Chapter 30
"Wala naman 'yun. Sabi ko nga sa 'yo, unti-unti ko na ring natatanggap na ikaw na ang reality na meron ako," diretsahang sabi ni Anya. "Pahihirapan ko lang ang sarili ko kung palagi na lang akong iiyak. Masakit kaya sa ulo!"
Nakagat ni Jakob ang labi dahil sa sinabi ni Anya. Ito ang Anya na nakilala niya, ang Anya na naglilinis pa lang noon ng bahay niya . . . ang Anya na parang positibo ang lahat kahit na alam niya mismong itinatago naman talaga ang totoong nararamdaman. A part of him knew that Anya was only talking to him just because she felt like she needed to and it was okay.
At least kahit papaano, nakalilimutan niya ang ilang bagay na nagpapabigat sa kasalukuyan.
Tinanong niya si Anya kung ano ang sa tingin nito dapat na ma-improve sa Escarra at kitang-kita niya kung paano ito naningkit na para bang nag-iisip. Matagal bago sumagot dahilan para kabahan si Jakob dahil baka marami itong hindi gusto sa Escarra.
Ang tagal nag-isip ni Anya dahil sinubukan niyang isa-isahin ang bawat lugar sa Escarra. Wala siyang makitang mali. Kung mayroon man, minimal lang at hindi naman kailangang umabot sa boss. Ayaw rin niyang magsalita dahil baka pagalitan ang mga nasa department na iyon kung sakali mang may sabihin siyang hindi niya gusto. Mas pinili niyang manahimik. Mabuti na lang din at hindi na nagtanong si Jakob.
Napasinghap si Anya nang makita ang pader ng Escarra sa unang pagkakataon. Madilim kasi noong unang beses at hindi naman na siya nagkaroon ng chance na makita iyon sa liwanag mula sa labas.
The walls were high and it was painted black. Every wall had its own tower. Alam niyang may bantay ang mga iyon, pero hindi kita mula sa kung nasaan sila. Malawak ang sakop ng buong Escarra at kung hindi alam kung ano ang nasa loob, hindi iisiping community na dahil para itong kulungan mula sa labas.
Diretso ang daanan bago lumiko pakaliwa si Jakob. Halos isang kilometro pa ang layo sa Escarra, mayroong mga poste ng ilaw sa dinadaanan nila. Wala ring sagabal dahil patag iyon at malinis. Wala namang bantay, pero sigurado siiyang mula sa malayo, kita na sila.
Mataas din ang gate at itim din tulad ng pader. Nakikita niya kung ilang tao ang nagbubukas at sara niyon kaya alam niyang solid na bakal at mabigat. Wala siyang masabi sa security na kayang ibigay ni Jakob sa Escarra dahil wala talagang makapapasok. Malayo pa lang, magiging target na.
Bago tuluyang makapasok, nakita ni Anya ang mga grupo ng mga ranger na papalapit sa kanila. Suot ng mga ito ang mask na itim kung saan natatakpan ang buong mukha.
"Kahit ba kilala na nila ang sasakyan, required pa ba nilang tingnan ang loob?" tanong ni Anya.
Tumango si Jakob at pinatay ang makina. "Yes. To make sure."
Anya nodded and observed. Pinabuksan ng isang ranger ang pinto para tingnan ang loob ng sasakyan. Ang isa naman ay mayroong device na ginagamit para i-check ang ilalim at itaas ng sasakyang gamit nila. Pati makina at likurang bahagi, pinabuksan. Ganoon pala kahigpit.
"All good, boss. Welcome back." Sumaludo ang isang ranger bago tumingin sa kaniya. "Good afternoon, Ma'am Anya."
Anya shook her head with a shocked look on her face. "Hala, Anya lang po!"
Jakob bit his lower lip and chuckled before driving. The gate opened and the moment they entered the villa, everything felt safer. Nakahinga nang maluwag si Anya at nilingon si Jakob na sakto rin naman nakatingin sa kaniya.
"Jakob, puwede ba akong humingi ng favor?" nag-aalangang tanong ni Anya.
"Of course." Jakob maneuvered the car. He was driving slowly, it was one of the rules inside Escarra.
Anya played with her nails first and breathed. "K-Kasi simula noong tumira ako sa bahay mo, hindi ko pa nakikita si Kuya Austin. P-Puwede ko ba siyang puntahan muna bago ako umuwi? Kahit maglalakad na lang ako pauwi."
"Oo naman," sagot ni Jakob at iniliko ang sasakyan sa kanan papunta sa infirmary. "Hihintayin na kita. Sakto rin namang kauusapin ko ang mga nasa infirmary para itanong kung may kailangan. Pupuntahan ko rin kasi si Ares sa isang araw."
"Okay." Tumango si Anya at nakaramdam ng kaba.
Nakita niya ang mga taong humihinto sa paglakad at nililingon ang sasakyan ni Jakob. Alam naman niyang hindi siya nakikita sa mula sa labas, pero nahihiya at natatakot pa rin siya.
Rose already told Anya that she had nothing to worry about, but still . . . she couldn't even go out.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng infirmary. May mga ranger na lumapit sa kanila at akmang bubuksan ni Anya ang pinto ng sasakyan, natigilan siya, ganoon din si Jakob na mukhang nagtaka kung bakit.
"Anya, hindi kita pinipigilang bisitahin siya," paniniguro ni Jakob. "Palagi kong tinatanong kay Mary kung nagpupunta ka ba, sinabi niyang hindi . . . kaya sinabi ko sa kaniya na siya na ang magpunta sa bahay para bigyan ka ng updates. You can go out anytime you want to. You can visit him anytime."
Naunang bumaba si Jakob kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makasagot. Maingat na bumaba si Anya at nilingon ang mga taong nandoon. Rangers, nagwawalis sa lugar, at ilang nurses na lumabas nang makita ang sasakyan ni Jakob.
For a month, wala siyang nakita sa mga ito. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng bawat taong nakikita niya at halos lahat ay maaliwalas na nakatingin sa kaniya. Ang iba ay kumaway tulad noon, ngumiti na para bang walang nangyari, at hindi tulad ng inaasahan niyang may magbubulungan.
"Anya!" Lumapit sa kaniya si Fe, ang may-edad na nagwawalis palagi sa infirmary at madalas niyang nakakakuwentuhan. "Ang tagal kitang hindi nakita! Kumusta ka na? Hindi ka na nagpupunta rito. Hindi mo na ako inaayang kumain ng saging!"
Tawa ang naging sagot ni Anya dahil sa sinabi ni Fe. Lumapit din sa kaniya si Glenda, isa pa sa madalas niyang nakakausap noon na tinanong kung kumusta na siya at kung bakit hindi na siya lumalabas.
Sa sandaling nakasalamuha niya muli ang dating mga nakakausap, wala siyang nakita o narinig na panghuhusga mula sa mga ito.
"O sige na, hindi ka na namin guguluhin. Malamang na miss na miss mo na si Austin," sabi ni Fe. "Sa susunod, ha? Bisita ka rito 'tapos magkuwentuhan tayo."
Tumango si Anya at nagpaalam sa mga ito. Hinanap niya si Jakob at sinabi ng isang nurse na nasa loob na ito. Pumasok si Anya at napapikit nang maamoy muli ang infirmary. Her heart calmed for a bit after pounding so much due to nervousness.
"Anya." Kumaway si Mary at lumapit sa kaniya. "Na-miss ka namin dito, ha? Mabuti at nakabisita ka. Nasa loob si boss, kausap si Jemuel. Tara? Araw-araw ko pa rin siyang kinakausap at binabasahan ng libro. Sabi ko nga, magising na, e."
Sabay silang naglakad papunta sa kuwarto ni Austin. Nagtatanong siya tungkol sa lagay nito kahit na updated naman siya palagi, pero dahil wala siya nang ilang araw, siniguro niyang maayos lang ang lahat.
Binuksan ni Mary ang pinto at ikinagulat ni Anya nang makita si Nicholas na nakaupo sa tabi ng kama ni Austin. Nagkatinginan silang dalawa dahil simula nang tumira siya sa bahay ni Jakob, ito na ang unang pagkikita nila. Mahigit isang buwan . . . hindi nila nakita ang isa't isa kahit na nasa iisang lugar lang naman sila.
Umatras si Anya at tinalikuran ang pinto. Naglakad siya papunta sa emergency room ng infirmary kung saan may pinto papasok sa opisina ni Jemuel, ang head ng infirmary. Saktong papalapit siya sa pinto nang bumukas iyon kasunod ng paglabas ni Jakob.
Jakob immediately noticed that Anya looked worried. He walked towards her and asked. "Ano'ng nangyari?" He gazed at Mary, who was standing beside Anya. "Is Austin okay?"
Before Mary and Anya could talk, Jakob saw Nicholas walking out of the hallway where Austin's room was. Their eyes met before he looked at Anya, who was looking at him.
"What's the matter?" Jakob asked Anya. "Puwede kang mag-stay muna rito. Kailangan ko nang magpunta sa office."
Anya was looking at him; if he wasn't wrong, she wanted to ask something. Alam na ni Jakob iyon. It was about Nicholas, for sure. He waited, but Anya was just staring at him and Nicholas spoke about leaving the place.
"Wait." Jakob looked at Nicholas. "You don't have to go. You can stay." He gazed at Anya. "Puwede tayong mag-usap sandali?"
Tumango si Anya at sumunod kay Jakob papasok sa loob ng opisina ni Jemuel na kaagad lumabas nang makita sila. May kaba sa dibdib ni Anya, natatakot siyang magalit si Jakob sa kaniya o kay Nicholas.
"Uuwi na lang ako. Maihahatid mo pa ba ako bago ka magpunta sa office?" tanong ni Anya.
"Akala ko bibisitahin mo si Austin?" Humarap sa kaniya si Jakob. "If you're thinking na magagalit ako dahil nagkita kayo ni Nicholas, hindi ako galit. Anya, you can still talk to him. I didn't ask you to stop talking to him."
Mabilis ang tibok ng puso ni Anya. "Hindi ka ba magagalit na makikipag-usap ako sa kaniya ngayon? Kahit ngayon lang . . ."
"Hindi naman kita pinipigilan. I have already done enough. Just please . . . know your boundaries," Jakob said in a low voice. "That's all I'm asking. D-Don't . . . do something we'll all regret."
Nakatingin si Anya kay Jakob at hindi nakapagsalita.
"Bond with others, they missed you here." Ngumiti si Jakob. "Pupunta na ako sa office. If you need anything, puwede kang magpunta roon anytime."
Tumango si Anya. "P-Puwede bang . . . sa bahay ka mag-dinner mamaya?"
Hindi nakasagot si Jakob sa tanong ni Anya.
"M-Medyo malungkot kasing kumain mag-isa. N-Nahihirapan pa rin akong mag-adjust kaya . . . hindi ako kumakain ng dinner. K-Kung okay lang sa 'yo?" Yumuko si Anya. "Kung puwede lang."
Bumilis ang tibok ng puso ni Jakob habang nakatingin kay Anya. He couldn't find the right words to say, even if his mind was just saying yes. Instead of responding immediately, Jakob breathed and nodded. Anya looked at him.
"Sige. Ako na ang kukuha ng pagkain mamaya sa pantry," sagot ni Jakob at nilagpasan si Anya.
Bago pa man makalabas ng opisina si Jakob, muli siyang tinawag ni Anya.
"One thing na hindi mo aalalahanin ay ang past namin ni Nicholas," sabi ni Anya habang nakatingin sa kaniya. "I won't risk it."
"Thank you," Jakob said and left the room. He saw Nicholas talking to Mary and immediately stood straight, looking at him. Kay Mary niya ibinaling ang atensyon. "I'll get going. Anya will stay."
ANYA stayed inside the office for a minute before deciding to go to Austin. Ikinagulat niyang nasa labas ng kuwarto ni Austin sina Nicholas at Mary. Mukhang pinag-usapan ng dalawa ang lagay ni Austin.
"Tara, pasok tayo." Ngumiti si Mary.
Nauna si Anya, sumunod si Mary, pagkatapos ay si Nicholas na sumandal sa pader. Nilapitan ni Anya si Austin at hinaplos ang buhok. Mahaba na iyon kumpara noon. Ngumiti siya nang makitang maayos naman ang lagay nito. The monitors were beeping normally, too.
"Kumusta siya nitong mga nakaraan, Ate?" tanong ni Anya kay Mary.
"Tulad pa rin noon, naghihintay tayo." Ngumiti si Mary. "Anya?"
Nilingon ni Anya si Mary. "Lalabas muna ako, ha? Bibigyan ko muna kayo ni Nicholas ng privacy. May approval naman ni boss. Kung may kailangan kayo, nasa labas lang ako."
Anya gave Mary a nod. She focused on Austin, caressing his hair using her palm. She fixed his blanket and held his hand.
"Sorry, ngayon lang ako nakabisita. Ang tagal mo namang magising, Kuya. Naghihintay pa rin kaming lahat. Ang ganda siguro ng panaginip mo." Mahinang natawa si Anya pero kasunod niyon ang pagsinghot. "Feeling ko, magugulat ka sa daratnan mo paggising. Hindi na kasi tulad noon, e." Nilingon niya si Nicholas na nakatingin sa kaniya. "Feeling ko malulungkot ka, kasi hindi na kami magkasama."
Nakita ni Anya ang malalim na paghinga ni Nicholas. Naglakad ito palapit sa kaniya at tumayo sa tabi rin ng kama ni Austin. They were so close that the back of their hands touched, but Anya immediately withdrew and acted as if she was trying to fix something on Austin's bed.
"Musta ka na?" Nilingon niya si Nicholas.
"Hindi pa rin maayos," pag-amin ni Nicholas. "Ikaw, kumusta ka na? Lumabas pala kayo ng Escarra."
Tumango si Anya at ngumiti. "Oo, galing kami sa beach. Dinala niya ako sa isang resthouse nila. Musta pala ang trabaho mo? Okay naman? Safe naman kayo kapag lumalabas ng Escarra?"
"Anya, kumusta ka? 'Yung totoo?" May diin sa tanong ni Nicholas. "Sinasaktan ka ba niya? Pinipilit ka ba niya? N-Nahihirapan ka ba?"
"Hindi." Umiling si Anya.
"'Yung totoo? Huwag kang mata—"
Muling umiling si Anya. "Wala kang dapat ipag-alala kay Jakob. Nag-usap naman kami, nakiusap naman ako sa kaniya na 'wag niya akong pipilitin. Naintindihan naman niya. Wala namang mali sa pakikitungo niya sa 'kin kaya wala kang dapat ipag-alala. Okay kami. Nag-uusap kami. Magiging okay rin kami sa mga susunod. Sana maging okay ka na rin. Wala kang dapat ipag-alala sa 'kin."
"Hindi ako magiging maayos. Hindi ko nagawang maging maayos sa loob nang isang buwan, Anya." Suminghot si Nicholas dahilan para mag-iwas ng tingin si Anya. "Hindi ako makausad. G-Gusto na kitang bawiin sa kaniya. Babawiin na kita . . . maging maramot naman tayo, Anya."
Diretsong nakatingin si Anya sa mukha ni Austin habang pinakikinggan ang sinasabi ni Nicholas. Hindi niya magawang tingnan ito dahil babagsak din ang luha niya. Pinigilan niya iyon.
"Labas na lang tayo. May skills na 'ko. Kaya na kitang protektahan sa labas. Nahihirapan ako. Kaya ko, pero ayaw kong kayanin," pagpapatuloy ni Nicholas. "Please, Anya . . . maging maramot naman tayo sa pagkakataong 'to. Tayo naman, please?"
Nanatiling nakatitig si Anya kay Austin habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Nicholas. Nahihirapan siya.
"B-Bakit parang . . . okay ka lang?" Mababa ang boses ni Nicholas dahilan para tumingin si Anya. "B-Bakit parang . . . ako na lang ang hindi okay sa sitwasyong 'to? Bakit parang wala na ako sa 'yo? W-Wala na ba?"
Nanginig ang baba ni Anya habang nakatitig sa mukha ni Nicholas. "Kung puwede lang kitang yakapin ngayon, ginawa ko na . . . pero hindi na kasi puwede. Nahihirapan din naman ako, e, pero hindi tayo puwedeng maging maramot, Nicholas. Okay lang ako? Parang sasabog ang puso ko ngayon, pero hindi ko inuuna ang nararamdaman ko. Hindi ako okay sa sitwasyong 'to, ikaw pa rin . . . sa 'yo ito . . ." Itinuro niya ang puso niya. "Sa 'yo pa rin, pero . . ."
"Pero?"
"Pero hindi tayo puwedeng maging maramot. Kailangan ni Kuya Austin ang alaga ng Escarra. K-Kailangan ng Escarra si Jakob . . ." Ngumiti si Anya. "K-Kailangan ako ni Jakob."
Bumagsak ang magkabilang balikat ni Nicholas dahil sa sinabi niya. "P-Pero kailangan din kita."
Lumapit si Anya kay Nicholas at hinaplos ang pisngi nito. "Mas kailangan niya ako, Nicholas. S-Sana maintindihan mo."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top