Chapter 25

Matagal na ang huling beses na nagkaroon ng meeting kasama si Jakob kaya naman ikinagulat ng mga taga-Escarra nang papuntahin sila sa headquarters ng mga ranger.

Hindi lang basta mga ranger kung hindi lahat ng nakatira sa Escarra. Maaga pa, tumunog na ang siren. Isa-isa sinundo ng mga ranger ang nasa bawat bahay dahil iyon ang utos ni Jakob.

"Anong meron, commander?" tanong ng isang ranger kay Alfred.

"Wala rin akong alam. Biglaan lang 'to, e. Usually naman, nagpapatawag si Jakob ng meeting sa 'min bago ganito," sagot ni Alfred at inobserbahan ang nagdadatingang mga tao.

Everyone was asking why. Sa buong stay nila sa Escarra, tatlong beses lang itong ginawa ni Jakob.

Una ay ang unang beses na ideklarang ligtas na ang Escarra. That was six years ago. Ikalawa naman ay nang mag-announce si Jakob na lalawak ang Escarra dahil kinuha na nito ang mga katabing lupa. Nagsaya ang lahat dahil patatayuan iyon ng mga titirhan nila.

Ikatlo naman ay nang ipakilala nito ang mga kaibigan na tumutulong sa kanilang lahat para sa pagkain, gamot, at kung ano-ano pa. It was to let everyone know that Escarra wouldn't be possible without his friends and without the help of the other groups—na kaibigan din ni Jakob.

Ito ang ikaapat at halos lahat ng tao ay kinakabahan lalo na at hindi nila nakikita si Jakob nitong mga nakaraang buwan. Palagi itong umaalis at nagkaroon na rin ng usapan na mukhang iiwanan na sila nito.

Lahat ng tao sa headquarters nagkakatinginan at naghihintay. Ang iba ay nag-uusap at tinatanong ang isa't isa kung ano ang nangyayari, pero ni isa, walang may alam.

And when Jakob entered the HQ, everyone stood up and waited. Nakipag-usap na rin muna kasi ito kay Alfred. Nakita nilang lahat kung paanong nagsalubong ang kilay nito.

"Good morning and sorry kasi late notice," panimula ni Jakob habang nasa harapan nilang lahat. "This is gonna be quick. I just wanna tell everyone that I recently married Anya."

Halos lahat ay napasinghap, nanlaki ang mga mata, at nagulat sa sinabi ni Jakob. Ngunit karamihan sa kanila ay hinanap si Nicholas na nasa bandang likuran, diretsong nakatayo, at nakatingin sa harapan kung nasaan si Jakob.

Maging si Alfred at ilang may posisyon sa Escarra ay nagkatinginan. Hindi nila ito inasahan lalo na at lahat ng nakakikilala kay Anya ay alam na kasintahan nito si Nicholas.

Samantalang tahimik na nakatingin si Rose kay Jakob. Tatlong araw na simula nang malaman niya ang tungkol dito. Wala si Anya, hindi ito lumabas at hindi lumalabas simula nang makasama si Jakob. Nakakausap niya ito tungkol sa sitwasyon at minsang umiiyak sa kaniya lalo sa parteng baka pag-usapan sa Escarra kung ano ang nangyari.

Medyo umingay ang buong hall dahil sa sinabi ni Jakob. Naririnig nila ang usap-usapan ng iba tulad ng iniisip ni Anya na baka isiping ipinagpilitan nito ang sarili kay Jakob kahit hindi naman.

"Now, my wife's safety, security, and well-being are the number one priority. She's the most important person inside Escarra now. Her safety is more important than anything," seryosong sabi ni Jakob na mas nagpatahimik sa kanila. "That's all. Thank you all for coming today."

Walang nagkaroon ng chance para magsalita dahil kaagad na umalis si Jakob. Ni hindi nila magawang lumingon sa katabi nila. Karamihan sa kanila ay nakatitig sa gitna, ang iba naman ay nakayuko

Nilingon ng mga ranger at empleyado ng Escarra si Nicholas na naunang lumabas ng headquarters. Wala pa ring nagsasalita dahil ikinagulat ng lahat ang nangyari.

"Kaya pala lumipat si Nicholas kahapon sa group unit," sabi ng isang ranger. "May bakante kasi sa dating unit ni Austin, doon din nagpalitat si Nicholas."

"Oo. Kasama ko siya sa kuwarto," sabi ng isa pang ranger na malapit sa kanila. "Anim kami sa kuwarto, nakapuwesto siya sa itaas na bunker bed ni Austin. Kaya pala. Nagtaka rin kami, e."

"Wala siyang sinabi sa inyo?"

Umiling ang lalaki. "Wala, e. Nakatalikod lang 'yan habang nakahiga. Ni hindi sila binati pagpasok, basta na lang inayos ang kama at nahiga. Napag-usapan namin kahapon na baka nagkahiwalay na sila ni Anya, mas malala pala."

Sa kabilang banda, nag-uusap ang mga kasama ni Anya sa laundry. "Kaya pala hindi na siya pumapasok, limang araw na. Tinanong naman namin kay Nicholas, hindi niya sinagot. Ganito pala ang sitwasyon."

Nagtipon naman sina Alfred at ilang matataas ang katungkulan sa Escarra. Pare-pareho silang nakaramdam ng takot dahil hindi nila inasahang ganito ang gagawin ni Jakob. Kilala nilang mabait at tahimik si Jakob kaya hindi nila ito inasahan at hindi nila maintindihan.

Tahimik ang judge at dalawang lawyer na siyang nakaaalam ng tungkol sa ginawa ni Jakob dahil ang mga ito ang nakausap. Napag-usapan din ng grupo na minsang nagtanong si Nicholas tungkol sa pagpapakasal sa Escarra kaya ikinagulat nila ang pagpapagawa ni Jakob ng marriage contract at si Anya ang kasama.

Lumapit si Dolores kay Rose. Isa si Dolores mga naninirahan sa isa sa malalaking bahay sa Escarra. Halos tanaw mula sa bahay nito ang bahay ni Jakob. Asawa nito ang susunod kay commander.

"Paanong nangyari?" tanong ni Dolores kay Rose.

"Mahal ni Jakob si Anya," sagot ni Rose. "Sinabi niya sa 'kin noong araw na tumira na si Anya sa kaniya. Sinabi niya sa 'kin ang ginawa niya, lahat."

Nagtaka si Dolores, pero hindi na siya nagtanong. Sa mundong ginagalawan nila ngayon, mas makabubuting wala silang alam. Pare-pareho sila ng sinasabi sa isa't isa na ayaw na rin nilang alamin kung ano ang ginawa ni Jakob at kung ano pa ang kaya nitong gawin.

Alam nilang lahat na tahimik si Jakob. Wala itong ginawa kung hindi ang ibigay ang kailangan nilang lahat, sobra-sobra pa. Wala silang narinig na reklamo. Their safety and security were always the priority.

And it was the first time Jakob did something for himself, but for them, it was too much.

It was too much, but they couldn't do anything about it.

Alfred entered Jakob's office who didn't even bother looking at him. Hawak nito ang papel habang seryosong nagbabasa, salubong ang kilay, at mukhang hindi interesadong makipag-usap kahit na kanino.

"What have you done?" Alfred asked.

"I'm married," Jakob said without looking at Alfred. "And you're against it?"

"I am," Alfred said truthfully. "Alam mong may boyfriend si Anya and . . . did you force her to do this or did she . . ."

Hindi itinuloy ni Alfred ang sasabihin nang tumingin sa kaninya si Jakob. Hindi ito nagsalita, pero sa tagal na niyang kilala si Jakob, alam niyang hindi nito magugustuhan ang sasabihin at mas minabuting niyang hindi na iyon ituloy.

"It's done and you can't do anything about it. Ngayon, gawin mo ang trabaho mo para siguruhing ligtas ang asawa ko dahil oras na may mangyaring hindi maganda, alam n'yo ang mangyayari sa inyong lahat."

Alfred nodded without a word. "Anything else?"

"Si Nicholas. Tuloy ang trabaho niya at sa tuwing lalabas siya, make sure someone's looking after him. Wala akong pakialam kung ilan ang magbabantay sa kaniya, make sure he's safe whenever he's out," pag-utos ni Jakob. "Austin. Nakausap ko na si Mary and she'll personally take care of him. Once he's awake, you'll be in charge. Idepende mo ang task niya sa kakayahan niya after this. If you can just put him into the office, that's better."

From all the instructions, Alfred understood the situation and didn't bother asking.

Everyone in Escarra knew what had happened. Isang linggo na rin pagkatapos ng announcement ni Jakob tungkol sa pagpapakasal nito kay Anya. Isang linggo na ring walang nakakikita kay Anya kung hindi si Rose.

Hindi rin nila nakikitang umaalis si Jakob ng Escarra nitong mga nakaraan. Madalas itong nasa opisina, o sa operations, o sa headquarters.

Samantalang napansin ng mga kasamahan ni Nicholas ang pagbabago simula nang i-announce ni Jakob ang tungkol kay Anya. Naging tahimik ito at halos hindi na nila nakakasama sa trabaho. Ni hindi na rin ito nagla-lunch sa pantry at madalas na kumukuha lang ng pagkain bago bumalik sa garahe. Ganoon ang naging routine.

They also noticed that Nicholas had been working overtime lately. Gabi na itong lumalabas ng garahe at dumidiretso na lang sa residence. Iyon ang napansin nila.

Sa loob ng isang linggo, tahimik ang Escarra. Ang pakiramdam na parang nagluluksa kahit walang namatay, ang takot na naramdaman nila, at ang kagustuhang wala na lang sanang malaman ay araw-araw nilang pinagdadaanan.

Wala namang ipinakitang masama si Jakob nitong mga nakaraan ngunit dahil na rin sa mga kumalat na balita kung bakit at paano nito nakuha si Anya, they all realized their position . . . and that Jakob could do anything he wanted.

Sabay-sabay na dumating sina Ares, Martin, at Tristan. Wala silang alam sa ginawa ni Jakob kaya kung hindi pa sila pinasabihan ni Alfred tungkol sa pagpapakasal ng kaibigan nila, hindi nila malalaman.

Bumukas ang pinto at sinalubong sila ni Jakob na seryosong nakatingin sa kanila. Niluwagan nito ang pinto at pinapasok sila.

Pabagsak na naupo si Ares sa sofa, sumunod si Tristan. Nanatili namang nakatayo si Martin habang nakasandal sa pader at nakatingin kay Jakob na nakapamulsang nakatayo sa harapan nila.

"If you're all here to lecture me, save it," sabi ni Jakob.

"There's no point on lecturing you lalo na at may desisyon ka na," sagot ni Tristan. "I mean . . . alam naming gago ka talaga at walang sinasanto, pero hindi namin inasahang pati na rin sa parteng 'to?"

Walang naging reaksyon si Jakob habang nakatingin sa kanila.

"Alam mong inaasar kita, pero hindi ito nakakatuwa."

Nagkatinginan sina Martin at Tristan nang magsalita si Ares dahil ang seryoso. Hindi pala bagay.

"'Tangina, hindi bagay sa 'yo." Siniko ni Tristan si Ares.

Mahinang natawa si Ares at humiga sa sofa. Itinaas niya ang paa sa sandalan at tinitigan si Jakob na nakatingin sa kaniya. Salubong pa ang kilay nito, halatang hindi sila welcome.

"Ayaw kong tanungin kung ano ang ginawa mo, pero curious ako. Ano'ng ginawa mong dirty tactics para maging sa 'yo? Nasa'n na 'yung pagpipigil natin? Nasa'n na 'yung pagsubok mong maghanap ng iba?" Umiling si Ares. "Putangina ka, susuko ka rin pala."

Umiling si Martin. "At pinakasal mo pa talaga sa 'yo?"

"Siyempre hindi na niya 'yun pakaka—" Tumigil sa pagsasalita si Ares at bumangon para umayos ng pagkakatayo nang makita si Anya sa may hagdan. "Hello!" Malapad siyang ngumiti.

Tristan snorted and shook his head. He stood up and walked towards Anya who were all looking at them. Isa-isa sila nitong tiningnan na para bang sinusuri. At sa unang pagkakataon, natitigan nila ito nang malapitan.

Pasimpleng nilingon ni Ares si Jakob na nakayuko at nakapamulsa, mukhang hindi matingnan ang asawa.

Martin, on the other hand, observed. Anya welcomed them and even asked them if they wanted to eat. Magpapakuha na lang daw ito sa ranger na nagbabantay sa labas, pero lahat sila ay tumanggi. Hindi nila puwedeng utusan o pahirapan ang reyna ng Escarra. Baka mapatalsik sila.

"Hello." Lumapit si Martin kay Anya at inilahad niya ang kamay. "We heard and I'm glad to finally meet you."

Nagsalubong ang kilay ni Anya sa sinabi niya. Tinanggap nito ang kamay niya. "A-Anya po."

Tumango si Martin. "Martin St. Pierre."

"Nice to meet you po." Bahagyang yumuko si Anya at nilingon si Tristan na nakatayo sa gilid ni Martin.

"Tristan Laurier," pagpapakilala ni Tristan.

Lumapit naman kaagad si Ares at inilahat ang kamay. "Hello! Ares. Basta Ares na lang. Best friends kami ni Jakob. Medyo nakakatampo nga na—"

Hindi na natuloy ni Ares ang sasabihin nang bigla nalang takpan ni Martin ang bibig nito at hinila papalayo. Si Tristan ang naiwan sa harapan ni Anya na nagtanong ulit kung gusto ba nilang magpakuha siya ng pagkain ngunit tumanggi ulit.

Nagpaalam si Anya sa kanila at napansin nila na hindi man lang ito tumingin kay Jakob. Sandali itong dumiretso sa kusina at bago umakyat, may bitbit itong bote ng tubig.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Jakob.

Nilingon nina Martin at Tristan si Ares na humagikgik. Parang tanga.

Umiling si Anya bilang sagot sa tanong ni Jakob na tumango lang at humarap sa kanila. Sinamaan nito ng tingin si Ares na itinago ang mukha sa unan. Nakayuko ito ngunit galaw nang galaw ang balikat.

"Umalis na nga kayo."

"Ito naman!" pagmamaktol ni Ares na ibinato ang unan kay Jakob. "Nakakatampo ngang wala kaming alam tapos paaalisin mo pa kami? Nagugutom na kami, gago. Pakuha mo naman kami ng pagkain!"

"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" pabalang na sagot ni Jakob. "Akala ko ba gusto mo sa pantry kasi boring dito sa bahay ko? Magpunta ka roon mag-isa."

Tumayo si Ares at narinig nila itong nakisuyo sa ranger na nakabantay sa pinto ni Jakob para magpakuha ng pagkain dahil totoo namang nagugutom na sila dahil sa kamamadali nilang magpunta sa Escarra.

"Almost two weeks na?" gulat na tanong ni Tristan. "So, sa two weeks? Kumusta kayong dalawa? Nag-uusap ba kayo o pinahihirapan mo lang lalo ang sarili mo dahil kasama mo sa iisang bahay, sa 'yo naka-apelyido, pero hindi pa rin sa 'yo?"

Mahinang natawa si Martin sa tanong ni Tristan dahil kahit kailan, dire-diretso itong magsalita.

