Chapter 22

Nagpaalam si Nicholas sa mga kaibigan niyang susunduin na muna niya si Anya sa laundry para mag-lunch. Susubukan niya rin itong ayain mamayang hapon na maglakad sa Escarra para kahit papaano ay makapag-date naman sila.

Nicholas wanted to surprise Anya with a dinner tonight. Kahit simple lang, susubukan niyang makisuyo sa mga tao sa pantry kung puwede ba siyang lutuan para sa kanilang dalawa pagkatapos ay aayain niya ito papunta sa parke.

Pagpasok sa laundry, hinanap niya si Anya, pero wala ito.

"Hindi rin namin alam, e. Sabi niya kanina, may pupuntahan lang siya sandali, pero hindi na bumalik," sabi ni Elsie. "Baka umuwi na? Kasi kahapon masama ang pakiramdam niya, e. O baka nasa infirmary."

Tumango si Nicholas at nagpasalamat. Lakad-takbo siyang nagpunta sa infirmary at baka nga naroon ito kay Austin o baka kung ano ang nangyari, pero bigo siya dahil hindi rin naman daw nagpunta roon si Anya.

Imbes na dumiretso sa pantry para tingnan kung naroon si Anya, nagmadali siyang pumunta sa residence, sa kuwarto nila, at naabutan itong nakatagilid ang pagkakahiga. Kaagad niyang nilapitan si Anya.

"Mahal?" Hinaplos ni Nicholas ang braso ni Anya. "Ayos ka lang ba? Sabi mo kanina hindi naman masama ang pakiramdam mo."

Walang naging sagot.

"Nagugutom ka ba? Ikuha na lang kita ng pagkain sa pantry. Ano ba'ng nararamdaman mo para makakuha na rin ako ng gamot. Gusto mo ba ng sabaw?" Akmang tatayo na si Nicholas nang hawakan ni Anya ang kamay niya. "A-Ayos ka lang ba?"

Umiling si Anya nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

"A-Anya? Kinakabahan ako. Ano ba ang nangyayari? Ano ba'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?" Lumapit siya at hinaplos ang buhok ni Anya. Hinalikan niya ang braso nito. "Ano ba ang nangyayari, mahal?"

Narinig niya ang pagsinghot ni Anya kasunod ng pagbangon nito.

Anya looked down and hugged herself. Ipinatong nito ang baba sa sariling tuhod habang nakayuko. Nakita ni Nicholas ang pagtaas-baba ng balikat nito at narinig ang pagsinghot.

"Mahal, ano ba'ng nangyayari? Ano ba ang nararamdaman mo? May naiisip ka ba?" Sunod-sunod ang tanong ni Nicholas. Mas naalarma siya nang tumingin sa kaniya habang nagmamalabis ang luha nitong nakatitig sa kaniya. "Mahal, ano ba'ng nangyayari? Sabihin mo naman sa 'kin, o."

Pinunasan ni Anya ang luha gamit ang likod ng kamay bago hinaplos ang pisngi ni Nicholas. "May sasabihin ako sa 'yo. Importante." Mahina siyang natawa. "Makinig kang mabuti, ha?"

Isang tango ang naging sagot ni Nicholas ngunit magkasalubong na ang kilay dahil napapaisip kung ano ba ang nangyayari.

"Kasi ano . . ." Humikbi si Anya at malalim na huminga. "Kasi . . . kailangan kong makipaghiwalay sa 'yo."

"H-Ha? Bakit?" Tumayo si Nicholas at tinitigan si Anya. "Mahal, may nagawa ba ako? May ginawa ba ako? Bakit ka makikipaghiwalay? Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyayari?"

Hindi magawang magsalita ni Anya habang nakatingin kay Nicholas. Nakatayo ito malapit sa pinto, sumandal sa pader, at yumuko. Magkasalubong ang kilay, nakapameywang, at halos hindi niya matingnan dahil kahit paulit-ulit niyang isipin kung paano sasabihin kay Nicholas, walang tamang paraan.

Tumingala si Anya sa kisame na para bang nadoon ang mga sagot sa tanong ni Nicholas ngunit pagbagsak lang ng mga luha sa magkabilang mga mata niya ang naging sagot dahil alam niya rin mismo sa sarili na wala siyang ibang choice.

"Ano'ng nangyari?" pagsusumamo ni Nicholas na nanatiling nakasandal sa pader habang nakatingin sa kaniya. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

"Wala." Umiling si Anya at pinilit ang sariling ngumiti. "Para naman sa inyo ni Kuya Austin kaya okay lang. M-Magiging okay ka lang."

"Paano ako magiging okay?" Lumapit si Nicholas sa kaniya at lumuhod sa gilid ng kama habang nakahawak sa kamay niya. "Anya naman. Ano ba 'to?"

Sunod-sunod ang pagbasak ng mga luha ni Anya lalo nang makita niya ang namumuong luha sa magkabilang mga mata ni Nicholas. Salubong na ang kilay nito, nagsusumamong sabihin niya kung ano ba ang nangyayari, pero hindi niya magawa dahil halos hindi na rin siya makahinga kaiiyak.

Anya cupped Nicholas' face and kissed his forehead. His hands were placed on the side of the bed.

Pinakalma muna ni Anya ang sarili bago niya hinarap si Nicholas na bigla siyang niyakap. Nakasubsob ang mukha nito sa balikat niya kaya nakakuha siya ng pagkakataon para haplusin ang buhok nito gamit ang palad niya.

"Ano'ng ginawa ko?"

Bumigat ang dibdib ni Anya sa tanong ni Nicholas. Napapikit siya dahilan para muling bumagsak ang mainit na likido sa pisngi niya. "W-Wala kang kasalanan. W-Wala tayong kasalanan."

"Pero bakit?" Nag-angat ng tingin si Nicholas at malamlam ang mga matang nakatitig sa kaniya. "Bakit ka makikipaghiwalay? Ano'ng nangyari sa 'ting dalawa? Okay naman tayo, 'di ba?"

Tumango si Anya at hinalikan ang pisngi ni Nicholas. "Pero hindi okay ang sitwasyon, e."

Naupo si Nicholas sa tabi niya at sinimulan niyang isa-isahin kay Nicholas ang mga nangyari nitong nakaraan. Tungkol kay Austin at kung ano ang gustong mangyari ni Jakob. Wala siyang itinira, sinabi niya lahat hanggang sa naging pag-uusap nila ni Jakob kaninang umaga.

Walang makitang reaksyon si Anya mula kay Nicholas. Nakayuko lang ito sa tabi niya habang nakahawak sa kamay niya. Nicholas caressed the back of her hand using his thumb while listening to her. No interruption, no mumbling, no questions, nothing.

"Para sa inyo ni Kuya Austin, sasama na lang ako sa kaniya," sabi niya dahilan para tumingin si Nicholas sa kaniya. "Magiging okay lang ako."

Nakita ni Anya kung paanong nagsalubong ang kilay ni Nicholas dahil sa sinabi niya bago ito huminga nang malalim at yumuko.

"Hindi puwede. Hindi puwede 'yung gusto niyang mangyari." Umiling si Nicholas. "Hindi porque boss siya rito sa Escarra, gagawin niya 'yun. Bakit? Ang daming babae rito sa Escarra, pero bakit ikaw?"

Umiling si Anya dahil kahit siya mismo, hindi niya alam ang isasagot sa tanong na iyon. Si Jakob mismo, hindi iyon sinagot.

"Huwag ka namang magdesisyon kaagad! Sana umpisa pa lang na sinabi niya sa 'yo ang tungkol dito, kinausap mo na ako para na-prevent na natin 'to!" Tumayo si Nicholas at umiling. "Hindi puwede. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit pinatagal mo pa? Bakit nagdesisyon kang mag-isa?"

Bago pa man makasagot si Anya, lumabas si Nicholas ng kuwarto. Naabutan niya itong nakapatong ang dalawang kamay sa gilid ng lamesa at nakayuko.

"Puwede naman nating 'tong mapigilan kung sinabi mo sa 'kin. Ako ang kakausap sa kaniya, hindi puwede 'tong gusto niya!" May galit sa boses ni Nicholas at akmang lalabas ng unit nila nang hawakan niya ang kamay nito. "Anya."

Umiling si Anya. "Nakapagdesisyon na ako, Nicholas. Wala rin naman tayong ibang choice, e. Ano, hahayaan nating mamatay si Kuya Austin? Hahayaan na naman ba kitang mahirapan sa 'kin?"

"Hindi ako nahihirapan sa 'yo." Humarap si Nicholas at tinitigan siya. "Kahit kailan, hindi ako nahirapan sa 'yo."

Nanginig ang baba ni Anya sa sinabi ni Nicholas. "A-Akala ko ba, usapan natin, hindi tayo magsisinungaling? Hindi ako tanga at bulag para sabihin mong hindi ka nahirapan sa 'kin lalo noong nasa labas tayo. 'Yun nga ang dahilan kung bakit tayo naghahanap ng mga grupo, 'di ba?"

"Hindi ako. Ayaw kong mahirapan ka kaya ako naghanap ng grupo." Mababa ang boses ni Nicholas habang nakatingin sa kaniya. "Ayaw kong araw-araw tayong takot at gutom."

Ngumiti si Anya. "At 'yun ang naibigay ng Escarra sa 'tin, Nicholas. Nakakatulog ka nang maayos, nakakakain ka. Marami kang naging kaibigan, nag-e-enjoy ka sa trabaho mo, masaya ka. Para sa 'yo rin naman 'to kaya ko gagawin."

"Hindi ko kailangan 'to kung ikaw ang kapalit." Umiling si Nicholas at lumapit sa kaniya. "Ayaw ko. Labas na lang tayo. Subukan natin ulit sa labas. May skills na 'ko hindi tulad noon. Kaya na kitang ipagtanggol sa iba. Kaya ko nang kumuha ng pagkain para sa 'tin, 'wag ganito." Hinaplos ni Nicholas ang pisngi niya. "Labas na lang tayo. Please, ayaw ko."

Pinanunasan ni Anya ang luha sa magkabilang pisngi niya. Gusto niyang talikuran si Nicholas dahil isa rin naman iyon sa gusto niyang gawin, pero sa tuwing naaalala niya ang paghihirap nito sa kaniya sa labas, wala na iyon sa option.

"Si Kuya Austin," paalala ni Anya.

. . . at doon niya nakuha si Nicholas. Kaagad itong humiwalay sa kaniya. Pumasok ito sa loob ng kuwarto nila at hinarap ang salamin kung saan kita ang lugar na parang walang patutunguhan. Walang katapusang daan, walang kasiguraduhan kung ligtas ba, at napakadilim sa gabi na halos wala silang makita.

"Kasi kahit anong pag-uusap ang gawin natin, wala tayong ibang choice." Sumandal si Anya sa hamba ng pinto. "Ayaw ko rin naman, pero . . . wala akong ibang choice, Nicholas. Alam mong wala tayong choice."

Humarap sa kaniya si Nicholas at sumandal ito sa bintana. Maya-maya ay naupo ito sa kama.

Anya saw how Nicholas shut his eyes. One deep inhale and a deeper exhale on repeat. She was waiting for him to say something but didn't. Instead, Nicholas laid down, rested his arm above his forehead, covering his eyes, and started sobbing silently. She could see his chest and stomach moving.

Pagkatapos ng naging pag-uusap nina Anya at Jakob, umalis na siya sa bahay nito at naglakad sa buong Escarra. Pinanood niya ang mga batang naglalaro sa parke. Inaya pa siyang makipaglaro ngunit sa unang pagkakataon, tumanggi siyia.

Nilibot niya ang lugar at nakita kung gaano kasaya ang mga tao. Ligtas sa loob, malayo sa karahasan, sa gutom, at sa kadiliman ng mundong trinaydor na rin silang lahat.

Nahiga si Anya sa tabi ni Nicholas. Patagilid niya itong tinitigan.

Sa loob ng halos apat na taon, si Nicholas ang kasama niya. Si Nicholas ang bumuhay sa kaniya. Si Nicholas ang naging buhay niya. Ni hindi niya naisip na maghihiwalay pa sila dahil simula nang magsama sila, itinatak na niya sa isip niyang si Nicholas na lang ang gusto niyang kasama.

. . . pero kung siya ang magiging dahilan para mahirapan na naman ito at bumalik sa dati nilang buhay sa labas ng Escarra, hindi siya papayag.

Austin and Nicholas were Anya's priority now, not herself. Wala na siyang pakialam sa sarili niya. She swore she wouldn't be the reason for their danger. This time, it was time to give back for their sacrifices just to make her safe.

This time, Anya chose security and survival.

Hinaplos ni Anya ang pisngi ni Nicholas. "Mahal kita," bulong niya. "Sobra.

Anya shut her eyes for a second, letting herself feel the pain inside her heart for choosing the right thing. She knew this was the right thing to do. If Nicholas and Austin were okay, she would be, too.

NILINGON ni Nicholas si Anya nang marinig niya ang pagsinghot nito at nakitang natutulog ito sa tabi niya. Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng mga mata niya dahil hindi niya matanggap.

. . . at hindi niya matatanggap.

Maingat na bumangon si Nicholas. Hinalikan niya ang pisngi ni Anya. Gumalaw ito dahil sa ginawa niya kaya mahina siyang natawa ngunit nagmamalabis pa rin ang luha niya. Inayos niya ang buhok ni Anya at inipit iyon sa tainga.

Inayos niya ang pagkakahiga ni Anya at kinumutan ito bago lumabas ng kwarto. Una niyang pinuntahan si Austin. Hindi na niya binati si Mary at basta na lang siyang naglakad papasok sa kuwarto nito.

Nicholas couldn't think of anything just yet. He couldn't process what was happening until something inside of him snapped when he remembered the very first time he saw Anya.

"Grabe 'yung takot ni Anya noong araw na 'yun, Kuya." Ngumiti si Nicholas habang nakatingin kay Austin. "Gusto pa nga niyang bayaran ang kinuha niyang tinapay sa convenience store samantalang kaming lahat, nagkakagulo na. Walang bayad-bayad. Gutom na, e."

Nilingon ni Nicholas ang monitor ni Austin. Normal ang heartbeat, blood pressure, oxygen, lahat.

"Gising ka na, Kuya. Gising ka na para hindi mawala sa 'kin si Anya." Humikbi si Nicholas. "H-Hindi ko kaya. Nakikiusap ako sa 'yo. Please, kung naririnig mo 'ko. Gising ka na. Umalis na lang tayo rito sa Escarra. H-Hindi puwedeng ganito."

Alam ni Nicholas na suntok sa buwan ang hiling niya, pero wala namang masama kung mawawala na rin naman lahat sa kaniya. Si Anya na lang ang mayroon siya at wala na siyang pakialam sa kung ano ang nandito sa Escarra. Sa naisip, tumayo si Nicholas at nagmamadaling lumabas ng infirmary.

Nicholas ran as if someone was running after him. He ran as if the time was up, as if it was the end of everything.

Nakatingin sa kaniya ang mga tao, ang mga ranger na nakasasalubong niya. Mabilis . . . hanggang sa marating niya ang bahay ni Jakob. Akmang papasok siya sa loob nang harangan siya ng dalawang ranger.

"Ano'ng ginagawa mo?" Hinawakan siya sa dibdib ng isa. "Hindi ka puwedeng pumasok dito."

"Kailangan kong makausap si boss," pagsusumamo ni Nicholas. "Please. Nasa loob ba siya?"

Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Hindi ka puwedeng pumasok dito basta-basta, Nicholas. Ano ba'ng kailangan mo? Ako ang kakausap kay boss. Alam mo ang rules," mahinahong sabi nito.

"Kailangan ko siyang makausap." Mabigat ang bawat paghinga ni Nicholas. "Please."

Bumukas ang pinto. Nakatayo roon si Jakob, nakapamulsang nakatingin sa kaniya bago tumalikod. Iniwan nitong nakabukas ang pinto kaya hinayaan na rin siya ng mga ranger na pumasok sa loob.

Sumunod siya kay Jakob na dumiretso sa back door ng bahay. Ito ang unang pagkakataon niyang makapasok sa loob. Tahimik, madilim, at malamig. The place looked lonely and boring.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ni Jakob na nakatayo sa balcony ng garden sa likod. Mayroong firepit sa gitna na napalilibutan ng concrete na upuan.

"Sinabi na sa 'kin ni Anya lahat," sagot ni Nicholas at nilingon si Jakob na tumingin sa kaniya.

Wala man lang siyang nakitang gulat o kahit na anong reaksyon. Mukha itong naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Bakit sa lahat ng babae, bakit si Anya?" tanong niya. "Boss, 'wag naman ganito. Kahit ano, gagawin ko . . . 'wag lang si Anya."

"Wala akong kailangan sa 'yo," seryosong sabi ni Jakob bago ito tumingin sa kung saan. "Si Anya ang kailangan ko."

Nagsalubong ang kilay ni Nicholas dahil wala man lang itong pakundangan. Ni walang pagsisisi sa mukha habang nakatingin sa kung saan . . . na para bang simple lang ang hinihiling.

"Hindi simple ang gusto mo. Hindi gamit si Anya na dahil gusto mo, makukuha mo. Mahal ko 'yung tao, boss. Nakikiusap ako, 'wag si Anya. Kahit alilain mo ako, gagawin ko . . . nakikiusap ako sa 'yo," pagpapatuloy ni Nicholas.

Walang naging sagot si Jakob. Nakapamulsa itong diretsong nakatayo na hindi tumitingin sa kaniya.

"Mahal ko si Anya at mahal niya ako," diin ni Nicholas. "Hindi mo puwedeng gamitin ang meron ka rito par—" Tumigil siya sa pagsasalita nang patagilid na tumingin sa kaniya si Jakob.

"Wrong," Jakob said in a low voice. "Saan ka nakatapak ngayon?"

Hindi sumagot si Nicholas. Alam na niya kung ano ang patutunguhan ng usapan nila.

"Sa Escarra. You're on my land and I can do whatever the fuck I want," diin ni Jakob habang nakatitig sa kaniya. "Leave. Sinabi ko naman kay Anya na walang problema sa 'kin. She can refuse, she can leave. Walang problema sa 'kin, pero magkakaproblema sa parte n'yo. Madali akong kausap. Uulitin ko. Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan si Austin."

Tumalikod si Jakob at nilagpasan si Nicholas. "Si Anya lang ang kailangan ko at alam niya ang kondisyon ko."

"Boss. Nakikiusap ako sa 'yo," mahinang sambit ni Nicholas. "Nakikiusap ako. 'Wag si Anya."

Humarap si Jakob kay Nicholas. Magkasingtangkad silang dalawa, halos pareho ng body built. Hindi na siya nagulat nang unti-unti itong lumuhod sa harapan niya.

. . . at nang tuluyang mapaluhod, yumuko si Nicholas.

Nanatiling walang reaksyon si Jakob.

"Please, boss. Ano ang puwede kong gawin? 'Wag ito."

Tumingala si Jakob at umiling bago niya ibinalik ang tingin kay Nicholas na nanatili sa ganoong posisyon. "Kung ano ang desisyon ni Anya, 'yun ang sagot sa tanong mo."

Nag-angat ng tingin si Nicholas nang marinig ang bawat hakbang ni Jakob papalayo sa kaniya. Kumuyom ang dalawang kamay niya dahil alam na niya ang sagot.

. . . sagot na kahit kailan, hindi niya matatanggap.





T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys