong ang kilay nito at parang mayroong gustong sabihin. Jakob asked Mary to talk.

"Hinahanap kayong dalawa ni Austin. Gusto raw niya kayong makita," sabi ni Mary na nilingon si Jakob. "Nabanggit na rin po sa 'kin ng mga doctor kung ano ang kailangan. Medyo hindi okay ang emosyon ni Austin ngayon. Iyak siya nang iyak, gusto niyang makita sina Nicholas at Anya. Gusto niyang malaman if okay lang kayo. Pinahahanap niya kayo ngayon."

Nanatiling tahimik ang tatlo at napansin ni Mary ang tensyon sa loob ng kuwarto, pero hindi iyon ang priority niya kung hindi si Austin na walang ibang hinahanap kung hindi ang dalawa.

"Alam kong meron kayong pinagdadaanang tatlo, pero . . . puwede bang sa pagkakataong ito, maging normal tayong lahat para kay Austin?" sabi ni Mary na nagmamalabis ang luha. "Hindi kasi siya puwedeng ma-stress. K-Kailangan niya kayong dalawa kasi kayo lang naman ang kakilala talaga niya. P-Puwede bang kahit ngayon lang, umarte muna kayong magkasama pa?"

Patagilid na nilingon ni Jakob si Mary. Anya and Nicholas were expecting that Jakob would scold Mary for what she suggested. Even Mary looked down, scared of Jakob.

"I agree," Jakob murmured. "That's what I am 'bout to suggest. If that'll make Austin better, then go for it."

"Jakob," Anya uttered.

"What?" Jakob looked at her. "This is what you signed up for, Tanya. Ngayon pa ba magkakamali? Para sa'n pa ang isang taong pakikisama mo sa 'kin kung mapupunta lang din sa wala?"

Anya didn't know what to feel. Nilingon niya si Nicholas na nakatingin kay Jakob.

"If you're both comfortable with that suggestion, go for it, for Austin," pagpapatuloy ni Jakob. "This is just a suggestion. Nasa sa inyo pa ring dalawa ang huling desisyon."

Nanatiling nakatingin si Anya kay Nicholas nang magtama ang tingin nila. Nicholas looked down before looking at her again. "May kauusapin lang muna ako bago ako magdesisyon, puwede ba?"

Anya nodded and Nicholas excused himself. Mary left the room after Nicholas and it was her and Jakob—who was leaning against the wall—inside the room.

"Okay ka lang ba talaga sa suggestion na 'yun?" tanong ni Anya kay Jakob.

"Are you?" balik na tanong ni Jakob. "If you're not comfortable, then don't. Your decision now is more important than anything."

"Okay ka lang ba?" muling tanong ni Anya.

Umiling si Jakob. "Siyempre hindi, pero sabi ko nga . . . mas importante ang magiging desisyon mo sa pagkakataong ito."

Jakob was just staring at Anya who nodded and stood up. She walked towards him and wrapped both her arms around his neck, shocking him. He was leaning against the wall and Anya's body was pressed against his. He didn't know if he should hug her back, but yes . . . he did wrap his arms around Anya's waist and buried his face against her neck.

A memory of last night flashed. He was crying nonstop when Anya hugged him tightly as if comforting him until he fell asleep.

"Thank you sa pag-intindi," bulong ni Anya habang nakayakap sa kaniya. "Tutupad pa rin ako sa usapan kahit gising na si Kuya. Uuwi ako sa 'yo mamaya pagkatapos."

The hug tightened while his face was still buried on Anya's neck. He slightly moved and pulled away. Their faces were inches apart. Their nose almost touched.

"Sa 'yo pa rin ako uuwi mamaya," Anya assured. "Dito muna ako."

Jakob gave Anya a nod and unconsciously kissed the side of her forehead before leaving the room. Imbes na dumiretso sa kung saan, sandaling sumandal si Jakob sa pinto habang nakatitig sa puting pader na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyong ito, pero wala siyang magagawa sa parteng ito.

Mula sa peripheral niya, nakita niya si Nicholas na nakatayo sa dulo ng hallway. Dumiretso siya ng tayo at naglakad papunta roon, pero nilagpasan si Nicholas. Wala siyang gustong sabihin. Wala siyang sasabihin.

Anya was looking down when the door opened. It was Nicholas.

"Tara na. Hinahanap na tayo ni Kuya."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys