Chapter 38
Maagang nagising si Anya at naabutan niya si Jakob na nakaharap sa glasswalls. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi kaagad siya nakita. Naaamoy niya ang kape mula sa coffee maker na nasa kusina. Nakahain na rin ang pagkain sa lamesa.
Anya could see bacon, eggs, and fried rice. There were also stacked pancakes, loaf bread, and a coffee mug.
"Good morning," Anya greeted and Jakob turned around. "Hindi na kita nahintay kagabi. Nakatulog na ako."
"It's okay," he said. "How was your sleep?"
"Okay lang naman." Anya shrugged. "Sinara ko ang blinds kagabi kasi hindi ako komportableng nakatingin sa labas. Sobrang dilim and . . . ang eerie. Hindi ko alam mararamdaman ko."
Jakob nodded because he understood. Kahit siya mismo, hindi tumitingin sa labas kapag gabi tuwing nandito siya sa lugar ni Ares. Madalas din noong nakasara ang mga bintana dahil hindi niya matagalan.
"Breakfast ka na," sabi ni Jakob. "Kung okay sa 'yo, aayain sana kitang mamasyal. Kung komportable ka, lalabas tayo rito."
Tumigil sa paglakad si Anya at nilingon si Jakob. Nagsalubong ang kilay na para bang hindi makapaniwala sa narinig. It was the last thing she thought would happen. Ang buong akala niya, sa loob lang sila ng Olympus.
"A-Ano'ng gagawin natin sa labas? Ligtas ba? H-Hindi ba nakakatakot?" sunod-sunod na tanong ni Anya. "Okay lang naman ako rito sa loob. Ayaw kong mag-risk tayo sa labas. Baka mamaya kasi delikado."
Umiling si Jakob at naglakad papalapit sa lamesa. "Nope. I already talked to Ares. Pinahiram niya ulit sa 'tin 'yung sasakyang ginamit natin kahapon and we're gonna have company. But if you wanna stay, it's fine. Gusto ka raw dalhin ni Ares sa dog shelter."
Sinundan ni Anya ng tingin si Jakob na kumuha ng dalawang baso mula sa cabinet, isang bote ng tubig, at naupo. Nakita niya ang hot chocolate na nasa mug. It wasn't coffee unlike what Jakob had. Mayroon pang marshmallow sa ibabaw na ikinangiti niya. It was pink and squishy.
"Sure ka bang okay lang na lumabas tayo?" basag ni Anya sa katahimikan. "If okay lang, sige, pero hindi rin naman tayo magtatagal, 'di ba? Parang feeling ko kasi . . . 'pag matagal sa labas, mas nakakatakot."
"Balik tayo 'pag uncomfortable ka na," sagot ni Jakob. "Kumain ka na muna."
And after breakfast, Anya immediately fixed herself. She decided to wear simple black skinny jeans especially tailored for her and paired them with a plain white V-neck shirt. Naka-tuck in iyon sa pantalong suot niya at habang nakatitig sa salamin, naalala niya ang mga panahong pumapasok siya sa school na ganoon lang ang suot.
It was one of the reasons why she asked to have black skinny jeans and a shirt. Her confidence slowly returned after being able to style herself exactly how she did before everything happened. Jakob also gave her a boot. It was like combat shoes but for women. It was also made for her size. It was black with laces and buckles.
Mahigpit na itinali ni Anya ang buhok para hindi iyon maging sagabal kung sakali mang mayroong mangyari. Bigla niyang naalala ang mga panahong kailangan niyang itago ang buhok niya dahil delikado. Ang mga panahong kailangan niyang magsuot ng baggy clothes para itagong babae siya, ang maglakad papunta sa kung saan, malayo man o malapit nang nakapaa o nakamanipis na tsinelas, at ang pagtakip sa mukha niya kahit na nahihirapan siyang huminga.
Anya breathed hard and shook her head. It had been long since she dreamt about it.
"Something wrong?"
Nagulat siya nang marinig ang boses at nilingon si Jakob na nakatayo pala sa pintuan habang naghihintay sa kaniya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto, nakakrus ang mga braso, at patagilid na nakatingin sa kaniya.
"Wala. Ready na ako." Ngumiti si Anya.
Isang tango ang naging sagot ni Jakob. "We'll be outside," sabi nito bago isinara ang pinto.
Nasa hallway si Jakob at ang ranger na nagbabantay sa unit. It was his. Sa tuwing nandito siya sa lugar ni Ares, ito na ang lugar kung saan siya natutulog. It was his since Ares decided to build Olympus. Katulad ni Anya, hindi rin niya gustong tumingin sa labas kapag gabi.
It was all darkness. May ilan silang nakikita noon na maliit na liwanag sa ibaba mula sa maliit na apoy na ginagawa ng mga dating naninirahan sa dating city. Hanggang sa isang araw, wala na silang nakita. Ang iba ay nasa grupo ni Tristan at ang iba naman ay nasa grupo ni Martin. Ngunit hindi lahat ay kaya nilang kunin.
Jakob was in deep thought when he heard the door open. Anya stepped out of the unit and walked towards him. Lumapit siya sa elevator para pindutin ang button pababa at pasimpleng nilingon si Anya mula ulo hanggang sa paa dahil sa ilang buwan nilang magkasama, malaki na ang ipinagbago nito.
From wearing baggy and oversized shirt to finally wearing what she wanted. Alam niyang nagpagawa si Anya ng mga T-shirt na sakto sa katawan nito pati ng mga pantalon dahil bago iyon tahiin, kailangan ng approval ng admin office. He remembered how he stared at the paper Anya wrote with instructions and drawings of what type of clothes she wanted.
"Okay lang ba ang suot ko?" tanong ni Anya nang makalapit sa kaniya. "Hindi ko ba kailangang mag-hoodie o magtakip ng mukha sa pupuntahan natin? Meron naman akong dala just in case na kailangan."
Umiling si Jakob. "Hindi. No need. May mga kasama naman tayong ranger and we're gonna be okay."
The elevator door opened and it was just them two. May salamin sa harapan nila kaya naman nakayuko si Jakob dahil ayaw niyang mailang si Anya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na tumitig. She really looked different now.
Anya was very feminine wearing her dresses, but it was different with jeans and a shirt. The entire outfit looked good on her. No hair covering her face, too.
"Are you comfortable with what you're wearing? You could've worn your dress if you're comfortable with it," Jakob said in a low voice.
"Hindi. Excited nga akong isuot 'to, e. Kaya noong sinabi mong aalis tayo, ito ang mga dinala ko." Anya smiled widely. "I used to wear like this during college. Minus the combat shoes, ha? I used tennis shoes before. But the shirt and jeans, it's the same."
A smile crept into Jakob's lip but he didn't say anything.
"Medyo naninibago lang ako kasi for years, I used baggy clothes and fitted clothes, but I like it." Anya chuckled. "I'm . . . slowly regaining my confidence again because of how I wear and my hair. Thank you."
Jakob gazed at Anya with a frown. "For what?"
"For letting me wear this kind of clothes," Anya said.
Before Jakob could say anything, the elevator door opened. Martin, Tristan, and Ares stopped talking and gazed at them. Nakabihis din ang mga ito kaya nagtaka si Anya, pero hindi siya nagtanong.
Nilingon niya si Jakob na nakipagkamayan sa mga kaibigan nito at narinig niyang pinag-uusapan ng mga ito na okay na raw ang sasakyan at ang mga kasama nila, puwede na silang umalis.
Anya silently observed. Jakob was wearing his usual black jeans paired with combat shoes and a plain black shirt. Nothing more. His hair was also longer than before. Hindi na ito naka-buzz cut, pero sa ilang buwang magkasama sila, paiba-iba naman kasi ang isip nito. Minsang gustong magpahaba ng buhok, pero biglang magpapagupit.
Tiningnan niya ang tatlo at na-realize na halos pareho ang outfit ng mga ito. They were all wearing black jeans, just with different designs because Ares was wearing maong jeans while the three wore a little more comfortable, more like military-designed jeans.
Martin wore a green shirt, Tristan a dark blue sleeveless top, and Ares wore a comfortable plain white shirt. That was it.
Paglabas nila sa parking, sabay-sabay na tumayo ang apat na malalaking aso ni Ares. Napaatras si Anya nang tumingin ang mga ito sa kaniya. Tumigil sa paglakad si Jakob at nilingon siya.
"Don't worry," Ares patted one of the dogs' head, "kapag hindi ka nila gusto, if you're a threat to them, nilalapa ka na nila ngayon." He chuckled.
Inalalayan siya ni Jakob pasakay sa armoured car. Kasama nila roon sina Martin at Tristan na parehong tahimik. Ibang sasakyan na naman ang gamit ni Ares dahil kasama roon ang mga aso nito.
Iba rin ang sasakyang gamit nila, hindi tulad noong magpunta silang halos wala siyang makita. The car was tinted, but she could still see what was outside. Nagulat si Anya na bukod sa sasakyan nila at ni Ares, mayroon pang apat na sasakyang nakasunod sa kanila.
"Saan tayo pupunta?" bulong ni Anya kay Jakob.
"You'll know. I'm sure pamilyar ka sa lugar," tipid na sagot ni Jakob.
The entire ride was quiet. Tristan and Martin were just looking outside, Jakob, too. Ganoon na lang din ang ginawa ni Anya. Pamilyar sa kaniya ang daan, pero iba na ito sa naaalala niya. It was literally a ghost town.
Sa kanang parte nakatingin si Anya kung nasaan ang bay. It had the best sunset. It was where people loved to stay just to watch the golden hour. Families, friends, and lovers used to walk around the area. Now, untrimmed plants and newly-grown grass overgrew the place, and it was being dominated by nature.
It was all green, but sad. The place used to be busy, and now, it was eerie.
Nakita rin ni Anya ang mga barko sa bay. Nakalubog ang kalahati. Ang iba naman ay halos dulo na lang ang nakikita. It was all covered in rust. The water was peaceful, too.
Yumuko si Anya habang inaalala ang lugar. Traffic noon sa lugar at halos hindi nababakante. Ngayon, sila lang ang nandito, binabaybay ang lugar kung saan man sila papunta.
Another ten minutes when the car stopped. Anya looked around and her eyes widened in shock upon seeing the place. They were at the back of the once-famous mall with a bay area. Nakita niyang lumabas ang mga ranger mula sa mga sasakyan, nakataas ang mga baril na hawak, at parang tinitingnan ang lugar.
Nilingon niya si Jakob na nakatingin sa bintana bago nito binuksan ang pinto at basta na lang bumaba. Sumunod sina Martin at Tristan. Bigla namang sumulpot si Ares kasama ang mga aso nito habang siya, nasa loob ng sasakyan, iniisip kung ano ba ang nangyayari.
Muling sinilip ni Anya ang labas. Bukod sa mga ranger, napakaraming gumagalang aso. Iba't ibang breed, pero halos lahat malalaki. Parang mayroong mga inaamoy.
"Anya?" Jakob got her attention. "It's safe. Let's go?"
"S-Saan tayo pupunta?" Anya asked nervously.
Jakob shrugged. "We'll just walk around the area. May mga kasama tayo kaya hindi mo kailangang mag-alala."
Nagsalubong ang kilay ni Anya. "A-Ano'ng meron?"
"Gusto ka i-date," singit ni Ares sabay tawa. "Pagbigyan mo na, Anya. Please? Pinlan—"
Hindi na natapos ni Ares ang sasabihin nang bigla na lang itong hilahin nina Tristan at Martin papalayo sa sasakyan. Naiwan si Jakob sa pinto ng sasakyang nakabukas, nakayuko. Patagilid itong tumingin sa kaniya, seryoso ang mukha.
"Seryoso ba si Ares?" tanong ni Anya.
Huminga nang malalim si Jakob at tumango. "Palagi kang nasa loob ng Escarra. Bihira ka rin namang lumabas ng bahay. Madalas na nagbabasa ka lang. Bahay-infirmary-daycare-bahay. That's your routine. I just . . ."
Hindi na pinatapos ni Anya ang sasabihin ni Jakob at lumapit sa pinto dahilan para mapaatras si Jakob. Bumaba siya ng sasakyan at ipinalibot ang tingin sa buong lugar. Tahimik. Sobra. Halos nakabibingi dahil wala talaga siyang naririnig na kahit na ano. It was so strange.
Makalat din ang lugar. Wrapper ng mga faded plastic, mga dahon mula sa mga halamang naglakihan na, dahon mula sa mga punong nasa paligid, at mga damo sa concrete.
Nasa bay area sila kaya naman nilapitan niya ang mataas na wall na nagsisilbing upuan noon ng mga gustong manood ng sunset.
"Wow." Nilingon ni Anya si Jakob na nakapamulsang nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. "I remembered na sobrang dumi nitong tubig sa bay. Naalala ko na . . ." Nilingon niya ang malaking ferris wheel, ". . . sumakay kami noon ng friend ko riyan at ang lungkot kasi kita ang pagkakaiba ng tubig. Bakit ngayon . . . parang kahit paano, ang linis?" Natawa siya.
"Wala na kasing tao," sagot ni Jakob at natawa. "Reality naman kasi na tayo rin ang sumisira sa nature."
Anya nodded. "I agree."
Tumalikod si Jakob para hanapin ang mga kasama nila, pero wala na siyang makita. Iyon din naman ang naging usapan nila. Sasama ang mga kaibigan niya pati na ang ibang rangers, pero hindi magpapakita sa kanila.
"Kailan mo pinag-isipan 'to?" tanong ni Anya.
Humarap si Jakob at nagulat na nasa itaas na ng barrier si Anya at nakatayo. Nakaharap ito sa bay. Nanatili siya sa ibaba habang nakatingala kay Anya. Nagsimula itong maglakad kaya sumunod siya. Mabagal lang naman.
"Okay lang naman ako sa unit, pero thank you," pasasalamat ni Anya at ngumiti sa kaniya. "Medyo natatakot ako ngayon, pero mukhang marami naman tayong kasama. Magiging okay lang ba sila?"
"Yes. Hindi naman talaga first plan na kasama sila. It was just supposed to be . . . us here, pero ayaw nilang pumayag. May point naman na we'll never know what's gonna happen. At least daw meron tayong kasama," sabi ni Jakob. "M-Matagal na rin kitang gustong ayain dito. This is not the best place to walk around, but I hope this will do for now."
"Anong hindi?" Huminto sa paglakad si Anya at yumuko kay Jakob. "After years of hiding, I appreciate this so much. I never thought I'd see this place again. This mall used to be so alive. Fireworks at night, concerts, families eating together."
Long pause, but they started walking again.
"Ngayon, ang lungkot. Halos tayong dalawa lang nandito, e." Nilingon ni Anya ang lugar. "Wala akong makitang rangers."
Jakob chuckled. "They're just there but hiding. Para hindi ka mailang sa kanila."
Natawa si Anya at nagsimulang maglakad ulit. Hindi na siya nagsalita. She was appreciating the view. Hindi niya alam kung kailan ito mauulit dahil ayaw niyang mayroong maabala ulit sa susunod.
SAMANTALANG nakatingin si Martin sa viewfinder ng sniper na hawak niya, ganoon din si Tristan. Nasa taas sila ng mall, sa parteng hindi sila makikita nina Anya at Jakob. Nakatambay lang sila sa dating restaurant na kita ang view ng bay area.
Wala naman talaga sa usapang sasama silang tatlo. Kung tutuusin, dalawang ranger lang ang hinihiram ni Jakob sa kanila para sumama, pero hindi sila pumayag. Delikado ang lugar kahit pa sabihing wala silang nakikita. They never know.
"Wow, nakangiti sila pareho," sabi ni Ares na sumisilip sa hawak na binocular. "So, masaya ka ba kung paano mo ako nakuha?"
Nilingon nina Martin at Tristan si Ares na nagboses babae.
"Oo." Panlalaki naman ang boses ni Ares. "Siyempre, love kita. Ikaw lang sapat na."
"Ares, kingina mo," paninita ni Tristan at muling sumilip sa viewfinder.
Natawa lang si Martin at tumingin na rin sa viewfinder. Naglalakad pa rin sina Jakob at Anya sa bay area, mukhang mayroong pinagkukuwentuhang masaya dahil parehong nakangiti. Humahalakhak pa nga si Anya.
"Ang saya-saya," sabi ni Ares sa boses panlalaki. "Iba talaga 'pag galing sa agaw."
"Tangina talaga!" Sabay na lumingon sina Martin at Tristan kay Ares na tatawa-tawa.
Muling umarangkada si Ares at kung ano-anong imbento ang pinagsasabi. Imbes na mainis, natatawa na lang din silang dalawa. Medyo mainit din sa lugar, pero nakalulungkot dahil tahimik. Nililbang na lang din nila ang mga sarili habang pinanonood sina Anya at Jakob na mukhang masayang nagkukuwentuhan.
Nagpatuloy si Ares sa pagsasalita.
"Manahimik ka na," sabi ni Tristan.
Natawa si Ares. "Gago, ang cute kasi ma-inlove ni Kobe. Naalala mo kagabi, nagpaluto pa ng pancake para sa wifey." Huminto ito at muling tumingin sa binoculars.
"Parang gusto ko na ring mag-asawa," sabi ni Ares na ikinatawa nina Martin at Tristan. "Gago, seryoso. Gusto ko na ng lambing."
"Wala ka namang dapat ikainggit kay Kobe. Hindi rin naman siya nilalambing," sagot ni Tristan sa seryosong boses. "Pero parang ang sarap sa pakiramdam na pagkatapos mong mapagod sa ibang tao, uuwi ka na may naghihintay sa 'yo?"
Martin shook his head. "Iyan din naisip ko noong nando'n tayo sa bahay ni Kobe 'tapos ando'n si Anya. Putangina, puwede pa ba tayong ma-in love?"
"I don't want love. I want companionship," seryosong sagot ni Tristan.
"Pero gago gusto ko 'yung mahal ako," sagot ni Ares. "Ayaw ko nu'ng magkasama kayo sa iisang bahay 'tapos hindi mo ma-hug? Putangina, gusto ko pa naman ng kiss at hug. Ayaw ko no'ng tulad ni Jakob na halos hindi niya mahawakan si Anya. Nakakalungkot kaya."
Pare-pareho silang natahimik habang nakatingin sa kaniya-kaniyang viewfinder at binocular. They all saw how Jakob widely smiled while talking to Anya. Anya was smiling, too, sometimes laughing.
"Ano raw sabi?" birong tanong ni Tristan kay Ares. "Akala ko ba nagli-lip read ka?"
"Gago, ang ganda pala talaga ni Anya? Ngayon ko lang siya natitigan nang matagal kasi 'di ko naman magawa kapag kaharap natin. Takot ko lang kay Kobe, pero bagay sa kaniya 'yang ganiyang damit." Natawa si Ares. "Ayaw ko na siyang titigan. Nakakatakot." Ibinaba nito ang binoculars at isa-isa na lang binigyan ng treats ang mga aso nito.
Martin and Tristan continued watching. Minsan nilang tinitingnan ang area. Wala namang kakaiba.
Mula sa viewfinder, nakita ni Tristan na nag-sign si Jakob. They all learned sign language and it was their communication sometimes.
"Papasok daw sa mall," sabi ni Tristan. "This is gonna be a long day."
Ares laughed. "Magho-holding hands na kaya sila?"
"You and your priorities." Martin shook his head.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top