"Alam kong hindi ko na kailangang ulitin, pero magiging masaya ka bang ganiyan ang sitwasyon n'yo? Ni hindi ka niya magawang tingnan," pagpapatuloy ni Tristan. "Sabagay, ikaw naman 'yan. Ikaw naman ang mahihirapan. Imagine waking up knowing your wife doesn't even like you."

"I won't mind," Jakob said in a low voice. "As long as I know she's safe, I'll be fine. Kung wala na kayong sasabihin, you can stay here, but don't bother asking me questions again. I don't care if we're friends, but I'll let my guards throw you out of my property."

Martin knew Jakob was serious the moment he left them. Kilala nila itong tahimik at kapag iniinis, hindi pikon o hindi umaalis. They all quietly looked at each other and knew that their best friend was fucked.

Kinagabihan, nagising si Jakob. Ni hindi niya namalayang nakatulog siya. It was already three in the morning and his head was throbbing. Isa pa, nagugutom siya. Hindi niya alam kung nakaalis na ba ang mga kaibigan niya o ano.

At dahil nasa bahay niya ang mga kaibigan niya, sa guest room siya natulog.  Sumilip siya sa bintana at nakitang malakas na malakas pala ang ulan. Kaya pala hindi rin niya naramdaman ang init kahit na wala siyang aircon.

Tiningnan niya kung may pagkain sa kitchen, pero wala. Sumilip siya sa pinto at nakita si Eric, ang isa sa ranger.

"Lumabas ba si Anya kanina? Nagpakuha ba siya ng pagkain sa pantry?"

"Hindi po, boss. Tinanong din siya kanina ni Ian, pero hindi raw siya nagugutom. Nagsabi kami na kukuha na lang kami ng kahit na ano, pero tumanggi po," sabi ni Eric. "Kukuha na lang po ako ng pagkain n'yo ngayon."

Tumango si Jakob. "Kuhanan mo rin si Anya," utos niya.

Umakyat siya sa itaas para tingnan kung gising ba si Anya. Aayain niya itong kumain kung sakali man. Mula sa labas, nakita niyang nakabukas ang ilaw kaya malamang na gising ito at nagbabasa ng libro.

Kumatok siya, pero walang sumasagot. It was unusual because with just one knock, Anya would answer.

Another knock, nothing.

Jakob breathed and turned the knob. It was open and the moment he entered the room, Anya was not on the bed. Ni wala ito sa loob ng kuwarto ngunit bahagyang nakabukas ang pinto ng bathroom. Nakapatay ang ilaw, pero nakabukas.

"Anya?"

Walang naging sagot.

Tuluyang binuksan ni Jakob ang pinto ng banyo at nakita ang kumot na nasa bathtub. Sumilip siya at nakita si Anya na nakahiga sa loob ng bathtub, mayroong comforter bilang higaan, isang unan sa ulunan, isang unan na yakap, at nakakumot.

"Anya?" pagtawag niya, pero wala.

Lumapit siya. Mahimbing pala itong natutulog.

Jakob didn't think twice and carefully carried Anya. Ito ang unang beses niyang pumasok sa kuwarto at hindi niya alam kung palagi ba nito iyong ginagawa.

May kagaanan si Anya kaya hindi siya nahirapang buhatin ito para dalhin sa kama. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Anya sa damit niya, sa dibdib niya, na para bang malulukot na iyon.

"Kailan ka pa natutulog sa bathtub?" tanong niya.

Narinig ni Jakob ang paghikbi. "U-Umpisa pa lang," sagot ni Anya.

"Bakit?"

"H-Hindi ako sanay na walang Nicholas," pag-amin ni Anya at humikbi sa dibdib ni Jakob. "Jakob?"

Huminto sa paglakad si Jakob, buhat pa rin si Anya. Malapit na sila sa kama. Doon niya naramdaman na mas lalong humigpit ang paghawak ni Anya sa damit niya kasunod ng pagsubsob ng mukha nito sa dibdib niya.

"Jakob, ibalik mo na ako," bulong ni Anya. "Please, ibalik mo na ako sa kaniya."




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys