Chapter 24

Humiwalay si Anya kay Nicholas at kinuha ang nakasukbit na backpack sa balikat nito. Hindi na siya tumingin sa mukha nito at basta na lang tumalikod. Nakatingin sa kanila ang dalawang ranger na bakas sa mukha ang pagtataka.

"Good morning po," bati niya sa dalawa. "Puwede na ba akong pumasok?"

Nagkatinginan sina Alex at Noah, ang tagabantay ng bahay ni Jakob sa gabi. Normal naman ang pagpunta ni Anya sa bahay ni Jakob, pero hindi nila maintindihan kung bakit mayroon itong dalang bag at kung bakit parang mabigat ang atmosphere kasama si Nicholas.

"Sige lang, Anya," sabi ni Noah. "Hindi naman umalis si boss."

Tumango si Anya at nginitian silang dalawa bago pumasok sa loob. Ibinalik nila ang tingin kay Nicholas na nakatalikod na rin, nakahawak sa batok, at mabagal na naglalakad papunta sa daang pinanggalingan kanina.

Muling nilingon ni Noah si Alex na nakatingin din sa kaniya. Salubong ang kilay nila at sabay silang tumalikod nang marinig ang pagsara ng pinto.

The moment Anya closed the door, she immediately felt the coldness inside Jakob's house. She wanted to look back but knew that once she saw Nicholas' face again, she'd break down and she didn't want to cry again.

Madilim ang buong hallway papunta sa living room, ganoon din ang papunta sa kitchen. Wala ring ilaw sa second floor, kahit mismong sa hagdan, nababalot lang ng kadiliman.

Tumingin si Anya sa orasan. It was almost five in the morning. Kung sa ibang pagkakataon, gising na talaga sila ni Nicholas at nagkukuwentuhan. Minsan naman ay naglilinis sila ng unit kung saan sila nakatira.

Now, it would be different.

Anya didn't know what to do so to kill time, she started cleaning the living room. She wiped the floor manually, no mop . . . she used her hands, kneeling on the floor, wiping every tile as much as she could.

Nang matapos sa sala, ipinagpatuloy niya ang ginagawa sa kusina. Alam niyang magsusugat ang kamay niya dahil sa ginagawa, pero hindi siya tumigil dahil kahit papaano, nasa ibang bagay ang focus niya.

Walang alam si Anya sa magiging setup. Kung tabi ba silang matutulog ni Jakob, kung makakasama lang ba niya ito sa iisang bahay, kung required ba ang sex, kung pagsisilbihan ba niya ito, o gusto lang talaga siyang pahirapang tumira sa isang bahay na hindi siya pamilyar at ilayo sa taong nakasanayan niyang kasama.

Tumigil siya sa pagpunas sa sahig nang makita ang sinag ng araw mula sa pintuan. Maliwanag na pala.

Tinapos niya ang natitirang tiles sa kusina bago tumayo at kumuha ng container para kumuha ng pagkain ni Jakob sa pantry. Ganoon naman ang routine niya sa tuwing naglilinis siya ng bahay nito ngunit sa unang pagkakataon, hindi niya magawang buksan ang pinto ng bahay nito. Nakahawak lang siya sa doorknob dahil iba na ang sitwasyon at wala siyang mukhang maihaharap sa ibang tao sa Escarra.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin ng iba.

Inakit niya si Jakob? Ginagamit niya si Jakob? Iniwan niya si Nicholas para kay Jakob? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa Escarra knowing na girlfriend siya ni Nicholas, pero nandito siya sa bahay ni Jakob ngayon? Hindi bilang tagalinis kung hindi bilang . . . hindi rin niya alam kung ano ang tawag.

Umatras si Anya at imbes na lumabas ng bahay, naupo siya sa sofa habang nakatitig sa puting pader na nasa harapan niya. Tuluyan na ring lumiwanag. Imbes na magmukmok, umakyat si Anya papunta sa library.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya natatapos iyon, pero mukhang marami na siyang panahon lalo na at dito sa bahay na ito na siya maglalagi.

Isa-isang ibinaba ni Anya ang mga libro mula sa cabinet. Nalinis na niya iyon, pero gusto niya ulit punasan. Gusto rin niyang ayusin alphabetically o kaya by color, hindi pa niya alam.

Muling sumalampak sa sahig si Anya at maingat na binuklat ang isang libro. Medyo dumikit na ang mga pahina dahil sa katagalan o dahil hindi talaga nabubuklat. Naninilaw na rin ang papel at mukhang nagkakaroon na ng mantsa.

"Anong oras ka dumating dito?"

Medyo nagulat si Anya, pero napigilan pa rin niya ang sariling tumili. Nilingon niya si Jakob na nakasandal sa hamba ng pinto. Suot nito ang hoodie na itim at itim na jogger pants. Nakapaa lang din ito at mukhang kagigising lang.

"Before five kanina." Ibinalik ni Anya ang tingin sa libro. "Nagugutom ka ba? Ikukuha na lang kita ng pagkain sa pan—" Tumigil siya nang ma-realize na ayaw niyang lumabas. "Sorry. P-Puwede bang makisuyo ka muna sa iba? A-Ayaw ko munang lumabas."

Pumasok si Jakob sa loob ng library. Binuksan nito ang mataas na kurtina at binuksan ang mga bintana.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Jakob bago humarap sa kaniya. "Magpapakuha na lang ako kay Noah. Ano'ng gusto mong kainin?"

"Kahit na ano," sagot ni Anya nang hindi tumitingin kay Jakob. "May ipagagawa ka ba?"

"Yes."

Nag-angat ng tingin si Anya. Ibinaba na muna niya ang libro sa sahig at maingat na tumayo. Inayos niya ang dress na suot niya at humarap kay Jakob. Nakapamulsa itong nakatitig sa kaniya.

"Ano 'yun?"

"Are you here to stay or what?" tanong ni Jakob.

"I'm here to stay like you want me to," Anya responded in a low voice. "Bakit? Nagbago na ba ang isip mo?"

Jakob shook his head. Ni hindi man lang ito nag-isip. "Asan ang mga gamit mo? Dala mo na ba o ipakukuha ko pa?"

"Nasa sofa lang, iniwan ko kanina bago ako naglinis. Kukunin ko lang sandali." Lumabas si Anya ng library nang hindi na hinintay ang sasabihin ni Jakob.

Naramdaman niyang nakasunod ito sa kaniya ngunit pagdating sa baba, dumiretso si Jakob sa front door at narinig niyang kausap nito si Noah para utusang kumuha ng pagkain. Kinuha naman niya ang backpack, isinukbit iyon sa balikat, at hinintay si Jakob na pumasok ng bahay.

"That's it?" tanong ni Jakob habang nakatingin sa backpack niya.

Isang tango ang naging sagot ni Anya. Sumunod siya rito nang umakyat sa hagdan. As expected, Jakob stopped in front of his own room. Anya followed Jakob inside.

"You'll sleep here." Itinuro nito ang isang pinto. "That's the walk-in closet. Mayroong bakanteng cabinet doon, that will be yours. Ayusin mo na lang ang gamit mo. I'll ask Ate Rose later to change the sheet and clean the ro—"

"Hindi na kailangan. Ako na ang bahala," pagputol ni Anya sa sasabihin ni Jakob. "Puwede ko bang buksan 'tong bintana?"

Tumango si Jakob. "Do whatever you want. Rearrange the room, remove something you don't like, anything," sabi nito. "I'll be downstairs. Tatawagin na lang kita kapag nandito na ang pagkain."

Iniwan ni Jakob na nakabukas ang pinto ng kuwarto nito. Napatitig siya roon bago ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto at binuksan ang kurtina at bintana, malaki ang pagkakaiba ng kuwarto sa unang beses na nakapasok siya roon.

Siguro dahil hindi siya focused noong mga panahong iyon, pero ngayon, napansin niyang lalaking-lalaki ang may-ari ng kwarto.

Malaki ang glass window kaya naman naging maliwanag. Sa tabi ng malaking bintana, nakadikit doon ang queen-sized bed na mayroong white at gray na bedsheet. Mayroong apat na unan, manipis na kumot, at comforter na nakaayos.

Sa kaliwang parte ng kama, nandoon ang bedside table na mayroong lampshade na may analog clock, frame na walang laman, at ilang papel.

Walang masyadong gamit ang kuwarto bukod sa lamesang maraming papel, vinyl player, box na may lamang mga vinyl, at gaming chair na may kalumaan na.

Navy blue ang pintura ng pader kung nasaan ang kama, ang ibang parte naman ay puti. Walang kahit na anong nakasabit sa pader. Wala ring display maliban sa vinyl na nasa lamesa.

Nilingon ni Anya ang malaking salamin katabi ang bintana. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili at hinaplos ang buhok niyang lagpas na sa balikat. Bagsak pa rin ang buhok niya tulad noong panahong naaalagaan pa niya ito.

Bago niya naisipang ayusin ang sariling gamit, pinunasan muna niya ang lamesa ni Jakob. Inayos niya ang mga papel na nakakalat. Nakasulat doon ang mga stock na nakuha sa iba't ibang supplier. Itinigil niya ang pagbabasa dahil baka hindi puwede.

Inayos niya ang mga vinyl, isa-isa iyong pinunasan. Wala siyang babaguhin sa kuwartong ito dahil makikitulog lang siya. Sa library pa rin siya mag-i-stay. Balak din niyang kausapin si Jakob na kung puwede ay sa library na lang siya matulog, tutal ay mayroong sofa roon.

Nang matapos maglinis, kinuha ni Anya ang backpack.

Mayroong dalawang pinto sa loob ng kuwarto. Isa ay bathroom at ang isa naman ay walk-in closet ni Jakob. Binuksan niya ang bathroom. Malinis ito. Nakasabit ang towel sa may shower area. Mayroong mga bote ng shampoo na panligo at nanuot sa ilong niya ang pabango ni Jakob na palagi niyang naaamoy sa tuwing napapalapit siya rito.

Ni hindi nga niya alam na mayroon pa palang pabango sa mga panahong ito.

Bukod sa shower, mayroong bathtub na mukhang hindi nagagamit. Walang kahit na anong mantsa at mukhang kalilinis lang ni Ate Rose kahapon dahil medyo amoy panlinis pa.

Sa loob ng bathroom, mayroon ding pinto. Binuksan niya iyon at napag-alamang daan iyon papunta sa walk-in closet kaya roon na lang siya dumaan. Nakita kaagad niya ang closet na walang laman dahil nakasalamin naman. Nakita niya sa tabi nito ang closet na puro itim na damit. Puno iyon, pero pare-pareho lang. Sa ibaba ang mga sapatos at ilang backpack.

Ibinaba ni Anya ang bag sa lamesang nasa gitna at isa-isang inilabas ang mga damit niya. Inayos niya iyon sa hanger at saka isinabit sa loob ng closet. Inilagay naman niya sa drawer ang underwear niya pati na rin ang ilang importanteng gamit.

Pagbukas envelope, nakita niya kaagad ang picture nila ni Nicholas. Yumuko siya at hinayaan ang sariling lumuha. Ayaw na niya, pero hindi pa rin pala kaya.

"Anya, let's eat." Kumatok si Jakob.

Nagmadali naman si Anya na itago ang envelope sa ilalim ng drawer. "S-Sandali." Binuksan niya ang pinto. "Okay lang bang ginamit ko ang mga hanger?"

Tiningnan ni Jakob ang closet. "Oo naman. Iyan lang ba ang dala mo?"

"Oo." Nilingon ni Anya ang mga gamit niya dahil halos ilang piraso lang iyon. "Iyan lang naman ang mga dress ko."

"How about house clothes?" tanong ni Jakob habang nakatingin sa kaniya. "Saan mo inilagay? Nasa drawer?"

Umiling si Anya. "Iyan lang ang dala ko." Itinuro niya ang mga naka-hanger sa closet. "Sa house dress . . . w-wala akong dala."

Hindi nagtanong si Jakob, pero salubong ang kilay nito.

"D-Damit lang kasi ni Nicholas ang ginagamit ko kapag nasa unit lang kami, wala pa akong sariling pambahay," nahihiyang sabi ni Anya. "O-Okay lang. Itong mga dress ko lang muna. Makikisuyo na lang ako kina Ate Heda na t-tahian ako."

Tumalikod si Jakob nang walang sinabi. Sinabi nitong bumaba na siya kapag ready na para makakain sila ng almusal dahil mayroon daw silang pag-uusapan. Bumilis ang tibok ni Anya dahil sa kaba.

Pagbaba niya, naabutan niya si Ate Rose na nasa kusina. Ngumiti ito. "Sinabi na sa 'kin ni Jakob," sabi nito at hinaplos ang pisngi niya. "Pasensya ka na, Anya. Ayos ka lang ba?"

Iling ang naging sagot ni Anya dahil iyon naman ang totoo. Sinabi ni Ate Rose na nasa likod si Jakob at naghihintay kaya lumabas siya. Nakatayo ito at nakapamulsang nakatingin sa kung saan.

Sa gilid ng porch, nandoon ang lamesang may mga pagkain. Nakaayos na iyon. Bukod sa mga pagkain, mayroong folder at ballpen.

Naupo si Jakob sa lugar kung saan walang folder. "Maupo ka na. Kumain muna tayo."

Tinitigan niya ang mga pagkaing nasa harapan niya. Orange juice, coffee, at hot choco. Mayroong pancake, sinangag, scrambled egg, sausage, at chicken soup. Mayroon ding sliced bread at mga palaman sa gilid.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya pinakuha ko lahat ng puwede mong kainin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto mong inumin ngayon," sabi ni Jakob habang komportableng nakasandal sa upuan. "Next time, I'll know. I'm sorry."

Kinuha ni Anya ang hot choco. Yumuko siya at napapikit nang maramdaman ang mainit na likidong dumaloy sa lalamunan niya. Isa pa, ang sarap. Sobrang sarap. Hindi niya alam na mayroong ganito sa pantry.

Gutom siya dahil wala pa siyang maayos na kain nitong mga nakaraan. Hinigop niya ang chicken soup, sunod ay ang sinangag at scrambled egg.

"Jakob?" pagkuha ni Anya sa atensyon ni Jakob. "Gusto kong malaman kung ano ang magiging setup nating dalawa para alam ko kung paano ako kikilos."

Ibinaba ni Jakob ang utensils. "Ano ang conditions mo?"

"Gusto ko munang malaman kung ano role ko sa buhay mo, sa bahay na 'to, at kung anong pagsisilbi ang gagawin ko," diretsahang sabi ni Anya. "Kung hanggang saan lang ako, kung ano ang mga kailangan kong gawin dito sa bahay mo, sa 'yo mismo . . . ."

Tahimik na nakatingin si Jakob kay Anya, pero salubong ang kilay nito.

"Meron lang sana akong hihilingin sa 'yo." Nakagat ni Anya ang ibabang labi. "Kung gusto mo akong gamitin, sabihan mo ako. Huwag mo akong pipilitin. I'll give you sex whenever you want me to, just . . . don't force me. D-Don't rape me, don't hurt me. Please."

Umiling si Jakob. "I will never do that. Sex won't be a part of this. This isn't about sex, Tanya. We won't do it. Ano pa ang condition mo?"

"Puwede bang sa library na lang ako matulog?"

"No." Jakob shook his head. "Kuwarto ko lang ang mayroong air conditioning system dito sa bahay at doon ka. Kung ayaw mo akong kasama sa iisang kwarto, sanay akong matulog sa living area. That room will be yours."

Nakatingin lang si Anya kay Jakob na hawak ang baso, nakapatong ang siko sa armrest, at nakatingin sa kaniya.

"Ano ang sasabihin ko sa ibang tao tungkol dito?" tanong ni Anya. "Isa kasi 'yan sa iniisip ko kanina pa. Alam ng mga tao rito ang tungkol sa 'min ni Nicholas. H-Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanila ang nangyari."

Jakob lightly shook his head. "You don't have to say anything. I'll handle this situation."

Anya nodded. "Ang trabaho ko?"

"You don't have to work anymore." Jakob rested his back. "Pinatawag ko si Ate Heda kay Ate Rose. Susukatan ka niya mamaya para sa mga damit mo. Sabihin mo sa kaniya kung ano ang gusto mo. Sa susunod, pupunta rito ang gumagawa ng mga sapatos galing sa St. Pierre, they'll make shoes for you, too. Tell me what you need, para masabihan ko kung sino ang mga gagawa."

Hindi nakapagsalita si Anya. Her eyes were pooling with tears. Ano mang pagkakataon, babagsak ang luha niya at hindi na niya iyon mapipigilan.

"Your role. Open that folder."

Nilingon ni Anya ang folder na nasa gilid niya. Ayaw niya. Natatakot siya sa laman niyon, pero naghintay si Jakob. Nakatitig ito sa kaniya. Wala namang galit sa mukha, walang pamimilit.

"Ano 'to?" tanong niya at kinuha ang folder. "Ano'ng gagawin ko rito?"

No response from Jakob and Anya had no choice but to open it. The moment she read the header, her tears automatically fell. It was a marriage contract with their names on it.

"Technically, hindi 'yan legal dahil wala naman na tayong batas sa mundong 'to, 'di ba?" seryosong sabi ni Jakob. "That's just . . . paper, but once you sign that, you're mine."

Nanginig ang baba ni Anya at hindi na niya pinigilan ang hikbi. Binasa niya ang nasa papel. Pangalan niya, birthday, lahat ng impormasyong ipinasulat sa kanila pagpasok sa Escarra bilang parte ng record.

Naalala niyang binigyan sila ng parang birth certificate na mayroong tatak mismo ng judge.

Tanya Aalliyah Ortega and Jakob Wren Escarra.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago nagsalita si Jakob, "Puwede mo pa ring tanggihan, puwede ka pang umatras . . . but once you sign that paper, you will be my wife."

Anya's chin vibrated. "B-Bakit may ganito?"

"Bakit? Nagpaplano ka bang umatras pagkatapos ng lahat? 'Pag ba nagising na si Austin, aatras ka na? Aalis ka na?" sunod-sunod na tanong ni Jakob. "Is that your plan?"

Umiling si Anya. "H-Hindi pumasok sa isip ko 'yan."

"Well, it did cross my mind. Na kapag nagising na si Austin, iiwanan mo na 'ko." Sandaling yumuko si Jakob. "And I won't let that happen."

Walang naging sagot si Anya dahil hindi siya makapaniwala.

"Baka hindi ko kayanin," pag-amin ni Jakob. "So if you're planning to leave me after everything, 'wag mo nang ituloy 'to. As much as I want you so bad, ayaw kong sa huli, talo ako."

"Ako . . . kami ang talo rito," sagot ni Anya. "Sarili mo lang ang iniisip mo."

Malalim na huminga si Jakob at tipid na ngumiti. Bumuka ang bibig nito na parang mayroong sasabihin, pero kaagad na tumikom. Kinuha nito ang kapeng nasa lamesa at sinimsim iyon habang nakatingin sa kung saan.

"Sigurado ka bang . . . gusto mong makulong sa relasyong wala akong nararamdaman sa 'yo?" Kinuha ni Anya ang ballpen. "Wala na akong pakialam sa sarili ko, Jakob. Are you sure you really wanna settle?"

Jakob stared at Anya without saying a word.

"Make Nicholas and Austin safe, Jakob. Iyon lang ang hiling ko." Pinirmahan niya ang papel. "Dahil oras na may mangyaring hindi maganda sa kanila . . . ako mismo ang papatay sa sarili ko . . . sa harapan mo."  




T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys