Chapter 29
Anya woke up and the first thing she saw was the stormy sea. Ikatlong araw na rin nila sa beach house ng mga Escarra. Ang alam niya, kinabukasan na lang din sila bibiyahe dahil medyo malakas pa rin ang ulan. Kahapon pa kung tutuusin at hindi nila iyon inasahan.
Medyo madilim pa rin kahit na alas-tres pa lang ng hapon. Nakikita niya ang pagguhit ng kidlat at dumadagundong din ang malakas na kulog kaya rin nagising siya.
Nakaramdam siya ng gutom kaya naisipan niyang bumaba. Mula sa hagdan, naamoy kaagad niyang may nagluluto. Hindi siya nagkamali nang makita si Jakob na nasa kusina, nakatalikod sa kaniya.
Lumapit siya sa ref para kumuha ng tubig. Patagilid siyang nilingon ni Jakob.
"Pancakes?" Itinuro nito ang pinggan. "'Pag tumila na mamayang madaling-araw, babalik na tayo sa Escarra. Hindi na rin tayo puwedeng magtagal dito. Wala na tayong pagkain."
Tumango si Anya. Nilagpasan niya si Jakob at hinarap ang glasswalls kung saan kita ang dagat. Hindi naman na ganoon kalakas ang ulan, pero medyo maalon dahil na rin siguro sa hangin. Nagulat pa siya nang biglang lumakas ang kulog kasabay ng pagguhit ng kidlat.
Sa tatlong araw, may mga pagkakataong nag-uusap sila ni Jakob, pero mas madalas na hindi. Ramdam pa rin ang ilangan sa kanilang dalawa. Minsan, nahuhuli niya itong nakatingin, pero kaagad na iiwas. Kahit na nasa iisang lugar lang sila, mas lamang pa rin ang katahimikan.
Naupo siya sa dining area habang nakatingin pa rin sa labas. Ibinaba ni Jakob ang pinggan sa harapan niya pati ang coffee mug.
"Gusto mo ba ang ulan?" Anya asked. It was an out of nowhere question.
Jakob shrugged. "Yes. Napupuno ang water supply natin sa Escarra."
Natahimik si Anya dahil may benefit naman talaga ang ulan para sa lahat, pero paghihirap naman iyon sa iba.
"Pero minsan, naiisip ko rin ang mga nasa labas. 'Yung mga walang bahay, paano sila kapag umuulan?" tanong ni Jakob. "It's gonna be real hard for them, too. So, I'm 50/50. Anyway, ayos lang ba sa 'yong bumalik na sa Escarra bukas bago magliwanag?" Naupo si Jakob sa isang upuang nasa harapan niya.
"Oo, walang problema," sagot ni Anya. "Baka kailangan ka na rin kasi nila roon. Noong nakaraan kasi parang importante ang concerns nila kaya ka nila hinahanap sa 'kin."
Nakita ni Anya ang pagyuko ni Jakob. Umiling ito. "Don't worry, hindi na 'yun mauulit. Sinabihan ko na sila na 'pag wala ako, huwag ka nilang iistorbohin. It won't happen again, I'm sorry."
"Wala namang problema sa 'kin." Ibinaba ni Anya ang coffee mug. "Wala lang din talaga akong maisagot sa kanila kasi wala rin akong alam. Siguro next time, mas maganda kung may pagsasabihan ka. Kahit hindi ako, sabihan mo man lang si commander o kahit sino kung saan ka pupunta."
Tahimik na nakatingin sa kaniya si Jakob, hawak nito ang tinidor na nakatusok sa pancake.
"Nag-aalala kasi ang mga tao sa 'yo sa Escarra. Sana huwag mo silang bigyan ng alalahanin. Mahal ka ng mga tao sa Escarra, concerned sila sa 'yo kaya sa susunod, kahit na isang tao lang, para alam nila kung saan ka pupuntahan," sabi ni Anya. "Kung hindi ka komportableng sabihin sa 'kin, kahit kay Ate Rose para at least, alam niya ang isasagot sa iba."
Tango ang naging sagot ni Jakob at hindi man lang ito nagsalita. Hawak nito ang coffee mug, hinihipan, at nakatingin sa glasswall para panoorin ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Dito nahirapan si Anya, kung ano ang topic na puwedeng buksan habang kausap si Jakob dahil madalas na isang tanong, isang sagot. Ni hindi ito magbubukas ng sariling topic at madalas pang nakatingin sa kung saan kapag nakikipag-usap sa kaniya.
Anya breathed and smiled. "Jakob, may tanong ako."
"Ano 'yun?" Jakob looked at her and squinted.
"Sa labas, ano ang pinaka-worst na nakita mong nangyari? If you don't mind me asking. Like . . . something you won't forget. If this question will trigger anything, please don't answer."
Nagsalubong ang kilay ni Jakob. Muli nitong nilingon ang glasswall bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Minsan, ayaw kong sumama sa relief, pero kailangan. Noon pa lang naman, noong maayos pa, sumama na kami sa relief operations ng parents namin. Malungkot na noon kasi nakikita mo talaga ang paghihirap ng iba, but the current situation's 100 percent worse."
Nakatingin si Anya kay Jakob na tumingin sa coffee mug na hawak. Mababa ang boses nito habang nagsasalita.
"Noon, makakakita ka ng malnourished na tao sa harapan mo. Noon, nakakakain pa naman sila kaya kahit paano, okay pa, pero iba ngayon." Malalim na huminga si Jakob. "May iba sa kanila na halos buto't balat na. Halos lubog na ang pisngi, uhaw na uhaw. Kahit na tubig na lang daw, okay na. Ang hindi ko makakalimutan? One man walked towards me . . . asking me to just kill him and his wife kasi pagod na sila."
Sumandal si Anya sa inuupuan. Nakaramdam siya ng guilt habang nakatingin sa pancake na nasa harapan niya. Naalala niya ang sitwasyon nila noon sa labas dahilan kung bakit ayaw na sana niyang maranasan ulit iyon nina Nicholas at Austin.
"He kneeled in front of me, the commander, and other rangers. Lahat kami nakatingin lang. It was the most unforgettable for me. I've seen corpses, dead people, and bones along the way . . . but this was an unforgettable case for me," pagpapatuloy ni Jakob. "Kasi that time, I saw his wife happily talking to one of our rangers. Parang okay naman siya, but her husband's asking us to kill them both. I thought . . . bakit tayo humantong sa ganito?"
Anya stared at Jakob who wasn't looking at her. She heard a chuckle, but his voice was full of pain. Sa naisip, Jakob was raised by a public servant. Nabanggit na rin sa kaniya ni Ate Rose na hindi pa man ipinanganganak si Jakob, nasa pulitika na ang pamilya Escarra. From the great grandfather to Jakob's father. No wonder he cared for all the people inside the villa, too.
"Minsan ayaw ko na." Ngumiti si Jakob at umiling. "Ayaw kong lumabas, gusto ko na lang mag-stay rito . . . gusto ko na lang magtago. It's tiring. I'm . . . " Tumingin sa kaniya si Jakob. "Tired."
Tumango si Anya. "Gets naman kita. Feeling ko 'yan din talaga ang rason kung bakit tumigil na rin ang ibang grupo sa pagbibigay ng relief sa amin noon. Gets ko 'yung pagod n'yo kapag namimigay. Nakita ko 'yun noon, e. Naghihintay lang kami sa ibibigay n'yo, samantalang 'yung mga namimigay, pawis na pawis at pagod na pagod. Kung tutuusin, sa panahon ngayon, may choice naman kayong huwag mamigay, pero ginagawa n'yo pa rin."
"It's fucked up," Jakob murmured.
"Naisip ko na rin 'yan noong nasa labas pa kami. Ano ba ang makukuha ng mga namimigay ng relief sa 'min? Bakit pa nila 'yun ginagawa? Wala na ngang government. Kung tutuusin, puwede na nila kaming balewalain, pero namimigay pa rin sila. Naalala ko noon na may nag-sorry sa 'min kasi hindi na kami puwedeng kunin sa grupo, kasi puno na. Nagmakaawa si Nicholas noon na kahit ako na lang ang papasukin." Pinunasan ni Anya ang luha. "Anyway . . ."
"Hindi ko rin naman matiis. Kapag may sobra, ipinamimigay ko . . . pero hindi sa puntong magiging risk 'yun para magutom ang mga nasa loob ng Escarra. They're still my priority," pagpapatuloy ni Jakob. "But sometimes . . . I don't wanna do this anymore, I just . . ."
Naghintay si Anya, pero walang naging kasunod ang sinabi ni Jakob. Nakatingin lang ito sa coffee mug na nasa lamesa. Minsang titingin sa kawalan, minsan sa kaniya.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang. 'Wag kang magagalit kay Ate Rose, pero sinabi niya sa 'kin na malihim ka. Walang idea ang lahat sa nararamdaman mo. Nag-uutos ka, kumikilos ka, pero hindi nila alam kung ano ang totoong gusto mo," mahinahong sabi ni Anya. "Magsabi ka lang kung komportable ka. Kung hindi naman, maiintindihan ko."
Tumayo si Anya at kinuha ang coffee mug. Humarap siya sa glasswall. Mukhang lalakas na naman ang ulan dahil medyo madilim. May kuryente rin ang buong bahay dahil sa solar. Isa iyon sa kinabibiliban ni Anya sa Escarra.
"Halos lahat ba, sa 'yo kumukuha ng solar?" Nilingon niya si Jakob na nagliligpit ng pinagkainan nila. "Feeling ko, ikaw lang ang meron nito, e."
"Unfortunately, yes." Lumapit si Jakob sa kaniya at tumayo sa tabi niya. "Kaya nakukuha ko ang kailangan ko, ang gusto ko . . . kapalit ng energy na kailangan nila. Wala na kasing pera ngayon, pero lahat may kapalit."
Nilingon ni Anya si Jakob. Nakapamulsa ito, malamlam ang mga mata, malalim ang bawat paghinga.
"I don't have wants for myself. I have needs. Lahat naman tayo, merong needs. Escarra's needs are my priority. Kasama naman ang needs ko roon." Tumingin sa kaniya si Jakob. "Selfish, yes . . . and I am really sorry, but I'm not sorry I took you for myself," sabi nito bago siya tinalikuran.
Sinundan niya ng tingin si Jakob. Bumalik ito sa lamesa at ipinagpatuloy ang pagliligpit sa mga pinagkainan nila. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib dahil sa sinabi nito.
"Jakob?" pagkuha niya sa atensyon nito na kaagad namang tumingin sa kaniya. "Ano mo ako? Want o need?"
"Both," Jakob responded without buckling. "Both, Anya."
Umiling si Anya. "Hindi ko maintindihan. Para saan? Want for sex? Need for what? Ano ba ang maibibigay ko sa 'yo? Kasi wala kang hinihingi. Sa isang buwan, kahit na sa tatlong araw na nandito tayo . . . wala kang hiningi. Ikaw ang nagbibigay. Komportableng buhay, masarap na pagkain, malambot na kama, security . . . pero wala kang hinihingi."
Nakatitig lang si Jakob sa kanya. Hawak pa rin nito ang mga pinggang ililigpit na sana.
"To be honest, akala ko dinala mo ako rito kasi gusto mong galawin ako." Umiling si Anya at natawa. "Ni-ready ko ang sarili ko emotionally kung sakaling tanungin mo ako. There's fear, but I know this day would come that I have to give you what you want and what you need."
"Anya." Mababa ang boses ni Jakob at mayroong diin. "I told you, I won't ask you for sex. Hindi 'yan ang kailangan ko sa 'yo."
"E ano?" Anya sounded begging. "Gusto kong malaman kung ano ang kailangan mo sa 'kin, kung bakit ako . . . kung ano ang ibibigay ko sa 'yo kapalit ng lahat ng 'to."
Mahinang natawa si Jakob. Ibinaba nito ang hawak sa lamesa bago nagpameywang at tumingala. Anya stared at Jakob and saw how his Adam's apple moved as he chuckled and gulped. He looked at her again and breathed.
"Huwag kang matatawa kasi kahit ako, pinagtatawanan ko ang sarili ko kung bakit." Natawa si Jakob pero kaagad na sumeryoso. "I fell in love with you the first time that I saw you. I tried, Anya. I stayed away from you. Umaalis ako ng Escarra kasi ayaw kitang makita. I tried so hard, but I'm sorry I failed."
Hindi nakasagot si Anya at nanatiling nakatitig kay Jakob na halos hindi makatingin sa kaniya.
"Nilabanan ko . . . not until I saw you crying. You were breaking down . . ."
"Noong nasa pool mo? Noong tinulungan mo akong huminga nang maayos?"
Jakob smiled and chuckled. "You remembered."
"Oo naman. Lagi ko ginagawa 'yun kapag hindi ako okay, e." Anya smiled warmly.
"Glad you're doing that," Jakob said in a calming voice. "Keep doing that if you're not feeling okay. Natutuhan ko 'yan sa girlfriend ni Tristan. She was a psych student and kapag magkakasama kami noon, she's sharing her knowledge."
"Ang galing nga, e. Dati kasi 'pag ganoon, pinipikit ko lang ang mga mata ko. Medyo nahihirapan akong huminga, pero hinahayaan ko na lang hanggang sa kumalma ako o kaya . . ." Tumigil siya at tumingin kay Jakob. "O kaya kapag kinausap na ako ni Nicholas, magkakaroon ng ibang topic, makalilimutan ko lahat."
"You should know how to calm yourself, Anya. Hindi palaging may kasama ka, h-hindi palaging may Nicholas. You should be able to handle yourself alone," sabi ni Jakob. "I can and will protect you, pero kailangan mo ring matutuhang protektahan ang sarili mo."
Tumango si Anya. Tiningnan niya ang hawak ni Jakob. "Iwanan mo na 'yan. Ako na ang maghuhugas. Ikaw naman na ang nagluto. Anong oras mo pala planong bumiyahe? Anytime naman, okay lang sa 'kin."
"Before sunrise."
—
LATE NA NAGISING SI Anya kaya naman umaga na sila bumiyahe. Nahiya siya kay Jakob na hindi na natulog at buong magdamag na gising. Naghintay pala ito sa kaniya, hindi lang siya ginising.
Anya was happy that she was able to sleep lately. Malaking tulong din siguro ang ulan. Mas lamang man ang negatibong pakiramdam niya sa ulan dahil naiisip niya ang ibang tao, kahit papaano ay kumalma ang pakiramdam niya habang naririnig ang bawat pagpatak nito.
It was a selfish feeling, but for once, Anya wanted to feel what it felt like to sleep without thinking about anything or anyone again.
Binabaybay nila ang lugar. Tanghaling tapat na, pero medyo makulimlim pa rin. Hindi naman umuulan, pero madilim ang kalangitan at minsang umaambon. Tahimik ang daan at ni isang tao, wala silang nakita.
Dahil na rin siguro sa ulan, naghanap ng shelter ang iba.
Bukod sa patugtog ni Jakob sa sasakyan, hindi sila nag-uusap. Minsan niyang nakikitang humihikab si Jakob, pero itinatago sa kaniya. Medyo malayo pa sila, parang aabutin pa nang dalawang oras, hindi siya sigurado.
"Puwede ba akong magtanong?"
Tumingin si Jakob sa kaniya. "Ask anything, Anya."
"Okay. Hmm . . ." Nag-isip siya dahil ang totoo, wala pa naman siyang maitanong. "Ano ang favorite genre mo sa kanta noon?"
Naningkit ang mga mata ni Jakob. "I like OPM. Too underrated. Ikaw?"
"Kahit ano, basta maganda ang lyric. Minsan 'pag may tune akong nagustuhan, pakikinggan ko siya while reading the lyric. I like analyzing the lyric." Ngumiti si Anya. "Sa movie, ano ang gusto mo?"
"Action. You?"
"Action and psychological thriller. Hindi ako masyadong fan ng romance." Natawa si Anya. "Alam mo bang mahilig akong manood noon ng zombies? Buti na lang nga, walang zombies ngayon, e. Feeling ko talaga ang baho ng mundo kapag may zombies. It's one thing na hindi ipinakikita ng movies, e. How the world will smell like once may zombies."
Mahinang natawa si Jakob. "But the reality is kahit walang zombies, people live like one now. And out there, mas masahol sa zombies ang kalaban, e. Real people with real intentions. Desperate, people."
Nalungkot si Anya dahil totoo. Naramdaman din nila ni Nicholas iyon noon . . . kung paanong makipag-agawan din sa iba para mabuhay.
Muli silang nabalot ng katahimikan hanggang sa magtanong si Jakob tungkol sa huling lugar na pinanggalingan nila ni Nicholas. Naikuwento niya ang tungkol kina Patrick at Faith, pati na rin ang tungkol sa mga taong nakasalamuha pa nila.
"Kaya malaking bagay na nakapasok kami sa Escarra. Kung nakilala mo siguro sina Patrick at Faith, matutuwa ka sa kanila. Magaling magluto si Faith, bagay sana siya sa pantry." Ngumiti si Anya.
Jakob looked serious so Anya decided to stop talking.
Sandaling umulan, pero kaagad rin namang kumalma ang langit. It took them another hour and Anya could finally see a familiar road.
Anya had another question in mind. Hinarap niya si Jakob na seryosong nakatingin sa daan. Isang kamay lang ang nakahawak sa manibela at mukhang medyo malapit na sila.
"May tanong ulit ako."
"Ano?" Sandaling tumingin si Jakob sa kaniya.
"Kung sakaling normal ang mundo ngayon, tingin mo . . . ano ang ginagawa mo? Politician ka rin ba?" tanong niya. "Ako, feeling ko nasa US ako kasama ang family ko."
Malalim ang naging paghinga ni Jakob. Dinig na dinig iyon ni Anya pati na ang pagbilis ng sasakyan. Mukhang hindi nito gusto ang tanong kaya tahimik niyang ibinaling ang tingin sa bintana.
"I never wanted to be a politician. I'm not like my father. Gusto ko ang tahimik na buhay," salaysay ni Jakob. "Siguro if the situation is different?" Matagal itong nag-isip. "Siguro I'm a dad. I always want to be a dad. Imagine those small person running around the house, imitating you? That's cute." Mahina itong natawa.
Sa unang pagkakataon, nakita ni Anya ang malapad na pagngiti ni Jakob. Diretso itong nakatingin sa daan habang binabanggit ang pangalan ng mga bata sa Escarra hanggang sa nawala ang ngiti nito.
"But it's next to impossible now," Jakob said in a low voice. "We're almost home. Ibababa lang muna kita sa bahay, didiretso ako sa office. If you're hungry, ask the rangers to get food. Baka gabi na ako makauwi."
Tumango si Anya.
"Thank you for still talking to me, for asking me despite the anger." Jakob gazed at her. "That's what I want and I need . . . just your presence. It is enough, Tanya. I'm not asking for more."
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top